Share

Mission #4

Author: pink_miller
last update Last Updated: 2023-10-18 14:30:53

Five years later...

Agarang napatigil ang mga rookie agent sa kani-kanilang ginagawang pag-i-sparring nang marinig ang malakas na pagparada ng isang motor. At katulad ng kanilang inaasahan ay dumating na si Agent Fang na siyang kanilang trainor. Doon ay nagmadali sila na humanay sa magkabilang gilid ng daan at buong galang na yumuko sa harapan ng binata.

"Good day to you, Sir!" sabay sabay pa nilang pagbati sa kanya.

Diretso lamang ang tingin ni Jaxson at hindi naisipan na gumanti ng bati sa mga rookie agent. Gayun pa man ay hindi nila minasama ito at sanay na sila sa malamig na pakikitungo ng kanilang trainor.

Iyon ay dahil samundong kanilang ginagalawan ay walang agent ang hindi nakakakilala sa taglay na husay at galing ni Agent Fang. Napakalaki ang paghanga nilang mga rookie agent sa binatang agent dahil sa nagawa nito mapagtagumpayan ang pinakamalaking misyon limang taon na nakakaraan.

Ito ang misyon na hulihin ang most wanted na syndicate na si Jack Hidalgo na siyang pinaka-ulo ng illegal ng pagbebenta ng sandata, pagsasagawa ng prostitusyon sa kanilang bansa at ang pagpapasabog sa mga kilala na establishment na ikinasawi ng ilan nilang kababayan. Kaya ganoon na lang kalaki ang naiambag ni Agent Fang sa kabutihan at kapayapaan ng kanilang bansa. At ang mga bagong rookie agent na katulad nila ay nais na sundan ang kanyang mga yapak bilang isang mahusay na secret agent.

Ngunit hindi nila alam na sa kabila ng natatamasang kahangaan at pagkilala na iyon ng mga rookie agent ay hindi magawang maging masaya ni Agent Fang. Dahil sa limang taon na nakalipas ay hindi pa rin niya malimutan ang gabi ng kanyang misyon. Ang misyon kung saan nagkaroon siya ng isang mainit na gabi sa hindi kilalang babae. Ni hindi mawaglit man lang sa isipan niya ang maamong mukha nito.

Hindi niya akalain na siya si Jaxson Alcones ay labis na nahumaling sa isang babae na hindi man lang niya alam ang pagkakilanlan o pangalan. At sa limang taon na lumipas ay puspusan niya hinanap ang misteryosang babae pero tila isa itong bula bigla na lang naglaho. Halos mabaliw na nga siya para lang mahanap ang babae ngunit hanggang ngayon ay bigo pa rin siya.

"Sir!" paghabol ni Agent Venom kay Jaxson.

Doon ay tumigil sa paglalakad niya si Jaxson bago nilingon ang tumatayong kanang kamay niya na agent.

"Agent Venom, natapos mo ang pinapagawa ko sa iyo?”

Agarang napangiwi si Agent Venom bago dahan dahan na iniling ang kanyang ulo. "P-Pasensiya na s-sir pero anumang gawin ko ay b-burado ang ilang footage ng CCTV ng mission niyo...H-Hindi na namin magawa pang ma-retrieve ito..."

Makikita sa mukha ni Jaxson ang disappointment. "Tss... You're useless..."

Malungkot na napayuko na lang ng ulo niya si Agent Venom. "P-Patawad po, sir!”

"Just give me all your reports. Ako na mismo ang bahala."

"Pero sir..."

Sinamaan ng tingin ni Jaxson si Agent Venom kaya agarang natahimik ito.

"Agent Fang, buti dumating ka na," seryosong pagtawag naman ni Agent Virgo kay Jaxson para matigil sa usapan ang dalawa, "Kanina ka pa kaya hinahanap ni Boss."

Bagot na nagkibit balikat naman si Jaxson sa ipinaalam na iyon ni Agent Virgo. "Tss. Ilang ulit ko na lang ba sasabihin na wala akong balak tumanggap pa ng bagong misyon," pag-angal pa niya, "Alam ko naman na kaya niya ako hinahanap ay para kulitin na naman sa bagay na iyon."

