Kabanata 51.3“Akala ko di-diretso na tayo sa Pamalican Island? Bakit nandito tayo ngayon sa Coron?”“Unfortunately, I can’t marry you without someone’s permission.” Hinawakan ni Jackson ang mga kamay ni Mereya habang bumababa sila sa kaniyang yate. Inutusan na rin niya ang mga stewardess na huwag aalis ng yate dahil nandoon ang mga kagamitan nila ni Mereya.“Someone’s permission? Who are you referring to?” Mereya couldn’t help thinking that the Jones family were already on the island.“Malalaman mo mamaya. Sa ngayon, sasamahan ka muna ng bago kong tauhan na si Octa patungo sa Two Seasons Coron Island Resort para makapag pahinga ka rin muna bago tayo magpunta ng Amanpulo. Don’t worry, mapagkakatiwalaan naman natin siya. Si Set at Hulyo mismo ang nagpasok sa kaniya.” Hinalikan ni Jackson sa noo si Mereya.“I want to go with you. Sino ba ang kakausapin mo? Si Mama Cindy ba?” nag-aalalang tanong ni Mereya. Nangangamba siya na baka hindi ito pumayag na maikasal silang dalawa dahil alam na
Kabanata 51.4[“Sir Jack.”]“Oh, napatawag ka?” Luminga-linga si Jackson. Hinahanap niya ang katagpo niya.[“Nagreport po sa pulis si Merella. Kinidnap daw po si Cindy at ang kinakasama nitong si Sevi.”]“Wala akong pakialam sa kanila. Siguro ay karma na nila ‘yon dahil sa kasamaan nila. Iyan lang ba ang dahilan mo kung bakit ka napatawag?” inis na tanong ni Jackson. Tumingin siya sa kaniyang Patek Philippe na relo. Late na ng limang minuto ang kausap niya sa itinakda nilang oras ng pagkikita. ‘Nasaan ka na?’[“Si Noemi Hiraya po ang inireport nilang suspect. Sa tingin ko po ay kailangan niyo itong malaman.”]Natigilan si Jackson. “Noemi Hiraya?” Kumunot ang kaniyang noo. May naalala siya. “Hindi ba’t siya ang isa sa mga…”[“Tama po kayo. Si Noemi Hiraya De Luna ang katipan ni William Wrights bago pa man ito ikasal kay Cindy. Hindi po ba’t ipinapahanap niyo sa akin ang babaeng ‘yon, matagal na panahon na ang nakalilipas?”]Hinilot ni Jackson ang kaniyang noo. “Oo pero hindi pa ako sig
Hi! It's been a busy week for me. Ikinasal ang kinakapatid ko this week tapos this week din, nalaman kong buntis ako sa pangalawa kong anak. Sad to say, I need to clear out my mind and to avoid pressure since maselan ang pagbubuntis ko po. Six weeks pa lang si baby and I need to prioritize my health and my well being since sakitin ako (actually, nag-me-maintenance na ako at age 28). I'll be gone and I'm not sure kung kailan ako makakabalik sa pagsusulat.Sa ngayon, health ko at ng baby ko muna. Mauunawaan ko po kung iiwan niyo ako at aalisin niyo sa library ang books kong on going (Longing for my Ex-Wife's Return at One Night Darker (Tagalog) dahil nagkulang naman talaga ako sa inyo. Sa mga maghihintay naman po sa akin, MARAMING MARAMING SALAMAT PO.Once na maging stable na kami ni baby, I'll be back. Magugulat na lang po kayo kapag nag notif si GoodNovel na may update na ako.Thank you and God bless.Sincerely Apologizing,Docky
