Share

Chapter 6

Author: PROSERFINA
last update Last Updated: 2024-03-07 20:18:42

SAM

Navy blue naman ang suot kong damit ngayon. May tela na belt siya sa beywang at sleeveless ang mangas. May butones pa din ito at hangang kalahati ng aking hita ang haba. Nahihiya man ay nagawa kong makababa sa penthouse. Pagdating ko sa baba ay kaka-labas lang ng babaeng may dalang panlinis mula sa opisina niya. Wala na rin siguro si Ma’am Trixie dahil sabi ni Sir kanina ay pina-alis na niya ito. Inayos ko na lamang ang mga a-ayusin sa lunch meeting. Wala na naman akong iba pang gagawin dahil pina-cancel ni Sir ang iba niyang appointments for today. May pupuntahan nga daw siya mamaya, kaya half day lang din ang magiging trabaho ko.

Bago mag-lunch ay lumabas na si Sir sa office niya at nagtama ang mata naming dalawa.

“Are you ready?” Tanong niya sa’kin na ikinatango ko.

“Yes, Sir.” Tipid na sagot ko sa kanya pagkatapos ay kinuha ko na ang maliit kong bag at pati na rin ang folder na gagamitin niya mamaya. May dala din siyang laptop at nauna ng maglakad sa’kin agad naman akong sumunod sa kanya.

Nang makapasok na kami sa elevator ay diretso agad ako sa sulok. Hinanda ko na rin ang aking sarili sa pag-baba ng elevator.

Narinig kong nag-sara ang elevator at kalaunan ay gumalaw na rin ito kaya mariin na napapikit ako. Kina-kalma ko ang aking sarili. Pero ilang sandali lang ay naramdaman ko na lamang na may humawak sa kamay ko. Pagdilat ko ay mukha ni Sir Bernard ang bumungad sa akin. Nakangiti niya akong tinignan.

“It’s okay, masasanay ka din.” Sa distansya na meron kami, nasamyo ko ang mabango niyang hininga. At napatda ako sa nangungusap niyang mga mata. Ngayon ko lamang siya nakita ng malapitan, as in ganito kalapit. Siguro, mga isa o dalawang dangkal na lamang ang layo ng mukha naming dalawa. Hindi ko na namalayan na nasa loob nga pala kami ng masikip na elevator dahil nasa magandang mga mata niya lamang ako nakatingin. Maging siya ay gano’n din sa’kin. He was looking at me, intently. It’s as if he was observing my face. Bumaba ang tingin niya sa aking labi.

Unti-unting nabuhay ang himaymay sa aking laman. Pakiramdam ko ay unti-unti din na bumibilis ang tibok ng aking puso. Alam kong ganito na ang nararamdaman ko sa kanya bago ko pa man siya makilala, pero habang tumatagal ay humuhupa ito. Ngayon na lamang ulit ito tumibok ng ganito, parang hinihigop ako ng kanyang mga mata.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na unti-unting pini-pikit ang mga mata dahil sa unti-unti niya ring paglapit ng kanyang mukha sa’kin.

Hanggang sa narinig ko nalang ang biglang pagtunog ng elevator, kasabay no’n ay ang pagbukas ng pintuan.

“Shit!” Narinig kong pag mura niya bago siya mabilis na umalis sa harapan ko. Awang pa din ang labi ko nang lumabas siya. Hindi ako makapaniwalang sa titig niya lang magagawa niya akong madala sa ibang dimension.

Muntik na niya akong halikan!

Mabuti na lamang at bumukas ang pinto, kung hindi baka naituloy na niya ang ginawa niya. Baka sa huli rin ay magsisi ako.

“Let’s go.” Nagising ako sa pag-tawag niya sa’kin. Humugot ako ng isang malalim na hininga dahil parang kinapos na ako ng hangin sa loob.

Pagdaan namin sa lobby ay binati siya ng mga empleyado, nginitian lamang niya ang mga ito bilang ganti. Pero pagdating sa’kin ay ka-kaiba ang kanilang mga tingin kapagkuwa’y pinagbubulong-bulongan rin ako. Hindi ko na inabala ang aking sarili tungkol do’n at tahimik na sumunod kay Sir Bernard.

Pagka-labas namin sa salamin na pinto ay may nag-aantay na sa amin na kulay itim na kotse na sa unang tingin pa lamang ay halatang mamahalin. Hindi na ako magta-taka, sa yaman ba naman ng mga Villegas ay sigurado akong hindi lang ito ang pagmamay-ari nila.

Magka-iba ang aming situwasyon sa buhay, kaya hindi ako maaring magkakagusto sa kanya ng tuloyan. Hindi kasi ako naniniwala na pwedeng makibagay ang mahirap sa mayamang lalaki. Lalo pa’t may anak na ako sa pagka-dalaga. Hindi naman sa ikinakahiya ko ang aking naging nakaraan dahil biniyayaan naman ako ng anak. Ang akin lang siguro, kailangan ko ng mag-ingat sa susunod dahil hindi lang ito tungkol sa akin. Hindi ko na pag-aari ang buong buhay ko dahil may anak akong dapat isaalang-alang at dapat kong isipin ang magiging epekto ng bawat desisyon ko para sa kaniya.

Sinalubong kami ng kanyang driver na naka-kulay puting polo at pinag-buksan niya si Sir Bernard ng pinto. Pero imbis na mauna siyang sumakay ay inantay pa niya ako at nagsenyas siyang mauna ako.

Nakakahiya man ay sumunod na lamang ako sa kanya. Pagkatapos ay naramdaman ko pa ang kamay niya sa ulo ko habang papasok ako sa kotse. Tila ba ini-iwasan niyang mauntog ako kung sakali.

Nang makapasok na ako ay sumunod na rin siya at isinarado na ng driver ang pintuan ng kotse. Inayos ko ang aking pagkakaupo, tuwid at diretso lang ang tingin ko sa tinahak naming daan. Naging awkward para sa akin ang nangyari sa’min kanina kaya hindi ko magawang lingunin siya.

