Beranda / Romance / One Night Of Mistake With The Ceo / Chapter 2 THE UNEXPECTED ANNOUNCEMENT

Share

Chapter 2 THE UNEXPECTED ANNOUNCEMENT

Penulis: LichtAyuzawa
last update Terakhir Diperbarui: 2023-08-05 09:46:38

Arisson point of view

"Fucking alcohol!" Mura ko habang hinihilot ang sentido dahil sobrang sakit niyon ng mapatingin ako sa estrangherang katabi ko dahil nakarinig ako ng mahinang paghilik. "Damn this girl!" napapailing na mura ko nang maalala ko na inabot kami ng madaling araw dahil sa kakulitan nito.

Nanatili ang tingin ko dito at sa makinis nitong likod pero napakunot ang noo ko ng may mapansin ako na nakasulat sa likod nito hindi ito malinaw na para bang sinadya na malabo itong isulat kaya hindi mo kaagad mahahalata.

Pinakatitigan ko iyon sa malapitan, para itong tatlong pirasong hugis ibon na lumilipad "tattoo? Hindi ko ito napansin kagabi." tanong ko sa sarili ko habang nananatili ang tingin ko sa likod nito, nang bigla akong may maalala, "shit! May meeting nga pala ako." umalis ako sa kama at kaagad na nagtungo sa banyo at mabilis na naligo.

After 30 minutes ay bumalik ako na nakabihis na kaya ginising ko nalang ito, "wake up!" malakas na wika ko pero no use dahil tulog na tulog ito kaya naman nilapitan ko na ito at tinapik sa mukha, "I said wake up, woman!"

She stirred at nag-inat bago unti-unting dumilat, kaagad na nanlaki ang mga mata nito at mahigpit na iniyakap ang kumot sa hubad nitong katawan. "Don't act na parang hindi ko pa nakita 'yan, kasi nakita ko na lahat 'yan kagabi." Kaagad itong namutla at bumalatay ang kaba sa mata nito.

"A-Anong n-nakita m-mo?" kinakabahang tanong nito at kung saan-saan tumitingin na para bang may kinatatakutan ito. Isang bagay na ipinagtaka ko dahil kagabi ay napaka tapang nito. 'Because of the alcohol Arisson, you idiot!' singhal ng kabilang bahagi ng isip ko, palihim akong napangiwi bago muling nagseryoso.

"Magbihis ka na at umalis na dahil may kailangan akong puntahan. Ayoko ng may ibang tao na maiiwan sa bahay ko." utos ko dito ng hindi inaalis ang mapanuri kong tingin habang inaayos ko ang necktie ko.

Magkakasunod itong napalunok at hindi tuminag na wari'y hindi nadinig ang sinabi ko. "Sinabing magbihis ka na!" Malakas na wika ko at napipikong hinila ko ito paalis ng kama dahilan para mabitawan nito ang kumot dahil sa gulat at humantad ang balingkinitan at makinis nitong katawan.

Natigilan ako at magkakasunod na napalunok, binitawan ko ang kamay nito at tumalikod pero nahagip ng mata ko ang peklat sa tagiliran nito, "anong nangyari sa tagiliran mo?" hindi maiwasang tanong ko, hinintay ko ang isasagot nito pero hindi iyon dumating kaya naman humarap na ako dito at nakita ko itong nagmamadali sa pagsusuot ng dress na natuyo na sa buong magdamag. Hindi ito humarap sa'kin o nag-angat man lang ng tingin, tumalikod na ito at handa na sanang maglakad paalis ng patigilin ko ito, "sandali!"

Nakita ko itong naninigas na natigilan, dahan-dahan itong humarap sa'kin, "m-may k-kailangan k-ka pa b-ba?" nauutal na tanong nito at para bang gustong-gusto na nitong makaalis.

Lumakad ako papunta sa bedside table at kumuha ako ng isang pirasong tseke at muling naglakad palapit dito, "here, you can write any amount you want." wika ko dito habang inaabot ko ang isang piraso ng papel. Nagtataka nitong tinapunan ng tingin ang papel bago tumingin sa'kin at kunot-noo na nagtanong, "anong gagawin ko diyan?"

