Third person point of view
Habang naglalakad siya pabalik sa kwarto niya ay may biglang sumabay sa kaniya at umalalay. "Ma'am pasensya ka na ha, nasaktan ka pa tuloy ni Sir Arisson." hinging paumahin ng katulong na sinesante ni Arisson kanina."Ano ka ba wala iyon ako nga dapat ang humingi ng sorry sa'yo kasi dahil sa'kin nawalan ka ng trabaho, pero masaya ako na sa'kin ka na magta-trabho ngayon, ano nga pala ang pangalan mo?"Napangiti ito pagkarinig sa sinabi niya, "wala po yon mam, masaya din po ako na sa inyo na po ako magta-trabbaho, ako nga po pala si Mary. Tara na po mam ihahatid ko na kayo sa kwarto." wika nito na inilingan niya. "Okay na ako, magpahinga ka na lang, gabi na din." Tumango ito at tuluyan na siyang iniwanan. Nang mag-isa nalang siyang naglalakad ay magkakasunod ng tumulo ang luha niya, pinunasan niya ito pero para itong tubig sa isang dam na hindi maubos-ubos kaya sa huli ay hinayaan nalang niya ito hanggang sa makarating siya sa kaniyang silid.Pagkapasok niya sa kwarto niya ay hindi na siya nag-abala na alisin ang suot niyang dress, pagod na ibinagsak niya ang katawan sa kama pero kaagad din siyang napatagilid ng maramdaman ang sakit ng pasa niya sa likod. Habang nakatagilid siya ay kinapa niya ang isang larawan na tinago niya sa ilalim ng unan niya, muling tumulo ang luha niya ng makita niya ang nakangiting mukha ng boyfriend niyang namayapa, "Seb, bakit kailangan mo akong iwan kaagad?" Tanong niya sa larawan nito kahit alam niya na hindi naman ito sasagot, muli na naman niyang naalala ang mga nangyari sa nakaraan, kung saan binuwis nito ang sariling buhay para lang sa kaniya.______Hindi alam ni Arisson kung gaano na siya katagal nakatayo lang sa tapat ng kwarto ng kaniyang asawa. Kanina niya pa gustong pasukin ito pero hindi niya magawa dahil napangungunahan siya ng pride at takot na baka magalit ito sa kaniya at ipagtabuyan siya kaya hindi siya nagtatangkang pumasok sa kwarto nito."Fuck!" Minura niya ang sarili sa pag-atubili niyang pumasok. Mabuti nalang at wala si Brenda kaya nagkaroon siya ng oras para puntahan si Joana Mei, isang bagay na hindi niya maintindihan kung bakit niya ginagawa gayong galit na galit siya dito.Nang desidido na siyang pumasok sa kwarto nito ay hinawakan niya ang doorknob at handa na sana itong pihitin ay napahinto siya dahil nakarinig siya ng mahihinang paghikbi. Nasaktan siya sa narinig niyang paghikbi nito kaya naman napabitaw siya sa doorknob at dahan-dahan sumandal sa pader habang hawak ang naninikip na dibdib.Lumipas ang tatlong oras ay tumahimik na ang paligid, sinamantala na niya ang pagkakataon para pumasok sa kwarto ng asawa, napahinga siya ng maluwag ng hindi naka-lock ang kwarto nito. Bago siya tuluyang pumasok ay tumingin muna siya dito kung gising ito at nung masigurado na tulog na ito ay saka siya dahan-dahan na naglakad papunta sa kamang kinaroroonan nito.Nang makalapit siya dito ay nakita niya ang bakas ng luha sa mga mata nito pero hindi nakaligtas sa kaniya ang bagay na yakap nito. It was a picture of her and a guy, ibayong sakit ang naramdam niya. Ayaw niyang isiksik sa isip niya na nagseselos siya na may ibang lalaki na iniiyakan ito pero hindi niya maitatanggi sa sarili niya na gusto niya ay siya lang ang tanging tao na pwedeng makalapit dito.Iginala niya ang paningin sa kabuuan nito at nakaramdam siya ng habag na makita niyang hindi pa ito nakakapagpalit ng damit. Nagbuntong hininga siya at kaagad na pumunta sa banyo para kumuha ng ointment. Paglabas niya