Agarang napasimangot at naghalukipkip ng kanyang braso si Agent Virgo dahil sa tinuran na iyon ng binata. "Hindi ba sapat na ang limang taon na ibinigay niya sa iyo?" pagpapaalala nito sa ginawa ng kanilang boss sa mga lumipas na taon, "Tama naman si Boss Libra. Panahon na para bumalik ka sa pagtanggap ng mga misyon kaysa i-train ang ating mga rookie agent. Agent Fang, mas kailangan ng NIA ang kakayahan mo sa pagtapos ng mga misyon."

Paulit ulit na iniling iling ni Agent Fang ang kanyang ulo para ipakita ang labis na pagtutol. Gusto man niya bumalik sa pagtanggap ng mga misyon ay mas nanaig sa kanya ang kagustuhan na mahanap ang misteryosang babae. Kaya gagawin muna niya ang lahat para lang mahanap ito. Kahit suyurin niya ang pinakailalim ng mundo.

"Tsk. Paulit ulit na lang ang usapan natin na ito," singhal ni Agent Fang, "Ilang beses ko ba sasabihin na hindi ako tatanggap ng misyon hanggang hindi ko pa natatapos ang sarili kong misyon. Walang magpapabago sa isipan ko."

"Tama na kasi ang kahibangan mo na ito," mariing komento muli ni Agent Virgo, "Malay mo kung namatay na rin pala ang babaeng iyon sa araw ng misyon mo na iyon. Napaka-imposible naman na hindi mo nagawang hanapin siya sa loob ng limang taon unless hindi pa nga siya patay. Tumigil ka na, Agent Fang. Sinasayang mo lang ang sarili mo."

Sa narinig ay tila napanting ang tenga ni Agent Fang. Napakabilis na nahugot niya ang tinatagong punyal sa kanyang tagiliran at agarang itinutok ito sa leeg ni Agent Virgo. Sa bilis ng kanyang kilos ay hindi nagawang depensahan ni Agent Virgo ang kanyang sarili. Napalunok na lamang ang kawawang agent at namutla sa takot dahil baka tuluyan na nga siya ng nababaliw na agent.

"Woah, woah, woah," agarang pag-awat naman ni Agent Venom kay Agent Fang, "C-Chill lang kayo sir... Si Agent Virgo iyan. Baka lalo kayo pag-iinitan ni Boss kung makakarating sa kanya ito."

Matalim na binigyan ng tingin ni Agent Fang ang mga kasamahan na agent. Pagkatapos ay dahan dahan na ibinababa niya ang punyal na siyang ikinahinga ng maluwag ni Agent Virgo. Kahit magaling siyang agent ay hindi niya kayang sabayan ang taglay na bilis ni Agent Fang kaya ganoon na lang ang paghihinayang niya nang hindi na tumanggap ito ng misyon. Gusto niya na makita muli ito katulad ng dati. Kung saan siya ang kanilang malalapitan sa tuwing may mabibigat na misyon ang NIA.

"Agent Fang, para rin naman sa ikakabuti mo ito," concern na komento muli ni Agent Virgo, "Huwag mo sayangin ang iyong sarili. Tama na ang kahibangan mo. Panahon na para sumuko ka na hanapin ang babaeng iyon."

Kaysa pakinggan ang mga sinasabi na iyon ni Agent Virgo ay nagsimula maglakad si Agent Fang patungo sa opisina ng kanilang boss. Ramdam pa ng agent ang paghabol ng tingin sa kanya ni Agent Virgo na napailing na lang sa patuloy na pagmamatigas niya.

Nang makarating sa tapat ng opisina ni Boss Libra ay humugot nang malalim na hininga si Agent Fang pagkatapos ay walang katok katok na pumasok siya sa loob nito.

"Agent Fang," hindi natutuwang pagtawag ni Boss Libra sa kanya, "Ilang beses ko ba sasabihin na kumatok ka muna bago pumasok ng aking opisina."

Hindi naman pinansin iyon ni Agent Fang at sa halip ay naupo sa harapan nito at prenteng itinaas ang paa sa ibabaw ng lamesita. "Boss, hinahanap niyo raw ako," sambit na lang niya, "Hindi naman siguro dahil sa nais niyo pa rin ako tumanggap ng misyon."

