"Welcome back to the Philippines, sir."
Malapad na napangiti ako nang marinig ang pagsalubong na iyon ng mga flight attendant.
I am finally back.
Sa wakas ay nakabalik na rin ako sa Pilipinas pagkatapos ng anim na buwan na pananatili sa Canada. Ngunit kumpara sa iba ay hindi ako nagtungo doon para magbakasyon o mamasyal. Kundi naroroon ako para tapusin ang isang Class S mission na ibinigay sa akin ni Boss Libra.
Nagkataon kasi na nangailangan ng tulong ang Foreign Alliance para sa malakihang paghuli sa isang international terrorist na si Leon de Guzman. At bilang pinakamagaling at pinagkakatiwalaang secret agent ng National Intelligence Agency (NIA) ng bansa ay ako ang napili na ipadala ni Boss Libra bilang katawan ng aming ahensiya. Sa katunayan dapat aabutin nang mahigit isang taon ang misyon ko na iyon ngunit dahil sa sinuwerte ako ay nagtagumpay agad kami na mahuli si Leon sa loob ng anim na buwan.
Kaya eto ako ngayon ay may ngiting tagumpay sa aking labi dahil sa maagang pagbabalik.
Doon ay pinagpatuloy ko ang aking paglalakad at pinag-isipan kung paano susupresahin silang lahat. Ngunit habang papalabas ako ng airport ay napansin ko ang pagsabay sa akin ng isang lalaki. Pagkatapos ay walang kung anu ano na sinadya nito na banggain ang aking balikat. Sa nangyari ay sandali na nagkapalitan muna kami ng tingin sa isa't isa bago ito dire-diretso na umalis na para bang walang nangyari.
Nang tuluyan na mawala siya sa aking paningin ay bigla na lamang ako nagpakawala ng malakas na buntong hininga. Iilang minuto pa lang kasi ang nakakalipas magmula na nakaapak ako sa lupa ng bansa pero mukhang may panibagong misyon na ibinigay muli sa akin si Boss Libra.
Napakamot tuloy ako ng aking batok dahil sa hindi inaasahan na pagsalubong na ito ng aming boss. "Gusto ko lang sana supresahin si Boss Libra pero tila ako ang sinupresa niya," iiling iling na pagbulong ko na lang sa hangin.
Hindi nakakapagtaka na matutuklasan ni Boss Libra ang pagbabalik ko na ito. Dahil hindi naman lingid sa kaalaman ko na nagkalat sa maraming lugar ang mga miyembro ng aming ahensiya na siyang nagsisilbing aming mga mata at tenga. Sa ganoong paraan din ay mas makakalap kami ng impormasyon na hindi nahahalata ng aming mga minamanmanan.
Dahil sa mukhang may panibagong misyon ako ngayon ay agarang pinara ko ang paparating na taxi sa harapan ng airport. "Sir, saan po tayo?" nakangiting pagtatanong sa akin ng taxi driver pagkaupo ko pa lamang sa backseat.
"Bring me to hell," makahulugang sagot ko naman bago kampante na naupo roon.
Agarang naging seryoso naman ang taxi driver at tila naunawaan kung saan ako patungo. Kaya nang makalabas kami sa area ng airport ay sinilip ko na ang papel na inilagay sa bulsa ko kanina ng lalaking bumangga sa akin.
Tanging sequence lang ng numero at letra ang makikita sa papel na iyon. Kaya agaran dinecode ko ito sa aking isipan at inalam ang anumang mensahe na naroroon.
'Head to my office, Agent Fang. ASAP.'
"What the hell?" nalilitong bulalas ko.
Nakakapagtaka kasi na hindi detalye ng aking panibagong misyon ang laman ng papel kundi isang special summon mula sa aming boss. Hindi ito normal na mangyari. Madalas kasi ay mga tauhan lang niya ang nagpapaabot ng aming mga misyon. Ngunit tila sa pagkakataon na ito ay makakaharap ko si Boss Libra para personal na tanggapin ang aking panibagong misyon.
"S-Shit... May masamang kutob ako sa pagpapatawag na ito," nakangiwing pagbulong ko na lang.