I roll my eyes in annoyance, "bayad, sa isang gabing pagpapahiram sa katawan mo at sa pananahimik mo."sagot ko.

Umigting ang panga nito at tumalim ang kulay kayumanggi nitong mata bago galit na nagtanong, "ang tingin mo ba sa'kin ay bayaran!?"

Ramdam ko ang lamig sa boses nito, "bakit, hindi ba?" nakataas ang kilay na tanong ko.

Napalatak ito at hindi makapaniwalang tumingin bago tumalikod at tuluyang lumabas ng kwarto ko.

Napailing ako at itinapon ang tseke sa sahig bago lumabas para pumasok sa trabaho. Pagkalabas ko ng building ay naabutan ko itong tahimik na nakaupo sa plant box at mukhang may hinihintay.

Naglakad ako palapit dito, "sino ang hinihintay mo?" tanong ko dito nung makalapit ako.

"Tss!" tanging tugon nito at naglakad palayo. Maagap kong hinawakan ang braso nito para pigilan ito.

PAK!

Kaagad na umigkas ang kamay nito para sampalin ako, "huwag mo akong hahawakan" buong tapang na wika nito at dinuro ako. Napabitaw ako sa pagkakahawak ko dito at napamaang dahil sa pangalawang pagkakataon ay nasampal ako nito pero sa magkaparehas na dahilan.

"Ano pa ba ang kailangan mo? Huwag mong sabihin na nakukulangan ka pa sa pang-iinsulto mo at may gusto ka pa bang idagdag?" matalim na tanong nito na titig na titig sa'kin.

Napabuntong hininga ako at nag-isip ng sasabihin at sakto na handa na sana akong magsalita ng mapatigil ako dahil tumunog ang cellphone ko. Kaagad kong kinuha yon at ng makita na ang Mommy ko ang tumatawag ay kaagad ko itong sinagot, "Hello, Mom?" bati ko sa nasa kabilang linya.

"Hi, Mom!"

Napatingin ako sa babaeng katabi ko ng marinig ko itong magsalita at doon ko lang napansin na parehas na pala kaming may kausap sa kabilang linya.

"Son, pumunta ka sa BDC Restaurants sa Libis at may importante tayong pag-uusapan." Utos ng mommy ko sa'kin na ikinataka ko, "why mom?" I asked her pero she hanged up already.

"BDC Mom, why?" Paalis na dapat ako para pumunta ng BDC Restaurant ng mapatigil ako at mapatingin sa katabi ko dahil sa narinig kong sinabi nito.

"Alright, I'll be there," Pagtatapos nito at pinatay na kaagad ang tawag bago pinagtaasan ako ng kilay, saka ko lang na-realize na nagtagal na pala ang titig ko dito.

"I was told to go to BDC baka gusto mong sumabay?" pagmamagandang loob ko dito bilang kabayaran na din sa ginawa kong pang-iinsulto dito kanina, pero masamang tingin lang ang pinukol nito sa'kin bago ako tinalikuran at kaagad na pumara ng taxi at sumakay doon.

Umiling-iling nalang ako at mabilis ng sumakay sa kotse at nagmaneho papunta sa restaurant na sinabi ni Mommy. Thirty minutes later I pullled up my car sa mismong harapan ng malaki at expensive restaurant. Kaagad akong sinalubong ng vallet kaya naman ibinigay ko lang ang susi ng car ko at ito na ang bahala.

Naglakad ako papasok sa restaurant ng may makasabay ako or more like makabanggaan ako, mukha itong nagmamadali dahil mabilis ang lakad nito. Sabay kaming napahinto at napatingin sa isa't-isa at ganon nalang ang panlalaki ng mga mata nito pagkakita sa'kin.

"You've got to be kidding me!?" Bulalas nito at bago pa ako makapag-react ay tumalikod na ito at nagpatiuna ng pumasok sa restaurant.

______

MJ point of view

Sa dinami-dami ng pwedeng makasabay at makita, bakit yung tao pa na gusto kong iwasan. "lintik kasing alak yan!" gigil na wika ko sa sarili at muling nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa marating ko ang VIP.

