Share

Chapter 3

Author: PROSERFINA
last update Huling Na-update: 2024-03-04 22:39:55

SAM

Bigla akong napadilat nang may marinig akong ingay sa labas. Parang nahulog na takip o

kaldero siguro? Kahit pupungas-pungas pa ako ay bumangon ako agad upang lumabas ng

aking kwarto. Pagkalabas ko ay dumiretso na ako sa kusina. Nagulat na lang ako nang

makita ko ang pagtayo ni Sir Bernard. May hawak siyang takip na babasagin. Siguro ‘yun

ang narinig kong nalaglag kanina. Pero napa-gawi ang aking mata sa makasalanan niyang

abs na natatakpan ng kulay itim niyang apron. Hot chef!

“I’m sorry nagising ba kita?” Itinikom ko ang aking bibig sabay kamot sa sariling ulo at

tumalikod sa kaniya.

“Opo, Sir. Akala ko kasi pusa ‘yung kumalampag.” Sagot ko sa kanya habang hindi pa rin

siya nililingon. Jusko! Parang ‘yung nakikita ko na lamang ang gusto kong gawing almusal!

Kinaltukan ko ang aking sarili. Kaka-sabi lang sa’kin ni Sir kahapon na hindi ako pwedeng

ma in love sa kaniya, tapos heto ako ngayon nangangarap samantalang kagigising ko pa

lang!

“Cat? Walang pusa dito, allergic ako sa mga ma-balahibong hayop. Kaya hindi ako nag-

aalalaga ng pet.” Wika niya. Hindi ko alam kung babalik pa ako sa kuwarto ko. Ano naman

kaya ang ginagawa niya sa kusina? Nagugutom ba siya?

Napatingin ako sa wall clock, sa may bandang itaas ng dingding sa sala.

“Hala! Late na ako!” Bulalas ko. Patakbo akong pumasok sa kuwarto dahil mag a-alas syete

na ng umaga. Hindi ko na nga nalingon si Sir Bernard at kaagad na rin akong pumasok sa

banyo upang maligo. Napuyat kasi ako kagabi, dahil naglaba pa ako ng mga damit ko sa

banyo. Ayoko namang disturbuhin siya, at makigamit ng washing machine niyang halatang

pang-tao lamang. Kaya nag tiyaga akong magkusot sa lababo. Hindi ko napaghandaan na

kailangan ko nga pala ng maraming pamalit pang opisina, kaya kung ano ang suot ko

kahapon ‘yun pa din naman ang susuotin ko ngayon. Okay lang naman siguro ‘yun, ang

mahalaga nilalabhan. Parang yung napasok ka lang sa school pare-pareho ang damit, ang

mahalaga hindi amoy anghi. Hindi naman siguro mapapansin ni Sir ang suot ko dahil isa

lamang akong sekretarya?

Pagpasok ko sa banyo ay namamangha pa rin ako dahil mas malaki pa ata ito kaysa sa

apartment ko. Napakalinis din at kompleto sa kagamitan. Shampoo, sabon at body

essentials. Bakit kaya dalawa ang kwarto dito sa penthouse ni Sir Bernard? Hindi kaya

umuuwi din dito ang pamilya niya?

Itinuloy ko ang mabilis kong pagligo at naghilod na rin ako ng katawan. Mabango ang mga

gamit sa banyo at may pambabae din na mga bago pa. Inisip ko tuloy na baka si Sir

Bernard ang nag-lagay ng mga ito dito. Ibinalot ko ng puting tuwalya ang aking katawan pati

na rin ang aking buhok. Mabuti na lamang at dinala ko ang luma kong plantsa dahil nagusot

ang damit ko dahil na rin sa pagpiga ko kagabi para lang matuyo tiyaka sinabit ko pa sa

tapat ng aircon kaya ayun kaunting pasada lang ng plantsa ay pwede na ulit suotin.

Kasalukoyan akong nagbi-bihis ng pantalon nang biglang may kumatok sa pinto na

ikinagulat ko kaya na out of balance ako at natumba.

“Ms. Briones, hindi ka ba ka-kain ng almusal?” Narinig kong tanong niya mula sa labas.

Nakangiwi akong tumayo.

Ano daw? Inaalok niya ako ng almusal? Bakit? Ibabawas niya kaya ito sa sweldo ko?

Nagbaon pa naman ako ng mga bisquit habang hindi ko pa alam kung paano yung budget

ko sa pagkain.

Inayos ko ulit ang pantalon ko at sumilip ako sa pinto.

“Ano po ‘yun, Sir?” Tanong ko sa kaniya dahil baka nagka-mali lang ako ng dinig.

“I said, kumain ka muna ng breakfast. Take your time dahil marami ka pang oras.” Wika

niya sabay talikod sa akin.

Nagtatakang sinundan ko siya ng tingin habang nakasilip pa rin sa pintuan. Libre na nga

ang pag-tira ko, pati pagkain libre pa rin? Hulog ka talaga ng langit, Sir! Namalayan ko na

lamang na nakangiti na pala ako. Paano ba naman hindi ako mapapa-ngiti kung may boss

akong yummy na. Este! Gwapo na, napaka-bait pa.

Nabura ang ngiti ko sa labi nang lumingon siya ulit sa akin.

Huli!

Mabilis kong sinara ang pinto at pigil hiningang sumandal sa likuran ng pinto.

Yan! Titig pa more Sam!

