Amari's Point Of View
Nakailang ayos na ako ng suot kong damit. Medyo naiilang kasi ako sa suot ko, pero hindi ako makapagreklamo lalo pa’t si Harper mismo ang pumili at nagbigay nito sa akin. “I didn't know that they invited a beggar in here.” Kahit na hindi ko lingunin, kilala ko kung kanino galing ang boses na ‘yon. At kay Hudson ‘yon. Ayaw kong masira ang araw ko ngayon. Nandito ako sa party na ito dahil imbitado ako ni Harper, ang boyfriend ko. At kapag pinatulan ko ito, paniguradong masisira ang araw ko, kaya naman hindi ko ito pinansin at mas tinuon ang tingin sa harap. Wala si Harper, nagpaalam naman siya sa akin kanina na may kakausapin raw at babalik. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya bumabalik. Ramdam ko ang paglapit ni Hudson sa pwesto ko. “Why are you here, beggar?” Pumikit ako nang mariin kahit na gusto kong sigawan siya sa mismong mukha niya dahil sa inis sa pagtawag niya sa akin na beggar, pero pinigilan ko ang aking sarili. “Malamang nandito ako kasi imbitado ako,” pabalang na sabi ko. “Saka, how about you?” Umangat ang kanyang kilay at saka mariin na napatiim ng bagang dahil sa sinabi ko. “Obviously, this is my party, that's why I'm here.” Natigilan ako saglit sa sinabi niya. “Panty mo—iste party mo?” “Yes, it's my welcome party.” Pinagdiinan pa talaga niya. “And if I had only known that they invited a beggar like you, I wouldn't have come here.” Keme akong napangiti sa sinabi niya, saka ko siya sinamaan ng tingin. Nakakarami na siya, parang gusto ko tuloy suntukin ‘yong pangit niyang mukha. Hindi na lang ako nagsalita pa sa sinabi niya. Sa halip, tinaas ko ang kamay upang tawagin ang isang waiter na may dalang mga wine. Kumuha ako ng isa at uminom. Napapikit pa ako ng maramdaman ang paghagod ng pinaghalong tapang at pait nito sa aking lalamunan. Nilingon ko siya, na ngayon ay nahuli kong nakatitig sa akin. Pinagtaasan ko siya ng kilay saka pinasadahan ng tingin. Ngayon ko lang napansin, he was wearing formal attire, nasa maayos at malinis na pagkakayos ang itim at medyo kulot niyang buhok. Gwapo naman siya, pero mas gwapo si Harper. They may look the same because they are identical twins, but Harper has a clean and neat appearance while this one looks like a bad boy—arrogant and intimidating. ‘Yong tipong isang tingin mo pa lang ay alam mong takaw gulo, dagdag mo pa ang napakadami niyang hikaw mula sa ilong, kilay, at tenga. Mukha tuloy siyang adik sa kanto, na kapag kinalabit mo ay manununtok agad. Hula ko rin ay nasa 6'5 siya, kasi mas matangkad siya kay Harper, na nasa 6'3" lang. Nakita ko ang pagtaas ng sulok ng kanyang labi. “I know I'm handsome, more attractive than your boyfriend… but stop staring at me like that. It makes me want to puke.” Napaawang ang aking labi sa sinabi niyang 'yon, at hindi makapaniwala na napatingin sa kanya. Gusto ko pa sanang supalpalin siya at sabihin sa kanya na hindi siya gwapo, pero ang gago ay mabilis na tumalikod at naglakad palayo. Inis ko tuloy nilagok ang wine na natira sa wine glass ko. Arogante! Nakaka-ilang baso na ako ng alak at pakiramdam ko ay umiikot na rin ang paningin ko. Siguro ay dahil sa dami ng alak na nainom ko. Kasalanan 'to ng ungas na 'yon, eh. Kapag andito o nagtatagpo talaga ang landas namin, laging nasisira ang araw ko. Kainis! Iniling ko ang aking ulo kahit na nahihilo na. Hindi ko dapat hayaan na masira niya ang araw ko, ang ungas na 