Share

Mission #6

Author: pink_miller
last update Huling Na-update: 2023-10-26 15:29:57

Nang malaman ng aking mga kaibigan ang balak ko na pumunta sa bahay ni Mael ay walang pagdadalawang isip na sumama ang mga ito sa akin. Kaya alam ko na maaasar na naman si Mael sa gagawing panggugulo ng mga ito sa araw nila na mag-asawa lalo pa na ngayong araw ang kanilang unang anibersaryo.

"Sino ang kakatok?" nag-aalangan na tanong ni Ronan habang nakaharap kami sa pintuan ng bahay ni Mael.

"Ikaw na, Trav," pagturo ni Ezra kay Travis.

"Si Pablo na," pagturo naman niya sa bagong kasama nilang kaibigan

"Bakit ako?" pag-angal naman ni Pablo, "Kayo ang nag-aya dito di ba?"

"Aba, ayoko mabungaran ng galit ni Ismael," pag-urong naman ni Declan.

Doon ay nagpalitan sila ng tingin bago sabay sabay na ngumisi. Pagkatapos ay tumingin silang lahat sa direksyon ko at tila nahuhulaan ko na ang susunod nilang sasabihin.

"Jax, pagkaalala ko ay ikaw ang may pakay kay Mael," sambit ni Travis, "Alam niya na darating ka di ba?"

Malakas na napabuntong hininga na lang ako. Tama naman sila na talagang pupunta ako rito.

"Oo, alam niya. Pero AKO lang ang inaasahan niya," pagbibigay diin ko naman.

"E di ikaw na ang kumatok," pagturo naman ni Ronan sa akin.

Nagtagisan kami ng mga tingin ngunit sa huli ay malakas na napabuntong hininga na lang ako. "Fine, ako na," pagsuko ko, "Basta huwag kayo magugulo kung ayaw niyo palabasin tayo ng di oras ni Mael."

Nagkunwari naman ang mga ito na nag-zipper ng kanilang mga bibig. Doon ay kumatok na nga ako sa pintuan habang nagtago at kumapit naman sa likuran ko ang aking mga kaibigan. Hindi nagtagal ay nakarinig kami ng mga hakbang palapit sa pintuan. Tila isang slow motion na bumukas ang pinto na siyang labis na nagpakabog sa puso nilang lahat.

Ngunit laking gulat ko na hindi si Mael ang bumungad sa amin. Isa itong babae na naka-braided pigtail at nakasuot ng makapal na salamin. Nakusot din siya ng long sleeve at mahabang palda na masyadong outdate na sa moderno nilang panahon.

Gayun pa man ay kitang kita ko pa kung paano natuod ang babae sa kinatatayuan nito habang titig na titig sa aking mukha. Unti unti na namutla pa ito na akala mo isang multo ngayon ang kanyang kaharap. pero agarang iniling ko ang ulo ko sa ideya na iyon. Inisip ko na lang na baka katulad siya ng ibang babae na nabighani sa kanyang kagwapuhan kaya ganoon na lang ang reaksyon niya nang makita siya.

"Yuhoo! Happy anniversary sa inyo, Ismael and Cathy!" biglang malakas na pagbati ni Travis na siyang naging dahilan para magising ang babae mula sa pagkatulala sa kanyang harapan.

"P-Pasok po kayo... m-mga sir.." iwas tinging sambit ng babae bago nilakihan ang pagbukas ng pinto para papasukin kami sa bahay nina Mael.

At katulad ng aming inaasahan ay isang matalim na tingin ang ibinungad sa amin ni Mael. Idagdag pa sa kanyang galit ang biglang pag-iyakan ng triplets dahil nagulat ang mga ito sa malakas na pagbati ni Travis.

"Eh... Sorry, sorry..." natatarantang paumanhin ni Travis saka mabilis na lumapit kay Zahara para patigilin ito sa pag-iyak at libangin na rin.

"Teka anniversary na anniversary niyo pero nandito lang kayo?" pagpuna naman ni Declan sa mag-asawa na abala sa pagpapatahan kina Zachary at Zararri, "Wala ba naman kayo balak na mag-date na dalawa man lang? Di ba first anniversary niyo?"

Nagpalitan ng tingin naman sina Ismael at Cathy. Marahil ay may plano ang mga ito ngunit hindi nila magawang iwanan ang triplets. 

