Chapter 1
"Yes, ma. I already packed my important stuff and come on, that will only be one week. Why so worried?" I hugged my mother from the back, wrapping my arms around her shoulders.
"I'm not worried. Wala lang akong mauutusan dito sa bahay." She said that made me pout. Kaagad akong kumalas sa pagkayakap sakanya. She just chuckled afterwards. "Biro lang, anak. Basta ah, paki kamusta mo ako sakanila, especially kay Blake." She smiled, playfully.Kunot noo ko s'yang tinignan habang inaayos ang mga gamit ko. "Ma, stop it." I said. "It sounds weird mentioning Blake habang ganyan ka makangiti." Dagdag ko pa saka binitbit na ang aking bag."Why? Isn't he your childhood crush?" She poked my nose while giggling. I glared at her.Ayan na naman sya. Ayaw mag move on."I was just a 10 year old naive kid that time, Ma. Nakamove on na ako, kaya dapat ikaw din," sagot ko sakanya saka naunang lumabas ng kwarto.Habang pababa ako ng hagdan ay nadatnan ko ang bagong boyfriend ni mama na feel at home na kumakain sa sala namin."Ayos ah, bahay mo?" I asked, sarcastically. Narinig ko ang ilang yapak ng tsinelas ni mama habang pababa na rin ng hagdan. Nauna itong nakababa at sinalubong ang jowa niya."Hi baby!" Masiglang bati ni mama na para bang kinikiliti sya. Sinalubong naman ito ni Port ng yakap si mama. Kumunot nalang ang noo ko habang nakatingin sakanila. "Dito muna sya magsstay while you're not around, Lucy." Wika ni mama. Nang tuluyan na akong makababa ng hagdan ay pinagkrus ko ang aking dalawang braso at tinignan silang dalawa."Ayoko na ng kapatid." Sabi ko na hindi maipinta ang mukha. "Lalo na sa ibang lalaki."Natawa naman si mama. "Ano ka ba, Lucy! Hindi mangyayari yan, okay? Safe kami palagi." Sagot niya sabay kindat."I won't do anything to your mom, Lucille." Sumingit naman ang boyfriend. Napabuntong hininga nalang ako."Aba, dapat lang." Masungit kong tugon kasabay naman non ang malakas na busina na nanggaling sa labas. Sila Hannah na ata yun! "I better get going, ma." Ani ko at lumapit kay mama para halikan sya sa pisngi."Enjoy kayo," sabi niya sabay yakap sa akin."Ma ha, behave kayo." Sabi ko habang tinuro turo pa silang dalawa bago lumabas ng bahay.Kitang kita ko na kaagad ang van na di kalayuan sa bahay namin. I smiled out of nowhere thinking that we're reuniting again. It's been such a long time since we were together.I saw Wein rolled down the windshield from the front seat. "Lucy! Hop in!" She yelled, having this big smile on her face. Wein has been a good friend of mine long before I met the others. She agrees with all of my opinions! And very bratty din."Hey Lucille!" Nina, also yelled, lurking from Wein's back. Good thing na sya ang driver for today. Masisiguro kong safe ang byahe namin. She's like a mother to us. She's always there when you need someone to talk to.Pumunta na ako sa kinaroroonan ng sasakyan. Pinagbuksan naman ako ni Hannah ng pintuan saka ako pumasok. "Namiss kita, girl!" She exclaimed as she kissed my cheeks."Ang plastic mo!" Pabirong sabi ko. Natawa naman si Hannah. I usually throw jokes at Hannah. She's cool and a care free woman. Sya ang malakas manglalaki sa amin. D'yan sila nagkakasundo ng mama ko."Hi, Lucy!" Heaven greeted me with her usual sweet smile. Magkatabi sila ni Hannah kaya tumungo pa ako sa back seat para ako lang mag-isa.I giggled at Heaven. "You look prettier today! Inspired?" Heaven's the most sweetest and innocent person I've ever known. She's way different from us, good different."Inspired kasi kasama ko kayo ulit!""Suuus! Miss mo lang pinsan ko, eh." Singit naman ni Hannah. She's talking about Ford. May iba pa kaming kasama at puro sila boys.Heaven lightly slapped Hannah's shoulders. "Asa!"Nagtawanan naman kami lahat sa cute niyang reaction. Ilang segundo ay may narealize ako. Parang kulang kami?"Nasaan si Devy?" Tanong ko."Ay. Nauna na sa resort, teh." Sagot naman ni Wein. Tumango lang ako bilang sagot. Malapit din naman kasi