'yon. Ngayon ang araw na nagpaplano akong ibigay ang aking sarili kay Harper, upang isuko ang aking katawan sa kanya. Ang perlas ng Silangan. Mahal ko si Harper at sigurado na ako sa kanya. Kaya kung isusuko ko man ang sarili ko, alam kong hindi ko pagsisihan 'yon. At alam kong mahal niya rin ako, dahil ramdam ko 'yon at araw-araw niyang pinaparamdam sa’kin na mahal niya ako, na ako lang. Kahit na nahihilo at nanlalabo ang aking paningin, pinilit kong tumayo mula sa pagkakaupo at pagewang-gewang na naglakad palayo sa hall, patungo sa silid kung saan naka-reserve ang room na tutuloyan namin ni Harper sa hotel na ito. Medyo nahirapan pa akong maglakad lalo na’t mataas ang takong ng sandal na suot ko. Mabuti na nga lang at tinulungan ako ng isang di kilalang lalaki sa pag-pindot ng elevator. Napansin niyang nahihirapan ako. Pasuray-suray akong naglakad makalabas ng elevator at humawak sa dingding upang magkaroon ng suporta dahil pakiramdam ko ay kapag hindi ako humawak roon ay mabubuwal ako anumang oras. Hinubad ko na rin ang suot kong sandals dahil sobrang bagal lang ito. Inayos ko rin ang pagkakasukbit ng aking shoulder bag sa aking balikat. Nasa tapat na ako ngayon ng pinakadulong kwarto. Ang sabi kasi sa akin ni Harper ay nasa pinakadulong bahagi ng 12th floor ang magiging silid namin. Luminga pa ako upang siguruhin kung tama ba itong napuntahan ko. Pero wala naman nang ibang silid rito kundi ito na, kaya sigurado akong ito na ‘yon. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga saka marahang umayos ng pagkakatayo. Inamoy ko rin ang aking hininga; mahirap na at baka bad breath na pala ako. Laking pasasalamat ko na lang at kahit papaano ay mabango pa naman. Pinihit ko ang siradora ng pinto, at hindi ito naka-lock, kaya agad na akong pumasok. Pabagsak kong binitawan ang aking dalang sandals sa may gilid. Hindi malinaw ang aking paningin; medyo blurred ito. Pero kita ko ang isang pigura ng lalaking tingin ko ay walang damit pang-itaas na nakahiga sa kama. This is it, Amari! Inabot ko ang zipper ng suot kong gown; hindi naman ako nahirapan na abutin ito. Nang tuluyan ko itong mabuksan, agad ko itong hinubad saka naglakad papalapit sa kama. Pinagapang ko ang aking kamay sa kanyang malaking at matigas na pangangatawan. Medyo nangunot pa ang noo ko nang mapansin na parang may ilang hibla ng balahibo ito. "What the fuck!" Natigilan ako saglit, naningkit ang aking mga mata saka mas lalong nangunot ang noo nang marinig ang malalim at baritoneng boses niya. Hindi ko alam kung bakit, pero ang boses ni Hudson ang naalala ko sa boses niya. At kailan pa naging kaboses ni Harper si Hudson na kambal niya? "Who are you, bitch?" Boses talaga ni Hudson ang naririnig ko, pero pinagsabahala ko iyon. Siguro kasi ay sobrang kalasingan at inis ko sa lalaking iyon kaya nag-iilusyon ako na naririnig ang boses niya. Damn?! Bakit ko ba siya iniisip? I'm with Harper now. I shook my head. Wala akong sinayang na oras; pumatong ako sa kanya, yumukod ako, at saka bahagyang hinalikan ang kanyang tenga at marahang sinipsip iyon. Narinig ko ang sunod-sunod niyang malutong na mura. At ang pagdinig sa kanya na umuusal ng ganoon ay nagbigay sa akin ng init. Pakiramdam ko ay biglang umiinit ang aking katawan. I traced my hands down to his abdomen, and I could feel his muscular perfect eight-pack abs. I planted a soft kiss down to his neck and broad shoulder, at narinig ko ang