Share

CHAPTER 2: BYAHE

Maagang maaga pa ngunit may kumatok na sa pintuan ko na halos magiba na yung pinto ko kaya nag mulat agad ako at tiningnan ang orasan na makasabit sa taas ng bookshelf.

" 5 am pa naman ah" sambit ko.

" Sino ba yan sis Ang ingay!" Reklamo na wika ni Adi kaya nag tungo na ako sa pinto at agad itong binuksan.

Bumungad naman sakin si Jenifer.

" Hoy best!! Grabe ah kanina pa ako 3 am dito sa Bahay mo!" Inis niyang wika.

" Ang aga mo Naman " reklamo ko sakaniya.

" Ano kaba maaga ang first trip natin, bilisan mo na diyan dahil aalis na Tayo!" Wika naman Niya sakin at tinulak tulak pa ako.

Nag mamadali na akong mag bihis Yung mga mamahaling damit Ang isinuot ko at nag high heels pa ko, nag make up din ako ng bonggang bongga.

Mga ilang minuto ko lang ginawa Yun dahil kakailanganin na maging presentable ako sa unang trabaho ko baka Hindi ako matanggap ng boss ko pag dugyot akong tingnan.

" Wow naman Astrid america ba Ang pupuntahan natin" sarkastikong wika ni Jenifer sakin.

" What are you saying? Ikaw nga Naka Chanel ka, alam mo Jen dapat maging presentable Tayo sa boss natin ofcourse office Ang pag tatrabahuan natin ano kaba Naman " wika ko sakaniya at nauna ng umalis habang dala dala ko Ang maleta ko.

Ipinakuha ko na din Ang tatlong maleta ko na naiwan sa kwarto bale Lima lahat ng maleta Ang meron ako.

" Mag ingat kayo doon at Ikaw Astrid mag pakatino ka doon" wika naman ni Lola.

Umirap lang ako.

" Yeah yeah, what ever" sambit ko.

Bumaba naman si adi at nag beso beso Naman kami tiyaka na kami umalis ni Jenifer.

This is it!! I'm so excited.

" Do you think maganda ang sasakiyan natin now?" Tanong ko Naman Kay Jenifer.

" I dunno e , sana nga maganda dahil ayukong madumihan itong chanel na bag ko, okay lang naman kung di maganda atleast maganda tayo" wika naman ni Jen sakin habang nakangisi

" Ofcourse we're very gorgeous And me too ano Ang Mahal Mahal kaya ng damit ko tapos ipapadumi ko lang, na-uh" wika ko at nakapandekwatro pa ako habang nag reretouch ako ng Mukha ko.

" Andito na Tayo ma'am " wika naman ng driver namin.

Binuksan Niya naman Ang pinto at bumaba na kami.

Pag baba namin ay bumungad naman Ang maalikabok na daan atyaka Ang daming tao.

" Omy G!! Ayuko dito , no -no -no!" Wika naman ni Jen babalik na sana Siya sa kotse ngunit agad agad namang pinaandar ng driver Ang kotse.

" Hoyyy bumalik ka dito!!" Sigaw namin but Hindi na Niya kami naririnig at humarurot na Siya ng takbo paalis sa kinaroroonan namin.

" Here?? " Wika ko Naman.

" Yeah, h-here. Parang palengke ito" wika naman ni Jen.

" You're right so many vendors oh and look Ang daming tao" wika ko Naman hang tinuturo Ang mga taong naka pila.

" Ma'am San kayo tutungo?" Tanong naman ng Isang lalaki samin.

Tiningnan Naman namin Siya ng head to foot at sabay kaming nandiri ni Jen.

" Manila!! Manila!! Sinong tutungo sa manila!" Sigaw Ng Isang lalaki.

" Hello mga magagandang dilag San kayo pupunta?" Tanong naman Niya samin.

Isang lalaki na nakangisi ang nag tanong samin kaya scary siyang tingnan.

" Manila" maarteng wika ko.

" Sige po pumwesto na po kayo dun" sambit Niya naman.

Bigla namang kinuha ng dalawang lalaki Ang maleta namin and naalarma Naman kami ni Jen kahit naka heels ako ay hinabol namin Yung dalawang lalaki ng maabutan namin Sila ay agad naman namin silang pinag papalo.

"Aray aray!!" Sigaw nila.

" Bring back our maleta!! You thief!!" Sigaw ko habang pinag papapalo silang dalawa.