ang bahay nila sa resort."Grabe 'no? Ngayon lang natin naexperience na yung boys nagp-plano ng lakad natin." Wein wondered. Kagabi rin ako napapaisip dahil d'yan."Namimiss na ata tayo." I jokingly answered.Sabay namang napatingin si Hannah tsaka si Heaven sa'kin. "Miss mo ba si Blake?" Biglaang tanong ni Heaven."Of course," I smiled. "Pero walang malisya, okay? Itong tingin ni Hannah, mapanghusga, eh." Ani ko sabay turo sakanya."Baka lang naman may something pa." Aniya. Nagulat nalang kami nang biglang huminto ang sasakyan. Napalingon kaming lahat kay Nina na nakapoker face lang."Anything wrong, Nin?" Wein checked up on her, placing her hand on Nina's shoulder.Nina just shook her head. "Nothing. I suddenly felt dizzy lang.""What's wrong? Are you sure that you can still drive?" Heaven sounded very worried.Nina nodded. "Yes, malapit naman na tayo. I'm sorry about that girls.""Don't hesitate to tell us what's going on ha." Sambit ko naman. Nina is not really open about her own problems but tries her best to be vulnerable in front of us sometimes. Kaya inaantay nalang namin na sya ang unang lalapit kaysa sa pilitin pa namin.Umandar na ang sasakyan ulit at nagpatuloy sa pagbyahe."Anyways, I heard din from Ford na kasama nila yung nakilala nila sa tinatambayan nilang pub." Hannah spoke.Wein took a glimpse at the rear mirror to look at Hannah. "New friend?"Hannah just shrugged.After that, hindi na ako nagsalita.Hindi ko maipinta ang sarili kong mukha. Akala ko pa naman kung ano na, 'yon lang pala. Ano naman ngayon? Edi maganda, madadagdagan kami.Napagpasyahan ko nalang kunin ang earphones ko sa bag, kinapa ko naman ang phone ko sa bulsa saka sinaksak ang earphone doon. I clicked 5 seconds of summer's she looks perfect.Napabuntong hininga nalang ako saka isinandal ang ulo ko sa headrest.I've never been into a relationship. Buong buhay ko ay si Blake lang ang hinahanap ng mga mata ko.Blake is a very loving son to her mother. Alam na alam ko 'yan dahil sabay lang naman kaming lumaki. He's a well-educated type of a guy, hindi basag ulo, walang bisyo, at family oriented na lalaki.When I was 7, I witnessed how abusive my father was to my mama. Tuwing gabi ay nag aaway sila, nagbabatuhan ng mga masasakit na salita at kung ano ano pa. Dahil sa nakita ko ay natatakot na rin ako sa mga lalaking katulad niya. That's why, I promised myself not to marry a man like him.And then there's Blake. Siya ang pinupuntahan ko tuwing hindi maayos ang magulang ko. His family and mine are very close friends and so are we. Nagmana siya sa daddy niya na mabait din, walang gulong nangyayari sa bahay nila. They are the happy family that I always wanted to have.When I turned 10, I started to have feelings towards Blake. Napakabata mang pakinggan pero oo, nagkagusto na ako sakanya ng ganun kaaga.Tumagal 'yon hanggang nag 17 ako. I was there beside him at every inconvenience in his life but never really happened between us. I gave up when I turned 18, I decided to focus on my own. Mas dumami kaming magkakaibigan, kaya hindi ko na siya naiisip dahil may iba na akong napapag-abalahan.And now, I'm already 20. Still jobless at wala pang alam na pwedeng kuning trabaho. I actually finished Fashion Merchandising since my mother is a well-known fashion designer. Yes, she is. Kaya feeling bagets pa rin sya dahil malakas talaga appeal ni mama."We're here!" Heaven, excitedly exclaimed. Siya ang nagbukas ng pintuan at naunang bumaba. Sumunod naman sakanya si Wein saka si Hannah na katabi ko. I followed too."How 'bout the van?" I asked."Mga tauhan na raw nila Ford ang bahala sa sasakyan natin." Hannah, answered.Cool. Galante talaga ang mokong na 'yon pero hindi marunong mag pangalan ng resort.Yes, pagmamay-ari ng pamilya ni Ford ang resort na pagbabakasyonan namin. But he's now managing it more often. Busy sa ibang matters ang parents niya and we're proud that Ford's a responsible man right now.Pero seriously? Deep Blue