Chapter 6
I stared at my self on the mirror. Scanning my whole appearance. Okay naman. Goods na.
I'm wearing an above-the-freaking-knee puff dress, medyo maiksi at expose masyado ang legs ko. The floral design on my dress highlights the most. It was cute so I agreed to wear this. It was also Devy's suggestion.
Pasado alas singko na ng hapon. Kanina, hindi namin nakasabay kumain ang mga lalaki. Huli naming pagkikita nung pumunta ako sa stadium, alas dose pa 'yon, eh. Hindi na namin alam kung saang lupalop na sila dinala ni satanas.
I reached for my phone when I heard a beep. I wonder who messaged me. Baka si mama.
From: +369*******
I miss you.
It beeped again.
Found you :)
I frowned. Who the heck is this?
"Who is it?" Wein asked while fixing her make up.
I just stared at the text message. "I don't know. . . unknown number, eh. I miss you daw."
All their gaze shifted on me. I chuckled. Mukha silang trinaydor.
Wein looked at me in shock. "Omg ka. May ex ka bang hindi sinasabi sa amin?"
Napailing ako ng ilang beses sa tanong niya. Anong ex? Nasa iisang tao lang ako naattract noon no! "Wala ah. Baka wrong sent lang 'to." Pero napapaisip ako sa isang message niya.
Hindi kaya . . . sya 'to?
Jusko, h'wag naman sana.
Hindi ko nalang sinabi yung isa pang text dahil baka pinagtrtripan lang ako ng h*******k na 'to.
"I remember that creepy stalker that keeps following Lucy before. That was weird and horrible. Nasaan na kaya yon?" Ani Heaven.
Hindi ko talaga makakalimutan ang kagaguhan ng lalaking 'yon. Hindi naging kami, hindi rin ako nagkagusto sakanya. I know it's a creepy term, but he was my stalker. First year college palang ako ay palagi akong sinusundan non, he also sends message sa f******k, twitter, i*******m, at nagsesend pa ng email sa'kin. He knows every place I go. Pati ang mga kaibigan ko, kilala niya rin. He looks harmless but what's scary about him is he knows everything about me, kahit oras ng pagtulog ko, alam niya.
Natigil 'yon nung nag third year college ako. The boys made a move to catch him. Nahuli sya ng mga pulis pero hindi namin alam kung ano nang balita sakanya. He probably got out from the jail dahil may kaya rin ang pamilya niya. Fortunately, hindi na sya nagparamdam after that.
May silbi rin ang pagka lalaki nila Blake kahit puro sila kalokohan.
Minutes gone by, it's already 5:30 in the afternoon. Another thirty minutes nalang bago magstart ang sinasabi nilang event. I'm still wondering about what the guys are doing right now. Baka nilamon na yung ng buhangin.
Lumabas na kami ng hotel. It's starting to get dark.
Napakadaming tao sa labas, mas dumami ito kesa nung kakarating lang namin. Marahil nasa kabilang parte sila ng resort. Masyadong malaking ang resort ni Ford. Hindi mo malaman kung resort lang ba 'to o isang syudad.
Kagaya kanina ay dumaan muna kami sa mga tindahan na nagtitinda ng souvenir. Ngayon, nadagdagan ng mga panibagong stall—nagtitinda ng pagkain! Kung sinuswerte ka nga naman, may food truck pa! Malaki ang ngiti ko nang mahagilap ang pangalan ng food truck.
Korean Feels
Agad akong tumungo sa food truck na 'yon. Unang nakita ng mga makita ko ay ang tteokbeokki—target locked! Saglit akong natigilan nang napansin ko ang napakagwapong nilalang na nakaapron sa loob ng food truck. Siya ata ang may-ari!
"Yes ma'am, can I take your order?"
Napatitig ako sakanya.
Lalaki rin pala gusto nito. Halata sa boses, sa ngiti, sa kilos. Babaeng babae! Pero, ang pogi niya, ah.
"Ah, opo. Medium serve po ng tteokbeokki," ngumiti ako sakanya, ngumiti rin naman siya pabalik. Habang nagprprepare siya, hinahanap ko yung price ng mga pagkain niya pero wala akong mabasa. "Magkano po pala?" tanong ko.
Bumalik na siya at inilapag ang inorde kong tteokbeokki sa harapan ko. "Ay, ma'am, hindi mo na kailangan maglabas ng pera. Bayad na po ito lahat ni sir. Ford," natatawa niyang sagot sa'kin.
