Nagising si Carmela dahil sa liwanag nang ilaw na tumatama sa kanya. Sinubukan nyang igalaw ang kanyang kamay, ngunit nabibigatan sya sa kanyang pakiramdam. Marahan nyang iminulat ang kanyang mata. Bumalandra sa kanya ang puting kisame nang hospital. Kumunot ang kanyang nuo sa pag tataka. Bakit nandirito sya ngayon sa Hospital? Ano ang nangyari? Wala syang maalala na mga nangyari. At higit sa lahat ay bakit parang nanghihina ang kanyang pakiramdam? Para syang pagod na pagod na hindi maipaliwanag. May mga naka kabit na mga kubyertos ng hospital sa kanyang katawan. Maraming naka turok sa kanya. Nararamdaman nyang may nakahawak ngayon sa isa nyang kamay. Hindi nya lang makita kung sino ito dahil hindi sya maka bangon. Kung kaya pinilit nyang igalaw ang kanyang daliri. "A-ahhh..." Utas nya. Nagising si Axcel nang maalimpungatan sa narinig. Agad syang napa tayo sa pagkaka upo para i-check si Carmela. Nag tama ang kanilang paningin, sobrang nag aalala ang tingin ni Axcel sa kanya, "Ca
"Earth to Carmela!" Napatingin kay Renz na seryosong naka tingin sa kanya, "Are you still here on earth? Seems like your soul is currently travelling in outer space huh? Saan na nakarating moon? saturn? mars? or Jupiter?"Napakurap-kurap sya, "Ano nga ulit 'yon?" Sa sobrang dami nang kanyang iniisip dahil sa sinabi ni Bruce ay hindi nya na marinig ang kanyang paligid. Mas malakas na kasi ang boses sa kanyang utak. Iniisip nya kasing maaring si Pearlyn ang may gawa non, kaya nakaka bigla lang na si Axcel pala ang may kagagawan ng bagay na ganon. Napa buntong hininga si Renz, "simula nang umalis ang mga Promises dito sa kwarto, hindi kana maka usap ng maayos. Ayos ka lang ba talaga? O may mga nasabi sila sayo dahilan nang pagka tahimik mo?" Tipid syang ngumiti, "Ano ka ba! Syempre ayos lang ako, kung hindi siguro ako ayos ay kanina pa ako walang malay!" Pang kukumbinsi nya kay Renz. Naningkit ang mata nito sa kanya, "Are you sure? Why it seems like you're lying about your condition?
Lahat ng Promises ay naka tingin sa mini version ni Axcel na busy sa pag draw-drawing. Naka palibot sila sa Bata habang seryoso nila itong pinapanood. "Wala pa nga tayong mga anak pero heto may pinapa aral na tayo" anang ni Neil. Hindi naman sya nag rereklamo, pero parang nagdagdagan kasi ang kanilang responsibilidad. Sabagay noong ikasal si Axcel at Carmela, biniro nila noon si Carmela na sila na ang bahala sa bahay at lupa at kung ano ano pa. Mukhang nagkatotoo mga pinag sasabi nila at heto, Bata ang natamo nilang responsibilidad. Ibang klase!Napahalukipkip si JohnRobert, "Magkano na nga pala ang ambagan natin para sa school fees nya?" Naisipan kasi nila na ipasok na sa Daycare si Arkin kahit apat na taong gulang palang nito, at sila na mismo ang mag papa aral sa Bata. Hindi na sila kumuha ng private tutor nya dahil may kanya kanya silang schedule sa pag tuturo kay Arkin. Iyon lang ay kung tama ba ang kanilang tinuturo sa paslit. Mabilis lang naman itong matuto, at gaya ni Axce
