Good evening po. Stay tuned for more updates 🫶
Chester's POV Pagkapasok ko sa penthouse, ang unang sumalubong sa akin ay ang tunog ng telebisyon. Sa malaking screen ng TV, isang news anchor ang nagsasalita tungkol sa pinakabagong balita sa mundo ng pulitika, pero hindi doon nakatutok ang atensyon ko. Doon ako agad napatingin sa babaeng nasa couch—si Celeste. Nakaupo siya roon, suot ang isang puting oversized shirt na malinaw na pag-aari ko. Nakataas ang mga paa niya sa sofa, at nasa kandungan niya ang ilang dokumentong binabasa niya habang kumakain ng manggang may bagoong. Parang may kung anong mainit na bagay ang bumalot sa puso ko nang makita ko siyang gano’n. Walang make-up, mukhang pagod, pero hindi nawawala ang pagiging elegante at matapang niya. Nang mapansin niyang dumating ako, agad siyang napatingin sa akin. "Ninong Chester," tawag niya. May bahagyang gulat sa mga mata niya, pero ang mas pumukaw ng pansin ko ay ang pag-aalalang bumalot sa mukha niya. Hindi ko na hinintay pang makapagtanong siya. Lumapit ako sa
Chester's POV Maaga pa lang ay nasa law firm na kami ni Celeste upang pormal nang maghain ng kaso laban kina Atty. Andrea Castro at Atty. Raymond Anderson. Kahit alam kong magiging masalimuot ito, wala na akong balak umatras. Masyado nang matagal na tiniis ni Celeste ang mga taong walang ibang ginawa kundi pabagsakin siya. Kung ako lang ang masusunod, matagal ko na sanang pinakulong ang dalawang ‘yon. Pagkapasok namin sa loob ng gusali, agad naming napansin ang tensyonado at nagbubulungang mga empleyado. Hindi na ako nagulat—alam kong mabilis kumalat ang balita, at ngayon ay alam na nilang lahat ang ginawa nina Andrea at Raymond kay Celeste. Lalo pang uminit ang paligid nang dumating sina Andrea at Raymond sa opisina ni Atty. Buenaventura, ang managing partner ng firm. Si Andrea, halatang namumutla at takot na takot. Samantalang si Raymond, gaya ng dati, mayabang at puno ng galit ang mga mata. "Celeste, please!" halos pasigaw na sabi ni Andrea nang makita niya si Celeste. Mabil
Celeste's POV Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakaupo sa waiting area ng Villamor Medical Hospital, pero pakiramdam ko’y isang siglo na ang lumipas. Niyakap ko nang mahigpit ang anim na buwang tiyan ko, pilit hinahaplos ang umuusbong na buhay sa loob. "Be strong, baby," mahina kong bulong. "Daddy's going to be okay." Paulit-ulit kong inuusal ang parehong pangungusap, kahit na hindi ko alam kung para kanino ba ito—para sa anak namin o para sa sarili kong nangangapa na sa pag-asang hindi sa akin muli kukunin ang taong mahal ko. Ang amoy ng disinfectant at gamot ay nagpapalala sa kaba ko. Hindi ako sanay sa ospital—sa loob ng courtroom ako lumalaban, hindi sa harap ng deathbeds at emergency surgeries. Pero wala akong ibang pagpipilian kundi hintayin kung ano ang magiging kapalaran ni Chester. Maya-maya, lumabas ang isang doktor mula sa operating room. Tumayo ako agad, halos matumba pa dahil sa biglang kilos. "Doc, how is he?" tanong ko, ramdam ang panunuyo ng lalamunan ko.
