Chapter 3
Nauna na akong pumasok sa hotel para magpahinga. Iisang room lang din kami nila Wein, maluwag naman atsaka kasya kahit limang tao. Good for barkada raw sabi ni Ford kasi ganun din yung sakanila.Habang naglalakad sa pasilyo papunta sa room 401, may nakasalubong akong isa sa mga tauhan dito sa resort. May dala itong bowl at tray, parang pamilyar ito sa paningin ko."Excuse me, miss," salubong ko sa babae."Po?" Nakaturo lang ako sa bowl pero walang salita ang lumalabas sa bibig ko. "Ah, ito po ba? Ito po yung nilagyan niyo ng sabaw kanina, kinuha ko na po, nagr-room service na po kasi kami," sagot nito.Nakatingin lang ako ngayon sa bowl na ngayon ay wala nang laman. Transparent ito kaya kitang kita kahit gaano ka pa kalayo na wala na talagang laman.Akala ko ba hindi masarap? 'E, bakit ubos 'to?"Ah, sige po, ma'am," paalam ng babae saka mabilis na naglakad palayo.Nagustuhan niya ba luto ko? Pero sabi niya matabang. Baka wala s'yang choice o baka tinapon niya?"Nagutom ako.""Ay, demonyo!" Napalundag ako sa gulat nang may nagsalita sa tabi ko. Si Fin lang pala.Si Fin! Nandito na naman sa tabi ko. Pero wala nang yosi at wala ring amoy mula sa hininga niya."Nag candy ako para mabango." masungit nitong sagot."W-Wala naman akong sinasabi . . . " Siguro trabaho nito psychic? Alam na alam nasa utak ko, eh."Sige na, pumasok ka na." wika nito sa'kin sabay pasok sa pintuan na malapit lapit lang sa kinatatayuan ko.Hindi ko nalang siya pinansin dahil baka mastress pa ako dahil sakanya.---"Lucilleeee~ Wakey, wakey!"Heaven.Nakakabwisit talaga pag isip bata ang gumigising sa'yo. Sa aming magkakaibigan, si Heaven at Ford ang isip bata. Kulang nalang pag uuntugin ko silang dalawa.Binato ko siya ng unan dahil tumatalon talon ito sa kama na akala mo naman ang gaan gaan niya, baka makasira pa ito. Wala pa naman kaming pambayad."Bumaba ka nga, Heaven. Pag 'yan nasira, ikaw ang ibabayad namin kay Ford." pang aasar ko sakanya. Nagsi-ingayan naman ang ibang bruha."Ayieeeeee~""Bagay pa naman sila ni Ford, 'no?" sabi ni Wein na ngayon ay abala sa pag liliptint.Umagang umaga, nagliliptint."Agree! Baby kaya sila sa barkada," natatawang sabi ni Devy na naka bathrobe pa.Padabog na bumaba si Heaven. "Ayoko dun, puro isda lang naman gusto non 'e,"Natatawa akong bumangon saka nagstretching. Ngayon lang napasarap tulog ko, ah. Iba talaga pag nakahotel 'e."'E, ikaw, Nina, gusto mo ba si Blake?" biglaang tanong ni Wein. Bigla namang naintriga ang tenga ko dahil sa sinabi ni Wein.Nina chuckled. "What do you think?"Devy sighed. "Jusko naman, Nina. Aminin mo nalang, okay? Sa kilos mo kagabe kay Blake, halos mag one night stand na kayo sa harap namin." Nanlaki ang mata ko dahil sa narinig ko.One night stand? Si Nina at Blake?!"Fine," tila pagsuko ni Nina, "I kinda like Blake. . ." she answered, she smiled.Wala sa sarili akong napatango tango. Tama, wala namang namagitan sa'min ni Blake noon dahil crush ko lang sya. Kaya ayos lang na magkagusto sakanya si Nina."Woooh! I knew it, mukhang magkakatotoo na ang sumpa ko." sabi ni Wein."Ayan ka na naman sa sumpa mong bruha ka!" inis kong sabi sakanya. Sinong hindi maiinis kapag pinapaalala sa'yo yung ayaw mong marinig?Yung sumpa niyang nasa barkada lang ang makakatuluyan namin. Over my dead but gorgeous body! Kahit gaano pa kagwapo at kayaman itong si River, Collin, Ford at Nico. Hindi ko 'yan papatulan!"Oh, galit na galit naman itong si mareng Lucy, palibhasa kase in denial siya kay Fin."I rolled my eyes at Devy. "Pwede ba? H'wag siya, please lang." H'wag na h'wag!"Oh, why? He looks pogi