ng banyo ay naglakad siya pabalik sa kinaroroonan nito at dahan dahan siyang naupo sa kama.Tinitigan niya ang likod nito at madiin na napakuyom ang kamao niya ng makita ang may kalakihang pasa ang sumisilip sa likod nito dala ng pagkakatulak niya, dahan-dahan niyang binukas ang zipper ng suot nitong dress at pigil ang hininga na nilagyan niya ng ointment ang pasa nito.Pagkatapos niyang lagyan ng ointment ang likod nito ay sinunod niyang lagyan ang braso nitong mayroon marka ng kamay niya.Hindi niya alam kung ano ang pumasok sa isip niya at bago siya umalis sa kwarto nito ay h******n niya muna ang mga pasa nito. Inilapit niya ang bibig sa tainga nito at binulong niya ang dalawang salita that he am dying to say it to her, "I'm sorry."_______Pigil ni Joana Mei ang sarili na mapadilat lalo na ng maramdaman niyang lumapat ang labi ng asawa sa likod at braso niya. She's dying to look at him lalo na ng nag-sorry ito sa kaniya. Pero hindi siya gumawa ng kahit anong reaction, ninamnam niya ang bawat segundo na walang mahalaga para dito kundi ang magamo siya.Saka lang siya tuluyang dumilat ng nawala ang presensya nito sa kaniyang silid. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya, naiinis siya dahil sa ginawa nitong pananakit sa kaniya pero may isang bahagi sa kaniya ang natutuwa dahil naramdaman niya ang pagsisisi at concern nito. Ito din ang naging dahilan para payapa siyang makatulog at nasasabik na harapin ang umaga knowing na magiging maayos na ang turing nila sa isa't-isa.________Meanwhile....Habang naglalakad pabalik sa kwarto si Brenda ay nakita niya ang kasintahan na nakatayo sa harap ng kwarto ni Joana Mei.Kaagad na nag-ngitngit ang ngipin niya sa galit, "hayop kang babae ka, inagaw mo na sa'kin ang boyfriend ko sa pagpapakasal mo sa kaniya pati ba naman ang pagmamahal nito ay plano mong kunin? Hindi ako makakapayag, gagawin ko ang lahat para hindi ka maging masaya." Nag-ngitngit at nanginginig sa galit na bulong niya.Isang tao lang ngayon ang pumasok sa isip niya, si Lauren. Nagkublis siya sa vase na kasing-taas lamang niya at tinawagan ito.Bago pa bumalik ang boyfriend niya sa kwarto nila ay tinawagan na niya ang kaibigan niya. "Hello Lauren, I need your help." Ito ang naging pambungad niya kay Lauren ng sagutin nito ang tawag niya.Lauren Wy is her best friend since college katulong niya ito sa lahat ng bagay. At kapag sinabi niyang sa lahat ng bagay? Ay lubos talaga lalo na kapag may kinalaman sa boyfriend niya. Kaya ito ang hiningan niya ng tulong ay dahil alam niya na handa itong manakit ng kahit sino alang-alang sa pagkakaibigan nila."Wow! The great Brenda Pulido Vasquez, is asking me for help? It must be something." Napairap siya dahil sa pagiging pilya nito pero malaki ang tulong nito sa kaniya lalo na sa mga ganitong pagkakataon."I'm serious Lauren, it's about Arisson,"Natahimik ang nasa kabilang linya pero panandalian lang 'yon dahil muli niyang narinig ang boses nito. "I heard about your boyfriend and his arranged marriage." Wika nito na sa pagkakataong ito ay puno na ito ng kaseryosohan, wala na ang pilyang si Lauren Wy."That's my problem, Lauren. It feels like Arisson has a feeling for her already, he hasn't realize it yet." Malungkot na tugon niya. Napabuntong hininga naman ang kausap niya, "okay, may naisip ka na bang plano?" Tanong nito sa kaniya.Napangisi siya dahil isa-isa ng pumapasok sa isip niya ang mga bagay na gusto niyang mangyari, "gusto kong takutin mo siya. Alam mo na ang dapat gawin."MJ point of viewKinabukasan kaniya-kaniyang trabaho pa rin kami. Arisson went to Palawan for business. Ako naman ay nagsimula na rin bumalik sa pagta-trabaho.I was about to leave my office after working all day, when the man beside me barged into my office and force me to take him out on a date. "You know that I'm tired from working all day, right Brent?" Nakataas ang kilay na tanong ko dito habang patuloy sa pagmamaneho."Well, yeah. That's why I'm here because there are no other things are worth it than drinking coffee after working all day," sagot nito.Magrereklamo pa sana ako pero na-realize ko na tama ang sinabi nito kaya umiling nalang ako at nagpatuloy sa pagmamaneho. Papaliko na ako sa kanto ng paborito kong coffee shop, ng magsimula akong mag-menor dahil sa dalawang kotse na nakahinto sa gitna ng kalsada. "Why did they have to park their car like that!?" Iritableng tanong ni Brent habang nakatingin sa dalawang kotse na naka-elevate sa gitna ng kalsada. Tama ito kahit s
Third person point of view"Pvtang Ina mo!" Sigaw ni Arisson ang pumailanlang sa loob ng private room ng hospital kung saan kasalukuyan siyang nananatili para magamot ang mga sugat niya mula sa nangyaring gulo kaninaKaagad kaming napahiwalay ni Brent sa isa't-isa dahil sa gulat sa nagmura. Mabilis na sinugod ni Arisson si Brent at inundayan ng suntok. "Fvck!" Mura ni Brent habang iniilagan ang mga suntok ni Arisson pero kahit gaano ito kabilis ay mayroon pa rin mga suntok ang tumatama dito. Ang pagtitimpi ni Brent ay tuluyan ng natuldukan kaya naman gumanti na ito at nagpaulan na din ng mga suntok. "Brando! Brent! Shit!" Natatarantang sigaw niya at hindi malaman kung dapat ba siyang manahimik lang or dapat na siyang makialam dahil nagkakasakitan na ang dalawa. Sa huli ay mas nanaig ang huling naisip niya kaya naman kahit alanganin ay nilapitan na niya ang dalawa para pigilan.Lumapit siya sa kinaroroonan ng dalawa pero hindi niya alam kung paano pipigilan ang dalawa dahil masyado a
Third person point of view“Divorce!?” Hindi makapaniwalang tanong niya habang nakatingin sa mga magulang nila na abala sa mga papeles na nasa ibabaw ng lamesa dito sa vip ng restaurant na pagmamay-ari ng pamilya niya.Kanina nung narinig nila mula kay Brent ang ginawa ng mga magulang nila kaya naman kahit magdidilim na ay kaagad nilang tinawagan ang mga ito at napag-alaman nila na nasa restaurant ito at pina-finalize na ang mga papel para mapawalang bisa ang kasal nila ni Arisson. Napasugod sila sa restaurant ng wala sa oras.“Can’t you just let us fixed our problem? You didn’t even bother letting us explain our sides,” seryosong paliwanag ni Arisson na sinang-ayunan niya. Hindi sa ayaw niyang makipag-divorce sa asawa niya dahil hindi niya ito mahal. Kasi dadayain niya ang sarili kapag ganon, dahil alam niyang mayroon na siyang nararamdaman, ang hindi niya matanggap ay pinangunahan na naman siya ng magulang na lutasin ang sarili niyang problema.“Mom, Dad, I know that I put chaos and
Third person point of view"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Arisson?" tanong ni MJ pagkatapos siyang maisakay ni Arisson sa sasakyan."Nagmamaneho?" Patanong namang sagot nito ng hindi siya tinatapunan ng tingin. "Bakit mo ako kini-kidnap!?" Galit niyang tanong dito, huli na ng ma-realize niya kung ano ang sinabi niya.Naaaliw na tinitigan siya ni Arisson, "Pft... kidnap? Don't flatter yourself," nanunuyang sagot nito sa kaniya. Nakaramdam siya ng pagkapahiya, hindi niya maintindihan kung bakit kasi iyon pa ang lumabas sa bibig niya. "Kung hindi mo ako kini-kidnap anong ginagawa ko dito sa kotse mo ngayon?" Tanong niya dito na talagang tinarayan niya ang boses para itago ang naramdamang pagkapahiya."Kidnap na pala para sa'yo ito? What more pa kaya sa gagawin ko sa'yo mamaya?" sagot nito at mala-demonyong ngumisi. Namutla siya sa sinabi nito at natagpuan nalang niya ang sarili na nakasiksik sa malapit sa pinto ng kotse. "A-Anong pina-plano mo!?" Pinilit niyang patapangin ang bose