I blinked.
Good, then.
Bumalik ako sa gawi nila Devy na ngayon ay abala sa pamimili ng mga souvenir. Nang makita ako ni Heaven ay tumakbo ito agad papunta sa'kin, para lang naman manghingi ng tteokbeokki. Hinayaan ko lang siya dahil partner kami sa pagkain.
"Ang sarap, saan mo 'to nabili?"
Ngumuya muna ako bago sumagot. "Dun oh," turo ko sa likod na nilingon niya naman. "Tsaka, hindi ko 'to binili, libre na raw lahat, 'e. Binayaran na raw ni Ford."
Napaubo naman si Heaven dahil sa sinabi ko. I smiled playfully. Itong batang 'to, ayaw pa aminin na crush niya si Ford, 'e. "Ganun ba?" wika niya saka bago sumubo ulit.
"Sa'yo nalang 'yan, oh. Parang gutom na gutom ka, eh." Sabi ko saka binigay sakanya yung natira.
Ang laki naman ng ngiti ng bruha, abot langit. "Wow, thank you!" sabi niya saka pumunta sa kinatatayuan nila Devy.
Pasunod na rin sana ako nang may marinig akong usap usapan. Hindi ko naman sinasadya na maging chismosa, sadyang malakas lang ang pandinig ko.
"Narinig ko na yung lead guitarist ng 11:35 yung kakanta ngayon."
"Talaga? Ang pogi pa naman non!"
"Agree! Nakita ko nga kanina, ang gwapo gwapo, sis! Hindi nakakaumay!"
"Omg, excited na ako! Diba may mga kasama rin siya? Ang popogi rin!"
"Hindi talaga tayo nagkamali na pinili ng mapapagbakasyonan!"
Sunod sunod na chismisan ang narinig ko. Pero, wala naman akong maintindihan. Puro lang pogi at gwapo ang narinig ko. Naexcite na naman tuloy ako, kung sino talaga 'yon, hahatakin ko 'yon papunta sa bahay namin! Iuuwi ko na!
"Hoy! Lucy! Halika na, magsisimula na yung event!" tawag ni Hannah. Kaagad akong tumungo sakanila, sabay kaming naglakad papunta sa venue.
"Sino kaya tutugtog?" napatanong si Wein. "Siguraduhin lang nilang maganda, ah. Pag 'yan scam baka ipabankrupt ko itong resort ni Ford."
"Lead guitarist ng 11:35?" Patanong kong sabi. Sabay sabay naman silang napalingon sa'kin at napatigil sa paglalakad.
"11:35? 'Yan yung pub na pinupuntahan ng boys, ah?" sabi ni Hannah.
"Tara, malalaman din natin 'yan." Pag aya ni Nina saka namili kami ng mauupuan.
Nang makarating kami, akala namin wala na kaming mapwpwestuhan dahil marami nang tao ang nakaupo, may nakatayo na rin sa likod pero may lumapit sa'min na isang staff ng resort. He gestured his hands through the front seats. Bakante ito at walang nakaupo. Sakto lang din sa'ming anim yung seats.
"V.I.P ba tayo rito?" Birong tanong ni Wein sabay upo sa tabi ni Hannah, nasa gitna naman ako ni Heaven at Nina habang katabi ni Nina si Devy.
"Ganyan talaga tayo kamahal ni Ford." Sabay sabay kaming natawa sa sinabi ni Nina.
Ilang minuto ang hinintay namin bago nagsimula ang event. Biglang nag iba ang ilaw sa bawat gilid ng stage, naging kulay asul ito, habang may spot light naman sa gitna. May lumabas na pamilyar na lalaki. Sa lakad palang nito, alam na alam na naming magkakaibigan kung sino 'to.
"Speaking of Ford! Is he the one hosting this event?" Devy, looking at us with a lot ot questions.
"Obviously, Devy. May dala ngang mic, oh." Pabarang sabi ni Hannah na ikinasimangot ni Devy.
I caught Heaven's jaw dropped gazing Ford's appearance. My eyes shifted from her to Ford, from Ford to her. They have the chemistry. I would be the happiest if they will end up together.