naman, ah." sambat ni Heaven.Hannah suddenly arrived while giggling. "I agree, he looks hot. Add to list ko na 'yan si daddy Fin kung ayaw mo sakanya.""Like I care!"Inis akong lumabas ng kwarto dahil wala namang kwenta ang mga sinasabi nila. Ako? magkakagusto sa lalaking 'yon? Ayoko nga."Maraming chix dun pare, ano ba mga type mo?" umalingaw-ngaw sa buong pasilyo ang mga tawanan ng mga baliw. Hindi ko sila nilingon pero ramdam na ramdam ko sila sa likod ko.Sino ba sila para lingunin?"Goodmorning, Lucy!" rinig bati ni River at Collin sabay gulo ng buhok ko. Sumabay ito ng lakad sa'kin habang kinukulit ako."Tumigil nga kayong dalawa!""Aga aga, high blood!" wika ni River."Tsk, paamuhin mo nga, Fin!" sabi naman ni Collin sabay lingon sa likuran. Nakita ko itong may sinisenyasan sa likod kaya napalingon na rin ako.Si Fin, na naka checkered pajama.Ang cute!"Nakacouple pajama pa kayo, ah." sabi naman ni Nico kaya napatingin din ako sa pajama ko.Bwisit. Couple pajama nga, parehas pa ng kulay.Kaagad naman akong napatakbo sa hiya. Gago talaga. Konti nalang ileletchon ko 'yang nga 'yan. Nakakagigil na!"Lucy!"Napalingon lingon ako sa kung saan nang mamataan ko si Blake sa cottage. Nakadamit ito pero ang laki naman ng butas sa gilid. Wala ring kwenta pagdadamit niya.Pumunta nalang ako sa kinaroroonan niya saka padabog na umupo sa harap niya. Gawa sa bamboo ang cottage pero mukhang mamahalin tignan."Oh, what's with the frowning face?" tanong nito habang sinusundan ng tingin ang mga mata kong nakatingin sa alon ng dagat."Wala," sagot ko.I heard him chuckled a bit. "May surprise ako sa'yo." I turned my gaze directly to him. May tinatago pa ito sa likod niya."Ano na naman 'yan?" suspetya kong tanong. Pag ganitong may surpresa surpresa s'yang sinasabi, it's either tumakbo ka na o susuntukin mo s'ya.Natrauma na ako. Ilang beses na ako hinagisan nito ng gagamba."Surprise!" sigaw nito sabay spray ng whipped cream sa mukha ko.Kumalat 'yon sa buong mukha ko! Pero kalma lang, Lucille. Wala ka sa mood para patulan ang adik na 'yan."Ang saya mo naman, porket may—"Naputol ang sasabihin ko nang dumating na sina River. "Anong nangya— Oh!" humagalpak ng tawa ang tatlong kutong lupa nang makita ang nangyare sa mukha ko.Hinampas hampas pa ang mesa na gawa rin sa bamboo na nasa gitna namin habang tumatawa. Nasulyapan ko rin si Fin na mukhang nagpipigil din ng tawa. Ano? Sasali sya? Parang hindi nakinabang sa luto ko kagabi, ah."Hayop ka 'pre, anong ginawa mo kay Lucy," natatawa pa rin si Collin habang paupo sa tabi ni Blake. Sumunod naman sakanya si River at Nico sa pag upo, habang si Fin, nakasandal lang sa bamboo habang pinagmamasdan din ako.Hala, sige. Pagtulungan niyo ako. Mga letche."Collin," tawag ni Blake sakanya. "River, Nico," dagdag niya pa. "Surprise, dimwits!" sigaw nito sabay spray sakanila ng whipped cream. Hindi pa nakatakas kaagad ang tatlo, pero saka pa sila nakaiwas nang puno na ng whipped cream ang mukha nila.Hinabol naman sila ni Blake at mabilis na tumakbo sa isa isa sakanila.Ako naman, eto, tawa na rin nang tawa. "Ayan, namnamin niyo 'yan!" wika ko habang natatawa.Napansin ko naman si Fin na parang lumalayo sakanila. Parang umiiwas. Pwes, damay ka rin.Tumayo ako saka lumapit sakanya. Nasa naghahabulan na mga tukmol ang atensyon niya kaya nang maramdaman niyang nasa likuran niya ako kay kaagad kong ipinahid sakanya ang whipped cream na galing sa mukha ko.Tinuro ko siya habang natatawa. "Para 'yan sa sabaw ko kagabi na sinabihan mo ng matabang!"He hissed. "Inubos ko naman, ah." sagot niya pero hindi ako nakasagot