Kaagad kong nakita ang parents ko pero hindi ito nag-iisa mayroon ang mga itong kasama na mukhang couple din dahil nakaakbay ang lalaki sa balikat nung babae.

"Mom!" "Mommy!" Nanlaki ang mga mata ko at napabaling ako dito ng magkasabay kaming nagsalita bago muling ibinalik ang tingin ko sa mga magulang ko.

Apat na pares ng mga mata ang bumagsak sa'min at nakaramdam ako ng kaba sa mga ngisi na nakabalatay sa labi ng mga ito. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa mga ito at ganon din naman ang lalaking naka one night stand ko kagabi hanggang sa makarating kami sa table ng mga magulang namin.

"Oh great mukhang hindi na pala tayo mahihirapan dahil mukhang magkakilala naman na sila. Joana Mei, I want you to meet the Ilustrisimo family and their son Arisson Brando, you're fiance." Kung may award lang para sa grand entrance malamang ay panalo na ang parents ko.

"Say that again?" tanong ko dahil pakiramdam ko ay nabingi lang ako sa sinabi nito. "You're getting married." Ulit ng daddy ko sa sinabi ni Mommy. Natatawang tinitigan ko ang mga magulang ko, bago ako namutla ng makita ang mga itong seryoso na nakatingin sa'kin.

"Anong ibig sabihin nito Mom? Dad?" this time ay si Arisson naman ang nagtanong. "Ang ibig sabihin namin ay ikakasal kayong dalawa at gaganapin 'yon sa lalong madaling panahon." Napangiwi naman ako pagkarinig sa sinabi ng Daddy ni Arisson.

"Sorry to interrupt sir, but we're not ten. We don't live in a conservative era na uso ang pwersahang pagpapakasal."

"MARIA JOANA MEI, hindi kita pinalaking walang galang!" Singhal ni Daddy. Nakaramdam ako ng pagkapahiya lalo na nung pinagtinginan ako ng mga tao. This is the restaurant we owned so expected na kilala kami ng bawat kumakain dito at ang singhalan ako ng parents ko ay nakakasakit.

"Dad! I am stating a fact!" giit ko. Hindi natuwa ang parents ko sa sinabi ko kaya nilapitan na ako ng mga ito at sapilitang pinahingi ng sorry sa mga magulang ni Arisson. Mariin kong itinikom ang bibig ko at hindi ako naglabas ng kahit na anong salita.

"Maria Joana Mei, wala ka ng respeto at dahil diyan ay magpapakasal kayo the day after tomorrow." Napipikong wika ni Mommy.

"You can't do that Mom!" reklamo ko, "Oh yes I can!" nakangising sagot nito.

"I HATE ALL OF YOU!" Sigaw ko at tinalikuran ang mga ito. Bago ako tuluyang makaalis ay narinig ko pa ang mga sinabi ni Arisson.

"I have a girlfriend Mom and she's the only girl I want to marry!"

"You will break up with her and you'll gonna marry Joana Mei and that's final!"

"Fucking arranged marriage!" Galit na usal ko sa sarili ko at mabilis na tinangay ang kotse ng parents ko.

Komen (2)
goodnovel comment avatar
Marife
Kasura Ang attitude niya Kaya tama lng tawagin siya na slut sa Asta ba nman niya hilig dumikit sa lalaki Paano matatawag na matino ganyan babae .........
goodnovel comment avatar
LichtAyuzawa
Hi po sana ay masuportahan ninyo ang story ni Leslie kapatid ni Joana Mei
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • One Night Of Mistake With The Ceo    Chapter 3 MAD AT EACH OTHER

    MJ point of viewPagdating sa Consull Bar ay sinalubong kami ng maingay na paligid at mga lasing na nagsasayawan sa gitna ng dance floor kasabay ng iba't-ibang kulay ng ilaw na nanghahalina. Nakaramdam ako ng kagustuhan na magsayaw sa gitna ng dance floor pero hinanap ko muna ang kapatid ko at nung matanaw ko ito sa bar counter at may kausap ay hinayaan ko nalang ito. Excited na tinignan ko si Brent at hinila ko ang kamay nito patakbo sa dance floor. "Let's get wasted!" Sigaw ko ng maakarating kami sa dance floor kung saan maraming nagsasayaw. Kaagad na nahawi at naghiyawan ang kumpol sa dance floor pagkakita sa'min ng kaibigan ko, "woohoo!" sigaw ko at nagsimulang sumayaw at inumin ang mga alak na inaabot ng mga kakilala ko maging mga hindi ko kakilala ay inaabot ko iyon at deretsong iniinom.Abala sa pagsasayawan ang mga tao ng tumigil ang musika kaya naman parang may dumaang anghel na nagsitahimik ang mga tao at sabay-sabay ang mga itong tumingin sa DJ na ngayon ay nakataas ang k