"What a dashing night, lovely ladies and gentlemen!" Ford's flirty voice filled the entire place. Sinabayan naman ito ng malalakas na tilian sa likod namin at pati na rin sa mga nakatayo sa magkabilang gilid at pinakalikod. Ford flashed a smile, he cleared his throat. "Ford Larkin at your service! The handsome owner of Deep Blue Sea Hotel and Resort." Pagpapakilala niya sa sarili niya—sa mahangin na pamamaraan. "There might be some of you wondering what's this event for. Well, it's a special night for all of you!" Lahat ng tao ay naghiyawan sa tuwa. Ganun din kami ng mga kaibigan ko.
"He's still good in hosting, 'no?" sabi ni Nina.
We all nodded and agreed.
"Yeah, he's handsome." wala sa sariling ani Heaven. We chuckled because of her clumsy mouth.
"Now, here's a special performance from the 11:35 lead guitarist at ang mga suki niya!" Pagpapakilala ni Napa-aw naman ang mga babae sa pagkadismaya dahil akala nila magsisimula na yung kanila pa nila hinihintay.
Ako rin, may hinihintay ako. Hindi ko alam pero hinahanap siya ng mata ko. Kanina ko pa hinahanap ang presensya niya, gusto ko siya makita.
"Alam niyo ba na may club na ang tawag ay 11:35? Kase, every 11:35 p.m nagbubukas ang pub na 'yon, wala, share ko lang naman." Ford, shrugged his shoulders. Nag -boo naman ang mga katabi ko maliban sa'min ni Heaven. Si Ford, natawa lang sa reaksyon namin. "Ito na nga, h'wag na natin patagalin. Please help me welcome, our guest... and our new friend from the infamous 11:35, Finley Pariston! together with Collin Andrews, Niccolai Jerson, River and Blake Montana!"
The lights suddenly fade out. Mas lalong lumakas ang sigawan at hiyawan ng mga audience. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Para na naman akong kinakapos ng hininga, I can't even move an inch.
I'm just. . . staring at the stage while a familiar tune started to play.
My friends gasped in surprise. Me, I just remained silent. I do not know how to react. Hindi ito ang iniimagine kong Lucy kanina, what I imagined was an excited Lucy, yelling and cheering her lungs out. Pero ngayon, wala. Parang akong. . . kinakabahan.
A couple of minutes, the lights came back together with the whole set of band instrument and their player. I saw Collin on the drum set, twirling the drum stick on his hand, while Nico holding a bass guitar, Blake with the keyboard and Fin . . . that looking dashingly cool with his red electric guitar. Their outfit also changed, they look like a typical teenage rock band. And I look at Fin getting closer to the microphone,
as he's now about to sing . . .
Pwede na ata akong mahimatay.
"What the actual hell? He can sing?" Hindi makapaniwalang sabi ni Wein. Ako rin, biruin mo yung lalaking walang kakibo kibo, marunong kumanta?
"I told you, Lucy! He's good for you," Devy spoke, she then, giggled.
I gulped, I blinked. Kung gaano ako kaexcited kanina, mas dumoble pa 'yon nang marinig kong kumakanta si Fin sa harap ko.
He has all the charisma. The way he strums his electric guitar with confidence, the way his face makes an expression, the way he performs in front of us. It's giving me shivers, its giving me butterflies that I, myself, can't even handle.
Five seconds of summer were the band that I started idolizing when I was 12, kumbaga kagaya ng ibang fangirl d'yan, inspirasyon nila yung iniistan nilang grupo o solo artist, ganun din ako. Buong buhay ko, wala akong ibang pangarap kundi ang makita silang live na nagpeperform sa harap ko.
But when, I saw this side of Fin.
I think . . . I'm no longer asking for more.
Parang nasa concert na rin ako ng five seconds of summer. Ibang saya itong nararamdaman ko.
Patapos na ang kanta.
How I wish, may kasunod pa.
I want to listen to his voice more longer.
More clearer.
The song ended as the audience made a loud noise—shouting Fin's name, I never thought that he's that popular among the girls. Pati na rin sila Collin, River, Nico and Blake. My mind is still on the process in believing that they can still play such instruments.
And it's a big revelation for me, about Fin . . . that he's a singer from a pub. He can also play an instrument which make him more charismatic. Now, I am now slowly getting to know him better.
"Magandang gabi." Fin, greeted. Nagsitilian na naman ang mga babae.
"Ang gwapo, putangina!"
"Shit! Pahingi number ng ibang member!"
"Woooooh! Bibisita na ako ng 11:35!"
"Anakan mo'ko, Fafa Fin!"
Napangiwi ako sa mga sigawan ng mga fangirls niya. Iba rin 'tong lalaking 'to.
