“Tss. Ang arte mo.” bulong ni Henry sa gilid ko. Tiningnan ko siya ng masama.
“Kung makasabi ka ng maarte dyan ah! Ikaw nga todo inom pa nung naghiwalay kayo ni Johanna.” sabi ko habang nagpupunas ng luha.
“Iba yo'n, nakipagbalikan rin naman siya sakin eh. Gwapo ko kasi.” sabi pa nito. Napairap na lang ako sa kayabangan niya.
“Gwapo ka nga, pero walang wala pa rin kay Ice.” bulong ko pero sinigurado kong maririnig niya.
“Eh kung pinapalayas kaya kita dito sa pamamahay ko?” binato niya pa ako ng malaking unan, sapul sa mukha ko.
“Heh!”
Kumain na lang ako ng ice cream. Pa-epal talaga ang Henry na 'to.
“Anong ginagawa mo dito?!” napalingon kami ni Henry kay Johanna. Hay nako! Napakaselosa talaga nito.
“Hi babe.” agad na lumapit si Henry kay Johanna at niyakap ito sa baywang.
“Bakit nandito ang pandak na yan?” nakataas kilay na tanong ni Johanna. Napairap ako, magkapatid ba sila ni Sarah?! Magkaugali sila eh.
“Nagd-
“Saan ba tayo pupunta? Bigla ka na lang nanghihila.” nakangusong sabi ko.Nandito kami ngayon ni Ice sa kotse niya at hindi ko alam kung saan niya ko dadalhin. Busy pa man din ako ngayon dahil madaming costumers sa restau.“Just trust me, okay?” tumango na lang ako.“Malayo ba ang pupuntahan natin?” tanong ko pa sa kanya.“No. Malapit lapit lang.” hinawakan niya ang kamay ko habang nasa kalsada pa rin ang tingin niya.Napangiti ako habang nakatitig sa kanya. Hay! Sana lagi na lang kaming masaya.“Ice.”“Hmm?”“Mahal kita.” kitang kita ko ang pagngiti niya dahil sa sinabi ko.“Shenna.”“Hmm?”“I can't wait for our wedding day. Magiging akin ka na talaga.” sabi niya at hinalikan ang kamay kong hawak niya.“Grabe ka talaga noh? Lakas mo magpakilig.” sabi ko at hinampas siya sa braso.
Ramdam na ramdam ko ang sakit ng buong katawan ko pagmulat ng mga mata ko. Napapikit ako ng mariin at napahilot sa sentido ko.Pinilit kong bumangon kahit nahihilo pa ko. Parang gusto kong humiga ulit.“S-Shenna, si Prince... W-Wala na si Prince.”Dali dali akong napatayo nang maalala ko iyon. Si Ice! Nasaan si Ice?!“Anak, a-ayos ka na ba?” napatingin ako kay tatay, kasama niya si nanay na nakapikit at mukhang tulog habang nakayakap kay Ochoy.Napatingin ako sa paligid, mukhang nasa ospital ako.Natigilan ako nang may padabog na pumasok sa pinto. Bumungad sakin si Tita Amy, nasa likod niya si Tito King, si Lololo at ang Danger Zone kasama pa si Kyla.Kitang kita na galing sila sa pag-iyak dahil magang maga ang mga mata nila.“T-Tit
"Lagi kang pinupuri ng head chef sakin, I'm so proud of you Shenna." napangiti ako sa sinabi niya."Of course Lololo. Magaling yata 'to." kausap ko ngayon sa phone si Lolo, Lolo Ice Lord Farthon. Sanay na kong kausap siya, at tuwing nag-uusap kami, wala talaga akong galang sa kanya. Hindi ako nag p-'po' at 'opo'. Para lang kaming tropa.It's been three years, three long years at masasabi kong mas nag-improve ang cooking skills ko. Naging close din kami ni Lololo, hindi ko inaasahan yun nung una pero mabait pala talaga ang matandang 'to."Kailan ka uuwi dito sa Pilipinas?" natigilan ako sa tanong niya.I don't know, para kasing ayoko pang umuwi kahit nakapagtapos na ko ng culinary arts dito sa America. Pinapadala
Napangiti ako nang maramdaman ko ang hangin na dumampi sa balat ko. Grabe! Namiss ko 'to, namiss ko ang polusyon sa Pilipinas. It feels home!Agad akong sumakay ng taxi pagkalabas ko ng airport. Namiss ko ang traffic dito sa Pilipinas, I know, I'm weird.Nakangiting nakatingin ako sa mga nadadaanan namin. Natigilan ako nang mapatingin ako sa malaking billboard, isa ito sa pinakamalaking billboard na nakita ko. Danger Zone. Ang Danger Zone ang nasa malaking billboard. Napangiti ako nang makita ko iyon. Kumpleto silang pito doon at pare-parehas silag nakasuot ng tuxedo. Napansin kong nasa gitna nila si Ice, siya lang ang hindi nakangiti. Kahit talaga sa picture ang cold niya.Excited na ko sa magiging reaksyon nila sa pagbalik ko. Sigurado akong magugulat silang lahat lalo na sina nanay.Bago ako dumiretso sa bahay namin, doon muna ko sa nirentahan kong unit dumiretso. Masyado kasing malayo ang bahay namin sa re