Tahimik lang din siya, pero ramdam ko ang mga pag-sulyap niya sa gawi ko. I gulped hard as I was trying my best not to bother.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay pumasok na ang kotse sa isang malaking Filipino restaurant at tumuloy ito sa parking lot. Nauna siyang bumaba dahil hindi ko ma-buksan ang pinto sa gilid ko, kaya doon na rin ako bumaba sa gawi niya tapos ay bahagya pa akong nagulat nang ilahad niya ang kanyang kamay sa’kin. I don’t know what’s going on with me, but my face heated at the simple anticipation coming from him.

Of all a sudden, I noticed that my boss was acting weird, simula pa kanina. At hindi ko mapigilan na mailang sa ginagawa niya. Para kasing hindi na normal sa isang boss at secretary na ganito ang trato niya sa’kin. Sapagkat, wala naman akong lakas ng loob na komprontahin siya kaya hinayaan ko muna. Baka kasi gusto lang niya ipakita ang pagiging gentleman niya sa mga babae? At ako lang talaga ang nagbibigay ng maling impresyon sa ginagawa niya.

Pag-pasok namin ay sinalubong kami ni Mr. Morales na may kasama pang lalaki na nakasalamin.

“Good afternoon, Mr. Morales.” Bati ni Sir Bernad dito at nagkipagkamay.

“Good afternoon, Mr. Villegas. Thank you for accepting our invitation. By the way, let’s eat first.” Nakangiting wika ng nagngangalang Mr. Morales. Umupo na kami sa tapat niya upang magsimulang kumain. Masarap at pamilyar naman ang nakahandang pagkain, kaya hindi ko na kailangan pang mamili kung ano ang kakainin ko dahil lahat naman basta Filipino food ay masarap.

“Can I ask?” napa-angat ako ng tingin kay Mr. Rosales na nakangiti. “Is she your girlfriend?” bigla ay nakaramdam ako ng tensyon na namuo sa aking mukha.

“No, Mr. Morales. She is just my secretary and she’s already taken.”

Kunot noo akong napabaling kay Sir. Pero nginitian lang niya ako. Yung una niyang sinabi ay tama, ngunit ‘yung sinabi niyang taken na ako? Wala naman akong naaalala na sinabi kong may boyfriend ako o manliligaw man lang. Kaya saan naman kaya niya napulot yun?

“Oh, really? Sabagay, hindi na ako magtataka at napakaganda niyang babae.” Hearing from someone like Mr. Morales was making me feel embarrassed. Pero sa kabila no’n ay masaya ako at may naka-appreciate ng aking katangian. “What’s your name, hija?” he’s smiling at me as he questioned me about my name.

“Samantha Briones po, Mr. Morales.” Magalang kong sagot sa kanya. Hindi tuloy ako makakain ng maayos, dahil napapasulyap sa’kin si Sir Bernard. Siguro kasing edad lang ni Mr. Morales si Sir Bernard, may itsura din naman ito kaya lang hindi ko type yung aura niya. Ang creepy pa niya ngumiti sa akin, sanhi ng pagkaka-asim ng aking mukha. Ini-iwasan ko na rin na mapatingin sa kanya.

After ng naging tanong niya sa’kin ay tahimik kaming kumakain. Awkward, para akong nasa hot seat. Hindi ba naman ako sanay sa ganitong tagpo.

“By the way, Mr. Morales. Ano bang shipment ang ipapa-sabay mo sa barko namin?” Putol ni Sir Bernard sa katahimikan na namamagitan sa amin pagkatapos naming kumain.

“Don’t worry, Mr. Villegas mga coffee products lang naman ‘yun as I said last week, magbabayad naman ako ng tama. Mas matagal kasi kapag sa customs idadaan ang mga products. At kung sa’yo, mabilis lang.” Paliwanag nito na ikina-tataka ko. Uminom si Sir ng wine na naka-hain din sa amin. Kaya na-engganyo naman akong tumikim. Pero napangiwi ako agad, kasi ampakla pala ng after taste.

“Okay, Mr. Morales. But let me remind you kahit hindi dumadaan sa customs ang aming mga product ay hindi kami tumatanggap ng illegal na produkto. Alam mo naman siguro ang ibig kong sabihin?” Nag-sukatan silang dalawa ng tingin at ako naman ay nakikinig lang sa usapan nila. Tuloy lang ako sa pag-inom ng wine dahil na rin sa kuryusidad. As I kept on tasting it, namangha ako dahil habang tumatagal ay sumasarap siya.

“Na-intindihan ko Mr. Villegas, don’t worry kape lang ang mga ‘yun. Alam ko naman na hindi mo hahayaan na mabahiran ang negosyo mo ng illegal. Pero sana i-recommend mo ako sa kaibigan mo. Malaki naman ang ibabayad ko.” Kubinsi pa nito at hindi ko rin kilala ang sinasabi niyang kaibigan.

“Susubokan ko, Mr. Morales. Pero kapag hindi siya pumayag, sana huwag mo na ring ipipilit. Masama kasing kulitin yun at maiksi ang pasensya.” Saad pa ni Sir Bernard na ikinatawa naman ni Mr. Morales.

Maya-maya pa ay nag-paalam na rin ang mga ito. Naiwan kami ni Sir sa mesa at nakasunod lang ang tingin niya sa papalayong ka meeting.

Nang mapunta ang tingin niya sa akin ay natigilan siya.

“Anong ginagawa mo?”

“Wala. Nakikinig lang po ako sa usapan niyo.” Napunta sa baso kong hawak ang tingin niya at pati sa bote ng wine na nasa tapat ko tiyaka kinuha yun.

“Nag-usap lang kami at naka-kalahati ka na?” hindi siya makapaniwala sa natuklasan.

“S-Sorry po, ang sarap kasi.” Lalong kumunot ang noo niya sa naging sagot ko. Hindi ko alam kung galit ba siya dahil inubos ko ang wine. Ah, bayad na naman yun sayang naman kung iiwanan namin. Nakakarelax pa naman ang amoy nito.

“Alam mo ba kung anong klaseng wine ‘yang iniinom mo?”

Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi dahil halata naman na nauubusan na siya ng pasensya sa’kin.