kaagad. "See? Wash my face, ayokong sumali sa kahibangan niyo." reklamo niya.Napangiwi naman ako. Ako pa maghuhugas sa mukha niya? Luh, asa naman sya 'no."Bakit ako pa?" masungit kong tanong. "Kita mong parehas tayong may whipped cream sa mukha kaya huhugasan ko rin ang sarili ko!" wika ko saka tumalikod sakanya, bago pa man makapaglakad palayo ay hinila niya ang pulsuhan ko pabalik sakanya.His eyes, were too smoky. "Mahapdi kamay ko, ayokong mabasa.""Oh? Kasalanan ko ba?""Hindi, pero responsibilidad mo yon," rebutt niya. Inis kong hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya."Oo na!" sabi ko sabay tumungo sa may dagat.Hindi na masyadong malakas ang alon ngayon dahil alas sais na ng umaga. Mas lalo ring malamig ang simoy ng hangin at paaraw na. I stepped my right foot to the water and I mmediately backed out when I felt that it was too cold."Sabi ko nga, dun nalang sa gripo," sabi ko sa sarili ko saka tumalikod nang mabangga ako sa isang matigas na bahagi ng katawan.Ang dibdib ni Fin. Anong iniisip niyo?"Saan ka pupunta?" tanong nito sa'kin. Napaatras naman ako kaagad dahil sakanya."Ano pa? Edi huhugasan 'yang mukha mo," inis kong sagot."Ba't hindi pa rito? tutal nandito na tayo." Sabi niya saka naglakad papalapit sa tubig.Umalon ito bigla ng malakas kaya muntik nang napunta sa kinatatayuan ko ang tubig. Bahagya naman akong napalundag dahil baka malamigan na naman ang paa ko. Hindi ko kaya yung lamig!"Ah, nalalamigan ka?" sabi naman ng adik na ngayon ay nakalubog na ang mga paa sa tubig."H-Hindi, ah! Ayoko lang mabasa paa ko," pagtatanggi ko.He smirked. "Arte, halika na, hugasan mo 'to." pag aaya nito sabay turo sa mukha niya, "pati na rin 'yang mukha mo, mapagkamalan ka pang multo ng mga kaibigan mo."I glared at him. Ang lakas naman mang-asar ng bwisit na 'to. "Bwisit ka talaga." Wala na akong choice kaya sumugod na ako sa dagat kahit nabasa na itong pajama ko. 'Di bale, ngayon lang naman 'to. Bwisit. "Lumapit ka!" Sinunod naman ako nito saka lumapit sa'kin.Yumuko ako saka sinimulang hugasan muna ng mukha ko. Medyo naglalagkit na ito pero madali lang naman mawala. Ramdam ko naman ang pag iling-iling niya sa tabi ko. Nako, h'wag niya akong inisin pa, dahil baka ilunod ko siya rito ng bonggang bongga.Binasa ko na ulit ang mga kamay ko para siya naman ang hugasan ko. Ginawa pa ako ng yaya nito, ano ba kasing nangyare sa kamay niya?"Yuko ka, hindi kita abot." seryoso kong utos saka sumunod naman ito. Woah, obedient, ah.Malapit kami sa isa't isa ngayon, medyo naiilang ako pero kailangan ko na itong tapusin bago pa ako mabaliw!I rubbed my hands against his face. I felt the softness of his skin. Parang may skincare routine 'to, ah. Matanong nga mamaya.Habang hinuhugasan ko ang mukha niya ay hindi ko mapigilang mapalunok. Ang gwapo kasi, jusko."Nag eenjoy ka ba at ayaw mo nang tantanan ang mukha ko?" napatigil naman ako bigla nang magsalita siya."Tapos na nga, oh." Sabi ko naman saka tumigil na. Sayang, ang kinis kinis ng mukha, 'e. Ang gaspang naman ng ugali."Parang gusto mo pa, eh, pwede pa naman—""Hindi na, nauumay na ako sa pagmumukha mo," inis kong sagot saka hinugasan pa ang mukha ko ulit.Narinig ko naman s'yang tumawa. "Nauumay daw, pero gaya gaya naman ng pajama."Inis ko s'yang tinignan. "Excuse me, hindi pwedeng nagkataon lang? Tsaka ba't naman kita gagayahin, kilala ba kita?""Hindi,""Hindi naman pala, 'e—""—Hindi ko tinanong." pambabara nito sa'kin kaya winisikan ko siya ng tubig dahil sa inis. "Fuck—malamig!""H'wag mo kasi akong iniinis para hindi ka malilintikan sa'kin!""'E, hindi