Sea? Pagmamay-ari ata ito ng isang 7 years old."Wooow!" Manghang-mangha si Heaven nang makarating na kami sa buhangin.It's a white sand, a very white sand. Purong puro ito, para kaming nasa boracay, ah.Ikaw ba naman nasa Deep Blue Sea, mamamangha ka talaga."Oh, I received a text," Nina, spoke while looking at her phone. "It's Blake, they're here." I gulped. I can't believe we're seeing each other after awhile.Matagal na rin kaming hindi nagkikita. Sa group chat nalang kami nagkakausap, madalang pa.Napatango tango naman si Hannah habang nguya nguya pa rin ang chewing gum niya. "Itapon mo na nga 'yan, Hannah. Wala na atang tamis yan 'e." reklamo ko."Parang kami lang ni Klein baby," she pouted.I frowned. "Klein? Sino na naman yan?""Bagong lalaki niya." Heaven, replied.Natawa naman kaming lahat. See? She has her own factory of boys. Hindi siya nauubusan."Bitcheees!"Sabay sabay kaming napalingon sa pamilyar na boses na nasa isang malaking cottage. Nadatnan namin si Devy na nakatayo roon habang kumakaway sa'min."Early bird ang bruha," singhal ni Wein.Nagsimula na kaming maglakad papunta sa kinatatayuan ni Devy. Napatingin naman ako sa maasul na dagat na sumasayaw kasabay ang mga puno na natatamaan ng malakas na hangin. Hindi masyadong mainit kaya walang mah-heatstroke sa lagay na 'to.Bago pa man ako makarating sa kinaroroonan ng isa naming kaibigan ay biglang nag vibrate ang phone ko. I glanced at the caller ID and saw that it's my mother.Hindi na ako nagpaalam sakanila kaya tumalikod ako saka bumalik sa direksyon namin kanina. I answered the call and her worried voice greeted me."Musta? How is it going? You okay there? Nagkita na kayo ni Blake? Pasensya na kanina, ha. Hindi ko kase alam na darating siya. . .""Ma, ma, slow down. Will you?" naiinis kong tugon. "It was fine, ma. No need to worry.""How's the girls? And Blake, yes, Blake and the boys, nandyan na?" "The girls are complete and the boys are. . ." napatigil ako sa pagsasalita nang mamataan ang mga lalaki na pinangungunahan ni Blake.He looks more handsome and more built. But wow, I don't feel anything at all."Hey, Lucy. Long time no see!" Collin, greeted me as he raised his fist, gesturing me to fist bump him. And I did what he wanted to happened."Y-yeah, long time no see." I greeted him back, with an awkward smile on face.I saw Ford's jaw dropped. "Yo, your hair. . . you painted it black!"I chuckled. "Yeah, why? Any problem?"Napailing ito. "Angas ah, kamukha mo yung baliw sa'min," he casually said while attempting to touch my hair pero agad kong tinapik ng malakas ang kamay niya.Nasanay na kasi silang paiba iba ang kulay ng buhok ko, eh."H'wag ka ngang basag trip. Baka gusto mong ipatumba ko itong baduy mong resort, napakabaduy ng pangalan."Nagsitwanan naman ang mga ulupong."Baduy pala tol, 'e," River, laughed.Umakbay naman si Nico kay Ford. "Kaya h'wag natin banggain ang mga babae, tol. Mahirap sila kaaway.""Tangina niyo, sumbong ko kayo sa doberman namin." Kunwari itong mangiyak-ngiyak habang tumatakbi papunta sa kinaroroonan ko kanina. Natawa na lamang ang iniwan niyang mga ulupong din."Sige, Lucy. Mauna na kami, usap na kayo ng mama mo ulit." Blake approached me. Nanlaki naman ang mata ko nang mapagtantong kausap ko pa pala si mama."Sige, sige," I nodded.Bago sila umalis ay isa isa nilang ginulo ang buhok ko na ikinasimangot ko. Mga baliw talaga. Inayos ko muna ang buhok ko bago binalik sa aking tenga ang telepono."Hello?""Oh, musta d'yan? Nandyan na sila Blake? Kung ano ano na naririnig ko kanina, ha. Take care, okay? Make sure that-" "Ma, I told you, I'm fine. . . and yes, the boys are already here.""Oh my god! Balitaan mo'ko about kay Blake, okay? Grandchildren on the way!""What? No!""Whatever, I need to go, sweetie. Have fun!"And thankfully, the call ended! Holy heavens, ano bang pinapakain ng bagong boyfriend ni Mama sakanya? She's very vulgar today. Grandchildren? Jusko, no. Not at this state. I'm still