Celeste's POV "I love her..." Ang mga salitang iyon ni Ninong Chester, mga salitang nagbukas ng pintuan ng aking puso, ay nagsimulang magbago sa isang iglap. Isang saglit lang, ngunit ang bigat ng pakiramdam ko—para bang tinamaan ako ng kidlat. Masyado akong nagulat. Hindi ko inaasahan. Hindi ko inisip na may pagkakataon na magkakaroon ako ng lakas ng loob na magtiwala, na muling magbigay ng pagkakataon sa puso ko. Matapos ang lahat ng nangyari sa amin, tila naging imposibleng magtiwala sa kanya at hayaan ang sarili ko na mahalin siya. Pero ang narinig kong iyon—ang simpleng pag-amin mula sa labi ni Ninong Chester—ang nagbigay liwanag sa dilim ng aking isipan. Hindi ko naisip na may mga bagay pa palang darating na magbabago ng lahat. Pero bago ko pa man tuluyang magpasiya, ang mga salitang iyon, ang mga pagkilos na iyon na nagbigay ng saya sa puso ko, ay biglang nauurong. Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko, dahil ang kasunod na nangyari ay bumasag sa buong mundo ko. Si
Celeste's POV Ang sakit. Hindi ko kayang itanggi. Ang mga salitang binitiwan niya kanina ay paulit-ulit na umuukit sa aking isip. "I love you like a godfather. That’s all." Parang isang matalim na kutsilyo ang sumaksak sa puso ko. Hindi ko alam kung paano ko hihilahin ang sarili ko palayo sa sakit na dulot ng katotohanang hindi niya ako kayang mahalin sa paraang inaasahan ko. Lumabas ako ng ospital, desperadong makalanghap ng sariwang hangin, ngunit sa halip na ginhawa, mas lalo akong nilamon ng lungkot at pagkalito. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Pakiramdam ko ay wala na akong lugar sa buhay ni Ninong Chester. Nakatayo ako sa harapan ng Villamor Medical Hospital, nilalaro ng malamig na hangin ang aking buhok habang nakatitig lang sa kawalan. Sinusubukan kong pigilan ang luha ko, pero hindi ko magawa. Napabuga ako ng hangin nang mahagip ng mga mata ko si Isabelle. Ang ex-fiancée ni Ninong Chester. Isang sikat na pediatrician na may koneksyon sa Villamor Medical Group, p
Celeste's POV Tahimik kong tinitigan ang mga papeles sa harapan ko habang pinipigilan ang bigat na bumabara sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ano pa ang hinihintay ni Ninong Chester. Apat na linggo na mula nang ipadala ko sa kanya ang annulment papers, pero hanggang ngayon, wala pa rin akong natatanggap na sagot. Ni isang tawag o text mula sa kanya, wala. Para bang bigla na lang siyang naglaho sa buhay ko matapos ang lahat ng nangyari. Sana nga ganoon lang kadali. Dahil kahit anong pilit kong itapon siya sa isip ko, kahit anong pilit kong kalimutan siya, may isang bagay na nagbabalik sa kanya sa bawat araw na lumilipas—ang batang dinadala ko sa sinapupunan ko. Isang buwan nang hindi ako bumalik sa penthouse. Isang buwang wala akong balita tungkol sa kanya. Ni hindi ko alam kung nakalabas na siya ng ospital o kung bumalik na siya sa trabaho. Ayos lang. Dapat lang. Dahil ito naman ang pinili ko, hindi ba? Pinili kong tumayo sa sarili kong mga paa. Dahil alam kong hindi ko kayang