Napabuntong hininga ako na kumuha ng suklay, hindi ko muna isinuot ang blazer ko, nang

lumabas akong muli sa kuwarto. Dahan-dahan akong humakbang patungo sa kitchen dahil

nando’n daw ‘yung breakfast. Pero pag-dating ko sa mesa ay napaka-raming pagkain ang

bumungad sa’kin!

Halos masuka na nga ako kagabi at ma-impatcho dahil pinilit kong ubusin ‘yung pagkain

kagabi, tapos ngayon ito na naman? Baka lalo ng sumikip ‘tong damit ko at baka tumaba

ako kapag palagi na lamang niya akong papa-kainin ng ganito kadami! Gusto kong maiyak

sa aking naisip.

May itlog na napaka-ganda ang pagkakaluto, perpekto. Bilog na bilog pa ang dilaw nitong

egg yolk. May kasama ring bacon, sausage at wheat bread tapos may kasama din na

Nutella. May fried rice pa with matching kape!

Kasalukoyan akong nagsa-sandok ng pangalawang fried rice, nang lumabas si Sir Bernard.

“Ubusin mo ulit ‘yan.” Habilin niya sa akin.

“Ah, Sir! Ang dami po kasi nito kasama na ba ang lunch nito para isang kainan na lang?”

Nahihiya kong tanong sa kaniya na ikinangiti niya.

“Hindi naman, kaya lang huwag ka sanang magagalit. Para kasing kulang ka sa laman kaya

kailangan mo rin kumain ng tama, dahil baka hindi mo kayanin ang trabaho. Ayoko naman

magka-sakit ang mga empleyado ko.”

Parang gusto ‘kong maiyak sa sinabi niya. Ngayon lang kami nagkakilala tapos empleyado

niya lang ako, pero concern siya sa health ko. Naalala ko pa kapag hindi na kinakaya ng

katawan ko ang pagod sa pagbubuhat at pagtitinda ng tilapya, kahit may sakit ako kuma-

kayod pa rin ako at pinipilit na bumangon dahil sayang ang isang araw na kita ko kung wala

akong gagawin. Para lang may maipadala kila Inay sa probinsya. Pero never akong nag-

sabi sa kanila dahil ayokong mag-alala sila sa akin. Kaya kong tiisin ang lahat para sa

kanila. Dahil gusto kong suklian ang pagiging mabuti nilang magulang sa’kin at sa pag-

aalaga nila kay Calix na walang hinihinging kapalit.

Pinigilan ko ang pagba-badyang pagtulo ng aking luha. Kaya inabala ko na lamang ang

sarili sa pagkain dahil sayang ang biyaya kung hindi ko ito mauubos.

Napansin kong lumapit siya sa kitchen at nagpunta sa ref. Binuksan niya ito pero

nagpatuloy lang ako sa maganang pagkain.

“Oh! By the way, Ms. Briones. ‘Yan ang suot mo kahapon, di’ba?” Tanong niya na nagpa-

angat ng tingin ko. Samuol pa ang bibig ko ng pagkain kaya uminom muna ako ng tubig

bago siya sinagot.

“Y-Yes, Sir. Pero don’t worry po nilabhan ko naman po ito kagabi kaya malinis po ito at

hindi mabaho.”

“So, you mean wala ka ng ibang casual attire na masu-suot mo sa pag-pasok?” Tanong

niya habang binubuksan ang bottled water na kinuha niya. Naka-white long sleeve na polo

siya at nakatupi ang mangas nito sa siko bukas din ang isang butones sa itaas. Maayos din

ang pagkakasuklay ng kaniyang buhok. Napaka-linis niyang tingnan at wala man lang

akong makitang kapintasan.

“Wala po, Sir. Saka na po ako bibili kapag may budget na.” Nahihiya kong sagot.

Tumango siya sa’kin at tumalikod na rin pa-balik sa kanyang kwarto.

Pagkatapos kong pumirma ng kontrata na ipinadala sa akin ng HR ay umpisa na kaagad ng

aking trabaho. Tinutulongan ako ni Ms. Diane sa mga maari kong gawin dito sa opisina.

Lalo na sa pag-aasikaso ng mga kailangan ni Sir Bernard. Kabilang dito ang mga meetings,

mga pi-pirmahan na papeles at mga schedules niya for the whole day. Pina-alalahanan din

ako ni Ms. Diane na dapat daw advance ng one week ang schedule ni Sir Bernard dahil

paminsan-minsan ay nagbabago daw ito ng schedule, depende sa gusto ni Sir Bernard.

Sinabihan din niya ako na maging attentive sa lahat ng gagawin ni Sir, dahil may pagka-

ulyanin daw ito. Hindi ko alam kung biro ba ‘yun dahil nakangiti niyang sinasabi yun sa akin.

Puro ‘Yes, Ma’am.’ lang ang sagot ko sa kanya. Sa una siguro mahirap, pero kapag gamay

ko na ang ginagawa ni Sir ay madali na sa’kin gumawa ng trabaho, lahat naman ng bagay

mahirap sa umpisa kapag naka-sanayan ko na ay mas madali na saka ayoko namang ma-

disappoint si Sir Bernard, dahil siya mismo ang nag-pasok sa’kin sa kompaniya tapos

secretary pa niya ako. Kaya pagbubutihan ko talaga sa abot ng aking makakaya.

“Ms. Briones, paki-tawagan ang marketing team. Tapos ko na pirmahan ang mga papers.