Third person point of view"Fuck! Joana!" Napasigaw si Arisson ng makita si Joana Mei na nakatayo lang at hindi kumikilos habang nakatingin sa paparating na rumaragasang sasakyan. Parang may sariling buhay ang mga paa na tinakbo niya ang pagitan nila at malakas niya itong hinila dahilan para magpagulong-gulong sila sa alikabok. Tinitigan niya ito at ibayong galit at pag-aalala ang naramdaman niya ng makita itong namumutla habang nanginginig ang katawan, "punyeta, Joana Mei! What are you thinking!?" galit na singhal niya dito at hindi niya na napigilan ang sarili na hawakan ito sa balikat at sapilitang i-upo at alog-alugin. "Are you letting yourself get killed, just to get rid off me? Kasi kung yun ang ginagawa mo, hindi mo na kailangan pang masaktan, malayang-malaya ka na!" Mahabang litanya niya pero kagaya kanina ay hindi ito sumagot, nanatili lamang itong nakatingin sa kaniya na puno ng takot. Dahil sa inis na nararamdaman niya ay tumayo siya at puno ng pagkadismayang tinitigan n
Third person point of viewKinabukasan ay alas nueve palang ng umaga ay tumulak na si Joana Mei at Brent papuntang batangas para umattend sa isang business events na hineld ng Cruise Organization, isa sa mga leading organization na nagsusupply ng mostly goods sa lahat ng restuarant and hotels sa buong bansa. Isa itong prestigious events na minsan lang ganapin sa isang taon kaya naman malaki ang pasasalamat niya na isa siya sa mga naimbitahan para magsalita at magbigay ng mensahe at inspirasyon sa iba."Sigurado ka ba na pupunta ka?" Tanong ni Brent habang nagmamaneho papunta sa nasabing lugar. Panaka-naka siya nitong tinatapunan ng tingin tapos muling ibabalik ang tingin sa kalsada.Tinitigan niya ito at pinagkunutan ng noo, "bakit naman hindi?" Curious na tanong niya dahil wala siyang kaide-ideya kung bakit hindi siya dapat pumunta. Tinitigan siya nito bago pinagtaasan ng kilay na para bang hindi ito makapaniwala sa sinabi niya. Mas lalong nangunot ang noo niya, she even tilted her
Third person point of viewMabilis ang takbo ni Arisson palibot sa buong lugar para hanapin si Joana Mei, pero hindi niya ito makita. Masama ang kutob niya na baka may nangyari ng masama dito dahil sa biglaang pagkabog ng malakas ng dibdib niya. Nalibot na niya ang buong resort pero walang bakas ni Joana Mei. "Shit saan ka ba nagpunta!?" Galit at nawawalan ng pasensya na wika niya.Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng lugar at plano na sanang umalis ng mapadako ang tingin niya sa madilim na garden. At sa eksaktong oras na nakita niya ang garden ay narinig niya ang mahinang sigaw ng taong hinahanap niya."No! Arisson!" Kaagad niyang pinuntahan ang pinanggalingan ng boses at dinala siya noon sa pinaka centro ng hardin at mula sa kinatatayuan niya ay nakita niya si Joana Mei na nanlalaban para makawala sa dalawang lalaki na humihimas sa baywang at hita nito.Nagdilim ang paningin niya at mabilis na sinugod ang dalawang lalaki. Hinila niya ang lalaki na nakita niyang humihimas sa hita
