"Mom! I have some good news for you!" seven-year old Yael screamed as he entered the door.
Dali-daling sinalubong ni Freya ang kaniyang anak na si Yael Anderson Gray. Kinamumuhian niya si Jacob pero nagawa pa rin niyang isunod sa pangalan nito ang kanilang anak. She gave him a warm hug before she kissed him on his cheeks. Hinawakan niya sa balikat si Yael at tumitig sa mga mata nito. His eyes, it always reminds her of him. Actually, his son is like a carbon copy of his father.
"Did Tita Rian fetch you?" Tumango si Yael bilang tugon. "Teka, ano pala 'yong good news ng smart boy ko?" Freya asked with excitement on her face.
"We are going to have a grand vacation, mom!" This time, si Yael naman ang yumakap sa kaniyang ina.
"G-grand vacation? Anong ibig mong sabihin anak?"
"I won the regional quiz bee today and my generous teacher rewarded me with these!" Kinuha ni Yael sa kaniyang backpack ang dalawang vouchers at dalawang plane tickets. "Look mom!"
Nakangiting tiningnan at kinuha ni Freya ang hawak na plane tickets at vouchers ng kaniyang anak. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang malaman niya kung saang lugar sila pupunta.
"Escueza Luxury Hotel! Anak, mahal dito ah. Hindi ba mamumulubi si teacher mo kapag pumunta tayo rito?" nag-aalalang tanong ni Freya.
"Hindi mo po ba nagustuhan mom?" malungkot na sambit ni Yael habang nakatingin sa sahig.
"Hindi naman sa gan –" Nahinto si Freya sa pagsasalita nang biglang umimik si Yael.
"I put all my efforts into reaching the regional level because of that reward. I … I want to pamper you, mom. You're my super-daddy-mom. Kulang pa po 'yan para sa lahat ng sacrifices at pagmamahal na ibinibigay mo po sa akin. Alam ko pong mahirap lang tayo pero nagawa mo po akong papasukin sa isang mamahaling private school. Please mom, I want to go there with you," litanya ni Yael.
Freya was touched by his son's words. Hindi niya namalayan ang pagpatak ng kaniyang mga luha. Napaawang ang kaniyang bibig nang lumuhod sa kaniyang harapan ang kaisa-isa niyang anak.
"Mom, please. Kahit isang linggo lang po, maiparanas ko po sa inyo ang buhay na nais ko para sa ating dalawa. Paglaki ko po, magsisikap po talaga ako para yumaman tayo at maibigay ko po sa inyo hindi lang ang pangangailangan mo, kung hindi pati na rin po ang mga gusto mo," nakayukong turan ni Yael.
Tuluyan nang humikbi ng malakas si Freya. Maaaring minalas siya sa lalaking minahal niya pero bawing-bawi naman siya kay Yael. Kahit gaano pa siya kapoot kay Jacob, nagpapasalamat pa rin siya rito dahil binigyan siya nito ng lalaking hinding-hindi siya iiwan, ng lalaking mamahalin siya ng husto at walang pag-iimbot.
Pinatayo ni Freya si Yael mula sa pagkakaluhod at pinunasan niya ang mga luha nito. Napangiti siya nang punasan din ni Yael ang mga luhang bumabagsak sa kaniyang mga pisngi. Niyakap niya ng mahigpit si Yael.
"Thank you, anak. Pinasaya mo ng sobra si mommy ngayong araw. Thank you dahil nag-aaral ka nang mabuti at thank you rin para rito." Nakangiti niyang ipinakita kay Yael ang plane tickets at vouchers.
"Mom, does it mean?" Kuminang ang mga mata ni Yael dahil sa kaniyang naiisip.
"Yes. Hindi ko sasayangin ang paghihirap mo anak kaya magpalit ka na ng damit at mag-sho-shopping tayo! We will celebrate your victory!" mangiyak-ngiyak na wika ni Freya.
Isang linggo silang mananatili sa mamahaling hotel at wala silang gagastusin kahit singko. All thanks to Yael's efforts and to his teacher's kindness.
