SAM
Abala ako sa pagkaliskis ng isdang tilapya sa palengke nang matanaw ko si Tiya Esme.Ang tiyahin kong kapatid sa Ina ni Mama. Nagta-trabaho kasi siya bilang isang chef sa mgaVillegas, at siya din ang personal na bumibili ng mga niluluto niya sa pamilyangpinagsisilbihan niya. Hindi na rin niya nagawang mag-asawa dahil pagka-graduate pa langniya ng culinary ay doon na siya nakahanap ng trabaho at tumira. Maliit lang angpuwestong meron ako dito dahil maliit lang din naman ang kinikita ko sa pagbebenta ngmga tilapya dito. Pero, nakatulong naman ang iilan kong suki sa palengke upang maubosang mga paninda ko.Kaagad na lumapit si Tiya Esme sa akin, kaya binilisan ko muna ang paglilinis ng isda para
makausap siyang muli.“Tiya, nakausap niyo na po ba ang amo niyo?” Tanong ko sa kanya habang sinusuklian ko
ang customer na bumili sa akin ng tilapya.“Ay naku, Sam. Nakalimutan ko ulit! Umalis kasi si Sir Bernard, pumunta sa Singapore at
isang linggo siya doon. Pero mamayang gabi daw ang uwi, sabi ni Ma’am Matilda.” Wikaniya na ikinalungkot ko. Humiling kasi ako sa kanya na kung pwedeng kausapin niya angamo niyang binata kung pwede akong pumasok bilang sekretarya nila. Nakatapos ako ngapat na taon sa kolehiyo dahil na rin sa sariling sikap. Ngunit, nahirapan akong mag-applyng trabaho dahil sa hindi ko alam kung saan ako mag-aapply kaya itinuloy ko na lamangang negosyo nila Inay matapos nilang umuwi sa probinsya.“Tiya, kahit hindi office work basta sa Villegas company ako magta-trabaho. Ilakad niyo
naman po ako ulit, please?” Paki-usap ko sa kaniya. Nakita ko kasi sa internet na isa angVillegas company sa nangungunang Drop Shipping Business, hindi lang sa Pilipinas kundipati rin sa iba’t-ibang bansa. Marami din silang ka-tier na iba’t-ibang malalaking kompanya.Kaya sigurado akong malaki ang pasahod sa mga empleyado nila. Sa panahon kasingayon, mas nagiging in-demand ang business online. Kaya malaki ang kinikita ng mgakompanyang may kinalaman sa online marketing.“Okay, Sam. Pabili muna ako ng tilapya mo, mga dalawang kilo. Dahil nagustuhan ni Sir
Bernard ‘yung huli kong niluto sa kanyang pinaputok na tilapya. Para masabi ko na rin sakanya ‘yung a-applyan mo, okay ba ‘yun?” Nakangiting wika niya sa akin. Napayakap akosa tiyahin ko dahil sa tuwa ko sa kanya. Mabuti na lamang at doon siya nag ta-trabaho.Malaking advantange 'yun sa akin. Pero syempre gagalingan ko pa rin dapat pagdating sainterview. Hindi naman ako umaasang matatanggap agad dahil lang sa may backer ako.
Gusto ko pa rin na makuha ang posisyon ko dahil sa sikap ko.“Salamat po, Tiya! At dahil diyan, ipipili ko kayo ng mas malalaking tilapya, para mas
masarapan ‘yung amo niyo.” Nakangising wika ko sa kaniya. Kaagad ko siyang ipinili ngbuhay na tilapya at nilinisan ko agad ‘yun bago ibinigay sa kaniya. Masayang nag-paalam siTiya sa akin. Sinuwerte ata ako ngayong araw dahil hindi pa nagtatanghali ay naubos naagad ang bente kilos kong paninda.Kaagad kong binilang ang napag-bentahan ko at inilista iyon sa maliit na papel. Nilinisan ko
ang pwesto ko at nag-pasyang umuwi na sa maliit na bahay na tinutuloyan ko.Pagdating ko sa apartment ay naligo muna ako sa banyo. Dahil kumapit na sa’kin ang
amoy ng isda. Mag-isa lang akong naninirahan dito, at hindi libre ang pag-tira ko dahil sanangungupahan lang ako. Kasama kasing nasunog ang bahay namin sa TanauanBatangas kaya ibenenta ni Inay at Itay ang lupa namin kaya umuwi na lamang sila sa Leyte.Naiwan akong mag-isa dito upang makahanap ng magandang trabaho.Pagkatapos kong maligo ay kumuha muna ako ng kaunti sa pinag-bentahan ko ng isda
para bumili ng makakain ko ngayong tanghalian. Nakaramdam na kasi ako ng gutom dahilkape lang at magic flakes ang agahan ko.Kaagad akong nagtungo sa tinadahan ni Aling Step, para bumili ng lutong ulam at isang
cup ng kanin. Kailangan ko kasing magtipid dahil magpapadala ako kila Inay at Itay tuwingkatapusan. Kaya’t sinanay ko na ang aking sarili na magtipid at gumastos lang ng ayon saaking pangangailangan. Importante ang magkaroon ng savings kahit maliit ang kinikita dahilsa oras na emergency wala kang madudukot.“Aling Step, pabili po akong ulam." Nakangiting wika ko, habang binubuksan ang mga
nakatakip na ulam sa harapan ko. May adobong manok at baboy, may sinigang, putokbatok, pritong isda at ginisang ampalaya silang tinitinda.“Anong sa’yo, Sam?” Tanong niya sa’kin.
