Tatlong araw na mula ng mangyari ang mainit na tagpong iyon sa pagitan nila ni Keith. Hiyang-hiya siya pagkatapos. Hindi man lang siya kumontra, bagkos ay tinugon ito. Ngayon niya lang napagtantong, sobrang rupok niya pala.
Bakit kasi ganoon ang epekto ng binata sa kan'ya?
Kontrol-kontrol din, 'pag may time! ani ng isang tinig sa isip niya.
Pagkagaling sa opisina, dume-derecho na siya sa HDA. Inaabala niya ang sarili sa paglilinis sa tuwing lumalabas ng silid ang binata. Hindi naman niya totally maiwasan ito dahil amo pa rin naman niya. Panay ang utos nito sa kan'ya, kahit wala namang kuwenta ang mga pinapagawa nito.
Puro mabibilis lutuin ang iniluluto niya. Kung kumakain man sila ng sabay, hindi niya ito kinakausap at binibilisan din niya ang pagkain. Kailangan, siya ang umiwas. Siya ang dapat kumontrol.
Napatingin siya sa gawi ng sala nang makarinig ng pag-strum ng gitara. Malapit na siyang matapos sa niluluto. Napangiti siya nang marinig ang sunod-sunod na pag-tugtog nito. Pamilyar sa kan'ya iyon. Ilang sandali pa ay narinig na niya ang pag-awit nito.
"Can I call you baby? Can you be my friend? Can you be my lover up until the very end?" ani ng malamyos na himig ni Keith mula sa sala.
"Puwede naman," wala sa sariling sagot niya dito, sabay ngiti. Bigla niyang tinakpan ang bibig, dahil baka marinig siya nito.
Smile na lang ginawa niya nang mga sumunod na sandali. Lalo siyang ginanahan sa pagluluto dahil sa boses ng binata.
Kung kilig man lang ang pag-uusapan. Magaling si KH, lalo na kapag nasa stage. Pero hindi pa siya nakapunta sa kahit anong concerts ng banda nito. Sa TV, Youtube at sa social media niya lang ito nakikita.
Malapit na siyang matapos sa paghahanda ng mesa. Tapos na din siyang magsandok ng ulam.
Tumingin muli siya sa gawi ng sala. Ibang awitin naman ang inaawit nito. Kasama iyon sa album ng banda nito. Gusto niya sanang patapusin ang ginagawa nito. Pero sa huli, hinayon din siya ng mga paa papunta sa sala. Baka kasi lumamig na ang sabaw. Sinigang na baboy ang niluto niya at may gulay din.
Napatigil ang binata nang makita siya.
"Luto na po, Sir." Nakayuko siya ng bahagya. Ayaw niyang tingnan ito sa mata.
"Okay. Sabayan mo akong kumain," anito at ipinatong ang gitara sa may center table.
Nauna siyang naglakad pabalik ng kusina nito. Alam niyang nakasunod ito sa kan'ya.
Napatigil siya sa paglalakad nang unahan siya nito. Hinila nito ang lagi niyang inuupuan kaya napatingin siya dito.
"Sit," anito at nginuso ang upuan.
Nahihiyang naglakad siya at umupo. "Thank you po," aniya dito. Hindi pa rin inaalis ng binata ang pagkakahawak sa upuan.
"Cut the po, Thea, and please call me Keith," bulong nito sa kaniya. Biglang nagtayuan ang balahibo niya. Hindi dahil sa sinabi nito, kundi sa tinig nito. Bakit ba may pabulong-bulong pa itong nalalaman, eh, sila lang naman na dalawa ang narito ngayon.
"Understand?" anito ulit.
Napapikit siya. "Okay."
Pagkasabi niya ay naglakad na ito patungo sa puwesto nito. Nakatingin ito sa kaniya habang nagsasandok ng pagkain nito.
Tahimik lang siyang sumusubo. Panay naman ang puri nito sa luto niya ng binata. Isang tanong, isang sagot lang siya dito lagi. Muntik na siyang mabulunan ng tanungin siya nito.
"Are you avoiding me?" anito at tumitig sa kan'ya.
"H-hindi po,"
"Are you sure?" tanong ulit nito.
"Opo," magalang niyang sabi. Pero napailing ito.
"Sabi ng tanggalin mo ang salitang po, o kaya opo! Ganoon ba ako katanda, at nahirapan kang tanggalin ang po? Isa pang sabi ng po. Makakatikim ka sa akin ng- nevermind. Basta sundin mo na lang ako." Uminom ito ng tubig kapagkuwan.
