Share

Chapter 3

Author: AVA NAH
last update Huling Na-update: 2022-07-11 18:57:15

Napaayos si Thea ng tayo nang bumukas ang silid ni KH. May damit na ito.

"Sayang," bulong niya.

"Do you cook?" tanong nito sa kan'ya kapagkuwan. Palapit ito sa kinatatayuan niya.

Napakunot-noo siya sa tanong nito. Bakit ba nito natanong iyon? H'wag nitong sabihing ipagluluto niya ito, imbes na ipaglinis ito?

"Bakit po?" balik-tanong niya dito.

"Ako ang unang nagtanong, Miss Contreras. Yes or no lang ang sagot," anang binata sa masungit na himig.

Napaawang siya ng labi. Hindi niya pinansin ang pagsusungit nito. Mas interesado siya sa kung paano nito nalaman ang apelyido niya.

"P-po?"

"Damn!" bulong nito pero dinig niya  pa rin. "Marunong ka bang magluto?"

"O-opo," sa wakas ay nasagot niya.

"Good. You're hired," anito at iniwan siya.

Natigilan siya saglit. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Anong hired ang pinagsasabi nito?

Naguguluhang sinundan niya ito. Patungo ito ng kusina.

Nang makarating ito ng kusina, nilingon siya nito. Akmang ibubuka nito ang labi para magsalita nang unahan niya.

"Sir, cleaner po ako. Hindi cook," imporma niya dito.

"I already know that, Thea. You did great last night, actually. But tonight, I need your expertise in cooking, and please, sarapan mo." Hindi niya pinansin ang paraan ng paghagod nito sa kan'ya.

"Sir, hindi nga po-"

"Anong ginagawa mo dito sa Dubai, Thea? At, bakit ka nagpa-part-time na cleaner kahit may trabaho ka pang iba? Answer me. Bilis," agaw nito sa sasabihin niya.

"Para magtrabaho. Makaipon at makapagpatayo po ng sariling bahay," wala sa sariling sagot niya.

"Iyon naman pala, eh. Bakit mo a-ayawan ang ang alok ko kung gano'n? 'Di hamak na mas magaan ang magluto kesa maglinis. Isa pa malaki ang sasahurin mo sa akin. Basta maging mabait ka lang,"

Napatingin siya dito ng derecho. Mukhang seryoso ang kaharap sa sinasabi nito.

"Paano po ang ibang kliyente ko,"

"Simple lang. Tell them that you are mine now. I mean, sa akin ka na magtatrabaho sa gabi. You will be my cook starting tonight. I love Filipino dishes, Thea. Feeling ko nasa Pilipinas ako kapag kumakain ng mga gan'yang luto. I used to travel before, at isa 'yan sa hinahanap-hanap ko," seryosong k'wento nito.

Mukhang nakumbinsi siya sa huling sinabi nito. Kahit sino naman dito sa Dubai mas gusto ang pagkaing pinoy.

Inisa-isa nitong itinuro ang mga gagamitin sa pagluluto gaya ng mga gulay, karne at kasangkapang gagamitin.

Aliw na aliw siya habang nagsasalita ito. Pakiramdam niya kinakantahan siya nito. Ngayon niya lang napansing mapula ang labi nito. Ano kaya ang pakiramdam na mahalikan ng labi nito? Kinikilig siya sa isiping iyon.

Napapagaya siya dito sa tuwing napapalabi ito.  Naaliw din siya sa tuwing tumataas ang kilay nito. Perpekto rin ang ilong nito, ang galing din ng pagkakagawa sa mga labi at mata nito, bumagay sa mukha nito. Siguro, maganda at g'wapo din ang magulang ng adonis na ito. Napaayos siya ng tayo nang makita siya nitong titig na titig sa mukha nito.

"Are you with me, Miss Contreras? May dumi ba ako sa mukha?" nakunot-noo nitong tanong.

"Y-yes," nauutal niyang sagot. Parang gusto niyang magsisi sa sagot dahil hinawakan nito ang kamay niya. Pakiramdam niya, may kung anong boltahe ng kuryente ang gumagapang sa kan'ya, umaabot iyon hanggang sa kaibuturan niya.

Nagulat siya nang ilapat nito ang kamay niya sa mukha nito.

"Wipe it." Utos nito habang hindi nito inaalis ang tingin sa kan'ya.

Napalunok siya sa sinabi nito. Wala namang dumi, ang dumi ay nasa utak niya mismo. Paano ba niya sasabihin dito? Pinagpapantasyahan na niya ito nang di nito nalalaman.