Saka kunin mo ‘yung menu dito at tawagan mo rin ang restaurant for my lunch. Umorder ka

na din ng para sa’yo.” Utos ni Sir mula sa intercom na naka-connect sa aking table. Pinindot

ko ang green button upang sagotin siya.

Agad kong hinanap ang numbers ng marketing department at tinawagan sila. Sila na rin

ang kumuha ng papers dahil hindi naman ako pina-pababa ni Sir sa elevator. Nakakahiya

man dahil kailangan mag-adjust ni Sir, pero si-sikapin ko na maka-kaya kong sumakay ulit

ng elevator nang hindi natatakot at ina-atake ng phobia ko.

After kong ibaba ang telepono ay kumatok naman ako sa pintuan ni Sir Bernard para kunin

ang menu na sinasabi niya.

“Come in.” Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok, sinara ko din agad pagka-

pasok ko. Baka kasi maka-abala ako sa ginagawa niya.

“Kukunin ko na po ‘yung papeles na pinirmahan niyo, saka po yung menu.” Tumango siya

sa’kin at inabot ang mga binanggit ko mula sa ibabaw ng table niya. Kinuha ko naman ito at

nagpaalam din agad na la-labas na.

“Mabuti naman sinagot mo ang tawag ko Binibini? Pupunta ako sa inyo diyan mamaya.”

Malambing na sabi niya, habang hawak ang kaniyang cellphone at naka-tapat sa kaniyang

tenga. Narinig ko pa ang hagikhik niya bago ako humakbang pa-labas ng office niya.

Binibini daw? Girlfriend niya kaya ‘yun? Mahaba ang nguso na bumalik ako sa table ko.

Umupo ako at tiningnan ang maliit na papel sa ibabaw ng menu.

Tempura, sashimi, salad and Japanese cheesecake? Wow! Mukhang masasarap ang mga

‘yun ah! Gano’n na lang din kaya ang orderin ko? Binuklat ko ang menu at nalaglag ang

panga ko nang makita ko ang mga presyo.

Kaya pala mukhang masarap dahil bongga din ang mga presyo no’n. Ano kayang

pampalasa ang inilalagay nila at gano’n ka-mahal ang servings nila? Pang-isang buwan ko

na ‘yung kita sa pagti-tinda ng isda eh! Kinakabahan na pinindot ko ang intercom.

“Ah, Sir. Wala po bang canteen dito? Kasi di po ako sanay kumain ng mga ganitong

pagkain eh.” Pagda-dahilan ko pero ang totoo hindi kaya ng budget ko dahil dalawang libo

na lamang ang natira sa pera ko. Ipinadala ko kasi kay Inay kahapon yung puhunan ‘kong

tatlong libo sa pambili sana ng tilapya.

“It’s okay, Ms. Briones. Um-order ka ng gusto mo, ako na ang magba-bayad.” Narinig kong

sagot niya sa’kin.

“Pero, Sir?” nag-aalinlangan pa ako nang sinabi niyang um-order ako.

“Wait lang, Binibini.” Dinig ko pa siyang nagpa-paalam sa kausap.

“I’m busy, okay? Huwag ka ng makulit.” Dagdag pa niya bago ako pinatayan ng linya mula

sa intercom. I sigh. Namo-roblema ako kung ano ang ka-kainin ko, nakaka-hiya na kay Sir

Bernard kung palagi na lamang siyang ga-gastos para sa akin.

Kasalukoyan akong namimili ng menu nang makarinig ako ng yabag ng sapatos. Nang

mag-angat ako ng tingin ay mukha ng maganda at sexy na babae ang bumungad sa’kin.

Nakasuot ito ng kulay itim na damit which is hapit na hapit sa kaniyang katawan. Medyo

labas din ang pinagpala nitong dibdib at may hawak na maliit na purse.

“Excuse me? Nasa loob ba si Mr. Villegas?” Maarte na tanong niya sa’kin, habang hina-

hawi ang kaniyang kulay blonde at kulot na buhok papunta sa likuran ng kaniyang kanang

tenga na may diamond na hikaw.

“Wait? Bago ka lang ba dito? Kasi ngayon lang kita nakita.” Tanong niya ulit sa’kin. Sobrang

pula pa ng kaniyang lipstick, kaya kitang-kita ang maputi at pantay niyang ngipin kapag

nagsa-salita. Mala-lantik ang kaniyang pilik mata. Amoy ma-mahalin din ang kaniyang

pabango. Para siyang artista na a-attend sa grand ball or oscar awards sa kaniyang pamu-

mustura.

“Yes, Ma’am. Bago lang po ako dito at nasa loob po si Sir tatawagin ko na lang po, ano

pong pangalan niyo?” Magalang na tanong ko sa kaniya.

“I’m Trixie. By the way huwag mo na siyang tawagan. I’m his girlfriend. I planned to surprise

him. Dahil ka-karating ko lang galing New York.” Pigil niya sa’kin, nang pipindutin ko na

sana ang intercom. Girlfriend din siya ni Sir Bernard? Wow! Totoo pala talaga ang tsismis.

Akmang magsa-salita pa sana ako, nang tinalikuran na niya ako at nag-tungo sa pinto ni Sir

Bernard at kaagad na kumatok kaya hindi ko na siya napigilan.

“Hi! Honey, surprised!” Narinig kong sabi niya nang ma-buksan niya ang pinto at kaagad na

pumasok sa loob. Napa-upo akong muli sa upoan. Siguro naman hindi magagalit si Sir dahil

pinapasok ko siya, kahit hindi niya alam?