“Sigurado ka ba dyan Shenna?” napatango ako sa tanong ni Kyla.“O-Oo, alam niyo namang m-mahal ko pa rin si Ice hanggang ngayon. Hindi ko kakayaning makita si Ice na masaya kasama ang Sarah na yo'n.” nakatungong sabi ko.“Mas maganda kung sabihin na lang natin kay Prince ang dahilan kung bakit ka umalis three years ago.” suggestion ni Tiger.“Sa tingin ko wala namang magbabago kahit sabihin natin kay Ice yo'n.”“Ganito na lang Shenna. Tutal magkapit-bahay naman kayo, sugurin mo siya sa unit niya. Magsuot ka ng lingerie tapos akitin mo. Hindi makakatanggi yo'n.” sabi ni Lion na para bang iyon ang pinakamagandang ideya sa lahat. Napailing na lang ako.“Gago ka talaga.” sabi ni Dragon at binatukan siya.“Teka, bakit nandito kayong lahat? Wala ba kayong mga trabaho?” nakapamaywang na tanong ko. Napansin ko din na puro naka-tuxedo ang limang 'to (wala si Bullet), nagpunta pa talaga d
“Ano? Selos na selos yung yelo mo ah.” nakangising sabi ni Henry habang sinasayaw ako.“Oo, at selos na selos rin ang Johanna mo. Walangya ka talaga! Baka sampalin na naman ako ng girlfriend mo.” mariing bulong ko sa kanya. Ang sama kasi ng tingin sakin ni Johanna, girlfriend ni Henry.Selosa pa naman si Johanna. Totoo kasi ang kwento ni Henry na sumugod ako sa kanya ng lasing at nakatulog ako sa kwarto niya. Pagkagising ko pa nga no'n, sinalubong ako ng sampal ni Johanna. Lagi ngang masama makatingin ang babaeng 'to eh.“Ayos nga yo'n eh. Pag nagseselos pa naman si Hanna, nagsesexy time kami.” manyak na sabi nito. Nabatukan ko tuloy siya. Sexy time ang term niya kapag nag-aanuhan daw sila ni Johanna. Manyak talaga!“Ewan ko sayo! Uupo na nga ako, lambingin mo na si Johanna at baka masampal na naman ako ng wala sa oras.” sabi ko at marahan siyang tinulak. Umupo naman ako sa table namin.“Ayos a
“Good morning Ma'am Shenna.” nakangiting bungad ng guard sa restau. Ginantihan ko din siya ng ngiti.Mas lalo akong napangiti pagkapasok ko sa restaurant. Marami rami ng costumers kahit maaga pa, busy ang mga chef at waitress eh. Malakas talaga ang impluwensya ni Lololo at ng Danger Zone.Nagtataka lang ako kung bakit lahat ng empleyado ko ay babae. Mga chef, waitress, janitress, dishwasher miski ang guard ay babae. Tinanong ko sina Lololo at ang Danger Zone kung bakit gano'n, hindi naman nila ako sinasagot ng ayos. Sabagay, pabor na rin sakin 'to, mas komportable naman ako sa mga babae eh.“Good morning Ma'am Shenna.” bati sakin ng mga empleyado. Nginitian ko naman sila.Dumiretso ako sa kusina at nagsuot din ng apron at hairnet. Gusto kong tumulong sa pagluluto. Tiningnan ko ang mga kailangang lutuin na nasa screen.Makalipas ang isang oras ay nagpahinga muna ko at lumabas sa kusina. Umup
“Eto si Charles, naghahakot na naman ng mga medalya ang kapatid mo.” napangiti ako sa sinabi ni nanay.“Talagang nagmana si Ochoy sa talino ni tatay.” natatawang sabi ko.“Oo naman. Nga pala, kamusta ka naman? Baka naman masyado mong pinapagod ang sarili mo sa restaurant.” pangangaral ni nanay.“Ayos naman po ako.”“Anak, matanong ko lang kung kamusta na kayo