Chester's POV Hindi ko inakalang darating ako sa puntong ito—ang puntong magmamakaawa ako sa Diyos na huwag niyang kunin ang dalawang pinakamahalagang tao sa buhay ko. Mula sa labas ng delivery room, halos mabaliw ako sa paghihintay. Hindi ako mapakali. Ilang beses akong naglakad pabalik-balik, nakayuko, nakapikit, mahigpit na nakapamulsa ang nanginginig kong mga kamay. Ang utak ko ay punong-puno ng takot. Sa unang pagkakataon sa buhay ko, hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ito tulad ng isang simpleng operasyon kung saan kontrolado ko ang sitwasyon. Hindi ito isang kaso sa ospital na maaari kong tugunan gamit ang aking medical expertise. Ito ay ang buhay ng babaeng mahal ko—ang babaeng paulit-ulit kong itinanggi sa sarili ko pero ngayon ay paulit-ulit kong ipinagdarasal na mabuhay. Kasabay ng bawat segundo ay ang matinding paninikip ng dibdib ko. Hindi ko alam kung ilang oras na akong narito, hindi ko na rin maalala kung ilan nang dasal ang nasambit ko. Hanggang sa sa wakas,
Chester's POV Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatayo sa parehong lugar, nakatitig sa ilaw ng operating room na tila ba ito ang magsasabi kung ligtas na si Celeste o hindi. Bawat segundo ay parang isang mahabang bangungot—pinaghalong kaba, takot, at pagsisisi ang bumabalot sa buong sistema ko. Mula nang umalis si Dad, lalo kong naisip ang lahat ng pagkakamali ko. Dapat noon pa lang, ipinaglaban ko na si Celeste. Dapat hindi ako natakot na aminin sa sarili ko na mahal ko siya—hindi bilang inaanak, kundi bilang babae. Ngayon, maaaring huli na ang lahat. Napaigting ko ang pagkakahawak sa mga palad ko, sinusubukang labanan ang nangingilid na luha. Hindi ako pwedeng sumuko. Hindi ako pwedeng mawalan ng pag-asa. Biglang nagkaroon ng kaguluhan sa dulo ng hallway. Nilingon ko ang pinagmulan ng ingay, at doon ko nakita ang dalawang pamilyar na mukha na matagal nang hindi nagpapakita sa amin ni Celeste. Ang kanyang mga magulang. Hindi ko maiwasang mapasinghap sa nakita kong eks
Celeste’s POVTila nanlambot ang tuhod ko, ngunit hindi sa kahinaan—kung 'di sa panibagong bugso ng init na gumapang mula ulo hanggang talampakan. Kasabay ng tibok ng puso ko ang bawat pintig ng pagnanasa ko para sa kaniya.Hindi ako nagsalita. Hindi ko na kailangan ng salita. Dahan-dahan akong bumaba mula sa lababo. Lumapit ako kay Chester habang siya ay nakaupo sa gilid ng bathtub, ang mga mata niya ay punong-puno ng pananabik at paggalang. Ang tingin niya sa akin ay tila ako ang pinakamagandang tanawin sa mundo—hindi isang bagay ng pagnanasa lang, kung 'di isang dambanang nararapat sambahin.Hinawakan niya ang beywang ko at iginiya ako pataas, at nang ako ay pumatong sa mukha niya, para akong isang reyna sa trono—isang diyosang kinikilala ng lalaki sa ibaba ko.“Celeste,” mahinang sambit niya, puno ng pagnanasa, habang dahan-dahang ibinuka ang aking mga hita.Ramdam ko ang init ng hininga niya sa pinaka-sensitibong bahagi ng katawan ko. Nanginginig ako—hindi sa lamig ng tubig mula
Celeste's POV Para akong unti-unting binuhusan ng malamig na tubig sa ulo—hindi dahil sa galit kundi sa pagkagising mula sa matagal na pagkabulag sa katotohanan. Sa dami ng hinanakit ko sa puso ko, sa dami ng tanong na hindi ko na sana inaasahang masasagot pa, biglang may liwanag na unti-unting pumatay sa dilim na bumabalot sa akin. Ang galit ko kay Mama—bagama’t hindi pa tuluyang naglalaho—ay tila nabawasan, nabigyan ng paliwanag. Masakit ang katotohanang inilihim nila sa akin ang lahat, pero mas masakit pa pala ang dinanas nila noon. Ngayon ko lang naisip kung gaano kabigat ang pinasan nilang sikreto. Pinilit nilang itago ang buong katotohanan hindi dahil sa kasinungalingan kundi dahil sa takot—takot na masira ang pamilya, takot na ilayo kami sa isa’t isa, takot na mawalan ng kapayapaan. Naalala ko ang panakaw na tingin ni Papa noon tuwing tinatanong ko siya tungkol sa pagkabata ko. Ang pilit niyang ngiti, ang pagbaling ng usapan. Lahat pala ‘yon ay paraan para protektahan ako mul