“Pahingi na lamang po ako ng isang maliit na galunggong at kalahating gulay.” Sagot ko sa
kanya. Ang mahal na kasi ng ulam ngayon, kung dati nakakabili ng bente singko kada orderngayon tumataginting na kwarenta’y-singko na ang kada order.“Naku, Sam. Wala ng kalahating gulay ngayon. Mahal na kasi ang bili namin sa palengke
dahil sa sunod-sunod na pag-ulan.” Sabi ni Aling Step.“Ay, gano’n ba? May sabaw po ba kayo? Kahit ‘yun nalang po saka isang kanin.”
Pinagbigyan naman ako ni Aling Step na humingi ng sabaw ng sinigang. Okay na rin ‘yun
sa’kin dahil nasanay na ako. Paminsan-minsan nga kape lang ang inuulam ko para langhindi magalaw ang ipon ko.Pagkatapos kong i-abot ang thirty-five pesos para sa pritong galunggong at isang kanin ay
pumunta naman ako sa katapat na bakery upang bumili ng monay para mamayanghapunan ko. Mamaya tuturuan ko ng module ang anak ng landlady namin. Isang daan dinkada araw ang bayad nila sa’kin dahil pareho silang may trabaho. Kaya kapag natataposakong magtinda, saka pa lamang ako pumupunta sa kanila.Pag-uwi ko ng apartment ay inihanda ko na ang tanghalian ko.
Ilang minuto lang ay tapos na rin akong kumain. Ganito lang ang routine ko araw-araw.
Gigising ng alas-tres ng madaling araw para mamili ng tilapya sa Talisay, pagkatapos ayibebenta sa palengke. Kapag naubos na ay magliligpit tiyaka uuwi upang kumain at mag tu-tutor. Kaya kung bibigyan man ako ng pagkakataon na makapasok sa Villegas Company aypagbubutihan ko talaga para maging regular nila akong empleyado. Kailangan kong magingpositibo kahit hindi pa ito nangyayari, dahil may pangarap pa ako para sa aking pamilya atpara sa anak kong si Calix.Pagod na inilapat ko ang aking likod nang sa wakas ay nakauwi na ako mula sa bahay nila
Aling Martha. Sanay na rin ako sa sakit ng likod, kaya itinutulog ko nalang ito kapagnakaka-pagpahinga na ako. Mahirap din kasi ang module ng grade school, kaya minsansumasakit ang ulo ko.Maya-maya pa ay nagtimpla na ako ng gatas at ginawa kong pantulak sa monay na binili ko
kanina. Pagkatapos ng ilang sandali ay inilatag ko na ang manipis kong kutson sa sahig.Matutulog na sana ako nang biglang tumunog ang luma kong cellphone. Nang makita kokung sino ang tumatawag ay kinakabahan akong sagutin ang tawag niya.“Hello, Tiya?”
“Sam! Naka-usap ko na si Sir Bernard.”
Bigla tuloy akong kinabahan.
“Talaga po? Ano po ang sabi?” Kinakabahan kong tanong sa kaniya.
“Pumunta ka daw sa Villegas Company bukas for interview.” Masayang ulat niya sa’kin.
Kulang na lang magtatalon ako sa kutson dala na rin ng excitement. Kahit interview palamang ‘yun ay excited na akong makapasok sa kompanya na ‘yun. Kailangan ko langnaman pumasa di’ba?“Salamat po ng marami, Tiya!”
“Galingan mo, ha? Sige na marami pa akong gagawin.” Pagpapaalam niya sa’kin. Hindi na
ako nakapag-paalam dahil binaba na niya agad ang tawag. Siguro isiningit lang niya ako samga gawain niya.Nakahiga na ako, pero hindi pa rin ma-ampat ang aking ngiti. Ilang buwan ko din kinulit si
Tiya Esme at ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon.Salamat, Sir Bernard!
