Share

Chapter 5

Author: AVA NAH
last update Last Updated: 2022-08-01 18:44:35

Napangiti si Thea nang makitang nag-aayos na ang ibang katrabaho, para umuwi.

Hindi niya pinahalata kay Clark na excited siyang mag-out ng opisina. Sabi niya kasi dito, wala siyang gusto kay Keith. At, alam na kasi nito, na nagtatrabaho siya sa gabi, bilang cook ng binata. Nakailang tanong pa ito kung wala ba talaga siyang gusto dito. Gusto lang talaga niyang panindigan ang sinabing, wala siyang gusto kay Keith.

Natawa siya sa sarili nang maalala ang sarili kanina, hindi pa man time ng uwian ay panay na ang tingin niya sa orasan. Ilang beses pa siyang nagdasal na sana bumilis ang oras. Excited lang siyang makita ang binata at kung ano na naman ang gagawin nito.

Parang gusto niyang matawa sa sarili. Para siyang teenager, hindi mawala-wala ang kilig. Kasi hanggang ngayon di mawala-wala sa isip niya ang ginawa ni Keith sa kan'ya. Una, tinawag siyang baby nito. Pangalawa ay hinalikan siya sa labi, at sa public pa. Pakiramdam niya, siya, ang pinaka-magandang babae ng mga sandaling iyon. At kung nasa Pilipinas siguro sila, baka kanina pa siya dinumog ng mga fans nito sa sobrang inggit. Lahat yata ng fans nito ay gustong mahalikan ang binata.

Sumabay pa siya sa paglabas nila Clark. Samantalang dati, lagi siyang nauuna lumabas ng building nila.

Lahat sila natigilan nang may humintong sasakyan sa harap nila. Isa iyong Nissan Sentra. Napaawang siya ng labi nang makilala ang lumabas mula sa driver seat. Napatingin siya sa langit bigla. Hindi naman maaraw, in fact malapit ng mag-agaw ang dilim at ang liwanag. Pero ang adonis na bumaba mula sa magarang sasakyan ay parang silaw na silaw sa sikat ng araw, kahit nakatago na ang araw.

Bago ito maglakad palapit sa kanila ay ngumiti muna sa kaniya saka tinanggal ang magara din nitong sunglasses.

Parang gusto niyang tumakbo ng mga sandaling iyon dahil sa kakaibang pukol ng mga kasamahan. May apat na pinay pa silang kasamahan ng mga oras na iyon, maliban kay Clark na kilala na ang lalaking palapit. Alam niyang kilala na ng mga ito ang lalaking palapit sa kanila, kaya umingay ang paligid.

"’Di ba, si KH 'yan? Grabe, ang guwapo niya pala talaga sa personal!" kinikilig na sabi ni Marichu, na nasa tabi ni Clark.

Maging ang ibang katrabaho ay ganoon din halos ang reaksyon. Siya, nanatili lang sa kinatatayuan dahil titig na titig ito sa kan'ya. Nakakapagtaka na talaga itong Keith na 'to.

"Hi," nakangiting sambit nito nang huminto sa harap niya niya.

Napatingin siya sa mga katrabaho na abot tenga ang mga ngiti.

"Let's go," anito na ikinatigil niya.

"Ha?" Luminga pa siya, baka may iba itong sinasabihan. Pero, wala na siyang kasunod dahil ang ibang kasamahan ay nagkumpulan at nagbubulong-bulungan na sa kabilang gilid. "A-ako ba ang kinakausap mo?"

Bigla niyang inilihis ang sarili nang dumukwang ito. Baka halikan siya nito. Baka lang naman.

"May iba pa ba akong kakilala dito, baby?" anang paos na tinig nito sa tainga niya. Kinilabutan siya sa tinig nito.

Nailang siya sa posisyon nilang dalawa kaya umatras siya. Pero napasinghap siya nang higitin ni Keith ang beywang niya. Napahawak ang kaliwang kamay niya sa dibdib nito. Magkadikit na ang kanilang katawan. Ang init-init ng mga sandaling iyon kahit na wala naman ng araw.

Napatingin siya sa mga kasamahan na kinikilig na sa mga kinatatayuan ng mga ito. Pilit na ngumiti siya sa mga ito.

"Tara na. Gumagawa na tayo ng eksena dito," pabulong na sabi niya sabay tulak sa binata.

Hindi nakaligtas ang mahihinang tawa nito sa pandinig niya. Narinig din niya ang pagbati nito sa mga katrabaho niya, kaya nagtilian ang mga ito.

Init na init na ang mukha niya. Pakiramdam niya pulang-pula na siya. Bago pa man siya makarating sa magarang sasakyan ng binata ay nagpati-una na ito para pagbuksan siya. Ito rin ang nag-suot sa kan'ya ng seatbelt kaya pigil ang mga hininga niya. Titig na titig kasi ito sa kan'ya.