Grabe, sa unang araw dalawang babae agad ang nalaman kong girlfriend niya. Ilan pa kaya

ang makikilala ko ngayong araw? Hindi na rin ako magta-taka bukod sa mabait si Sir

Bernard ay guwapo at mayaman din ito. Kaya lang, sana naman hindi niya pinagsa-sabay

ang mga syota niya kasi masakit ‘yun sa part ng iba.

Wait? Bakit ba ako naapektuhan?

Kinaltukan ko ang sarili at muling bumalik sa aking ginagawa. Nag-order na lamang ako ng

rice at chicken teriyaki tiyaka bottled water pagkatapos ay tumawag na rin ako sa

restaurant.

Dumating na din ang tinawagan ko para kunin ang mga papeles. Habang nagti-tipa ng mga

schedule ni Sir ay wala sa sarili akong napapa-sulyap ako sa pinto. Ano na kaya ang

ginagawa nila doon? Hindi naman siguro sila gumagawa ng milagro, di’ba? Kagaya ng mga

nakikita at nababasa ko sa mga pocketbooks at napapanuod ko sa mga pelikula.

Bigla akong kinilabutan nang may marinig akong ungol. Nagpalinga-linga ako sa paligid

dahil baka may multo akong makita. Bukod kasi sa office ni Sir, ay wala ng ibang nandito

kundi ang meeting room.

Huwag naman sana akong multohin dito! Takot pa naman talaga ako sa multo! Nagulat ako

ng husto at kamuntikan ng malaglag sa aking kina-uupoan nang lumakas pa ang ungol na

narinig ko.

“Ah! Faster babe!” Napatayo ako at napa-angat ng tingin sa pinto dahil sa sunod kong

narinig. Hindi na ‘yun ungol ng multo, kundi ungol na ng nasa-sarapang babae!

Jusmeyo! Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi sabay takip ng aking mag-kabilang

tenga.

Sir naman, hindi man lang umakyat sa penthouse at doon mag jack en’ poy. Like, dito

talaga?

Parang imbis na sila ang mahiya ako na tuloy ang nahihiya. Paano na lamang kung may

duma—

“Oh! I’m Cumming babe!” Diniinan ko pa ang pagkaka-takip ng aking tenga dahil sa naririnig

ko pa din ang sigaw ng babae sa loob ng office ni Sir Bernard. Maya-maya pa ay tinanggal

ko na din dahil tumahimik na ulit.

Napabuntong-hininga na lamang ako at nanlulu-paypay na sumandal sa sandalan ng aking

upuan.

Kaya mo ‘yan, Sam! Dapat masanay ka na simula ngayon. Kailangan kong bumili ng

headset para sa susunod wala na akong marinig kapag may gagawin si Sir na kalokohan

sa kanyang opisina. Ako na lamang ang mag a-adjust, mahirap na! Pero na-offend ako sa

nangyari. Syempre matagal ko na siyang crush, tapos ganito pala ang ginagawa niya sa

tunay na buhay.

Bumalik ako sa aking trabaho at wala pa rin akong utos na nata-tanggap mula sa kaniya.

Maya-maya pa ay dumating na rin ang food delivery namin.

Pinindot ko ang intercom para ipaalam ‘yun kay Sir.

“Okay, ipasok mo na dito.” Wika niya na ikinabilis ng tibok ng puso ko. Para kasing hindi

ako handa na pumasok sa loob matapos ng narinig ko kanina.

“Y-Yes, Sir.” Mahinang sagot ko bago ko patayin ang intercom. Kinuha ko ang pagkain niya

at kumatok na sa pinto bago pumasok.

“Ito na po— ‘yung food.”

Halos hindi ko na maituloy ‘yung sa-sabihin ko nang makita kong siya pa mismo ang nag-

zipper ng damit ni Ma’am Trixie sa likuran nito habang nakaupo sa kanyang lamesa at

kitang-kita ko din ang mga kiss mark sa leeg at ang namumula niyang labi!

“Ilagay mo na lang diyan sa maliit na table at mag lunch ka na rin.” Wika pa niya sa akin.

Kaagad naman akong sumunod at ipinatong ang dala ko sa maliit na table na pina-

gigitnaan ng malambot na sofa. Tiyaka mabilis na tinungo ang pinto. Saka pa lamang ako

nakahinga ng maluwag nang makalabas na ako. Tulala akong pumunta sa upuan ko.

Kalma lang, Sam… Kumalma ka… Boss mo ‘yan.

Ngayong unti-unti ko na siyang naki-kilala. Unti-unti na rin sigurong mawa-wala ang

nararamdaman kong paghanga sa kanya. Sana.