young and unemployed.I looked around and noticed that I'm already back at the entrance. Hindi ko na namalayan na nakarating ako rito habang nakikipagusap kay mama. Napakadaldal naman kasi.I turned around and saw a guy wearing a black beanie. May inaayos ito sa loob ng sasakyang mukhang pamilyar sa'kin. Parang ito ata yung sinakyan ng mga boys kanina. Bakit pinapakialaman ng lalaking 'to? Hindi kaya magnanakaw 'to?Napahinto ako nang biglang lumakas ang ihip ng hangin sa buong lugar. May lumipad pa na dahon at dumapo sa mukha ko, inalis ko 'yon agad dahil sa inis. Ano ba? Summer ba talaga ngayon o bagyo?Napatingin naman ako sa sahig at nakita ang beanie ng lalaki na ngayon sinara na ang sasakyan. May bitbit na itong gitara habang pinagmamasdan ako.I stretched my arms, handling him his beanie. Pero naka-poker face lang s'ya. Ayaw niya ba tanggapin?"I assumed that this is yours," wika ko habang iniabot sakanya ulit ang bonnet."Itapon mo nalang 'yan."I frowned at him. "Ha, bakit?""May germs na. Hinawakan mo kasi." He answered. I just blinked a couple of times, processing what he said.I frowned. Seryoso ba sya? Anong tingin niya sa'kin, hindi naliligo? "Germs mo mukha mo." Sabi ko saka pinagpag nalang ang beanie dahil may konting alikabok pa dulot nung hangin kanina."Throw it or keep it." Kaswal nitong sabi.Tutal ay mahilig naman ako sa kulay itim ay napagpasyahan kong isuot iyon sa ulo ko. Kung ayaw niya, edi akin nalang."I'll keep it. Thanks!" I said. Inunahan ko na siyang maglakad pabalik sa kinaroroonan namin kanina habang masayang hinahawakan ang beanie sa ulo ko. "This is very comfy," wika ko saka nilingon siya.I giggled at him and noticed his reaction. I thought he finds it cute but he's just frowning. Bahagya akong natawa. Nauna nalang ako maglakad nang mabilis hanggang sa tumakbo na ako para maabutan sila.So, first day of vacay. I got my self a beanie from a total stranger.Chapter 2"So, you're the guys' new friend," tumabi ako sa lalaking pag mamay-ari ng bonnet sa ulo ko.He didn'trespond, instead he just drink the last shot of his liquor. Nandito kami ngayon sa outdoor mini bar counter. Nag order lang naman ako ng juice pero itong lalaki na 'to, nag alak na. Jusmiyo marites. Tanghaling tapat, naglalasing?"Isn't it early to get drunk?" I causally asked as I took a sip of my pineapple juice. "Isn't it too early to be talkative to someone you just met?," patanong na sagot nito saka napatingin sa'kin. It took me a minute to scan his whole existence. Okay, wow. He won, he has the looks. With his hazel brown eyes, thick messy hair, his pinkish thin lips, pointed nose. Ang puti pa. Tisoy!"Okay na? Gwapo ba?" tanong niya dahilan para makabalik ako sa wisyo. Was I staring at him for too long? "Ha? U-uh, What are you talking about?" maang-maangan kong tanong. "Nevermind, nuisance." He respond, "Hindi ko sila kaibigan, magkakakilala lang kami." dagdag n
Chapter 3Nauna na akong pumasok sa hotel para magpahinga. Iisang room lang din kami nila Wein, maluwag naman atsaka kasya kahit limang tao. Good for barkada raw sabi ni Ford kasi ganun din yung sakanila.Habang naglalakad sa pasilyo papunta sa room 401, may nakasalubong akong isa sa mga tauhan dito sa resort. May dala itong bowl at tray, parang pamilyar ito sa paningin ko. "Excuse me, miss," salubong ko sa babae."Po?" Nakaturo lang ako sa bowl pero walang salita ang lumalabas sa bibig ko. "Ah, ito po ba? Ito po yung nilagyan niyo ng sabaw kanina, kinuha ko na po, nagr-room service na po kasi kami," sagot nito.Nakatingin lang ako ngayon sa bowl na ngayon ay wala nang laman. Transparent ito kaya kitang kita kahit gaano ka pa kalayo na wala na talagang laman. Akala ko ba hindi masarap? 'E, bakit ubos 'to? "Ah, sige po, ma'am," paalam ng babae saka mabilis na naglakad palayo. Nagustuhan niya ba luto ko? Pero sabi niya matabang. Baka wala s'yang choice o baka tinapon niya? "Nagutom