"O-okay," nahihiyang sabi niya dito.
Naiilang siya sa tinging ipinupukol nito sa kaniya kaya hindi siya makakain ng maayos.
"Why are you still single, Thea?"
Napahawak siya sa lalamunan niya. Muntik na siyang mabilaukan sa tanong nito. Hinigit niya ang baso na may lamang tubig at ininom iyon. Pagkatapos ay tumingin siya dito.
"Wala pang nagkakamaling manligaw, eh," sagot niya sa tanong nito.
Narinig niya ang pag-tsk nito. "Why do women always say that? Parang proud pa kayong sabihing pagkakamali ang ligawan kayo?"
"Hindi naman, nakasanayan lang kasi naming sabihin, instead na wala,"
Napaangat lang ito ng kilay sa sinabi niya.
"Okay. Ano ba ang gusto mo sa isang lalaki?"
Parang gusto niyang matawa sa tanong nito. Bakit ba nito tinatanong iyon?
"'Yong mahal ako," tipid na sagot niya dito.
Natigilan ito. Parang gusto niyang bawiin ang sanabi. Pagkatapos niyang sabihin iyon, hindi na ito umimik.
Tatanong-tanong pa kasi, aniya sa isip.
Sa kabilang banda ng puso niya, nakaramdam siya ng lungkot. May mahal na talaga ito. Humu-hoping pa naman sana siya. Pero bakit, nangahas itong halikan siya noong nakaraan? Dahil ba, gusto lang nitong maglaro ng apoy? At, siya ang napili nito?
Panay ang buntong hininga niya habang naghuhugas ng mga pinagkainan. Pati tuloy siya hindi mapakali. Dapat okay sa kaniya na hindi nito pinapansin, umiiwas nga siya, diba? Pero traydor naman ang pakiramdam niya, nalulungkot, at naiinis siya. Hindi na kasi siya nito kinibo simula kanina.
Natigilan siya sa paghakbang palapit sa sala nang marinig itong may kausap sa telepono. Galit na galit ito.
"Ma, please, ayoko!Hayaan mong ako ang maghanap ng..." Hindi na niya narinig ang mga sinabi ni Keith sa kausap dahil nakita siya nito. Tinapunan lang siya nito ng tingin saka mabilis na pumasok ito sa silid nito.
Mukhang personal na, at ayaw nitong marinig ng iba.
Inabala niya ang sarili sa paglilinis. Araw-araw na lang niyang nililinis ang malinis. Nakokonsensya siya minsan. Hindi naman talaga madumi. Pero sabagay, pagluluto naman yata ang pinaka main task niya.
Kakalabas niya lang ng ikatlong silid nang lumabas din ang binata. Napatingin siya sa hawak nitong telepono, basag na iyon.
"Mag-ayos ka na, isasabay na kita, " sabi nito at pumasok muli sa silid nito.
Mukhang hindi puwedeng tumanggi, wala ito sa mood. Hindi siguro naging maganda ang pakikipag-usap nito kanina sa telepono. Hindi naman madudurog ang telepono kung maganda ang usapan ng mga ito.
Tumayo siya kaagad pagkalabas nito ng silid. Bihis na bihis na ito.
Saan kaya ito pupunta ng ganoong oras?
Sumunod siya rito nang maglakad ito patungong pintuan. Nahiya siya bigla ng hintayin siya nito sa pinto. Pinauna siya nito makalabas. May pagka-gentleman pa rin pala ito kahit na wala sa mood. Maging pagdating sa sasakyan ay ipinagbukas din siya nito.
"Thank you," aniya dito nang umayos ito ng upo.
Pilit na ngumiti lang ito sa kan'ya kapagkuwan.
Kaagad na isinuot niya ang seatbelt pagka-sara nito ng pinto. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makapasok. Bigla niyang iniwas ang tingin nang mapatingin ito sa kan'ya.
Napasinghap siya nang bigla nitong inilapit ang sarili sa kaniya. Nakatitig ito sa kan'ya habang may kinakapa ito sa gilid niya. Pigil ang hiningang sinundan niya ng tingin ang kamay nito. Hindi pala maayos ang pagkaka-buckle niya hanggang sa marinig niya ang pagtunog. Katunayan na naka-buckle na ng maayos.
"Thank you..." mahinang sabi niya.
Bago nito pinaandar ang sasakyan ay hiningi nito ang address niya, at itinipa iyon sa screen, na nasa harap nito.