"Bakit? Kailangan niyo ba ng magbabantay sa triplets? Kung ganoon, kami na ang bahala sa kanila!" agarang pagbo-boluntaryo naman ni Ronan.

Nag-aalangan na nagkatinginan muli sina Ismael at Cathy sa bawat isa. Alam ko na hindi magandang ideya na iwanan ang triplets sa kanilang mga kaibigan na puro kalokohan at pambabae lang ang alam. baka mamaya ay kung ano pa ang mga matutunan ng mga ito.

"Oy, oy, oy! Ang judgmental ng mga ito! Kahit puro paggawa ng bata ang inaatupag namin ay marunong naman kami mag-alaga ng bata 'no!" pag-angal ni Travis sa naging reaskyon na iyon ng mag-asawa.

"Hindi nga?" hindi naniniwalang sambit ni Mael, "Matagal na tayo magkakaibigan pero parang hindi ko yata alam iyon."

Taas noong pinukpok ni Travis ang dibdib niya bago lumapit at binuhat mula sa kanyang crib si Zarrari. Medyo nagulat ang mag-asawa dahil sa hindi umiyak si Zarrari at kusa pa ito sumama kay Travis.

"Ano Zarrari? Tutulungan mo ba si ninong na ipakita sa ama mo na marunong ako mag-alaga ng bata?" pagkausap pa niya sa buhat na bata.

"Guh!" pagsagot naman ni Zarrari na tila ba nauunawaan ang sinabi ni Travis bago kinawag kawag ang mga kamay niya na parang isang ibon.

Sa reaksyon na iyon ni Zarrarri ay nagsimula na nga sila na maglaro na dalawa. Tila mabilis na naging close si Zarrari kay Travis dahil na rin sa malikot at may pagka-maingay silang dalawa.

"Kay Travis mo ba pinaglihi si Zarrari, Cathy?" hindi natutuwang tanong ni Mael sa kanyang asawa dahil sa nakita niyang pagkatulad ng ugali ng dalawa.

Nagkibit balikat naman si Cathy at hindi ito itinanggi. Dahil sa katunayan ay si Travis naman talaga ang pinaglihian niya sa mga panahon na dinadala niya ang triplets.

"Tch! Sa susunod ay pagbabawalan ko ang niisa sa mga kaibigan ko na makita mo kapag nagbuntis ka muli," asar na komento pa ni Mael bago matalim na tinignan si Travis

Napasipol naman ang iba naming kaibigan sa dineklara na iyon ni Mael. "Oy, oy, huwag niyo muna sundan ang triplets. Magpigil pigil muna kayo sa paggawa!" suway ni Ezra sa mag-asawa, "Maghihirap kami na mga ninong ng mga anak niyo."

"Pero ikaw ba, Ezra? Wala pa ba lumalapit sa iyo na babae para ipaalam na nabuntis mo sila?" pagpuna naman ni Pablo, "Ikaw itong pinakamaraming tinitira sa atin eh."

"Baka naman baog ka, pre?" paggatong naman ni Ronan, "Napaka-imposible naman kasi na hindi man lang nakalusot ang katas mo sa kanila."

"Ulul! Hindi ako baog!" pagtatanggol ni Ezra sa kanyang sarili, "Nagkataon lang na marunong ako dumiskarte bago pumutok!"

Hanggang sa matigilan ang mga ito sa kanilang asaran at napatingin sila sa aking gawi. Kinunutan ko naman sila ng noo dahil sa pagbaling nila ng atensyon sa akin.

"Uy! Jaxson! Na-engkanto ka na ba riyan?" pagpansin ni Travis sa akin "Bakit ang tahimik mo naman yata ngayon?"

Muling napakunot ako ng noo sa pagpansin nilang iyon. Hanggang sa sandali na mapagawi ang tingin ko sa babaeng nagbukas ng pinto kanino. Tahimik lang ito nakikinig at nagmamasid sa kanilang lahat. Sa tagal ko na ring pagtra-trabaho bilang secret agent ay may kakaibang kutob kasi ako sa kanya. Hindi ko lang alam kung sa anong dahilan. Sa itsura niya kasi ay tila normal na tao naman ito para makaramdam siya ng ganitong pagkakutob.

"Teka magkakilala ba kayo?" hindi napigilang tanong sa akin ni Mael at nagpalipat lipat ng tingin sa amin.

Mabilis na iniling naman ng babae ang ulo niya. "H-H-Hindi po, Sir!" malakas na pagtanggi niya na siyang kahina-hinala.