"Hindi talaga ako marunong kumanta," he said, chuckled sexily. "Nag-gigitara lang talaga ako, drums din paminsan-minsan pero hindi ako kumakanta."
"Mas maganda pa boses mo kesa sa mukha ko, Fin!"
"Alabyu, Fin! More pa!"
"Waaaaah! Hindi 'yan totoo, nakakainlab boses mo!"
I agree.
Wait, huh?
Fin smirked, looking at the huge crowd in front of him. It was like he's hesitating, he sighed. "Ah, 'nga pala, kagaya ng nakikita n'yo—iba mga kasama ko ngayon." he spoke on the mic, habang sumusulyap kina Blake at River pati narin kay Nico at Collin, "Walanghiya kase bokalista namin, tinakbuhan ako. Nagplano na kami na dito tumugtog pero ang gago, nagbibibida-bida na naman." Sabi niya, nagtawanan naman ang mga nakikinig sakanya. Nanatili lang akong "Kung gusto niyo, idate niyo sila mamaya."
The girls beside me, lost their shit. Bigla silang nagsigawan dahil—hindi ko alam kung sa tuwa ba o hindi sila makapaniwala.
"Baka bumagsak masira lang image mo, Fin!" sigaw ni Wein. Hinampas naman ni Collin ang drum gamit ang drum stick para makuha ang atensyon ni Wein. Kumindat si Collin sakanya na ikinangiwi ni Wein. "Iuuntog kita d'yan mamaya!"
Natawa nalang ang ibang boys.
"So uh, I guess, it's time for the second and last song?" sabi ni Fin.
Last. Last na? Nakakabitin naman.
The lights went out again. Nagtagal 'yon ng ilang segundo bago bumalik ang ilaw. More bright and colorful lights.
Tila nagkaroon ng sariling buhay ang mga paa ko nang bigla akong napatayo nang makita kong si suot na ni Fin ang paborito niyang beanie na kinuha niya sa'kin kanina. I saw his eyes glanced at me that made me stiffened. Bago pa man ito inilapat ang tingin niya, nahuli ko s'yang nakangiti. Yung ngiting pilyo at mapangloko.
Ano na naman kaya ang iniisip ng gagong 'to?
Pumintig ang tenga ko nang nagsimulang kumanta ng sabay sabay si Collin, Nico, River at Blake. Nagpapaimpress pa ang lokong si River habang kumikindat sa mga babae.
This time, nagawa ko nang sumabay sa kanta. Ito yung kantang gusto kong marinig ng live sa buong buhay ko. Yung kantang pinapangarap ko na sana kantahin sa harap ko. Hindi ko inaakalang siya pala ang unang gagawa non.
Hindi man para sa'kin, pero nasa harapan ko s'ya.
Chapter 7 Habang seryosong kumakanta si Fin, nahuhuli ko rin itong sumusulyap sa direksyon ko. Hindi naman sa assuming ako 'no, pero 'yon lang naman ang napapansin ko. Ang pogi niya nga pag ginagawa niya 'yon, 'e. Ewan. Wala na akong rason para itanggi na nagw-gwapuhan ako sakanya. Una palang naming pagkita, iba na ang dating ni Fin sa'kin. Sobrang simple lang manamit, sobrang simple niya lang gumalaw pero kahit ganun, aaminin kong ang lakas talaga ng dating niya! Pagkatapos kong marinig lahat ang mga pinayo sa'kin nila Devy, paulit-ulit lang na bumabalik sa utak ko hanggang ngayon. May point nga naman, nabubulag talaga ako minsan sa sarili kong standards sa mga lalaki na gusto ko kagaya ni Blake. Wala naman sigurong masama kung crush ko siya diba? Ako lang naman makakaalam. Sa sandaling 'to, inaya ko ang mga katabi ko na tumayo at makikanta. "Sumabay tayo sakanila!" Sigaw ko. Nagulat sila pero napalitan din ito kaagad ng pag sang-ayon. Everyone went wild in ecstasy. The voic
Chapter 8 "I was trying to ask him to go out!" "And you think you have the power to do that alone?" Blake, chuckled sarcastically. "Kung hindi dumating si Pariston, malamang dinukot ka na nun." He sound really pissed. I looked down. I feel ashamed. I shouldn't have done that in the first place. Hearing Blake scolding me like this, it pierced my heart. I think I'm going to cry. Nandito sila lahat sa kwarto namin ng girls. It's very quiet, very gloomy and serious and only Blake's voice filled the whole room. Si Fin, nasa bandang pinto. Nakasandal lang at seryosong nakatingin sa'min. It's passed seven in the morning. Yeah, Blake came here with the boys so early. His face seemed so dark that I can't even take a glance at him. "Tama na, Blake. Leave her alone." Nina said, touching Blake's shoulder. Blake sighed heavily. "Let's go home." "Pre, pwede namang mag palamig muna tayo ng ulo rito." Sabi ni Collin. "Oo nga, madali lang naman pag usapan 'yan," Si River. "'Di naman