Ramdam na ramdam ko ang sakit ng buong katawan ko pagmulat ng mga mata ko. Napapikit ako ng mariin at napahilot sa sentido ko.Pinilit kong bumangon kahit nahihilo pa ko. Parang gusto kong humiga ulit.“S-Shenna, si Prince... W-Wala na si Prince.”Dali dali akong napatayo nang maalala ko iyon. Si Ice! Nasaan si Ice?!“Anak, a-ayos ka na ba?” napatingin ako kay tatay, kasama niya si nanay na nakapikit at mukhang tulog habang nakayakap kay Ochoy.Napatingin ako sa paligid, mukhang nasa ospital ako.Natigilan ako nang may padabog na pumasok sa pinto. Bumungad sakin si Tita Amy, nasa likod niya si Tito King, si Lololo at ang Danger Zone kasama pa si Kyla.Kitang kita na galing sila sa pag-iyak dahil magang maga ang mga mata nila.“T-Tit
“Saan ba tayo pupunta? Bigla ka na lang nanghihila.” nakangusong sabi ko.Nandito kami ngayon ni Ice sa kotse niya at hindi ko alam kung saan niya ko dadalhin. Busy pa man din ako ngayon dahil madaming costumers sa restau.“Just trust me, okay?” tumango na lang ako.“Malayo ba ang pupuntahan natin?” tanong ko pa sa kanya.“No. Malapit lapit lang.” hinawakan niya ang kamay ko habang nasa kalsada pa rin ang tingin niya.Napangiti ako habang nakatitig sa kanya. Hay! Sana lagi na lang kaming masaya.“Ice.”“Hmm?”“Mahal kita.” kitang kita ko ang pagngiti niya dahil sa sinabi ko.“Shenna.”“Hmm?”“I can't wait for our wedding day. Magiging akin ka na talaga.” sabi niya at hinalikan ang kamay kong hawak niya.“Grabe ka talaga noh? Lakas mo magpakilig.” sabi ko at hinampas siya sa braso.
“Tss. Ang arte mo.” bulong ni Henry sa gilid ko. Tiningnan ko siya ng masama.“Kung makasabi ka ng maarte dyan ah! Ikaw nga todo inom pa nung naghiwalay kayo ni Johanna.” sabi ko habang nagpupunas ng luha.“Iba yo'n, nakipagbalikan rin naman siya sakin eh. Gwapo ko kasi.” sabi pa nito. Napairap na lang ako sa kayabangan niya.“Gwapo ka nga, pero walang wala pa rin kay Ice.” bulong ko pero sinigurado kong maririnig niya.“Eh kung pinapalayas kaya kita dito sa pamamahay ko?” binato niya pa ako ng malaking unan, sapul sa mukha ko.“Heh!”Kumain na lang ako ng ice cream. Pa-epal talaga ang Henry na 'to.“Anong ginagawa mo dito?!” napalingon kami ni Henry kay Johanna. Hay nako! Napakaselosa talaga nito.“Hi babe.” agad na lumapit si Henry kay Johanna at niyakap ito sa baywang.“Bakit nandito ang pandak na yan?” nakataas kilay na tanong ni Johanna. Napairap ako, magkapatid ba sila ni Sarah?! Magkaugali sila eh.“Nagd-
“Simple lang naman talaga dapat. Ayoko ng masyadong magara, napag-usapan na namin ni Tita Amy yan.” sabi ko habang nakasalpak ang earphones sa tainga ko. Kausap ko sa phone si Ms. Tejada. Siya ang wedding planner na pinagkakatiwalaan ni Tita Amy.Tumulong ako sa mga waitress sa pags-serve ng pagkain. Marami rin kasing costumers ngayong araw.“Ah okay po Ma'am. Basta po kung may gusto kayong idagdag or baguhin paki-inform niyo lang po ako.” magalang na sabi niya.“Okay. Salamat.” binaba ko na ang tawag.Pagod na umupo ako sa isang sulok pagkatapos. Kailangan ko pa palang mag-ayos dahil pupuntahan ko si Ice sa IPF.Tumayo na ko at pumasok sa office ko. Nagpahinga muna ko saglit pagkat
Nakaawang ang mga labi ko habang nakatitig sa limang taong gulang na bata na kamukhang kamukha ni Lion.“A-Anak niyo ba talaga ni Lion ang batang 'to?” tanong ko pa kay Kyla.“Oo nga, ang kulit.” sabi nito at hinila ang anak niya at pinakandong sa kanya, yumakap naman ang bata sa leeg niya.“A-Ano ulit yung pangalan niya?” tanong ni Sarah. Gaya ko, gulat na gulat din sila ni Ailee.“Leon Scott, Leo na lang.” sabi niya habang hinahaplos ang buhok ni Leo.“Bakit parang anak lang ni Lion yan? Walang nakuha sayo eh, halos lahat kay Lion.” sabi ko pa habang nakatitig sa bata. Sumimangot naman si Kyla.“Alam ko yo'n. Nakakainis nga eh, naghirap ako sa panganganak tapos ni mata hindi man lang nakuha sakin.” nakasimangot na sabi niya.“Bakit? Wala namang masama kung si Lion ang kamukha niya eh.” sabi ni Ailee.“Oo nga. Mas maganda nga na si Lion
