=Ciana’s Point Of View=Nandito ngayon si Sasha, Carlo, at Oliver. Susunod daw sila Shion, Sonya, at Klein.“Mommy! Tita Sasha said I was made in OFFICE daw poooo!” Agad na nanlaki ang mata namin ni Mateo.“SASHAAAAAAA!!!!”Nakataas ang kilay kong pinuntahan siya sa sala.“It’s a PRANK, GAGA!” sigaw niya at agad na tumayo. Sinamaan ko siya ng tingin.“JOKE LANG YON!!!” aniya kaya mabilis kaming nag-ikutan—mahampas o masabunutan ko man lang siya sa kagagahan niya. Lintek na gaga.“Si Oliver nga, gawang CR!” sigaw ko sa pagkapikon.“Hoy mali! Sa kusina kaya!” sigaw niya pabalik.“Sa CR! Nahuli ko nga kayo noon! Sa CR sa bar!” nanlaki ang mata niya.“GAGA!” bulyaw niya.“VION, ENOUGH, MAY BATA!” awat sa akin ni Mateo kaya inis na inis ko siyang tinignan.“Nakakainis!” singhal ko pa.“TAO POOOOOO.”Nanlaki ang mata kong nilingon ang pinto namin at saka ako lumapit doon para buksan. Nakita ko kaagad ang gwapong bata na nakangiti.“HELLO PO,” masiglang bati niya sa akin habang ang ama at in
Ciana’s Point of View“Doc, ano ba talagang kailangan naming gawin? Why is she still bleeding?” Maiiyak ko nang tanong sa doctor.“I’m so sorry, missis, but her blood count suddenly dropped, and we need an instant blood transfusion. Kung may kapatid siya na maaaring magbigay ng dugo o, kung hindi, isa sa inyo.” Nanlumo ako.“It’s you, Mateo. Hindi kami parehas ng blood type ni Viera,” nanghihina kong sabi habang nasapo ang noo.“Please, Mateo. She needs you,” mahinang sabi ko, pero naramdaman ko ang paghawak ni Mateo sa pisngi ko. Iniangat niya ang mukha ko upang magtagpo ang mga mata namin.“You don’t have to beg for it. She’s my daughter, and I’ll do everything.” Kaya naman tumango-tango ako bilang tugon sa sinabi niya.Ang masiglang mukha ni Viera, ang mapula niyang labi, ay biglang namutla. Ang mapupula niyang pisngi ay naging matamlay na puti. Hinawakan ko ang kamay niya dahil wala pa rin siyang malay.“Baby, I want you to fight, okay?” pakiusap ko kasabay ng pagluha.“Please?” I
Nanood ako habang si Mateo ay piniling iupo ang sarili upang magpahinga.“Ma’am, we’ll check her po later,” maayos na sabi ng isang nurse habang ang isa naman ay pinipisil ang bag of blood.“Thank you,” aniya ko hanggang sa maayos na sila at sabay silang lumabas. Naupo ako sa bakanteng upuan malapit kay Viera at hinawakan ang kamay niya. Kinakabahan pa rin ako para sa anak ko. Bata pa siya, at ayokong bumalik kami sa puntong iyon.Makalipas ang ilang minuto, may kumatok at pumasok sa loob ng room ni Viera—ang doctor niya. Kaya naman hinarap namin siya ni Mateo habang tahimik lang si Sasha at Carlo. Si Shion at Sonya ang nagbabantay sa bata.“Missis, balak ko ho sana kayong sabihan na humanap ng kaparehas niyang tipo ng dugo dahil hindi maaaring magbigay ang mister niyo ng dugo nang paulit-ulit,” panimula ng doctor.“Ilang bags po ba ang kailangan naming ihanda?” tanong ni Mateo sa doctor.“Biglaan ang pagbaba ng dugo ng anak niyo. Ibig sabihin no’n maraming beses pang pwedeng bumaba a