Kagabi pa lamang ay nakahanda na ang mga gagamitin ko para sa interview ko ngayong
araw. Maaga din akong gumising para hindi ako mahirapan sa oras dahil ayokong ma-late.Kahit interview pa lang ‘yun ay kailangan kong maging positibo. Kailangan din magingmaayos ang itsura ko dahil gusto ko sa first impression pa lamang ay makuha ko na angatensyon ng mag i-interview sa akin.At dahil sa Makati pa ang kompanyang pupuntahan ko, kailangan kong sumakay ng bus at
LRT. Isa din yun sa dahilan kung bakit kailangan kong agahan.Kaya siguro minsan lang umuuwi si Sir Bernard sa Laguna dahil na rin sa layo ng Villegas
Corporation sa mansyon nila kung saan nakatira ang kaniyang mga magulang. Sabagay,kaya nga maraming manufacturing company na itinatayo dito sa Laguna dahil maraminglupa dito ang hindi pa na de-develop, unlike sa Maynila na masyado ng crowded at overpopulated.Bukod doon magka-iba din ang rate ng trabahador dito kumpara sa Maynila, kaya siguro
mas gusto ng mga negosyante na mag-invest sa probinsya kaysa sa Capital.Kakatapos ko lang magbihis ng office attire na slacks at plain blouse na pinatungan ko ng
kulay itim na long sleeve coat.One hair bun naman para sa buhok ko at nilagyan ko pa ng hair pin para hindi lumaglag samukha ko ang kakaunti kong bangs. Mahaba kasi ang magiging byahe ko, baka pag hindiako nagtali ng buhok ay baka mas mahirapan akong ayusin ang buhok ko mamaya.Naglagay din ako ng isang pares na kulay puting pearl na hikaw. Binili ko lamang ito sabangketa pero bumagay naman sa suot ko. Hindi naman ito halata na sampung piso. Hindirin kasi ako mahilig sa alahas kaya hindi ako bumibili ng mga ito. Yung ibibili ko para saaking sarili ay ipinapadala ko na lamang kila Inay sa Visayas para pandagdag sapanggastos nila. Gusto din kasi ni Itay na magkaroon ng sariling bangka, para hindi na silaumuupa ng ibang bangka sa pangingisda. ‘Yun din ang dahilan kung bakit ako nagtitipid, atkung bakit gusto kong maka-ipon ng pera. Kaya rin gusto kong makahanap ng masmagandang trabaho para naman maibigay ko ang lahat ng pangangailangan nila. Lumalakina rin si Calix at kailangan na niyang mag-aral sa susunod na taon.Nagpapasalamat pa rin ako sa mga magulang ko, dahil kahit nagkamali ako sa kanila ay
hindi nila ako tinakwil. Kahit nabuntis ako ng hayop na lalaking ‘yun at hindi akopinanagutan ay tinanggap pa rin nila ako. Nag-iisa daw nila akong anak at wala na rin dawsilang magagawa dahil sa nangyari na ang nangyari. Tinanggap pa rin nila ako ng buong-buo.Nasa ikaapat na taon pa lamang ako sa high-school, no’ng mabuntis ako ni Troy. Ilang
buwan pa lang ang relasyon namin, at inakala ko rin noon na lahat ng ginagawa ko aytama.Akala ko, kaya ko ng mag-desisyon para sa aking sarili. Akala ko, hindi ko na kailangan na
sabihin kila Inay at Itay ang lahat ng bagay na gagawin ko… Dahil malaki na ako peronangyari ang hindi inaasahan.Isinama ako ni Troy sa bahay ng kaibigan niya dahil birthday daw nito. Hindi ko sila kilala
pero dahil may tiwala ako sa kaniya ay sumama ako. Akala ko kainan lang ang magaganap,ngunit nagkamali ako dahil pagdating namin doon ay bukod sa kainan ay may inuman din.Dahil sa pamimilit ng mga kasama nilang babae ay napainom na rin ako. At dahil hindi ako
sanay na uminom ay nalasing ako at hindi ko na kaya pang dalhin ang sarili ko pauwi, kayapinagpahinga nila ako sa kwarto. Nagising na lamang ako kinabukasan na wala ng saplotsa katawan at katabi ko si Troy.Nagalit ako sa ginawa niya sa’kin kaya nakipag-hiwalay ako sa kanya. Ngunit, nag-bunga
ang pagkamaling ‘yun. Sinubukan ko siyang kausapin at sabihin ang kalagayan ko, perotinanggihan niya ako. Ayaw niyang angkinin ang dinadala ko dahil matagal na raw kaminghiwalay.Walang kasing sakit para sa’kin ang ginawa niya. Akala ko noon ay pinaparusahan na ako
ng diyos dahil hindi ako naging mabuting anak, pero dahil sa pagmamahal ng mgamagulang ko sa akin ay naibangon ko ang aking sarili.Kahit malaki na ang tiyan ko ay pinilit kong maka-graduate ng high school. Tinanggap ko
lahat ng masasakit na salitang ipinukol nila sa akin. Ipinag-patuloy ko ang aking buhay sakabila ng mapanghusgang mga tao sa paligid ko.Subalit nang ipanganak ko na si Calix ay kakaibang saya ang naramdaman ko.