Nakatulala ako ngayon sa glass wall ng restaurant ko. Wala akong gana magtrabaho o kumilos. Hays!“Shenna!” napalingon ako kay na papalapit na sakin. Kasama niya si impakta (Sarah) at si Ailee.Hindi ko sila pinansin, wala akong gana eh. At siguradong magungulit lang ang mga yan.“Anong drama yan?” nakataas kilay na tanong ni Sarah.“Wala kang pake! Panget mo.” maarteng sabi ko at inirapan siya.“Eh kung sipain kaya kita? Arte nito.” hirit pa ng impakta.“Paepal.” bulong ko.“Narinig ko yo'n!” sabi niya at dinuro pa ko.“Kayo bang dalawa magbabangayan na lang lagi?” nakasimangot na tanong ni Kyla.“Ikaw kasi!” sabay na sabi namin ni Sarah sa isa't isa.“Homaygulay! Tama na nga yan! Pag-usapan na lang natin kung anong problema niyo ni Prince, Shenna. Bakit isang linggo ko ng hindi naririnig na nagsalita ang yelong yo
“Wife.”Natigilan ako nang maramdaman ko na naman ang pagyakap sakin ni Ice mula sa likod. Hindi tuloy ako makapagluto ng ayos.“Ice naman. Ang harot mo.”Nandito ako sa unit niya at ipinagluluto siya ng almusal.“I can't wait to be your husband.” bulong nito sa tainga ko at mas hinigpitan ang pagyakap sakin.Inilagay ko na sa mesa ang pagkain. Tinanggal ko ang mga braso ni Ice na nakapulupot sa baywang ko at hinarap siya.“Grabe ka, hindi pa nga tayo kasal eh. Paano pa kaya pag kinasal tayo? Baka mas excited ka pa sakin.” nakangiting sabi ko. Hay nako! Ang lalaking 'to talaga. Nakakakilig.“I'm so excited Shenna.” niyakap ako nito at sinubsob ang mukha niya sa leeg ko. Hirap na hirap nga siya tuwing niyayakap ako eh. Yukong yuko siya.“Ako din naman eh. Hindi na ko makapaghintay na maging asawa mo.” napakagat ako sa ibabang labi ko habang nak
“Good morning.” dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko. Bumungad sakin ang gwapong mukha ni Ice. Napangiti ako at niyakap siya sa baywang.“Wag mong idikit ng sobra ang katawan mo sakin. I might forgot that you're still sore.” nag-init ang mga pisngi ko sa sinabi niya. Hinampas ko siya ng malakas sa balikat.Mas binalot ko pa ang sarili ko sa makapal na kumot.“Kailangan kong pumasok ng maaga sa trabaho.” sabi ni Ice at dinampian ako ng halik sa noo.“Oo nga. Sabi ni Kyla ipapamana na daw sayo ni Lololo ang buong IPFC empire.” natahimik naman siya sa sinabi ko.“Hindi ka pa handa noh?” tanong ko at niyakap siya.“Hindi naman sa gano'n. But I think I'm too young to handle a fvcking whole empire. Even the board directors are against it. Nangunguna ang IPFC empire sa buong Asya at pangalawa sa buong mundo. Mas magiging busy ako, ayokong mawalan ng time sayo.” napasimangot ako sa
“Galit ka?”“Hindi nga.”Kanina pa tanong ng tanong sakin si Ice. Hindi na nga siya nagpunta sa office niya at tumambay na lang dito sa restau ko para kulitin ako eh.“Sorry na.” hinawakan niya ang kamay ko at pinaharap ako sa kanya.“Okay lang ako Ice. Okay lang sakin na may malanding higad na nakaupo sa kandungan mo. Okay lang talaga. Hindi ako galit.” sabi ko at padabog na binawi ang kamay ko mula sa kanya.“I'm sorry, she's nothing to me now. Well, she's pretty good in be---” tiningnan ko siya ng masama.“Magbreak na lang kaya tayo? Tutal magaling naman pala sa kama yung higad na yo'n. Siya na lang ang utuin mo.” nakapamaywang na sabi ko. Hinawakan naman niya ulit ang kamay ko at pinaharap sa kanya.“Shenna, yung mga babaeng yo'n, sa kama lang sila maganda. Ikaw, binabaliw mo ko kahit wala tayo sa kama.” agad ko siyang sinapok.“Kapal mo