ko naman kase talaga tinanong— hey! Fucking stop—Putang—" sunod sunod nitong mura habang pinauulunan ko siya ng tubig dagat gamit ang kamay ko. Halos maligo na kami sa sobrang basa. Napapaatras naman siya, muntik pang matumba. "Stop—please, mahapdi kamay ko," seryosong wika nito sa'kin.Tumigil naman ako. "Ano ba kasing nangyare sa kamay mo?""Why? Are you concern?" Tanong nito habang may mapanlokong ngiti."Wow, ang kapal naman talaga ng pagmumukha nito," napapalakpak pa ako sa mangha. "Nagtatanong lang ako no! Chismosa ako 'e," sagot ko naman.Bahagya naman itong natawa. "Kunwari pa. Concern ka nga nung naknock out ako.""Hoy! Hindi ah! Sadyang mabait lang talaga ako." Wika ko sabay pinandilatan ko s'ya ng mata. Kapal kapal ng mukha 'e. Totoo naman ang sinabi niya pero h'wag na sana iannounce diba?"I lied." He muttered.Napatingin naman ako sakanya. "Lied about what?""About your soup." He answered, "I actually liked it."Chapter 4"Since it's our second day in this summer vacation, jetski tayo!""Kain muna tayo, Wein, 'no?" pabarang sambat ni Devy. Inirapan ito ni Wein. "Excited lang ako, okay?" Ngumisi naman si Collin. "Bakit? Para makaangkas ka sa'kin?" pilyo itong ngumiti kay Wein."Yuck!" singhal naman ni Wein sabay bato kay Collin ng balat ng saging. Natawa kaming lahat sa inasta ng dalawa. May mga oras talaga na hindi sila nagkakabati. Nandito kami ngayon sa dining hall ng hotel. Nasa long table kami para sabay at magkasama kami lahat na kumakain. Nasa kanang banda kaming mga babae at kaharap ko pa si Fin. Tahimik lang itong kumakain. Napapasulyap ako sakanya paminsan minsan. Paano ba naman kasi, marunong siya magbukas ng alimango. Ako, kanina pa ako nakatitig sa crab ko pero hindi makain-kain dahil hindi ako marunong magbukas! Oo, naiinggit ako! Gusto ko magpatulong! Pero dahil may inaalagaan akong pride, h'wag nalang. Hahanap ako ng sarili kong paraan, makain lang ang alimangong 'to. Ku
Chapter 5AYOKO NA!"Omg! Anong feeling naka-karga kay Fin?" malisyosang tanong ni Wein sa'kin. Malalim naman na huminga si Hannah na may pagkadismaya. "Nakakainggit naman.""Hoy!" pinalo ni Devy si Hannah. "Ang dami mong lalaki d'yan, nakuha mo pang mainggit." "Walang nakakainggit." seryoso kong ani. Totoo naman. Walang nakakainggit! Nakakailang lang! "Ayoko na sya makita!" sabi ko saka tinakpan ng unan ang buong mukha ko. "Hala siya, kinarga ka na nga, eh." si Devy. "Oo nga, 'e kung wala sya dun, baka kinain ka na ng pating!" pananakot ni Wein sa'kin pero hindi ko siya pinansin. "At babalik kang walang pang itaas!" Singit pa ni Devy. Naalala ko na naman! Gugustuhin ko nalang magpalamon sa pating kesa sa kahihiyang 'yon. Ngayon ko lang naramdaman 'yon sa buong buhay ko. I sighed. "Volleyball tayo later?" rinig kong pag aaya ni Heaven habang dinig kong ngumunguya ito ng chichirya. Bumangon ako kaagad saka lumapit kay Heaven. "Pahingi!" Binigyan niya naman ako dahil parehas nam
Chapter 6 I stared at my self on the mirror. Scanning my whole appearance. Okay naman. Goods na. I'm wearing an above-the-freaking-knee puff dress, medyo maiksi at expose masyado ang legs ko. The floral design on my dress highlights the most. It was cute so I agreed to wear this. It was also Devy's suggestion. Pasado alas singko na ng hapon. Kanina, hindi namin nakasabay kumain ang mga lalaki. Huli naming pagkikita nung pumunta ako sa stadium, alas dose pa 'yon, eh. Hindi na namin alam kung saang lupalop na sila dinala ni satanas. I reached for my phone when I heard a beep. I wonder who messaged me. Baka si mama. From: +369******* I miss you. It beeped again. Found you :) I frowned. Who the heck is this? "Who is it?" Wein asked while fixing her make up. I just stared at the text message. "I don't know. . . unknown number, eh. I miss you daw." All their gaze shifted on me. I chuckled. Mukha silang trinaydor. Wein looked at me in shock. "Omg ka. May ex ka bang hindi si