Chapter 4"Since it's our second day in this summer vacation, jetski tayo!""Kain muna tayo, Wein, 'no?" pabarang sambat ni Devy. Inirapan ito ni Wein. "Excited lang ako, okay?" Ngumisi naman si Collin. "Bakit? Para makaangkas ka sa'kin?" pilyo itong ngumiti kay Wein."Yuck!" singhal naman ni Wein sabay bato kay Collin ng balat ng saging. Natawa kaming lahat sa inasta ng dalawa. May mga oras talaga na hindi sila nagkakabati. Nandito kami ngayon sa dining hall ng hotel. Nasa long table kami para sabay at magkasama kami lahat na kumakain. Nasa kanang banda kaming mga babae at kaharap ko pa si Fin. Tahimik lang itong kumakain. Napapasulyap ako sakanya paminsan minsan. Paano ba naman kasi, marunong siya magbukas ng alimango. Ako, kanina pa ako nakatitig sa crab ko pero hindi makain-kain dahil hindi ako marunong magbukas! Oo, naiinggit ako! Gusto ko magpatulong! Pero dahil may inaalagaan akong pride, h'wag nalang. Hahanap ako ng sarili kong paraan, makain lang ang alimangong 'to. Ku
Chapter 5AYOKO NA!"Omg! Anong feeling naka-karga kay Fin?" malisyosang tanong ni Wein sa'kin. Malalim naman na huminga si Hannah na may pagkadismaya. "Nakakainggit naman.""Hoy!" pinalo ni Devy si Hannah. "Ang dami mong lalaki d'yan, nakuha mo pang mainggit." "Walang nakakainggit." seryoso kong ani. Totoo naman. Walang nakakainggit! Nakakailang lang! "Ayoko na sya makita!" sabi ko saka tinakpan ng unan ang buong mukha ko. "Hala siya, kinarga ka na nga, eh." si Devy. "Oo nga, 'e kung wala sya dun, baka kinain ka na ng pating!" pananakot ni Wein sa'kin pero hindi ko siya pinansin. "At babalik kang walang pang itaas!" Singit pa ni Devy. Naalala ko na naman! Gugustuhin ko nalang magpalamon sa pating kesa sa kahihiyang 'yon. Ngayon ko lang naramdaman 'yon sa buong buhay ko. I sighed. "Volleyball tayo later?" rinig kong pag aaya ni Heaven habang dinig kong ngumunguya ito ng chichirya. Bumangon ako kaagad saka lumapit kay Heaven. "Pahingi!" Binigyan niya naman ako dahil parehas nam
Chapter 6 I stared at my self on the mirror. Scanning my whole appearance. Okay naman. Goods na. I'm wearing an above-the-freaking-knee puff dress, medyo maiksi at expose masyado ang legs ko. The floral design on my dress highlights the most. It was cute so I agreed to wear this. It was also Devy's suggestion. Pasado alas singko na ng hapon. Kanina, hindi namin nakasabay kumain ang mga lalaki. Huli naming pagkikita nung pumunta ako sa stadium, alas dose pa 'yon, eh. Hindi na namin alam kung saang lupalop na sila dinala ni satanas. I reached for my phone when I heard a beep. I wonder who messaged me. Baka si mama. From: +369******* I miss you. It beeped again. Found you :) I frowned. Who the heck is this? "Who is it?" Wein asked while fixing her make up. I just stared at the text message. "I don't know. . . unknown number, eh. I miss you daw." All their gaze shifted on me. I chuckled. Mukha silang trinaydor. Wein looked at me in shock. "Omg ka. May ex ka bang hindi si
Chapter 7 Habang seryosong kumakanta si Fin, nahuhuli ko rin itong sumusulyap sa direksyon ko. Hindi naman sa assuming ako 'no, pero 'yon lang naman ang napapansin ko. Ang pogi niya nga pag ginagawa niya 'yon, 'e. Ewan. Wala na akong rason para itanggi na nagw-gwapuhan ako sakanya. Una palang naming pagkita, iba na ang dating ni Fin sa'kin. Sobrang simple lang manamit, sobrang simple niya lang gumalaw pero kahit ganun, aaminin kong ang lakas talaga ng dating niya! Pagkatapos kong marinig lahat ang mga pinayo sa'kin nila Devy, paulit-ulit lang na bumabalik sa utak ko hanggang ngayon. May point nga naman, nabubulag talaga ako minsan sa sarili kong standards sa mga lalaki na gusto ko kagaya ni Blake. Wala naman sigurong masama kung crush ko siya diba? Ako lang naman makakaalam. Sa sandaling 'to, inaya ko ang mga katabi ko na tumayo at makikanta. "Sumabay tayo sakanila!" Sigaw ko. Nagulat sila pero napalitan din ito kaagad ng pag sang-ayon. Everyone went wild in ecstasy. The voic
