Share

CHAPTER 4: KATULONG'S RULE

Hindi ko alam kung ano bang nararamdaman namin Ngayon ni jenifer.

Di na ako makahinga dahil sa sobrang kaba.

" Astrid right?" Sambit ng Mayora.

"Y-yea ma'am " wika ko Naman.

" No yes ma'am!!" Sigaw niya Naman.

Napahagikgik Naman ng tawa si Jen dahil wrong grammar Yung nasabi ng matanda.

" What's laughing ha!! " Sambit niya.

Humalakahak na kaming dalawa ng tawa, Nung kinaladkad Niya kami papasok ay agad naman Niya kaming Pina upo sa sofa at ininterview dahil iexplain Niya daw ang gagawin namin dito sa Bahay.

" Sobrang mga pasaway kayo!! You, you!! Ah Basta wag kayong tumawa!!"  Galit niyang sambit.

" We're very sorry po" natatawa kung sambit at maluha luha pa ako ng dahil sa sinabi niya kanina.

" Mga Wala kayong modo, tama nga Ang sinabi ni Samantha na Wala kayong mga manners!" Sambit Naman Niya.

Kinalma Naman namin Ang sarili namin dahil nangako kami na Hindi kami babalik Doon sa probinsya para mag linis ng kulungan ng baby Ang yucky kaya nun.

" So makinig kayong dalawa!!" Sigaw niya naman habang palakad lakad sa harapan at may dala dalang stick.

Nakakatakot siyang tingnan pag sumeryoso Siya ng tingin.

" Kayong dalawa bawal Ang tamad dito!! Wag kayong mag pa feeling prinsesa dahil katulong lang kayo dito!! uulitin ko KATULONG kayo dito" wika niya naman samin.

Agad Naman akong napangiwi ng dahil sa sinabi niya, so what kung katulong kami dito e katulong din Naman Siya.

" Maaga dapat kayong gumising, 5:30 palang ng Umaga gising na kayo, mag hihilamos, maliligo kayo ng maaga dahil kayo Ang mag luluto ng umagahan " wika niya naman.

Bigla namang bumilog Ang mata namin ni Jen.

" No-no please not that umagahan" wika ko Naman dahil Hindi kami marunong mag luto.

" At bakit Hindi?" Tanong Niya naman samin.

" Because we're not a good cooker, duh!" Wika naman ni Jen.

" Sige, kayo nalang Ang mag map Mula dito sa first floor Hanggang Doon sa 3rd floor, Doon Ang kwarto ng Gwapo at ho- ay Este ng amo natin!" Wika niya naman.

" Ang tanda niyo na po para lumandi" wika ko Naman sakaniya.

Bigla Niya naman akong sinamaan ng tingin at dinuro ng stick Niya.

" Yang bunganga mo lagyan mo ng sepper at brik dahil napaka daldal mo" inis Niyang wika sakin.

" So second rules na Tayo" sambit Niya naman sakin.

Huminga muna ako ng malalim baka may mas lala pa dito sa first rule Niya na maagang gumlising, omy God Hindi ako sanay na gumising ng 5:30 , 10:30 Yung exact gising ko para sa beauty rest ko.

" Second, bawal lumabas ng Gabi. Ayaw namin ng gala ng gala dahil baka mabuntis kayo diyan sa daan at masagasaan kayo ng rumaragasang jambo hotdog ng lalaki at kami Ang tatanungin ni Samantha " wika niya naman samin.

" Ang boring Naman kung Hindi kami gagala ano ikukulong niyo nalang kami habang buhay, Wala pa namang gwapo dito sa loob ng Bahay na ito puro Mukha mo pa ang makikita namin Araw Araw" reklamo Naman ni Jenifer sakaniya.

" True , I agree " wika ko Naman habang nakapandekwatro.

" Mga spoiled brat talaga kayong dalawa ah!! Gusto niyong pag papaluin ko yang mga Mukha niyo ng stick na ito" wika niya naman samin kaya natahimik na Naman kaming dalawa ni jenifer.

Di na ulit kami nag salita mahirap na at baka nga papaluin Niya kami ng stick Wala pa Naman si Samantha dito at di kami makakapag sumbong sakaniya.