Ciana’s Point of View“Baby, ang kasal ay para sa taong nagmamahalan. Sa ngayon, mas importante ang kalagayan mo kaysa sa kasal-kasal na ‘yan.” Mukhang narinig niya ang usapan kanina.“But Mommy, you are both my parents po. So why aren’t you married yet?” Mana-mana talaga kay Mateo ang isang ’to—matanong masyado.“I know, Baby. Pero before wedding, dapat magaling ka muna,” huminga ako sandali ng malalim.“Pag magaling ka na, edi papakasal na kami ng Daddy mo,” nakangiti kong dagdag, pero hindi ko tinitingnan si Mateo. Kahit hindi ko kita ang mukha niya, batid kong maganda ang ngiti niya. Sa mga oras na ’to, alam kong join forces na naman sila ng anak ko.“Talaga po?” tanong ni Viera, ang maliit niyang boses ay kahit anong pilit niyang palakihin ay tulad pa rin ng tangkad niya.“Yes, Baby,” sagot ni Mateo.“I love you po, Daddy, Mommy. Sana po magkaayos na kayong dalawa so we’re a complete family.” Sa sinabi niya, mas napamaang ako.“Baby, saan mo ba naririnig ang mga ‘yan?” tanong ko
Habang nag-aayos ng ref sa hospital room ni Viera, may kumatok sa pinto. Nang tumayo si Mateo para buksan ito, napangiti ako agad nang makita sila Mom at Dad—ni Mateo.“Oh my gosh!” bulalas ko. Nagtataka naman si Viera habang tinitingnan sila.“Siya na ba ang apo namin?” masayang tanong ni Mom sa akin bago ako niyakap.“Siya na po,” tugon ko. Napangiti siya at agad lumapit kay Viera.Nagpakilala sila, at agad namang natuwa ang anak ko. Kaya naman nakahinga ako ng maluwag dahil sumigla muli si Viera.“Mommy, cook a lot of my favorite na po. I’m going to have a bonding with my grandparents,” sabi ni Viera habang nakangiti.“Sure, Baby,” sagot ko.“Mom, Dad, samahan ko po muna si Vion,” paalam ni Mateo. Ngunit abala na ang magulang niya kay Viera kaya sinenyasan ko na lang siyang sumama sa akin.Habang tinatahak ang daan papunta sa hotel, tahimik lang kaming dalawa.Pagdating sa hotel, dumeretso ako sa kwarto. Mukhang nag-check-in sila Sonya dito dahil may note na iniwan. Inayos ko ang k
=Ciana’s Point Of View= “I really love you, Vion. But now that we have Viera… I love you both, more than anything,” sinsero niyang sabi habang ang mga mata niya ay nakatitig sa’kin. “Iisa ako ulit ngayon, nang tayong dalawa lang,” dagdag niya habang naging emosyonal, dahilan para kunot ang noo ko at mapuno ng pagtataka. “A-anong iisa ba?” takang-taka kong tanong saka tumayo. “This…” Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanya nang may hugutin siya mula sa bulsa niya. Natakpan ko ang bibig ko gamit ang kaliwang kamay, lalo na nang lumuhod siya gamit ang isang tuhod sa carpet ng banyo. “Huh?” gulat kong saad. “I’ll ask you again, to marry me,” malumanay ngunit matamis niyang sabi, dahilan para kabahan ako at mawalan ng sasabihin. “M-Mateo…” “Ciana Vion, will you marry me?” Nangapa ako ng sasabihin, saka napatingin sa singsing. “This is a different ring, don’t worry,” dagdag niya. “It’s been years, and I’m still in love with you… I hope you still love me that way,” mahinang sa
Ciana’s Point of ViewHabang nagluluto ako, panay ang ngisi ni Mateo habang sumusulyap sa akin. Pakiramdam ko, inaasar na naman ako ng mga tingin niyang iyon. May pasabi-sabi pa akong hindi ko na siya mahal, pero sa second proposal niya, “YES” naman ang isasagot ko.“Honey, after the wedding?” tanong niya, kaya awtomatiko akong napairap.“Bubbles, Mommy,” paggaya niya kay Viera, kaya naman inirapan ko siya at hindi na lang umimik upang siya ang mainis.“Hon.”“Vion.”“Hatdog,” sagot ko sa pagtawag niya, dahilan para matawa siya at ngisian ako.“Mine?” tanong niya, ngisi-ngisi pa.“Two inches,” asar kong sagot, ikinalaki ng mata niya.“Gusto mo lang ata makita, kaya inaasar mo ako,” tatawa-tawang sabi niya. Pinanlakihan ko naman siya ng mata at hininaan ang apoy ng stove.Nilingon ko siya tapos nginisian. “Mabibitin ka lang sa akin,” mahinang sabi ko sabay lapit sa kanya. “Pag nabitin ka, walang sisihan, ha?” tanong ko habang titig na titig siya sa mukha ko.“Hmm, ’di na lang,” mabilis