Chapter 8 "I was trying to ask him to go out!" "And you think you have the power to do that alone?" Blake, chuckled sarcastically. "Kung hindi dumating si Pariston, malamang dinukot ka na nun." He sound really pissed. I looked down. I feel ashamed. I shouldn't have done that in the first place. Hearing Blake scolding me like this, it pierced my heart. I think I'm going to cry. Nandito sila lahat sa kwarto namin ng girls. It's very quiet, very gloomy and serious and only Blake's voice filled the whole room. Si Fin, nasa bandang pinto. Nakasandal lang at seryosong nakatingin sa'min. It's passed seven in the morning. Yeah, Blake came here with the boys so early. His face seemed so dark that I can't even take a glance at him. "Tama na, Blake. Leave her alone." Nina said, touching Blake's shoulder. Blake sighed heavily. "Let's go home." "Pre, pwede namang mag palamig muna tayo ng ulo rito." Sabi ni Collin. "Oo nga, madali lang naman pag usapan 'yan," Si River. "'Di naman
Chapter 9 Gabing kay lungkot. Wala bang makipagbardagulan d'yan? Nakahiga lang ako sa kwarto ko buong gabi. Nagpahinga muna sila Devy dito pero saglit lang at umalis na. Hinihintay ko nalang silang mag ingay sa group chat para may magawa na ako. Naglinis na ako ng buong bahay, naghugas ng pinggan, nagtupi ng damit kahit nakaarrange naman na talaga sa cabinet. Halos nilibot ko na rin buong bahay namin. Bored pa rin ako. Wala rin si Mama, wala akong kakwentuhan. May date na naman ata s'ya. I heaved a sigh. Nababaliw ako rito. Hindi pa rin kami magkaayos ni Blake at mukhang matatapos na ata itong araw na hindi kami magkakabati. Napabalikwas naman ako ng bangon nang marinig na sa wakas na tumunog ang phone ko. Agad kong kinuha ang phone ko sa side table, bumungad sa'kin ang mensahe ni Wein. weinyy 9:06 p.m luccyyy ^^ you: oh? weinyy: sunget! *sends a picture suprise!! you: hala Napatingin ako sa kisame ng ilang segundo habang pinoproseso sa utak ko nang makita y
birthday ball"Sakit ng ulo ko." Sapong sapo ng palad ko ang sumasakit kong ulo. It felt like shit. Parang nabagsakan ng isang kilong hallowblocks. Ganun din sila Devy at Wein. Hindi naman umiinom si Heaven kaya nauna pa itong nakaligo sa'min. "Here girls. Got you some soup!" Hannah just came with their cooks na may dala dalang apat na bowl ng soup. "Mainit pa yan. After that let's take swim then let's dress up. How's that sound?" Ang good mood naman ng babaeng 'to. "Anong oras ba magsisimula yung party?" Tanong ni Devy saka pumwesto sa maliit na table dito sa kwarto. Nauna nang humigop ng sabaw. Ayoko pang bumangon! "Lunch daw eh. But the main event will commence in the evening." Hannah answered. Lumabas na rin yung mga staff kaya sinubukan nalang din na bumangon. "Main event? Ilang event pa mangyayari today?" "This lunch is for their company. Hindi ka pa ba magr-ready, Lucy?" "Huh?" Sebastian hasn't been sending me updates anything about work. May meeting pala? Ba't hindi ko
bonfire"Nina's calling him?" Devy said in surprise. But not the happy surprised. We're currently here at the bar counter. Nagpalit ang trabaho namin ng mga boys. Sila na ang nag preprepare ng makakain, while kami naman ang naghahanda ng maiinom mamaya. As usual, may juice, soda at hindi mawawala ang alak."Yes, kanina." I answered as I took a sip of the gin that Wein just mixed. "Hmm, that's strong." Napangiwi ako sa lasa. Sayang at wala si Hannah. Padilim na ang langit kaya wala na masyadong tao ang nagsisilabasan. May naliligo pa rin naman pero bilang nalang sa mga daliri namin. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang boys na abala sa pag aayos ng bonfire session namin mamaya. Ang laki ng ngiti ni Ford, pagkatapos nung away nila River kanina ay mas nakakasama na namin sya. Napako naman ang tingin ko kay Fin na walang saplot pang taas. Anong trip niya? Nagpapasexy ba sya sa mga babaeng naliligo? Pinagtitinginan kaya sya! "Baka matunaw naman abs ni Fin n'yan," I was snapped back i