Third person point of view"What the fvck are you doing Brenda!?" Nag-ngangalit ang panga na tanong niya dito habang pinapanood itong hinuhubad ang parang net lang na underwear. Paano ba napunta sa ganito ang lahat, one moment hinahanap niya lang si Joana Mei and then the next thing ay nandito na si Brenda sa harapan niya at ngayon ay naghuhubad na."I'm about to pleasure you my man," nang-aakit na wika nito at nagsimula ng maglakad palapit sa kaniya habang bahagyang gumigiling.Pakiramdam niya ay nanigas na ang panga niya sa sobrang pag-ngangalit, mas lalo pa siyang nakaramdam ng inis ng pagdating nito sa harap niya mismo ay mariin siya nitong siniil ng mapang-angking halik. Bahagya niya itong itinulak palayo sa kaniya, bumakas ang pagkadisgusto sa mukha ni Brenda dahil sa ginawa niya, pero kalaunan ay ngumisi din. "What's the matter?" Puno ng pagtatakang tanong nito habang may nakapaskil na ngisi."What's the matter!? Ikaw at itong ginagawa mo!" he reasoned out. And in return she
Third person point of viewSix months later.......Maaga pa lang ay tumulak na papuntang simbahan si Arisson. The same church kung saan sila ikinasal ni Joana Mei.Pagkarating niya sa simbahan ay marami na ang tao, ilan sa mga ito ay pamilyar na sa kaniya dahil sa dalawang dahilan, either nakilala niya dahil sa business or dahil sa family.Habang naglalakad siya papasok ng simbahan ay nakita niya hindi kalayuan sa entrance si Brent kasama si Lauren. Pagkakita niya sa dalawa ay kaagad niyang naalala si Brenda.Brenda got killed right after nitong makipagkasundo sa kanila ni Joana Mei. It was the reason kung bakit pinostpone nila ang kasal.They checked the CCTV footage that time at kaagad nilang nalaman na si Bastien ang dahilan ng pagkamatay nito.Sa loob ng anim na buwan ay ginawa nila ang makakaya nila para mahanap si Bastien pero nung araw na nagkaroon sila ng lead dito ay natagpuan nila itong wala ng buhay sa sarili nitong bahay, may hawak itong isang calibre 45.It was traumatiz
Third person point of view"Brenda!" Matalim na tawag ni Joana Mei sa pangalan nito.Ngayon kaharap na niya ito at bumalik na ang mga ala-ala niya ay unti-unti niya ng nararamdaman ang paghuhulagpos ng galit at kagustuhang saktan ito kagaya ng ginawa nitong pananakit sa kaniya.Tumingin ng masama si Brenda sa kaniya pagkatapos nitong marinig ang pagtawag niya at mula sa pagkakatayo nito sa tapat ng nakabukas na pinto ay naglakad ito palapit sa kinaroroonan nila."Galit ako sa iyo-!" Panimula nito.She roll her eyes, "the feeling is mutual!" She commented dahilan para mapatigil ito sa pagsasalita.Mas lalong umasim ang hilatsa ng mukha nito pagkatapos niya iton putulin sa dapat nitong sasabihin."Will you fvcking listen!?" Singhal nito."Brenda! Watch your word!" Arisson shouted angrily.Brenda flinched upon hearing Arisson's words."Coming in here is not a good idea," sambit nito at naiiling na tumalikod."Ano ba ang dahilan ng pagpunta mo dito? Pumunta ka ba dito para pagtawanan ako
Third person point of viewOne year has passed..."Love, how are you feeling?" Tanong ni Arisson sa babaeng nakaupo sa kama habang hawak nito ang isang batang lalaki.Nagbuntong hininga si Joana Mei at medyo iritableng tumingin sa kaniya.Nasaktan siya dahil sa inakto nito pero bumalik sa memorya niya yung araw na sinabi ng doctor na hindi sila sigurado kung may magiging side effect ang ginawang operation dito.At ito na ang side effect na sinabi ng doctor. Isang taon. Isang taon na siyang paulit-ulit na nagpapakila at nagpapaalala sa pinakamamahal niyang babae kung sino siya pero isang taon na din siya nagsa-suffer dahil pakiramdam niya ay walang nangyayari. Hindi pa rin siya nito nakikilala.Four weeks after nitong ma-hospital ay nagising ito. Yung araw na iyon ang masasabi niyang isa sa pinakamagandang araw na nangyari sa kaniya sa buong buhay niya dahil wala na sa kapahamakan ang mahal niya pero kasabay ng pagkakahinga niya ng maluwag ay ang pag-guho ng mundo niya lalo na nung tu