kanyang soft growl na mas lalong nagbigay-init sa akin. “Damn!” Mas lalo lang tuloy akong ginanahan na ipagpatuloy ang ginagawa ko. He should enjoy it, it's my first time. At talagang nanood pa ako ng mga p**n video para lang dito, just to make sure to satisfy him. I sucked his neck, leaving a mark on it, at napaungol siya sa ginawa kong iyon. Nakailang s****p pa ako roon at nag-iwan ng marka. Nang manawa ako, binalik ko ang paghalik sa kanyang labi na agad niyang tinugunan ng nagbabagang halik. Naramdaman ko rin ang bahagyang pagapang ng kanyang kamay sa aking likuran, na nagbigay ng kakaibang kuryente sa aking katawan. Pakiramdam ko ay para akong sinisilaban sa init na nararamdaman, lalo na sa paraan ng paghaplos niya. Wala pa man siyang kahit anong ginagawa, ay ramdam ko na ang pagkabasa ng aking pagkababae. Lumayo ako ng bahagya, and I heard him groan. Namungay ang aking mga mata na napatitig sa kanya. And I almost jumped onto his lap when he aggressively cupped my left breast. “You are going to fucking regret this, woman. I have sworn…” Pikit-pikit ang mga mata ko nang kinapa ko ang aking phone ng marinig ang pagtunog nito. Nang makapa ko ito, agad ko itong kinuha at sinagot. Kanina pa kasi ito tumutunog, at paulit-ulit rin na nag-play ang ringtone nito na sobrang lakas. “Hi, babe, where are you? Are you home? Did you go home early last night?" Nang marinig ko ang boses na ‘yon ni Harper, ang aking nobyo, ay mabilis akong napamulat ng mata—literal na napamulat. Napaupo ako, medyo napangiwi pa dahil sa ramdam kong pagkirot ng aking pagkababae. “Harper?" Tawag ko sa pangalan niya. Gusto kong makasiguro, baka pinaprank lang ako nito. Tingnan ko ang pangalan ng caller, at pangalan nga ni Harper. Napatingin ako sa lalaking katabi ko ngayon sa kama, tiningnan ko ang aking hubot-hubad na katawan na ngayon ay ang tanging kumot lang ang nagsisilbing pantakip. Napaawang ang aking labi nang may napagtanto. Kung hindi si Harper ang kasama ko?—huwag mo sabihing si Hudson ito? Sinilip ko ang mukha nito na ngayon ay nakapikit pa rin, mahimbing ang tulog. At ang ungas na si Hudson nga. Sinapo ko ang aking noo, at inis na napasambunot ng buhok. Anong katangahan itong ginawa mo, Amari? Jusko ka! Sa dami-dami talaga ng lalaki sa mundo? Bakit ito pang ungas na ‘to? “Babe, are you still there? Are you okay?" Rinig ko ang boses ni Harper na ngayon ay may bahid na pag-aalala. Muntik ko na makalimutan na nasa kabilang linya lang siya. Hindi na ako tumugon sa kanya at agad pinatay ang tawag. I don't want to be rude! Pero I have to leave this place bago pa magising itong katabi ko na may dalang delubyo. Marahan at maingat akong tumayo na walang ginagawang ingay. Kahit pa sobrang hapdi pa ng baba ko, pinigilan ko ang mapadaing sa tuwing humahakbang ako. Pinulot ko ang aking damit na sinuot kagabi, pero punit na ito maging ang underwear at bra ko. Napahilamos ako ng mukha. Jusko, ano na isusuot ko? Napadako ang aking tingin sa long sleeve shirt na panlalake na nagkalat sa sahig. Walang pagdadalawang isip ko itong kinuha at sinuot. Hanggang tuhod ko ito, nagmumukhang bestida ko. Dahil sa laki, bagay na okay na rin, dahil wala akong underwear at bra na masusuot, ay hindi ito mahahalata dahil sa suot ko. Nang masuot ko ito, agad akong lumabas ng silid. Jusko! Ano na lang sasabihin ni Harper pag nalaman niya ‘to? He will get mad surely if he finds out that I slept and had