Kaugnay na kabanata

  • One Last Mistake    Chapter 4

    SAMPagkatapos kong mag-lunch ay itinuon ko na lamang ang aking sarili sa trabaho. Kaysanaman ma-loka ako sa kaka-isip ng ginagawa nila sa mga oras na ito. Wala na akong paki-alam sa kanila, basta ang mahalaga matapos ko ang trabaho ko ngayong maghapon.Makalipas ang dalawang oras ay nangalay na ako sa kaka-yuko at kaka-tipa ng keyboardpara ma-encode lahat ng schedule ni Sir Bernard na ipinagawa sa akin ni Ms. Diane.Napa-angat ako ng tingin nang bumukas ang pintuan na nasa aking harapan. Nakangitinglumabas si Ma’am Trixie at nakita ko pa siyang nag flying kiss bago isinara ang pinto.Pagkatapos ay lumapit siya sa table ko at ngumiti.“By the way, Miss?”“Samatha Briones, po.” Wika ko sa kanya.“Okay, Miss Briones. I have something for you.”Nagtataka ko siyang tiningnan dahil may dinukot siya sa kaniyang bag at may kinuha naperang papel saka iniligay sa ibabaw ng aking desk.“Ano po ito, Ma’am?” Kunot noo na tanong ko sa kanya.“Tip ko ‘yan sa’yo. Alam ko naman na narinig mo ‘yu

    Huling Na-update : 2024-03-04
  • One Last Mistake    Chapter 5

    SAMMag limang minuto ko ng pinag-mamasdan ang aking itsura sa malaking salamin. Nagda-dalawang isip akong lumabas dahil sa suot kong casual dress. Hindi kasi siya mukhangpang-office attire. Denim yellow ang tela niya at see through naman ang puff sleeves nahanggang siko ang haba. May belt siyang kulay white may butones pa sa gitna hanggangsa ibaba. Hanggang gitnang hita ko ang haba nito. Hindi ko pa na-try na magsuot ng ganitoka ma-mahaling damit, kaya parang hindi ako komportable. Kahit ang close shoes na kulayputi ay mataas din ang takong na sa tingin ko ay three inches ang haba.Ako ba talaga ito?Hindi ko inaakala na may iga-ganda pa pala ako. Hindi ko maiwasan ang ngumiti dahilbagay na bagay sa’kin ang kulay nito at hindi siya masakit sa mata. Kaya lang, do I reallydeserve this? I mean, isa lang naman akong sekretarya ni Sir Bernard. Tama ba natanggapin ko ang lahat ng ito?Masyado na akong nag-overthink, pero sana naman hindi na niya ako bigyan ulit ng mgabagay na gay

    Huling Na-update : 2024-03-04
  • One Last Mistake    Chapter 6

    SAMNavy blue naman ang suot kong damit ngayon. May tela na belt siya sa beywang at sleeveless ang mangas. May butones pa din ito at hangang kalahati ng aking hita ang haba. Nahihiya man ay nagawa kong makababa sa penthouse. Pagdating ko sa baba ay kaka-labas lang ng babaeng may dalang panlinis mula sa opisina niya. Wala na rin siguro si Ma’am Trixie dahil sabi ni Sir kanina ay pina-alis na niya ito. Inayos ko na lamang ang mga a-ayusin sa lunch meeting. Wala na naman akong iba pang gagawin dahil pina-cancel ni Sir ang iba niyang appointments for today. May pupuntahan nga daw siya mamaya, kaya half day lang din ang magiging trabaho ko.Bago mag-lunch ay lumabas na si Sir sa office niya at nagtama ang mata naming dalawa.“Are you ready?” Tanong niya sa’kin na ikinatango ko.“Yes, Sir.” Tipid na sagot ko sa kanya pagkatapos ay kinuha ko na ang maliit kong bag at pati na rin ang folder na gagamitin niya mamaya. May dala din siyang laptop at nauna ng maglakad sa’kin agad naman akong sumun

    Huling Na-update : 2024-03-07
  • One Last Mistake    Chapter 7

    SAMNanlaki ang mga mata ko nang sa isang iglap lang ay naramdaman ko ang malalim niyang halik sa akin, lalo na nang magsimulang gumalaw ang kaniyang labi.Mabilis ko siyang itinulak, pigil ko pa ang aking paghinga. Samantalang siya ay makikinitaan ng kagulohan sa kanyang mukha. Nabigla rin ako sa nangyari, ramdam ko rin na may talab na ‘yung beer na ininom ko kaya bago pa mauwi sa hindi magandang pangyayari ay pinigilan ko na siya.“P-Pasensya na, Sir! Tutulog na po pala ako! S-Sige po maiwan ko na kayo!” Hindi ko na siya inantay na makasagot pa. Dinampot ko na lamang ang basura ko at mabilis kong nilagay sa basurahan saka ako nagma-madaling pumasok sa loob ng bahay patungo sa aking kwarto.Pagpasok ko ay saka pa lamang ako nakahinga ng maluwag. Nagtungo ako sa kama at naupo. Muntikan na! Muntikan na akong mawala sa aking sarili! Ano na lamang ang gagawin ko kung sakaling gumanti ako sa kanya?Pero bakit naman niya ako hinalikan? Nabigla rin ba siya? Siya na rin ang naglagay ng rules

    Huling Na-update : 2024-03-08
  • One Last Mistake    Chapter 8

    SAMNang sumapit na ang oras for lunch ay lumabas na si Sir sa office niya. Tapos na rin ako sa ginagawa ko, kaya hinintay ko na lang talaga ang pag-alis niya upang makakain na rin ako. Nag-iisip pa ako kung magpapa-deliver nalang ba ako mula sa canteen o magluluto na lang ako ng simpleng ulam sa itaas. Paglabas niya ay sinarado niya ang pinto ng office niya tiyaka lumapit sa akin.“Let’s go.” Puno ng pagtataka ko siyang inangatan ng tingin. “Saan po?”“Samahan mo akong mag-lunch.” Tila ba napakasaya niyang ibinalita sa’kin ang bagay na ‘yun habang nakangiti. Akala ko ba may iba siyang kasama? Ang alam ko good for two lang ang pina-reserve ko. Ibig sabihin, kaming dalawa lang ang mag lu-lunch sa restaurant?“Please hurry up. I’m hungry.” Wala na akong magawa kundi ang tumayo sa upuan ko. At sumunod sa kanya.Pagdating namin sa elevator ay hinawakan niya agad ang kamay ko. Pinindot niya ang basement at nagsimula ng bumaba ang elevator. Nakakapagtaka lang, no’ng unang beses kong sumakay