Wala sa sariling hinaplos niya ang pisngi nito. Napatigil siya nang makitang pumikit ito. Malaya niyang pinaglakbay ang paningin sa mukha nito. Parang gusto niyang kabisaduhin ang bawat sulok niyon.

Kitang-kita niya ang pagpigil nito ng  hininga.

"Fuck!"

Bigla niyang pinalis ang kamay sa mukha nito nang marinig itong nagsalita. Nag-iwas siya ng tingin. Paniguradong namumula na ang mukha niya. Biglang kabog ng malakas ang dibdib niya. Baka pagalitan siya nito.

"I think, I'm done here," anito at iniwan na lang siya. Nakailang hakbang na ito nang tawagin siya nito. "Ahm, bago ko makalimutan, Thea. Aside from cooking, you will do household chores also. "

Natigilan siya. Akala ba niya taga-luto lang siya nito? Ba't di nito sinabi kanina na magiging katulong pala siya?

Naiiling na sinundan niya ito ng tingin. Napapasabunot ito sa buhok nito. Narinig niya din ang sunod-sunod na pagmumura nito.

Hinarap niya ang mga sangkap pagkapasok nito at sinimulang hiwain.

Mukhang pang-chicken curry ang mga naroong sangkap kaya iyon ang niluto niya.

Matagal bago lumabas ng silid nito si KH. Paglabas nito, bagong paligo na naman ito. Baka diring-diri sa kamay niya.

Nag-pokus na lang siya sa niluluto niya. Alam niyang nakatunghay ito sa kan'ya. Luto na rin ang kanin kaya nag-ayos na siya ng mesa. Naghugas muna siya ng maigi ng kamay dahil baka mandiri na naman ito.

Naghanda siya ng plato, kobyertos at baso na gagamitin nito. Naglabas din siya ng pitsel mula sa ref  nito.

Pinatay niya ang kalan at nagsandok ng uulamin nito. Sinunod niya ang kanin. Naglagay din siya ng tubig sa baso nito.

"Tapos na po," magalang niyang sabi at tumingin dito.

Nakasandal ito sa glass wall ng kusina nito.  Sobrang layo nito sa kan'ya. Problema kaya nito?

Lumapit ito sa mesa kapagkuwan. Umikot ito sa kaliwa. Halatang umiiwas ito sa kan'ya na para bang may germs siya, at takot itong mahawaan.

Nagpaalam siya nang maupo na ito.

"Sa sala po muna ako, Sir." Paalam niya at tumalikod na.

Nakadalawang hakbang pa lang siya nang maulalingan ang tinig nito.

"Sit down," matigas na sabi nito.

Siya ba ang kinakausap nito? At, pinapaupo siya?

Lumingon siya dito. Madilim ang mukha nito kaya napaisip na naman siya kung anong nagawa niyang kasalanan. Baka hindi masarap ang pagkakaluto niya. Pero bakit pinapaupo siya nito?

"A-ako po ba ang kinakausap n'yo, Sir?"

Napapitlag siya nang ibagsak nito ang hawak na kutsara sa plato.

"May iba pa ba akong kasama dito, Miss Contreras?" halata ang inis sa boses nito. "Do I need to repeat-"

Hindi na niya pinatapos ang sasabihin nito. Bumalik siya at dali-daling naupo sa upuang nasa harap nito.

Nagpakawala na naman ito ng buntong hininga kaya napakunot-noo na siya.

"Paano ka kakain kung wala kang plato at kutsara sa harapan mo, Thea?" inis na naman nitong tanong.

Parang gusto niyang pagalitan ang sarili. Pero teka, wala naman kasi itong sinabi na kakain din siya. Literal na sinunod niya lang ito. Sabi nito na maupo siya. Eh di naupo siya. Wala namang problema.

Sabay pa silang napatayo ng binata. Kukuha sana siya ng pinggan. Nagkatinginan sila ng binata mayamaya.

"Maupo ka." Utos nito.

Napalunok na lang siya at naupo. Wala na siyang nagawa nang kumuha ito ng plato at kutsara. Tumayo pa ito ulit at kumuha ng tinidor.

"Gusto ko laging may kasabay kumain, kaya pag-out mo mula sa trabaho, h'wag kang kakain sa kung saan. Dito lang. Sasabayan mo ako," anito at sumubo ng pagkain.