Ciana’s Point of View “Kamusta siya? Kakagaling lang namin sa ibaba, kinuhanan kami. Maraming bags na ’yon, aba,” saad ni Vince, kaya napangiti ako. “Salamat.” Lumapit ako sa kanila at isa-isa ko silang niyakap. “Naks, kaya pala di ako gusto. Ang gwapo ng mister,” asar ng kaibigan kong nanligaw noon. “Sus,” tugon ko. “Kamusta si Viera?” tanong ni Miyu. “Paano mo nalaman ang pangalan niya?” tanong ko, nagtataka. “Sa kaisa-isa niyang ninong,” sagot niya. Napalunok ako. “What’s up, Tita?” Napalingon ako sa nasa likuran nila. Ngumiti ako nang makita si Luke. “Hala, ang pogi-pogi at ang laki-laki mo na!” sabi ko, sabay yakap sa kanya. “Kamusta ang inaanak ko, Tita?” tanong niya, kaya itinuro ko si Viera. Nilapitan niya ito, kaya naman pinaupo muna namin ang mga bisita habang si Luke ay chine-check si Viera. Nakakatuwa dahil naka-uniporme pang doktor siya. Sila Miyu at Vince naman ay kinakausap ang mga magulang ni Mateo. “Ang laki niya na,” saad nila. “Parang kailan lang, dalaga
Ang ngiti sa labi ko ay hindi nawala nang sunduin ako ni Mateo at hawakan ako sa kamay.“I want to curse so bad. You’re so beautiful, honey,” aniya, kaya mahina akong natawa.“Ang gwapo-gwapo mo rin, hon,” sabi ko sa kaniya.“Pinaghandaan ko ’to,” sagot niya habang nakangiti.Nang marating namin ang pinakaharap ng aisle, ngumiti kami kay Father nang lumabas siya mula sa pinanggalingan niya. Dinasalan muna kami, at tumagal iyon ng ilang minuto bago niya kami hinarap upang simulan na ang kasalan.The wedding proceeds at this point.“Sebastian Mateo Martinez, do you take Ciana Vion to be your lawful wedded wife?” Magkaharap kami ngayon. Ngumiti si Mateo at nilingon si Father.“I do,” he answered.“Ciana Vion, do you take Sebastian Mateo Martinez to be your lawful wedded husband?” the priest asked me.Ngumiti muna ako. “I do, Father.”“Do you promise to love and cherish her/him, in sickness and in health, for richer or poorer, for better or worse, and forsaking all others, keep yourself o
Wedding Day“Oh, hija, don’t cry na. I’m sure your parents are happy for you,” nginitian ko si Mom, ang mother ni Mateo. Pinunasan nito ang luha ko.“Aayusan ka na oh. Huwag nang iiyak, baka pumanget ka niyan.” Natawa ako sa sinabi ni Mom at ngumiti.“Grabe naman po,” tumawa rin sila ni Dad.“At dahil ikakasal na ang anak namin, masayang-masaya kami para sa inyong dalawa, hija.” Ngumiti ako at tumango-tango.“Salamat po, Mom, Dad.” Yumakap ako sa kanila bago pa man sila umalis, at sinimulan na akong ayusan ng make-up artist.Habang inaayusan, huminga ako ng malalim. Matatapos na. Hindi ko mawari kung bakit ako sobrang kinakabahan. Dahil siguro ikakasal na ako? Ang matagal kong pinakahihintay, eto na.“Ma’am, finish na po.” Nang sambitin niya iyon, sobra-sobra talaga ang kaba kong tumayo.“Gaga!” Nalingon ko si Sasha.“OMG, this is it!” nakangiti niyang sabi, kaya tumango-tango ako.“Eto na nga,” aniya ko.“Hinihintay ka na ng groom mo! Gaga, spoil na kita ha—ang gwapo niya!” Natawa ak