Pagkalipas ng ilang minuto ay tumigil na nga ang sinasakyan kong taxi sa harapan ng isang pamilyar na building. Isang makahulugan na ngiti ang ibinigay ko sa taxi driver bago bumaba. Maingat na inilibot ko pa ang aking tingin bago nakapamulsang naglakad patungo sa entrance ng building na iyon. Kaso bago pa ako makapasok ay agarang iniharang ng gwardiya ang maskuladong katawan niya sa pintuan.
"Ako ito..." maangas na pagpapakilala ko naman bago tinanggal ang tumatakip sa aking mukha, "Ang poging pogi na si Jaxson Alcones," dagdag ko pa at nagsagawa ng 'pogi' sign at nagbigay ng isang malanding kindat, "Namiss mo ba ako, Kuya Fredo?"
Ngunit aa aking ginawa na pagpapakilala ay parang robot lamang ito na umatras mula sa pagharang sa pintuan. Dahil doon ay napahiya na napakamot ako sa aking batok. Mukhang bigo na naman ako na mapatawa si Kuya Fredo.
"Tch. Balang araw ay mapapatawa rin kita," hindi sumusukong paghamon ko pa kay Kuya Fredo.
Pagkatapos ay iiling iling na nagpatuloy na lang ako sa pagpasok sa loob. Ngunit laking gulat ko nang bumungad sa aking harapan si Agent Virgo na tila kanina pa inaantay ang pagdating ko.
"Teka ano ba ang ginagawa mo rito?" nagtataka na tanong ko sa kanya, "Tsaka paano mo nalaman na darating ako ha?"
Pinagtaasan naman ako ng kilay ni Agent Virgo. "Malamang pinasusundo ka sa akin ni boss. Alam niya na kaysa dumiretso ka agad sa kanyang opisina ay kukulitin mo rito si Kuya Fredo," pairap na paliwanag naman niya.
Hindi ko naman maitatanggi ang bagay na iyon. Nakagawian ko na kasi ang kulitin si Kuya Fredo tuwing magagawi ako sa aming headquarters.
"Urrgggh! Fine, fine," pagsunod ko na lang sa kanya at nagtungo sa tapat ng elevator, "Pero may ideya ka ba kung bakit bigla pinapatawag ako ni boss? Wala naman ako maalala na may nilabag akong rules."
Hindi naman umimik si Agent Virgo para sagutin ang tanong ko na iyon. Doon, nahuhulaan ko na hindi ordinaryo ang panibagong misyon na ibibigay sa akin.
Nang makarating kami sa top floor ay laking gulat ko na makita na naroroon din ang iba pang top-ranked secret agent ng NIA. Hindi naman sa nagmamayabang ako pero ako ang siyang Rank 1 na secret agent ng NIA. At wala pang misyon na hindi ko napapagtagumpayan. Kaya ganoon na lang ang laki ng tiwala sa akin ni Boss Libra para ibigay sa akin ang mga importanteng misyon.
Ngunit sa oras na ito ay tila iba ang bigat na tensyon na pumapaikot sa buong opisina. Lahat sila ay may mga seryosong ekspresyon sa kanilang mga mukha at hindi nag-iimikan sa isa't isa.
And that's very weird.
"Boss, I'm back!" masayang pagbati ko na lamang kay Boss Libra sa pag-asa na mawala ang tensyon na iyon, "Nakabalik na ang pogi niyong agent na si Agent Fang!"
Ngunit kaysa mapagaan ko ang tensyon sa aming paligid ay tila mas pinalala ko pa ito. Napailing tuloy ng kanyang ulo si Agent Virgo at pwersahan na ibinababa ang kamay ko.
Nagtataka na inilibot ko naman ang tingin dahil sa mga inaakto nilang iyon. "Tch. Anim na buwan lang naman ako nawala ah. Ano ang mga nangyari sa inyo? Uy ngiti ngiti rin kayo riyan," pag-udyok ko pa sa kanila.
Kaso nang harapin ko ang iba kong kapwa na agent ay agarang mga napaiwas sila ng tingin sa akin.
"Agent Fang," seryosong pagtawag sa akin ni Boss Libra.
Dahil doon ay agarang napatuwid ako sa aking pagkakatayo. "Y-Yes boss!"
"I want to congratulate you for completing another Class S mission. We are also very glad that you are finally back with us," seryosong sambit ni Boss Libra, "You came back at the very right time."