    Terakhir Diperbarui : 2023-08-05
  • One Night Of Mistake With The Ceo    Chapter 4 THE WEDDING

    MJ point of view"Arisson Brando Concepcion Ilustrisimo, do you take Maria Joana Mei Bueno Dela Constancia to be your lawfully wedded wife? Do you promise to love and to cherish her, in good times and in bad, in sickness and in health, for richer and for poorer, for better for worse, for so long as you both shall live?" Tanong ng pari na nasa harapan naming dalawa. Everyone is patiently waiting for Arisson to answer the priest question. Posible pala na maging malungkot ka sa araw na masaya ang lahat para sa'yo. Kasi yun ang nararamdaman ko ngayon habang naghihintay na matapos ang kasal na ito."I do!" nahigit ko ang paghinga ko ng marinig ko ang matigas na sagot ni Arisson. Napatingin ako dito at kita ko na umiigting ang panga nito habang nakatingin sa'kin. "Maria Joana Mei Bueno Dela Constancia, do you take Arisson Brando Concepcion Ilustrisimo to be your lawfully wedded husband? Do you promise to love and to cherish him, in good times and in bad, in sickness and in health, for ric

    Terakhir Diperbarui : 2023-08-10
  • One Night Of Mistake With The Ceo    Chapter 5

    Third person point of viewHabang naglalakad siya pabalik sa kwarto niya ay may biglang sumabay sa kaniya at umalalay. "Ma'am pasensya ka na ha, nasaktan ka pa tuloy ni Sir Arisson." hinging paumahin ng katulong na sinesante ni Arisson kanina. "Ano ka ba wala iyon ako nga dapat ang humingi ng sorry sa'yo kasi dahil sa'kin nawalan ka ng trabaho, pero masaya ako na sa'kin ka na magta-trabho ngayon, ano nga pala ang pangalan mo?"Napangiti ito pagkarinig sa sinabi niya, "wala po yon mam, masaya din po ako na sa inyo na po ako magta-trabbaho, ako nga po pala si Mary. Tara na po mam ihahatid ko na kayo sa kwarto." wika nito na inilingan niya. "Okay na ako, magpahinga ka na lang, gabi na din." Tumango ito at tuluyan na siyang iniwanan. Nang mag-isa nalang siyang naglalakad ay magkakasunod ng tumulo ang luha niya, pinunasan niya ito pero para itong tubig sa isang dam na hindi maubos-ubos kaya sa huli ay hinayaan nalang niya ito hanggang sa makarating siya sa kaniyang silid. Pagkapasok niya

    Terakhir Diperbarui : 2023-08-11
  • One Night Of Mistake With The Ceo    Chapter 6 The Best friend's conspiracy

    MJ point of viewKinabukasan kaniya-kaniyang trabaho pa rin kami. Arisson went to Palawan for business. Ako naman ay nagsimula na rin bumalik sa pagta-trabaho.I was about to leave my office after working all day, when the man beside me barged into my office and force me to take him out on a date. "You know that I'm tired from working all day, right Brent?" Nakataas ang kilay na tanong ko dito habang patuloy sa pagmamaneho."Well, yeah. That's why I'm here because there are no other things are worth it than drinking coffee after working all day," sagot nito.Magrereklamo pa sana ako pero na-realize ko na tama ang sinabi nito kaya umiling nalang ako at nagpatuloy sa pagmamaneho. Papaliko na ako sa kanto ng paborito kong coffee shop, ng magsimula akong mag-menor dahil sa dalawang kotse na nakahinto sa gitna ng kalsada. "Why did they have to park their car like that!?" Iritableng tanong ni Brent habang nakatingin sa dalawang kotse na naka-elevate sa gitna ng kalsada. Tama ito kahit s