Kabanata 51.5Nag-iimpake na si Set ng mga gamit ni Don Vandolf sa hospital. P’wede na raw itong lumabas ayon sa personal doctor nito. Tumawag din sa kaniya si Jackson para ipaalam ang tungkol sa kasal. Hindi mawala ang ngiti sa labi niya at halos mapaluha na nga siya sa sobrang galak.“Sa wakas, magkakaroon na rin ng kaniyang happy ever after si Sir Jack. Siguro naman ay mababawasan na ang kaniyang pagsusungit,” natatawang bulong ni Set.“Ibig mo bang sabihin ay magpapakasal na ang aking panganay?”Naka-ilang kurap si Set bago siya humarap kay Don Vandolf. Nakangiti ito sa kaniya. “Senior, nagsalita po ba kayo o guni-guni ko lang ‘yon?”Ngumuso si Don Vandolf at sumipol. Naisip niyang biruin si Set kaya umung0l lang siya nang umung0l.Napakamot sa kaniyang ulo si Set bago bumalik sa kaniyang ginagawa. “Kailangan ko na yatang matulog ng walong oras sa isang araw bago pa ako masiraan ng bait,” aniya.“Sinabi ba sa’yo ni Jackson kung saan sila magpapakasal ni Eya?”Mabilis na umikot si
Kabanata 52.1“Miss N, itutuloy po ba natin ang pagpaslang sa magkasintahan?”“Simula ngayon, huwag niyo na akong tatawaging Miss N. That’s Nadia’s original code. Tawagin niyo na lang akong Hiraya.” Lumagok ng alak si Noemi habang pinagmamasdan sa CCTV sina Cindy at Sevi. “Masyadong madali kung papatayin na agad natin sila. Alam ko namang sa dagat-dagatang apoy ang bagsak nila pero gusto ko pa rin silang makitang naghihirap dito sa mundong ibabaw.” Nag-isip siya habang may hinihintay siyang mensahe mula sa isang bagong kaibigan.“Mukhang galit na galit po sila sa isa’t-isa. Bakit hindi niyo na lang po sila ipakasal dito sa Pilipinas?” suhestiyon ng tauhan ni Noemi.“Well, you have a good point. Sa mga natuklasan nilang baho, hindi malabong kamuhian nila ang isa’t-isa. Malayang nakakapag-diborsyo si Cindy dahil sa abroad siya lagi nagpapakasal. This time, matatali siya sa lalaking kakamuhian niya habangbuhay. Sisiguraduhin ko ring mauubos ang mga pera nila para hindi sila makapag-file
Kabanata 52.2“Nasaan na ba ang hot boylet na tinutukoy ni Jackson? Bakit wala pa rin siya rito? Kanina pa akong tawag nang tawag sa numero niya, wala namang sumasagot.” Hindi na maipinta ang mukha ni Yuna dahil halos mag-iisang oras na siyang naghihintay sa may Kayangan Lake. Maya-maya pa ay may kumulbit sa likod niya. Halos mapatalon siya dahil sa gulat.“Ikaw ba si Yuna?”Tinitigan ni Yuna ang doktor mula ulo hanggang paa. Halos puti na ang lahat ng hibla ng buhok nito. Bakas na bakas na rin sa mukha at balat nito ang katandaan. Sa kabila ng edad nito ay litaw na litaw pa rin ang kaguwapuhan nito. ‘Jusko ka Jackson! Gurang na naman pala ang boylet na tinutukoy mo! Nag-retouch pa naman ako at nagpaganda ng bongga! Nakakaloka! Sarap umbagan ng lalaking ‘yon. Kung hindi lang siya mahal ni babaita, naku!’ Napapikit si Yuna dahil sa pagkadismaya. Halata ang pagkainis sa mukha niya.Muling kinulbit ng matandang doktor sa balikat si Yuna. “Ikaw po ba si Yuna?”Ngumiti nang pilit si Yuna.