“Let’s go, ayokong kaladkarin pa kita pa-akyat sa penthouse. Kapag tumalab na ‘yan sa katawan mo.” Medyo naiinis pa siya ng hinila ako patayo at hinila paalis ng restaurant.

Habang nasa biyahe kami pabalik sa office ay nakakaramdam na ako ng pagkahilo. Mainit na rin ang pakiramdam ko kahit alam kong malamig naman sa loob ng kotse. Siguro ‘yung alak na ininom ko ang may kagagawan nito. Malay ko bang ganito pala ang magiging epekto no'n sa’kin? Ang alam ko uminom din sila kanina. Pero okay naman si Sir Bernard. Samantalang ako? Para na akong dinuduyan at parang ang sarap na rin matulog. Sinandal ko ang likuran ko kasama na rin ang ulo ko sa hiligan ng upoan saka ipinikit muna ang mga mata. Malayong-malayo pa naman ang magiging byahe.

“Next time, huwag ka ng basta-basta iinom ha? Lalo na kapag hindi mo ako kasama. Mahina ka pala. Wine pa lang ‘yun bagsak ka na, paano pa kung hard drink ‘yung nainom mo? Ano ba kasi ang pumasok sa utak mo at muntik mo ng ubusin ang laman ng bote? May problema ka ba?” Narinig kong lintanya niya sa akin. Bahagya akong dumilat at napatingin sa kanya.

“What? Don’t look at me like that.” Seryosong sabi niya sa’kin. Napangisi ako sa kaniya na mas ikinasalubong pa ng kanyang mga kilay. “Ito ang pinaka-ayaw ko sa lahat eh. Babaeng lasinggera.” Naiiling pa niyang dagdag.

“K-Kung ako lasenggera… Ikaw naman, ano? Tsk! Kung makapagsalita akala mo—.” Natutop ko ang aking bibig. Hindi na ata matino ang takbo ng isip ko. Kung ano-ano na ang sinasabi ko baka magalit ito sa akin at itulak ako palabas ng kotse.

“What did you say?” Tanong niya sa akin. Nag-iwas ako ng tingin at muli ‘kong pinikit ang aking mga mata.

“W-Wala po!” medyo nauutal pa ako sa pag sagot sa kanya. Pero sana hindi niya nalang pansinin. Mahirap na baka lalo lamang siyang magalit kapag sinagot-sagot ko pa siya.

Unti-unti na ring bumigat ang talukap ng mata ko, kapagkuwa’y hindi ko na nama-malayan na nakatulog na pala ako.

Nagising lamang ako nang maramdaman kong may kumikiliti sa paa ko. Pagdilat ko ay nakita ko si Sir Bernard. Nahihilo pa rin ako pero nagawa ko pa ring mapabalikwas ng bangon dahil nasa loob siya ng kwarto ko ngayon. At hindi lang ‘yun, nahuli ko siyang hinuhubad ang suot kong sapatos.

“S-Sir? A-Ano pong ginagawa niyo sa kwarto ko? B-Bakit niyo ako hinuhubaran?”

“What? Are you accusing me?” Hinila ko ang kumot at tinakip sa aking nakabuyangyang na legs. Napasiksik din ako sa dulo ng kama dahil nagpa-panic na ako sa masamang tingin niya.

“Oh my God! Alam mo ba kung gaano ka kabigat? Binuhat pa kita papunta dito sa kwarto mo tapos pag-iisipan mo ako ng masama? Hinubad ko lang ‘yung sapatos mo para mas maging komportable kang matulog. Do you think pagsasamantalahan kita dahil nakainom ka?”

Napakamot ako sa ulo ko at pakiramdam ko ay napahiya ako. Bakit kasi hindi na lamang niya ako ginising? Ibig sabihin mula sa kotse paakyat dito binuhat niya talaga ako? Bakit hindi ko man lang naramdaman yun?!

“S-Sorry po, nagulat lang ako. Salamat, pero sana ginising niyo na lamang ako para hindi niyo na ako binuhat.” Nakayukong sabi ko sa kanya. Nahiya kasi ako sa inasal ko. Napabuntong-hininga siya kaya napatingin ako sa kanya.

“It’s okay, but next time kung mag-iinom ka siguraduhin mong kaya mo pa ang sarili mo. Dahil hindi mo alam kung ano ang pwedeng mangyari sa’yo. Ka-babae mo pa naman. At kung gusto mo maglasing maraming alak diyan sa ref sasabayan pa kita kung gusto mo. At wag kang mag-alala hindi ako nakikipag-sex ng lasing lalo na sa mga naglalasing. Ayoko kasing makalimutan nila ang gagawin ko sa kanila.” Makahulogan niyang pagpa-paliwanag sa akin na ikina-awang ng labi ko. Bago niya ako tinalikuran at lumabas sa pinto. ‘Yung huli niyang sinabi ang tumatak sa isipan ko. Hindi daw siya nakikipag sex sa lasing? Dahil ayaw niyang makalimutan ng ka-sex niya ang gagawin niya? Napakurap-kurap ako ng maraming beses.

Hindi na ako lumabas ng kwarto at iniligo ko na lamang ang init na nararamdaman ko. Nagbihis na lamang ako ng damit pambahay. Alam ko naman na umalis si Sir dahil ‘yun ang sabi niya kaninang umaga.

Sabi pa nga niya ay magluto na lang daw ako ng dinner mamaya. Pagkatapos kong magsuot ng jacket na may hoodie at pajama ay kinalikot ko muna ang luma kong cellphone upang kamustahin sila Inay. Wala pa akong pang-bili ng mamahaling cellphone para sana makapag-video call kami ng anak ko, siguro kapag naka-sahod na ako magta-tabi ako ng paunti-unti para sa cellphone ko. Nang sa gano’n kahit hindi ako makauwi ng madalas ay makita ko man lang sila kahit sa camera lang.

“Nay? Kamusta na po kayo?”

“Anak? Mabuti naman, kamusta ka naman sa bago mong trabaho?”

“Opo, Inay. Okay naman po ako dito. Kayo po? Si Calix, kamusta siya?”