Magkaka sunod na pumarada ang sasakyan sa labas ng school campus ni Arkin. Lahat ng tao ay nakatingin sa apat na sasakyan na mag kaka sunod. Mas lalo itong naging agaw pansin ng isa isa silang lumabas ng sasakyan. Rush lang ang pag gawa ng assignment ni Arkin kanina dahil nakalimutan nila itong gawin kagabi. Naging busy din kasi sila sa mga nag daang araw. "Let's go mga Ninong..." Aya sa kanila ni Arkin. Hinawakan ni Tristan at JR ang magkabilaan nitong kamay. Naka sunod naman ang iba sa kanilang likudan. Ang mga teachers ay nahulog ang panga nang makita sila. At as usual, puro kindat nanaman ang mga unggoy na para bang papanagutan nila kapag may natanggalan ng garter ng panty o kaya naman nabasa! Habang nag lalakad sa hallway, rinig nila ang mga bulong bulungan. "Hindi naman nila nasabing pupunta sila ngayon sana ay nag ayos ako!" "Beh, tignan mo nga mukha ko, ayos lang ba? Hindi ba mukhang espasol sa puti?""Ang gwapo talaga ni Tristan!""Balita ko ay may lahing Japanese si
3rd Person Point of View: Lumagapak ang malakas na sampal sa kanyang pisngi dahilan nang pag tabingi ng kanyang mukha sa kanan. Ramdam nya ang hapdi sa lakas ng sampal, kulang nalang ay lumipad ang kanyang ulo. Hindi sya makapaniwalang napa tingin sa Babae. "Sa tingin mo ginawa ko ang desisyon na 'yon para sa sarili ko!? Sa tingin mo ba ay hindi ang sarili mong kapakanan ang iniisip ko?! Ganoon ba ang tingin mo!!" Bulyaw nito.Luminga linga sya sa paligid upang tignan kung may taong pwedeng maka kita sa kanila. Nasa likudan sila ng Mansion. Walang ibang makaka kita sa kanilang dalawa dahil natatakpan ng malalaking tanim na sunflower ang kanilang kinaroroonan. "pero—" napahawak sya sa kanyang pisngi na mahapdi at namumula. Nag trace pa nga ang palad ng matanda sa kanyang pisngi. "Gusto mo bang mabulok sa kulungan?!" Mas lalo pang tumaas ang boses nito na ngayon ay nanginginig sa takot dahil sa mga posibilidad na mangyari. "Hindi kita kinuha na manirahan dito sa Mansion para lang ma
Napahilamos si Carmela pagkarating nya ng kanyang kwarto. Pagkatapos ay seryoso syang napatingin sa salamin, seryoso sya habang nakalagay sa magkabilaang lababo ang kanyang kamay. Napakagat sya sa kanyang pang ibabang labi, nararamdaman nya ang mga labi ngayon ni Axcel, "You're literally nUts, Carmela!" Bulong nya sa kanyang sarili. Kinuha nya ang towel sa isang gilid para punasan ang kanyang mukha, pagkatapos ay aggressive nya itong pinunas sa kanyang labi, binubura ang marka ng labi ng lalaki sa kanya. Padabog nya itong binagsak sa sahig at marahas na inabot ang isang malaking gunting sa cabinet. Matamaan nyang tinitigan ang kanyang sarili. Mukhang wala na sya sa katinuan ngayon. Hinawakan nya ang kanyang buhok, pinapantay ito. May kahabaan na kasi ang kanyang buhok, umaabot na ito sa kanyang baywang kung kaya maganda sigurong putulin ito ngayon. Inangulo nya na ang gunting at kapag kwan ay agad nya itong ginunting. Nahulog ang mga hibla ng buhok sa sahig ng CR. Kasabay ng pag b
Hindi pa rin natatanggal sa isipan ni Axcel ang mukha ni Carmela. Tulala sya sa kawalan, bakit kaya ginunting ni Carmela ang kanyang buhok? Mas lalo kasing gumanda ang Babae, mas tuloy tumatak sa kanyang isipan ang mukha nito. Sinabi nila kapag daw ginupit ng Babae ang kanilang buhok, sila ay nasa process ng pag mo-move on. Ganoon ba ang ginagawa ngayon ni Carmela? Nag mo-move on sya. "Babe!" Tawag sa kanya ni Pearlyn. Nag bababad sila ngayon dito sa pool pero ang kanyang utak ay lumilipad kay Carmela. "Hmm?" Napatingin sya kay Pearlyn na ngayon ay salubong ang kilay. Kanina pa ito nag sasalita pero para syang bingi na walang narinig. "C-can you c-come again?" Naaawa ang mga mata ni Pearlyn na lumapit sa kanya, "I know you're still on shock na si Unad na pala ang kinakain mo kanina. I feel terrible. Napaka walang puso talaga ni Carmela para gawin ang bagay na 'yon sa inosenteng manok! You see? That's the way she is... A heartless b!tch..." Kunwaring inaayos ni Pearlyn ang ibang h