Nakahinga lang siya ng maluwag nang matapos nitong isuot ang seatbelt sabay ikot na sa driver seat.

Hindi siya makatingin ng derecho dito. Ibinaling niya ang tingin sa labas. Kahit kinikilig na siya sa mga kinikilos nito. Hindi pa rin mawala sa isip niya kung bakit biglang nagbago ang pakikitungo nito. Biglang naging sweet. Tapos sinundo pa siya nito sa mismong pinagtatrabahuhan niya. At, paano naman nito nalaman na dito siya nagtatrabaho? Naguguluhan tuloy siya. Bakit kaya? Dahil ba sa n*******n na siya nito? Sa tingin nito may karapatan na ito sa kahit anong gustong gawin nito?

Napakunot-noo siya ng ihinto nito ang sasakyan sa isang mamahaling restaurant. Kagaya kanina, ipinagbukas at inalalayan siya nito. Nagpasalamat siya kahit papaano.

Inakay siya nito hanggang makapasok. Hiyang-hiya siya sa suot niya. Simpleng T-shirt at pantalon lang ang suot niya. Tapos naka bakpack at sling bag pa siya. Pero si Keith, hindi man lang nahiya na isama siya dito.

"Siya na ba ang tinutukoy mo?" ani ng isang lalaking naka-three-piece suit. Matikas din ito kahit na may edad na.

"Yes," dinig niyang sabi ni Keith habang ipinaghila siya ng upuan. Naupo si Keith sa tabi niya.

"Okay. She's simple yet gorgeous," nakangiting sabi ng lalaki. Sa kan'ya ito nakatingin.

"Yeah," sang-ayon naman ni Keith.

Napalunok siya bigla. Hindi kaya ibebenta siya ni Keith? Nahintakutan siya sa naisip. Inilinga niya ang paningin. Tiningnan niya ulit ang pinasukan nila. Iniisip niyang takbuhin ito mamaya kapag nakompirma niyang ibebenta siya ng binata sa may edad na lalaking ito.

Napatingin siya sa kamay ni Keith na nakahawak na pala sa kamay niya.

"Here..." Tumingin siya sa lalaking kaharap. May inilapag itong envelope sa mesa.

Binitawan ni Keith ang kamay niya at kinuha iyon. Binasa nito saglit ang nasa loob saka ibinalik. Inilapag ng binata sa harapan niya ang envelope.

"Ano 'to?" nagtatakang tanong niya sa binata.

Akmang sasagot ito nang magsalita ang kaharap nila.

"It's a contract. You're working as a cook for him, right? You need to sign it, Miss Contreras. Sariling pera niya kasi ang inilalabas niya para sa sahod mo. Lahat ng expenses o kung ano mang bayarin ni Keith ay kailangang naka-record. At, patunay lamang iyan na nagtatrabaho ka sa kan'ya at ang perang inilabas niya ay para sayo," paliwanag nito.

Sabagay, singer si Keith. Hindi ito basta-basta kung sino. Lahat ng gastos nito dapat naka-declare. May mga taxes din itong binabayaran.

Nakahinga siya ng maluwag. Akala niya may gagawing hindi matino si Keith ng mga sandaling iyon.

Kinuha niya ang inilapag ng lalaki na ballpen sa harap niya. Hindi na niya inabalang basahin ito, tutal naman na esplika na ng kaharap. Mukhang hindi ito nagbibiro. Kailangan naman talagang legal ang pagtatrabaho.

Hinanap niya ang kan'yang pangalan at pinirmahan iyon lahat. Pagkatapos niya ay kinuha iyon ni Keith. Hinanap din nito ang pangalan nito saka pinirmahan.

Hindi rin naman nagtagal ang lalaki. Nagpakilala ito sa kan'ya bago umalis. Lester Medrano pala ang pangalan nito, at isa itong abogado.

Ang buong akala niya ay uuwi na sila. Tinawag ng binata ang waiter at umorder ito ng makakain, pang dalawahan iyon.

"Dito ka kakain? Ano pa't naging cook mo ako kung sa labas ka lang-"

"Rest day mo tonight, ite-treat kita. Okay?" nakangiting sabi nito at pinisil pa ang pisngi niya.

Hindi na siya umimik pagkatapos niyon. Naging abala ito sa telepono kapagkuwan. Panay ang iling nito habang nagbabasa, tapos nagtitipa din ito. Napatigil lang ang binata nang dumating ang order  nila.

Hindi siya naka-ayaw nang pagsilbihan siya nito. Wala namang Pilipino na naroon kaya hindi na siya kumontra.

Napatingin siya kay Keith nang mapansing pamilyar sa kan'ya ang binabaybay nilang daan.

Uuwi na siya? Wala siyang pasok? Nagpirmahan lang pala sila ng kontrata. Sayang hindi niya makakasama ang binata kahit na ilang oras lang.