Tumango na lang siya dito. Tanging tunog ng kobyertos at pinggan na lang ang naririnig ng mga oras na 'iyon. Nabibingi siya.

"Paborito niyo po ba ang chicken curry?" pukaw niya dito.

Natigilan ito at tumitig sa kan'ya.

"Hindi. Paborito kasi 'yan ng babaeng mahal ko," anito na hindi inaalis ang tingin sa kan'ya.

Natigilan siya sa pagnguya. Kaya pala halos pang-curry ang rekados na stock nito. Ang suwerte naman ng babaeng tinutukoy nito.

May kung anong lungkot siyang naramdaman. Sayang, may mahal na pala ito.

Ngumiti siya dito kapagkuwan at itinuloy ang pagkain. Hanggang sa paghugas ng mga pinagkainan ay malungkot siya. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang sinabi nito na may mahal na itong iba. Disappointed siya, slight lang naman.

Napasigaw siya nang mabitawan ang babasaging baso. Napatakip siya ng bibig kapagkuwan. Napatingin siya kay KH na humahangos palapit sa kan'ya.

"Are you okay?" tanong kaagad nito.

Tumango siya dito sabay tingin sa sahig. Naupo siya at akmang hahawakan ang nabasag na baso nang marinig ang boses nito. Sa sobrang gulat niya dito. Sumagi ang daliri niya sa matalim na bahagi ng basong basag.

Nanlaki ang mata niya ng makita ang dugong umagos sa daliri niya.

"Damn!" ani ni KH sabay hila sa kan'ya patayo. Iginiya siya nito sa gripo at hinugasan ang kamay niya. Hindi tumitigil ang dugo sa pag-agos.

Napasigaw siya ng umangat siya sa ere at inupo nito sa counter ng kitchen.

Napsinghap siya nang inilapit nito ang sarili sa kan'ya at may inabot sa taas ng kabinet.

Napatingin siya dito, partikular na sa mukha. Gumagalaw ang kilay nito, maging ang labi ay kumikibot habang may inaabot ito sa taas niya. Napalunok siya nang maramdaman ang matigas na bagay sa pagitan ng hita nito. Hindi niya mapigilang mapalabi. Sunod-sunod ang paghinga niya dahil dito. Buti na lang nakuha na nito ang gustong kunin. Dahil kung hindi baka tuklawin na siya nito.

Medicine kit pala ang kinukuha nito.

Naglabas ito ng bulak at hinugasan ng alcohol ang sugat niya. Saka nilagyan nito ng betadine. Binalot din nito iyon pagkatapos.

Hindi niya maiwasang mapahanga sa binata. Lalo lang lumalakas ang kabog ng dibdib niya dito.

Nagtama ang kanilang paningin nang mag-angat ito ng tingin. Magkapantay na sila nito. Napatingin ito sa labi niya. Naabutan din nito ang paglunok niya. Akmang iiwas niya ang tingin nang hawakan nito ang batok niya at walang sabi-sabing hinalikan ang nakaawang niyang labi.

Hindi siya agad nakahuma sa ginawa nito. Nakatingin lang siya sa binata. Nakapikit ito habang nilalasap ang birhen niyang labi. Hindi niya alam kung anong gagawin.

First kiss lang naman niya ang adonis na ito.

"Move your lips, baby," anas nito at muling sinakop ang labi niya.

Kagaya ng utos nito, kumilos siya. Tinugon niya ito. Sinalubong niya ang bawat halik nito. Hindi niya alam kung tama ba ang ginagawa niya. Ginagaya niya lang ito. Hinawakan nito ang mga kamay  niya at iniyakap sa batok nito. Matagal-tagal ang pinagsaluhan nilang halik, kaya kapwa sila hingal nang bumitiw.

"Sir, KH..." anas niya.

Nakaawang ang labi nito nang tumitig sa kan'ya.

"Keith. Call me, Keith, Thea. Do you have a boyfriend?" anitong humahangos na animo'y galing sa takbuhan.

Umiling siya dito bilang pagtugon.

Ngumiti ito sa kan'ya ng matamis sabay sabing, "Good."