Narinig kong tinawag siya ni Inay at narinig ko din ang maliit niyang boses.

“Mama? Kailan ka po uuwi? Miss na miss na kita. Sabi ni Lola malapit na daw…” Nangilid ang aking mga luha nang marinig ko ang maliit niyang boses. Ilang taon na rin na hindi ako nakakauwi kaya nami-miss ko na talaga sila.

“I miss you too, anak. Busy pa si Mama sa work tiyaka pag-uwi ko dadalhan kita ng mga laruan.”

“Ayoko po ng laruan! Lagi naman kami naglalaro ni Kokoy dito. Kahit walang laruan basta umuwi ka lang po, Mama.” Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi upang pigilan ang pag-hikbi. Sa murang edad ng anak ko, alam niya na kung paano mangulila sa akin. Kung pwede ko lang sana silang iasama… Kaso mahirap mamuhay dito sa Maynila lahat kasi ng bagay dito binibili. Magastos at mahirap din humanap ng mauupahan. Maigi na doon sila sa probinsya, tahimik at payapa. May hanap-buhay din naman si Itay doon.

“Sige, kapag naka-ipon ako uuwi kaagad ako diyan. Okay?”

“Yehey! I love you, Mama. Mwahhh!” Lalo akong nangulila nang marinig ko ang boses ni Calix. Ang hirap talaga na malayo sa anak. Ang hirap mag-trabaho sa malayong lugar at ang tangi ko lamang masasandalan ay ang aking sarili. Kaya nagpapaka-tatag ako para sa kanila. Kapag napagod, mag-pahinga. Hindi pwedeng sumuko dahil habang buhay, may pag-asa.

Pagka-tapos ko silang kausapin ay nagpahinga muna ako ng ilang sandali bago ako nagpunta sa kusina upang maghanda ng dinner. Nagluto na lamang ako ng pork steak para sa dinner at nagsaing na rin ako ng kanin. Habang pina-palambot ko ang karne ay naglinis-linis at punas-punas na rin ako ng mga gamit para naman may magawa ako.

Makalipas ang ilang minuto ay natapos na ako. Pero sumapit na ang hapon at hindi pa rin dumadating si Sir Bernard. Sabi niya sabay daw kaming mag di-dinner. Hanggang sa inabot na ng alas-otso ng gabi ay wala pa rin siya, nagwawala na ang mga bulate ko sa tiyan kaya nauna na akong kumain sa kanya. Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko. Pero ngayon na mag quarter to nine na, wala pa din siya.

Hindi na ako dinalaw ng antok kaya nag-bukas muna ako ng ref at nag-hanap ng mangangata. ‘Makakain’

Nakita ko ang sinabi ni Sir na mga alak sa likod ng pinto ng ref. Mga beer na nasa can at mukhang masarap din tikman. Kumuha ako ng isa sunod ay binuksan ko. Kumuha din ako ng mga junkfoods tapos lumabas ako para magpahangin. At parang mas masarap uminom dito dahil tanaw mo ang mga ilaw na nagmumula sa syudad tuwing gabi. Para silang mga bituin kung titignan.

Isang lagok pa lamang ako pero napa-ngiwi na ako sa mapait na lasa. Pero masarap siya kasi malamig. Inilagay ko ang hoodie ko sa ulo. At nagpatuloy sa pag-tungga ng alak.

“Ang sarap!” Sigaw ko sa kawalan. Bahagyang nabawasan ang dinadala kong problema no’ng simulang magtrabaho ako kay Sir Bernard. Hindi na ako gigising ng alas-tres ng madaling araw para bumili sa talisay ng tilapya. Hindi ko na kailangang magtitinda sa maghapon at maglilinis, magkakaliskis ng mga isda. At hindi na rin ako uuwing pagod na pagod at mag tutor pa para kumita ng extra income. At mas malaki na rin ang kikitain kong pera. Nasagot na ang palagi kong dasal at higit pa rito ang inasahan kong mangyari sa akin.

“Hindi mo ba ako aayain?”

“Ay, kabayong hitad!” Muntik na akong mahulog sa monoblock na inuupuan ko, nang marinig ko ang boses niya. “Ay, Sir! Sorry bigla na lamang kasi kayong sumusulpot.” Umayos ako ng tayo at hinarap siya. Nakasuot lang siya ng puting long sleeve na nakatupi sa kanyang siko. Pero ang lakas pa rin ng dating niya. Hindi na ako magtataka kung habulin siya ng mga babae dahil kahit saang angulo talaga siya titignan ay walang tapon. Kaya lang babaero!

“Kumain na ako kina Angela kaya ikuha mo na lang ako ng maiinom para masabayan kita.” Medyo nangasim ang mukha ko sa sinabi niya. Akala ko pa naman negosyo ang dahilan kung bakit siya nagpa-cancel ng schedule. ‘Yun pala ay panibagong babae na naman ang pinuntahan niya. Kaya siguro hiniwalayan niya si Trixie dahil sa Angela na yun.

“S-Sige po, Sir.” Nagmadali akong pumasok sa loob at ikinuha din siya ng beer. Paglabas ko ay nakasandal na siya sa upuan katabi ng upuan ko. Ipinatong ko sa lamesa ang dala kong canned beer para sa kanya.

“Sir, may tanong ako? Bakit niyo sinabing taken na ako? Wala naman akong naalala na sinabi ko sa’yong may boyfriend ako, di’ba?” Kinuha niya ang beer at binuksan niya ang takip no’n, tumigwas ang ilan sa laman.

Nilasahan niya muna ang inumin, “Ah, 'yun ba? Wala naisip ko lang. Kilala ko ang lalaking ‘yun. Marami ng binuntis at iniwan ang lalaking ‘yun at kapag nalaman niyang single ka baka ligawan ka pa niya.” Napangiwi ako sa impormasyon na nalaman. Uminom siya ulit sa kanyang inumin.

“Ligawan? Ako? Naku, hindi po siya papasok sa standards ko. Lalo na ngayon may anak na ako. Ayoko po ng lalaking babaero at walang bayag lalong hindi ko pinangarap mag-asawa ng lalaking maraming sabit.” Depensa ko sa naging komento ni Sir about sa ligawan.