Sinasabi ni boss na masaya siya sa pagbabalik ko pero wala naman ako makita na tuwa sa mukha niya. Kulang na lang ay isipin ko na namatayan kami para umakto sila nang ganito.
Gayun pa man ay seryosong hinarap ko na ang tingin ni Boss Libra. "Sorry boss pero ano po ba ang sitwasyon para biglaan na ipatawag niyo ako?" direktang pag-alam ko na lang.
Kaysa sagutin ang mga tanong ko na iyon ay may iniabot sa akin na isang makapal na envelop si Boss Libra. Agarang tinignan ko naman ang laman ng envelop na iyon. Kaso biglang nanginig ako sa matinding galit nang mapag-alaman kung ilang failed mission ang nilalaman nito. Lahat ng mission na iyon ay ginawa ng bawat top-ranked secret agent na naririto ngayon.
"Hey, hey, hey, are you fucking kidding me?! Paano kayo naungasan sa sandali na nagtungo ako sa Canada? Kinakalawang na ba ang mga top-ranked agent ngayon ng NIA?" pagwawala ko.
Agarang napayuko naman ng kanilang ulo ang mga kasama kong agent. Kita ang pagsisisi nila dahil sa nagawang kapalpakan sa ilang buwan na nawala ako sa bansa.
Tinapik naman ako ni Agent Virgo sa aking balikat para pakalmahin ngunit matalim ko lang din siya tinignan. Dahil siya na Rank 2 ng NIA ay nagkaroon din ng failed mission.
"Agent Fang, nagkakamali ka. Walang problema sa ating ahensiya. Sa katunayan ay hindi sila tumigil sa kanilang pagsasanay para maging kasing husay mo sila," seryosong pagbibigay alam ni Boss Libra sa akin, "Sa halip ay mag-ingat ka sa rookie agent ng PIA."
"R-Rookie agent?" nalilitong pag-ulit ko, "What do you mean?"
Lalong bumigat ang tensyon sa paligid nang mabanggit ni Boss Libra ang tungkol sa rookie agent ng Philippine Investigation Agency (PIA).
"Baguhan pa lang siya pero nakitaan na siya ng kagalingan sa pagtapos ng kanyang mga misyon," pagbibigay alam sa akin ni Boss Libra, "At sa loob ng anim na buwan na wala ka ating bansa ay limang malalaking kaso ang natapos niya."
Mariing napakuyom ako ng kamay sa aking napag-alaman. Base sa kanilang reaksyon ay talagang magaling ang rookie agent ng kalabang ahensiya.
"Boss... Ipinatawag niyo po ba ako para balaan sa rookie agent na ito?" paghula ko.
Iniling ni Boss Libra ang ulo niya pagkatapos ay may panibagong envelop na iniabot siya sa akin.
"Alam ko na kakabalik mo pa lang ng bansa pero kakailanganin ko muli ang tulong mo para tapusin ang panibagong Class S mission," seryosong pagbibigay alam ni Boss Libra.
Agarang napangisi naman ako sa narinig. Mukhang maagang makakaharap ko ang rookie agent na iyon.
"Nais niyo na unahan ko ang rookie agent sa pagtapos ng misyon na ito," hinala ko sa dahilan ng pagbigay sa akin ng Class S mission.
"Tama ka, Agent Fang. Gusto ko na maunahan mo siya," paghayag ng totoong intensyon ni Boss Libra, "Iyon ay dahil unti unti nakwe-kwesyon na ang kahusayan ng NIA nitong nakaraang mga buwan. At para malaman kung anong ahensiya nga ba ang mas magaling ay binigyan tayo ng magkaparehong misyon ng gobyerno. Kaya hinding hindi tayo maaaring maunahan ng PIA dahil dito nakasalalay ang reputasyon ng NIA bilang pinakamagaling at mapagkakatiwalaan na intelligence bureau ng bansa."
Doon ay naunawaan ko kung gaano ka-importante ang panibagong misyon na ito. Kung bakit agaran ako pinatawag ni Boss Libra kahit kakabalik ko pa lang ng bansa. Dahil bago pa lumala ang away sa pagitan ng dalawang ahensiya ay pumagitna na agad ang gobyerno.
"Kaya Agent Fang, umaasa kaming lahat na ikaw ang magsasalba sa imahe ng NIA. Talunin mo ang rookie agent na si Agent Chameleon at iuwi mo ang tagumpay sa Class S mission na ito."