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Eulyn Kris Rubillete
slmat otor
goodnovel comment avatar
Lyn F. Caluttong
Happy ka Thea dahil si Keith Ang first kiss mo..Happy din nman si Keith dahil Wala kang boyfriend Thea.. thank you Author..
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
nakahalik ka na Kay Thea Keith
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)   Chapter 4

    Tatlong araw na mula ng mangyari ang mainit na tagpong iyon sa pagitan nila ni Keith. Hiyang-hiya siya pagkatapos. Hindi man lang siya kumontra, bagkos ay tinugon ito. Ngayon niya lang napagtantong, sobrang rupok niya pala. Bakit kasi ganoon ang epekto ng binata sa kan'ya? Kontrol-kontrol din, 'pag may time! ani ng isang tinig sa isip niya.Pagkagaling sa opisina, dume-derecho na siya sa HDA. Inaabala niya ang sarili sa paglilinis sa tuwing lumalabas ng silid ang binata. Hindi naman niya totally maiwasan ito dahil amo pa rin naman niya. Panay ang utos nito sa kan'ya, kahit wala namang kuwenta ang mga pinapagawa nito.Puro mabibilis lutuin ang iniluluto niya. Kung kumakain man sila ng sabay, hindi niya ito kinakausap at binibilisan din niya ang pagkain. Kailangan, siya ang umiwas. Siya ang dapat kumontrol. Napatingin siya sa gawi ng sala nang makarinig ng pag-strum ng gitara. Malapit na siyang matapos sa niluluto. Napangiti siya nang marinig ang sunod-sunod na pag-tugtog nito. Pamil

    Huling Na-update : 2022-07-11
  • Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)   Chapter 5

    Napangiti si Thea nang makitang nag-aayos na ang ibang katrabaho, para umuwi. Hindi niya pinahalata kay Clark na excited siyang mag-out ng opisina. Sabi niya kasi dito, wala siyang gusto kay Keith. At, alam na kasi nito, na nagtatrabaho siya sa gabi, bilang cook ng binata. Nakailang tanong pa ito kung wala ba talaga siyang gusto dito. Gusto lang talaga niyang panindigan ang sinabing, wala siyang gusto kay Keith. Natawa siya sa sarili nang maalala ang sarili kanina, hindi pa man time ng uwian ay panay na ang tingin niya sa orasan. Ilang beses pa siyang nagdasal na sana bumilis ang oras. Excited lang siyang makita ang binata at kung ano na naman ang gagawin nito. Parang gusto niyang matawa sa sarili. Para siyang teenager, hindi mawala-wala ang kilig. Kasi hanggang ngayon di mawala-wala sa isip niya ang ginawa ni Keith sa kan'ya. Una, tinawag siyang baby nito. Pangalawa ay hinalikan siya sa labi, at sa public pa. Pakiramdam niya, siya, ang pinaka-magandang babae ng mga sandaling iyon.

    Huling Na-update : 2022-08-01
  • Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)   Chapter 6

    PANAY ANG TINGIN ni Keith kay Thea habang nagmamaneho. Ano ba ang naisip nito at uminom ng ganoon karami? Hindi naman pala kaya, iinom-inom. Paano kung pagsamantalahan ito ng iba doon? Napailing na lang siya. Pinuntahan niya ito sa apartment nito pero wala ito doon. Tinawagan pa niya isa-isa ang binigay ni Zoe na mga numero, na posibleng kasama ng dalaga. Si Clark lang ang sumagot sa mga ito. Pinuntahan niya kaagad ang bar na sinabi nito.Maingat na binuhat niya ang dalaga hanggang sa penthouse. Akmang ilalapag niya ito sa kama niya nang maupo ito. Mukhang nasusuka, kaya binuhat niya ito ulit. Hindi pa man siya nakakarating ng banyo ng magsuka na nga ang dalaga."God, Thea!" inis na sambit niya dito. Nadamay kasi ang damit niya, sinukahan nito. "You'll pay for this!" gigil na bulong niya.Napatingin siya sa dalaga nang sumagot ito ng, hmmn. Napailing siya bigla."Then, expect when you are sober, baby," masuyong sambit niya at hinalikan ito sa noo sabay tulak sa pintuan ng banyo.Na

    Huling Na-update : 2022-08-01
  • Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)   Chapter 7

    Napadaing si Thea nang bigla siyang bumaling. Kasabay niyon ang pagmulat niya ng mata. Napatingin siya sa katabi. Natampal niya bigla ang sarili nang maalala ang nangyari sa kanila ni Keith. Ngayon lang rumagasa ang takot sa dibd*b niya. Wala namang kasiguruhan sa kanila ni Keith. Sinabunutan pa niya ang buhok ng ilang beses bago tumayo ng kama. Tulog na tulog ang binata. Kaagad na hinanap niya ang bag niya. Hindi siya umaalis ng apartment na walang extra, mula sa panloob hanggang sa damit. Napangiwi siya nang sumakit ang maselang bahagi niya ng masagi ng panty niya. Mas lalo na ng isuot ang leggings. Tinapunan niya ng tingin ang binata. Ganito pala ang pakiramdam na ma-divirginize, sarap sa una tapos sakit sa huli. Partida, pinagpala ang pa adonis na nakahiga sa malaking kama. Gumalaw si Keith kaya nagmadali siyang lumabas ng silid. Napatingin siya sa wallclock. Alas-kuwatro na pala ng umaga. Ano na lang ang sasabihin ng kan'yang mga kasamahan sa apartment. Kung saan-saan siya n