Nagulat nalang din ako nang bigla-bigla niyang maibuga ang alak na iniinom niya. Mabuti na lang naka-jacket ako, kung hindi baka pati ako ay natalsikan.

“Bakit po, Sir? Nagulat ba kayo? Hindi naman kayo ang pinapatamaan ko.” Masama niya akong nilingon at nagpupunas pa rin ng kanyang bibig.

“What? Ako? Hindi ako babaero Sam.” Inubos ko na ang laman ng lata, bago ako natawa at nag-react. Mga lalaki talaga kahit kitang-kita na, panay pa ang tanggi. Naiiling na lang ako.

“Hindi kayo babaero? Eh, ano? Lalakero?” hindi ko na rin mapigilan ang matawa.

“Ayoko ng commitments kaya hindi ako babaero.” Seryoso niyang sabi. Pero hindi ibig sabihin no’n na naniniwala na ako.

“Sir, dadalawa na nga lang tayo, naglolokohan pa talaga tayo? Okay lang naman po sa akin ‘yun. Hindi ko naman sasabihin kahit kanino. Loyal kaya ako sa inyo.” Medyo may mu-munting tawa pa ang kumawala sa aking bibig. Humarap siya sa akin at tinitigan ako.

“Hindi ko pa siya nata-tagpuan, kaya hindi pa ako nagse-seryoso.” Ang mga mata ko ay wala sa sariling napatingin sa basa niyang labi. Naka-isang can na ako ng beer pero bakit parang nakaramdam pa din ako ng pagka-uhaw?

“Sino po?” halos pabulong na ang aking boses at gayun nalang ang pag singhap ko nang mabilis niyang kinabig ang aking batok at siniil ang aking mga labi gamit ng kanya para sa isang halik.

Related chapters

  • One Last Mistake    Chapter 7

    SAMNanlaki ang mga mata ko nang sa isang iglap lang ay naramdaman ko ang malalim niyang halik sa akin, lalo na nang magsimulang gumalaw ang kaniyang labi.Mabilis ko siyang itinulak, pigil ko pa ang aking paghinga. Samantalang siya ay makikinitaan ng kagulohan sa kanyang mukha. Nabigla rin ako sa nangyari, ramdam ko rin na may talab na ‘yung beer na ininom ko kaya bago pa mauwi sa hindi magandang pangyayari ay pinigilan ko na siya.“P-Pasensya na, Sir! Tutulog na po pala ako! S-Sige po maiwan ko na kayo!” Hindi ko na siya inantay na makasagot pa. Dinampot ko na lamang ang basura ko at mabilis kong nilagay sa basurahan saka ako nagma-madaling pumasok sa loob ng bahay patungo sa aking kwarto.Pagpasok ko ay saka pa lamang ako nakahinga ng maluwag. Nagtungo ako sa kama at naupo. Muntikan na! Muntikan na akong mawala sa aking sarili! Ano na lamang ang gagawin ko kung sakaling gumanti ako sa kanya?Pero bakit naman niya ako hinalikan? Nabigla rin ba siya? Siya na rin ang naglagay ng rules

    Last Updated : 2024-03-08
  • One Last Mistake    Chapter 8

    SAMNang sumapit na ang oras for lunch ay lumabas na si Sir sa office niya. Tapos na rin ako sa ginagawa ko, kaya hinintay ko na lang talaga ang pag-alis niya upang makakain na rin ako. Nag-iisip pa ako kung magpapa-deliver nalang ba ako mula sa canteen o magluluto na lang ako ng simpleng ulam sa itaas. Paglabas niya ay sinarado niya ang pinto ng office niya tiyaka lumapit sa akin.“Let’s go.” Puno ng pagtataka ko siyang inangatan ng tingin. “Saan po?”“Samahan mo akong mag-lunch.” Tila ba napakasaya niyang ibinalita sa’kin ang bagay na ‘yun habang nakangiti. Akala ko ba may iba siyang kasama? Ang alam ko good for two lang ang pina-reserve ko. Ibig sabihin, kaming dalawa lang ang mag lu-lunch sa restaurant?“Please hurry up. I’m hungry.” Wala na akong magawa kundi ang tumayo sa upuan ko. At sumunod sa kanya.Pagdating namin sa elevator ay hinawakan niya agad ang kamay ko. Pinindot niya ang basement at nagsimula ng bumaba ang elevator. Nakakapagtaka lang, no’ng unang beses kong sumakay

    Last Updated : 2024-03-08
  • One Last Mistake    Chapter 9

    Third Person’s POV“Anak natin? Kailan mo pa naging anak ang anak ko, Troy? At kailan ka ba naging Ama sa kaniya? Nakalimutan mo na ba kung paano mo kami tinalikuran noon? Huh?!” Sumbat ni Sam sa kay Troy. Ang lalaking may sanhi ng kanyang paghihirap. Hindi niya inakala na makapal pa rin talaga ang mukha nito at pumunta ito sa kung nasaan siya upang sabihin lang 'yun. Wala din siyang ideya kung saan nito nalaman kung saan siya nakatira ngayon.“I’m sorry, mga bata pa kasi tayo noon at nag-aaral. Hindi ko kayang panagutan ka dahil may mabigat din akong responsibilidad sa pamilya ko. Tiyaka, hinanap kita noong naka-graduate na ako ng college, ngunit hindi na kita nakita ulit.” Kapal din ng budhi nito para rumason.“Sinungaling! Mas mabuti pa na umalis ka, Troy! Hindi ako papayag na bumalik ka sa buhay ko. Mas lalong hindi ako papayag na kilalanin ka na ama ng anak ko. Kaya umalis ka na!” Sigaw ni Sam sa kanya, kasabay ng pagtulak dito. Her eyes began to water.“I’m really sorry, Sam. I