Kabanata 52.3“Don Desmundo, sigurado na po ba kayo sa gagawin natin? Paano kung kamuhian po kayo ng apo niyo pagkatapos nito?” tanong ni Octa. Kausap niya ngayon sa telepono ang tunay niyang amo.[“Mauunawaan ako ng apo ko. Alam kong mas mahal niya ang kaniyang papa kaysa sa lalaking ‘yon. Matagal na ring naghahanap ng hustisya si Eya kaya sigurado akong matatanggap niya kung anuman ang maging desisyon ko.”]“Nakasakay na po ba kayo sa private plane niyo? Marami po ba kayong kasamang bodyguards?” Nagmasid si Octa sa paligid. Walang dapat makarinig nang pinag-uusapan nila ni Don Desmundo. Malaking kabayaran ang sisingilin sa kaniya nito kapag pumalpak ang kanilang plano.[“Huwag mo na akong alalahanin. Ikaw ang mag-ingat diyan. Matalas ang pakiramdam ni Jackson. Matalino rin siya kaya huwag na huwag kang gagawa kahit isang pagkakamali. Kumusta pala ang apo ko? Alam na ba niyang nakalaya na ako sa kulungan?”]“Maayos naman po si Senyorita Eya. Sa pagkakaalam ko po ay wala pa siyang ala
Kabanata 52.4“Sir Jack! Tumawag na po si doc. May resulta na raw po!”Ibinaba ni Jackson ang telepono bago humarap sa kaniyang tauhan. “Sige. Salamat sa impormasyon.”May isa pang tauhan ang tumakbo palapit kay Jackson at may ibinulong.Dumilim ang mga mata ni Jackson. “Sigurado ka?”“Opo, Sir Jack. Kumpirmado na po.”“Makakaalis ka na,” utos ni Jackson. Tumayo siya mula sa upuan at humiga sa malambot na kama. Kanina pa siya nakarating sa hotel. Sa likod siya dumaan kaya walang nakapansin sa kaniya. Dumiretso siya sa VIP room na inihanda ng may-ari ng hotel para sa kaniya. “I thought everything will be smooth.” Jackson sighed. He closed his eyes for a while. “Am I that bad? It's like the universe doesn't want me to be happy.”Tumulo ang mga luha ni Jackson. Hinayaan niya muna ang kaniyang sariling umiyak. Pagkalipas ng ilang minuto ay bumangon siya at inayos ang kaniyang sarili.“Failing is not on my vocabulary right now. I cannot afford not to win. I should do something.” Jackson c
Kabanata 60.2 - Ang Wakas Pasan ni Jackson si Baby Sonya habang binibigyan ng lilom si Mereya. Nagtitirik ngayon ng kandila sa puntod ni Linda ang kaniyang asawa. Tumayo si Mereya matapos niyang magsindi ng kandila. “Aling Linda, nais kong malaman mo na napatawad ka na namin nina mommy, Tita Nadia at lolo. Maraming salamat dahil iniligtas mo ang buhay ko. Kung saan ka man naroroon, sana maging masaya ka. Huwag kang mag-alala, kami na ang bahala kay Yuna. Nasa Paris nga pala siya ngayon. Inaasikaso niya ang company na ipinamana mo sa kaniya. Pasensya ka na kasi sinabi namin sa kaniya ang totoo. Deserve niya kasing malaman ‘yon. Huwag kang mag-alala, hindi na siya galit sa'yo. Nagpapasalamat siya dahil kahit saglit ay pinuntahan, kinausap at niyakap mo siya. Hindi naging madali sa kaniya ang lahat. Isang taon din siyang hindi nagparamdam sa aming lahat. Isang taon niyang hinanap ang kaniyang sarili at isang taon ka rin niyang paulit-ulit na dinalaw rito. Masaya na siya ngayon, Aling
Kabanata 60.1“Nasaan si Yael?” tarantang tanong ni Jett kina Set at Jun. Magkakasama silang kumakain kanina nang magpaalam ang kaniyang pamangkin na pupunta sa banyo. Halos sampung minuto na ang dumaan ay hindi pa ito bumabalik kaya napilitan silang sundan ito. Laking gulat ng tatlo nang hindi nila ito nakita sa restroom.“Baka po namamasyal lang?” ani Jun.“Namamasyal? Hindi aalis ang batang ‘yon nang hindi nagsasabi sa akin. Dàmn!” Napatingin si Jett sa kaniyang relo. “Malapit nang mag-umpisa ang kasal nina kuya. Kailangan na nating mahanap si Yael. Maghiwa-hiwalay tayo. Tawagan niyo agad ako kapag nakita ko na siya, maliwanag ba?”“Sige po, Sir Jett,” magkasabay na tugon nina Set at Jun. Umalis na silang dalawa. Tulad ng panuto ni Jett, naghiwalay sila ng direksyon.Sa pagkataranta ni Jett ay hindi na niya naisipang i-check ang kuha ng security cameras sa paligid. “Mapapatay ako ni Hakob kapag may nangyaring masama kay Yael. Tang.ina! Napakalawak ng resort na ito. Saan ako mag-uum