    Huling Na-update : 2022-08-01
  • Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)   Chapter 8

    Excited na lumabas ng opisina si Thea. Nagtext na kasi si Keith, na nasa baba na ito at naghihintay sa kan'ya. Parang mapupunit na ang bibig niya kaka-smile. Hanggang ngayon kasi hindi siya makapaniwala na nobyo na niya ito. Nangako pa ito sa kan'ya na iimbitahin siya nito sa concert ng banda nito. Kaso mga tatlong buwan pa. May ticket na nga siya. Halos tatlong linggo na rin pala niyang kilala ang binata ng personal. At hindi lang basta kilala, nobyo na niya ito. Naka-dalawang linggo na rin sila.Nakaramdam siya ng lungkot ng maalalang isang buwan na lang ito dito sa dubai."Baby..."Napapitlag siya nang marinig ang boses ni Keith. Palapit na ito sa kan'ya. Hinapit siya nito kapagkuwan at mabilis na hinalikan sa labi."Madami ka bang ginawa? Mukhang biyernes santo ang mukha mo, eh." Sabay pa pisil ng pisngi niya."May naalala lang," sabi niya."Like?""Nothing. Saka na natin pag-usapan. Tara na, baka nagugutom ka na." Yakag niya sa nobyo."Okay, sabi mo, eh!" Inabot nito ang kamay ni

    Huling Na-update : 2022-08-01
  • Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)   Chapter 9

    Napatingin si Thea sa wallclock na nasa silid ng binata. Ala-una pa lang pala ng madaling araw. Akala niya umaaga na. Akmang tatayo siya nang higitin ni Keith ang beywang niya. "Where are you going, hmmn?" anitong nakapikit ang isang mata. "Magba-banyo lang. Ano ka ba? Matulog ka pa nga!" "Okay. Kiss muna," anito at ngumuso. Natatawang tinampal niya ito at tinulak pahiha. Nakangiti ito habang nakapikit ang mga mata. Binalot niya ang sarili ng comforter. Lumapit siya sa closet ng binata at naghanap ng damit nito. Napangiti siya nang makita ang boxer nito. Gamit na ang kinuha niya. Pagkatapos magdamit ay pumasok na siya ng banyo. Kakatapos niya lang maghugas ng sarili nang bumukas ang pintuan ng banyo. Iniluwa no'n ang binata. Napangiti ito nang makita siyang itinataas ang suot. "Ang bastos mo, Keith! Kita mo ng 'di pa ako tapos, 'di ba?" aniya sa mataray na himig. Natawa itong lumapit. "Eh, naiihi na rin ako." Bigla siyang tumalikod nang ilabas nito ang kahabaan at itinutok

    Huling Na-update : 2022-08-01
  • Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)   Chapter 10

    ISANG LINGGO NG matamlay si Thea. Hindi pa rin siya makapaniwala. Iniwan siya ni Keith na hindi man lang nagpapaalam. Hanggang saan niya panghahawakan ang sinabi nitong babalik?Nawalan siya ng gana magtrabaho sa gabi nitong nakaraan.Napatingin siya sa kaibigan na palapit sa kan'ya. May dala itong pagkain. Kakatapos lang nilang mag-window shopping dito sa pinaka-malaking mall ng Dubai. Napilitan lang siyang sumama kay Vina. Para libangin ang sarili."Kainan na!" masayang sabi Vina. Inilapag nito ang pagkain sa mesa nila.Ngumiti siya dito ng mapakla. Tinulungan niya itong ayusin ang mesa nila."Grabe! Busog na busog ang mata ko sa ganda ng mga bilihin, buti hanggang window lang talaga tayo," natatawang sabi nito."'Pag mayaman na tayo, mabibili na natin ang mga nakita mo kanina," aniya dito."Oh, yeah! Kailan kaya tayo yayaman?""Pagputi ng buhok ko," wala sa sariling sagot niya."Ah, hindi na uwak? Sabagay, may pag-asa tayo kapag buhok ang pumuti." Humagikhik pa ito.Napakunot-noo i