Tahimik ang buong biyahe nila hanggang makarating sa apartment niya.
Baka ipagbukas pa siya nito, inunahan na niya itong buksan ang pinto sa gilid niya. Saka nagpasalamat dito. Tumango naman ito sa kan'ya.
Akmang ilalabas na niya ang mga paa nang tawagin siya nito.
"Thea..."
Lumingon siya dito.
"Good night. See you tomorrow," masuyong sabi nito sa kan'ya.
Unang beses itong nagsabi ng ganoon simula ng magtrabaho siya dito. Puro tango at ingat lang ang naririnig niya dito.
"Good night din. See you," nahihiyang sagot niya dito.
Hinintay niyang makaalis ang sasakyan nito bago umakyat ng apartment.
Pagbukas niya ng pinto ay sa kaniya lahat nakatingin ang mga kasamahan. Kakaiba ang mga ngiti ng mga ito kaya nagtaka siya.
"Bakit po?" takang tanong niya sa mga ito.
"Sinong naghatid sayo, Theang? Boyfriend mo?" sunod-sunod na tanong ni Zoe sa kan'ya.
"Hala, hinatid lang, boyfriend kaagad? Hindi ba p'wedeng nakisabay lang?" napapailing na sabi niya sa mga ito. Binigyan agad ng mga ito ng ibig sabihin. Nagmagandang loob lang ang tao.
"Asus, eh ba't sa'min walang naghahatid na naka-sports car? Ha?" Si Zoe ulit.
"Oo nga," segunda naman ng ilan.
Naiiling na iniwan niya ang mga ito. Pagka-pahinga ay naglinis siya ng katawan. Hindi pa rin maalis sa isip ng mga kasamahan ang nalaman ng mga itong may naghatid sa kan'ya. Si Zoe lang naman ang laging kasabayan sa pag-uwi. Baka dito galing ang tsismis.
Kahit nasa banyo siya ay naririnig niya ang mga mapang-asar na mga sinasabi ng mga ito. Nakakahiya, kapag nalaman ito ni Keith.
Inagahan niyang naligo kinabukasan. Baka siya na naman ang magiging desert ng mga kasamahan. Hindi tuloy siya nakapag-baon. Kaya nang dumating ang tanghalian, sumabay siya kay Clark na kumain sa labas.
Dahil hindi naman niya kabisado ang menu sa restaurant na kakainan nila. Hinayaan niyang si Clark ang nag-order para sa kan'ya. Tutal nagmagandang loob naman ito na umorder para raw sa kan'ya.
Inaabala niya ang sarili sa pagba-browse sa social media nang mapansing may nakatayo sa gilid niya.
Dahan-dahang tiningala niya ito.
"Keith!" bulalas niya nang mapagsino iyon.
Ang guwapo nito sa suot na business suit. Ito ang unang beses na nakita niya itong nakasuot ng ganoon.
"Yes, baby. It's me," nakangiting sabi nito sa kan'ya na nakapamulsa.
Napalunok siya nang marinig ang endearment nito. Ito rin ang endearment nito sa kan'ya nang halikan siya nito.
Hindi niya napansin na nakabalik na pala si Clark sa table nila. Nakatingin si Clark kay Keith habang inilalapag nito ang order nila.
Napakunot-noo naman si Keith nang tumingin kay Clark. Nagsukatan nag mga ito ng tingin kaya napatikhim siya.
Napalunok siya nang tumingin sa kan'ya si Keith ng masama.
"Is he your friend, baby?" nakataas ang kilay na tanong nito sa kaniya.
Nasamid niya ang sariling laway dahil sa huling sinabi nito. Napatingin siya kay Clark na alanganin din ang ngiti.
Hindi pa niya nasasagot si Keith nang magsalita ito ulit.
"Baby..."
Shit! Isa pa Keith, maniniwala na talaga akong para sa akin nga ang endearment mo! aniya sa loob-loob.
"Sino siya, baby?" anito ulit.
Parang gusto niyang sumigaw dahil sa kilig ng mga sandaling iyon.
Siya nga ang tinatawag nitong baby!
Tumingin muna siya kay Clark bago sumagot. Nakaupo na ito.
"Ahm, katrabaho at kaibigan ko," sagot niya habang nakatingala siya kay Keith.
Tumango-tango si Keith sa sagot niya. Magsasalita sana ito nang marinig nitong tinatawag ito. Sabay pa silang napatingin sa babae. Marahil empleyado nito, pormal kasi nitong tinawag si Keith.
