Share

CHAPTER 1: ASTRID'S PAIN

Nag iimpake na ako ng gamit, mabigat ang loob ko ngunit wala na akong magawa dahil final decision na Yun ni Grandma.

Napabuntong hininga na lamang ako.

" So I guessed this is goodbye my lovely room , mamimiss Kita" sambit ko habang kinakausap Ang kwarto ko.

Niyakap ko naman ang mga unan ko na saksi sa lahat ng pag hihirap ko ng Ilang taon saksi sa mga luha ko.

" Aalis muna ako para mabawas bawasan Ang kahihiyan ng pamilya ko " wika ko Naman sabay higa.

Nakakainis Naman bakit umabot sa ganito I just want to have fun pero bakit ganito Ang nangyayari.

Nabulabog Naman ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.

" Hello" walang gana kung sagot.

" Hoy babae bat di ka pumasok !" Inis na wika ni Jen sakin.

Umirap Naman ako, ito talagang babaeng ito masyadong pabpabida sa bar na pinapasukan namin.

" Nag iimpake na ako, Ikaw tapos kana ba mag impake?" Tanong ko Naman sakaniya.

" Kagabi pa, bakit Kasi humarurot ka ng ganun Loka loka ka talaga " sermon Niya sakin.

" Psh, inis na inis ako sa nangyari sakin Nung Isang gabi" wika ko Naman at naalala ko na Naman Ang mga nangyayari.

Hayss!! Astrid Naman wag muna yung isipin.

" Kukunin ko muna Ang last sahud mo pang pamasahe natin, bukas na bukas susunduin Kita Jan. Dapat maaga ka para first trip daw tayo" wika naman Niya.

Naguguluhan naman ako sa sinasabi niya, ano bang first trip ang sinasabi nitong bruha kung bestfriend.

" What's first trip?" Tanong ko Naman.

" I dunno, basta basta bukas nalang malalaman din Naman natin yan e, babuuu muna " wika niya at pinatayan na ako ng tawag.

Bumuntong hininga naman ako at tumayo ng may kumatok sa pintuan ko.

Pag bukas ko ay bumungad naman sakin si Nanay Pasing.

" Andiyan na Ang mommy at daddy mo kakausapin ka daw Nila" wika naman Niya sakin.

Tumango naman ako bilang tugon sa mga sinasabi niya.

Nauna na Siya at sumunod na lamang ako, paniguradong sermon na Naman Ang aabutin ko dito.

" Astrid Clarisse!! Nakakahiya ka!!" Bungad agad ni Dad sakin.

Nakayuko lamang ako at tiningnan ang sahig, sanay Naman ako sa mga sinasabi nila pa ulit ulit nalang.

Nakakahiya ako, I'm such a disgrace in this family, the black sheep of the family!!

" Ano nakikinig kaba samin?" Inis na wika ni Daddy sakin

Tumingin naman ako sakaniya ng seryuso, pero di ako nag salita.

" Nasa tamang edad kana Astrid, Hindi mo ba naisip na mag bubuo ka ng sarili mong pamilya at kailangan mong maging responsable" Galit na wika ni Daddy sakin.

Bumuntong hininga naman ako ng dahil sa sinabi niya at tumingin sa malayo.

" Alam mo Astrid, sawang sawa na kami sa ugali mo, Diba gusto mong makuha Yung Mana na ibibigay ng Lola mo mag sikap ka !" Inis naman na wika ni mommy sakin.

Naririndi na ako sa pakikinig at tumayo na ako

" OO mag sisikap ako!! Fine! Yan Ang gusto niyo Diba edi di na ako uuwi dito once makaalis lang ako sa Bahay na to. Hindi niyo Kasi alam Yung trauma ko lagi niyong sinasabi sakin na ganiyan , ganito Ang dapat kung gawin!" Sigaw ko natahimik naman sila.

Umiyak na ako dahil punong Puno na talaga ako sa mga walang kwentang sinasabi nila sakin.

Bigla namang dumating si Grandma at nakatingin ito sakin na nakakunot ang noo.

