Share

Kabanata 0004

"Ibalik mo sa akin ang singsing kung sino ka man! Shit! This day really sucks!" inis na sabi ni Jacob habang mabilis na minamaneho ang kaniyang kotse. "I'll put you behind bars kapag nahuli kita! Thief!"

Lalo pang binilisan ni Jacob ang pagpapatakbo ng kaniyang kotse pero lalo ring bumilis ang takbo ng tricycle na hinahabol niya.

"Damn! You're dead when I catch you!" nagngingitngit na sambit ni Jacob.

Biglang bumagal ang pagpapatakbo niya nang maalala niya ang repleksyon sa glass door ng babaeng nakakuha ng kaniyang singsing.

"F-Freya?" Napatigil siya sa pagsasalita at umiling. "Is there something wrong with me? Nakita ko rin siya kanina sa Supermalls. Shit! Minumulto na yata ako ng konsensya ko! Pa-dalawang beses ko na siyang nakita ngayong araw!"

Inalala ni Jacob ang gabing iyon kung saan pareho silang nag-init ni Freya. Hindi niya namalayan na nakangiti na pala siya.

"I need to confirm kung si Freya ba talaga ang nakita ko today." Muli niyang binilisan ang pagpapatakbo ng kaniyang sasakyan.

Agad namang nagpakitang gilas ang tricycle driver nang sabihin ni Freya na ti-triplehin niya ang ibabayad dito. Desperada na siya. She must avoid that man at all costs. Napakapit nang mahigpit sina Freya at Yael nang iharurot ng driver ang sinasakyan nilang tricycle. Napatingin si Freya sa singsing na nakasuot sa kaniyang daliri.

'Paano kung para talaga sa akin ang singsing na ito? Paano kung hindi lang nagkataon ang lahat? Paano kung …'

Nahimasmasan si Freya nang bigla niyang narinig ang boses ng kaniyang anak.

"Mom, I'm scared! Baka po mabangga tayo kung ganito kabilis ang pagpapatakbo ni manong. Madilim pa naman po ang kalye!" Bumitiw si Yael sa hawakan ng tricycle at yumakap nang mahigpit sa kaniyang ina.

"Huwag kang mag-alala anak, maingat naman si manong, 'di ba manong?" pagsisiguro ni Freya.

"Opo ma'am. Maingat po akong magmaneho dahil takot po akong makulong. May pamilya rin po kasi akong uuwian kaya kailangang mag-ingat palagi," tugon ng driver.

Malayo-layo na rin ang kanilang nilakbay. Ilang baranggay na lang at makakauwi na sina Freya at Yael sa kanilang munting tahanan. Hindi rin sila pwedeng mapuyat dahil maaga pa ang flight nila kinabukasan.

"Yael, you can sleep if you are sleepy. Babantayan ka ni mommy."

"No mom. I'm afraid something might happen if I close my eyes. Babantayan din po kita mommy," malambing na usal ni Yael.

"Ma'am ang bait naman po ng anak niyo. Napalaki niyo po siya nang maayos," ani ng tricycle driver. Ngumiti siya nang makita niya ang makipot na daan. Nakaisip siya nang magandang plano para maisahan ang lalaking humahabol sa kanila.

"Ma'am, pagtapat po natin sa may eskinitang iyon, bumaba po kayo saglit at lumakad po kayo hanggang sa dulo noon. Aabangan ko po kayo roon," sabi ng tricycle driver.

"Seryoso po ba kayo? Napakadilim po ng eskinitang iyon! Baka mamaya, mapahamak pa kami ng anak ko," komento ni Freya.

"Iyon na lang po ang nakikita kong paraan para hindi na tayo masundan ng lalaking humahabol sa inyo. Kaano-ano niyo po ba iyon? Ex-husband?" usyoso ng driver.

Tumaas ang kilay ni Freya. "He's not my ex-husband. Patay na ang ama ng anak ko," may diin niyang sagot.

"Pasensya na po kayo ma'am. Condolence po," malungkot na sambit ng driver.

Niyakap nang mahigpit ni Yael ang kaniyang ina.

"Mom, pagbalik po natin galing sa Escueza, bisitahin po natin ang puntod ni dad ha? Pitong taong gulang na po ako pero ni minsan ay hindi ko pa po siya nabibisita. Kahit 'yong libingan lang po niya," mangiyak-ngiyak na sabi ni Yael.