    Huling Na-update : 2024-03-08
  • One Last Mistake    Chapter 9

    Third Person’s POV“Anak natin? Kailan mo pa naging anak ang anak ko, Troy? At kailan ka ba naging Ama sa kaniya? Nakalimutan mo na ba kung paano mo kami tinalikuran noon? Huh?!” Sumbat ni Sam sa kay Troy. Ang lalaking may sanhi ng kanyang paghihirap. Hindi niya inakala na makapal pa rin talaga ang mukha nito at pumunta ito sa kung nasaan siya upang sabihin lang 'yun. Wala din siyang ideya kung saan nito nalaman kung saan siya nakatira ngayon.“I’m sorry, mga bata pa kasi tayo noon at nag-aaral. Hindi ko kayang panagutan ka dahil may mabigat din akong responsibilidad sa pamilya ko. Tiyaka, hinanap kita noong naka-graduate na ako ng college, ngunit hindi na kita nakita ulit.” Kapal din ng budhi nito para rumason.“Sinungaling! Mas mabuti pa na umalis ka, Troy! Hindi ako papayag na bumalik ka sa buhay ko. Mas lalong hindi ako papayag na kilalanin ka na ama ng anak ko. Kaya umalis ka na!” Sigaw ni Sam sa kanya, kasabay ng pagtulak dito. Her eyes began to water.“I’m really sorry, Sam. I

    Huling Na-update : 2024-03-08
  • One Last Mistake    Chapter 10

    Third Person’s POVIgting ang panga ni Bernard habang nakatingin sa walang malay na si Trixie habang nasa ospital, nagkaroon din ng walong tahi ang noo nito dahil sa pagtama sa kanto ng lamesa. Sa totoo lang ay nag-alala siya ng husto dahil baka nga totoong ginawa ‘yun ni Sam.Subalit kilala niya si Trixie, hindi ito tumitigil hangga’t hindi nakukuha ang gusto. Inaanak ito ng kanyang Ama kaya nahihirapan siyang itaboy ito ng tuloyan. Kung hindi pa niya nakita ang CCTV sa phone niya ay hindi pa niya malalaman ang tunay na nangyari. Ang ginawang paghila nito kay Sam at ang pagsubsob niya sa sarili. Mabuti na lamang at tama ang ginawa niyang i-connect sa phone niya ang lahat ng CCTV. Simula kasi nang pagbantaan siya ni Trixie noong araw na pinalayas niya ito sa office matapos ng ginawa nito kay Sam at simula noong nagpunta doon si Troy ay naging mas maingat na siya. Pinagsabihan na rin niya ang security na wag papasukin si Troy.Inaantay na lamang niyang gumising si Trixie para makauwi n

    Huling Na-update : 2024-03-08
  • One Last Mistake    Chapter 11

    Third Person’s POVPagkatapos na maayos ni Sam ang mga bulaklak sa ibabaw ng side table niya ay lumabas na rin siya sa kwarto. Sabay pa silang nagbukas ni Bernard ng pinto at aksidenteng nagtama agad ang mata nilang dalawa.Sa totoo lang ay kinakabahan si Sam sa kung ano man ang pag-uusapan nilang dalawa ngayong gabi. Nilakasan na lamang niya ang loob niyang humarap dito dahil nagugutom na talaga siya.“Let’s eat.” Nakangiting sabi nito sa kaniya. Parang may kakaiba sa mga tingin nito. Nagmadali niyang iniwas ang paningin niya dito at sinara ang pinto. Ipinaghila pa siya ng upuan nito nang makarating sila sa dining area.“Thank you po.” Nahihiyang usal ni Sam kay Bernard.“Wow! Mukhang masarap itong niluto mo, ah?” Tanong sa kanya nito nang buksan ang ceramic na lagayan ng ulam. Kitang-kita ang pagkagalak sa mukha nito.Tipid na ngumiti si Sam, nang bigla siyang may maalala na nais niyang itanong dito. Kasi kanina pa gumugulo sa isip niya yun.“Ah, Sir? Paano niyo po nakuha ang video?

    Huling Na-update : 2024-03-10

Pinakabagong kabanata

  • One Last Mistake    Chapter 24

    SAMOne Month later…Tuloyan na ngang nakulong si Trixie dahil sa kasalanan na kanyang ginawa. Dahil na rin sa testimony namin nila Inay at Itay kaya mas lalo siyang nadiin sa piitan. Sinigurado ni Bernard na hindi na ito makakalabas pa upang manggulo. Naunawaan naman ito ng kanyang mga magulang. Kami naman ay lumipat na sa bahay nila dahil ‘yun ang hiling ng kaniyang Mommy at Daddy.Nang ipakilala kami ni Bernard ay noong una hindi pa sila makapaniwala. Pero nang ipakita niya ang DNA ni Calix ay tinanggap naman nila kami ng buong puso. Sabi ni Bernard, sabik daw ang mga ito sa apo kaya gano’n na lang kung e-spoil nila si Calix. Hinayaan ko na rin dahil anim na taon na hindi nakuha ni Calix ang pagmamahal sa kanya ni Bernard pati na rin ng kaniyang mga Lolo at Lola.Masaya ako dahil buo na kaming pamilya. Nakausap ko na rin si Troy at humingi na rin siya ng tawad sa akin. Alam kong mali ang nagawa niya sa akin, pero wala na rin naman akong magagawa. Tapos na at nangyari na ang mga nan