Malalim na napabuntong hininga si Boss Libra dahil sa lumalalang asal na iyon ng kanilang agent. Pinagsisihan niya tuloy ang desisyon niyang piliin si Agent Fang sa misyon limang taon na nakakaraan. Kung alam niya lang na mawawala ang pinakamahusay nilang agent dahil sa misyon na iyon ay hinayaan na lang nila na makuha ng PIA ang pagkilala. Hindi sana magpapakahirap ngayon si Agent Fang na hanapin ang isang babae.

Sa nais nila na bumalik sa dati si Agent Fang ay lihim na rin sila nagsagawa ng pag-iimbestiga tungkol sa hinahanap nitong babae ngunit katulad ni Agent Fang ay dead end ang imbestigasyon nila.

"May bagong misyon akong---" panimula na lang ni Boss Libra

"Hindi ako tatanggap ng misyon," agarang pagtutol ni Agent Fang bago pa matapos ni Boss Libra ang kanyang sasabihin.

Sinamaan ng tingin ni Boss Libra ang binatang agent. "Sigurado ka na hindi ka pa rin tatanggap ng misyon?" panunubok niya na lang, "Kahit isa sa mga kaibigan mo ang maaaring mapunta sa peligro."

Tila nakuha nito ang atensyon ng binatang agent. Sinalubong niya ang tingin ni Boss Libra at may kuryosidad sa mga mata niya.

"Kaibigan?" hindi makapaniwalang sambit niya, "Kilala niyo kung gaano kakilalang tao ang mga kaibigan ko," pagmamayabang niya.

Napasandal sa kanyang kinauupuan si Boss Libra. "Oo, kilala silang mga tao sa ating bansa kaya hindi nakakapagtaka na may mga tao na nanaisin na pabagsakin sila."

Napakuyom ng kanyang kamay si Agent Fang, Aaminin niya na panandalian niya tinulungan ang kaibigan na si Ismael Alcazar sa naging problema nito. Ngunit hindi naman ganoon kalaki ang tulong ibinigay niya para bumalik sa pagtanggap ng kanyang misyon.

"Kung makapagsalita naman kayo ay tila may mamamatay sa mga kaibigan ko," kompiyansang komento na lang ni Agent Fang, "Kilala ko ang mga iyon... Sila na ang unang gagalaw bago pa lumaki ang gulo."

Napatikhim si Boss Libra bago inilabag sa harapan ni Agent Fang ang isang brown envelop. "Bakit hindi ikaw ang humusga?" paghahamon na lang niya

Napasimangot si Agent Fang gayun pa man ay binuksan niya ang nilalaman ng brown envelop. Agarang napakunot siya ng noo nang makita na ang misyon na iyon ay request mismo ng kaibigan niyang si Ismael Alcazar. Wala sa Pilipinas ang hindi nakakakilala sa kanyang kaibigan dahil kilala ito sa pinakamayamang negosyante at nagmamay-ari ng pinakamalaking kompanya sa bansa. Mahigit isang taon pa lang ang nakalipas mula ng pakasalan nito ang sekretarya niya na si Catherine. Masaya ito ngayon kapiling ang minamahal na asawa at ang kanilang triplets.

Ngunit hindi niya alam na nahaharap na naman si Ismael sa problema. Kung saan may malaking banta sa buhay ng kaniyang asawa at mga anak. Maaaring nagmula ang death threat na iyon sa mga kalabang negosyante ni Ismael o kaya sa mga taong may malaking inggit sa asawa niyang si Catherine.

Sa natuklasan ay napahilot ng kanyang noo si Agent Fang. Ayaw niya sana tanggapin ang misyon na ito ngunit importante sa kanya ang buhay ng kaibigan at ang pamilya nito.

"Tatanggapin mo na ba ang misyon, Agent Fang?" nakangising tanong ni Boss Libra nang makita ang reaksyon ng binatang agent.

"Tss... Alam niyo na ang sagot diyan, Boss," pagsuko ni Agent Fang, "Ako mismo ang tatanggap sa misyon na ito."