Nang makagayak na ang mag-ina ay naglakad na sila papunta sa paradahan ng tricycle. Tuwang-tuwa si Yael dahil sa wakas ay makakapasok na siya sa Supermall. Madalas kasi ay sa palengke lang sila namimili ng kaniyang ina dahil mas malapit at mas mura ang bilihin doon.
"Mom, do you really have extra money for this? Baka po kasi sa mga susunod na araw ay puro over time na naman po kayo. Okay lang naman po sa akin kung lumang mga damit at bag na lang ang dalahin natin doon eh. Ang importante po at magkasama tayo roon," seryosong sabi ni Yael habang nakatingin sa halos pudpod na tsinelas ng kaniyang ina.
Ginulo ni Freya ang buhok ng kaniyang anak. She's so blessed to have Yael in her life.
"Ikaw talaga anak! Minsan lang naman eh at saka kaya naman nag-o-over time si mommy eh para sa future mo. Ang bata-bata mo pa para mamroblema. Ganito, isipin mo na lang na reward ko 'to sa'yo dahil mabait at matalino kang bata. Okay ba?" Nakataas ang kilay ni Freya habang naghihintay ng tugon ni Yael.
"S-sige po pero ... " Tumayo si Yael at may ibinulong kay Freya.
Nanubig na naman ang mga mata ni Freya nang sabihin ni Yael na dapat ay bumili rin siya ng kaniyang damit at bagong sapin sa paa. Her child is so sweet and caring.
"Ma'am sa Supermall po ba ang punta niyo? Okay lang po ba kung umalis na tayo kahit hindi pa po puno? Baka po kasi gabihin kayo mamaya pag-uwi. Patay na oras po ngayon, madalang ang pasahero," ani ng driver ng tricycle na sinasakyan ng mag-ina.
Nagkwenta sa isip niya si Freya bago siya tumugon, "s-sige po manong."
Makalipas ang trenta minutong byahe ay nakarating din sa wakas sina Freya at Yael sa Supermall. Dumiretso muna sila sa Duyebee para maghapunan at pagkatapos ay tumungo na sila sa department store para mamili ng mga damit.
"Mom, doon po muna tayo sa women's apparel. Tulungan ko po kayong pumili ng mga damit na babagay po sa'yo," suhestiyon ni Yael.
Tututol pa sana si Freya pero hinila na siya ni Yael papunta sa women's apparel section. Hindi mapigilang ngumiti ni Freya sa mga pinipiling damit ng kaniyang anak para sa kaniya. He knows what her mom's style is. Napawi ang ngiti ni Freya nang marinig niya ang boses ng isang lalaking namimili rin ng damit sa tapat nila.
"Miss, give me the most expensive red dress you have here," utos ni Jacob sa sales lady.
Nanigas sa kinatatayuan niya si Freya nang makita niya ang ama ng anak niya. He hasn't changed at all. Kung paano niya nakikita si Jacob sa kaniyang ala-ala ay ganoon pa rin ang hitsura at postura nito. Hindi niya mapigilang mapatanong sa kaniyang isip. Alam kaya ni Jacob na may anak silang dalawa? Hinanap ba sila nito? Nagsisi ba siya sa ginawa niya kaya nandito siya ngayon sa probinsya para hanapin si Freya?
"Babe, I'll be late tonight. I have some important matters to attend to. Please enjoy yourself there, habang wala pa ako. Thank you nga pala sa pagsama mo sa akin dito sa Monte Carlos.
Nang marinig iyon ni Freya, alam na niya ang mga sagot sa mga katanungan niya. Nagtama ang mga mata nila ni Jacob nang bigla itong lumingon sa direksyon niya.
"Freya?" bulong niya.
"Mom, I think this one suits you more! Look at the desi—"
Freya swiftly covered Yael's mouth. Nakayuko siyang lumakad palayo. Hawak niya ang isang kamay ni Yael at sinenyasan niya itong huwag munang magsalita. Kunot-noo naman siyang sinunod ng kaniyang nag-iisang anak.