Chapter 23"I'm sorry." He hugged me. I was out of words and only saying sorry came out from my mouth. Nahihiya ako sa inasal ko kanina. I shouldn't have let my emotions take over me. "Shh," Fin hushed when he started to caress the back of my head. "Naiintindihan kita."Humiwalay ako ng kaunti para tignan sya dahilan para matigil din ang pag haplos niya sa buhok ko. "You do?" Did the boys told him about my past?He nodded. "Alam kong mahal mo lang mga kaibigan mo kaya ganun ka umakto." I sighed. Akala ko sinabi nila. I actually don't mind but I also don't want Fin to know that my father is no different from the people that killed his parents. Natatakot ako na baka maturn ito sa akin. "Thank you." I said with a smile. He then, kisses my forehead. Nandito kami ngayon sa balkonahe ng room namin ng girls. Fin asked Devy if it's okay to enter and check on me. Pumayag naman sila at pinapapasok si Fin. Ngayon ay nagpapahangin kaming dalawa sa labas. Kitang kita namin ang buong dalampasi
Chapter 22"How are you feeling?" His voice suddenly filled the silence as we were sitting on the shore, the same spot where we had our first deep chitchat. I sighed, thinking what to answer. I don't know. How am I feeling? I've heard enough today. "Alam mo, pag nag eenglish ka, parang ibang tao nakakausap ko." Ani ko sakanya, "maangas ka kasi kausap palagi at palamura pa." Dagdag ko pa sabay tawa. Sinimangutan lang ako ng mokong. "Trip ko lang mag english minsan." "Pero mas bet ko yang ganyan," tinignan ko sya. Nakatingin na pala sya sa'kin. Ang pogi talaga. "Ako bet kita." Bahagya ko s'yang tinulak habang natawa. "Bet daw. Parang wala ka ngang plano sa'kin eh." Pabiro kong sabi. Natigilan naman sya. Natahimik din ako bigla. Parang nabigla ko ata sya dun ah. Aba, dapat lang malaman niya yon no. First time ko pa naman 'to, tapos 'di niya ako papanindigan. Iiyak talaga ako. Chos. "Kailangan pa bang itanong yun?" Kumunot ang noo ko at hinarap sya. "Ang alin?" "Yung ganun," sag
Chapter 21 "I thought you're not on good terms with your mom. Okay na kayo?" We're still here at the cottage. Kami nalang dalawa ang natira. The girls went out and swim with the boys. I stayed here with my boss. Nakakahiya naman kung iiwan ko sya 'e inimbitahan namin sya rito. "Still my mother after all. Wala rin naman sa plano niya ang tumagal pa rito. She just came home to check the company." Aniya sabay inom ng alak. I was playing with my fingers while having second thoughts if I'm going to ask him a question or not. Ayoko sanang isipin niya na chismosa ako. "Go ahead. Ask something." Napaangat ako ng tingin sakanya. Ang galing, nababasa niya isipan ko? Bahagya naman syang natawa. "Alam ba ng mommy mo na may sakit ka?" His smile fade away. Sabi ko na nga ba. I shouldn't have asked. Ang tanga talaga, Lucille! "It's okay, questions doesn't bother me." He respond and then looked away. Pinagmamasdan niya ang dagat, ganun din ako. "She didn't. She doesn't need to know. Dad d
Chapter 20Lucille's point of view. I woke up with a smile on my face. It was just really heart pounding last night. He was my first kiss! Fin's my first kiss! Napatakip nalang ako ng unan sa mukha saka tumili ng malakas. Akalain mo yon, pinagtataguan lang ako ng lokong yon pero nahahalikan ko na ngayon. Pag sinuswerte ka nga naman talaga. "Hoy Lucille! Mga kaibigan mo, nasa baba." Tawag sa'kin ni mama. Kinunutan ko lang sya ng noo. Mga kaibigan? Kailan pa nila sinabi na pupunta sila ngayon?"Kainis naman!" Nagmamadali akong bumangon at bumaba. Andito nga sila pero si Devy, Wein at Heaven lang. Anong meron? May general assembly ba? "Woke up like this ang peg oh! Ang ganda pa rin!" Sabi ni Devy, may palakpak pang kasama. Kinunutan ko lang sila lahat ng noo. "Anong meron?" "You haven't read the GC yet?" Tanong ni Heaven. I tilted my head on the side for a second. "Ahh. . . nakatulog na ako kaagad kagabe eh." Ikaw ba naman hindi mapagod sa nangyare kahapon. Buti nalang may kiss.