Pakiramdam ko ay dinugtongan niyang muli ang buhay ko. Pakiramdam ko ay nagkaroonrin ako ng panibagong rason para magpatuloy sa buhay. Nangako ako sa sarili ko na maspagbubutihan ko pa ang pag-aaral, para masuklian ang paghi-hirap nila Inay at Itay at patina rin sa kinabukasan ng anak ko.Hindi na baleng wala siyang kikilalanin na ama. Patutunayan ko sa anak ko na kahit wala
siyang tatay ay kaya ko siyang palakihin sa sarili kong pagsisikap. Hindi naman ako nabigosa mga magulang ko dahil mahal na mahal nila si Calix.Kaya talagang napaka-suwerte ko sapagkat hindi lang dahil sa anak kong bigay ng diyos sa
akin, kundi dahil meron akong mapagmahal at maunawain na magulang. Nararapat lang naibalik ko sa kanila ang mga sakripisyo na nilaan nila para sa akin. Kaya naman, pagsi-sikapan kong matatangap ako sa kompanya na pangarap kong mapasukan.Alas singko pa lamang ng umaga ay umalis na ako sa apartment na tinitirhan ko. Nagbaon
na lamang ako ng pandesal na may palaman na peanut butter saka isang bote ng tubigpara sa bus ko na lamang kakainin mamaya. Doon na rin ako maglalagay ng manipis namake-up dahil baka kulangin ako sa oras.Rush hour ngayon at lunes pa kaya baka abutan ako ng mahabang pila sa LRT. Sana ay
hindi masyadong ma-trapik dapat daw kasi bago mag alas-nuebe ay nando’n na ako sakompaniya. Yun ang bilin ni Tiya Esme.Mabuti na rin at mabilis akong nakasakay ng bus. Kaagad akong kumain ng pandesal para
malamanan ang sikmura ko. Hindi kasi ako sanay sa byahe kaya baka maghilab ang tiyanko.Pagkatapos kong kumain ay kinuha ko na ang salamin ko para makapag-retouch na rin.
Nag toothbrush naman ako kanina kaya kaunting silip na lang sa ngipin baka may sumingitnakakahiya naman sa mag-iinterview sa akin.Maliwanag na nang makarating ang bus sa Magallanes. Hudyat na rin ‘yun na malapit na
akong bumaba. Para sumakay ulit ng jeep patungo sa Makati.Inayos ko na ang itim kong bag. Nabili ko lamang ito sa ukay-ukay pati na rin ang damit at
itim kong sapatos na may tatlong inch ata ang taas ng takong. Nandito lahat sa bag ko angdala kong papeles na kakailanganin ko sa pag-aaply.Tumigil ang bus namin dahil sa trapik papuntang babaan. Kaya nahagip ng mata ko si
Bernard Villegas na nakalagay sa isang malaking billboard.Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang pinag-mamasdan ang gwapo niyang
mukha. Dati sa mga magazine ko lamang siya nakikita. Paminsan-minsan naman sa mgabusiness interview niya sa TV, na naka-upload sa mga social media sites. Sino ba namanang hindi hahanga sa kanya. Bukod sa saksakan ng gwapo ay saksakan pa ng yaman.Siguro kaya gusto ko din na magtrabaho sa kompanya niya ay dahil na rin sa kaniya. Peropalagi siyang nasasangkot sa mga mayayamang babae, lalo na ng mga modelo. Balita kobabaero daw ito. At gano’n din ang mga kaibigan nito na mayayaman din.Tsk! Bakit ba kasi lahat ng gwapo ay babaero? Naiiling na pinagmasdan ko ang gwapo
niyang mukha.Sabagay, sino ba din kasi ang hindi hahabol sa kaniya sa itsura pa lamang niya ay
siguradong malalaglag na ang panty mo. Kaya sinigurado ko talaga na mahigpit ang garterng panty ko!Pero sa totoo lang, hindi talaga ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip ko sa mangyayari
ngayong araw. Bahala na nga!I will do my best!