Chapter 9 Gabing kay lungkot. Wala bang makipagbardagulan d'yan? Nakahiga lang ako sa kwarto ko buong gabi. Nagpahinga muna sila Devy dito pero saglit lang at umalis na. Hinihintay ko nalang silang mag ingay sa group chat para may magawa na ako. Naglinis na ako ng buong bahay, naghugas ng pinggan, nagtupi ng damit kahit nakaarrange naman na talaga sa cabinet. Halos nilibot ko na rin buong bahay namin. Bored pa rin ako. Wala rin si Mama, wala akong kakwentuhan. May date na naman ata s'ya. I heaved a sigh. Nababaliw ako rito. Hindi pa rin kami magkaayos ni Blake at mukhang matatapos na ata itong araw na hindi kami magkakabati. Napabalikwas naman ako ng bangon nang marinig na sa wakas na tumunog ang phone ko. Agad kong kinuha ang phone ko sa side table, bumungad sa'kin ang mensahe ni Wein. weinyy 9:06 p.m luccyyy ^^ you: oh? weinyy: sunget! *sends a picture suprise!! you: hala Napatingin ako sa kisame ng ilang segundo habang pinoproseso sa utak ko nang makita y
Chapter 10 Pag minalas ka nga naman, oo. Ganito ba ako kafavorite ni satanas at sagana ako sa malas ngayong buwan? Bakit ang hirap maghanap ng trabaho ngayon? Bakit nila ako hinahanapan ng experience kung nag aapply pa ako para magkaexperience? Grabe, sa tatlong buwan kong pagiging taong bahay. Hindi ko akalain na ganito pala ang outside world. Magulo kausap. Buti pa sila Devy. Nagsimula na silang magtrabaho. May koneksyon naman kase sila dahil businessman ang daddy n'ya. Si Hannah nga ngayon, manager na sa resort ng pinsan n'yang si Ford. Si Ford, may sarili ng underwater aquarium, sinend nila sa group chat namin. Si Wein, abala sa negosyo n'yang coffee shop. Si Heaven naman, nandun sa kumbento— de, biro lang. Nandun s'ya sa probinsya ng lola n'ya. May malaking farm sila dun na pag mamay-ari nila. Kailangan n'ya daw matutong mag handle ng negosyo nila dahil sakanya ipapamana. Si Nina, nagdelete ng social media. We tried to reach her out pero hindi na namin s'ya naabutan. Lumipad n
Chapter 11 From: Mr. I-Don't-Know-Who-this-is *sent a location Tignan mo 'tong lalaking 'to. Saka pa nagsend ng address na alas onse na ng umaga at hangover pa ako. Parang may limang kilong hollowblock sa ulo ko, ngayon lang din ako nagising. Pero wala na ako sa bahay ni River, nasa kwarto na ako. Sino kaya naghatid sa'kin? Baka si Blake. Naisipan kong ichat si Blake. Online naman pala ang loko kaya sinimulan ko na ang pagtipa ng mensahe. besboi blakeyy
Chapter 12 "Po?" Tumagal din ng ilang segundo ang pagtitig ko sakanya. Kung nakikita niyo ako ngayon ay baka masampal niyo nalang ako para makabalik sa wisyo. Nakakagulat lang kasi. Hindi ako makapaniwala na makikita ko Fin sa isang bata. Ganun ko na ba s'ya kamiss para makita ang mukha n'ya kung saan saan? "Ah. . . wala, wala. Ayos ka lang ba? Hindi ka nasaktan?" Nag aaalala kong tanong. Umiling naman ito sabay ngiti. "Okay lang po ako, salamat po sa pag aalala." Grabe, pwede niyo na akong sabunutan. Kuhang kuha n'ya pananalita ni Fin! Hindi kaya naging bata si Fin tulad nung mga ibang kwento? "Where are you going to? We can bring you there." Basti voluntered. Giganahan naman ako. "Pauwi na po ako," sagot naman nung bata. "Is that so? Then, hop in. We'll drive you home. Just tell me some directions." Lumiwanag naman ang mukha ng bata. Kitang kita sa mukha n'ya ang pagkasabik. Ang cute naman. Ngayon lang ako nakakita ng batang Fin. "Ayos!" Hiyaw ng bata saka sumunod k