"Jax?" nag-uusig na tanong nila sa akin.

Napaisip naman ako bago nagkibit balikat. "I'm not really sure but I think she looks so familiar..." pag-amin ko bago mariin na pinagmasdan ang babae, "Or maybe may kamukha lang siya na kakilala ko?"

Muling nag-iwas ng tingin ang babae sa akin. Sa kakaibang kilos pa lang nito ay mahahalata na kilala ako nito. Hindi ko lang malaman kung saan ko maaari nakita ang babae. Napaka-imposible na isa siya sa mga babae na nakilala ko sa bar ni Ezra. 

"Pero seryoso! Kami na ang bahala sa triplets!" muling pagpupumilit ni Travis na iwanan ng mag-asawa ang triplets sa kanilang pangangalaga.

Doon ay lumapit na si Declan para kuhanin si Zachary mula sa crib nito habang lumapit naman si Pablo para kuhanin kay Mael si Zahara. Kita ang gulat pa sa mukha ni Mael dahil sa hindi umiyak ang kanyang mga anak. Sa halip ay willing pa ito na sumama sa kanilang mga kaibigan.

"Are you sure about this?" paniniguro na lang ni Mael dahil sa patuloy na pagprisinta nila.

"Oo nga!" pagkumpirma ni Ezra, "To the rescue kami sa labing labing niyo. Tsaka ngayon kaya ang first anniversary niyo kaya hindi pwede palampasin ng ganito lang 'no!"

Nagkatinginan muli sina Mael at Cathy sa isa't isa. Hanggang sa naisipan ng mga ito na tanggapin ang kanilang inaalok na tulong

"Salamat," taos puso na pagpapasalamat ni Mael sa amin 

Doon ay puno ng pagmamahal na inakbayan ni Ismael si Cathy. "Kung ganoon, aalis muna kami ni Cathy at sa inyo muna namin iiwan ang tatlo," pagbilin pa niya, "Tawagan niyo na lang kami kung may problema."

Sumaludo naman kami sa kanila na para bang mga sundalo na binigyan ng isang importanteng misyon.

Hanggang sa nilingon ni Cathy ang babae. "Leah, paki-alalayan na lang sila kapag kailangan nila ng tulong," pagbibigay bilin niya sa babysitter ng mga anak.

Nag-aalangan na tumango naman ang babae na nangangalan pa lang Leah. Pagkatapos ay awkward na tumingin ito sa aking gawi.

***

Pagkalipas ng ilang sandali ay tuluyan na nga umalis ang mag-asawa para i-celebrate ang kanilang first wedding aniinversary.

"Okay, mission accomplished," sambit ni Travis bago nila ibinalik sa mga crib ang triplets.

Sabay sabay na ngumisi muli ang mga ito at doon pa lang ay alam na may kalokohan na naman sila na gagawin. 

"Ah! Nakalimutan ko na may scheduled civil case ako na dapat tapusin ngayong araw," seryosong sambit ni Declan, "Sorry pero kailangan ko na umalis."

"Ako rin kailangan ko na umalis," sambit naman ni Ronan, "Tumawag si Chief at kailangan ko bumalik sa aming presinto."

"May kailangan din akong gawin," makahulugan na sambit naman ni Travis, "Humihingi sa akin ang tulong ang NBI about sa isang hacking incident."

"May lakad din pala ako," sambit naman ni Pablo, "May kasalan ako na dapat puntahan today."

"Kailangan ko na rin bumalik sa bar," paalam naman ni Ezra, "Nawala sa isip ko na may VIPs nga pala ako na darating."

Natameme ako sa sunud sunod na pagpapalusot ng mga ito. Alam ko na wala silang mga lakad ngayong araw kaya agaran sila na sumama sa akin kanina.

"K-Kung ganoon----"

"Pasensiya na, Jax! Mukhang ikaw na lang pala ang maiiwan dito," pagputol ni Ezra sa anumang balak kong sabihin.

"Anong---"

"Paano ba iyan. Maiwan ka na namin dito," pagputol naman ni Travis.

Sinamaan ko ng tingin silang lahat. Alam ko na ginagawa nila ito dahil sa babysiiter ng triplets. Marahil inaakala nila na may kung anong koneksyon ako sa kanya. Stress na napahilot ako ng aking sintido at pilit inalala ang aking misyon. Idagdag pa na may kakaibang suspetya ako sa babae.