a one-night stand with his twin brother. Did I just really sleep and have a one night stand with my boyfriend's twin brother? Tanong niya sa sarili, habang pilit inaalala ang lahat ng nangyari kagabi.3rd Person's Point of View Nang marinig ni Hudson ang tunog ng pagbukas at sarado ng pinto, agad niyang dinalat ang kanyang mga mata. Kanina pa siya gising at kanina pa niya pinapakinggan ang usapan ng kanyang kambal at ang nobya nitong si Amari na kakalabas lang ng silid. Nagpapanggap lamang siyang tulog dahil ramdam niya ang pagkabalisa nito. He doesn't want to embarrass her, so he let her go out before he opened his eyes. Inalis niya ang kumot na nagsisilbing takip sa kanyang hubot-hubad na katawan at saka tumayo mula sa pagkakahiga. Pinulot niya ang kanyang itim na boxer na nakalat sa sahig at sinuot ito. Sumandal siya saka bahagyang kinuha ang pakete ng sigarilyo. He took one stick of cigarette from the box and lit it. Bahagya pa siyang napapikit ng mata nang maramdaman ang paghagod ng sigarilyo sa kanyang lalamunan, ang pinaghalong amoy na menthol ay siyang nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa kanya. It gave him chills, it was his stress reliever. Tumingin siya sa kama
3rd Person's Point of View Pagod na napasandal sa may likod ng kanyang kama si Amari, kakauwi lang niya. Tulog pa ang kanyang nakababatang kapatid na si Junjun at nasa kabilang silid ito na katapat lang ng silid niya. She couldn't help but think about what just happened last night, hindi maalis sa isip niya iyon. She feels disgusted at herself upon remembering what they did. Pero kahit hindi niya aminin, she enjoyed it, she enjoyed the night that she and Hudson shared. Hindi niya rin maiwasang makaramdam ng konting takot at pangamba na baka malaman ito ng kanyang nobyong si Harper at iwan siya nito. She cheated, at kahit sabihin man niyang aksidente lang ang nangyari sa kanila ng kambal nito, she still cheated on him. Nagtaksil siya sa nobyo niya, at kahit ano pa ang i-rason niya, pagtataksil pa rin iyon lalo na't may nangyari sa kanila. And they didn't use any protection. Siguro naman ay hindi ako mabubuntis agad? Lalo na't first time? At isang beses lang naman namin ginawa iy
3rd Person's Point of View Tahimik lang si Amari buong biyahe, naka-suot siya ng isang simpleng turtleneck dress na itim at may kaunting slit na umaabot hanggang hita. Hindi rin nagsalita si Harper at tahimik lang ito, diretso ang tingin nito sa daan at walang bakas ng emosyon sa mukha. Hindi niya rin alam kung naniwala ito sa palusot niya kanina na allergy lang ang nasa leeg niya. Pero tingin niya ay naniwala naman ito dahil hindi na nagtanong ulit si Harper. But she still couldn't help but to feel nervous, hindi niya alam kung andoon rin ba ang kambal ng kanyang nobyo na si Hudson. Tahimik na nagdasal si Amari na sana ay wala roon ang binata. Hindi naman ganon katagal ang naging biyahe nila at agad silang nakarating sa mansion ng mga Del Mundo. Pinagbuksan sila ng pinto ng guwardiya. Ipinark ni Harper ang kotse sa harap ng kanilang bahay. Naunang bumaba si Harper at siya mismo ang nagbukas ng pinto para sa kanya. She couldn't hide her smile sa ginawa ni Harper na ‘y