  • One Last Mistake    Chapter 23

    SAMAfter two hours ng pagkain namin ay mahimbing na ring natutulog si Calix. Nakatitig lang ako sa kanya dahil hindi pa rin ako makapaniwala na nakaligtas kami sa bingit ng kam@t@yan. Hindi ko akalain na may tao na kayang gumawa ng masama para makuha lang ang isang bagay na hinahangad nila. Hindi ako makapaniwala na may babaeng kayang gawan ng masama ang kapwa nila babae para makuha ang gusto nila sa ganong paraan.Napakadami ng mga nangyari sa araw na ito. Sa isang araw ma re-realize mo na maiksi lang talaga ang buhay ng tao. Pwede kang mamatay kahit na anong oras. Hindi mo alam kung saan at kailan.Nakakatakot ang pinagdaanan namin sa kamay ni Trixie. Pakiramdam ko naiiwan pa rin ang kilabot sa katawan ko. Naalala ko pa din ang ginawa ng lalaking ‘yun kanina. Kapag pumipikit ako nakikita ko pa rin ang nakakatakot niyang mukha.Kung hindi sila dumating baka nagtagumpay na sila sa gusto nilang gawin. Nakita ko din sa mukha ni Bernard ang galit lalo na nang magmakaawa si Trixie sa kan

  • One Last Mistake    Chapter 22

    SAM“Please, huwag!” Impit na sig@w ko nang halikan niya ako sa le*eg. Nakahawak ang isa niyang kamay sa aking dibdib na wala ng takip dahil tinangal na rin niya ito. Para siyang asong ulol na sinisinghot ako at gustong lapain.“Hoy, Boss! Tirhan mo naman kami!” Sabay-sabay silang nagtawanan na lalong ikinalumo ko. Gustohin ko man na iwasan siya. Gustohin ko man makatakas. Alam kong wala pa rin akong laban sa kanya, lalo pa’t hawak ko pa rin ang tali ni Calix.“Mas maganda siguro kung pati ang p@nty mo tatanggalin ko na din di’ba?” Nakangisi niyang sabi. Hindi ko na alam kung paano ako magmamakaawa sa kanya dahil animo’y bingi pa rin ito sa lahat ng pagmamakaawa ko sa kaniya.“Huwag ka ng umiiyak. Mag-eenjoy ka rin naman at huwag kang mag-alala malay mo maawa kami sa’yo, imbis na p@tayin gagawin ka na lamang naming s*x sl@ve para naman may laruan kami.”“Hayu*p ka! P@t*yin mo na lamang kami. Bakit kailangan niyo pang gawin ‘to sa akin. Hindi ba kayo natatakot gumawa ng masama? Pati an

  • One Last Mistake    Chapter 21

    Third person’s POV“Tingnan mo nga naman, pagkatapos akong bulabugin ng hating gabi. Inubos pa ang mga bagong dating at mamahalin kong mga alak.” Bulong ni Xandro habang pinagmamasdan niya ang tulungis pa ring si Bernard.Dumating kasi ito kagabi at lasing na lasing. Akala niya ay galing ito sa underground black belting fight dahil sa namamaga ang ilong at putok pa ang nguso nito. Hindi pa nakuntento ay inubos pa nito ang mga stock niyang alak. Aalis na sana siya para iwanan sa sala ang kaniyang kaibigan nang makita niyang umiilaw ang phone nito sa ibabaw ng mesa. Kaya walang pagdadalawang isip na sinagot niya ang tawag mula sa unknown number.“Hello?”“B-boss! Ni-lusob kami! A-ako na lang ang na-tira. May tama ang Itay ni Ma’am at dinala nila si Ma’am Samantha pati ang anak niyo!” Tila nahihirapang sabi nito sa kabilang linya.“What?!” Bulalas ni Xandro na napamulat ng mata ni Bernard.“Ano ba? Ang aga-aga ang ingay mo.” Reklamo nito sa kanya. Tinadyakan niya ito sa binti. Kaya napan

  • One Last Mistake    Chapter 20

    SAMPabalik na kami sa isla. Magaling na rin si Calix. Nag-usap muna kami ni Bernard na hahanap ng magandang tiempo para sabihin kila Inay at Itay ang totoo. Galit ang naramdaman nila kay Troy noon at sabi niya pa sa akin ni Itay baka mahabol niya lang daw ito ng itak kapag nakita niya si Troy. Alam kong galit parin sila dito.Mabuti na lamang at nakumbinsi ko si Bernard na ako na ang magsasabi sa kanila. Sa halos dalawang araw namin na pananatili sa hospital naging malapit ang mag-ama. Wala pa ding idea si Calix na Ama niya si Bernard. Gusto ko kasi kapag sinabi ko na kina Itay at Inay saka ko sasabihin sa kanya ang lahat. Hindi man niya maintindihan mukhang madali na yun dahil ngayon palang kitang-kita ko na ang pagiging malapit nilang dalawa.“Tito Bernard, sasakay ba ulit tayo ng helicopter?” Tanong ni Calix sa kanya. Hawak na niya ito sa kamay.“Yes, young man. Why? Natatakot ka din ba sa helicopter?” Nakangiting tanong ni Bernard sa kanya.“Hindi po, brave ako like Mama.” Masaya