Sinenyasan nito ang babae saka bumaling sa kan'ya.
Nagulat siya nang yumuko ang binata at mabilis na hinalikan siya nito sa labi. Literal na natigilan siya dahil sa ginawa nito. Hindi niya akalaing hahalikan siya nito sa publiko.
Natanong niya tuloy sa sarili kung ano ang ibig sabihin ng mga ikinikilos nito. Kagabi iyon nagsimula. Hindi niya tuloy iwasang tanungin ang sarili kung sinadya ba nitong ihatid siya kagabi, o may lakad nga ba talaga ito.
"See you later..." masuyong sabi nito sa kan'ya. Sinulyapan pa nito si Clark bago umalis.
Hanggang sa pagbalik ng opisina nila, panay ang tanong ni Clark. Kung paano ba niya nakilala si Keith. Kilala pala nito si Keith.
Sabagay, sino bang hindi makakakilala sa guwapo, at sikat na vocalist ng New Dawn?
Napangiti si Thea nang makitang nag-aayos na ang ibang katrabaho, para umuwi. Hindi niya pinahalata kay Clark na excited siyang mag-out ng opisina. Sabi niya kasi dito, wala siyang gusto kay Keith. At, alam na kasi nito, na nagtatrabaho siya sa gabi, bilang cook ng binata. Nakailang tanong pa ito kung wala ba talaga siyang gusto dito. Gusto lang talaga niyang panindigan ang sinabing, wala siyang gusto kay Keith. Natawa siya sa sarili nang maalala ang sarili kanina, hindi pa man time ng uwian ay panay na ang tingin niya sa orasan. Ilang beses pa siyang nagdasal na sana bumilis ang oras. Excited lang siyang makita ang binata at kung ano na naman ang gagawin nito. Parang gusto niyang matawa sa sarili. Para siyang teenager, hindi mawala-wala ang kilig. Kasi hanggang ngayon di mawala-wala sa isip niya ang ginawa ni Keith sa kan'ya. Una, tinawag siyang baby nito. Pangalawa ay hinalikan siya sa labi, at sa public pa. Pakiramdam niya, siya, ang pinaka-magandang babae ng mga sandaling iyon.
PANAY ANG TINGIN ni Keith kay Thea habang nagmamaneho. Ano ba ang naisip nito at uminom ng ganoon karami? Hindi naman pala kaya, iinom-inom. Paano kung pagsamantalahan ito ng iba doon? Napailing na lang siya. Pinuntahan niya ito sa apartment nito pero wala ito doon. Tinawagan pa niya isa-isa ang binigay ni Zoe na mga numero, na posibleng kasama ng dalaga. Si Clark lang ang sumagot sa mga ito. Pinuntahan niya kaagad ang bar na sinabi nito.Maingat na binuhat niya ang dalaga hanggang sa penthouse. Akmang ilalapag niya ito sa kama niya nang maupo ito. Mukhang nasusuka, kaya binuhat niya ito ulit. Hindi pa man siya nakakarating ng banyo ng magsuka na nga ang dalaga."God, Thea!" inis na sambit niya dito. Nadamay kasi ang damit niya, sinukahan nito. "You'll pay for this!" gigil na bulong niya.Napatingin siya sa dalaga nang sumagot ito ng, hmmn. Napailing siya bigla."Then, expect when you are sober, baby," masuyong sambit niya at hinalikan ito sa noo sabay tulak sa pintuan ng banyo.Na
Napadaing si Thea nang bigla siyang bumaling. Kasabay niyon ang pagmulat niya ng mata. Napatingin siya sa katabi. Natampal niya bigla ang sarili nang maalala ang nangyari sa kanila ni Keith. Ngayon lang rumagasa ang takot sa dibd*b niya. Wala namang kasiguruhan sa kanila ni Keith. Sinabunutan pa niya ang buhok ng ilang beses bago tumayo ng kama. Tulog na tulog ang binata. Kaagad na hinanap niya ang bag niya. Hindi siya umaalis ng apartment na walang extra, mula sa panloob hanggang sa damit. Napangiwi siya nang sumakit ang maselang bahagi niya ng masagi ng panty niya. Mas lalo na ng isuot ang leggings. Tinapunan niya ng tingin ang binata. Ganito pala ang pakiramdam na ma-divirginize, sarap sa una tapos sakit sa huli. Partida, pinagpala ang pa adonis na nakahiga sa malaking kama. Gumalaw si Keith kaya nagmadali siyang lumabas ng silid. Napatingin siya sa wallclock. Alas-kuwatro na pala ng umaga. Ano na lang ang sasabihin ng kan'yang mga kasamahan sa apartment. Kung saan-saan siya n
