Share

Kabanata 0006

"So this is Escueza! Kaya naman pala kating-kati ang mga kamay ni papa na makuha ito," manghang turan ni Jackson, ang stepbrother ni Jacob, habang inililibot ang kaniyang mga mata sa labas ng hotel.

"Babe, do you really need my presence tomorrow? Tumawag kasi sa akin si daddy. We need to make a surprise for mom's birthday," sambit ni Ivana habang hinahaplos ang dibdib ni Jackson.

"Babe, iniiwasan mo ba si Jacob? Mahal mo pa ba siya?" seryosong tanong ni Jackson.

"O-of course not! Wala ako ngayon sa tabi mo kung siya ang mahal ko. Ano ka ba Jackson? Nakakatampo ka naman eh! Nag-effort na nga akong samahan ka rito. Mas pinili kita kaysa sa mga business meetings ko tapos babanatan mo ako ng gan'yan," nag-iinarteng wika ni Ivana sabay talikod kay Jackson. Napangiti siya nang bigla siyang yakapin nito mula sa likuran.

"I'm sorry. Alam mo namang kalaban ko si Jacob sa bidding 'di ba? Alam mo ring gustong-gusto ka ni Mr. Clinton. Wala ka namang gagawin bukas kung hindi titigan 'yong matanda eh. Baka nga kapag nginitian mo 'yon eh bigla 'yong mahimatay."

Nagtawanan sina Ivana at Jackson. Agad silang sinalubong ng mga staffs ng hotel at hinatid sa kanilang silid.

"Room 313. Hmm, not bad," ani Ivana habang pinapanood si Jackson na bitbit ang kanilang mga maleta. "Ano palang gagawin natin today?"

"Wear your best dress. We're going to play some games!" tugon ni Jackson, mahilig kasi itong maglaro ng poker, roulette and sports betting.

Pilit na tumawa si Ivana dahil nabo-boringan siya sa mga ganoong bagay. Mas gusto pa niyang magbabad sa pool maghapon kaysa makipagplastikan at makipaglaban sa kung sino-sinong elitista.

"O-okay," ani Ivana.

"Ayaw mo?" salubong na kilay na tanong ni Jackson.

"N-no! Of course I like it. Basta nasa tabi kita, kahit ano pang gawin natin, I will not feel bored," pagsisinungaling ni Ivana.

Napatitig si Jackson sa mapulang labi ni Ivana. After a minute, he's kissing her aggressively.

"Close the door,” utos ni Jackson. “I miss you so much my dear Ivana," dagdag pa niya.