" Ma'am, ma'am tama na po!" Awat samin ng lalaking nag tanong samin kanina.

" Alam mo ba dapat Kasi maraming security dito!" Inis na wika ko.

" Right!! Paano kung nakatakas Ang mga ito and then pinigilan mo pa kami!" Wika naman ni Jen.

Napakamot Naman Siya sa ulo niya kahit kalbo Siya.

" Ehh mga dispatcher po sila, trabaho po nila yan para di na po kayo mahirapan" sambit Naman Niya samin.

"D-dispatcher? " Nakataas na kilay kung sambit.

" Yes po dispatcher po kami" wika naman ng Isang lalaking binugbog namin ni Jenifer.

Napapikit nalang ako ng dahil sa hiya.

" Bayaran niyo kami ng double, Ang Dami niyong dala ang bibigat pa tapos binugbog niyo pa kami" wika naman nila.

" We're very sorry, first time Kasi namin dito, anong tawag niyo sa lugar na ito?" Tanong naman ni Jen.

" Terminal po ng mga bus Ayan Oh paalis na Ang pa maynila kaya sumakay na kayo nakakasakit kayo ng ulo" wika naman nila samin.

Binayaran Naman namin Sila ng 1k dahil sa ginawa naming pangbubogbog sakanila.

" Omy Ilan nalang natira sa Pera natin?" Tanong ko Naman Kay jen

" Don't you worry may 11k pa Tayo dito" wika naman ni Jenifer kaya nakahinga Naman kami.

Naka upo na kami sa upuan ng bus and super maganda Naman Kasi naka Aircon Siya.

Umandar na ito at bumyahe na Ilang oras na Ang dumaan at bigla nalang nag iba ang pakiramdam ko.

" Omyy I'm like going to vomit" sambit ko.

" Ako din!!" Sigaw ni Jen.

Kaya napatingin naman Ang mga pasahero samin.

" Omy give us some plastic bag !! My LV will be ruined!!" Sigaw ko.

Agad namang lumapit Ang Isang lalaki na may dala dalang plastic bag at binigyan Niya kami.

Sumuka Naman kami ni Jen ng walang tigil, parang mamatay na kami tapos tatlong oras Ang byahe.

Pinag titinginan na kami ng mga tao at pinag tatawanan dahil marami na kaming naisuka.

" Mamatay ata ako Bago ako makarating sa maynila" wika ko nanghihina na ako ng dahil sa pag susuka namin ni Jen.

" Nahihilo na ako" wika naman Niya.

Nakahiga na kami sa inuupuan namin at Wala ng silbi Ang mga mamahaling sinuot namin ni Jenifer dahil para na kaming mga lasing.

" Miss ito oh efficascent" wika naman ng Isang babae.

Wala na akong pakealam kaya kinuha ko na.

" Kumuha ka lang ng konti niyan at ipahid mo sa tiyan mo para di kana mag susuka" wika naman niya.

Sinunod ko Naman Ang sinabi niya at pinahid ko Naman ito, napadami Naman Ang Lagay ko dahil gusto kung tumigil agad ito.

Binigyan ko din si Jen at inilagay Niya naman ito sa may bandang itaas ng labi niya sa pagitan ng ilong at labi.

" Thank you" sambit ko at umupo na kami ng mabuti gumaan na Ang pakiramdam namin dahil sa kakaibang perfume na Yun.

Mga ilang minuto pa ay biglang uminit Ang parte na nilagyan ko at biglang umahang .

" Omy G!! What kind of perfume is that!!" Wika ko Naman .

" Ang anghang!" Sambit ni Jen.

Natawa nalang Ang babae samin. Panay reklamo Naman kaming dalawa ni Jenifer Hanggang sa makarating na kami sa kinaroroonan namin .

" Bumaba na kayo!!" Sigaw Naman ng lalaki at siningil kami sa pamasahe namin.

" Here's our bayad and keep the change buy something nice" wika naman ni Jen.

" Anong sinasabi mo diyan dalawang Piso na nga lang ang sukli niyo" wika naman Niya samin.

Napatingin Naman Siya samin na para kaming timang, dahil para na kaming ni r*pe sa loob ng bus Yung buhok namin ay sabog na sabog.

Kinuha na namin Ang maleta namin at pa gewang gewang Naman kaming lumabas dahil nahihilo parin kaming dalawa ni Jen.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status