Share

Kabanata 0003

"What took you too long?" inis na bungad ni Ivana sa kaniyang long-time boyfriend.

"I'm sorry. I got stuck in the heavy traffic," tugon ni Jacob. He kissed Ivana on her cheeks before he sat down.

"Kumusta 'yong pinapagawa ko sa'yo? Pumayag na ba ang mga taga-baryo?" Napansin ni Jacob na tahimik sa paligid. Luminga-linga siya. "Nasaan ang mga empleyado mo rito? Bakit walang waiters na nagse-serve? I want some wine," aniya.

Bumuntong hininga si Ivana habang pinagmamasdan ang bagong linis niyang mga kuko. "Pinauwi ko na sila. Ang tagal mo kasing dumating," walang emosyong turan niya.

Jacob sighed before he got the elegant red dress out of the paper bag. Lumakad siya patungo sa likuran ni Ivana. He hugged and kissed her like he used to.

"Jacob, ano ba? I'm not in the mood. Pwede ba, bumalik ka na lang sa upuan mo?" sambit ni Ivana habang umiirap.

"Babe, please don't get mad at me. Look. I bought something for you." Nakangiting ipinakita ni Jacob ang pulang dress kay Ivana. His girlfriend loves red dresses so he's expecting her to feel ecstatic and grateful but …

"I don't like the design. It's too old-fashioned. '' Ivana rolled her eyes before she removed Jacob's hands from her shoulders. Tumayo siya mula sa pagkaka-upo ng prente at pagkatapos ay lumakad palayo sa kaniyang boyfriend.

Kunot-noong ibinalik ni Jacob sa loob ng paper bag ang pulang dress na binili niya.

"Babe, what's wrong? I already apologized for being late. Five minutes lang din naman akong nahuli bakit ba ganiyan ka?" wika ni Jacob habang mahigpit na hawak-hawak ang paper bag.

Namewang si Ivana at tinitigan si Jacob ng matalim.

"What's the date today?" Ivana asked gently.

"What?" Jacob asked back.

"I said, what's the date today?" Ivana repeated herself. She tapped her feet on the floor while raising her eyebrows. Naiinis na talaga siya dahil dumaan ang buong maghapon na hindi man lamang siya binabati ni Jacob.

"July 22." Saglit na tumigil si Jacob. "Oh shit!" Dali-dali siyang lumakad palapit kay Ivana.

"See? You forgot that it's my birthday! Taon-taon na lang ba, Jacob? 'Yong totoo, ano ba talaga ako para sa'yo ha?"

"Ivana, do you really need to ask me about that? Hindi pa ba obvious? Mahal kita! Mahal na mahal! Hindi mo ba 'yon nararamdaman?" His eyes showed how hurt he was.

Ivana gritted her teeth.

"Common Jacob! Binabaligtad mo na naman ang sitwasyon eh! Kung mahalaga ako sa'yo, bakit palagi mo na lang nakakalimutan ang birthday ko?" Bahagyang tumaas ang boses ni Ivana. Mabuti na lamang at sila na lang dalawa ni Jacob ang tao sa kaniyang restaurant dahil kung hindi ay siya na naman ang magiging main topic ng mga tsismosa niyang employees.

"I'm sorry. Can we just ... forget about it? Halos araw-araw kitang binibilhan ng regalo. Halos araw-araw din tayong kumakain sa labas. Maybe, those were the reasons why I always forget the date of your birth!" Jacob exclaimed.

Humakbang si Ivana palapit kay Jacob bago siya tumawa ng pagak. Kinuha niya buhat sa kamay ni Jacob ang paper bag.

"I'm grateful na alam mo ang paborito kong kulay ng dress pero tingnan mo ang design nito! Magmumukha akong katulong kapag isinuot ko ito!"

Nanlaki ang mga mata ni Jacob nang biglang itinapon ni Ivana sa sahig ang damit na pinaghirapan niyang hanapin. Yes, he went to six malls just to find that kind of design plus, it's really expensive. Napasabunot si Jacob sa kaniyang buhok nang tinapak-tapakan pa ito ni Ivana.

"I'm so done with you! Alam mo Jacob, nagsisisi talaga ako na binalikan pa kita! Sana pinili ko na lang manatili sa tabi ng half-brother mong si Jackson!"

Napakagat sa kaniyang labi si Jacob sabay kuyom ng kaniyang mga kamao.

'Jacob, calm down. Galit lang si Ivana kaya niya nasabi ang mga 'yon. Do what you're supposed to do!' he thought.

Napataas ang kilay ni Ivana nang biglang lumuhod sa harapan niya si Jacob. "What are you doing?" mataray na tanong niya.

"Ivana, please spend the rest of your life with me. Will you … marry me?" Jacob could hear his heartbeats at the moment. His heart was beating too fast because of nervousness. Pinagpapawisan na rin siya ng malamig.

Unti-unting kumurba ang labi ni Jacob nang alalayan siya patayo ni Ivana. Naalala niya kung paano siya pinilit ng dalaga na ipaglaban ang kaniyang karapatan bilang isang Gray. Si Ivana ang dahilan kung bakit siya matagumpay ngayon. Higit pa sa pagkilala ang kaniyang natanggap buhat sa kaniyang ama dahil kay Ivana. Pinamanahan din siya nito ng kaparehas ng sa kaniyang kapatid na si Jackson.

Ivana should feel ecstatic right now pero hindi iyon ang nararamdaman niya sa pagkakataong ito. Niyakap niya nang mahigpit si Jacob at pagkatapos ay tinapik niya ang likod nito.