3rd Person's Point Of View Amari thanks God that she has successfully left the powder room. Hindi niya kaya magstay sa iisang lugar na si Hudson ang kasama, pakiramdam niya kasi ay may kung anong mga bulate sa tiyan niya. And he is not good for her system. She was about to walk and make her way into the dining area, but she was stopped when someone called her. “Hey you!” Napapikit nang mariin si Amari nang marinig ang matinis at maarte na boses na ‘yon ni Gladice, ex ng kanyang nobyo na si Harper. Napatingin siya sa suot nito at hindi niya maiwasang mapangiwi dahil sa sobrang ikli ng suot nitong damit,at dagdag mo pa ang sobrang kapal ng make-up nito. “Why are you staring at me like that?” Mataray siya nitong pinagtaasan ng kilay. “Well, I know I’m pretty, so you can’t blame me.” Maarti nitong hinawi ang kanyang buhok na mukhang bagong rebond, matapos sabihin ‘yon. The girl named Gladice was about to speak, pero bago ito magsalita, ay may isa nang nagsalita. “
3rd Person's Point Of View “What the hell are you doing in here, Gladice?” Mabilis na nilingon ni Amari ang kanyang likuran nang marinig ang boses ng kanyang nobyo na si Harper. Kita sa maamong mukha nito ang pinaghalong inis at galit habang nakatingin kay Gladice, na ngayon ay may ngiting malawak sa labi, nakatingin sa kanya. “And what the hell are you wearing, for goodness' sake?” Pinasadahan ni Harper ng tingin si Gladice. “You dress like you’re a fucking hooker.” “And you even look like Pennywise in your makeup.” Pinigilan ni Amari ang sarili na hindi matawa sa sinabi ng kanyang nobyo. “Honey, I just came here for you. Ganyan ba ang dapat na isalubong mo sa'kin?” Nakanguso na balik na sabi ni Gladice kay Harper. Napatiim ng bagang si Amari dahil sa paraan ng pagkakasabi nito, na para bang nagpapa-bebe pa. Idagdag mo pa na sobrang lagkit ng tingin nito sa kanyang nobyo. Kung wala lang kami ngayon sa bahay ng mga magulang ni Harper, ay baka kanina ko pa siya niyakap sa
3rd Person's Point Of View On the other side, Vera couldn't hide the smirk on her lips upon seeing the situation on the big screen. “So, it was you!” Napatigil si Vera sa boses na iyon, nilingon niya ito saka inirapan. “You were too suspicious since earlier. And I knew that you did something again.” Nagsimula itong maglakad palayo sa kanya. “And how did you know?” Sumimsim siya sa kanyang wine glass habang hindi inaalis ang tingin rito. “Because you are my wife, and I have known you ever since we were young,” sagot niya sa tanong ng kanyang asawa. Umupo siya sa tapat nitong upuan at nagsalin ng alak sa isang wine glass na walang laman. “I had to do that,” she simply replied. Harvey, her husband, looked at her. “Why? You didn't like her for our son?” Napabuntong hininga si Vera at saka siya sinamaan ng tingin. “I have told you many times, I like her for our son. Our son, Harvey, and you know who I’m talking about.” Harvey massaged the bridge of his nose. “I know,
3rd Person's Point Of View Tahimik si Amari na pumasok sa loob ng kotse at walang ginagawang ingay. Napatingin si Harper sa kanya at bahagyang napabuntong-hininga, kanina pa kasi siya hindi kinikibo ng kanyang nobya. After what happened. “Aren't you going to talk to me?” he asked, breaking the silence. Hindi siya sinagot ni Amari at nanatili ang tingin nito sa harap. “Come on, babe. Is there something wrong?” He really hated it when Amari was giving him the silent treatment. Amari isn't that talkative, pero hindi siya sanay sa ganito na tahimik siya, lalo pa sa nangyari kanina. He knew that something was off. “I know there is something wrong, now tell me what it is, babe.” Napalingon sa kanya si Amari. “Alam mo naman pala, then why are you asking?" Nangunot ang noo ni Harper na napatitig rito. “I just know that something was off, but I didn't know what made you…” Napatawa si Amari sa naging tugon niya. “Gosh, Harper! Hindi mo ba pansin o nakikita na naiinis ako sa baba