Excited na lumabas ng opisina si Thea. Nagtext na kasi si Keith, na nasa baba na ito at naghihintay sa kan'ya. Parang mapupunit na ang bibig niya kaka-smile. Hanggang ngayon kasi hindi siya makapaniwala na nobyo na niya ito. Nangako pa ito sa kan'ya na iimbitahin siya nito sa concert ng banda nito. Kaso mga tatlong buwan pa. May ticket na nga siya. Halos tatlong linggo na rin pala niyang kilala ang binata ng personal. At hindi lang basta kilala, nobyo na niya ito. Naka-dalawang linggo na rin sila.Nakaramdam siya ng lungkot ng maalalang isang buwan na lang ito dito sa dubai."Baby..."Napapitlag siya nang marinig ang boses ni Keith. Palapit na ito sa kan'ya. Hinapit siya nito kapagkuwan at mabilis na hinalikan sa labi."Madami ka bang ginawa? Mukhang biyernes santo ang mukha mo, eh." Sabay pa pisil ng pisngi niya."May naalala lang," sabi niya."Like?""Nothing. Saka na natin pag-usapan. Tara na, baka nagugutom ka na." Yakag niya sa nobyo."Okay, sabi mo, eh!" Inabot nito ang kamay ni
Napatingin si Thea sa wallclock na nasa silid ng binata. Ala-una pa lang pala ng madaling araw. Akala niya umaaga na. Akmang tatayo siya nang higitin ni Keith ang beywang niya. "Where are you going, hmmn?" anitong nakapikit ang isang mata. "Magba-banyo lang. Ano ka ba? Matulog ka pa nga!" "Okay. Kiss muna," anito at ngumuso. Natatawang tinampal niya ito at tinulak pahiha. Nakangiti ito habang nakapikit ang mga mata. Binalot niya ang sarili ng comforter. Lumapit siya sa closet ng binata at naghanap ng damit nito. Napangiti siya nang makita ang boxer nito. Gamit na ang kinuha niya. Pagkatapos magdamit ay pumasok na siya ng banyo. Kakatapos niya lang maghugas ng sarili nang bumukas ang pintuan ng banyo. Iniluwa no'n ang binata. Napangiti ito nang makita siyang itinataas ang suot. "Ang bastos mo, Keith! Kita mo ng 'di pa ako tapos, 'di ba?" aniya sa mataray na himig. Natawa itong lumapit. "Eh, naiihi na rin ako." Bigla siyang tumalikod nang ilabas nito ang kahabaan at itinutok
ISANG LINGGO NG matamlay si Thea. Hindi pa rin siya makapaniwala. Iniwan siya ni Keith na hindi man lang nagpapaalam. Hanggang saan niya panghahawakan ang sinabi nitong babalik?Nawalan siya ng gana magtrabaho sa gabi nitong nakaraan.Napatingin siya sa kaibigan na palapit sa kan'ya. May dala itong pagkain. Kakatapos lang nilang mag-window shopping dito sa pinaka-malaking mall ng Dubai. Napilitan lang siyang sumama kay Vina. Para libangin ang sarili."Kainan na!" masayang sabi Vina. Inilapag nito ang pagkain sa mesa nila.Ngumiti siya dito ng mapakla. Tinulungan niya itong ayusin ang mesa nila."Grabe! Busog na busog ang mata ko sa ganda ng mga bilihin, buti hanggang window lang talaga tayo," natatawang sabi nito."'Pag mayaman na tayo, mabibili na natin ang mga nakita mo kanina," aniya dito."Oh, yeah! Kailan kaya tayo yayaman?""Pagputi ng buhok ko," wala sa sariling sagot niya."Ah, hindi na uwak? Sabagay, may pag-asa tayo kapag buhok ang pumuti." Humagikhik pa ito.Napakunot-noo i