Ciana’s Point of View Dumating ang araw na pinakahihintay naming dalawa, ngunit dahil matoyo ang mga kaibigan namin, sa mismong araw ng kasal ay hindi nila kami pinagkitang dalawa. Ayon sa kanila, baka raw hindi matuloy ang kasal kung magkikita kami bago ang seremonya. Sila rin daw ang nag-asikaso ng venue. Si Viera naman ay iniwan muna sa pangangalaga ng kanyang lolo at lola. Kasama ko ngayon sina Sasha at Sonya, pati na rin ang kanilang mga anak, dito sa bahay ng mga magulang ni Mateo. Kahit ang mga asawa nila ay nandoon rin. “Bakit ba kasi tayong tatlo lang? Sana nandito na rin si Viera,” reklamo ko habang nagmumukmok sa kanila. Inabutan naman nila ako ng wine habang magaganda ang kanilang ngiti. “May nangyari ba ulit sa inyo netong nakaraan?” tanong ni Sonya, kaya naman agad na umawang ang labi ko. “Wala. Busy kami eh,” sagot ko, pilit na iniwasan ang usapan. “Kailan yung last?” tanong ulit ni Sonya, nakangisi pa. “Matagal na… three years ago,” pag-amin ko, sabay tingin sa
Habang tinatapos namin ang pagkain, patuloy ang pagpaplano at asaran. Halos kalahating araw na kaming abala sa mga detalye ng kasal, pero tila hindi pa rin tapos ang lahat ng kailangan ayusin. Si Sonya at Sasha ay nagsimula nang mag-discuss ng seating arrangement, habang si Mateo naman ay abala sa pakikipag-usap sa mga suppliers para sa mga huling detalye ng catering at iba pang aspeto ng reception.“Mommy, gusto ko po na malapit ako sa daddy sa reception,” sabi ni Viera habang hawak ang juice niya.“Syempre, anak. Doon ka sa tabi ko at daddy,” sagot ko, ngumiti kay Mateo na nandoon pa rin sa kanto, nakikipag-usap sa event planner.“Ako nga pala, hon, nakatanggap na ako ng tawag mula sa stylist. Naka-schedule na sila bukas ng hapon para sa fitting,” sabi ni Mateo, paglapit niya sa akin.“Wow, mabilis pala. Ayos, baka makauwi pa tayo nang maaga,” sagot ko, habang inaayos ang buhok ni Viera.“Oo, makakapahinga tayo pagkatapos ng fitting, para naman hindi tayo mabigla sa dami ng ginagawa
Pagkasabi ni Mateo na “Sa’yo kaya nangangalmot,” ay narinig naming bumalik si Sonya, bitbit ang ilang mga gown na pang-abay.“Ano bang pinag-uusapan niyo at ang iingay niyo?” tanong ni Sonya habang inilalapag ang mga damit sa sofa.“Wala! Nag-uusap lang kami ni Honey tungkol sa pagiging magaling niyang mangalmot,” sagot ni Mateo sabay tawa.“Ikaw talaga, Mateo! Grabe ka makapang-asar,” sagot ko, sabay kurot sa tagiliran niya.“Aray, ang sakit! Honey, easy lang!” reklamo niya, ngunit halata naman ang ngiti sa labi niya.“Mommy, mangalmot po?” inosenteng tanong ni Viera habang ngumunguya ng pagkain.Halos maiyak ako sa tawa, habang si Mateo ay biglang tumayo at nag-explain. “Hindi ‘yon literal, baby. Joke lang ni Mommy ‘yon. Mommy mo talaga, ang kulit!”“Bakit ba ako lagi ang nasisisi?” sagot ko, kunwari nagtatampo.Tumawa si Sasha at umupo sa tabi ni Sonya, hawak ang isang gown na kulay peach. “Ang cute niyo pa rin kahit nagtatalo! Ikaw naman, Ciana, hindi mo pa sinasabi sa akin kung a
“Hoy, gaga! Ikakasal ka na, aber! Mamili ka na ng cake mo!” sigaw ni Sasha. Kaya naman, inagaw ko ang brochure na hawak niya hanggang sa lumapit si Viera at kumandong sa akin.“Mommy, purple?” tanong niya, tinutukoy ang magandang cake na tatluhan.“Okay, this one, baby,” sabi ko sa anak ko. Masaya itong pumalakpak.“Asan po si Daddy?” tanong ni Viera.“Nag-aayos rin siya for the wedding, baby. Where are your friends?” tanong ko sa kaniya.“Mommy, lahat po sila guy. Masungit po si Klei, at naglalaro po sila ni Oliver ng games,” tila nalulungkot na sabi ng anak ko, sabay nguso.“Edi go and still play with them, baby,” sabi ko.“Klei, Oliver, let Viera join you,” utos ni Sasha sa kanila.“Tita, ayaw po niya ng car games,” sagot ni Klei.“Mommy, I really hate riding,” sagot ni Viera.“Yung mommy mo, mahilig sa pagsakay—aray! Gaga naman!” reklamo ni Sasha nang hilahin ko ang buhok niya.“Kung ano-ano na namang sinasabi mo,” inis kong sabi.“Totoo naman, ah. Hiya ka pa eh,” sabi niya, sabay