Celeste's POV Sabay kaming lumabas ni Chester ng kwarto—magkayakap pa rin, ang kamay niya ay nakapulupot sa beywang ko na para bang ayaw niya akong bitiwan. Halos hindi ako makatingin sa unahan habang papalapit kami sa sala. At doon ko siya nakita—si Joaquin, nakaupo sa couch, tahimik, pero halatang nagpipigil ng emosyon. Hindi ko alam kung ilang minuto na siyang naghihintay roon, o kung gaano karami sa nangyari ang narinig niya. Pero ang titig niya sa akin ay sapat na para manginig ang buo kong katawan sa hiya. Napako ang tingin ko sa lamesita. Doon nakapatong ang isang bouquet ng puting rosas, simple pero elegante. Alam kong para sa akin iyon. At sa mismong pagtagpo ng mga mata namin, nakita ko sa mga mata niya ang sakit. 'Yung uri ng sakit na tahimik, pero ramdam mo ang bigat. Naramdaman ko ang biglang paghigpit ng hawak ni Chester sa beywang ko. Parang sinasadya niyang idiin ako sa katawan niya, ipinapamukha kay Joaquin na akin ka na muli—na hindi na siya bahagi ng mundong mulin
Celeste's POV Pareho kaming hingal na hingal habang nakahandusay sa ibabaw ng study table. Basang-basa ang balat ko ng pawis at parang nanginginig pa rin ang tuhod ko sa sobrang lakas ng sensasyong bumulusok mula sa pagkababae ko papunta sa kabuuan ng katawan ko. Pakiramdam ko ay namamaga na ako sa tindi ng walang humpay na paglabas-masok niya—walang pahinga, walang habag. Isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib ni Chester. Ramdam ko pa ang mabilis na tibok ng puso niya habang yakap-yakap ko siya na para bang ayokong matapos ang sandaling ito. Sa kabila ng lahat ng sakit, galit, at hindi pagkakaunawaan—narito kami. Sa isa’t isa. Muling nagtagpo. Muling bumigay. Pagkalipas ng ilang minuto, bumangon siya at naglakad papunta sa banyo. Tumitig pa siya sa akin at ngumiti. “Sabay tayong maligo,” yaya niya, pero umiling lang ako. “Hindi. Kapag sumabay ako, baka hindi na naman ako makalabas ng buhay sa loob ng shower,” natatawa kong sagot, pero totoo naman. Iba ang Chester kapag nasa tubig—mas
Celeste's POV Nagising ako sa banayad na paghaplos sa aking braso. Marahan, tila takot siyang magising ako—o baka naman gusto lang niyang namnamin ang bawat segundo ng katahimikan na kasama ako. Bahagyang umangat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mukha ni Chester. Hindi siya nakatingin sa akin. Bagkus, nakatuon ang paningin niya sa bawat pagdampi ng labi niya sa balikat ko, sa leeg ko, pababa sa aking dibdib, na para bang idinidiin niyang totoo ang bawat saglit. "Good morning, Wifey," bulong niya. May tinig ng panibugho at pananabik. Para bang sa mga simpleng salita na iyon, gusto na niyang bawiin ang lahat ng panahong nawala sa amin. "Good morning, Hubby," sagot ko habang pinagmamasdan ang malalim na tingin sa mga mata niya. Ipinatong ko ang isa kong paa sa kanyang balikat, isang kilos na hindi lamang pang-aakit kung 'di simbolo ng pagtanggap. Sa kabila ng lahat, siya pa rin ang pinili ko. Napakapit ako sa buhok niya nang muli kong maramdaman ang haplos ng kanyang labi sa p
Celeste's POV Namumula ang mga mata ni Chester nang muli ko siyang tingnan—mga matang punong-puno ng lungkot, pangungulila, at isang napakatinding pagsusumamo. Para siyang batang naiwan sa ulan, basang-basa ng pait at pag-asa, nakatingin sa akin na parang ako na lang ang natitirang dahilan ng mundo niya para magpatuloy. At sa bawat pilit niyang pagngiti sa kabila ng nangingilid na luha, ramdam ko ang bigat ng pinipigil niyang damdamin—ang matagal nang pangungulila, at ang sakit ng pagbitaw. Hindi ko na kayang tiisin pa ang tingin niyang iyon. Pagod na ako—pagod nang lumayo, magkunwaring buo ako, magkunwaring wala na akong nararamdaman. Ilang gabi na akong umiiyak habang yakap si Caleigh, iniisip kung tama ba ang ginawa kong pagputol sa amin, kung makakaya ko bang mabuhay sa mundong alam kong wala siya. At ngayong narito siya, kaharap ko, sugatan pero humihiling pa rin ng ikalawang pagkakataon, bakit pa ako magpapanggap? Kung dati ay binigyan niya ako ng pag-asa, binigyan niya ako n