SAMHalos ma-laglag ang aking panga nang tumingala ako sa Villegas Company. Sa itsura palamang nito ay halata mo na kung gaano ito kalaki at kayaman. Nababalot angestablishemento ng tinted na salamin lalo na sa bawat palapag nito. Tunay ngang kahanga-hanga, hindi lang ang nagpapatakbo dito kundi pati na rin ang kanilang kompanya. Kungpapalarin akong makapasa sa interview ay hindi ko lamang siya makikita araw-araw.Siguradong malaki din ang maitutulong ko sa aking pamilya.Bigla akong kinabahan nang makapasok na ako sa loob. Bumungad sa akin ang malawakna receiving area. Malamig din dito at kahit umaga ay nakabukas pa rin ang magagandangchandelier. Parang hindi opisina ang lugar na ito. Para na rin siyang hotel. Nakakamanghaang bawat sulok, sa lobby pa lang ‘to paano pa kapag sa loob na ng opisina?Napansin ko ang mga empleyado na kasabay kong pumasok. Lahat sila ay may maayos nasuot. Plantsado ang mga damit nila at high heels pa ang kanilang sapatos. Bigla akongnakaramdam ng
SAMBigla akong napadilat nang may marinig akong ingay sa labas. Parang nahulog na takip okaldero siguro? Kahit pupungas-pungas pa ako ay bumangon ako agad upang lumabas ngaking kwarto. Pagkalabas ko ay dumiretso na ako sa kusina. Nagulat na lang ako nangmakita ko ang pagtayo ni Sir Bernard. May hawak siyang takip na babasagin. Siguro ‘yunang narinig kong nalaglag kanina. Pero napa-gawi ang aking mata sa makasalanan niyangabs na natatakpan ng kulay itim niyang apron. Hot chef!“I’m sorry nagising ba kita?” Itinikom ko ang aking bibig sabay kamot sa sariling ulo attumalikod sa kaniya.“Opo, Sir. Akala ko kasi pusa ‘yung kumalampag.” Sagot ko sa kanya habang hindi pa rinsiya nililingon. Jusko! Parang ‘yung nakikita ko na lamang ang gusto kong gawing almusal!Kinaltukan ko ang aking sarili. Kaka-sabi lang sa’kin ni Sir kahapon na hindi ako pwedengma in love sa kaniya, tapos heto ako ngayon nangangarap samantalang kagigising ko palang!“Cat? Walang pusa dito, allergic ako sa mga
SAMPagkatapos kong mag-lunch ay itinuon ko na lamang ang aking sarili sa trabaho. Kaysanaman ma-loka ako sa kaka-isip ng ginagawa nila sa mga oras na ito. Wala na akong paki-alam sa kanila, basta ang mahalaga matapos ko ang trabaho ko ngayong maghapon.Makalipas ang dalawang oras ay nangalay na ako sa kaka-yuko at kaka-tipa ng keyboardpara ma-encode lahat ng schedule ni Sir Bernard na ipinagawa sa akin ni Ms. Diane.Napa-angat ako ng tingin nang bumukas ang pintuan na nasa aking harapan. Nakangitinglumabas si Ma’am Trixie at nakita ko pa siyang nag flying kiss bago isinara ang pinto.Pagkatapos ay lumapit siya sa table ko at ngumiti.“By the way, Miss?”“Samatha Briones, po.” Wika ko sa kanya.“Okay, Miss Briones. I have something for you.”Nagtataka ko siyang tiningnan dahil may dinukot siya sa kaniyang bag at may kinuha naperang papel saka iniligay sa ibabaw ng aking desk.“Ano po ito, Ma’am?” Kunot noo na tanong ko sa kanya.“Tip ko ‘yan sa’yo. Alam ko naman na narinig mo ‘yu
SAMMag limang minuto ko ng pinag-mamasdan ang aking itsura sa malaking salamin. Nagda-dalawang isip akong lumabas dahil sa suot kong casual dress. Hindi kasi siya mukhangpang-office attire. Denim yellow ang tela niya at see through naman ang puff sleeves nahanggang siko ang haba. May belt siyang kulay white may butones pa sa gitna hanggangsa ibaba. Hanggang gitnang hita ko ang haba nito. Hindi ko pa na-try na magsuot ng ganitoka ma-mahaling damit, kaya parang hindi ako komportable. Kahit ang close shoes na kulayputi ay mataas din ang takong na sa tingin ko ay three inches ang haba.Ako ba talaga ito?Hindi ko inaakala na may iga-ganda pa pala ako. Hindi ko maiwasan ang ngumiti dahilbagay na bagay sa’kin ang kulay nito at hindi siya masakit sa mata. Kaya lang, do I reallydeserve this? I mean, isa lang naman akong sekretarya ni Sir Bernard. Tama ba natanggapin ko ang lahat ng ito?Masyado na akong nag-overthink, pero sana naman hindi na niya ako bigyan ulit ng mgabagay na gay