Chapter 19LONG CHAPTER AHEAD! Finley's point of view."Nandito pa rin yang mga yan?" Tanong ko kay Dams na sinalubong ako. Andito pa kase yung mga ugok, nadagdagan pa ng isa. Kala ko ba nag rereview 'to para sa bar exam niya? "Yo Fin!" Bumati sa'ken si Nico. Parang kararating lang ata ah. 'Di pa kase namumula yung pagmumukha eh. Yung tatlo naman halos 'di na maangat mga ulo nila. Nilingon ko muna si Dams at sinauli ang phone niya. Bago pa ako makabalik dito ay binura ko na number ni Lucia at binalik sa account ni Dams. Ayoko muna s'yang maka-alam na may pinopormahan ako. Alam ko na sasabihin niya. Pinangkitan niya ako ng mata. "Parang blooming ka. Galing date?" Suspetya niya bago tinanggap yung phone. "Nako Finley ha, sinasabe ko sa'yo. 'Di ka pa handa." Napalunok nalang ako ng laway. May lahi atang manghuhula 'to eh. "Wala, kingina. Ano naman papakain ko dun?" Tsk. Nabusog nga sya sa samgyupsalan kanina. Nilagpasan ko nalang si Dams at tumungo sa table nila Martinez. Napaupo n
Chapter 18his pastFinley's Point of View. "Kung sasabihin mo sa'ken kung sino bumaril sa mga magulang ko, ako mismo magpapalabas sa'yo rito." "Hahaha. Wala kang mapapala sa'ken, bata. Tanging si Boss lang ang sinusunod namin, mag kamatayan man tayo rito." Tanginangyan. Walang silbe. Hinding hindi ako matatahimik hanggat hindi ang taong yun ang makakaharap ko. 'Di pwedeng basta basta ko nalang makakalimutan ang ginawa niya sa pamilya ko. "Wala ka na bang ibang sasabihin, bata? Naiinip na ako rito kauupo eh." Ako rin. Inip na inip na akong makita ang gagong yun nang mapatay ko na. "Pasok niyo na." Sinenyasan ko ang mga pulis na ipasok na 'tong kutong lupa na 'to pabalik sa selda niya. Naiwan akong mag isa na nakaupo rito. Kinuyom ko ang kamao ko dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon. 'Di ako pwedeng huminto. Ayokong pakawalan nalang lahat at hayaang mamatay ang mga magulang ko na walang hustisya. 'Di ako papayag. "Ayos ah, pwede ka na gumawa ng sarili mong banda!" Puri sa'ke
Chapter 17"I'm so happy to see you here." Tinaasan ko sya ng kilay. "Ako hindi. Hindi ka bagay sa suot mo." At natawa lang sya! Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa sitwasyon niya ngayon. Ganun ba sya ka happy go lucky sa buhay na tinatawanan niya lang ang sakit niya? "Are you mad?" Tanong niya. "'Di ba halata? Alam ko na lahat." Pinagkrus ko ang dalawa kong braso habang pinagmamasdan sya. Parang ako na nagiging nanay niya ah. "So bakit ka nag stop sa treatment mo?" He frowned. "How did you know that?" "Sabi nung nurse mo." Sabi ko. "Oh, so you met Cain. He's my best friend and my private doctor." Nanlaki ang mga mata ko sinabi niya. "Doctor? Akala ko nurse yon. Muntik ko nang masigawan yon kanina eh." "Why? Did he do something to you?" Nag alala niyang tanong. Umiling ako. "Wala. So bakit ka nga nag stop ha? Ayaw mo ba akong sagutin? Kailangan mong magpagamot. Ikaw lang inaasahan ng kompanya mo, lalo na kami! Ano! Paano magiging proud sa'yo daddy mo n'yan kung susuko ka