"Makakaasa kayo sa akin, Boss," buong kompiyansa ko naman na pagsagot.
Pagkalipas ng ilang araw...Pagpasok ko sa loob ng Secret Hideout ay maririnig na agad sa bawat sulok ang nakakabinging pagpapatugtog ng DJ. Kasabay nito ang pagsasayaw at pagsasaya ng ilang katao sa gitna ng entablado.Isang typical na eksena sa isang bar."Hi there, handsome. Do you want to join me tonight?"Doon ay malanding yumakap sa aking braso ang isang babae. Naramdaman ko pa ang paikot na paggapang ng daliri niya sa aking malapad na dibdib para akitin. Hinagod ko naman ng tingin ang kanyang halos walang damit na katawan at aaminin ko na ganitong mga ka-sexy at kaganda ang tipo ko.Kaso nga lang ay kailangan ko maging propesyunal sa aking trabaho. Lalo pa na may ibang pakay talaga ako sa bar na ito. Nandito ako para isagawa ang Class S mission na ibinigay sa akin ni Boss Libra. At sa ilang gabi na pagmamanman ko rito ay na-diskubre ko na ngayong gabi ang pinakamagandang pagkakataon para isagawa ang aking misyon. Dahil ngayong gabi darating ang lider ng sindikato na namamahala
Sa inihayag ko na iyon ay napakatalim na tinignan ako ng babae. Makikita mula sa kanyang maganda at maamong mukha ang labis na pagkasuklam sa akin. Alam ko na sinusubukan niya muli ako na intimidahin para bawiin ang aking pagpili sa kanya."What a good choice, sir!" papuri sa akin ng waiter bago sampilitan na hinila ang babae palapit sa akin, "She is a little fiesty pero alam ko na iyan ang tipo niyo sa mga babae. 'Yung may kaunting bakbakan muna bago ang nakakanginig na sarap."Sa tinuran na iyon ng waiter ay lalong tumalim ng tingin na binibigay sa akin ng babae. Marahil sa oras na ito ay ilang ulit na niya ako pinapatay sa kanyang isipan. Kaya napakagat labi ako para pigilan ang sarili na mapangiti mula sa kanyang nakakatuwang reaksyon.Ngunit bigla ako napalunok nang makita muli kung gaano kanipis at karampot ang suot niya. Kitang kita tuloy kung gaano kaganda at kasexy ang hubog ng kanyang katawan. May maliit siyang bewang, flat na tiyan at malalaki na mga dibdib. Idagdag pa ang
Five years later... Agarang napatigil ang mga rookie agent sa kani-kanilang ginagawang pag-i-sparring nang marinig ang malakas na pagparada ng isang motor. At katulad ng kanilang inaasahan ay dumating na si Agent Fang na siyang kanilang trainor. Doon ay nagmadali sila na humanay sa magkabilang gilid ng daan at buong galang na yumuko sa harapan ng binata."Good day to you, Sir!" sabay sabay pa nilang pagbati sa kanya. Diretso lamang ang tingin ni Jaxson at hindi naisipan na gumanti ng bati sa mga rookie agent. Gayun pa man ay hindi nila minasama ito at sanay na sila sa malamig na pakikitungo ng kanilang trainor. Iyon ay dahil samundong kanilang ginagalawan ay walang agent ang hindi nakakakilala sa taglay na husay at galing ni Agent Fang. Napakalaki ang paghanga nilang mga rookie agent sa binatang agent dahil sa nagawa nito mapagtagumpayan ang pinakamalaking misyon limang taon na nakakaraan. Ito ang misyon na hulihin ang most wanted na syndicate na si Jack Hidalgo na siyang pinaka-ul