Nakaramdam tuloy siya ng lungkot. Napatingin sa kaniya ang binata nang humalukipkip siya.

Sa labas na lang siya tumingin ng mga sumunod na oras. Kalat na ang dilim. Mukhang matutulog siyang malungkot nito.

Malapit na sila sa apartment niya kaya umayos siya ng upo. Nang ihinto nito ang sasakyan ay kaagad na tinanggal niya ang pagkaka-buckle ng belt.

Nagpasalamat siya dito kapagkuwan. Akmang bubuksan niya ang pintuan ng sasakyan nang pigilan siya nito.

"Tatlong araw akong mawawala," paalam nito nang lingunin niya.

Nakatanga lang siya sa sinabi nito.

Bakit nito sinasabi sa kan'ya?

Malamang, cook ka niya! ani ng isang tinig sa isip niya.

Napahiya siya bigla sa sarili.

"Ah, okay. " Ngumiti siya dito at hinawakan muli ang pinto.

Hindi pa man niya nabubuksan nang higitin siya ng binata palapit dito. Hinawakan nito ang batok niya at mariing hinalikan sa labi. Pilit nitong pinapasok ang loob niya gamit ang dila nito. Kaya wala sa sariling binuka niya ang bibig at binigyang daan ito upang makapasok. Tinugon niya ang mga sumunod na halik nitong mapusok.

Bago pa man lumalim iyon ay naitulak niya ang binata. Nakaramdam siya ng takot bigla. Paano kung lumalim iyon? Hindi pa siya handa kapag nagkataon.

Nagtama ang kanilang mga mata nang tingnan ito. Humahangos pa rin ito.

Napahawak ito kuwelyo ng damit nito at ini-unbutton ang isang butones habang nakatitig sa kan'ya.

"Hindi ka magtatrabaho tuwing gabi sa loob ng tatlong araw, ha? Wait for me, okay?" saad nito.

Nahihiyang tumango lang siya dito. Gusto niya sanang tanungin ito kung saan pupunta. Sa huli, hindi na niya inabala ang sariling tanungin ito. Sino lang ba siya?

"Derecho ang uwi pagkagaling ng opisina!"

Napatigil siya sa paghakbang nang marinig ang boses ng binata. Nilingon niya ito. Binuksan pala nito ang bintana ng sasakyan nito pagkasara niya.

Tumango siya dito at ngumiti. Hinintay na lang niyang makaalis  ang sasakyan nito bago nagpatuloy sa paglalakad.

Kung kanina, nag-aalala siyang matutulog ng malungkot, ngayon hindi na. Hanggang sa panaginip dala niya ang ngiti. Pakiramdam niya teenager siya. Grabe ang kilig na naradamdaman niya. Never pa siyang pinakilig ng mga lalaki before. Ngayon lang, at isang sikat pa na lalaki ang gumagawa no'n.

Matuling lumipas ang mga araw. Ngayon ang araw na sinabi ni Keith na babalik ito. Naghintay siyang tawagan ni Vina. Tumambay muna siya sa may kainang malapit sa HDA. Dalawang oras pa siyang naghintay bago nagpasyang umalis na. Umuwi siya sa apartment na malungkot.

Wala siyang karapatang magtampo, o magalit

Nai-text na niya si Vina, wala pa daw si Keith. Umuwi pala ito ng Pilipinas nang gabing iyon.

Tatlong araw pa ang muling lumipas, walang Keith na bumalik kaya doon siya nakaramdam ng lungkot. Umasa pa naman siya na magiging maganda ang araw niya, pero hindi, eh. Mukhang pinaasa lang siya ni Keith. Ang laki niyang tanga, nagpa-uto siya dito.

Namalayan na lang niya ang sarili na pumayag kay Clark, na mag-bar-hopping pagka-out nila ng opisina. Alam niyang hindi na babalik si Keith. Pumasok na rin sa account niya ang perang kinita niya mula trinabaho dito. Wala na itong utang sa kan'ya. Wala ng magkokonekta sa kanila ng binata.

Pero, ang tanga niya! Umasa talaga siya.

Napa-ismid siya nang malasahan ang alak. Wine lang siya dati kapag napapasama dito. Pero ngayon, gusto niyang maglasing ngayon. Gusto niyang makalimot kahit sandali. Friday bukas, walang pasok sa opisina kaya maglalasing siya.

Hindi niya alam kung nakailang lagok siya ng alak. Basta nang yayain siya ng mga kasamahan sa gitna ng dance floor ay hindi na siya nahiya. Ibig sabihin, tinamaan na siya. Umiikot na rin ang paligid niya. Nakisabayan siya sa tugtog, kung maharot ito, maharot din ang mga kilos niya. Wala na siyang pakialam ng mga sandaling iyon. Panay pa ang tawa niya habang sinasabayan ang musika.