3rd Person's Point Of View They just arrived at Amari's place. Na unang bumababa si Amari sa kotse, hindi niya na inantay pa na pagbuksan siya ng nobyo. Pinagpag niya ang kanyang suot na dress saka bahagyang inayos ito. Narinig niya ang pagtunog ng pinto ng kotse, at ang yapak mula sa kanyang likuran. Hindi niya ‘yon pinansin at ipinagpatuloy ang pagpag ng damit, pilit niyang inaalis ang mantsa sa kanyang suot. And Amari, that was too busy fixing her dress, got stunned when she felt Harper hugging her from behind. Hindi siya agad nakagalaw sa pagkagulat. “I’ll be busy for the whole day tomorrow, babe. Kaya baka hindi tayo makapag-usap.” Bulong nito sa kanyang tenga, dahilan para magsitaasan ang kanyang balahibo sa batok. Ramdam na ramdam ni Amari ang pagsitayoan ng kanyang balahibo sa batok. And for some other reason, she felt something. Something weird, that was new to her. Bahagya siyang lumayo sa nobyo, at saka kumawala mula sa pagkakayakap nito nang makaramdam siya ng
Amari's Point of ViewPinandilatan ko siya ng mata dahil sa sinabi niya at sa lakas ng boses niya. “Sino ba kasing nagsabi na pumunta ka dito, aber?” naiiritang tanong ko sa kanya. “Kaya nga, tama lang na tumayo ka diyan, pupunta-punta pa kasi dito eh.” Nagiisa ang linya ng kilay niya sa tanong ko. “Damn, kailangan pa bang may magsabi sa'kin para pumunta dito?” Napasapo ako ng noo dahil sa tanong niya. Shutangines! “Oh, hindi na kailangan, pero tangina naman Hudson, ano bang ginagawa mo dito? Saka hindi ba uso sa’yo ang mag-text o tumawag man lang bago ka pumunta dito?” gigil na tanong ko sa kanya, halos kulang na lang ay ihamapas ko sa kanya yung doorknob na hawak ko kung nabubunot lang ito. Rumiin ang pagkatitig nito saka ako tinaliman ng tingin na para bang may masama akong nagawa o nasabi sa kanya. “Ni hindi ka nga nag-message sa'kin o paramdam man lang noong umalis ka sa opisina ko kasama yung boyfriend mong hilaw? Tapos sasabihin mong ako ang hindi nag-text o tumawag ba
Amari's Point Of View Narinig na narinig ko ang lakas ng tibok ng puso ko sa kaba, na halos kulang na lang ay lumabas ito anumang oras. Pero imbes na magpadala sa kaba na nararamdaman ko, mas pinili kong magmataray. Kaya naman pinag-angat ko siya ng kilay, hindi alintana ang nakakamatay nitong tingin. “Anong ginagawa mo dito?”His jaw clenched at my question. “Shouldn't I be the one asking you that?” “Huh? Anong pinagsasabi mo?” Maang na tanong ko.“ You should be in my office now, working your ass off.” Hindi siya sumagot sa aking tanong at sa halip, iyon ang tinugon niya. “Damn! I thought something had happened to you. I left you in your room because I had something important to do. One of the investors called me because there was an issue, and I left you in that room while you were sleeping. But when I got back, you were gone… Then Austin saw you, he saw you with that jerk. That fucking bastard who suddenly entered my company without asking.” Nangunot ang noo ko at napatitig sa