Kabanata 59.5“Ikaw ba si Yuna?” nakangiting tanong ni Linda matapos niyang lumapit dito. Nasa restroom sila habang kapwa nag-re-retouch ng kanilang make-up.Kumunot ang noo ni Yuna. Tiningnan niya nang matagal sa mukha si Linda. “Ako nga. Do you know me? ‘Coz, I don't know you.” Bumalik siya sa kaniyang ginagawa.“Ku-Kumusta ka? Ano kasi. Matalik akong kaibigan ng iyong lola. Isa ako sa mga natulungan niya dati. Masaya akong makita ka ngayon. Napakabata mo pa noong huli kitang nakita,” naluluhang sambit ni Linda. Nagdesisyon siyang hindi na magpakilala kay Yuna bilang ina nito dahil ayaw niyang kamuhian siya nito. Isa pa, ayaw niyang maging pabigat dito. Ayaw rin niyang bansagan ito ng ibang tao na anak ng isang kriminal. Nakausap na niya ang witness na tinutukoy ni Jackson. Hindi na siya tumanggi sa kasalanan niya dahil ayaw na niyang dagdagan pa ito. Hindi na rin siya maghahabol sa yaman ng mga Wrights dahil napag-alaman niyang ang witness na ito pala na dating hardinero sa mansyon
Kabanata 59.4“Anak…”“Ikaw? Ikaw ang tunay kong ina?” wala sa sariling tanong ni Mereya.Tumango nang marahan si Noemi. “Ako nga, anak.” Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng kaniyang mga luha.Tinitigan nang matagal ni Mereya ang kaniyang ina. Panay ang lunok niya. Hindi niya mawari kung bakit hindi siya makaalis sa kaniyang kinatatayuan. Maya-maya pa ay naramdaman niyang basa na ang kaniyang mga pisngi.“Masisira ang make-up mo, anak. Huwag kang umiyak,” mahinang sabi ni Noemi.“Unang beses kitang nakita. Kamukha pala kita? Hindi ko alam kung tama ba ang mga sinasabi ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin sa'yo.” Pinahid ni Mereya ang kaniyang mga luha.Mabilis na lumakad si Noemi palapit kay Mereya at niyakap ito nang mahigpit. Walang salitang lumabas sa kaniyang bibig. Tanging paghikbi lamang nilang dalawa ang maririnig sa silid.Pumikit si Mereya at ninamnam ang unang yakap mula sa kaniyang tunay na ina. Hindi niya akalaing ganoon pala iyon kasarap sa pakiramdam. Ti
Kabanata 59.3“Malapit nang mag-umpisa ang seremonya. Handa ka na ba, anak?” nakangiting tanong ni Don Vandolf.Pagkarating na pagkarating nina Jackson ay agad silang nag-ayos at nagbihis. Naroroon na rin ang pastor na magkakasal sa kanila ni Mereya. Humingi siya ng dalawampung minutong palugit para pagbigyang makipag-usap sina Noemi at Mereya.“Kinakabahan ako, papa. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman pero sobrang saya ko. Kahit yata maghapon akong maghintay rito eh ayos lang sa akin. Miss na miss ko na agad ang mag-ina ko, papa,” maluha-luhang sambit ni Jackson.Tinapik ni Don Vandolf ang balikat ng kaniyang anak. “I am so glad that you became the man I pray you to become. Nakikita at ramdam ko kung gaano mo kamahal ang iyong mag-ina. Just a heads up, anak. Hindi araw-araw ay magiging maayos ang samahan niyong mag-asawa. May mga araw na mararamdaman mong parang nababawasan ang pagmamahal mo sa kaniya. May mga araw na mag-aaway o magkakatampuhan kayong dalawa at may mga ara