Related chapters

  • One Night Mission   Mission #5

    "Jaxson, my friend! Long time no see!" nakangising bungad sa akin ni Ezra pagkapasok ko sa High Five Bar na kanyang pagmamay-ari. Agarang lumapit naman ako sa kanya at nakipag-bro-fist. "Nasaan ang iba?” takang tanong ko naman habang inililibot ang tingin sa loob ng bar niya, " Himala yata ni anino nila ay wala rito. "Napailing ng kanyang ulo si Ezra bago bagot na napasandal sa isang upuan. "Tch! Ayun nagkanya kanya na sila ng love life. Nainggit yata ang mga mokong kay Mael dahil may Cathy na at may triplets pa, " asar na komento ni Ezra, "Ang hina tuloy ng kita ng bar ko dahil wala ang mga mayayaman kong suki. Sila pa naman ang humahatak ng mga chicks dito. "Napahalakhak na lang ako dahil sa concern na iyon ni Ezra tungkol sa kanyang negosyo. Kaya mapang-asar na inakbayan ko na lang siya at parang bata na inalo mula sa tantrums. "Hayaan mo na. Makakain ka naman sa kasal nila kapag nagkataon," pagpapalubag ko na lang ng loob niya, "Ayaw mo nun... Mabubusog tayo. "Napasimangot na

    Last Updated : 2023-10-23
  • One Night Mission   Mission #6

    Nang malaman ng aking mga kaibigan ang balak ko na pumunta sa bahay ni Mael ay walang pagdadalawang isip na sumama ang mga ito sa akin. Kaya alam ko na maaasar na naman si Mael sa gagawing panggugulo ng mga ito sa araw nila na mag-asawa lalo pa na ngayong araw ang kanilang unang anibersaryo."Sino ang kakatok?" nag-aalangan na tanong ni Ronan habang nakaharap kami sa pintuan ng bahay ni Mael."Ikaw na, Trav," pagturo ni Ezra kay Travis."Si Pablo na," pagturo naman niya sa bagong kasama nilang kaibigan"Bakit ako?" pag-angal naman ni Pablo, "Kayo ang nag-aya dito di ba?""Aba, ayoko mabungaran ng galit ni Ismael," pag-urong naman ni Declan.Doon ay nagpalitan sila ng tingin bago sabay sabay na ngumisi. Pagkatapos ay tumingin silang lahat sa direksyon ko at tila nahuhulaan ko na ang susunod nilang sasabihin."Jax, pagkaalala ko ay ikaw ang may pakay kay Mael," sambit ni Travis, "Alam niya na darating ka di ba?"Malakas na napabuntong hininga na lang ako. Tama naman sila na talagang pup

    Last Updated : 2023-10-26
  • One Night Mission   Mission #7

    Namayani ang mahabang katahimikan sa buong paligid. Patagong tinignan ko pa ang babysitter sa isang sulok na hindi maipinta ang mukha sa mga oras na ito. Marahil hindi niya inaasahan na maiiwan ako rito kasama siya. "Hey."Kitang kita ko kung paano pa ito napapitlag mula sa kinatatayuan niya at takot na takot na hinarap ang tingin ko. "B-Bakit po, s-sir...?” nanginginig pa niyang tanong"Do you know me?" walang pag-aalinlangan kong tanong sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya bigla na lang namutla ang kulay ng kanyang mukha. Doon pa lang ay masasabi ko na kilala niya talaga ako. "S-Sir, m-mga kilalang tao kayo sa m-media... " pagpapalusot niya pa. Sinamaan ko siya ng tingin. "You know what I mean... Yung kilala mo ba ako ng personal?”Mabilis na iniling niya ang ulo niya para pilit itanggi ang hinala ko na iyon. " S-Sir, n-ngayon ko lang po kayo nakaharap ng personal... S-Saka tignan niyo po ang itsura ko para magawa ko makalapit sa inyo... "Mabagal na tinignan ko siya mula ulo ha