SAMNavy blue naman ang suot kong damit ngayon. May tela na belt siya sa beywang at sleeveless ang mangas. May butones pa din ito at hangang kalahati ng aking hita ang haba. Nahihiya man ay nagawa kong makababa sa penthouse. Pagdating ko sa baba ay kaka-labas lang ng babaeng may dalang panlinis mula sa opisina niya. Wala na rin siguro si Ma’am Trixie dahil sabi ni Sir kanina ay pina-alis na niya ito. Inayos ko na lamang ang mga a-ayusin sa lunch meeting. Wala na naman akong iba pang gagawin dahil pina-cancel ni Sir ang iba niyang appointments for today. May pupuntahan nga daw siya mamaya, kaya half day lang din ang magiging trabaho ko.Bago mag-lunch ay lumabas na si Sir sa office niya at nagtama ang mata naming dalawa.“Are you ready?” Tanong niya sa’kin na ikinatango ko.“Yes, Sir.” Tipid na sagot ko sa kanya pagkatapos ay kinuha ko na ang maliit kong bag at pati na rin ang folder na gagamitin niya mamaya. May dala din siyang laptop at nauna ng maglakad sa’kin agad naman akong sumun
SAMNanlaki ang mga mata ko nang sa isang iglap lang ay naramdaman ko ang malalim niyang halik sa akin, lalo na nang magsimulang gumalaw ang kaniyang labi.Mabilis ko siyang itinulak, pigil ko pa ang aking paghinga. Samantalang siya ay makikinitaan ng kagulohan sa kanyang mukha. Nabigla rin ako sa nangyari, ramdam ko rin na may talab na ‘yung beer na ininom ko kaya bago pa mauwi sa hindi magandang pangyayari ay pinigilan ko na siya.“P-Pasensya na, Sir! Tutulog na po pala ako! S-Sige po maiwan ko na kayo!” Hindi ko na siya inantay na makasagot pa. Dinampot ko na lamang ang basura ko at mabilis kong nilagay sa basurahan saka ako nagma-madaling pumasok sa loob ng bahay patungo sa aking kwarto.Pagpasok ko ay saka pa lamang ako nakahinga ng maluwag. Nagtungo ako sa kama at naupo. Muntikan na! Muntikan na akong mawala sa aking sarili! Ano na lamang ang gagawin ko kung sakaling gumanti ako sa kanya?Pero bakit naman niya ako hinalikan? Nabigla rin ba siya? Siya na rin ang naglagay ng rules
SAMNang sumapit na ang oras for lunch ay lumabas na si Sir sa office niya. Tapos na rin ako sa ginagawa ko, kaya hinintay ko na lang talaga ang pag-alis niya upang makakain na rin ako. Nag-iisip pa ako kung magpapa-deliver nalang ba ako mula sa canteen o magluluto na lang ako ng simpleng ulam sa itaas. Paglabas niya ay sinarado niya ang pinto ng office niya tiyaka lumapit sa akin.“Let’s go.” Puno ng pagtataka ko siyang inangatan ng tingin. “Saan po?”“Samahan mo akong mag-lunch.” Tila ba napakasaya niyang ibinalita sa’kin ang bagay na ‘yun habang nakangiti. Akala ko ba may iba siyang kasama? Ang alam ko good for two lang ang pina-reserve ko. Ibig sabihin, kaming dalawa lang ang mag lu-lunch sa restaurant?“Please hurry up. I’m hungry.” Wala na akong magawa kundi ang tumayo sa upuan ko. At sumunod sa kanya.Pagdating namin sa elevator ay hinawakan niya agad ang kamay ko. Pinindot niya ang basement at nagsimula ng bumaba ang elevator. Nakakapagtaka lang, no’ng unang beses kong sumakay
Third Person’s POV“Anak natin? Kailan mo pa naging anak ang anak ko, Troy? At kailan ka ba naging Ama sa kaniya? Nakalimutan mo na ba kung paano mo kami tinalikuran noon? Huh?!” Sumbat ni Sam sa kay Troy. Ang lalaking may sanhi ng kanyang paghihirap. Hindi niya inakala na makapal pa rin talaga ang mukha nito at pumunta ito sa kung nasaan siya upang sabihin lang 'yun. Wala din siyang ideya kung saan nito nalaman kung saan siya nakatira ngayon.“I’m sorry, mga bata pa kasi tayo noon at nag-aaral. Hindi ko kayang panagutan ka dahil may mabigat din akong responsibilidad sa pamilya ko. Tiyaka, hinanap kita noong naka-graduate na ako ng college, ngunit hindi na kita nakita ulit.” Kapal din ng budhi nito para rumason.“Sinungaling! Mas mabuti pa na umalis ka, Troy! Hindi ako papayag na bumalik ka sa buhay ko. Mas lalong hindi ako papayag na kilalanin ka na ama ng anak ko. Kaya umalis ka na!” Sigaw ni Sam sa kanya, kasabay ng pagtulak dito. Her eyes began to water.“I’m really sorry, Sam. I
SAMOne Month later…Tuloyan na ngang nakulong si Trixie dahil sa kasalanan na kanyang ginawa. Dahil na rin sa testimony namin nila Inay at Itay kaya mas lalo siyang nadiin sa piitan. Sinigurado ni Bernard na hindi na ito makakalabas pa upang manggulo. Naunawaan naman ito ng kanyang mga magulang. Kami naman ay lumipat na sa bahay nila dahil ‘yun ang hiling ng kaniyang Mommy at Daddy.Nang ipakilala kami ni Bernard ay noong una hindi pa sila makapaniwala. Pero nang ipakita niya ang DNA ni Calix ay tinanggap naman nila kami ng buong puso. Sabi ni Bernard, sabik daw ang mga ito sa apo kaya gano’n na lang kung e-spoil nila si Calix. Hinayaan ko na rin dahil anim na taon na hindi nakuha ni Calix ang pagmamahal sa kanya ni Bernard pati na rin ng kaniyang mga Lolo at Lola.Masaya ako dahil buo na kaming pamilya. Nakausap ko na rin si Troy at humingi na rin siya ng tawad sa akin. Alam kong mali ang nagawa niya sa akin, pero wala na rin naman akong magagawa. Tapos na at nangyari na ang mga nan