Kabanata 59.2“Kumusta si papa?”“Okay naman po ang vital signs niya. Mamaya raw po ay malaki ang chance na magkaroon na siya ng malay,” ulat ng tauhan ni Nadia.“Huwag niyong hahayaang makalabas ng hospital si papa. Ano palang balita sa port? Wala pa sina Jackson?” Nililinis ni Nadia ang kaniyang bariL.“Kanina pa pong dumating ang yate nila. Anytime po ay parating na sila rito.”“Good. Tell our people to standby. Pumwesto na rin kayo sa inyong mga lugar. Siguraduhin niyong walang makakapanggulo sa kasal ng aking pamangkin. Everything should went smooth hanggang sa makaalis ang bagong kasal,” turan ni Nadia.“Opo, Miss N. Makakaasa po kayo.”“Another thing, tandaan niyong si Linda ang target natin. Alam niyo na naman ang hitsura niya dahil matagal ko rin siyang nakasama. Siya lang ang kailangan niyong kidnapin pagkatapos ng seremonya. Huwag na huwag niyong sasaktan ang iba lalong-lalo na ang mga mahal ni Eya.” Ngumiti si Nadia. “Ayan, makintab na.” Itinutok niya sa pader ang kaniyang
Kabanata 59.1“Ang ganda-ganda mo, babaita! Sigurado akong mahuhulog ang brief ni Fafa Jackson kapag nakita ka niya mamaya! Grabeng ganda naman ng buntis na ito!” pumapalakpak na sabi ni Yuna habang pinagmamasdan ang kaniyang pinakamatalik na kaibigan. Hindi pa ito tapos ayusan ng make-up artist at ng hairstylist nito pero litaw na litaw na lalo ang angkin nitong ganda!“Ikaw talaga, Yuna. Napaka overrated mo talaga mag describe,” natatawang sambit ni Mereya.“Ay nako, babaita! Hindi sa pagkukuwan pero napakaganda mo talaga today! Pak na pak!” Nakaayos na si Yuna at tapos na rin siyang magbihis. Hindi siya mapakali sa kaniyang silid kaya pumunta siya sa silid kung inaayusan si Mereya. “Nakita ko nga pala si Tita Nadia mo, ang ganda-ganda rin niya! Grabe kayong mga Wrights. Noong naghasik yata si Lord ng kagandahan eh sinalo niyo halos lahat!”Napatawa si Mereya. “Yuna, kumusta nga pala si lola? Okay lang ba siya? Saan ka nga pala naglagi noong nagkahiwalay tayo? Pasensya ka na ha. Nai
Kabanata 58.5“Jackson, senior, Set, maraming maraming salamat sa pagligtas niyo sa akin. Utang ko sa inyo ang buhay ko. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito,” ani Noemi. Lulan na sila ng yate at naglalakbay na patungo sa isla ng Pamalican.“Walang anuman, balae. Hindi ko akalain na halos kasing bata ka lang pala ni Mereya. Kahit sinong lalaki ay mapapagkamalan kang dalaga. Hindi halata ang edad mo sa hitsura mo.” Ngiting-ngiti si Don Vandolf habang nakatingin kay Noemi.Tumikhim si Jackson. “Papa, nakakahiya kay M-Mommy Noemi,” bulong ni Jackson. Katabi niya sa upuan ang kaniyang papa, katabi naman nito si Set.“Anong nakakahiya sa sinabi ko? Totoo naman ang lahat ng iyon. Huwag kang mag-alala, graduate na ako sa pagiging playboy. Isa pa, balae ko siya. Masyado yatang marumi ang utak mo, anak. Gusto mo bang hilamusan kita ng tubig-dagat para mahimasmasan ka?” pabirong turan ni Don Vandolf.Napatawa si Noemi.“Papa naman,” natatawang wika ni Jackson.Tiningnan ni Don Vandolf si Lind
Kabanata 58.4“Tita Nadia, ano pong ibig mong sabihin?”“Hindi si Jackson ang pumatay kay Kuya William. Siya rin ang una kong naging suspect pero it turns out that someone who's not even a lead became the perpetrator. I'm sorry, Eya. Nahihiya ako sa'yo, in behalf of papa rin, kasi nagpunta kami rito sa Palawan hindi para unattend ng kasal mo kung hindi para iligpit sana ang mapapangasawa mo. Nagpunta kami rito para ilayo ka kay Jackson. Patawarin mo kami, Eya.” Luluhod pa sana si Nadia sa harap ng kaniyang pamangkin nang pigilan siya nito.“No, tita. Hindi kayo dapat sa akin humihingi ng sorry. Kay Jackson dapat tayo humingi ng kapatawaran. Hindi ko kayo masisisi ni lolo kasi kahit ako, noong nalaman kong si Jackson ang salarin eh hindi man lang ako nagdalawang-isip na mag-imbestiga muna. I even made up my mind that I am not going to marry him. I even want to give him to the police. Worst, I even think to kill him. I'm so ashamed of myself. Now, I want to ask myself if I deserve him.