Amari's Point Of View “Camille?” mahinang tawag ko sa pangalan ni Camille na ngayon ay gulat na nakatingin sa akin na para bang nakakita ng multo. “Amari?” Nakita ko ang pagdaan ng kaba sa mga mata nito. “Kanina ka pa diyan, bruha ka?” Nangunot ang noo ko sa tanong niya. Nilibot ko ang paningin sa buong kusina pero wala talagang ibang tao. Wala ba talagang tao? Pero hindi naman ako pwedeng magkamali. Alam kong may kausap talaga siya. Napabuga na lang tuloy ako ng hangin at napatingin sa kanya saka naglakad patungo sa mesa kung saan may nakahain na pagkain. Bigla akong nakaramdam ng matinding gutom. Kaya naman hindi ko siya sinagot agad at hinila ang isang upuan na katapat ng kinauupuan ni Junjun, ang kapatid ko, saka umupo roon. Inabot ko ang isang pinggan na nakahanda saka nilagay ito sa harap ko at nagsimula nang magsandok ng kanin. Narinig ko pa ang paghila ni Camille ng upuan saka ang pag-upo nito sa tabi ni Junjun. Kaya naman kinuha ko muli ang pagkakataon na iyon up
Amari's Point of ViewUmagang-umaga pa lang ay agad na akong nagtungo sa banyo ng aking silid upang doon magsuka. Sa wari ko, halos lahat ng kinain ko kagabi at ang laman-loob ko ay maisusuka ko na rin. Pero wala namang ibang lumalabas mula sa aking bibig kundi purong malapot na laway lang. Tangina! Ganito ba talaga kapag buntis? Diyos ko! Pakiramdam ko ay mamatay na ako sa pagsusuka. Mahinang turan ko sa likod ng aking isip. Laking pasasalamat ko na lang nang mapatigil ako sa pagsusuka, agad akong nagmumug ng tubig at naghilamos ng mukha. Inabot ko rin ang malinis na towel na nakasabit sa pintuan saka ginamit iyon pamunas sa mukha. Pinagmasdan ko ang aking sarili sa maliit na salaming bilog na nasa banyo ng aking silid. At hindi ko maiwasang hindi napangiwi sa kabuuan ng itsura ko nang makita ito. Paano kasi ay malalim ang aking mata at maitim rin ang ilalim nito, kaya kitang-kita ang eyebag ko na halatang hindi nakatulog ng maayos. Dagdag mo pa ang pamumutla ng aking labi; masyado
Harper's Point Of View I looked at Amari's face, and I couldn't help but smile secretly. She's really beautiful; she was indeed a good catch. Mula sa kanyang hugis pusong mukha, her pinkish lips na tila ba'y nang-aakit ng halik. Ang kanyang hindi kahabaan na pilikmata, at ilong na nasa tamang tangos lang. She looks exactly like Adriana Lim in her 20s, with her fierce look. Everything about her is beautiful that I couldn't even take my eyes off her. Ngunit mabilis rin na nawala ang paghanga ko sa kanya nang magsalita siya. “Pero Harper, alam natin pareho ang totoo. Ayaw kong magsinungaling sa kanya.” Kinuyom ko ang aking kamao at napa-igting ang panga dahil sa narinig. Damn! Hearing those words didn't sound good to me. Gusto ko tuloy itapon lahat ng gamit na andito sa loob ng kwarto... but I couldn't. I'm mad! I really am. Pero kailangan kong pigilan ang galit na nararamdaman ko. Kaya naman napabuga ako ng hangin upang pakalmahin ang sarili, and when I felt like I was calm, I reac
Amari's Point Of ViewNapalaki ang mata ni Camille sa narinig na sinabi ni Harper na para bang luluwa na ang mata. Napaawang pa ng bahagya ang mga labi nito na nakatingin sa akin. Nagtatanong ang mga mata nito, na animoy inaantay ang kumpirmasyon ko sa sinabi ni Harper na aking nobyo. Gustuhin ko man sanang sumagot, hindi ko magawa. Naiinis kasi ako kay Harper, lalo na sa sinabi niya, sa ginawa niyang pag-amin at pangunguna. Ni hindi niya man lang ako tinanong muna bago sabihin ‘yon. Wala naman akong balak itago kay Camille ang bagay na iyon. At kahit sino rin namang nasa posisyon ko ay magagalit sa ginawang pangunguna ni Harper. Frustrated, I stood up from my seat without uttering a word and walked towards my room. I had lost my mood to talk and preferred to stay in my room rather than face them, especially Harper.When I reached my room, I plopped down onto my bed. I heard footsteps approaching my room and the sound of the door opening and closing, and even without looking, I kne