Chapter 13 RIOT 8:38 p.m you: gais nandyan ba kayo gago di ko alam kung swerte o malas in disguise alam niyo ba yung bagong fashion company? jusko gais, nanggigigil ako dun sa kinuha nilang model tas nagbackout agad ayon, ending ako kinuha nilang model btw, PA ako ng CEO dun jusko ang daming ganap ngayong araw sakin muna yung isa hehehehehehehhe Syempre. Hindi ko muna sasabihin sakanila na galing ako ng 11:35 at nakaharap ko si Griffin. Baka ano na naman sasabihin nila na matigas ang ulo ko at baka hindi na talaga papayagang makapunta dun! Habang nag aantay ng reply ng isa sakanila ay naisipan kong isearch yung pangalan ni Griffin sa F******k. Nakita ko naman agad dahil mutual friend pala nila Collin. Napasimangot nalang ako habang pinindot ang profile niya. Nakakatampo, ah. Buti pa sila kilala na nila agad itong bunso ni Fin, tapos ako, ngayon lang. Inadd ko agad si Griffin para machat ko s'ya. Napangiti ako dahil sa wakas, pwede ko s'yang tanungin oras oras kung anon
Chapter 14 Mainit ang tensyon sa loob ng 11:35. Nahihiya ako lumingon kay Fin, alam kong masama ang tingin nito sa lalaking nambastos sa'kin. Nahuli ko pang nakatingin sa'kin sila Blake at Collin, dismayado ang mukha nila. Sila Ford, River at Nico naman, nakatingin lang sa'min. "Bitaw sabi, eh." Tipid na pagbabanta ni Fin. Huminga ng malalim ang lalaki at marahas akong binitawan. Akala ko tapos na, pero bumawi ito ng malakas na suntok sa mukha ni Fin. Nag alala akong lumingon sakanya, napaatras ito at nabangga ang likod n'ya sa mesa. "Fin!" Nag alala kong tawag sakanya. Ngunit hindi ako pinansin nito. Hindi maganda ang timpla sa mukha ni Fin, ni hindi nga ako tinapunan ng tingin na ikinatatakot ko. Hindi nagpatalo si Fin at sinapak din sa mukha yung lalaki. Mas malakas 'yon dahil mabilis na natumba yung lalaki. Parang yung ginawa n'ya kay Truce. Isang suntok lang, nakahandusay na agad sa sahig. "Tangina, nakuha mo pang manuntok, ah." Sabi ni Fin habang sinusulyapan yung sinapak
birthday ball"Sakit ng ulo ko." Sapong sapo ng palad ko ang sumasakit kong ulo. It felt like shit. Parang nabagsakan ng isang kilong hallowblocks. Ganun din sila Devy at Wein. Hindi naman umiinom si Heaven kaya nauna pa itong nakaligo sa'min. "Here girls. Got you some soup!" Hannah just came with their cooks na may dala dalang apat na bowl ng soup. "Mainit pa yan. After that let's take swim then let's dress up. How's that sound?" Ang good mood naman ng babaeng 'to. "Anong oras ba magsisimula yung party?" Tanong ni Devy saka pumwesto sa maliit na table dito sa kwarto. Nauna nang humigop ng sabaw. Ayoko pang bumangon! "Lunch daw eh. But the main event will commence in the evening." Hannah answered. Lumabas na rin yung mga staff kaya sinubukan nalang din na bumangon. "Main event? Ilang event pa mangyayari today?" "This lunch is for their company. Hindi ka pa ba magr-ready, Lucy?" "Huh?" Sebastian hasn't been sending me updates anything about work. May meeting pala? Ba't hindi ko
bonfire"Nina's calling him?" Devy said in surprise. But not the happy surprised. We're currently here at the bar counter. Nagpalit ang trabaho namin ng mga boys. Sila na ang nag preprepare ng makakain, while kami naman ang naghahanda ng maiinom mamaya. As usual, may juice, soda at hindi mawawala ang alak."Yes, kanina." I answered as I took a sip of the gin that Wein just mixed. "Hmm, that's strong." Napangiwi ako sa lasa. Sayang at wala si Hannah. Padilim na ang langit kaya wala na masyadong tao ang nagsisilabasan. May naliligo pa rin naman pero bilang nalang sa mga daliri namin. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang boys na abala sa pag aayos ng bonfire session namin mamaya. Ang laki ng ngiti ni Ford, pagkatapos nung away nila River kanina ay mas nakakasama na namin sya. Napako naman ang tingin ko kay Fin na walang saplot pang taas. Anong trip niya? Nagpapasexy ba sya sa mga babaeng naliligo? Pinagtitinginan kaya sya! "Baka matunaw naman abs ni Fin n'yan," I was snapped back i