NAPANGITI SI THEA nang makababa ng eroplano. Napapikit siya at lumanghap ng hangin. Polluted, pero nakakamiss ang ganitong amoy ng Pilipinas. Only in the Philippines.Napatingin siya sa mga kasabayan sa arrival area. May kaniya-kan'yang sundo ang mga ito.Napangiti siya ng mapakla. Siya, hangin lang yata ang yumakap sa kan'ya para salubungin at i-welcome back siya.Hindi niya maiwasang isipin ang mga magulang at kapatid. Walang kaalam-alam ang mga ito na nakauwi na siya. Bibisitahin na lang niya ang mga ito kapag okay na ang problema niya.Pero paano kung hindi magiging maganda ang resulta ng lakad niya? Napabuntong-hininga na lang siya.Nakaramdam na siya ng paninigas ng tiyan kaya binilisan niya ang lakad palabas. Kaagad na nagpara siya ng taxi. Sa Quezon City siya nagpahatid kapagkuwan. Buti na lang may landmark ang lugar na pinuntahan niya. Minsan pa naman ang mga taxi napakatamad maghanap."Salamat po," aniya at ibinigay ang bayad dito.Akmang tatalikod siya nang tawagin nito."S
"CAREFUL!" SIGAW NI Kristen sa kan'ya nang makita ang madulas na parte ng sahig ng ospital. Kakalinis lang kasi ng janitor.Sinamahan siya nito para sa unang check up niya dito. May record naman siyang dala mula sa ospital na pinag-check-upan sa Dubai.Nahihiya siya kay Kristen dahil umabsent pa talaga ito para masamahan siya sa kaibigan daw nito. At, para daw sa susunod kahit siya na lang daw mag-isa."Baka mahal ang singil dito, 'Tin," aniya dito."Naku,'wag kang mag-alala mura lang maningil iyon kapag kaibigan ko. Isa pa, tauhan ng asawa niya si Kuya. Kaya malakas ang kapit natin," natatawang sabi nito sa kan'ya."Sobra na talaga ang tulong niyo sa akin. Hayaan niyo susuklian ko din ang kabutihan niyo sa akin,""Magda-drama na naman ba tayo dito? Wala akong panyo, Thea. Saka, buong piso lang naman ang ibinigay namin sa'yo. Thank you na lang sa 50 cents na isisusukli mo." Tumawa ito kapagkuwan. Kaya nakitawa na lang siya.Tama nga si Kristen mabait ang kaibigan nitong OB na si Nikki
NAPATINGIN SIYA SA main door ng simabahan. Unti-unting binubuksan iyon. Namumuo na ang mga pawis sa noo niya, maging sa leeg. So, ganito pala talaga ang nararamdamn ng mga lalaking ikinakasal sa babaeng mahal? Grabe, sobrang nakakakaba. Hindi mo alam kung sisiputin ka ba o hindi. Though, alam niyang sisiputin siya ng asawa dahil kasal na sila. Nagpakawala siya ng hininga para pakalmahin ang sarili kasabay ng pagpunas ng pawis, na tumutulo na pala. Bumungad sa kan’ya ang liwanag. Hindi niya makita ang asawa kaya kinabahan siya. Kanina pa siya napapraning kahit hindi pa nagsisimula. Paano kung iwan ulit siya ng asawa kagaya ng ginawa nito? Tinampal niya ang dibdib kapagkuwan. Pakiramdam niya napakabagal ng mga sandaling iyon. ‘Yong excited ka ng makita ang mahal mo, saka naman binagalan ang oras. Ibinalik niya ang tingin sa pintuan ng sinimulang kantahin ni Kendra ang Destiny ni Jim Brickman. Hindi niya kilala ang magiging ka-duet ng kaibigan pero ang alam niya, nagtatrabaho iyon
KINABUKASAN, NAGISING SI Thea ng maramdaman ang init na hininga na bumubuga sa pagitan ng hita niya.Napamulat siya at tumingin sa baba niya. Napaawang siya ng labi. Si Keith, na sinasamba siya ng pagka-aga-aga.“Oh God,” hindi niya mapigilang mapa-halinghing ng simulan nitong himudin ang pagkabab*e niya. Awtomatikong napahawak siya sa buhok ng asawa dahil sa sensasyong dulot ng maiinit nitong dila.“Ohhh,” ungol niya. Kasabay niyon ang paggalaw ng mga hita niya.Hindi siya mapakali dahil sa sarap ng nararamdaman niya. Kumapit siya sa bedsheet para kumuha ng supporta.Hindi niya akalaing ganito bumati ang asawa niya sa umaga. Parang gusto niyang sagutin ng, ‘Good morning’ din. Napaliyad siya ng patigasin nito ang dila at nilaru-laro ang kanyang cl*t na lalong nagpainit sa buong katawan niya. Habang ang isang daliri nito ay naglabas-pasok na sa loob niya.Masyado namang ginagalingan ng asawa niya kaya liyong-liyo na siya. Hindi na niya alam kung saan babaling ng mga sandaling iyon.“