Paano na lang kung siya pala ang nagpapadala ng death threat kina Mael?

Hinding hindi maaari maiwan ang triplets sa pangangalaga niya ng mag-isa.

Baka mamaya ay kidnap-in niya pa ang mga ito at panigurado malalagot kami kay Mael sa pagbabaya na iyon. Maisip ko pa lang ang posibilidad na iyon ay nanginginig na ako sa takot.

"Tss... Fine... Ako na," pagsuko ko na lang sa binabalak nila.

Lalong lumapad ang ngiti sa labi ng mga kaibigan ko. Pagkatapos ay nagmamadali na tumayo sa kinauupuan nila sa takot na baguhin ko ang aking isipan.

"Bye Jax! Bye Leah!" masayang pagpaalam pa ni Ronan sa amin

"Good luck Leah! Don't worry hindi nangangagat iyang kaibigan namin," patutsada naman ni Ezra, "Tumitira lang sa dilim!"

Muling sinamaan ko sila ng tingin doon ay unahan sila na lumabas ng pintuan habang ako naman ay naiwan kasama ang babysitter sa loob ng bahay nina Mael.

Kaugnay na kabanata

  • One Night Mission   Mission #7

    Namayani ang mahabang katahimikan sa buong paligid. Patagong tinignan ko pa ang babysitter sa isang sulok na hindi maipinta ang mukha sa mga oras na ito. Marahil hindi niya inaasahan na maiiwan ako rito kasama siya. "Hey."Kitang kita ko kung paano pa ito napapitlag mula sa kinatatayuan niya at takot na takot na hinarap ang tingin ko. "B-Bakit po, s-sir...?” nanginginig pa niyang tanong"Do you know me?" walang pag-aalinlangan kong tanong sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya bigla na lang namutla ang kulay ng kanyang mukha. Doon pa lang ay masasabi ko na kilala niya talaga ako. "S-Sir, m-mga kilalang tao kayo sa m-media... " pagpapalusot niya pa. Sinamaan ko siya ng tingin. "You know what I mean... Yung kilala mo ba ako ng personal?”Mabilis na iniling niya ang ulo niya para pilit itanggi ang hinala ko na iyon. " S-Sir, n-ngayon ko lang po kayo nakaharap ng personal... S-Saka tignan niyo po ang itsura ko para magawa ko makalapit sa inyo... "Mabagal na tinignan ko siya mula ulo ha

    Huling Na-update : 2023-11-06
  • One Night Mission   Mission #1

    "Welcome back to the Philippines, sir."Malapad na napangiti ako nang marinig ang pagsalubong na iyon ng mga flight attendant.I am finally back.Sa wakas ay nakabalik na rin ako sa Pilipinas pagkatapos ng anim na buwan na pananatili sa Canada. Ngunit kumpara sa iba ay hindi ako nagtungo doon para magbakasyon o mamasyal. Kundi naroroon ako para tapusin ang isang Class S mission na ibinigay sa akin ni Boss Libra.Nagkataon kasi na nangailangan ng tulong ang Foreign Alliance para sa malakihang paghuli sa isang international terrorist na si Leon de Guzman. At bilang pinakamagaling at pinagkakatiwalaang secret agent ng National Intelligence Agency (NIA) ng bansa ay ako ang napili na ipadala ni Boss Libra bilang katawan ng aming ahensiya. Sa katunayan dapat aabutin nang mahigit isang taon ang misyon ko na iyon ngunit dahil sa sinuwerte ako ay nagtagumpay agad kami na mahuli si Leon sa loob ng anim na buwan.Kaya eto ako ngayon ay may ngiting tagumpay sa aking labi dahil sa maagang pagbabal

    Huling Na-update : 2023-09-26
  • One Night Mission   Mission #2

    Pagkalipas ng ilang araw...Pagpasok ko sa loob ng Secret Hideout ay maririnig na agad sa bawat sulok ang nakakabinging pagpapatugtog ng DJ. Kasabay nito ang pagsasayaw at pagsasaya ng ilang katao sa gitna ng entablado.Isang typical na eksena sa isang bar."Hi there, handsome. Do you want to join me tonight?"Doon ay malanding yumakap sa aking braso ang isang babae. Naramdaman ko pa ang paikot na paggapang ng daliri niya sa aking malapad na dibdib para akitin. Hinagod ko naman ng tingin ang kanyang halos walang damit na katawan at aaminin ko na ganitong mga ka-sexy at kaganda ang tipo ko.Kaso nga lang ay kailangan ko maging propesyunal sa aking trabaho. Lalo pa na may ibang pakay talaga ako sa bar na ito. Nandito ako para isagawa ang Class S mission na ibinigay sa akin ni Boss Libra. At sa ilang gabi na pagmamanman ko rito ay na-diskubre ko na ngayong gabi ang pinakamagandang pagkakataon para isagawa ang aking misyon. Dahil ngayong gabi darating ang lider ng sindikato na namamahala