“Daddy, ang laki po ng house natin!” niyuko ko ang anak at nginitian.“Of course, baby. Do you want to see your room?” nakangiti kong tanong sa kaniya. Nandito na kami sa bahay namin sa city, at si Vion ay abala sa mga bagong paso na may mga bulaklak na nakatanim.“Hon! Ipapakita ko ang room ni Viera, sama ka!” malakas na sabi ko pa.“Kayo na lang! Nagdidilig pa ako eh!” balik-sigaw niya dahil nasa garden siya, at kami ni Viera ay nasa loob.“SIGE! Diligan rin kita mamaya!” sigaw ko pabalik.“Tumahimik ka!” sigaw niya, kaya tatawa-tawa kong binuhat si Viera upang maipakita ang kwarto niya na nasa second floor ng bahay. Nang makarating sa kwarto ni Viera ay halatang mangha na mangha siya sa nakita.“Ang ganda, Daddy!” masayang sabi ni Viera, kaya naman napangiti ako.“Mabuti naman at nagustuhan mo,” aniya ko.“Opo, Daddy! I love my bed po! It’s purple!” Tumalon siya doon at hinablot ang malaking purple bear na nasa kama niya.“Thank you, Daddy!” masayang sabi ni Viera.I asked Vion abo
Sunod ko pang tinignan ang mga pictures, ngunit gano’n na lang ang pagtataka ko nang makitang muli ang sarili ko sa account ni Vion. Parati ba kaming magkasama? Tinignan ko ang date ng picture at napansing kailan lang ito, halos buwan lang ang nakalipas. Sunod-sunod kong tinignan hanggang sa mamataan ko ang pamilyar na condo sa highlights niya sa story. “Bakit panay ako?” nagtatakang tanong ko sa sarili. “Sa pad ko ata ito, ah?” takang-taka ko pang sabi sa sarili. “Bakit ko naman siya paglulutuan? Baka best friends talaga kami? Hindi man lang ba nagseselos ang asawa nito sa ’kin?” Inis na inis akong naupo at saka tumingin muli. “Ako na naman? Crush ba ’ko nito?” Sa sobrang frustration ay pinatay ko ang laptop at niyakap na lamang ang unan. ‘Bakit naman ako apektado? Ano naman kung nasa highlights niya ako?’ Makalipas ang Ilang Linggo Makalipas ang ilang linggo, naisipan kong bumalik sa condominium ko dahil naiinis lang ako sa pakikitungo sa akin ni Mom. Ang laki-laki ng galit ni
Few Days After Nandito ngayon ang doctor ni Viera upang i-update kami sa lagay niya. Mahigit limang araw na hindi niya kailangan ng dugo, at bumalik na ang kanyang sigla at lakas. Natutuwa kami dahil ilang araw na rin na hindi dinugo ang ilong niya, at hindi na rin bumaba pa ang kanyang hemoglobin level. “Ang balita ko lang naman ay maaari na siyang lumabas,” aniya ng doctor. “Ngunit bibigyan ko kayo ng mga kakailanganin niya sakaling mahilo siya o duguin ang ilong. Hindi naman gano’n kabilis bumaba ang dugo ng isang tao, pero dahil sa kondisyon niya, nababawasan ito dahil sa sobra-sobrang white blood cells na napo-produce niya.” Nakinig kaming mabuti sa kanya. “Maaari niyo nang tawagan si Doctor L, dahil siya na ang bahala kay Viera,” dagdag pa niya. Napalunok ako at tumango na lang. “Hindi pa rin magbabago ang mga suhestiyon kong kainin niya ang mga berdeng gulay, at mga pagkaing rich in iron. Sa gatas, mag-ingat tayo dahil maaaring makaapekto sa kanya ang ibang klase ng gatas. A