HINDI NA SIYA pinauwi ni Keith nang gabing iyon. Lahat ng gamit nila ay pinalipat na nito sa bahay nito. Hindi, sa bahay daw nila.Natulog siya sa tabi ng anak pero nagising siya na nasa tabi ng asawa. Paniguradong binuhat siya nito papunta sa silid nito. Yakap-yakap siya ng asawa nito. Akala mo naman aalis siya.Maaga siyang naligo dahil araw ng check-up niya ngayon. Baka mamaya naghihintay na sa kan'ya si Zoe.Magluluto sana siya nang mapansing meron na palang nakahain. Pumasok na lang siya sa silid ng anak.Nadatnan niya si Yaya na hinahawi ang malaking kurtina."Magandang umaga, Ate buntis.""Magandang umaga din." Nginitian niya ito kapagkuwan."Hindi daw makakapunta si Zoe,"Napakunot-noo siya sa sinabi nito. "Bakit? Sabi niya-""Si Sir Keith na lang daw po isama niyo.""So, pinagkaisahan niyo ako? Alam niyong si Keith-""Yaya,"Sabay silang napalingon ni Esang nang tawagin ito. Si Keith iyon. Gulo pa ang buhok nito pero hindi naman kabawasan ng kaguwapuhan nito. Narinig niyang s
KEITH'S POV...Nakailang silip sa Keith sa upuan kung saan dapat nakaupo ang asawa. Wala pa rin hanggang ngayon. Sinasadya na nga niyang ipa-delay ng kaunti ang simula ng concert. Kompleto na rin ang mga guests nila.Hinigit niya ang telepono niya para tawagan sana ito. Napakunot-noo siya ng nabasa ang mga mensahe nito."F*ck!" Bakit ba niya nakalimutang sunduin ang asawa sa labas? Hinintay siya ng asawa. Hinintay!Pinatawag niya ang coordinator ng event na iyon. Nanlumo siya ng sabihin nitong nagmadaling umalis ang asawa pagkatapos makita nito siya at si Miles, na inaalalayan ang huli na naupo.Na-check niya din ang CCTV. Totoo nga.Hindi naman kasi niya akalaing darating si Miles at magulang nila Thea. Naging abala siya kaka-entertain sa mga ito, samantalang, ang asawa ay matamang naghihintay. Tapos nakita pa nito sila ni Miles. Alam niya ang nasa isip ng asawa.Kahit hindi na bumalik ang asawa niya, nasabi pa rin niya ang matagal na niyang gustong sabihin sa madla. Na kasal siya sa
3 months later..."MISS D, MAGKANO ka kaya kapag binili?" Napatingin si Thea kay Tonton na noo'y nasa labas ng tindahan."Oo nga, Miss D para mapag-ipunan ko rin," ani rin ni Kiko na nasa upuan."Hoy, tigil-tigilan niyo si buntis!" sigaw ni Esang na kakapasok lang ng tindahan. Karga nito si Thor."Trillion, kaya niyo?" biro niya sa mga ito."Grabe! 3n1 na kape na nga lang d'yan. 'Yong twin pack, ha. Paki-lista na lang muna, Miss D. Wala pang pasahod si boss, eh." Nagkamot pa ito sa ulo.Bigla siyang natawa sa binata. Uutang lang naman pala ang dami pa'ng kuda.Pagkabigay niya ng kape ay nahiga siya sa duyan na nasa loob ng tindahan."Salamat, Miss D., hulog ka talaga ng langit!" nakangiting wika ni Tonton sa kan'ya. Tinanguhan niya lang ito."Hulog kasi tayo ng impiyerno," sabat ni Kiko na ikinatawa niya."Gag* ikaw lang. Hulog ako ng lupa," ani ni Tonton na binatukan pa ang kaibigan."Tingnan mo, tatanung-tanong kayo ng halaga ni Dorothy tapos ni pambili ng kape, wala kayo? Hay naku