    Terakhir Diperbarui : 2023-08-13
  • One Night Of Mistake With The Ceo    Chapter 7 Doubt

    Third person point of view"Pvtang Ina mo!" Sigaw ni Arisson ang pumailanlang sa loob ng private room ng hospital kung saan kasalukuyan siyang nananatili para magamot ang mga sugat niya mula sa nangyaring gulo kaninaKaagad kaming napahiwalay ni Brent sa isa't-isa dahil sa gulat sa nagmura. Mabilis na sinugod ni Arisson si Brent at inundayan ng suntok. "Fvck!" Mura ni Brent habang iniilagan ang mga suntok ni Arisson pero kahit gaano ito kabilis ay mayroon pa rin mga suntok ang tumatama dito. Ang pagtitimpi ni Brent ay tuluyan ng natuldukan kaya naman gumanti na ito at nagpaulan na din ng mga suntok. "Brando! Brent! Shit!" Natatarantang sigaw niya at hindi malaman kung dapat ba siyang manahimik lang or dapat na siyang makialam dahil nagkakasakitan na ang dalawa. Sa huli ay mas nanaig ang huling naisip niya kaya naman kahit alanganin ay nilapitan na niya ang dalawa para pigilan.Lumapit siya sa kinaroroonan ng dalawa pero hindi niya alam kung paano pipigilan ang dalawa dahil masyado a

    Terakhir Diperbarui : 2023-08-13
  • One Night Of Mistake With The Ceo    Chapter 8 Divorce

    Third person point of view“Divorce!?” Hindi makapaniwalang tanong niya habang nakatingin sa mga magulang nila na abala sa mga papeles na nasa ibabaw ng lamesa dito sa vip ng restaurant na pagmamay-ari ng pamilya niya.Kanina nung narinig nila mula kay Brent ang ginawa ng mga magulang nila kaya naman kahit magdidilim na ay kaagad nilang tinawagan ang mga ito at napag-alaman nila na nasa restaurant ito at pina-finalize na ang mga papel para mapawalang bisa ang kasal nila ni Arisson. Napasugod sila sa restaurant ng wala sa oras.“Can’t you just let us fixed our problem? You didn’t even bother letting us explain our sides,” seryosong paliwanag ni Arisson na sinang-ayunan niya. Hindi sa ayaw niyang makipag-divorce sa asawa niya dahil hindi niya ito mahal. Kasi dadayain niya ang sarili kapag ganon, dahil alam niyang mayroon na siyang nararamdaman, ang hindi niya matanggap ay pinangunahan na naman siya ng magulang na lutasin ang sarili niyang problema.“Mom, Dad, I know that I put chaos and

    Terakhir Diperbarui : 2023-08-14
  • One Night Of Mistake With The Ceo    Chapter 9 Painful Goodbye

    Third person point of view"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Arisson?" tanong ni MJ pagkatapos siyang maisakay ni Arisson sa sasakyan."Nagmamaneho?" Patanong namang sagot nito ng hindi siya tinatapunan ng tingin. "Bakit mo ako kini-kidnap!?" Galit niyang tanong dito, huli na ng ma-realize niya kung ano ang sinabi niya.Naaaliw na tinitigan siya ni Arisson, "Pft... kidnap? Don't flatter yourself," nanunuyang sagot nito sa kaniya. Nakaramdam siya ng pagkapahiya, hindi niya maintindihan kung bakit kasi iyon pa ang lumabas sa bibig niya. "Kung hindi mo ako kini-kidnap anong ginagawa ko dito sa kotse mo ngayon?" Tanong niya dito na talagang tinarayan niya ang boses para itago ang naramdamang pagkapahiya."Kidnap na pala para sa'yo ito? What more pa kaya sa gagawin ko sa'yo mamaya?" sagot nito at mala-demonyong ngumisi. Namutla siya sa sinabi nito at natagpuan nalang niya ang sarili na nakasiksik sa malapit sa pinto ng kotse. "A-Anong pina-plano mo!?" Pinilit niyang patapangin ang bose