Kinuha ni Carmela ang kulay pulang body con dress na naka lapag sa ibabaw ng kama. Hindi sya ang pumili ng kanyang isusuot ngayong family dinner. Actually, super late na nga nya nang i-text si Tristan na kailangan nya ng susuotin, nawala kasi sa kanyang isip na ngayon pala 'yon gaganapin.Ngayong gabi ang dating nila Tito Ortiz, Tita Regina, at Veronica galing Europe. Pupunta rin ang ibang kasapi ng pamilya Mostrales. Kaya inaasahan nang madaming sosyal at bigatin na tao ngayong gabi dito sa Mansion. "Masyadong revealing naman kung tignan ang napili ni Tristan!" Anas nya habang sinusuot ang dress. Hapit na hapit kasi ito sa kanyang katawan, mas lalong na defined tuloy ang hubog ng katawan nya. Mukha syang dalaga kung tignan, parang hindi nagkaroon ng dalawang anak. Bata pa naman naman sya, ang kaso lang ay hindi sya sanay sa ganito. "Maikli na nga, sabog na sabog pa kung tignan ang hinaharap..." Reklamo nya, "Baka mamaya may masabi nanaman sila tungkol sa suot ko!" Wala naman syang
Pansamantalang itinigil ang pag ku-kwestyon kay Murphy dahil kahit anong pilit nilang sumagot ito ay mukhang wala itong balak mag salita, nawalan na ata nang boses ang G4ga! Hindi naman pwedeng mag tutuloy-tuloy ang lahat, buti nalang talaga at naibigay na nila ang ebidensya sa mga awtoridad. Laking tulong din talaga ang boses nang nga mamamayan nang mapanood ang balita. Hindi lang sya ang humihingi ng hustisya — marami sila. Si Axcel ay nasa loob ng investigation room para mag bigay nang kanyang panayam tungkol sa sitwasyon na kanilang kinakaharap ngayon. Pinapanood nya ang nang hihinang mukha ni Axcel sa one way mirror. Dinudurog sya habang pinapakinggan ang mga sagot nang lalaki. "Sigurado ka bang wala kang planong pagaanin ang kaso nang iyong Ama?"Umiling ito, "He deserves it..." Hindi nya na narinig ang mga sumusunod nitong sasabihin dahil...Nawala ang atensyon nya sa pinapanood nang tumunog ang kanyang cellphone. Number ito nang isa sa mga tauhan ni Bruce. Matapos nya kasin
NANGINGINIG ang kamay ni Regina habang inilalagay sa kanyang maleta ang kanyang ibang mga gamit. Halos lahat sila sa loob ng Mansion ay nag kakagulo, gusto na nilang umalis sa Pilipinas sa lalong madaling panahon bago pa tuluyang lumalin ang mga imbestigasyon at mag sama-sama pa silang lahat bumagsak sa loob ng kulungan. Kaliwa't kanan ang kanilang pagiging aligaga at panay ang tingin nila sa orasan. May flight kasi sila na kailangan nilang habulin na ka bo-book lang din nila. Salamat nalang talaga sa kanilang attorney na matalino't magaling dahil naka alis sila ng presinto kanina! Si Murphy lang ang naiwan duon dahil mas mabigat ang ebidensya na naka turo sa kanya. Hindi na nila alam ang mga nangyayari dahil wala silang koneksyon sa loob, baka mamaya ay nilalaglag na rin sila ni Murphy sa iba pang mga kasalanan! Ang Loko na 'yon! Tama lang na pinahiya sya ni Carmela sa public para si Murphy lang ang pag tuunan nang pansin nang lahat! Pumasok si Aegin sa kwarto ni Regina. Hanggang