    Huling Na-update : 2023-09-26
  • One Night Mission   Mission #3

    Sa inihayag ko na iyon ay napakatalim na tinignan ako ng babae. Makikita mula sa kanyang maganda at maamong mukha ang labis na pagkasuklam sa akin. Alam ko na sinusubukan niya muli ako na intimidahin para bawiin ang aking pagpili sa kanya."What a good choice, sir!" papuri sa akin ng waiter bago sampilitan na hinila ang babae palapit sa akin, "She is a little fiesty pero alam ko na iyan ang tipo niyo sa mga babae. 'Yung may kaunting bakbakan muna bago ang nakakanginig na sarap."Sa tinuran na iyon ng waiter ay lalong tumalim ng tingin na binibigay sa akin ng babae. Marahil sa oras na ito ay ilang ulit na niya ako pinapatay sa kanyang isipan. Kaya napakagat labi ako para pigilan ang sarili na mapangiti mula sa kanyang nakakatuwang reaksyon.Ngunit bigla ako napalunok nang makita muli kung gaano kanipis at karampot ang suot niya. Kitang kita tuloy kung gaano kaganda at kasexy ang hubog ng kanyang katawan. May maliit siyang bewang, flat na tiyan at malalaki na mga dibdib. Idagdag pa ang

    Huling Na-update : 2023-09-26
  • One Night Mission   Mission #4

    Five years later... Agarang napatigil ang mga rookie agent sa kani-kanilang ginagawang pag-i-sparring nang marinig ang malakas na pagparada ng isang motor. At katulad ng kanilang inaasahan ay dumating na si Agent Fang na siyang kanilang trainor. Doon ay nagmadali sila na humanay sa magkabilang gilid ng daan at buong galang na yumuko sa harapan ng binata."Good day to you, Sir!" sabay sabay pa nilang pagbati sa kanya. Diretso lamang ang tingin ni Jaxson at hindi naisipan na gumanti ng bati sa mga rookie agent. Gayun pa man ay hindi nila minasama ito at sanay na sila sa malamig na pakikitungo ng kanilang trainor. Iyon ay dahil samundong kanilang ginagalawan ay walang agent ang hindi nakakakilala sa taglay na husay at galing ni Agent Fang. Napakalaki ang paghanga nilang mga rookie agent sa binatang agent dahil sa nagawa nito mapagtagumpayan ang pinakamalaking misyon limang taon na nakakaraan. Ito ang misyon na hulihin ang most wanted na syndicate na si Jack Hidalgo na siyang pinaka-ul

    Huling Na-update : 2023-10-18
  • One Night Mission   Mission #5

    "Jaxson, my friend! Long time no see!" nakangising bungad sa akin ni Ezra pagkapasok ko sa High Five Bar na kanyang pagmamay-ari. Agarang lumapit naman ako sa kanya at nakipag-bro-fist. "Nasaan ang iba?” takang tanong ko naman habang inililibot ang tingin sa loob ng bar niya, " Himala yata ni anino nila ay wala rito. "Napailing ng kanyang ulo si Ezra bago bagot na napasandal sa isang upuan. "Tch! Ayun nagkanya kanya na sila ng love life. Nainggit yata ang mga mokong kay Mael dahil may Cathy na at may triplets pa, " asar na komento ni Ezra, "Ang hina tuloy ng kita ng bar ko dahil wala ang mga mayayaman kong suki. Sila pa naman ang humahatak ng mga chicks dito. "Napahalakhak na lang ako dahil sa concern na iyon ni Ezra tungkol sa kanyang negosyo. Kaya mapang-asar na inakbayan ko na lang siya at parang bata na inalo mula sa tantrums. "Hayaan mo na. Makakain ka naman sa kasal nila kapag nagkataon," pagpapalubag ko na lang ng loob niya, "Ayaw mo nun... Mabubusog tayo. "Napasimangot na