    Terakhir Diperbarui : 2023-08-15
  • One Night Of Mistake With The Ceo    Chapter 10

    Third person point of view"Fuck! Joana!" Napasigaw si Arisson ng makita si Joana Mei na nakatayo lang at hindi kumikilos habang nakatingin sa paparating na rumaragasang sasakyan. Parang may sariling buhay ang mga paa na tinakbo niya ang pagitan nila at malakas niya itong hinila dahilan para magpagulong-gulong sila sa alikabok. Tinitigan niya ito at ibayong galit at pag-aalala ang naramdaman niya ng makita itong namumutla habang nanginginig ang katawan, "punyeta, Joana Mei! What are you thinking!?" galit na singhal niya dito at hindi niya na napigilan ang sarili na hawakan ito sa balikat at sapilitang i-upo at alog-alugin. "Are you letting yourself get killed, just to get rid off me? Kasi kung yun ang ginagawa mo, hindi mo na kailangan pang masaktan, malayang-malaya ka na!" Mahabang litanya niya pero kagaya kanina ay hindi ito sumagot, nanatili lamang itong nakatingin sa kaniya na puno ng takot. Dahil sa inis na nararamdaman niya ay tumayo siya at puno ng pagkadismayang tinitigan n

    Terakhir Diperbarui : 2023-08-16

Bab terbaru

  • One Night Of Mistake With The Ceo    Special Chapter 2

    Third person point of viewSix months later.......Maaga pa lang ay tumulak na papuntang simbahan si Arisson. The same church kung saan sila ikinasal ni Joana Mei.Pagkarating niya sa simbahan ay marami na ang tao, ilan sa mga ito ay pamilyar na sa kaniya dahil sa dalawang dahilan, either nakilala niya dahil sa business or dahil sa family.Habang naglalakad siya papasok ng simbahan ay nakita niya hindi kalayuan sa entrance si Brent kasama si Lauren. Pagkakita niya sa dalawa ay kaagad niyang naalala si Brenda.Brenda got killed right after nitong makipagkasundo sa kanila ni Joana Mei. It was the reason kung bakit pinostpone nila ang kasal.They checked the CCTV footage that time at kaagad nilang nalaman na si Bastien ang dahilan ng pagkamatay nito.Sa loob ng anim na buwan ay ginawa nila ang makakaya nila para mahanap si Bastien pero nung araw na nagkaroon sila ng lead dito ay natagpuan nila itong wala ng buhay sa sarili nitong bahay, may hawak itong isang calibre 45.It was traumatiz

  • One Night Of Mistake With The Ceo    Special Chapter 1

    Third person point of view"Brenda!" Matalim na tawag ni Joana Mei sa pangalan nito.Ngayon kaharap na niya ito at bumalik na ang mga ala-ala niya ay unti-unti niya ng nararamdaman ang paghuhulagpos ng galit at kagustuhang saktan ito kagaya ng ginawa nitong pananakit sa kaniya.Tumingin ng masama si Brenda sa kaniya pagkatapos nitong marinig ang pagtawag niya at mula sa pagkakatayo nito sa tapat ng nakabukas na pinto ay naglakad ito palapit sa kinaroroonan nila."Galit ako sa iyo-!" Panimula nito.She roll her eyes, "the feeling is mutual!" She commented dahilan para mapatigil ito sa pagsasalita.Mas lalong umasim ang hilatsa ng mukha nito pagkatapos niya iton putulin sa dapat nitong sasabihin."Will you fvcking listen!?" Singhal nito."Brenda! Watch your word!" Arisson shouted angrily.Brenda flinched upon hearing Arisson's words."Coming in here is not a good idea," sambit nito at naiiling na tumalikod."Ano ba ang dahilan ng pagpunta mo dito? Pumunta ka ba dito para pagtawanan ako