    Last Updated : 2023-11-06
  • One Night Mission   Mission #1

    "Welcome back to the Philippines, sir."Malapad na napangiti ako nang marinig ang pagsalubong na iyon ng mga flight attendant.I am finally back.Sa wakas ay nakabalik na rin ako sa Pilipinas pagkatapos ng anim na buwan na pananatili sa Canada. Ngunit kumpara sa iba ay hindi ako nagtungo doon para magbakasyon o mamasyal. Kundi naroroon ako para tapusin ang isang Class S mission na ibinigay sa akin ni Boss Libra.Nagkataon kasi na nangailangan ng tulong ang Foreign Alliance para sa malakihang paghuli sa isang international terrorist na si Leon de Guzman. At bilang pinakamagaling at pinagkakatiwalaang secret agent ng National Intelligence Agency (NIA) ng bansa ay ako ang napili na ipadala ni Boss Libra bilang katawan ng aming ahensiya. Sa katunayan dapat aabutin nang mahigit isang taon ang misyon ko na iyon ngunit dahil sa sinuwerte ako ay nagtagumpay agad kami na mahuli si Leon sa loob ng anim na buwan.Kaya eto ako ngayon ay may ngiting tagumpay sa aking labi dahil sa maagang pagbabal

    Last Updated : 2023-09-26
  • One Night Mission   Mission #2

    Pagkalipas ng ilang araw...Pagpasok ko sa loob ng Secret Hideout ay maririnig na agad sa bawat sulok ang nakakabinging pagpapatugtog ng DJ. Kasabay nito ang pagsasayaw at pagsasaya ng ilang katao sa gitna ng entablado.Isang typical na eksena sa isang bar."Hi there, handsome. Do you want to join me tonight?"Doon ay malanding yumakap sa aking braso ang isang babae. Naramdaman ko pa ang paikot na paggapang ng daliri niya sa aking malapad na dibdib para akitin. Hinagod ko naman ng tingin ang kanyang halos walang damit na katawan at aaminin ko na ganitong mga ka-sexy at kaganda ang tipo ko.Kaso nga lang ay kailangan ko maging propesyunal sa aking trabaho. Lalo pa na may ibang pakay talaga ako sa bar na ito. Nandito ako para isagawa ang Class S mission na ibinigay sa akin ni Boss Libra. At sa ilang gabi na pagmamanman ko rito ay na-diskubre ko na ngayong gabi ang pinakamagandang pagkakataon para isagawa ang aking misyon. Dahil ngayong gabi darating ang lider ng sindikato na namamahala

    Last Updated : 2023-09-26
  • One Night Mission   Mission #3

    Sa inihayag ko na iyon ay napakatalim na tinignan ako ng babae. Makikita mula sa kanyang maganda at maamong mukha ang labis na pagkasuklam sa akin. Alam ko na sinusubukan niya muli ako na intimidahin para bawiin ang aking pagpili sa kanya."What a good choice, sir!" papuri sa akin ng waiter bago sampilitan na hinila ang babae palapit sa akin, "She is a little fiesty pero alam ko na iyan ang tipo niyo sa mga babae. 'Yung may kaunting bakbakan muna bago ang nakakanginig na sarap."Sa tinuran na iyon ng waiter ay lalong tumalim ng tingin na binibigay sa akin ng babae. Marahil sa oras na ito ay ilang ulit na niya ako pinapatay sa kanyang isipan. Kaya napakagat labi ako para pigilan ang sarili na mapangiti mula sa kanyang nakakatuwang reaksyon.Ngunit bigla ako napalunok nang makita muli kung gaano kanipis at karampot ang suot niya. Kitang kita tuloy kung gaano kaganda at kasexy ang hubog ng kanyang katawan. May maliit siyang bewang, flat na tiyan at malalaki na mga dibdib. Idagdag pa ang

    Last Updated : 2023-09-26

Latest chapter

  • One Night Mission   Mission #4

    Five years later... Agarang napatigil ang mga rookie agent sa kani-kanilang ginagawang pag-i-sparring nang marinig ang malakas na pagparada ng isang motor. At katulad ng kanilang inaasahan ay dumating na si Agent Fang na siyang kanilang trainor. Doon ay nagmadali sila na humanay sa magkabilang gilid ng daan at buong galang na yumuko sa harapan ng binata."Good day to you, Sir!" sabay sabay pa nilang pagbati sa kanya. Diretso lamang ang tingin ni Jaxson at hindi naisipan na gumanti ng bati sa mga rookie agent. Gayun pa man ay hindi nila minasama ito at sanay na sila sa malamig na pakikitungo ng kanilang trainor. Iyon ay dahil samundong kanilang ginagalawan ay walang agent ang hindi nakakakilala sa taglay na husay at galing ni Agent Fang. Napakalaki ang paghanga nilang mga rookie agent sa binatang agent dahil sa nagawa nito mapagtagumpayan ang pinakamalaking misyon limang taon na nakakaraan. Ito ang misyon na hulihin ang most wanted na syndicate na si Jack Hidalgo na siyang pinaka-ul