Third person point of view"Why didn't you let me in with her!?" Singhal ni Arisson sa mga magulang niya. Kanina pa sila dito sa labas ng operating room pero hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ang mga doctor na tumitingin sa fiance niya. Kanina pagkadating nila sa hospital pagkakita pa lang ng doctor kay Joana Mei ay kaagaad na ng mga ito idinala ng operating room si Joana Mei. Hindi niya mapigilan ang magwala dahil hindi siya hinayaan ng mga ito na makapasok sa operating room. "Arisson, will you stop shouting for goodness sake, we're in a hospital!" Madiing pagalit ng Mommy niya. Umigting ang panga niya at hindi niya maiwasan na masaktan dahil sa pananalita ng Mommy niya."Hindi mo naiintindihan Mom, si Joana Mei iyon, yung fiance ko nanganganib ang buhay niya at nandito lang ako at walang ginagawa!" Malakas na wika niya at hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha niya dahil sa magkahalong takot at frustration."Anong magagawa mo kung nasa loob ka ng operating room? Do
Third person point of view"W-What d-did you do to her?" Nahihintakutang tanong ni Lauren.Kanina matapos kumidlat ng malakas ay nakita niya ang pagbagsak ni Arisson kasabay ng pagtama ng liwanag ng kidlat sa kinaroroonan ni Sebastian. Maging siya ay gusto niyang bumagsak nalang dahil sa nakita niya. Hindi niya maiwasan ang maawa kay Arisson lalo na ng pagkatapos nitong tawagin si Joana Mei ay biglang bumukas ang ilaw sa buong paligid at doon ay malaya na nilang nasasaksihan ang hitsura ni Joana Mei.Puno ng dugo ang ulo nito na umagos na hanggang sa mukha nito."H-Hayop k-kayo!" Nanginginig ang boses na sigaw ni Brent.Hindi niya maiwasan na sisihin ang sarili dahil alam niyang isa siya sa dahilan kung bakit nangyayari ito. Noong una ay tinutulungan niya si Brenda dahil malaki ang utang nang loob niya dito pero nung tinraydor siya nito ay nagkaroroon siya ng pagdududa hanggang sa pilit niyang hinahanap sa kaibuturan ng utak niya ang dating Brenda na nakilala niya pero tuluyang naw
Third person point of viewInihinto ni Arisson ang kotse niya sa entrance ng isang malawak na mansiyon. Tinignan niya ang cellphone niya para siguraduhin na tama ang address na napuntahan niya at nung makasiguro na ay saka lang siya bumaba.Kasabay sa pagbaba niya ay ang pagdating ng sampung magkakasunod na sasakyan. Sa pinakaunang sasakyan ay bumaba ang Daddy niya at Daddy ni Joana Mei, sa ikalawa at ikatlong kotse ay ang mga tauhan nila kasama si Kaloy na nagising na pala mula sa pagkaka-comatose. Sa ikaapat na kotse ay bumaba si Lauren at ang isang lalaki, tinignan niya si Lauren at nakita niya na puro galos at sugat ang mga braso nito at mukha.Kaagad siyang nagtaka kung ano ang nangyari dito dahil maayos naman ito ng iwan niya kanina. Sa ikalimang kotse ay bumaba si Lancellot Wy na masamang tingin kaagad ang ipinukol sa anak.Napailing siya dahil mukhang itong mag-ama ay magpapatayan na.Imbes na pagtuunan ang mga ito ng pansin ay nilapitan nalang niya ang kaniyang magulang.