"Jaxson, my friend! Long time no see!" nakangising bungad sa akin ni Ezra pagkapasok ko sa High Five Bar na kanyang pagmamay-ari. Agarang lumapit naman ako sa kanya at nakipag-bro-fist. "Nasaan ang iba?” takang tanong ko naman habang inililibot ang tingin sa loob ng bar niya, " Himala yata ni anino nila ay wala rito. "Napailing ng kanyang ulo si Ezra bago bagot na napasandal sa isang upuan. "Tch! Ayun nagkanya kanya na sila ng love life. Nainggit yata ang mga mokong kay Mael dahil may Cathy na at may triplets pa, " asar na komento ni Ezra, "Ang hina tuloy ng kita ng bar ko dahil wala ang mga mayayaman kong suki. Sila pa naman ang humahatak ng mga chicks dito. "Napahalakhak na lang ako dahil sa concern na iyon ni Ezra tungkol sa kanyang negosyo. Kaya mapang-asar na inakbayan ko na lang siya at parang bata na inalo mula sa tantrums. "Hayaan mo na. Makakain ka naman sa kasal nila kapag nagkataon," pagpapalubag ko na lang ng loob niya, "Ayaw mo nun... Mabubusog tayo. "Napasimangot na
Nang malaman ng aking mga kaibigan ang balak ko na pumunta sa bahay ni Mael ay walang pagdadalawang isip na sumama ang mga ito sa akin. Kaya alam ko na maaasar na naman si Mael sa gagawing panggugulo ng mga ito sa araw nila na mag-asawa lalo pa na ngayong araw ang kanilang unang anibersaryo."Sino ang kakatok?" nag-aalangan na tanong ni Ronan habang nakaharap kami sa pintuan ng bahay ni Mael."Ikaw na, Trav," pagturo ni Ezra kay Travis."Si Pablo na," pagturo naman niya sa bagong kasama nilang kaibigan"Bakit ako?" pag-angal naman ni Pablo, "Kayo ang nag-aya dito di ba?""Aba, ayoko mabungaran ng galit ni Ismael," pag-urong naman ni Declan.Doon ay nagpalitan sila ng tingin bago sabay sabay na ngumisi. Pagkatapos ay tumingin silang lahat sa direksyon ko at tila nahuhulaan ko na ang susunod nilang sasabihin."Jax, pagkaalala ko ay ikaw ang may pakay kay Mael," sambit ni Travis, "Alam niya na darating ka di ba?"Malakas na napabuntong hininga na lang ako. Tama naman sila na talagang pup
Namayani ang mahabang katahimikan sa buong paligid. Patagong tinignan ko pa ang babysitter sa isang sulok na hindi maipinta ang mukha sa mga oras na ito. Marahil hindi niya inaasahan na maiiwan ako rito kasama siya. "Hey."Kitang kita ko kung paano pa ito napapitlag mula sa kinatatayuan niya at takot na takot na hinarap ang tingin ko. "B-Bakit po, s-sir...?” nanginginig pa niyang tanong"Do you know me?" walang pag-aalinlangan kong tanong sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya bigla na lang namutla ang kulay ng kanyang mukha. Doon pa lang ay masasabi ko na kilala niya talaga ako. "S-Sir, m-mga kilalang tao kayo sa m-media... " pagpapalusot niya pa. Sinamaan ko siya ng tingin. "You know what I mean... Yung kilala mo ba ako ng personal?”Mabilis na iniling niya ang ulo niya para pilit itanggi ang hinala ko na iyon. " S-Sir, n-ngayon ko lang po kayo nakaharap ng personal... S-Saka tignan niyo po ang itsura ko para magawa ko makalapit sa inyo... "Mabagal na tinignan ko siya mula ulo ha

"Welcome back to the Philippines, sir."Malapad na napangiti ako nang marinig ang pagsalubong na iyon ng mga flight attendant.I am finally back.Sa wakas ay nakabalik na rin ako sa Pilipinas pagkatapos ng anim na buwan na pananatili sa Canada. Ngunit kumpara sa iba ay hindi ako nagtungo doon para magbakasyon o mamasyal. Kundi naroroon ako para tapusin ang isang Class S mission na ibinigay sa akin ni Boss Libra.Nagkataon kasi na nangailangan ng tulong ang Foreign Alliance para sa malakihang paghuli sa isang international terrorist na si Leon de Guzman. At bilang pinakamagaling at pinagkakatiwalaang secret agent ng National Intelligence Agency (NIA) ng bansa ay ako ang napili na ipadala ni Boss Libra bilang katawan ng aming ahensiya. Sa katunayan dapat aabutin nang mahigit isang taon ang misyon ko na iyon ngunit dahil sa sinuwerte ako ay nagtagumpay agad kami na mahuli si Leon sa loob ng anim na buwan.Kaya eto ako ngayon ay may ngiting tagumpay sa aking labi dahil sa maagang pagbabal