  • One Night Mission   Mission #3

    Sa inihayag ko na iyon ay napakatalim na tinignan ako ng babae. Makikita mula sa kanyang maganda at maamong mukha ang labis na pagkasuklam sa akin. Alam ko na sinusubukan niya muli ako na intimidahin para bawiin ang aking pagpili sa kanya."What a good choice, sir!" papuri sa akin ng waiter bago sampilitan na hinila ang babae palapit sa akin, "She is a little fiesty pero alam ko na iyan ang tipo niyo sa mga babae. 'Yung may kaunting bakbakan muna bago ang nakakanginig na sarap."Sa tinuran na iyon ng waiter ay lalong tumalim ng tingin na binibigay sa akin ng babae. Marahil sa oras na ito ay ilang ulit na niya ako pinapatay sa kanyang isipan. Kaya napakagat labi ako para pigilan ang sarili na mapangiti mula sa kanyang nakakatuwang reaksyon.Ngunit bigla ako napalunok nang makita muli kung gaano kanipis at karampot ang suot niya. Kitang kita tuloy kung gaano kaganda at kasexy ang hubog ng kanyang katawan. May maliit siyang bewang, flat na tiyan at malalaki na mga dibdib. Idagdag pa ang

  • One Night Mission   Mission #2

    Pagkalipas ng ilang araw...Pagpasok ko sa loob ng Secret Hideout ay maririnig na agad sa bawat sulok ang nakakabinging pagpapatugtog ng DJ. Kasabay nito ang pagsasayaw at pagsasaya ng ilang katao sa gitna ng entablado.Isang typical na eksena sa isang bar."Hi there, handsome. Do you want to join me tonight?"Doon ay malanding yumakap sa aking braso ang isang babae. Naramdaman ko pa ang paikot na paggapang ng daliri niya sa aking malapad na dibdib para akitin. Hinagod ko naman ng tingin ang kanyang halos walang damit na katawan at aaminin ko na ganitong mga ka-sexy at kaganda ang tipo ko.Kaso nga lang ay kailangan ko maging propesyunal sa aking trabaho. Lalo pa na may ibang pakay talaga ako sa bar na ito. Nandito ako para isagawa ang Class S mission na ibinigay sa akin ni Boss Libra. At sa ilang gabi na pagmamanman ko rito ay na-diskubre ko na ngayong gabi ang pinakamagandang pagkakataon para isagawa ang aking misyon. Dahil ngayong gabi darating ang lider ng sindikato na namamahala

  • One Night Mission   Mission #1

    "Welcome back to the Philippines, sir."Malapad na napangiti ako nang marinig ang pagsalubong na iyon ng mga flight attendant.I am finally back.Sa wakas ay nakabalik na rin ako sa Pilipinas pagkatapos ng anim na buwan na pananatili sa Canada. Ngunit kumpara sa iba ay hindi ako nagtungo doon para magbakasyon o mamasyal. Kundi naroroon ako para tapusin ang isang Class S mission na ibinigay sa akin ni Boss Libra.Nagkataon kasi na nangailangan ng tulong ang Foreign Alliance para sa malakihang paghuli sa isang international terrorist na si Leon de Guzman. At bilang pinakamagaling at pinagkakatiwalaang secret agent ng National Intelligence Agency (NIA) ng bansa ay ako ang napili na ipadala ni Boss Libra bilang katawan ng aming ahensiya. Sa katunayan dapat aabutin nang mahigit isang taon ang misyon ko na iyon ngunit dahil sa sinuwerte ako ay nagtagumpay agad kami na mahuli si Leon sa loob ng anim na buwan.Kaya eto ako ngayon ay may ngiting tagumpay sa aking labi dahil sa maagang pagbabal

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status