Third person point of view"Wake up Princess, masyado ng mahaba ang tulog mo," ani ni Brenda habang nakatingin kay Joana Mei na unti-unti ng nagigising mula sa mahimbing na pagtulog.Hindi alam ni Joana Mei kung isang oras or may isang araw na ba siyang nananatili dito pero isa lang ang alam niya, nag-aalala na sa kaniya si Arisson.She was unsettled for awhile hanggang sa isang matinis na boses ang nagpabalik sa kaniya sa ulirat.Nanlalaki ang mga mata na napatingin siya kay Brenda na malaki ang pagkakangisi sa kaniya."How's your stay?" Nang-uuyam na tanong nito.Umigting ang panga niya at ibayong galit ang naramdaman niya."Nasaan ako?" Ganting tanong niya imbes na sagutin ang tanong nito.Lumawak ang pagkakangisi nito, "what a cliche line," pang-aasar nito."Hayop ka Brenda, saan mo ako dinala!?" Pasinghal na tanong niya at nagsimula na siyang magwala sa kinauupuan niya.Nakita niya ang ngiting tagumpay na sumilay sa labi ng demonyong kaharap niya."Kung ako sa iyo ay hindi ko gag
Third person point of view"Nasaan si Joana Mei at Brent?" Inulit niya ang tanong niya dahil hindi ito sumagot sa nauna niyang tanong.Mag-iisang oras na sila dito sa may parking lot ng condominium pero hanggang ngayon ay nakatayo lang ito sa harapan niya at nakangisi.PAK!Dahil sa inis niya ay hindi na niya napigilan ang sarili na sampalin ito ng sobrang lakas dahilan para bumagsak ito at manghina. Wala sa bokabolaryo niya ang manakit lalo na ng babae pero para kay Joana Mei ay kahit ilang babae handa siyang saktan para lang maging ligtas ang fiance niya at ang baby nila sa sinapupunan nito.Sinamantala niya ang panghihina nito, binitbit niya ito at isinakay sa trunk ng kotse niya. "Fuck Arisson palabasin mo ako dito!!" Dinig niyang pagwawala ni Lauren kasabay ng malalakas na kalambog..Hindi niya pinansin ito naglakad siya papunta sa driver side at sumakay ng kotse.Bago paandarin ang kotse ay nag-chat siya sa mga magulang niya para sabihin kung saan siya maaaring puntahan at sina
Third person point of view"Nagawa mo ba yung utos ko? Nakuha mo ba si Joana Mei?" Magkasunod na tanong ni Brenda sa lalaking bagong dating lang.Napabuntong hininga ito at pagod na ibinagsak ang katawan sa malambot na sofa.Napasama ang tingin na ipinupukol ni Brenda sa pagiging carefree ng kaharap niya, kaya naman naisip niya na putulin na ito habang maaga pa."Sebastian, tinatanong kita kung nagawa mo ang inutos ko, nakuha mo ba si Joa-!" Natigil siya sa sinasabi niya ng biglang bumukas ng malakas ang pinto at iniluwa non ang dalawang lalaki at ang babae na matagal na kating-kati na siyang saktan.Sa gilid ng mga mata niya ay nakita niya si Sebastian na nakangisi habang nakatingin sa kaniya."Unlike your friends man, mas magaling ako pagdating sa ganitong bagay," buong pagmamalaking anito.Napairap siya pero may katotohanan ang sinasabi nito kaya naman hinayaan nalang niya itong magyabang."Magaling dalhin ninyo ang babae na iyan sa basement at siguraduhin ninyo na hindi makakataka