Nagtatakbo si Ivana sa may pintuan at isinara ang pinto. Pareho nilang namiss ang isa't-isa kaya naman pareho rin silang sabik na sabik na muling matikman ang langit.

~~~

"Answer your fucking phone, Ivana! Hindi ako papayag na iwan mo na lang ako basta-basta dahil lang sa lintik na birthdate na 'yon!"

Halos sampung beses nang tinatawagan ni Jacob ang kaniyang ex-girlfriend na si Ivana. Inaasahan niya na sisipot ito sa kanilang usapan. Umaasa rin siyang muli silang magkakabalikan. Buong akala niya ay tinotopak lang ito dahil nakalimutan niya ang araw ng kaarawan nito.

“I need you here, Ivana,” kalmado nang bulong ni Jacob.

Alam niyang giliw-giliw kay Ivana ang may-ari ng Escueza na si Mr. Clinton. Kung nasa tabi niya ito mamaya, sigurado siyang makukuha niya ang hotel na matagal nang pangarap ng kaniyang papa.

"Damn it!" sigaw ni Jacob sabay tapon ng kaniyang cell phone sa sahig nang patayin ni Ivana ang kaniyang tawag. Napahawak siya sa kaniyang sintindo. Ilang oras na lang at magsisimula na ang bidding.

"Sir Jacob pinapatawag po kayo ni Miss Diana. Oras na raw po para sa breakfast. Na-moved daw po bukas ang bidding at ang meeting niyo kay Mr. Clinton," nakayukong sambit ng kaniyang bodyguard.

Nanlisik ang mga mata ni Jacob nang tingnan niya ito.

"So anong gagawin ko rito maghapon? Tutunganga! Shit! Mr. Clinton knew how desperate I am to acquire this hotel kaya siguro ganiyan siya umasta! Once I got what I want, hinding-hindi ko na siya papansinin! Anyway, dumating na ba siya?" tanong ni Jacob.

"S-sino po?" natatakot na tanong ng bodyguard.

"Si Mr. Clinton malamang! Alangan namang si Jackson! Use your fucking brain!" Nabaling ang inis ni Jacob sa kaniyang inosenteng bodyguard.

"Wala pa raw po sabi ni Miss Diana. Mamaya pa raw pong gabi ang dating ni Mr. Clinton," diretsang sagot ng kaniyang bodyguard.

"Sige mauna ka na sa dining area. Susunod na lang ako. Pakisabi kay Diana may email ako sa kaniya kagabi pa. Hindi pa niya nirereplyan," kalmadong utos ni Jacob. Napalingon siya sa katapat na silid nang makita niya ang likod ng isang batang nakasuot nang itim na speedo. Hindi malaman ni Jacob kung bakit gumagaan ang pakiramdam niya kapag nasusulyapan niya ito. Nakaalis na ang kaniyang bodyguard nang hindi niya namamalayan. Nang tumalikod siya para kunin ang kaniyang v-neck t-shirt ay siya namang paglabas ni Freya sa katapat na silid.

"Anak, huwag kang lalayo kay mommy ha. Alam kong marunong kang lumangoy pero ingat pa rin ha. Dala mo na ba ang goggles mo?"

"Opo mommy. Dala ko po. Breakfast muna po tayo bago tayo mag swimming mommy!" Excited na si Yael para sa buong maghapon. Sobrang curious na rin niya kung anong klaseng mga pagkain ang makikita niya sa buffet table.

"Oo naman anak! Heto nga at nagugutom na rin si mommy oh!" Inilapit ni Freya ang kaniyang tiyan sa tainga ni Yael.

Nagtawanan ang mag-ina nang biglang kumulo ang tiyan ni Freya.

Hinubad ulit ni Jacob ang kaniyang v-neck t-shirt at nagsuot ng black long sleeve at white maong short. Isinuson na niya rito ang kaniyang Double Rainbouu swimming trunk. Habang naglalakad siya papunta sa may elevator ay tumawag sa kaniya si Diana.

["Umuna na akong kumain sa'yo. Ang bagal mo kasing kumilos eh! Siya nga pala kuya, aalis ako saglit ha. Magsho-shopping lang ako. Don't worry kasama ko naman ang bodyguard ko."]

"Okay basta bumalik ka rito before lunch," tugon ni Jacob.

["Kuya Jacob! Three hours na lang, lunch time na! Alam mong kulang sa akin ang three hours kapag nagsho-shopping ako!"]

"It's not my problem anymore. Kapag hindi ka nakabalik before lunch, asahan mo na ang tawag ni papa." Narinig ni Jacob ang pagmumura ni Diana sa kabilang linya kaya pinatay na niya ang tawag. Dali-dali siyang nagtatakbo patungo sa elevator ngunit hindi na niya iyon inabutan.

Abot-tainga ang ngiti ni Freya nang makita niyang humahangos si Jacob. "Buti nga sa kaniya. Hindi siya nakaabot," bulong niya.

"Mom, sino po 'yon?" tanong ni Yael.

"Ah wala anak. May naalala lang si mommy," sagot ni Freya.

"Mommy, bawal po magsinungaling. Gusto niyo po bang humaba ang ilong niyo gaya ng kay Pinocchio?" pananakot ni Yael.

Napatawa si Freya.

"Okay anak. Sorry. Hindi ko kasi masagot ang tanong mo kanina kasi hindi naman kilala ni mommy 'yong lalaking nagtatakbo kanina palapit dito sa elevator," paliwanag ni Freya.

"Okay po mommy. Apology accepted!" Yael screamed. Nagtawanan ang mag-ina sa loob ng elevator.

Matapos kumain ng breakfast nina Yael at Freya ay dumiretso na si Yael sa may swimming pool. Mahigpit na bilin ng kaniyang ina na huwag masyadong lalayo at baka mapunta siya sa malalim. Umalis saglit si Freya para magbihis ng swimming attire.

Halos malaglag ang panga ni Jacob nang makita niya si Yael habang nagtatampisaw ito sa pool.

"That kid. Who is he? Bakit … bakit kamukhang-kamukha ko siya?" hindi makapaniwalang sambit ni Jacob.

Lalapitan na sana niya si Yael nang biglang dumating si Diana.

"Kuya, hindi na ako tumuloy mag…shopping. Teka bakit parang nakakita ka ng multo? Sino bang hinahanap mo?" kunot-noong tanong ni Diana.

"Fuck! Where did that kid go? He’s like my carbon copy when I was a kid!" inis na turan ni Jacob habang lumilinga-linga sa paligid.

Umalis na si Diana dahil alam niyang hindi siya papansinin ng kaniyang Kuya Jacob. Napatigil siya sa paglalakad nang maalala niya ang sinabi ni Jacob kanina.

"Carbon copy? Wait! Omg! Did he see Yael? Nandito sina Freya at Yael?" bulalas ni Diana.

Mga Comments (811)
goodnovel comment avatar
Lyn Lyn Cotales
nice story
goodnovel comment avatar
Roselyn Maro
nice story next plzz
goodnovel comment avatar
Nans Pano
next episode pls.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status