" All those years na nag hihirap ako sa pagkamatay ni Grandpa Wala kayo!!, wag niyong sabihin sakin na mag move on dahil matagal ng nangyari Yun, f*ck that opinion!! Hindi niyo alam Ang sakit na nararamdaman ko buong buhay ko si Grandpa lang andiyan lagi sakin because you never treat me as your family Dad! Dahil ba anak mo ako sa labas? Dahil ba iba Ang mommy ko? tapos Ngayon sisisihin niyo ako na ganito ako!!" Sigaw ko habang umiiyak.

" Astrid!! Wala kang modo!!" Sambit ni Lola at sinampal ako ng ubod ng lakas.

Napahagulgol Naman ako at pinunasan ang mga mata ko.

Ngumiti naman ako ng mapait at tumingin Kay grandma.

" You never treat me as your grand daughter because you saw me as a curse to this family, ni Hindi mo nga ako gustong tumira dito since then right ??" Sambit ko sakaniya.

" Don't you worry, susundin ko lang Ang Sabi ni Grandpa na kunin ang para sakin. Sa oras na makuha ko na Ang Mana na para sakin aalis ako at Hinding Hindi niyo na ako Makikita dito!" Sigaw ko tiyaka umalis na sa harapan nila.

Tumakbo Naman ako papunta sa kwarto ko at sinara ito ng malakas.

Humagulgol naman ako ng iyak ng dahil sa mga sinabi nila sakin, simula ng makarating ako dito sa Bahay na to naging ganito na Ang buhay ko.

Si Popsy kasi Ang kumuha sakin sa Bahay Nung maliit pa ako dahil iniwan lang ako ng nanay ko.

" Sis" tawag sakin ni Adi, adi Ang palayaw ni Adrian.

" Not now Adi" sambit ko Naman habang umiiyak.

" Sis, ibabalik ko lang Ang bikining pula mo" wika naman Niya.

Bigla Naman akong napatigil sa pag iyak at binuksan Ang pinto.

" Ano bang sinasabi mo para kang sira" sambit ko Naman habang natatawa.

Para din akong timang, matatawa, maiiyak. Thankful lang ako na may kapatid akong ganito kailanman Hindi Siya nag sawang suyuin ako sa tuwing ganito Ang sitwasyon ko. Maliit pa lang Kasi yang si Adi lagi nalang siyang iniiwan ni Mommy at Daddy sakin dahil sobrang busy nila si Grandma Naman ay busy din sa hacienda kaya lumaki yang Ako Ang tinatawag na Mommy.

" Hays, I know super harsh ng mga salita na ibinato ng mga family is love natin jusme para namang di nag rebelde noong kapanahonan Ang mga Akla na yan" wika naman niya at inilabas Ang ice cream.

" Hays, hayaan muna matitigil lang ito pag aalis ako sa Bahay na ito" wika ko Naman sakaniya.

" Jusko ate ko wag mo akong iwan" wika naman Niya.

" Hindi kita iiwan kailangan ko lang mag hirap para makuha Ang Mana, unlike you na may Mana na" sambit ko Naman sakaniya.

" Diyan ka nag kakamali, we're in the same situation laging hinuhusgahan but iba lang ang hinuhusga nila sakin. Nasasaktan ako pero Keri lang Naman ng dalawang balls ko Ang mga binabato nilang salita sakin" sambit Naman Niya habang natatawa.

Hinampas ko Naman siya dahil sa kalokohan Niya, Hindi ko alam kung anong nakain ng kapatid ko at naging bakla Siya natatawa Naman ako dahil sa kabaklaan niyang taglay.

" So what time ka aalis bukas?" Tanong Niya naman sakin.

" Sabi Nung Loka loka maagad daw e" wika ko Naman sakaniya.

" Sis ha wag mong kalimutan na tumawag sakin dahil kung hindi mo ako tatawagan pupuntahan Kita sa maynila" wika naman ng Kapatid ko.

Natawa na lamang ako dahil sa sinabi niya sakin, sa probinsya kami lumaki Minsan lang din kami sinasama sa maynila kaya parang ignorante pa ako sa mga bagay bagay Doon, pero lumaki ako na maarte at may pag ka conyo aaminin kung spoiled brat din ako dahil Kay popsy.

Natapos na kaming kumain ng ice cream, dito na din Siya natulog sa kwarto ko para gumaan daw ang pakiramdam ko.

Sana maging madali lang ang trabaho ko, hays.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status