Amari's Point of View Kasama ko si Harper na lumabas ng kotse. Sabay kaming naglakad, at nang nasa tapat na kami ng pinto ay siya na rin mismo ang kumatok. At nang bumukas ang pinto ay ang mukha ni Camille, ang aking kaibigan, ang bumungad sa amin. Nakabusangot ang kanyang mukha nang makita si Harper. Pero nang mapadako ang tingin nito sa akin, nanlaki ang mga mata niya. Saka siya nagulat at napatingin sa akin. Inirapan ko na lang siya dahil sa naging reaksyon niya. Masyado kasing OA, gulat na gulat na akala mo ay isang dekada kaming hindi nagkita. “Hinda mo ba kami papasokin na bruha ka?” Sa sinabi ko ay agad siyang napanguso saka nagbigay-daan sa amin ni Harper upang makapasok sa loob. Diretso akong pumasok at hindi na siya nilingon at umupo sa di-kawayan na sofa. Napasandal ako roon. At kasabay ng pagsandal ko noon ay siya ring pagsalita ni Camille. “Kaloka ka, gurl. Uuwi ka pala ngayon, wala ka man lang pasabi? Or kahit text lang para at least alam ko, hindi ba?”
3rd Person's Point Of View Hindi ako nakapag-salita buhat sa ng nangyari kanina. Kaya pareho kaming walang imik ni Harper na pumasok sa loob ng sasakyan niya. Tapos na rin kami sa pagpapautrasound; si Harper na rin mismo ang nagbayad ng lahat at bumili ng mga vitamins na nirestahan ng doktor. Pagkapasok sa loob ng kotse, nabalot ng katanungan ang isip ko kung paano at bakit nasabi ni Harper ang bagay na 'yon. Hindi ko mawari, pero may malaking bahagi sa akin ang naniniwala sa sinabi niya, ngunit may bahagi rin na hindi. Naguguluhan tuloy ako bigla. Pero hindi rin naman imposible na hindi magawa ni Hudson ang bagay na 'yon. Dahil totoo naman na may galit siya sa akin at ayaw niya sa akin para sa kapatid niya. Ayaw niya sa akin dahil mahirap lang ako, at mas lalong ayaw niyang maging bahagi ako ng pamilya nila. Kaya maraming dahilan ang pwedeng maging sanhi para gawin niya ang bagay na 'yon, lalo na sa akin. Pinikit ko ang aking mga mata at napasandal sa sasakyan; naramdaman ko
Amari's Point Of View “You're really pregnant, Amari. And there's no need to deny or lie to me... now tell me, sino ang ama niyáng pinagbubutis mo?”Sa naging tanong ni Harper, hindi ako agad nakasagot. Pakiramdam ko kasi ay nanuyo ang aking lalamunan, umurong rin ang aking dila, kaya walang salitang namutawi sa aking labi. Ramdam ko ang panggigilid ng aking luha, at nang napaangat ako ng tingin kay Harper na ngayon ay nakatayo sa aking harap habang nakapamewang. Hindi ko mabakasang kahit na anong emosyon sa mga mata nito na nakatingin sa akin. Kaya agad kong iniwas ang tingin sa kanya, at sa ginawa kong iyon ay rinig ko pa ang malalim niyang pagpakawala ng buntong-hininga.Sinubukan kong kumuha ng lakas mula sa pagbuntong-hininga ng malalim upang magsalita, pero kahit makailang ulit akong subukan, wala parin akong lakas ng loob na magsalita upang sagutin ang tanong niya. Pakiramdam ko ay napipi ako sa mga sandaling iyon. Gusto ko man aminin sa kanya ang totoo, nagdalawang-isip ako