Nakapikit siya habang umiindak ng mga sandaling iyon. Pero napasigaw siya nang bigla siyang umangat sa ere. May bumuhat sa kan'ya. Alam niya, dahil nakikita niya ang taas ng bar na iyon.

Natigilan siya sa pagsigaw nang makita ang pamilyar na mukha ng taong bumuhat sa kan'ya. Naka-sombrero ito. Mukhang ayaw pa ring maalis sa sistema niya ang binata. Nag-iilusyon na siya! Masama na ito.

Nasisilaw siya kapag nakikita ang mga ilaw na patay sindi kaya naipikit na lang niya ang mga mata. Nawalan na rin siya ng lakas dahil ramdam na niya ang epekto ng alak at ng antok.

Namalayan na lang niya ang sariling naka-upo na sa upuan ng sasakyan. Suminghot siya dahil pamilyar sa kaniya ang amoy ng sasakyan.

Hanggang sa ganitong sitwasyon ba naman naalala niya ang binata. Hindi na nga siya babalikan.

"Hindi na nga, eh. Wala na siya. Paasa siya... " naisatinig niya sabay tampal ng dibdib.

"Dammit!" Iyon ang huling narinig niya bago siya lamunin ng antok...

AVA NAH

Ang susunod na kabanata ay may nilalamang matured content. Skip if you don't like po. Thank you.

| 6
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Edgar Escorido Presco
Sana babaan Ang pag unlock ng chapters grave nmn Ang mahal
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
Ano ba Kasi Yung contract na pinirmahan mo Thea di mo man lang binasa..Lagot ka Thea bkit naglasing ka..Si Keith nga Mismo ang Kasama mo Hindi ka nananaginip lang Thea.. thank you Author...
goodnovel comment avatar
Helen De Ocampo
marriage contract ata ung pinirmahan ni thea d binabasa pirma agad mabuti nga at wala na sya kawala ky keith
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)   Chapter 6

    PANAY ANG TINGIN ni Keith kay Thea habang nagmamaneho. Ano ba ang naisip nito at uminom ng ganoon karami? Hindi naman pala kaya, iinom-inom. Paano kung pagsamantalahan ito ng iba doon? Napailing na lang siya. Pinuntahan niya ito sa apartment nito pero wala ito doon. Tinawagan pa niya isa-isa ang binigay ni Zoe na mga numero, na posibleng kasama ng dalaga. Si Clark lang ang sumagot sa mga ito. Pinuntahan niya kaagad ang bar na sinabi nito.Maingat na binuhat niya ang dalaga hanggang sa penthouse. Akmang ilalapag niya ito sa kama niya nang maupo ito. Mukhang nasusuka, kaya binuhat niya ito ulit. Hindi pa man siya nakakarating ng banyo ng magsuka na nga ang dalaga."God, Thea!" inis na sambit niya dito. Nadamay kasi ang damit niya, sinukahan nito. "You'll pay for this!" gigil na bulong niya.Napatingin siya sa dalaga nang sumagot ito ng, hmmn. Napailing siya bigla."Then, expect when you are sober, baby," masuyong sambit niya at hinalikan ito sa noo sabay tulak sa pintuan ng banyo.Na

    Last Updated : 2022-08-01
  • Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)   Chapter 7

    Napadaing si Thea nang bigla siyang bumaling. Kasabay niyon ang pagmulat niya ng mata. Napatingin siya sa katabi. Natampal niya bigla ang sarili nang maalala ang nangyari sa kanila ni Keith. Ngayon lang rumagasa ang takot sa dibd*b niya. Wala namang kasiguruhan sa kanila ni Keith. Sinabunutan pa niya ang buhok ng ilang beses bago tumayo ng kama. Tulog na tulog ang binata. Kaagad na hinanap niya ang bag niya. Hindi siya umaalis ng apartment na walang extra, mula sa panloob hanggang sa damit. Napangiwi siya nang sumakit ang maselang bahagi niya ng masagi ng panty niya. Mas lalo na ng isuot ang leggings. Tinapunan niya ng tingin ang binata. Ganito pala ang pakiramdam na ma-divirginize, sarap sa una tapos sakit sa huli. Partida, pinagpala ang pa adonis na nakahiga sa malaking kama. Gumalaw si Keith kaya nagmadali siyang lumabas ng silid. Napatingin siya sa wallclock. Alas-kuwatro na pala ng umaga. Ano na lang ang sasabihin ng kan'yang mga kasamahan sa apartment. Kung saan-saan siya n

    Last Updated : 2022-08-01
  • Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)   Chapter 8