SAMAfter two hours ng pagkain namin ay mahimbing na ring natutulog si Calix. Nakatitig lang ako sa kanya dahil hindi pa rin ako makapaniwala na nakaligtas kami sa bingit ng kam@t@yan. Hindi ko akalain na may tao na kayang gumawa ng masama para makuha lang ang isang bagay na hinahangad nila. Hindi ako makapaniwala na may babaeng kayang gawan ng masama ang kapwa nila babae para makuha ang gusto nila sa ganong paraan.Napakadami ng mga nangyari sa araw na ito. Sa isang araw ma re-realize mo na maiksi lang talaga ang buhay ng tao. Pwede kang mamatay kahit na anong oras. Hindi mo alam kung saan at kailan.Nakakatakot ang pinagdaanan namin sa kamay ni Trixie. Pakiramdam ko naiiwan pa rin ang kilabot sa katawan ko. Naalala ko pa din ang ginawa ng lalaking ‘yun kanina. Kapag pumipikit ako nakikita ko pa rin ang nakakatakot niyang mukha.Kung hindi sila dumating baka nagtagumpay na sila sa gusto nilang gawin. Nakita ko din sa mukha ni Bernard ang galit lalo na nang magmakaawa si Trixie sa kan
SAM“Please, huwag!” Impit na sig@w ko nang halikan niya ako sa le*eg. Nakahawak ang isa niyang kamay sa aking dibdib na wala ng takip dahil tinangal na rin niya ito. Para siyang asong ulol na sinisinghot ako at gustong lapain.“Hoy, Boss! Tirhan mo naman kami!” Sabay-sabay silang nagtawanan na lalong ikinalumo ko. Gustohin ko man na iwasan siya. Gustohin ko man makatakas. Alam kong wala pa rin akong laban sa kanya, lalo pa’t hawak ko pa rin ang tali ni Calix.“Mas maganda siguro kung pati ang p@nty mo tatanggalin ko na din di’ba?” Nakangisi niyang sabi. Hindi ko na alam kung paano ako magmamakaawa sa kanya dahil animo’y bingi pa rin ito sa lahat ng pagmamakaawa ko sa kaniya.“Huwag ka ng umiiyak. Mag-eenjoy ka rin naman at huwag kang mag-alala malay mo maawa kami sa’yo, imbis na p@tayin gagawin ka na lamang naming s*x sl@ve para naman may laruan kami.”“Hayu*p ka! P@t*yin mo na lamang kami. Bakit kailangan niyo pang gawin ‘to sa akin. Hindi ba kayo natatakot gumawa ng masama? Pati an
Third person’s POV“Tingnan mo nga naman, pagkatapos akong bulabugin ng hating gabi. Inubos pa ang mga bagong dating at mamahalin kong mga alak.” Bulong ni Xandro habang pinagmamasdan niya ang tulungis pa ring si Bernard.Dumating kasi ito kagabi at lasing na lasing. Akala niya ay galing ito sa underground black belting fight dahil sa namamaga ang ilong at putok pa ang nguso nito. Hindi pa nakuntento ay inubos pa nito ang mga stock niyang alak. Aalis na sana siya para iwanan sa sala ang kaniyang kaibigan nang makita niyang umiilaw ang phone nito sa ibabaw ng mesa. Kaya walang pagdadalawang isip na sinagot niya ang tawag mula sa unknown number.“Hello?”“B-boss! Ni-lusob kami! A-ako na lang ang na-tira. May tama ang Itay ni Ma’am at dinala nila si Ma’am Samantha pati ang anak niyo!” Tila nahihirapang sabi nito sa kabilang linya.“What?!” Bulalas ni Xandro na napamulat ng mata ni Bernard.“Ano ba? Ang aga-aga ang ingay mo.” Reklamo nito sa kanya. Tinadyakan niya ito sa binti. Kaya napan
SAMPabalik na kami sa isla. Magaling na rin si Calix. Nag-usap muna kami ni Bernard na hahanap ng magandang tiempo para sabihin kila Inay at Itay ang totoo. Galit ang naramdaman nila kay Troy noon at sabi niya pa sa akin ni Itay baka mahabol niya lang daw ito ng itak kapag nakita niya si Troy. Alam kong galit parin sila dito.Mabuti na lamang at nakumbinsi ko si Bernard na ako na ang magsasabi sa kanila. Sa halos dalawang araw namin na pananatili sa hospital naging malapit ang mag-ama. Wala pa ding idea si Calix na Ama niya si Bernard. Gusto ko kasi kapag sinabi ko na kina Itay at Inay saka ko sasabihin sa kanya ang lahat. Hindi man niya maintindihan mukhang madali na yun dahil ngayon palang kitang-kita ko na ang pagiging malapit nilang dalawa.“Tito Bernard, sasakay ba ulit tayo ng helicopter?” Tanong ni Calix sa kanya. Hawak na niya ito sa kamay.“Yes, young man. Why? Natatakot ka din ba sa helicopter?” Nakangiting tanong ni Bernard sa kanya.“Hindi po, brave ako like Mama.” Masaya