"Itago mo muna ang singsing na 'yan. Let's break up Jacob. I'm sorry. I hope you'll find the right woman for you." Hinalikan muna ni Ivana sa pisngi si Jacob bago siya tuluyang umalis.

Napaupo sa sahig ang CEO. Nabitawan niya ang singsing at gumulong ito patungo sa may pintuan.

Sinampal ni Jacob ang sarili ng ilang ulit. Nais niyang maniwala na panaginip lang ang lahat pero nagkamali siya. Totoong iniwan na siya ng babaeng nais niyang makasama hanggang sa kaniyang pagtanda. Nagsisigaw siya habang pinagsususuntok ang sahig. Unang beses niyang umiyak nang dahil sa isang babae.

"Manong sa tabi lang po. Pakihintay na lang po ako rito. May kukunin lang po ako," ani Freya bago bumaba ng tricycle.

"Mom, hintayin na lang po kita rito."

"Sigurado ka ba Yael? Ayaw mong sumama sa akin sa loob?" paninigurado ni Freya.

Tumango si Yael bilang pagkumpirma.

"Manong, makikibantay po muna sa anak ko ha." Palihim na kinuha ni Freya ang kaniyang cellphone at kinuhanan ng litrato ang driver ng tricycle na sinasakyan nila.

Kumakanta-kanta pa si Freya habang naglalakad patungo sa restaurant kung saan siya suma-sideline. Pagbukas niya ng pinto, lalakad na sana papunta sa kaniyang locker nang mapansin niya ang kumikinang na singsing. Dahan-dahan siyang pumihit at yumuko para kunin ang singsing.

"Ginto! Napakaganda! Teka, diamond ba 'to?" Kinagat niya ang singsing. "Mukhang mamahalin talaga! Kanino kaya ito?" manghang turan ni Freya. Luminga-linga siya sa paligid. Hindi niya nakita si Jacob dahil nakaupo ito sa sahig. Huminto na rin sa pagtangis ang binata.

"Lord, bigay mo po ba 'to sa akin? Isangla ko na po ba para may pocket money kami ni Yael papunta sa Escueza? Hmm… mas magmamahal pa nga pala ang value nito pagtagal ng panahon. Itago ko na muna!"

Ilalagay na sana ni Freya sa bulsa ng kaniyang pantalon ang singsing nang bigla niyang narinig ang mga yabag na papalapit sa kaniya. Nag-sign of the cross pa siya nang maalala niya ang sabi-sabing may nagpapakita raw na white lady sa restaurant na iyon kapag malalim na ang gabi. Halos mapatalon si Freya nang biglang may nagsalita sa likuran niya.

"Take your hands off my ring!" Jacob said.

Tila naubusan ng pulang dugo ang mukha ni Freya nang makita niya ang galit na repleksyon ni Jacob sa glass door.

"Hey! Give me back my ring!" ani Jacob habang hinihilot ang kaniyang noo.

Pumikit saglit si Freya. She took a deep breath, then she counted from one to three in her mind.

'One. Two. Three.'

Freya hastily stood up and ran towards the tricycle. Dala-dala niya ang singsing. Hindi na siya lumingon habang tumatakbo dahil ayaw niyang makita ni Jacob ang pagmumukha niya. Humihingal siyang sumakay sa tricycle.

"M-manong, t-tara na! Da … Dali!" tarantang sabi ni Freya.

"Mom, what's going on?" Kumunot ang noo ni Yael. Nang makita niya ang humahangos na si Jacob ay namangha siya. Kinusot pa niya ang kaniyang mga mata dahil kamukhang-kamukha niya ang lalaking iyon. "May humahabol ba sa'yo, mom?"

Umiling si Freya sabay kuha ng mineral water. Naubos niya iyon ng isang inuman.

"Nagkita yata si mommy ng multo, anak!"

"T-talaga ba, mom?" gulat na tanong ni Yael. ‘Siguro si daddy nga talaga ýong nakita ko. Bakit kaya siya nagpakita sa amin ni mommy? Namimiss na ba niya kami kaya siya tumakas sa heaven?’ Yael thought while looking at her mom.

"Just kidding! Halika nga!" Niyakap nang mahigpit ni Freya ang kaniyang anak. 'Ano bang nangyayari? Bakit nakita ko na naman ang lalaking 'yon?' isip ni Freya.

‘Kung ganoon, hindi nakita ni mommy si daddy? Sayang naman!’

Napatingin si Freya sa singsing na pagmamay-ari ni Jacob. Kasyang-kasya iyon sa kaniyang palasingsingan. Sa pagkataranta niya kanina ay bigla niyang naisuot sa kaniyang daliri ang singsing. Inimagine pa niya ang pwedeng mangyari kung sakaling makilala siya ng kaniyang ex-boyfriend. Bumalik lang siya sa wisyo nang magsalita si Yael.

"Mom, bakit parang sinusundan po tayo ng kotseng 'yon?" ani Yael habang nakatingin sa kotseng nakabuntot sa sinasakyan nila.

Napalunok ng sunod-sunod si Freya habang nakahawak sa kaniyang dibdib. She could clearly hear her heartbeats. Pinagpapawisan na rin siya ng malalamig.
Comments (11)
goodnovel comment avatar
Shine Uy
ang ganda ng story
goodnovel comment avatar
Zoraida Yanggod
nice story
goodnovel comment avatar
Anabelle Padinas
grabe nakatense yung pagtatagpo nila
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status