    Excited na lumabas ng opisina si Thea. Nagtext na kasi si Keith, na nasa baba na ito at naghihintay sa kan'ya. Parang mapupunit na ang bibig niya kaka-smile. Hanggang ngayon kasi hindi siya makapaniwala na nobyo na niya ito. Nangako pa ito sa kan'ya na iimbitahin siya nito sa concert ng banda nito. Kaso mga tatlong buwan pa. May ticket na nga siya. Halos tatlong linggo na rin pala niyang kilala ang binata ng personal. At hindi lang basta kilala, nobyo na niya ito. Naka-dalawang linggo na rin sila.Nakaramdam siya ng lungkot ng maalalang isang buwan na lang ito dito sa dubai."Baby..."Napapitlag siya nang marinig ang boses ni Keith. Palapit na ito sa kan'ya. Hinapit siya nito kapagkuwan at mabilis na hinalikan sa labi."Madami ka bang ginawa? Mukhang biyernes santo ang mukha mo, eh." Sabay pa pisil ng pisngi niya."May naalala lang," sabi niya."Like?""Nothing. Saka na natin pag-usapan. Tara na, baka nagugutom ka na." Yakag niya sa nobyo."Okay, sabi mo, eh!" Inabot nito ang kamay ni

    Last Updated : 2022-08-01
  • Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)   Chapter 9

    Napatingin si Thea sa wallclock na nasa silid ng binata. Ala-una pa lang pala ng madaling araw. Akala niya umaaga na. Akmang tatayo siya nang higitin ni Keith ang beywang niya. "Where are you going, hmmn?" anitong nakapikit ang isang mata. "Magba-banyo lang. Ano ka ba? Matulog ka pa nga!" "Okay. Kiss muna," anito at ngumuso. Natatawang tinampal niya ito at tinulak pahiha. Nakangiti ito habang nakapikit ang mga mata. Binalot niya ang sarili ng comforter. Lumapit siya sa closet ng binata at naghanap ng damit nito. Napangiti siya nang makita ang boxer nito. Gamit na ang kinuha niya. Pagkatapos magdamit ay pumasok na siya ng banyo. Kakatapos niya lang maghugas ng sarili nang bumukas ang pintuan ng banyo. Iniluwa no'n ang binata. Napangiti ito nang makita siyang itinataas ang suot. "Ang bastos mo, Keith! Kita mo ng 'di pa ako tapos, 'di ba?" aniya sa mataray na himig. Natawa itong lumapit. "Eh, naiihi na rin ako." Bigla siyang tumalikod nang ilabas nito ang kahabaan at itinutok

    Last Updated : 2022-08-01
  • Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)   Chapter 10

    ISANG LINGGO NG matamlay si Thea. Hindi pa rin siya makapaniwala. Iniwan siya ni Keith na hindi man lang nagpapaalam. Hanggang saan niya panghahawakan ang sinabi nitong babalik?Nawalan siya ng gana magtrabaho sa gabi nitong nakaraan.Napatingin siya sa kaibigan na palapit sa kan'ya. May dala itong pagkain. Kakatapos lang nilang mag-window shopping dito sa pinaka-malaking mall ng Dubai. Napilitan lang siyang sumama kay Vina. Para libangin ang sarili."Kainan na!" masayang sabi Vina. Inilapag nito ang pagkain sa mesa nila.Ngumiti siya dito ng mapakla. Tinulungan niya itong ayusin ang mesa nila."Grabe! Busog na busog ang mata ko sa ganda ng mga bilihin, buti hanggang window lang talaga tayo," natatawang sabi nito."'Pag mayaman na tayo, mabibili na natin ang mga nakita mo kanina," aniya dito."Oh, yeah! Kailan kaya tayo yayaman?""Pagputi ng buhok ko," wala sa sariling sagot niya."Ah, hindi na uwak? Sabagay, may pag-asa tayo kapag buhok ang pumuti." Humagikhik pa ito.Napakunot-noo i

    Last Updated : 2022-08-01
  • Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)   Chapter 11

    NAPANGITI SI THEA nang makababa ng eroplano. Napapikit siya at lumanghap ng hangin. Polluted, pero nakakamiss ang ganitong amoy ng Pilipinas. Only in the Philippines.Napatingin siya sa mga kasabayan sa arrival area. May kaniya-kan'yang sundo ang mga ito.Napangiti siya ng mapakla. Siya, hangin lang yata ang yumakap sa kan'ya para salubungin at i-welcome back siya.Hindi niya maiwasang isipin ang mga magulang at kapatid. Walang kaalam-alam ang mga ito na nakauwi na siya. Bibisitahin na lang niya ang mga ito kapag okay na ang problema niya.Pero paano kung hindi magiging maganda ang resulta ng lakad niya? Napabuntong-hininga na lang siya.Nakaramdam na siya ng paninigas ng tiyan kaya binilisan niya ang lakad palabas. Kaagad na nagpara siya ng taxi. Sa Quezon City siya nagpahatid kapagkuwan. Buti na lang may landmark ang lugar na pinuntahan niya. Minsan pa naman ang mga taxi napakatamad maghanap."Salamat po," aniya at ibinigay ang bayad dito.Akmang tatalikod siya nang tawagin nito."S