    Huling Na-update : 2023-10-23

Pinakabagong kabanata

  • One Night Mission   Mission #7

    Namayani ang mahabang katahimikan sa buong paligid. Patagong tinignan ko pa ang babysitter sa isang sulok na hindi maipinta ang mukha sa mga oras na ito. Marahil hindi niya inaasahan na maiiwan ako rito kasama siya. "Hey."Kitang kita ko kung paano pa ito napapitlag mula sa kinatatayuan niya at takot na takot na hinarap ang tingin ko. "B-Bakit po, s-sir...?” nanginginig pa niyang tanong"Do you know me?" walang pag-aalinlangan kong tanong sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya bigla na lang namutla ang kulay ng kanyang mukha. Doon pa lang ay masasabi ko na kilala niya talaga ako. "S-Sir, m-mga kilalang tao kayo sa m-media... " pagpapalusot niya pa. Sinamaan ko siya ng tingin. "You know what I mean... Yung kilala mo ba ako ng personal?”Mabilis na iniling niya ang ulo niya para pilit itanggi ang hinala ko na iyon. " S-Sir, n-ngayon ko lang po kayo nakaharap ng personal... S-Saka tignan niyo po ang itsura ko para magawa ko makalapit sa inyo... "Mabagal na tinignan ko siya mula ulo ha

  • One Night Mission   Mission #6

    Nang malaman ng aking mga kaibigan ang balak ko na pumunta sa bahay ni Mael ay walang pagdadalawang isip na sumama ang mga ito sa akin. Kaya alam ko na maaasar na naman si Mael sa gagawing panggugulo ng mga ito sa araw nila na mag-asawa lalo pa na ngayong araw ang kanilang unang anibersaryo."Sino ang kakatok?" nag-aalangan na tanong ni Ronan habang nakaharap kami sa pintuan ng bahay ni Mael."Ikaw na, Trav," pagturo ni Ezra kay Travis."Si Pablo na," pagturo naman niya sa bagong kasama nilang kaibigan"Bakit ako?" pag-angal naman ni Pablo, "Kayo ang nag-aya dito di ba?""Aba, ayoko mabungaran ng galit ni Ismael," pag-urong naman ni Declan.Doon ay nagpalitan sila ng tingin bago sabay sabay na ngumisi. Pagkatapos ay tumingin silang lahat sa direksyon ko at tila nahuhulaan ko na ang susunod nilang sasabihin."Jax, pagkaalala ko ay ikaw ang may pakay kay Mael," sambit ni Travis, "Alam niya na darating ka di ba?"Malakas na napabuntong hininga na lang ako. Tama naman sila na talagang pup

  • One Night Mission   Mission #5

    "Jaxson, my friend! Long time no see!" nakangising bungad sa akin ni Ezra pagkapasok ko sa High Five Bar na kanyang pagmamay-ari. Agarang lumapit naman ako sa kanya at nakipag-bro-fist. "Nasaan ang iba?” takang tanong ko naman habang inililibot ang tingin sa loob ng bar niya, " Himala yata ni anino nila ay wala rito. "Napailing ng kanyang ulo si Ezra bago bagot na napasandal sa isang upuan. "Tch! Ayun nagkanya kanya na sila ng love life. Nainggit yata ang mga mokong kay Mael dahil may Cathy na at may triplets pa, " asar na komento ni Ezra, "Ang hina tuloy ng kita ng bar ko dahil wala ang mga mayayaman kong suki. Sila pa naman ang humahatak ng mga chicks dito. "Napahalakhak na lang ako dahil sa concern na iyon ni Ezra tungkol sa kanyang negosyo. Kaya mapang-asar na inakbayan ko na lang siya at parang bata na inalo mula sa tantrums. "Hayaan mo na. Makakain ka naman sa kasal nila kapag nagkataon," pagpapalubag ko na lang ng loob niya, "Ayaw mo nun... Mabubusog tayo. "Napasimangot na