    Last Updated : 2024-03-08
  • One Last Mistake    Chapter 10

    Third Person’s POVIgting ang panga ni Bernard habang nakatingin sa walang malay na si Trixie habang nasa ospital, nagkaroon din ng walong tahi ang noo nito dahil sa pagtama sa kanto ng lamesa. Sa totoo lang ay nag-alala siya ng husto dahil baka nga totoong ginawa ‘yun ni Sam.Subalit kilala niya si Trixie, hindi ito tumitigil hangga’t hindi nakukuha ang gusto. Inaanak ito ng kanyang Ama kaya nahihirapan siyang itaboy ito ng tuloyan. Kung hindi pa niya nakita ang CCTV sa phone niya ay hindi pa niya malalaman ang tunay na nangyari. Ang ginawang paghila nito kay Sam at ang pagsubsob niya sa sarili. Mabuti na lamang at tama ang ginawa niyang i-connect sa phone niya ang lahat ng CCTV. Simula kasi nang pagbantaan siya ni Trixie noong araw na pinalayas niya ito sa office matapos ng ginawa nito kay Sam at simula noong nagpunta doon si Troy ay naging mas maingat na siya. Pinagsabihan na rin niya ang security na wag papasukin si Troy.Inaantay na lamang niyang gumising si Trixie para makauwi n

    Last Updated : 2024-03-08
  • One Last Mistake    Chapter 11

    Third Person’s POVPagkatapos na maayos ni Sam ang mga bulaklak sa ibabaw ng side table niya ay lumabas na rin siya sa kwarto. Sabay pa silang nagbukas ni Bernard ng pinto at aksidenteng nagtama agad ang mata nilang dalawa.Sa totoo lang ay kinakabahan si Sam sa kung ano man ang pag-uusapan nilang dalawa ngayong gabi. Nilakasan na lamang niya ang loob niyang humarap dito dahil nagugutom na talaga siya.“Let’s eat.” Nakangiting sabi nito sa kaniya. Parang may kakaiba sa mga tingin nito. Nagmadali niyang iniwas ang paningin niya dito at sinara ang pinto. Ipinaghila pa siya ng upuan nito nang makarating sila sa dining area.“Thank you po.” Nahihiyang usal ni Sam kay Bernard.“Wow! Mukhang masarap itong niluto mo, ah?” Tanong sa kanya nito nang buksan ang ceramic na lagayan ng ulam. Kitang-kita ang pagkagalak sa mukha nito.Tipid na ngumiti si Sam, nang bigla siyang may maalala na nais niyang itanong dito. Kasi kanina pa gumugulo sa isip niya yun.“Ah, Sir? Paano niyo po nakuha ang video?

    Last Updated : 2024-03-10
  • One Last Mistake    Chapter 12

    Third Person’s POVHindi makapaniwala si Sam na sa maiksing panahon na nakasama niya si Bernard ay magkakaroon na agad ito ng pagtingin sa kanya. At hindi rin niya akalain na gagawin ito lahat ni Bernard para sa kaniya. Pangarap niya lang kasi dati ay makapagtrabaho lang sa kompaniya nito.Pero ang lalaking nakikita niya lang noon sa billboard at hinahangaan niya ay kasama niya na ngayon dito sa malaki at napakamahal nitong yate.Tanaw din mula sa yate ang maputing buhangin mula sa resort dahil sa sinag na nagmumula sa malaking buwan. Masarap din ang simoy ng hangin dito at katamtaman lang ang lamig sa balat.Bukod sa mga malalaking establishment na nakikita niya sa resort sa di kalayuan ay wala na siyang ibang nakikitang mga tao sa paligid. Siguro ay dahil malapit ng maghating-gabi. Pero silang dalawa ngayon pa lamang mag-uumpisang e-enjoy ang hinanda ni Bernard na date para sa kaniya.Nagpaalam sa kaniya si Bernard na may aayusin lang sa loob kaya naiwan siyang mag-isa. Inisang lago

    Last Updated : 2024-03-10
  • One Last Mistake    Chapter 13

    Third Person’s POV“Ang sarap nitong crab.” Pagdadahilan ni Sam. Para mailigaw sana ang usapan pero nanatiling nakatingin sa kanya si Bernard.“I heard you.” Giit nito. Hindi pa nito inaalis ang tingin nito sa kanya.“Kahit naman siguro sinong babae. Hahanga sa mga kagaya niyo.” Katuwiran ni Sam.“Hindi ‘yan ang gusto kong marinig. You said earlier na hinahangaan mo ako noon pa. So, you mean may gusto ka na sa’kin noon pa? Kaya ba nakiusap ka kay Aling Esme na ipasok kita dito? Matagal mo na ba akong gusto?” Bakas ang kuryusidad mula sa mga katanongan nito sa kanya. Nagulat si Sam dahil ang bilis napagtahi-tahi ni Bernard ang lahat. Pero hindi naman niya intensyon na magkagusto maliban sa paghanga. Alam niyang trabaho talaga ang ipinunta niya roon.“Ang paghanga at ang pagka-gusto ay magkaiba po ‘yun. Isa pa, hindi naman ‘yun ang dahilan kung bakit ako nag-decide na mag-trabaho sa inyo. Dahil po talaga ‘yun sa pangangailangan ko.” Sinserong sagot niya. Pinagsiklop nito ang mga kamay a

    Last Updated : 2024-03-11
  • One Last Mistake    Chapter 14

    SAMIlang taon… Ilang taon kong kinimkim ang sama ng loob ko para sa isang tao na sa pag-aakalang siya ang ama ng anak ko. Sa pag-aakalang siya ang nanamantala sa’kin no’ng gabing ‘yun. Sa pag-aakalang siya ang lalaking tumalikod sa’kin noon ng mga panahon na kailangang-kailangan ko siya sa tabi ko. Na kailangan namin siya ng anak ko… Pero nang dahil sa palatandaan ay nagbago ang lahat at naging magulo pa ito. Kung hindi pala siya ang gumawa sa’kin no’n, bakit siya ang nadatnan ko sa aking kwarto? Bakit hindi niya sinabi sa’kin ang totoo? At ano ba talaga ang nangyari no’ng gabing ‘yun?Kung sakali na tama man ang hinala ko, paano napunta doon si Bernard? Magulo pa rin ang isip ko. Kung totoong si Bernard nga ‘yun ibig bang sabihin ay alam niyang ako ang babaeng pinagsamantalahan niya no’n nang dahil sa sobrang kalasingan?Imposibleng hindi niya alam ‘yun. Kaya ba naging mabilis para sa’min ang lahat ngayon? Kaya ba naging palagay na agad ang loob niya sa’kin sapagkat no’ng una palang