Chapter 23"I'm sorry." He hugged me. I was out of words and only saying sorry came out from my mouth. Nahihiya ako sa inasal ko kanina. I shouldn't have let my emotions take over me. "Shh," Fin hushed when he started to caress the back of my head. "Naiintindihan kita."Humiwalay ako ng kaunti para tignan sya dahilan para matigil din ang pag haplos niya sa buhok ko. "You do?" Did the boys told him about my past?He nodded. "Alam kong mahal mo lang mga kaibigan mo kaya ganun ka umakto." I sighed. Akala ko sinabi nila. I actually don't mind but I also don't want Fin to know that my father is no different from the people that killed his parents. Natatakot ako na baka maturn ito sa akin. "Thank you." I said with a smile. He then, kisses my forehead. Nandito kami ngayon sa balkonahe ng room namin ng girls. Fin asked Devy if it's okay to enter and check on me. Pumayag naman sila at pinapapasok si Fin. Ngayon ay nagpapahangin kaming dalawa sa labas. Kitang kita namin ang buong dalampasi
Chapter 22"How are you feeling?" His voice suddenly filled the silence as we were sitting on the shore, the same spot where we had our first deep chitchat. I sighed, thinking what to answer. I don't know. How am I feeling? I've heard enough today. "Alam mo, pag nag eenglish ka, parang ibang tao nakakausap ko." Ani ko sakanya, "maangas ka kasi kausap palagi at palamura pa." Dagdag ko pa sabay tawa. Sinimangutan lang ako ng mokong. "Trip ko lang mag english minsan." "Pero mas bet ko yang ganyan," tinignan ko sya. Nakatingin na pala sya sa'kin. Ang pogi talaga. "Ako bet kita." Bahagya ko s'yang tinulak habang natawa. "Bet daw. Parang wala ka ngang plano sa'kin eh." Pabiro kong sabi. Natigilan naman sya. Natahimik din ako bigla. Parang nabigla ko ata sya dun ah. Aba, dapat lang malaman niya yon no. First time ko pa naman 'to, tapos 'di niya ako papanindigan. Iiyak talaga ako. Chos. "Kailangan pa bang itanong yun?" Kumunot ang noo ko at hinarap sya. "Ang alin?" "Yung ganun," sag
Chapter 21 "I thought you're not on good terms with your mom. Okay na kayo?" We're still here at the cottage. Kami nalang dalawa ang natira. The girls went out and swim with the boys. I stayed here with my boss. Nakakahiya naman kung iiwan ko sya 'e inimbitahan namin sya rito. "Still my mother after all. Wala rin naman sa plano niya ang tumagal pa rito. She just came home to check the company." Aniya sabay inom ng alak. I was playing with my fingers while having second thoughts if I'm going to ask him a question or not. Ayoko sanang isipin niya na chismosa ako. "Go ahead. Ask something." Napaangat ako ng tingin sakanya. Ang galing, nababasa niya isipan ko? Bahagya naman syang natawa. "Alam ba ng mommy mo na may sakit ka?" His smile fade away. Sabi ko na nga ba. I shouldn't have asked. Ang tanga talaga, Lucille! "It's okay, questions doesn't bother me." He respond and then looked away. Pinagmamasdan niya ang dagat, ganun din ako. "She didn't. She doesn't need to know. Dad d
Chapter 20Lucille's point of view. I woke up with a smile on my face. It was just really heart pounding last night. He was my first kiss! Fin's my first kiss! Napatakip nalang ako ng unan sa mukha saka tumili ng malakas. Akalain mo yon, pinagtataguan lang ako ng lokong yon pero nahahalikan ko na ngayon. Pag sinuswerte ka nga naman talaga. "Hoy Lucille! Mga kaibigan mo, nasa baba." Tawag sa'kin ni mama. Kinunutan ko lang sya ng noo. Mga kaibigan? Kailan pa nila sinabi na pupunta sila ngayon?"Kainis naman!" Nagmamadali akong bumangon at bumaba. Andito nga sila pero si Devy, Wein at Heaven lang. Anong meron? May general assembly ba? "Woke up like this ang peg oh! Ang ganda pa rin!" Sabi ni Devy, may palakpak pang kasama. Kinunutan ko lang sila lahat ng noo. "Anong meron?" "You haven't read the GC yet?" Tanong ni Heaven. I tilted my head on the side for a second. "Ahh. . . nakatulog na ako kaagad kagabe eh." Ikaw ba naman hindi mapagod sa nangyare kahapon. Buti nalang may kiss.