SAMKakakita pa lamang nila kay Bernard ay magaan na agad ang loob nila dito. Palibhasa kasi magaling talagang magbait-baitan ang lalaking ‘yun. Kaya ayun nagawa pang maglaga ni Inay ng kamote para daw may pang-meryenda ang mga nagbilad ng isda.Si Itay naman ay nagdurog ng tablea at nagpakulo ng mainit na tubig para may mainom sila mamaya. Pwede namang tubig na lang, bakit kailangan pa ng panulak na tsokolate? Isa pa mayaman naman ang lalaking ‘yun kaya paniguradong kayang-kaya niyang bumili ng makakain nila.“Anak! Ibigay mo na itong isang bandehadong kamote. Isusunod ko na lamang ang inumin. Kasya na kaya ito sa kanila? Sa bilang ko ay bente uno sila lahat kasama ang gwapong binata.” Tawag ni Inay sa akin. Kasalukuyan kasi akong nagtitiklop ng damit. Nasa tabi ko lamang si Calix at naglalaro ng robot na pasalubong ko sa kanya.Hindi na lamang ako umimik at sinunod na lamang siya dahil pagod na rin ang utak kong mag-isip kung paano ko siya palalayasin dito sa isla.Paglabas ko haban
SAMNang makababa na ako sa speed boat ay nakahinga na ako ng maluwag. Pilit ko man na hindi paniwalaan ang lahat ng sinabi niya ay may parte pa rin sa akin na gustong maniwala sa kaniya. Na sana totoo ang lahat ng sinabi niya...Hinayaan niya akong makaalis kaya inisip ko na baka hindi na niya ako gugulohin pa. Saka pa lamang ako nag-angat ng tingin kung nasaan ang yate. Nag u-umpisa na rin itong lumayo sa pampang. Kasunod ng ilang bangka na de-motor lulan ang mga nakaitim na lalaki.Nagsinungaling ako nang sabihin kong hindi ko siya mahal sapagkat wala na ring saysay 'yun dahil alam kong hindi na siya babalik pa para pag-aksayahan kami ng oras.Bagsak ang balikat na pinulot ko ang naiwan kong balde. Basa pa rin ang damit ko nang dahil sa shower kanina. Hindi ko maiiwasan na hindi makaramdam ng pagkapahiya kanina nang sabihin niyang nangangamoy malansa ako ay imbis na sa kama siya hihilain ay sa banyo ko siya dinala. Hindi ko rin maitatanggi ang paghaharumintado ng puso ko sa mga ora
SAMBigo man ako sa naging pangarap ko, alam ko may oportunidad pa rin na darating para sa akin. Kung hindi dahil sa tulong ni Troy hindi ako makakauwi dito. Ginamit ko ang natitira kong pera at sa tulong na rin niya sa’kin para makalipat kami ng lugar nang sa gano’n ay hindi na niya kami makita pa. Inalok pa niya akong tumira sa condominuim at isama ko ang aking pamilya pati narin magandang trabaho pero hindi ako pumayag. Hindi kasi gano’n kadali ang tanggapin ang lahat.Ang masakit pa roon ay pinaniwalaan kong siya ang Ama ng anak ko. Ipinagdiinan ko ang sarili ko sa kaniya, at matagal kong tinanim ang galit sa puso ko sa pag-aakalang siya ang Ama ni Calix.Ang nanamantala sa akin, 'yun pala ang walanghiya niyang pinsan na boyfriend ng kaibigan ni Troy at may-ari din mismo ng bahay na pinuntahan namin.Hinding-hindi ko makakalimutan ang sinabi niya sa’kin.“Sorry kung hindi ko sinabi sa’yo ang lahat. Nang makarating siya sa party ay nakita niya kami ni Laureen na naghahalikan sa loo
BERNARD“Fvck you, Troy!”Kaagad akong nagtungo sa bahay niya nang makita ko ang CCTV na pina-rewind ko pa sa simula kahapon sa operator nito nang umalis si Sam. Doon ko natuklasan ang ginawang pagtakas ni Sam sa building habang suot ang utility outfit para makalabas, nilagay pa nito ang kaniyang mga gamit sa itim na garbage bag pagkatapos ay dumaan sa likuran ng building.Sa isang kuha naman ng CCTV sa likurang bahagi ay kitang-kita ko ang pag-sundo ng kotse nito sa kaniya. Kaya kaagad akong napasugod sa bahay niya.Hindi ako makapag-isip ng maayos. Hindi ko alam kung saan ako unang pupunta para makita siya. Pero sa ngayon ay isa lang ang tumatakbo sa isip ko. Maaring may kinalaman na naman si Troy dito.Ngayon na alam na ni Sam ang lahat, sigurado akong matindi na ang galit niya sa akin. Iiwan ko ba naman siya sa gano’ng situwasyon para habulin si Laureen ay nasisiguro kong kinamumuhian na niya ako ng tuluyan. Hindi ko siya masisisi, dahil nagsinungaling ako sa kaniya at hindi ko si