  • One Night Of Mistake With The Ceo    Epilogue

    Third person point of viewOne year has passed..."Love, how are you feeling?" Tanong ni Arisson sa babaeng nakaupo sa kama habang hawak nito ang isang batang lalaki.Nagbuntong hininga si Joana Mei at medyo iritableng tumingin sa kaniya.Nasaktan siya dahil sa inakto nito pero bumalik sa memorya niya yung araw na sinabi ng doctor na hindi sila sigurado kung may magiging side effect ang ginawang operation dito.At ito na ang side effect na sinabi ng doctor. Isang taon. Isang taon na siyang paulit-ulit na nagpapakila at nagpapaalala sa pinakamamahal niyang babae kung sino siya pero isang taon na din siya nagsa-suffer dahil pakiramdam niya ay walang nangyayari. Hindi pa rin siya nito nakikilala.Four weeks after nitong ma-hospital ay nagising ito. Yung araw na iyon ang masasabi niyang isa sa pinakamagandang araw na nangyari sa kaniya sa buong buhay niya dahil wala na sa kapahamakan ang mahal niya pero kasabay ng pagkakahinga niya ng maluwag ay ang pag-guho ng mundo niya lalo na nung tu

  • One Night Of Mistake With The Ceo    Chapter 70

    Third person point of view"Why didn't you let me in with her!?" Singhal ni Arisson sa mga magulang niya. Kanina pa sila dito sa labas ng operating room pero hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ang mga doctor na tumitingin sa fiance niya. Kanina pagkadating nila sa hospital pagkakita pa lang ng doctor kay Joana Mei ay kaagaad na ng mga ito idinala ng operating room si Joana Mei. Hindi niya mapigilan ang magwala dahil hindi siya hinayaan ng mga ito na makapasok sa operating room. "Arisson, will you stop shouting for goodness sake, we're in a hospital!" Madiing pagalit ng Mommy niya. Umigting ang panga niya at hindi niya maiwasan na masaktan dahil sa pananalita ng Mommy niya."Hindi mo naiintindihan Mom, si Joana Mei iyon, yung fiance ko nanganganib ang buhay niya at nandito lang ako at walang ginagawa!" Malakas na wika niya at hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha niya dahil sa magkahalong takot at frustration."Anong magagawa mo kung nasa loob ka ng operating room? Do

  • One Night Of Mistake With The Ceo    Chapter 69

    Third person point of view"W-What d-did you do to her?" Nahihintakutang tanong ni Lauren.Kanina matapos kumidlat ng malakas ay nakita niya ang pagbagsak ni Arisson kasabay ng pagtama ng liwanag ng kidlat sa kinaroroonan ni Sebastian. Maging siya ay gusto niyang bumagsak nalang dahil sa nakita niya. Hindi niya maiwasan ang maawa kay Arisson lalo na ng pagkatapos nitong tawagin si Joana Mei ay biglang bumukas ang ilaw sa buong paligid at doon ay malaya na nilang nasasaksihan ang hitsura ni Joana Mei.Puno ng dugo ang ulo nito na umagos na hanggang sa mukha nito."H-Hayop k-kayo!" Nanginginig ang boses na sigaw ni Brent.Hindi niya maiwasan na sisihin ang sarili dahil alam niyang isa siya sa dahilan kung bakit nangyayari ito. Noong una ay tinutulungan niya si Brenda dahil malaki ang utang nang loob niya dito pero nung tinraydor siya nito ay nagkaroroon siya ng pagdududa hanggang sa pilit niyang hinahanap sa kaibuturan ng utak niya ang dating Brenda na nakilala niya pero tuluyang naw

  • One Night Of Mistake With The Ceo    Chapter 68 

    Third person point of viewInihinto ni Arisson ang kotse niya sa entrance ng isang malawak na mansiyon. Tinignan niya ang cellphone niya para siguraduhin na tama ang address na napuntahan niya at nung makasiguro na ay saka lang siya bumaba.Kasabay sa pagbaba niya ay ang pagdating ng sampung magkakasunod na sasakyan. Sa pinakaunang sasakyan ay bumaba ang Daddy niya at Daddy ni Joana Mei, sa ikalawa at ikatlong kotse ay ang mga tauhan nila kasama si Kaloy na nagising na pala mula sa pagkaka-comatose. Sa ikaapat na kotse ay bumaba si Lauren at ang isang lalaki, tinignan niya si Lauren at nakita niya na puro galos at sugat ang mga braso nito at mukha.Kaagad siyang nagtaka kung ano ang nangyari dito dahil maayos naman ito ng iwan niya kanina. Sa ikalimang kotse ay bumaba si Lancellot Wy na masamang tingin kaagad ang ipinukol sa anak.Napailing siya dahil mukhang itong mag-ama ay magpapatayan na.Imbes na pagtuunan ang mga ito ng pansin ay nilapitan nalang niya ang kaniyang magulang.