Kinusot ni Jacob ang kaniyang mga mata at ipinikit iyon. Hindi kasi siya makapaniwala na after seven years ay makikita niyang muli si Freya. Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata.
"There's no one here. Bakit ba naisip ko ang hitsura ng babaeng 'yon? Am I still guilty of what I did to her seven years ago?" Umiling siya at lumakad na papunta sa kahera. "Hindi ko dapat siya iniisip sa ngayon. Magpo-propose na ako kay Ivana mamaya. I should focus on making her happy instead of thinking weird things."
Humihingal namang huminto ang mag-ina sa kid's section. Pinunasan ni Freya ang tumatagaktak na pawis niya sa kaniyang mukha. Air-conditioned sa loob ng mall pero heto siya, pinagpapawisan.
"Mom, what's wrong? Why are we running and hiding like a wanted person?" Yael asked.
"Anak, sinubukan lang ni mommy kung kaya pa ba nating tumakbo ng mabilis. Buti na lang malakas ang stamina natin," pagpapalusot ni Freya.
"Eh bakit niyo po tinakpan ang bibig ko kanina?"
Freya smiled. Matalino talaga ang anak niya.
"Hindi na mahalaga 'yon anak. Halika, pumili na tayo ng mga bagong damit mo! Excited na si mommy sa bakasyon nating dalawa! Buti na lang at pinayagan ako ng amo kong umabsent sa work ngayong gabi."
Yael didn't ask more questions. Tuwang-tuwa siyang pinapanood ni Freya habang pumipili ng bagong damit, shorts at pants.
"Your son right?"
Napalingon si Freya sa babaeng bigla na lang sumulpot sa tabi niya.
"Yes, he's my son and you are?" Kumunot ang noo ni Freya. That woman looks familiar. Hindi niya lang matandaan kung saan niya ito nakita.
Hindi sinagot ng babae ang tanong ni Freya.
"Your son looks exactly like someone who's close to my heart. Here." Iniabot ng babae ang sobre kay Freya. "Give it to him and let him buy what he wants."
"Maám, I'm sorry pero hindi ko po ito matatanggap. I don't even know you at isa pa po nakakahi ---"
Hinawakan ng babae ang kamay ni Freya at ipinakimkim sa kaniya ang sobre.
"Take it. Don't worry, hindi ako naniningil. Natuwa lang talaga ako sa anak mo. I must say na maayos mo siyang napalaki," sambit ng babae habang nakatingin kay Yael. "Anyway, I have to go. Regarding my name, I'll tell it to you when we meet again."
"Sa-salamat po rito. Maraming salamat po," nag-aalangang sambit ni Freya. Gusto niya talagang ibalik kung anuman ang laman ng sobre sa babae pero mukhang hindi ito papayag na hindi niya iyon tatanggapin.
"You're welcome," the woman said with a beautiful smile on her face.
Nang makaalis ang babae ay agad na binuklat ni Freya ang sobre. Napatakip sa kaniyang bibig ang isa niyang kamay at namilog ang mga mata niya nang makita niya ang tsekeng nagkaka-halaga ng isang daang libong piso.
"Who are you? Kung sino ka man, may God bless you more! I can't believe this!" Nagtatakbo si Freya sa direksyon ni Yael at maluha-luha niyang ipinakita ang sobre sa bata.
"Mom, why are you crying?" Pinahid ni Yael ang luha sa pisngi ng kaniyang mommy.
"Ipag-oopen kita ng account sa bangko anak. Sisimulan na ni mommy mag-ipon para sa pag-aaral mo sa kolehiyo."
"Mom, matagal pa po ýon. Huwag ka na po umiyak dahil gagalingan ko po para maging full scholar ako hanggang college. I love you, mom." Niyakap nang mahigpit ni Yael si Freya. "I'm so blessed to have you, mom at hinding-hindi po ako magsasawang sabihin ýon."
"I love you too, anak."
Sa hindi kalayuan ay nakangiting nagmamasid ang babaeng nagbigay ng tseke kay Freya.
"She's a good mother. She earned my respect," sambit ng babae bago tuluyang umalis ng department store.