" Bawal Ang cellphone at dapat 8 palang ng Gabi ay tulog na kayong dalawa. Bawal mag me-make up dito at bawal din Ang mag rereklamo kung uutusan kayo ng madami" wika naman niya habang naka cross arms.

" Lahat ng iuutos sa inyo dapat masusunod at gawin niyo ng mabuti ang trabaho niyo dahil sinasahuran kayong dalawa" wika naman Niya samin.

" Magkano ba Ang sahud namin dito" wika ko Naman.

" 15k a month , libre kayong dalawa dito" wika naman Niya samin.

Mukhang lugi pa kami ni Jenifer dun dahil it's so mahirap Ang gagawin naming dalawa.

" Map, mag laba kayo, mag lilinis kayo ng kulungan ng aso, kayong dalawa Ang mag aayus ng kwarto ni sir, kayo din Ang mag hahatid ng pagkain niya, at kung walang mag luluto kayo Ang mag luluto ng umagahan Niya" wika naman ni Mayora samin

" Omyg!! This can't be happen! Tapos Ang liit ng sahud namin it's just 15k" reklamo Naman ni Jenifer.

" True" sambit ko Naman.

" Mas Malaki pa nga Yan kesa mga ibang katulong dito na 7k lang ang starting" sambit Niya naman.

Kaya napabuntong hininga na lamang ako dahil sa sinabi niya, baka bawiin pa nito Ang sahud namin at gawing 7k Ang starting namin.

" Okay so that's it, please wag mo ng dagdagan pa ang gagawin namin" wika ko Naman sakaniya.

" Meron pa , maging personal p.a kayo ng boss natin dahil nga busy Yan sa trabaho Ikaw Astrid ay Ang Taga dala ng gamit niya, Ikaw Naman Jenifer Ang mag aayus ng gamit niya" wika naman Niya.

Nag tinginan Naman kami ni Jenifer at mukhang maaga kaming mamamatay nito dahil sa Dami ng pinapatrabaho nitong matanda samin, gusto ko nalang umalis dito at mag palaboy laboy sa daaan dahil sa Dami niyang sinasabi

" At OO nga pala, kayong dalawa din Ang mag go grocery every Saturday, Yan lamang at naiintindahan niyo Naman Diba dahil napaka klaro ng sinabi ko sa inyong dalawa " wika naman Niya.

Hindi na kami umimik ni jenifer dahil nag simula na kaming umiyak, pinunasan ko Naman Ang luha ko dahil naaalala ko pala na Hindi waterproof Ang eye liner at mascara ko.

" At bakit kayo umiiyak?" Kunot noo niyang sambit.

" It's because, napaka Dami and Wala kaming time for spa, shopping mag party sa bar. Omyg!  I didn't expect this" wika ko Naman at kinakalma Ang sarili ko dahil Mukha Naman akong hihimatayin nito.

" Mag si tigil kayong dalawa ha, Ang aarte niyo! Nga pala Wala pa dito si boss next day pa Siya uuwi kaya kailangan malinis na malinis Ang Bahay at wag niyong kalimutan Yung mga sinabi ko ilista niyo kung kinakailangan" sambit nya Naman.

" Sharmaine, ituro mo na sakanila Ang magiging kwarto nilang dalawa" wika naman Niya sa Isang babae na maputi na medyo may pag ka curly Ang kaniyang buhok.

" Sige po Mayora" wika naman Niya at Ng makaalis na si Mayora ay agad naman siyang lumapit samin.

" Pasensya na kayo ha, ganiyan talaga yang si Mayora matanda na Kasi, kayo nalang Ang mag aadjust" wika naman Niya.

Di Naman kami umimik ni Jen dahil Hindi parin kami Maka move on sa trabaho naming dalawa, Hindi ako makapaniwala na ganito Ang sasapitin ko dito sa maynila.

" Eto na Ang kwarto niyo" sambit Niya at Ng buksan Niya ito may nakita kaming ipis ni Jen at tatlo pa talaga.

" Omyg!! Ipis!!" Sigaw naming dalawa ni Jenifer.

Bigla nalang dumilim Ang paligid ko at sabay kaming dalawang bumagsak sa sahig.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status