Celeste’s POV Tahimik ang buong paligid habang hinahayaan kong lamunin ng katahimikan ang kuwarto. Sa labas ay ang patak ng ulan, tila nakikiayon sa bigat ng damdaming pilit kong kinukubli. Sa loob ng banyo, maririnig ang pagbuhos ng tubig sa shower—si Chester. Naliligo siya matapos ang mahabang araw. At heto ako ngayon, nakatayo sa gitna ng kuwartong minsan naming pinagsaluhan ng mahihiwagang gabi’t masalimuot na umaga. Habang nagpapahid ng luha, pinilit kong ibaling ang atensyon ko sa isang praktikal na bagay—ang hanapan siya ng maisusuot ngayong gabi. Hindi ko siya kayang paalisin sa ganitong oras. At saka, bahay niya rin ito, kahit pa ako ang naiwan dito. Siya ang nagpatayo ng bahay na ito, siya ang nagdisenyo ng bawat dingding, bawat sulok. Lahat ay may bakas niya. Binuksan ko ang closet at halos mapangiti nang makitang nandoon pa rin ang ilan niyang lumang damit. Maayos pa rin ang pagkaka-fold, parang hinihintay siyang muling bumalik. Kinuha ko ang isang puting cotton shirt at
Celeste's POV Napakabigat. Para akong binuhusan ng isang drum ng malamig na tubig habang binubuhat ng libo-libong batong nakapatong sa dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ako humahakbang palabas ng ospital, hindi ko rin alam kung paano ako humihinga habang patuloy lang ang pagbagsak ng luha ko—tila walang katapusan, parang ilog na hindi maampat ang agos. Kasabay ng bawat patak ng luha ko ay ang paulit-ulit na tanong sa isip ko—bakit? Bakit kailangang itago sa akin ang katotohanan? Bakit kailangang malaman ko ito sa ganitong marahas at masakit na paraan? Hindi ba ako karapat-dapat malaman kung sino talaga ako? Pagkalabas namin ni Chester sa ospital, bigla akong napahinto sa tabi ng pader. Doon ko na hindi na napigilan ang sarili ko. Napaupo ako sa malamig na semento, nakayuko, habang walang tigil ang pag-iyak ko. Nanginginig ang buong katawan ko, hindi dahil sa lamig, kundi dahil sa sobrang sakit at pagkabigo. I felt like a stranger in my own skin. Hindi ko na kilala ang sarili ko.
Celeste’s POV Isang linggo na ang lumipas, ngunit para pa rin akong binabagabag ng bawat alaalang parang sariwa pa ring humihiwa sa puso ko. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang nangyari—ang pagsubok ni Isabelle na patayin si Reginald, ang duguang katawan niya sa sahig ng Villamor Mansion, at ang mukha ni Chester, puno ng takot, galit, at pagkawasak. Pero higit sa lahat, ang pinakamahirap tanggapin ay ang katotohanan—na si Chester ay hindi isang tunay na Villamor, at ako... ako pala ang anak ng hayop na si Reginald Villamor. Isang bunga ng kasalanan. Isang patunay ng isang gabi ng karahasan at panggagahasa. Walang araw na lumilipas na hindi ko tanungin ang sarili ko kung paano ko kakayaning tanggapin ang katotohanang iyon. Hindi ko nga alam kung paanong hindi ko nasuka ang sarili ko sa tuwing naiisip ko kung sino talaga ang gumawa sa akin. Sa tuwing sinisilip ko ang silid ni Reginald, para akong sinasakal ng galit at pandidiri. Naputol lang ang pag-iisip ko nang biglang tumabi s