Naunang nakadalo sa kumpanya si Ronald at Precious. Ilang minuto na silang nasa loob nang kanilang sasakyan. Dinudumog kasi sila ng mga reporter ngayon, panay ang pag flash nang kanilang mga camera at ang iba naman ay sabik nang maka kuha ng kanilang panayam sa nangyari. Hawak ni Ronald ang lagayan. Mabigat ang kanyang nararamdaman ngayon sa hindi maipaliwanag na dahilan. Hindi ito hinahawakan ni Precious dahil para sa kanya ay nandidiri sya. Isasama sana nila ngayon si Pearlyn pero kailangan nilang ipakitang na kay Carmela lang ang atensyon. "I think we should go outside bago pa dumating ang mga Mostrales..." Hindi sumagot si Ronald duon. Nakatulala lang syang pinapanood ang mga tao sa labas habang mahigpit ang pagkaka kapit sa inaakalang abo ng katawan ni Carmela. "Do you think this is really an ambush against my political run?" Iyon lang kasi ang nakikita nilang rason kung bakit nila kinabitan ng Bomba ang sasakyan ni Carmela. Iyon din kasi ang sinabi sa kanila ng mga Mostrale
"Cheers?" Itinaas ni Murphy ang kanyang wine glass sa ere. Anong oras na ng gabi at natanggap na nila ang report na sumabog na ang bombang inilagay nila sa sasakyan, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakauwi si Manong Gab at Axcel. Iniisip nila na paniguradong nag luluksa na ang dalawa sa pagkawala ni Carmela. Ngayon, panahon naman na upang mag saya sila dahil sa wakas ay nagawa na nilang pabagsakin si Carmela dahil alam naman nilang makakapasok na sila kapag si Axcel na ang naupo sa pinakamataas na posisyon. Ipinag lapit nila ang kanilang mga baso dahilan nang malakas na tunog nito na umalingawngaw sa buong Mansion. Lahat sila ay may ngiting tagumpay sa kanilang mga labi. Ang karamihan ay dahil sa pera, kapangyarihan, at kumpanya. Habang si Pearlyn naman ay masosolo nya na si Axcel at hindi na kailan man malalaman ng kanyang magulang ang katotohanan. Ininom na nila ang kani-kanilang baso ng wine, "What a wonderful night..." Bulong ni Pearlyn. KINUHA ni Axcel ang kumot sa lo
Matapos ang usapan at mamatay ang tawag ni Jenny sa kanya ay bigla syang may natanggap na text na nang gagaling kay Manong Gab. Hindi nya na sana 'yon babasahin dahil pabalik na sya sa kanilang pinag parking-an nang mahagip nang kanyang mata ang salitang 'patawad' sa screen. Pinindot nya nalang ang text dahil sa pag tataka kung bakit ito humihingi ng tawad sa kanya kung pwede namang mamaya nalang sa loob ng sasakyan, hindi ba? "Carmela, sana mapatawad mo ako sa aking nagawa... lalo na sa pagka sira nang pamilyang binuo n'yo ni Axcel. Kasalanan ko kung bakit ito nasira... At sana mapatawad mo rin ako kung bakit hindi ko kayang harapin ang mga kabayaran sa aking nagawa." Nag sisimula nang bumilis ang tibok nang kanyang puso sa kanyang binabasa, "Ako ang naka patay kay Cody... ako ang salarin, ako ang truck driver..." parang nahulog ang kanyang puso. Si Manong Gab? Paano nya ito nagawa? At bakit?....Para syang pinag taksilan... Hindi... literal na pinag taksilan talaga sya. Namuo a
Naalimpungatan si Carmela ng makaramdam sya ng pagka lamig. Nanlaki ang kanyang mga mata nang maramdaman nyang naka sandal sya sa balikat ni Axcel. Kaagad syang umayos nang upo at tinanggal ang jacket na naka patong sa kanya. Alam nyang kagaya nya ay nilalamig na ngayon si Axcel. Inilagay nya rin ito sa lalaki. Napa buntong hininga sya. Anong oras na pero mukhang wala pa atang balak rumesponde ang mga empleyado. Pinakatitigan nya si Axcel na mahimbing na natutulog. Malumanay at puno ng rahan nyang inayos ang buhok nito para hindi sya magising. "Ano ba Carmela!" Wika nya sa kanyang sa loobin. Bumaba kasi ang kanyang tingin sa mapulang labi ng lalaki. Hindi nya maipaliwag ang kanyang nararamdaman na para bang gusto nya itong halikan na hindi. Ilang dangkal nalang ang lapit nang kanilang mukha at mukhang nananalo na ang sigaw ng kanyang puso. Unti-unti na syang napapalapit sa lalaki nang biglang mabilis na nag bukas ang pintuan ng elevator. Napa tingin sya duon, "Shit!" Utas nya nang