Chapter 7 Habang seryosong kumakanta si Fin, nahuhuli ko rin itong sumusulyap sa direksyon ko. Hindi naman sa assuming ako 'no, pero 'yon lang naman ang napapansin ko. Ang pogi niya nga pag ginagawa niya 'yon, 'e. Ewan. Wala na akong rason para itanggi na nagw-gwapuhan ako sakanya. Una palang naming pagkita, iba na ang dating ni Fin sa'kin. Sobrang simple lang manamit, sobrang simple niya lang gumalaw pero kahit ganun, aaminin kong ang lakas talaga ng dating niya! Pagkatapos kong marinig lahat ang mga pinayo sa'kin nila Devy, paulit-ulit lang na bumabalik sa utak ko hanggang ngayon. May point nga naman, nabubulag talaga ako minsan sa sarili kong standards sa mga lalaki na gusto ko kagaya ni Blake. Wala naman sigurong masama kung crush ko siya diba? Ako lang naman makakaalam. Sa sandaling 'to, inaya ko ang mga katabi ko na tumayo at makikanta. "Sumabay tayo sakanila!" Sigaw ko. Nagulat sila pero napalitan din ito kaagad ng pag sang-ayon. Everyone went wild in ecstasy. The voic
Chapter 8 "I was trying to ask him to go out!" "And you think you have the power to do that alone?" Blake, chuckled sarcastically. "Kung hindi dumating si Pariston, malamang dinukot ka na nun." He sound really pissed. I looked down. I feel ashamed. I shouldn't have done that in the first place. Hearing Blake scolding me like this, it pierced my heart. I think I'm going to cry. Nandito sila lahat sa kwarto namin ng girls. It's very quiet, very gloomy and serious and only Blake's voice filled the whole room. Si Fin, nasa bandang pinto. Nakasandal lang at seryosong nakatingin sa'min. It's passed seven in the morning. Yeah, Blake came here with the boys so early. His face seemed so dark that I can't even take a glance at him. "Tama na, Blake. Leave her alone." Nina said, touching Blake's shoulder. Blake sighed heavily. "Let's go home." "Pre, pwede namang mag palamig muna tayo ng ulo rito." Sabi ni Collin. "Oo nga, madali lang naman pag usapan 'yan," Si River. "'Di naman
Chapter 9 Gabing kay lungkot. Wala bang makipagbardagulan d'yan? Nakahiga lang ako sa kwarto ko buong gabi. Nagpahinga muna sila Devy dito pero saglit lang at umalis na. Hinihintay ko nalang silang mag ingay sa group chat para may magawa na ako. Naglinis na ako ng buong bahay, naghugas ng pinggan, nagtupi ng damit kahit nakaarrange naman na talaga sa cabinet. Halos nilibot ko na rin buong bahay namin. Bored pa rin ako. Wala rin si Mama, wala akong kakwentuhan. May date na naman ata s'ya. I heaved a sigh. Nababaliw ako rito. Hindi pa rin kami magkaayos ni Blake at mukhang matatapos na ata itong araw na hindi kami magkakabati. Napabalikwas naman ako ng bangon nang marinig na sa wakas na tumunog ang phone ko. Agad kong kinuha ang phone ko sa side table, bumungad sa'kin ang mensahe ni Wein. weinyy 9:06 p.m luccyyy ^^ you: oh? weinyy: sunget! *sends a picture suprise!! you: hala Napatingin ako sa kisame ng ilang segundo habang pinoproseso sa utak ko nang makita y