  • One Last Mistake    Chapter 19

    SAMKakakita pa lamang nila kay Bernard ay magaan na agad ang loob nila dito. Palibhasa kasi magaling talagang magbait-baitan ang lalaking ‘yun. Kaya ayun nagawa pang maglaga ni Inay ng kamote para daw may pang-meryenda ang mga nagbilad ng isda.Si Itay naman ay nagdurog ng tablea at nagpakulo ng mainit na tubig para may mainom sila mamaya. Pwede namang tubig na lang, bakit kailangan pa ng panulak na tsokolate? Isa pa mayaman naman ang lalaking ‘yun kaya paniguradong kayang-kaya niyang bumili ng makakain nila.“Anak! Ibigay mo na itong isang bandehadong kamote. Isusunod ko na lamang ang inumin. Kasya na kaya ito sa kanila? Sa bilang ko ay bente uno sila lahat kasama ang gwapong binata.” Tawag ni Inay sa akin. Kasalukuyan kasi akong nagtitiklop ng damit. Nasa tabi ko lamang si Calix at naglalaro ng robot na pasalubong ko sa kanya.Hindi na lamang ako umimik at sinunod na lamang siya dahil pagod na rin ang utak kong mag-isip kung paano ko siya palalayasin dito sa isla.Paglabas ko haban

  • One Last Mistake    Chapter 18

    SAMNang makababa na ako sa speed boat ay nakahinga na ako ng maluwag. Pilit ko man na hindi paniwalaan ang lahat ng sinabi niya ay may parte pa rin sa akin na gustong maniwala sa kaniya. Na sana totoo ang lahat ng sinabi niya...Hinayaan niya akong makaalis kaya inisip ko na baka hindi na niya ako gugulohin pa. Saka pa lamang ako nag-angat ng tingin kung nasaan ang yate. Nag u-umpisa na rin itong lumayo sa pampang. Kasunod ng ilang bangka na de-motor lulan ang mga nakaitim na lalaki.Nagsinungaling ako nang sabihin kong hindi ko siya mahal sapagkat wala na ring saysay 'yun dahil alam kong hindi na siya babalik pa para pag-aksayahan kami ng oras.Bagsak ang balikat na pinulot ko ang naiwan kong balde. Basa pa rin ang damit ko nang dahil sa shower kanina. Hindi ko maiiwasan na hindi makaramdam ng pagkapahiya kanina nang sabihin niyang nangangamoy malansa ako ay imbis na sa kama siya hihilain ay sa banyo ko siya dinala. Hindi ko rin maitatanggi ang paghaharumintado ng puso ko sa mga ora

  • One Last Mistake    Chapter 17

    SAMBigo man ako sa naging pangarap ko, alam ko may oportunidad pa rin na darating para sa akin. Kung hindi dahil sa tulong ni Troy hindi ako makakauwi dito. Ginamit ko ang natitira kong pera at sa tulong na rin niya sa’kin para makalipat kami ng lugar nang sa gano’n ay hindi na niya kami makita pa. Inalok pa niya akong tumira sa condominuim at isama ko ang aking pamilya pati narin magandang trabaho pero hindi ako pumayag. Hindi kasi gano’n kadali ang tanggapin ang lahat.Ang masakit pa roon ay pinaniwalaan kong siya ang Ama ng anak ko. Ipinagdiinan ko ang sarili ko sa kaniya, at matagal kong tinanim ang galit sa puso ko sa pag-aakalang siya ang Ama ni Calix.Ang nanamantala sa akin, 'yun pala ang walanghiya niyang pinsan na boyfriend ng kaibigan ni Troy at may-ari din mismo ng bahay na pinuntahan namin.Hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabi niya sa’kin.“Sorry kung hindi ko sinabi sa’yo ang lahat. Nang makarating siya sa party ay nakita niya kami ni Laureen na naghahalikan sa loo

  • One Last Mistake    Chapter 16

    BERNARD“Fvck you, Troy!”Kaagad akong nagtungo sa bahay niya nang makita ko ang CCTV na pina-rewind ko pa sa simula kahapon sa operator nito nang umalis si Sam. Doon ko natuklasan ang ginawang pagtakas ni Sam sa building habang suot ang utility outfit para makalabas, nilagay pa nito ang kaniyang mga gamit sa itim na garbage bag pagkatapos ay dumaan sa likuran ng building.Sa isang kuha naman ng CCTV sa likurang bahagi ay kitang-kita ko ang pag-sundo ng kotse nito sa kaniya. Kaya kaagad akong napasugod sa bahay niya.Hindi ako makapag-isip ng maayos. Hindi ko alam kung saan ako unang pupunta para makita siya. Pero sa ngayon ay isa lang ang tumatakbo sa isip ko. Maaring may kinalaman na naman si Troy dito.Ngayon na alam na ni Sam ang lahat, sigurado akong matindi na ang galit niya sa akin. Iiwan ko ba naman siya sa gano’ng situwasyon para habulin si Laureen ay nasisiguro kong kinamumuhian na niya ako ng tuluyan. Hindi ko siya masisisi, dahil nagsinungaling ako sa kaniya at hindi ko si

DMCA.com Protection Status