  • One Night Mission   Mission #4

    Five years later... Agarang napatigil ang mga rookie agent sa kani-kanilang ginagawang pag-i-sparring nang marinig ang malakas na pagparada ng isang motor. At katulad ng kanilang inaasahan ay dumating na si Agent Fang na siyang kanilang trainor. Doon ay nagmadali sila na humanay sa magkabilang gilid ng daan at buong galang na yumuko sa harapan ng binata."Good day to you, Sir!" sabay sabay pa nilang pagbati sa kanya. Diretso lamang ang tingin ni Jaxson at hindi naisipan na gumanti ng bati sa mga rookie agent. Gayun pa man ay hindi nila minasama ito at sanay na sila sa malamig na pakikitungo ng kanilang trainor. Iyon ay dahil samundong kanilang ginagalawan ay walang agent ang hindi nakakakilala sa taglay na husay at galing ni Agent Fang. Napakalaki ang paghanga nilang mga rookie agent sa binatang agent dahil sa nagawa nito mapagtagumpayan ang pinakamalaking misyon limang taon na nakakaraan. Ito ang misyon na hulihin ang most wanted na syndicate na si Jack Hidalgo na siyang pinaka-ul

  • One Night Mission   Mission #3

    Sa inihayag ko na iyon ay napakatalim na tinignan ako ng babae. Makikita mula sa kanyang maganda at maamong mukha ang labis na pagkasuklam sa akin. Alam ko na sinusubukan niya muli ako na intimidahin para bawiin ang aking pagpili sa kanya."What a good choice, sir!" papuri sa akin ng waiter bago sampilitan na hinila ang babae palapit sa akin, "She is a little fiesty pero alam ko na iyan ang tipo niyo sa mga babae. 'Yung may kaunting bakbakan muna bago ang nakakanginig na sarap."Sa tinuran na iyon ng waiter ay lalong tumalim ng tingin na binibigay sa akin ng babae. Marahil sa oras na ito ay ilang ulit na niya ako pinapatay sa kanyang isipan. Kaya napakagat labi ako para pigilan ang sarili na mapangiti mula sa kanyang nakakatuwang reaksyon.Ngunit bigla ako napalunok nang makita muli kung gaano kanipis at karampot ang suot niya. Kitang kita tuloy kung gaano kaganda at kasexy ang hubog ng kanyang katawan. May maliit siyang bewang, flat na tiyan at malalaki na mga dibdib. Idagdag pa ang

  • One Night Mission   Mission #2

    Pagkalipas ng ilang araw...Pagpasok ko sa loob ng Secret Hideout ay maririnig na agad sa bawat sulok ang nakakabinging pagpapatugtog ng DJ. Kasabay nito ang pagsasayaw at pagsasaya ng ilang katao sa gitna ng entablado.Isang typical na eksena sa isang bar."Hi there, handsome. Do you want to join me tonight?"Doon ay malanding yumakap sa aking braso ang isang babae. Naramdaman ko pa ang paikot na paggapang ng daliri niya sa aking malapad na dibdib para akitin. Hinagod ko naman ng tingin ang kanyang halos walang damit na katawan at aaminin ko na ganitong mga ka-sexy at kaganda ang tipo ko.Kaso nga lang ay kailangan ko maging propesyunal sa aking trabaho. Lalo pa na may ibang pakay talaga ako sa bar na ito. Nandito ako para isagawa ang Class S mission na ibinigay sa akin ni Boss Libra. At sa ilang gabi na pagmamanman ko rito ay na-diskubre ko na ngayong gabi ang pinakamagandang pagkakataon para isagawa ang aking misyon. Dahil ngayong gabi darating ang lider ng sindikato na namamahala

  • One Night Mission   Mission #1

    "Welcome back to the Philippines, sir."Malapad na napangiti ako nang marinig ang pagsalubong na iyon ng mga flight attendant.I am finally back.Sa wakas ay nakabalik na rin ako sa Pilipinas pagkatapos ng anim na buwan na pananatili sa Canada. Ngunit kumpara sa iba ay hindi ako nagtungo doon para magbakasyon o mamasyal. Kundi naroroon ako para tapusin ang isang Class S mission na ibinigay sa akin ni Boss Libra.Nagkataon kasi na nangailangan ng tulong ang Foreign Alliance para sa malakihang paghuli sa isang international terrorist na si Leon de Guzman. At bilang pinakamagaling at pinagkakatiwalaang secret agent ng National Intelligence Agency (NIA) ng bansa ay ako ang napili na ipadala ni Boss Libra bilang katawan ng aming ahensiya. Sa katunayan dapat aabutin nang mahigit isang taon ang misyon ko na iyon ngunit dahil sa sinuwerte ako ay nagtagumpay agad kami na mahuli si Leon sa loob ng anim na buwan.Kaya eto ako ngayon ay may ngiting tagumpay sa aking labi dahil sa maagang pagbabal

DMCA.com Protection Status