    Last Updated : 2024-03-12

Latest chapter

  • One Last Mistake    Chapter 24

    SAMOne Month later…Tuloyan na ngang nakulong si Trixie dahil sa kasalanan na kanyang ginawa. Dahil na rin sa testimony namin nila Inay at Itay kaya mas lalo siyang nadiin sa piitan. Sinigurado ni Bernard na hindi na ito makakalabas pa upang manggulo. Naunawaan naman ito ng kanyang mga magulang. Kami naman ay lumipat na sa bahay nila dahil ‘yun ang hiling ng kaniyang Mommy at Daddy.Nang ipakilala kami ni Bernard ay noong una hindi pa sila makapaniwala. Pero nang ipakita niya ang DNA ni Calix ay tinanggap naman nila kami ng buong puso. Sabi ni Bernard, sabik daw ang mga ito sa apo kaya gano’n na lang kung e-spoil nila si Calix. Hinayaan ko na rin dahil anim na taon na hindi nakuha ni Calix ang pagmamahal sa kanya ni Bernard pati na rin ng kaniyang mga Lolo at Lola.Masaya ako dahil buo na kaming pamilya. Nakausap ko na rin si Troy at humingi na rin siya ng tawad sa akin. Alam kong mali ang nagawa niya sa akin, pero wala na rin naman akong magagawa. Tapos na at nangyari na ang mga nan

  • One Last Mistake    Chapter 23

    SAMAfter two hours ng pagkain namin ay mahimbing na ring natutulog si Calix. Nakatitig lang ako sa kanya dahil hindi pa rin ako makapaniwala na nakaligtas kami sa bingit ng kam@t@yan. Hindi ko akalain na may tao na kayang gumawa ng masama para makuha lang ang isang bagay na hinahangad nila. Hindi ako makapaniwala na may babaeng kayang gawan ng masama ang kapwa nila babae para makuha ang gusto nila sa ganong paraan.Napakadami ng mga nangyari sa araw na ito. Sa isang araw ma re-realize mo na maiksi lang talaga ang buhay ng tao. Pwede kang mamatay kahit na anong oras. Hindi mo alam kung saan at kailan.Nakakatakot ang pinagdaanan namin sa kamay ni Trixie. Pakiramdam ko naiiwan pa rin ang kilabot sa katawan ko. Naalala ko pa din ang ginawa ng lalaking ‘yun kanina. Kapag pumipikit ako nakikita ko pa rin ang nakakatakot niyang mukha.Kung hindi sila dumating baka nagtagumpay na sila sa gusto nilang gawin. Nakita ko din sa mukha ni Bernard ang galit lalo na nang magmakaawa si Trixie sa kan

  • One Last Mistake    Chapter 22

    SAM“Please, huwag!” Impit na sig@w ko nang halikan niya ako sa le*eg. Nakahawak ang isa niyang kamay sa aking dibdib na wala ng takip dahil tinangal na rin niya ito. Para siyang asong ulol na sinisinghot ako at gustong lapain.“Hoy, Boss! Tirhan mo naman kami!” Sabay-sabay silang nagtawanan na lalong ikinalumo ko. Gustohin ko man na iwasan siya. Gustohin ko man makatakas. Alam kong wala pa rin akong laban sa kanya, lalo pa’t hawak ko pa rin ang tali ni Calix.“Mas maganda siguro kung pati ang p@nty mo tatanggalin ko na din di’ba?” Nakangisi niyang sabi. Hindi ko na alam kung paano ako magmamakaawa sa kanya dahil animo’y bingi pa rin ito sa lahat ng pagmamakaawa ko sa kaniya.“Huwag ka ng umiiyak. Mag-eenjoy ka rin naman at huwag kang mag-alala malay mo maawa kami sa’yo, imbis na p@tayin gagawin ka na lamang naming s*x sl@ve para naman may laruan kami.”“Hayu*p ka! P@t*yin mo na lamang kami. Bakit kailangan niyo pang gawin ‘to sa akin. Hindi ba kayo natatakot gumawa ng masama? Pati an

  • One Last Mistake    Chapter 21

    Third person’s POV“Tingnan mo nga naman, pagkatapos akong bulabugin ng hating gabi. Inubos pa ang mga bagong dating at mamahalin kong mga alak.” Bulong ni Xandro habang pinagmamasdan niya ang tulungis pa ring si Bernard.Dumating kasi ito kagabi at lasing na lasing. Akala niya ay galing ito sa underground black belting fight dahil sa namamaga ang ilong at putok pa ang nguso nito. Hindi pa nakuntento ay inubos pa nito ang mga stock niyang alak. Aalis na sana siya para iwanan sa sala ang kaniyang kaibigan nang makita niyang umiilaw ang phone nito sa ibabaw ng mesa. Kaya walang pagdadalawang isip na sinagot niya ang tawag mula sa unknown number.“Hello?”“B-boss! Ni-lusob kami! A-ako na lang ang na-tira. May tama ang Itay ni Ma’am at dinala nila si Ma’am Samantha pati ang anak niyo!” Tila nahihirapang sabi nito sa kabilang linya.“What?!” Bulalas ni Xandro na napamulat ng mata ni Bernard.“Ano ba? Ang aga-aga ang ingay mo.” Reklamo nito sa kanya. Tinadyakan niya ito sa binti. Kaya napan