  • One Night Of Mistake With The Ceo    Chapter 67

    Third person point of view"Wake up Princess, masyado ng mahaba ang tulog mo," ani ni Brenda habang nakatingin kay Joana Mei na unti-unti ng nagigising mula sa mahimbing na pagtulog.Hindi alam ni Joana Mei kung isang oras or may isang araw na ba siyang nananatili dito pero isa lang ang alam niya, nag-aalala na sa kaniya si Arisson.She was unsettled for awhile hanggang sa isang matinis na boses ang nagpabalik sa kaniya sa ulirat.Nanlalaki ang mga mata na napatingin siya kay Brenda na malaki ang pagkakangisi sa kaniya."How's your stay?" Nang-uuyam na tanong nito.Umigting ang panga niya at ibayong galit ang naramdaman niya."Nasaan ako?" Ganting tanong niya imbes na sagutin ang tanong nito.Lumawak ang pagkakangisi nito, "what a cliche line," pang-aasar nito."Hayop ka Brenda, saan mo ako dinala!?" Pasinghal na tanong niya at nagsimula na siyang magwala sa kinauupuan niya.Nakita niya ang ngiting tagumpay na sumilay sa labi ng demonyong kaharap niya."Kung ako sa iyo ay hindi ko gag

  • One Night Of Mistake With The Ceo    Chapter 66

    Third person point of view"Nasaan si Joana Mei at Brent?" Inulit niya ang tanong niya dahil hindi ito sumagot sa nauna niyang tanong.Mag-iisang oras na sila dito sa may parking lot ng condominium pero hanggang ngayon ay nakatayo lang ito sa harapan niya at nakangisi.PAK!Dahil sa inis niya ay hindi na niya napigilan ang sarili na sampalin ito ng sobrang lakas dahilan para bumagsak ito at manghina. Wala sa bokabolaryo niya ang manakit lalo na ng babae pero para kay Joana Mei ay kahit ilang babae handa siyang saktan para lang maging ligtas ang fiance niya at ang baby nila sa sinapupunan nito.Sinamantala niya ang panghihina nito, binitbit niya ito at isinakay sa trunk ng kotse niya. "Fuck Arisson palabasin mo ako dito!!" Dinig niyang pagwawala ni Lauren kasabay ng malalakas na kalambog..Hindi niya pinansin ito naglakad siya papunta sa driver side at sumakay ng kotse.Bago paandarin ang kotse ay nag-chat siya sa mga magulang niya para sabihin kung saan siya maaaring puntahan at sina

  • One Night Of Mistake With The Ceo    Chapter 65

    Third person point of view"Nagawa mo ba yung utos ko? Nakuha mo ba si Joana Mei?" Magkasunod na tanong ni Brenda sa lalaking bagong dating lang.Napabuntong hininga ito at pagod na ibinagsak ang katawan sa malambot na sofa.Napasama ang tingin na ipinupukol ni Brenda sa pagiging carefree ng kaharap niya, kaya naman naisip niya na putulin na ito habang maaga pa."Sebastian, tinatanong kita kung nagawa mo ang inutos ko, nakuha mo ba si Joa-!" Natigil siya sa sinasabi niya ng biglang bumukas ng malakas ang pinto at iniluwa non ang dalawang lalaki at ang babae na matagal na kating-kati na siyang saktan.Sa gilid ng mga mata niya ay nakita niya si Sebastian na nakangisi habang nakatingin sa kaniya."Unlike your friends man, mas magaling ako pagdating sa ganitong bagay," buong pagmamalaking anito.Napairap siya pero may katotohanan ang sinasabi nito kaya naman hinayaan nalang niya itong magyabang."Magaling dalhin ninyo ang babae na iyan sa basement at siguraduhin ninyo na hindi makakataka

DMCA.com Protection Status