NAPATIGIL SI THEA sa pagtayo mula sa kama nang maulalingan ang boses ng asawa sa veranda. Galit na naman ito. Kung hindi siya nagkakamali kausap nito ang ina.Nagpakawala siya ng buntong-hininga bago pumasok ng banyo. Tapos na siyang maligo pero nauulalingan niya pa rin ang asawa na may kausap. Mukhang hindi na iyon ang ina nito.Lumabas siya at tinungo ang silid ng anak. Naglalaro ito. Panaka-naka ang tingin nito sa TV na bukas. Ngumiti sa kan'ya ang yaya ng makita siya nito. Sinenyasan niya itong 'wag maingay dahil tumatawa ang anak.Nilapitan niya ito kapagkuwan. Hindi rin siya nakatiis dahil ang ganda ng tawa nito. Pinupog niya ito ng halik sa sobrang gigil. Pinagpapalo siya nito sa mukha dahil hindi ito makapanuod ng maayos.Hanggang sa paglabas ng silid ng anak ay dala-dala niya ang ngiti. Natigilan siya ng makita ang asawa, na lumabas mula sa malawak na verranda. Nagmamadaling pumasok ito sa silid nila. Pagpasok niya, nasa closet ito at naghahanap ng masusuot.“Aalis ka?” tanon
NAPALINGON SI THEA sa pinto nang bumukas iyon. Gumuhit ang ngiti sa labi niya nang makita ang asawa. Mukhang kulang ito sa tulog. Parang stress na stress din. Akala mo galing sa labanan. Gulong-gulo din ang buhok nito."K-kumusta si Miles?""I don't know if she's okay. Nainis ako. Iniwan ko na sila. Punong-puno na ako! I hate my parents! I hate them! Damn it!" Halata sa mukha ang galit nito.Kailangan nitong kumalma. Hindi siya magaling sa bagay na iyon pero susubukan niya.Marahas itong bumuntong-hininga saka naghubad sa harap niya.Nilapitan niya ito at ikinulong ang mukha nito sa mga palad niya.Tumitig ito sa kan'ya. Kita pa rin ang galit sa mga mata nito. Nginitian niya ito ng matamis. Mayamaya ay kumalma ang mga mata nito maging ang katawan na medyo nangiginig na pala sa galit."Relax, okay? Maligo ka muna para mawala ang init ng ulo mo. Mamaya na tayo mag-usap. I'll listen. Promise. We'll sort it out," kalmadong sambit niya.Tumangu-tango ito kapagkuwan sa kan'ya."Ipapainit ko
NAGMAMADALING LUMABAS SI Keith para tingnan ang istorbong bwisita niya. Ngayon pa nga lang siya bumabawi sa asawa niya tapos iistorbohin sila ng ganun-gano' n lang?Napaawang siya ng labi nang makita ang kapatid na si Blake Kent at Kendra na nakaupo sa sofa. Katapat ng mga ito si Caleb, at ang asawa nito. Naroon din ang mag-asawang Sebastian at Nikki.Si Caleb at Sebastian ay kababata at best friend ng kuya niya, na kalauna'y naging kaibigan niya din.Napatingin siya sa asawa ng kapatid niya, kay Kendra. Kinapa niya ang sariling damdamin para dito. Wala na siyang maramdamang kakaibang kabog.Hindi kagaya ng asawa niya, boses pa lang nito lumalakas na ang tibok ng puso niya. Hindi rin ito nawala sa isipan niya kahit ilang taon silang hindi nagkita. Minu-minuto gusto niyang makita.Si Kendra naman noon, ilang beses niya lang nakikita noon. Namimiss niya pero hindi ganoon katindi sa asawa niya. Kapag umuuwi lang siya galing sa kung saang lupalop ng mundo nakikita ito, hindi siya masyadon
"KEITH..." ANAS NIYA nang maramdaman ang kamay nito sa loob ng shirt niya."Yes, Baby?" nang-aakit nitong tingin sabay pikit ng mga mata. Dinadama nito ang tayong-tayo niyang bundok. Pinisil pa nito kaya medyo napadaing siya."M-mahal pa rin kita," sa wakas ay nasabi niya.Natigilan ito saglit pero bumawi din agad. Siya naman ang natigilan nang paulanan nito ng halik ang labi niya maging ang mukha niya."I know, baby. Gusto ko lang marinig mula sa labi mo. Hmmn." Kinagat pa nito ng bahagya ang ibabang labi niya. "And, I missed you're f*cking lips, too, Thea.""T-totoo ba ang sinabi mo kanina?" nauutal niyang tanong. Natigilan ulit ito sa pagdama ng kaliwang dibdib niya."Alin? 'Yong mahal kita?"Marahan siyang tumango.Hindi ito sumagot. Mayamaya ay naramdaman niya ang kamay nitong pilit na pumapasok sa panty niya.Napahawak siya sa balikat ng asawa nang maramdaman ang init ng palad nitong dumadampi sa balat niya, and it turns her on."Hindi ka ba naniniwala?" sagot nito habang naglul