"I really can't believe what's happening right now!" Si Tita Regina na kanina pa pabalik balik sa kanyang nilalakadan. Matapos ang mga pangyayari kanina sa opisina ay kaagad silang umuwi. Lahat sila ay wala sa katinuan at kapwa lumilipad ang mga utak—kung paano patalsikin si Carmela sa pwesto. "Hindi naman natin sya basta bastang matatanggal kung sya ang napiling taga pag mana ni Papang..." Muling humithit sa sigarilyo si Ortiz, "Besides, mukhang pinag isipan pa ito ng mabuti ng matanda bago sya pumanaw... Sa lahat pa talaga nang tao na pwede nyang pamanahan, bakit pa ang Babaeng p0kp0k na 'yon?" Niyupos nya ang sigarilyo sa isang Ashtray. Napa ngisi si Pearlyn nang may pumasok na ideya sa kanyang utak. Hindi nya na kasi kayang pigilan pa ang gigil nya kay Carmela. Nakaka asiwa lang isipin na pinapaburan nanaman si Carmela nang mga mahahalagang bagay ng Tadhana. Paniguradong magugustuhan ng pamilya ang kanyang plano. "Why don't we came out a plan?" Lahat sila ay napa baling sa kany
Aalis na sana ang mga Investors at ang mga mahahalagang tao nang biglang mag salita si Axcel na ikina tigil nilang lahat. "Since you're already the CEO of this company... Can I ask you personally?"Nagulat din sya sa biglang tanong ni Axcel. "Go on..." sumimsim sya sa wine na kanyang iniinom, pilit tinatago ang nararamdamang kaba. Paano ba naman ay seryoso kung makatingin sa kanya ang lalaki sa kanya ngayon. "I want to work here..." Nahulog ang panga nilang lahat sa kanyang sinabi. Maging si Carmela ay hindi nakapag salita ng ilang segundo. Tumayo ito mula sa pagkaka upo at humakbang papalapit sa kanya. Nakatayo na ang lalaki ngayon sa kanyang harapan, mata sa mata, lahat ng atensyon ay nasa kanilang dalawa. Ilang pulgada lang ang layo ng kanilang mukha sa isa't isa at nang susukat ang kanilang mga tingin "with a greater position in this company..." Nagsimula nang mag bulung bulungan ang mga tao sa kanilang narinig. Naiilang syang napa ngiti ng pilit, "What do you mean?" Grab
Tumingin si Carmela sa kanyang repleksyon sa harap ng salamin. Kanina nya pa kinakausap ang kanyang sarili. Hindi nya na nakayanan ang kanyang emosyon at nasabunutan nya na ang kanyang sarili. Paano ba naman kasi ay sasabihin nya na sana ang totoo kanina kay Axcel pero nong nakita nya ang lalaki ay bigla nalang syang napa takbo papalayo. "Come on Carmela!" Pang babawi nya sa kanyang tunay na huwisyo, "Come to think of it!" Tumaas ang tono ng kanyang boses, "If you accept the position of the company... hindi na nila pag iinitan si Axcel..." gaya nalang ng naabutan nya kaninang umaga na kinakawawa nila ang walang kalaban-laban na si Axcel at nang mas lalo nya pa itong ma pro-protektahan. "Hindi nga nila pag iinitan si Axcel, pero pano naman ako?" Tinuro nya ang sarili, "Siguro ay mas maganda na rin 'yon dahil kaya kong mang laban kahit papaano at nasa tamang pag iisip ako..." Napalunok sya nang maalala ang mga pag babago ni Axcel at ang akusa sa kanya nang kanyang mga magulang na na