  • One Last Mistake    Chapter 20

    SAMPabalik na kami sa isla. Magaling na rin si Calix. Nag-usap muna kami ni Bernard na hahanap ng magandang tiempo para sabihin kila Inay at Itay ang totoo. Galit ang naramdaman nila kay Troy noon at sabi niya pa sa akin ni Itay baka mahabol niya lang daw ito ng itak kapag nakita niya si Troy. Alam kong galit parin sila dito.Mabuti na lamang at nakumbinsi ko si Bernard na ako na ang magsasabi sa kanila. Sa halos dalawang araw namin na pananatili sa hospital naging malapit ang mag-ama. Wala pa ding idea si Calix na Ama niya si Bernard. Gusto ko kasi kapag sinabi ko na kina Itay at Inay saka ko sasabihin sa kanya ang lahat. Hindi man niya maintindihan mukhang madali na yun dahil ngayon palang kitang-kita ko na ang pagiging malapit nilang dalawa.“Tito Bernard, sasakay ba ulit tayo ng helicopter?” Tanong ni Calix sa kanya. Hawak na niya ito sa kamay.“Yes, young man. Why? Natatakot ka din ba sa helicopter?” Nakangiting tanong ni Bernard sa kanya.“Hindi po, brave ako like Mama.” Masaya

  • One Last Mistake    Chapter 19

    SAMKakakita pa lamang nila kay Bernard ay magaan na agad ang loob nila dito. Palibhasa kasi magaling talagang magbait-baitan ang lalaking ‘yun. Kaya ayun nagawa pang maglaga ni Inay ng kamote para daw may pang-meryenda ang mga nagbilad ng isda.Si Itay naman ay nagdurog ng tablea at nagpakulo ng mainit na tubig para may mainom sila mamaya. Pwede namang tubig na lang, bakit kailangan pa ng panulak na tsokolate? Isa pa mayaman naman ang lalaking ‘yun kaya paniguradong kayang-kaya niyang bumili ng makakain nila.“Anak! Ibigay mo na itong isang bandehadong kamote. Isusunod ko na lamang ang inumin. Kasya na kaya ito sa kanila? Sa bilang ko ay bente uno sila lahat kasama ang gwapong binata.” Tawag ni Inay sa akin. Kasalukuyan kasi akong nagtitiklop ng damit. Nasa tabi ko lamang si Calix at naglalaro ng robot na pasalubong ko sa kanya.Hindi na lamang ako umimik at sinunod na lamang siya dahil pagod na rin ang utak kong mag-isip kung paano ko siya palalayasin dito sa isla.Paglabas ko haban

  • One Last Mistake    Chapter 18

    SAMNang makababa na ako sa speed boat ay nakahinga na ako ng maluwag. Pilit ko man na hindi paniwalaan ang lahat ng sinabi niya ay may parte pa rin sa akin na gustong maniwala sa kaniya. Na sana totoo ang lahat ng sinabi niya...Hinayaan niya akong makaalis kaya inisip ko na baka hindi na niya ako gugulohin pa. Saka pa lamang ako nag-angat ng tingin kung nasaan ang yate. Nag u-umpisa na rin itong lumayo sa pampang. Kasunod ng ilang bangka na de-motor lulan ang mga nakaitim na lalaki.Nagsinungaling ako nang sabihin kong hindi ko siya mahal sapagkat wala na ring saysay 'yun dahil alam kong hindi na siya babalik pa para pag-aksayahan kami ng oras.Bagsak ang balikat na pinulot ko ang naiwan kong balde. Basa pa rin ang damit ko nang dahil sa shower kanina. Hindi ko maiiwasan na hindi makaramdam ng pagkapahiya kanina nang sabihin niyang nangangamoy malansa ako ay imbis na sa kama siya hihilain ay sa banyo ko siya dinala. Hindi ko rin maitatanggi ang paghaharumintado ng puso ko sa mga ora

  • One Last Mistake    Chapter 17

    SAMBigo man ako sa naging pangarap ko, alam ko may oportunidad pa rin na darating para sa akin. Kung hindi dahil sa tulong ni Troy hindi ako makakauwi dito. Ginamit ko ang natitira kong pera at sa tulong na rin niya sa’kin para makalipat kami ng lugar nang sa gano’n ay hindi na niya kami makita pa. Inalok pa niya akong tumira sa condominuim at isama ko ang aking pamilya pati narin magandang trabaho pero hindi ako pumayag. Hindi kasi gano’n kadali ang tanggapin ang lahat.Ang masakit pa roon ay pinaniwalaan kong siya ang Ama ng anak ko. Ipinagdiinan ko ang sarili ko sa kaniya, at matagal kong tinanim ang galit sa puso ko sa pag-aakalang siya ang Ama ni Calix.Ang nanamantala sa akin, 'yun pala ang walanghiya niyang pinsan na boyfriend ng kaibigan ni Troy at may-ari din mismo ng bahay na pinuntahan namin.Hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabi niya sa’kin.“Sorry kung hindi ko sinabi sa’yo ang lahat. Nang makarating siya sa party ay nakita niya kami ni Laureen na naghahalikan sa loo

  • One Last Mistake    Chapter 16

    BERNARD“Fvck you, Troy!”Kaagad akong nagtungo sa bahay niya nang makita ko ang CCTV na pina-rewind ko pa sa simula kahapon sa operator nito nang umalis si Sam. Doon ko natuklasan ang ginawang pagtakas ni Sam sa building habang suot ang utility outfit para makalabas, nilagay pa nito ang kaniyang mga gamit sa itim na garbage bag pagkatapos ay dumaan sa likuran ng building.Sa isang kuha naman ng CCTV sa likurang bahagi ay kitang-kita ko ang pag-sundo ng kotse nito sa kaniya. Kaya kaagad akong napasugod sa bahay niya.Hindi ako makapag-isip ng maayos. Hindi ko alam kung saan ako unang pupunta para makita siya. Pero sa ngayon ay isa lang ang tumatakbo sa isip ko. Maaring may kinalaman na naman si Troy dito.Ngayon na alam na ni Sam ang lahat, sigurado akong matindi na ang galit niya sa akin. Iiwan ko ba naman siya sa gano’ng situwasyon para habulin si Laureen ay nasisiguro kong kinamumuhian na niya ako ng tuluyan. Hindi ko siya masisisi, dahil nagsinungaling ako sa kaniya at hindi ko si

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status