    Huling Na-update : 2022-08-01
  • Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)   Chapter 11

    NAPANGITI SI THEA nang makababa ng eroplano. Napapikit siya at lumanghap ng hangin. Polluted, pero nakakamiss ang ganitong amoy ng Pilipinas. Only in the Philippines.Napatingin siya sa mga kasabayan sa arrival area. May kaniya-kan'yang sundo ang mga ito.Napangiti siya ng mapakla. Siya, hangin lang yata ang yumakap sa kan'ya para salubungin at i-welcome back siya.Hindi niya maiwasang isipin ang mga magulang at kapatid. Walang kaalam-alam ang mga ito na nakauwi na siya. Bibisitahin na lang niya ang mga ito kapag okay na ang problema niya.Pero paano kung hindi magiging maganda ang resulta ng lakad niya? Napabuntong-hininga na lang siya.Nakaramdam na siya ng paninigas ng tiyan kaya binilisan niya ang lakad palabas. Kaagad na nagpara siya ng taxi. Sa Quezon City siya nagpahatid kapagkuwan. Buti na lang may landmark ang lugar na pinuntahan niya. Minsan pa naman ang mga taxi napakatamad maghanap."Salamat po," aniya at ibinigay ang bayad dito.Akmang tatalikod siya nang tawagin nito."S

    Huling Na-update : 2022-08-01

Pinakabagong kabanata

  • Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)   Epilogue

    NAPATINGIN SIYA SA main door ng simabahan. Unti-unting binubuksan iyon. Namumuo na ang mga pawis sa noo niya, maging sa leeg. So, ganito pala talaga ang nararamdamn ng mga lalaking ikinakasal sa babaeng mahal? Grabe, sobrang nakakakaba. Hindi mo alam kung sisiputin ka ba o hindi. Though, alam niyang sisiputin siya ng asawa dahil kasal na sila. Nagpakawala siya ng hininga para pakalmahin ang sarili kasabay ng pagpunas ng pawis, na tumutulo na pala. Bumungad sa kan’ya ang liwanag. Hindi niya makita ang asawa kaya kinabahan siya. Kanina pa siya napapraning kahit hindi pa nagsisimula. Paano kung iwan ulit siya ng asawa kagaya ng ginawa nito? Tinampal niya ang dibdib kapagkuwan. Pakiramdam niya napakabagal ng mga sandaling iyon. ‘Yong excited ka ng makita ang mahal mo, saka naman binagalan ang oras. Ibinalik niya ang tingin sa pintuan ng sinimulang kantahin ni Kendra ang Destiny ni Jim Brickman. Hindi niya kilala ang magiging ka-duet ng kaibigan pero ang alam niya, nagtatrabaho iyon

  • Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)   Chapter 25

    KINABUKASAN, NAGISING SI Thea ng maramdaman ang init na hininga na bumubuga sa pagitan ng hita niya.Napamulat siya at tumingin sa baba niya. Napaawang siya ng labi. Si Keith, na sinasamba siya ng pagka-aga-aga.“Oh God,” hindi niya mapigilang mapa-halinghing ng simulan nitong himudin ang pagkabab*e niya. Awtomatikong napahawak siya sa buhok ng asawa dahil sa sensasyong dulot ng maiinit nitong dila.“Ohhh,” ungol niya. Kasabay niyon ang paggalaw ng mga hita niya.Hindi siya mapakali dahil sa sarap ng nararamdaman niya. Kumapit siya sa bedsheet para kumuha ng supporta.Hindi niya akalaing ganito bumati ang asawa niya sa umaga. Parang gusto niyang sagutin ng, ‘Good morning’ din. Napaliyad siya ng patigasin nito ang dila at nilaru-laro ang kanyang cl*t na lalong nagpainit sa buong katawan niya. Habang ang isang daliri nito ay naglabas-pasok na sa loob niya.Masyado namang ginagalingan ng asawa niya kaya liyong-liyo na siya. Hindi na niya alam kung saan babaling ng mga sandaling iyon.“

  • Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)   Chapter 24

    HINDI NA SIYA pinauwi ni Keith nang gabing iyon. Lahat ng gamit nila ay pinalipat na nito sa bahay nito. Hindi, sa bahay daw nila.Natulog siya sa tabi ng anak pero nagising siya na nasa tabi ng asawa. Paniguradong binuhat siya nito papunta sa silid nito. Yakap-yakap siya ng asawa nito. Akala mo naman aalis siya.Maaga siyang naligo dahil araw ng check-up niya ngayon. Baka mamaya naghihintay na sa kan'ya si Zoe.Magluluto sana siya nang mapansing meron na palang nakahain. Pumasok na lang siya sa silid ng anak.Nadatnan niya si Yaya na hinahawi ang malaking kurtina."Magandang umaga, Ate buntis.""Magandang umaga din." Nginitian niya ito kapagkuwan."Hindi daw makakapunta si Zoe,"Napakunot-noo siya sa sinabi nito. "Bakit? Sabi niya-""Si Sir Keith na lang daw po isama niyo.""So, pinagkaisahan niyo ako? Alam niyong si Keith-""Yaya,"Sabay silang napalingon ni Esang nang tawagin ito. Si Keith iyon. Gulo pa ang buhok nito pero hindi naman kabawasan ng kaguwapuhan nito. Narinig niyang s

  • Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)   Chapter 23

    KEITH'S POV...Nakailang silip sa Keith sa upuan kung saan dapat nakaupo ang asawa. Wala pa rin hanggang ngayon. Sinasadya na nga niyang ipa-delay ng kaunti ang simula ng concert. Kompleto na rin ang mga guests nila.Hinigit niya ang telepono niya para tawagan sana ito. Napakunot-noo siya ng nabasa ang mga mensahe nito."F*ck!" Bakit ba niya nakalimutang sunduin ang asawa sa labas? Hinintay siya ng asawa. Hinintay!Pinatawag niya ang coordinator ng event na iyon. Nanlumo siya ng sabihin nitong nagmadaling umalis ang asawa pagkatapos makita nito siya at si Miles, na inaalalayan ang huli na naupo.Na-check niya din ang CCTV. Totoo nga.Hindi naman kasi niya akalaing darating si Miles at magulang nila Thea. Naging abala siya kaka-entertain sa mga ito, samantalang, ang asawa ay matamang naghihintay. Tapos nakita pa nito sila ni Miles. Alam niya ang nasa isip ng asawa.Kahit hindi na bumalik ang asawa niya, nasabi pa rin niya ang matagal na niyang gustong sabihin sa madla. Na kasal siya sa

  • Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)   Chapter 22

    3 months later..."MISS D, MAGKANO ka kaya kapag binili?" Napatingin si Thea kay Tonton na noo'y nasa labas ng tindahan."Oo nga, Miss D para mapag-ipunan ko rin," ani rin ni Kiko na nasa upuan."Hoy, tigil-tigilan niyo si buntis!" sigaw ni Esang na kakapasok lang ng tindahan. Karga nito si Thor."Trillion, kaya niyo?" biro niya sa mga ito."Grabe! 3n1 na kape na nga lang d'yan. 'Yong twin pack, ha. Paki-lista na lang muna, Miss D. Wala pang pasahod si boss, eh." Nagkamot pa ito sa ulo.Bigla siyang natawa sa binata. Uutang lang naman pala ang dami pa'ng kuda.Pagkabigay niya ng kape ay nahiga siya sa duyan na nasa loob ng tindahan."Salamat, Miss D., hulog ka talaga ng langit!" nakangiting wika ni Tonton sa kan'ya. Tinanguhan niya lang ito."Hulog kasi tayo ng impiyerno," sabat ni Kiko na ikinatawa niya."Gag* ikaw lang. Hulog ako ng lupa," ani ni Tonton na binatukan pa ang kaibigan."Tingnan mo, tatanung-tanong kayo ng halaga ni Dorothy tapos ni pambili ng kape, wala kayo? Hay naku

  • Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)   Chapter 21

    NAPATIGIL SI THEA sa pagtayo mula sa kama nang maulalingan ang boses ng asawa sa veranda. Galit na naman ito. Kung hindi siya nagkakamali kausap nito ang ina.Nagpakawala siya ng buntong-hininga bago pumasok ng banyo. Tapos na siyang maligo pero nauulalingan niya pa rin ang asawa na may kausap. Mukhang hindi na iyon ang ina nito.Lumabas siya at tinungo ang silid ng anak. Naglalaro ito. Panaka-naka ang tingin nito sa TV na bukas. Ngumiti sa kan'ya ang yaya ng makita siya nito. Sinenyasan niya itong 'wag maingay dahil tumatawa ang anak.Nilapitan niya ito kapagkuwan. Hindi rin siya nakatiis dahil ang ganda ng tawa nito. Pinupog niya ito ng halik sa sobrang gigil. Pinagpapalo siya nito sa mukha dahil hindi ito makapanuod ng maayos.Hanggang sa paglabas ng silid ng anak ay dala-dala niya ang ngiti. Natigilan siya ng makita ang asawa, na lumabas mula sa malawak na verranda. Nagmamadaling pumasok ito sa silid nila. Pagpasok niya, nasa closet ito at naghahanap ng masusuot.“Aalis ka?” tanon

  • Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)   Chapter 20

    NAPALINGON SI THEA sa pinto nang bumukas iyon. Gumuhit ang ngiti sa labi niya nang makita ang asawa. Mukhang kulang ito sa tulog. Parang stress na stress din. Akala mo galing sa labanan. Gulong-gulo din ang buhok nito."K-kumusta si Miles?""I don't know if she's okay. Nainis ako. Iniwan ko na sila. Punong-puno na ako! I hate my parents! I hate them! Damn it!" Halata sa mukha ang galit nito.Kailangan nitong kumalma. Hindi siya magaling sa bagay na iyon pero susubukan niya.Marahas itong bumuntong-hininga saka naghubad sa harap niya.Nilapitan niya ito at ikinulong ang mukha nito sa mga palad niya.Tumitig ito sa kan'ya. Kita pa rin ang galit sa mga mata nito. Nginitian niya ito ng matamis. Mayamaya ay kumalma ang mga mata nito maging ang katawan na medyo nangiginig na pala sa galit."Relax, okay? Maligo ka muna para mawala ang init ng ulo mo. Mamaya na tayo mag-usap. I'll listen. Promise. We'll sort it out," kalmadong sambit niya.Tumangu-tango ito kapagkuwan sa kan'ya."Ipapainit ko

  • Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)   Chapter 19

    NAGMAMADALING LUMABAS SI Keith para tingnan ang istorbong bwisita niya. Ngayon pa nga lang siya bumabawi sa asawa niya tapos iistorbohin sila ng ganun-gano' n lang?Napaawang siya ng labi nang makita ang kapatid na si Blake Kent at Kendra na nakaupo sa sofa. Katapat ng mga ito si Caleb, at ang asawa nito. Naroon din ang mag-asawang Sebastian at Nikki.Si Caleb at Sebastian ay kababata at best friend ng kuya niya, na kalauna'y naging kaibigan niya din.Napatingin siya sa asawa ng kapatid niya, kay Kendra. Kinapa niya ang sariling damdamin para dito. Wala na siyang maramdamang kakaibang kabog.Hindi kagaya ng asawa niya, boses pa lang nito lumalakas na ang tibok ng puso niya. Hindi rin ito nawala sa isipan niya kahit ilang taon silang hindi nagkita. Minu-minuto gusto niyang makita.Si Kendra naman noon, ilang beses niya lang nakikita noon. Namimiss niya pero hindi ganoon katindi sa asawa niya. Kapag umuuwi lang siya galing sa kung saang lupalop ng mundo nakikita ito, hindi siya masyadon

  • Once Upon A Time In Dubai (Tagalog)   Chapter 18

    "KEITH..." ANAS NIYA nang maramdaman ang kamay nito sa loob ng shirt niya."Yes, Baby?" nang-aakit nitong tingin sabay pikit ng mga mata. Dinadama nito ang tayong-tayo niyang bundok. Pinisil pa nito kaya medyo napadaing siya."M-mahal pa rin kita," sa wakas ay nasabi niya.Natigilan ito saglit pero bumawi din agad. Siya naman ang natigilan nang paulanan nito ng halik ang labi niya maging ang mukha niya."I know, baby. Gusto ko lang marinig mula sa labi mo. Hmmn." Kinagat pa nito ng bahagya ang ibabang labi niya. "And, I missed you're f*cking lips, too, Thea.""T-totoo ba ang sinabi mo kanina?" nauutal niyang tanong. Natigilan ulit ito sa pagdama ng kaliwang dibdib niya."Alin? 'Yong mahal kita?"Marahan siyang tumango.Hindi ito sumagot. Mayamaya ay naramdaman niya ang kamay nitong pilit na pumapasok sa panty niya.Napahawak siya sa balikat ng asawa nang maramdaman ang init ng palad nitong dumadampi sa balat niya, and it turns her on."Hindi ka ba naniniwala?" sagot nito habang naglul

DMCA.com Protection Status