Chapter 10 Pag minalas ka nga naman, oo. Ganito ba ako kafavorite ni satanas at sagana ako sa malas ngayong buwan? Bakit ang hirap maghanap ng trabaho ngayon? Bakit nila ako hinahanapan ng experience kung nag aapply pa ako para magkaexperience? Grabe, sa tatlong buwan kong pagiging taong bahay. Hindi ko akalain na ganito pala ang outside world. Magulo kausap. Buti pa sila Devy. Nagsimula na silang magtrabaho. May koneksyon naman kase sila dahil businessman ang daddy n'ya. Si Hannah nga ngayon, manager na sa resort ng pinsan n'yang si Ford. Si Ford, may sarili ng underwater aquarium, sinend nila sa group chat namin. Si Wein, abala sa negosyo n'yang coffee shop. Si Heaven naman, nandun sa kumbento— de, biro lang. Nandun s'ya sa probinsya ng lola n'ya. May malaking farm sila dun na pag mamay-ari nila. Kailangan n'ya daw matutong mag handle ng negosyo nila dahil sakanya ipapamana. Si Nina, nagdelete ng social media. We tried to reach her out pero hindi na namin s'ya naabutan. Lumipad n
Chapter 11 From: Mr. I-Don't-Know-Who-this-is *sent a location Tignan mo 'tong lalaking 'to. Saka pa nagsend ng address na alas onse na ng umaga at hangover pa ako. Parang may limang kilong hollowblock sa ulo ko, ngayon lang din ako nagising. Pero wala na ako sa bahay ni River, nasa kwarto na ako. Sino kaya naghatid sa'kin? Baka si Blake. Naisipan kong ichat si Blake. Online naman pala ang loko kaya sinimulan ko na ang pagtipa ng mensahe. besboi blakeyy
birthday ball"Sakit ng ulo ko." Sapong sapo ng palad ko ang sumasakit kong ulo. It felt like shit. Parang nabagsakan ng isang kilong hallowblocks. Ganun din sila Devy at Wein. Hindi naman umiinom si Heaven kaya nauna pa itong nakaligo sa'min. "Here girls. Got you some soup!" Hannah just came with their cooks na may dala dalang apat na bowl ng soup. "Mainit pa yan. After that let's take swim then let's dress up. How's that sound?" Ang good mood naman ng babaeng 'to. "Anong oras ba magsisimula yung party?" Tanong ni Devy saka pumwesto sa maliit na table dito sa kwarto. Nauna nang humigop ng sabaw. Ayoko pang bumangon! "Lunch daw eh. But the main event will commence in the evening." Hannah answered. Lumabas na rin yung mga staff kaya sinubukan nalang din na bumangon. "Main event? Ilang event pa mangyayari today?" "This lunch is for their company. Hindi ka pa ba magr-ready, Lucy?" "Huh?" Sebastian hasn't been sending me updates anything about work. May meeting pala? Ba't hindi ko
bonfire"Nina's calling him?" Devy said in surprise. But not the happy surprised. We're currently here at the bar counter. Nagpalit ang trabaho namin ng mga boys. Sila na ang nag preprepare ng makakain, while kami naman ang naghahanda ng maiinom mamaya. As usual, may juice, soda at hindi mawawala ang alak."Yes, kanina." I answered as I took a sip of the gin that Wein just mixed. "Hmm, that's strong." Napangiwi ako sa lasa. Sayang at wala si Hannah. Padilim na ang langit kaya wala na masyadong tao ang nagsisilabasan. May naliligo pa rin naman pero bilang nalang sa mga daliri namin. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang boys na abala sa pag aayos ng bonfire session namin mamaya. Ang laki ng ngiti ni Ford, pagkatapos nung away nila River kanina ay mas nakakasama na namin sya. Napako naman ang tingin ko kay Fin na walang saplot pang taas. Anong trip niya? Nagpapasexy ba sya sa mga babaeng naliligo? Pinagtitinginan kaya sya! "Baka matunaw naman abs ni Fin n'yan," I was snapped back i