    Last Updated : 2022-08-01
  • Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)   Chapter 12

    "CAREFUL!" SIGAW NI Kristen sa kan'ya nang makita ang madulas na parte ng sahig ng ospital. Kakalinis lang kasi ng janitor.Sinamahan siya nito para sa unang check up niya dito. May record naman siyang dala mula sa ospital na pinag-check-upan sa Dubai.Nahihiya siya kay Kristen dahil umabsent pa talaga ito para masamahan siya sa kaibigan daw nito. At, para daw sa susunod kahit siya na lang daw mag-isa."Baka mahal ang singil dito, 'Tin," aniya dito."Naku,'wag kang mag-alala mura lang maningil iyon kapag kaibigan ko. Isa pa, tauhan ng asawa niya si Kuya. Kaya malakas ang kapit natin," natatawang sabi nito sa kan'ya."Sobra na talaga ang tulong niyo sa akin. Hayaan niyo susuklian ko din ang kabutihan niyo sa akin,""Magda-drama na naman ba tayo dito? Wala akong panyo, Thea. Saka, buong piso lang naman ang ibinigay namin sa'yo. Thank you na lang sa 50 cents na isisusukli mo." Tumawa ito kapagkuwan. Kaya nakitawa na lang siya.Tama nga si Kristen mabait ang kaibigan nitong OB na si Nikki

    Last Updated : 2022-08-01
  • Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)   Chapter 13

    ANONG GINAGAWA NI Keith dito? Hindi niya maiwasang alalahanin ang sakit na idinulot sa kan'ya. Bakit kailangan pa nilang magkita? Okay na sana, eh! Masaya na siya. Sanay na siyang wala ito. At sa tuwing nakikita naman ito sa balita, hindi naman na siya naapektuhan. Iniisip niyang hindi ito kilala, o nakilala man lang. Pero bakit ngayon, ang hirap mag pretend. Ang hirap sabihin sa sariling hindi niya ito kilala. Ang hirap utusan ang puso na 'wag maingay, ang lakas ng tahip ng dibdib niya.Matagal bago siya nakahuma. Hindi niya talaga ini-expect ang presens'ya nito dito. Kung hindi pa siya hinila ni Kristen, hindi siya matitinag sa kinatatayuan. Kita niyang nakasunod ang tingin nito sa kan'ya. Wala sa sariling pinili niya ang pagitan ni Grecco at ng isang lalaki. Umusod si Grecco para makaupo siya ng maayos.Pinilit niyang inignora ang presensya nito. Nakikingiti lang siya kapag nagtatawanan ang mga ito.Napatingin siya kay Grecco nang bigyan siya nito ng kopita na may lamang alak. Kinu

    Last Updated : 2022-08-01

Latest chapter

  • Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)   Epilogue

    NAPATINGIN SIYA SA main door ng simabahan. Unti-unting binubuksan iyon. Namumuo na ang mga pawis sa noo niya, maging sa leeg. So, ganito pala talaga ang nararamdamn ng mga lalaking ikinakasal sa babaeng mahal? Grabe, sobrang nakakakaba. Hindi mo alam kung sisiputin ka ba o hindi. Though, alam niyang sisiputin siya ng asawa dahil kasal na sila. Nagpakawala siya ng hininga para pakalmahin ang sarili kasabay ng pagpunas ng pawis, na tumutulo na pala. Bumungad sa kan’ya ang liwanag. Hindi niya makita ang asawa kaya kinabahan siya. Kanina pa siya napapraning kahit hindi pa nagsisimula. Paano kung iwan ulit siya ng asawa kagaya ng ginawa nito? Tinampal niya ang dibdib kapagkuwan. Pakiramdam niya napakabagal ng mga sandaling iyon. ‘Yong excited ka ng makita ang mahal mo, saka naman binagalan ang oras. Ibinalik niya ang tingin sa pintuan ng sinimulang kantahin ni Kendra ang Destiny ni Jim Brickman. Hindi niya kilala ang magiging ka-duet ng kaibigan pero ang alam niya, nagtatrabaho iyon

  • Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)   Chapter 25

    KINABUKASAN, NAGISING SI Thea ng maramdaman ang init na hininga na bumubuga sa pagitan ng hita niya.Napamulat siya at tumingin sa baba niya. Napaawang siya ng labi. Si Keith, na sinasamba siya ng pagka-aga-aga.“Oh God,” hindi niya mapigilang mapa-halinghing ng simulan nitong himudin ang pagkabab*e niya. Awtomatikong napahawak siya sa buhok ng asawa dahil sa sensasyong dulot ng maiinit nitong dila.“Ohhh,” ungol niya. Kasabay niyon ang paggalaw ng mga hita niya.Hindi siya mapakali dahil sa sarap ng nararamdaman niya. Kumapit siya sa bedsheet para kumuha ng supporta.Hindi niya akalaing ganito bumati ang asawa niya sa umaga. Parang gusto niyang sagutin ng, ‘Good morning’ din. Napaliyad siya ng patigasin nito ang dila at nilaru-laro ang kanyang cl*t na lalong nagpainit sa buong katawan niya. Habang ang isang daliri nito ay naglabas-pasok na sa loob niya.Masyado namang ginagalingan ng asawa niya kaya liyong-liyo na siya. Hindi na niya alam kung saan babaling ng mga sandaling iyon.“

  • Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)   Chapter 24

    HINDI NA SIYA pinauwi ni Keith nang gabing iyon. Lahat ng gamit nila ay pinalipat na nito sa bahay nito. Hindi, sa bahay daw nila.Natulog siya sa tabi ng anak pero nagising siya na nasa tabi ng asawa. Paniguradong binuhat siya nito papunta sa silid nito. Yakap-yakap siya ng asawa nito. Akala mo naman aalis siya.Maaga siyang naligo dahil araw ng check-up niya ngayon. Baka mamaya naghihintay na sa kan'ya si Zoe.Magluluto sana siya nang mapansing meron na palang nakahain. Pumasok na lang siya sa silid ng anak.Nadatnan niya si Yaya na hinahawi ang malaking kurtina."Magandang umaga, Ate buntis.""Magandang umaga din." Nginitian niya ito kapagkuwan."Hindi daw makakapunta si Zoe,"Napakunot-noo siya sa sinabi nito. "Bakit? Sabi niya-""Si Sir Keith na lang daw po isama niyo.""So, pinagkaisahan niyo ako? Alam niyong si Keith-""Yaya,"Sabay silang napalingon ni Esang nang tawagin ito. Si Keith iyon. Gulo pa ang buhok nito pero hindi naman kabawasan ng kaguwapuhan nito. Narinig niyang s

  • Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)   Chapter 23

    KEITH'S POV...Nakailang silip sa Keith sa upuan kung saan dapat nakaupo ang asawa. Wala pa rin hanggang ngayon. Sinasadya na nga niyang ipa-delay ng kaunti ang simula ng concert. Kompleto na rin ang mga guests nila.Hinigit niya ang telepono niya para tawagan sana ito. Napakunot-noo siya ng nabasa ang mga mensahe nito."F*ck!" Bakit ba niya nakalimutang sunduin ang asawa sa labas? Hinintay siya ng asawa. Hinintay!Pinatawag niya ang coordinator ng event na iyon. Nanlumo siya ng sabihin nitong nagmadaling umalis ang asawa pagkatapos makita nito siya at si Miles, na inaalalayan ang huli na naupo.Na-check niya din ang CCTV. Totoo nga.Hindi naman kasi niya akalaing darating si Miles at magulang nila Thea. Naging abala siya kaka-entertain sa mga ito, samantalang, ang asawa ay matamang naghihintay. Tapos nakita pa nito sila ni Miles. Alam niya ang nasa isip ng asawa.Kahit hindi na bumalik ang asawa niya, nasabi pa rin niya ang matagal na niyang gustong sabihin sa madla. Na kasal siya sa

  • Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)   Chapter 22

    3 months later..."MISS D, MAGKANO ka kaya kapag binili?" Napatingin si Thea kay Tonton na noo'y nasa labas ng tindahan."Oo nga, Miss D para mapag-ipunan ko rin," ani rin ni Kiko na nasa upuan."Hoy, tigil-tigilan niyo si buntis!" sigaw ni Esang na kakapasok lang ng tindahan. Karga nito si Thor."Trillion, kaya niyo?" biro niya sa mga ito."Grabe! 3n1 na kape na nga lang d'yan. 'Yong twin pack, ha. Paki-lista na lang muna, Miss D. Wala pang pasahod si boss, eh." Nagkamot pa ito sa ulo.Bigla siyang natawa sa binata. Uutang lang naman pala ang dami pa'ng kuda.Pagkabigay niya ng kape ay nahiga siya sa duyan na nasa loob ng tindahan."Salamat, Miss D., hulog ka talaga ng langit!" nakangiting wika ni Tonton sa kan'ya. Tinanguhan niya lang ito."Hulog kasi tayo ng impiyerno," sabat ni Kiko na ikinatawa niya."Gag* ikaw lang. Hulog ako ng lupa," ani ni Tonton na binatukan pa ang kaibigan."Tingnan mo, tatanung-tanong kayo ng halaga ni Dorothy tapos ni pambili ng kape, wala kayo? Hay naku

  • Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)   Chapter 21

    NAPATIGIL SI THEA sa pagtayo mula sa kama nang maulalingan ang boses ng asawa sa veranda. Galit na naman ito. Kung hindi siya nagkakamali kausap nito ang ina.Nagpakawala siya ng buntong-hininga bago pumasok ng banyo. Tapos na siyang maligo pero nauulalingan niya pa rin ang asawa na may kausap. Mukhang hindi na iyon ang ina nito.Lumabas siya at tinungo ang silid ng anak. Naglalaro ito. Panaka-naka ang tingin nito sa TV na bukas. Ngumiti sa kan'ya ang yaya ng makita siya nito. Sinenyasan niya itong 'wag maingay dahil tumatawa ang anak.Nilapitan niya ito kapagkuwan. Hindi rin siya nakatiis dahil ang ganda ng tawa nito. Pinupog niya ito ng halik sa sobrang gigil. Pinagpapalo siya nito sa mukha dahil hindi ito makapanuod ng maayos.Hanggang sa paglabas ng silid ng anak ay dala-dala niya ang ngiti. Natigilan siya ng makita ang asawa, na lumabas mula sa malawak na verranda. Nagmamadaling pumasok ito sa silid nila. Pagpasok niya, nasa closet ito at naghahanap ng masusuot.“Aalis ka?” tanon

  • Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)   Chapter 20

    NAPALINGON SI THEA sa pinto nang bumukas iyon. Gumuhit ang ngiti sa labi niya nang makita ang asawa. Mukhang kulang ito sa tulog. Parang stress na stress din. Akala mo galing sa labanan. Gulong-gulo din ang buhok nito."K-kumusta si Miles?""I don't know if she's okay. Nainis ako. Iniwan ko na sila. Punong-puno na ako! I hate my parents! I hate them! Damn it!" Halata sa mukha ang galit nito.Kailangan nitong kumalma. Hindi siya magaling sa bagay na iyon pero susubukan niya.Marahas itong bumuntong-hininga saka naghubad sa harap niya.Nilapitan niya ito at ikinulong ang mukha nito sa mga palad niya.Tumitig ito sa kan'ya. Kita pa rin ang galit sa mga mata nito. Nginitian niya ito ng matamis. Mayamaya ay kumalma ang mga mata nito maging ang katawan na medyo nangiginig na pala sa galit."Relax, okay? Maligo ka muna para mawala ang init ng ulo mo. Mamaya na tayo mag-usap. I'll listen. Promise. We'll sort it out," kalmadong sambit niya.Tumangu-tango ito kapagkuwan sa kan'ya."Ipapainit ko

  • Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)   Chapter 19

    NAGMAMADALING LUMABAS SI Keith para tingnan ang istorbong bwisita niya. Ngayon pa nga lang siya bumabawi sa asawa niya tapos iistorbohin sila ng ganun-gano' n lang?Napaawang siya ng labi nang makita ang kapatid na si Blake Kent at Kendra na nakaupo sa sofa. Katapat ng mga ito si Caleb, at ang asawa nito. Naroon din ang mag-asawang Sebastian at Nikki.Si Caleb at Sebastian ay kababata at best friend ng kuya niya, na kalauna'y naging kaibigan niya din.Napatingin siya sa asawa ng kapatid niya, kay Kendra. Kinapa niya ang sariling damdamin para dito. Wala na siyang maramdamang kakaibang kabog.Hindi kagaya ng asawa niya, boses pa lang nito lumalakas na ang tibok ng puso niya. Hindi rin ito nawala sa isipan niya kahit ilang taon silang hindi nagkita. Minu-minuto gusto niyang makita.Si Kendra naman noon, ilang beses niya lang nakikita noon. Namimiss niya pero hindi ganoon katindi sa asawa niya. Kapag umuuwi lang siya galing sa kung saang lupalop ng mundo nakikita ito, hindi siya masyadon

  • Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)   Chapter 18

    "KEITH..." ANAS NIYA nang maramdaman ang kamay nito sa loob ng shirt niya."Yes, Baby?" nang-aakit nitong tingin sabay pikit ng mga mata. Dinadama nito ang tayong-tayo niyang bundok. Pinisil pa nito kaya medyo napadaing siya."M-mahal pa rin kita," sa wakas ay nasabi niya.Natigilan ito saglit pero bumawi din agad. Siya naman ang natigilan nang paulanan nito ng halik ang labi niya maging ang mukha niya."I know, baby. Gusto ko lang marinig mula sa labi mo. Hmmn." Kinagat pa nito ng bahagya ang ibabang labi niya. "And, I missed you're f*cking lips, too, Thea.""T-totoo ba ang sinabi mo kanina?" nauutal niyang tanong. Natigilan ulit ito sa pagdama ng kaliwang dibdib niya."Alin? 'Yong mahal kita?"Marahan siyang tumango.Hindi ito sumagot. Mayamaya ay naramdaman niya ang kamay nitong pilit na pumapasok sa panty niya.Napahawak siya sa balikat ng asawa nang maramdaman ang init ng palad nitong dumadampi sa balat niya, and it turns her on."Hindi ka ba naniniwala?" sagot nito habang naglul

DMCA.com Protection Status