Chapter 19LONG CHAPTER AHEAD! Finley's point of view."Nandito pa rin yang mga yan?" Tanong ko kay Dams na sinalubong ako. Andito pa kase yung mga ugok, nadagdagan pa ng isa. Kala ko ba nag rereview 'to para sa bar exam niya? "Yo Fin!" Bumati sa'ken si Nico. Parang kararating lang ata ah. 'Di pa kase namumula yung pagmumukha eh. Yung tatlo naman halos 'di na maangat mga ulo nila. Nilingon ko muna si Dams at sinauli ang phone niya. Bago pa ako makabalik dito ay binura ko na number ni Lucia at binalik sa account ni Dams. Ayoko muna s'yang maka-alam na may pinopormahan ako. Alam ko na sasabihin niya. Pinangkitan niya ako ng mata. "Parang blooming ka. Galing date?" Suspetya niya bago tinanggap yung phone. "Nako Finley ha, sinasabe ko sa'yo. 'Di ka pa handa." Napalunok nalang ako ng laway. May lahi atang manghuhula 'to eh. "Wala, kingina. Ano naman papakain ko dun?" Tsk. Nabusog nga sya sa samgyupsalan kanina. Nilagpasan ko nalang si Dams at tumungo sa table nila Martinez. Napaupo n
Chapter 18his pastFinley's Point of View. "Kung sasabihin mo sa'ken kung sino bumaril sa mga magulang ko, ako mismo magpapalabas sa'yo rito." "Hahaha. Wala kang mapapala sa'ken, bata. Tanging si Boss lang ang sinusunod namin, mag kamatayan man tayo rito." Tanginangyan. Walang silbe. Hinding hindi ako matatahimik hanggat hindi ang taong yun ang makakaharap ko. 'Di pwedeng basta basta ko nalang makakalimutan ang ginawa niya sa pamilya ko. "Wala ka na bang ibang sasabihin, bata? Naiinip na ako rito kauupo eh." Ako rin. Inip na inip na akong makita ang gagong yun nang mapatay ko na. "Pasok niyo na." Sinenyasan ko ang mga pulis na ipasok na 'tong kutong lupa na 'to pabalik sa selda niya. Naiwan akong mag isa na nakaupo rito. Kinuyom ko ang kamao ko dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon. 'Di ako pwedeng huminto. Ayokong pakawalan nalang lahat at hayaang mamatay ang mga magulang ko na walang hustisya. 'Di ako papayag. "Ayos ah, pwede ka na gumawa ng sarili mong banda!" Puri sa'ke
Chapter 17"I'm so happy to see you here." Tinaasan ko sya ng kilay. "Ako hindi. Hindi ka bagay sa suot mo." At natawa lang sya! Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa sitwasyon niya ngayon. Ganun ba sya ka happy go lucky sa buhay na tinatawanan niya lang ang sakit niya? "Are you mad?" Tanong niya. "'Di ba halata? Alam ko na lahat." Pinagkrus ko ang dalawa kong braso habang pinagmamasdan sya. Parang ako na nagiging nanay niya ah. "So bakit ka nag stop sa treatment mo?" He frowned. "How did you know that?" "Sabi nung nurse mo." Sabi ko. "Oh, so you met Cain. He's my best friend and my private doctor." Nanlaki ang mga mata ko sinabi niya. "Doctor? Akala ko nurse yon. Muntik ko nang masigawan yon kanina eh." "Why? Did he do something to you?" Nag alala niyang tanong. Umiling ako. "Wala. So bakit ka nga nag stop ha? Ayaw mo ba akong sagutin? Kailangan mong magpagamot. Ikaw lang inaasahan ng kompanya mo, lalo na kami! Ano! Paano magiging proud sa'yo daddy mo n'yan kung susuko ka