Chapter 23"I'm sorry." He hugged me. I was out of words and only saying sorry came out from my mouth. Nahihiya ako sa inasal ko kanina. I shouldn't have let my emotions take over me. "Shh," Fin hushed when he started to caress the back of my head. "Naiintindihan kita."Humiwalay ako ng kaunti para tignan sya dahilan para matigil din ang pag haplos niya sa buhok ko. "You do?" Did the boys told him about my past?He nodded. "Alam kong mahal mo lang mga kaibigan mo kaya ganun ka umakto." I sighed. Akala ko sinabi nila. I actually don't mind but I also don't want Fin to know that my father is no different from the people that killed his parents. Natatakot ako na baka maturn ito sa akin. "Thank you." I said with a smile. He then, kisses my forehead. Nandito kami ngayon sa balkonahe ng room namin ng girls. Fin asked Devy if it's okay to enter and check on me. Pumayag naman sila at pinapapasok si Fin. Ngayon ay nagpapahangin kaming dalawa sa labas. Kitang kita namin ang buong dalampasi
Chapter 22"How are you feeling?" His voice suddenly filled the silence as we were sitting on the shore, the same spot where we had our first deep chitchat. I sighed, thinking what to answer. I don't know. How am I feeling? I've heard enough today. "Alam mo, pag nag eenglish ka, parang ibang tao nakakausap ko." Ani ko sakanya, "maangas ka kasi kausap palagi at palamura pa." Dagdag ko pa sabay tawa. Sinimangutan lang ako ng mokong. "Trip ko lang mag english minsan." "Pero mas bet ko yang ganyan," tinignan ko sya. Nakatingin na pala sya sa'kin. Ang pogi talaga. "Ako bet kita." Bahagya ko s'yang tinulak habang natawa. "Bet daw. Parang wala ka ngang plano sa'kin eh." Pabiro kong sabi. Natigilan naman sya. Natahimik din ako bigla. Parang nabigla ko ata sya dun ah. Aba, dapat lang malaman niya yon no. First time ko pa naman 'to, tapos 'di niya ako papanindigan. Iiyak talaga ako. Chos. "Kailangan pa bang itanong yun?" Kumunot ang noo ko at hinarap sya. "Ang alin?" "Yung ganun," sag
Chapter 21 "I thought you're not on good terms with your mom. Okay na kayo?" We're still here at the cottage. Kami nalang dalawa ang natira. The girls went out and swim with the boys. I stayed here with my boss. Nakakahiya naman kung iiwan ko sya 'e inimbitahan namin sya rito. "Still my mother after all. Wala rin naman sa plano niya ang tumagal pa rito. She just came home to check the company." Aniya sabay inom ng alak. I was playing with my fingers while having second thoughts if I'm going to ask him a question or not. Ayoko sanang isipin niya na chismosa ako. "Go ahead. Ask something." Napaangat ako ng tingin sakanya. Ang galing, nababasa niya isipan ko? Bahagya naman syang natawa. "Alam ba ng mommy mo na may sakit ka?" His smile fade away. Sabi ko na nga ba. I shouldn't have asked. Ang tanga talaga, Lucille! "It's okay, questions doesn't bother me." He respond and then looked away. Pinagmamasdan niya ang dagat, ganun din ako. "She didn't. She doesn't need to know. Dad d
Chapter 20Lucille's point of view. I woke up with a smile on my face. It was just really heart pounding last night. He was my first kiss! Fin's my first kiss! Napatakip nalang ako ng unan sa mukha saka tumili ng malakas. Akalain mo yon, pinagtataguan lang ako ng lokong yon pero nahahalikan ko na ngayon. Pag sinuswerte ka nga naman talaga. "Hoy Lucille! Mga kaibigan mo, nasa baba." Tawag sa'kin ni mama. Kinunutan ko lang sya ng noo. Mga kaibigan? Kailan pa nila sinabi na pupunta sila ngayon?"Kainis naman!" Nagmamadali akong bumangon at bumaba. Andito nga sila pero si Devy, Wein at Heaven lang. Anong meron? May general assembly ba? "Woke up like this ang peg oh! Ang ganda pa rin!" Sabi ni Devy, may palakpak pang kasama. Kinunutan ko lang sila lahat ng noo. "Anong meron?" "You haven't read the GC yet?" Tanong ni Heaven. I tilted my head on the side for a second. "Ahh. . . nakatulog na ako kaagad kagabe eh." Ikaw ba naman hindi mapagod sa nangyare kahapon. Buti nalang may kiss.