Hindi nakaimik si Freya. She felt sorry for her child. Hindi naman niya ginustong magsinungaling pero iyon na lang din kasi ang naisip niyang paraan para hindi na siya nito paghanapan. Mas gusto pa niyang isipin nitong patay na ang kaniyang ama kaysa masaktan ito sa katotohanang inabandona sila nito. Nagagalit pa rin siya sa tuwing maiisip niyang hindi man lamang sila hinanap ni Jacob, matapos niyang iwan ang ultrasound result noon sa harap ng pinto ng condo nito.

Bago pa mas uminit ang mga tagpo ay napagpasyahan ni Freya na bumaba ng tricycle at sundin ang mga payo ng matandang driver.

"Mom, are you okay? Sorry po. Alam ko pong namimiss niyo rin si daddy tulad ko," ani Yael.

"Okay lang ako anak," matipid na tugon ni Freya.

"Sino po pala 'yong humahabol sa atin? At saka, bakit niya po tayo sinusundan? Kidnapper po ba siya?" dagdag na tanong ni Yael.

Tumigil sa paglalakad si Freya at yumuko para titigan si Yael nang diretso sa mga mata nito.

"He's a bad guy so we need to run as fast as we can. Do you understand Yael?" She needs to say it para mas mapabilis ang kanilang paglalakad. Hinawakan niyang muli ang kamay ni Yael.

Pagtayo ni Freya ay naaninag niya ang galit na mukha ni Jacob mula sa bukana ng eskinitang pinasukan nila. Dulot ng adrenaline rush ay binuhat niya agad si Yael at nagtatakbo sa dulo ng eskinita kung saan naghihintay ang tricycle driver.

Nagulat si Yael sa ginawang iyon ni Freya. He was four years old when her mother carried him like that. Napangiti siya at kumapit nang mahigpit sa kaniyang ina.

"Manong, tara na po," aya ni Freya.

Agad na pinatakbo ng mabilis ng driver ang kaniyang tricycle. Nakahinga nang maluwag si Freya nang hindi na niya nakitang nakabuntot sa kanila ang sasakyan ni Jacob. Hingal na hingal pa rin siya dahil sa pagbuhat niya kay Yael habang tumatakbo.

"Mom, ikaw po ang superhero ko!"

Ginulo ni Freya ang buhok ni Yael at pagkatapos ay niyakap ito. Hinalikan niya rin ang kaniyang anak sa noo nito.

Meanwhile, Jacob was running out of air when he exited the alley. His left hand was clutching his chest while his right hand was resting on his knee. Nilingon niya ang magkabilang direksyon ng kalye. Wala na roon ang babaeng hinahabol niya.

"Fuck!" ani Jacob habang pinagsisisipa ang poste ng ilaw. Nanlalambot siyang bumalik sa kaniyang sasakyan. "I lost it! I have wasted five million pesos on that ring! Damn it!"

Wala sa mood na sinagot ni Jacob ang tumutunog niyang cell phone. Diana, her stepsister, was calling her.

"What do you need?" masungit niyang bungad habang binubuhay ang bluetooth at hinahanap ang kaniyang earbuds.

["How sweet of you!]

"Diana, wala ako sa mood makipag-asaran. Ano bang pakay mo? Bakit ka napatawag?" Nang makita na niya ang kaniyang earbuds ay isinuot na niya ito at nagsimula nang magmaneho pabalik sa kanilang hotel.

["We're going to Escueza tomorrow morning. Show up on time. Maiiwan ka ng flight kung pabagal-bagal ka.]

"So Mr. Clinton accepted my invitation. Okay. Send the flight details to me via email. I'll be busy tonight. Ire-revise ko pa 'yong proposal," seryosong turan ni Jacob.

["Wala man lang thank you?”]

Jacob ended the call without saying thank you to her stepsister. Inis na inis sa kabilang linya si Diana pero hindi na iyon bago sa kaniya. Umasa lang siyang baka may pagbabago na sa ugali ng kaniyang kuya.

"Escueza, wait for me. Sisiguraduhin kong sa akin ka mapupunta at hindi sa asbag kong kapatid na si Jackson," tiim-bagang niyang wika.
Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
ValmonteElcana Corcuera
nice novel
goodnovel comment avatar
Anabelle Padinas
sayang magkkita na sana Sila
goodnovel comment avatar
Leni Salonga
getting interested, I like the story
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status