Chapter 19LONG CHAPTER AHEAD! Finley's point of view."Nandito pa rin yang mga yan?" Tanong ko kay Dams na sinalubong ako. Andito pa kase yung mga ugok, nadagdagan pa ng isa. Kala ko ba nag rereview 'to para sa bar exam niya? "Yo Fin!" Bumati sa'ken si Nico. Parang kararating lang ata ah. 'Di pa kase namumula yung pagmumukha eh. Yung tatlo naman halos 'di na maangat mga ulo nila. Nilingon ko muna si Dams at sinauli ang phone niya. Bago pa ako makabalik dito ay binura ko na number ni Lucia at binalik sa account ni Dams. Ayoko muna s'yang maka-alam na may pinopormahan ako. Alam ko na sasabihin niya. Pinangkitan niya ako ng mata. "Parang blooming ka. Galing date?" Suspetya niya bago tinanggap yung phone. "Nako Finley ha, sinasabe ko sa'yo. 'Di ka pa handa." Napalunok nalang ako ng laway. May lahi atang manghuhula 'to eh. "Wala, kingina. Ano naman papakain ko dun?" Tsk. Nabusog nga sya sa samgyupsalan kanina. Nilagpasan ko nalang si Dams at tumungo sa table nila Martinez. Napaupo n
Chapter 18his pastFinley's Point of View. "Kung sasabihin mo sa'ken kung sino bumaril sa mga magulang ko, ako mismo magpapalabas sa'yo rito." "Hahaha. Wala kang mapapala sa'ken, bata. Tanging si Boss lang ang sinusunod namin, mag kamatayan man tayo rito." Tanginangyan. Walang silbe. Hinding hindi ako matatahimik hanggat hindi ang taong yun ang makakaharap ko. 'Di pwedeng basta basta ko nalang makakalimutan ang ginawa niya sa pamilya ko. "Wala ka na bang ibang sasabihin, bata? Naiinip na ako rito kauupo eh." Ako rin. Inip na inip na akong makita ang gagong yun nang mapatay ko na. "Pasok niyo na." Sinenyasan ko ang mga pulis na ipasok na 'tong kutong lupa na 'to pabalik sa selda niya. Naiwan akong mag isa na nakaupo rito. Kinuyom ko ang kamao ko dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon. 'Di ako pwedeng huminto. Ayokong pakawalan nalang lahat at hayaang mamatay ang mga magulang ko na walang hustisya. 'Di ako papayag. "Ayos ah, pwede ka na gumawa ng sarili mong banda!" Puri sa'ke
Chapter 17"I'm so happy to see you here." Tinaasan ko sya ng kilay. "Ako hindi. Hindi ka bagay sa suot mo." At natawa lang sya! Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa sitwasyon niya ngayon. Ganun ba sya ka happy go lucky sa buhay na tinatawanan niya lang ang sakit niya? "Are you mad?" Tanong niya. "'Di ba halata? Alam ko na lahat." Pinagkrus ko ang dalawa kong braso habang pinagmamasdan sya. Parang ako na nagiging nanay niya ah. "So bakit ka nag stop sa treatment mo?" He frowned. "How did you know that?" "Sabi nung nurse mo." Sabi ko. "Oh, so you met Cain. He's my best friend and my private doctor." Nanlaki ang mga mata ko sinabi niya. "Doctor? Akala ko nurse yon. Muntik ko nang masigawan yon kanina eh." "Why? Did he do something to you?" Nag alala niyang tanong. Umiling ako. "Wala. So bakit ka nga nag stop ha? Ayaw mo ba akong sagutin? Kailangan mong magpagamot. Ikaw lang inaasahan ng kompanya mo, lalo na kami! Ano! Paano magiging proud sa'yo daddy mo n'yan kung susuko ka