Napangiti ako nang maramdaman ko ang hangin na dumampi sa balat ko. Grabe! Namiss ko 'to, namiss ko ang polusyon sa Pilipinas. It feels home!
Agad akong sumakay ng taxi pagkalabas ko ng airport. Namiss ko ang traffic dito sa Pilipinas, I know, I'm weird.
Nakangiting nakatingin ako sa mga nadadaanan namin. Natigilan ako nang mapatingin ako sa malaking billboard, isa ito sa pinakamalaking billboard na nakita ko. Danger Zone. Ang Danger Zone ang nasa malaking billboard. Napangiti ako nang makita ko iyon. Kumpleto silang pito doon at pare-parehas silag nakasuot ng tuxedo. Napansin kong nasa gitna nila si Ice, siya lang ang hindi nakangiti. Kahit talaga sa picture ang cold niya.
Excited na ko sa magiging reaksyon nila sa pagbalik ko. Sigurado akong magugulat silang lahat lalo na sina nanay.
Bago ako dumiretso sa bahay namin, doon muna ko sa nirentahan kong unit dumiretso. Masyado kasing malayo ang bahay namin sa restaurant ko kaya nagrenta na ko ng unit.
Inayos ko muna ang mga gamit ko pagkatapos ay umalis din agad ako at dumiretso sa 'Hot and Cold' (yung restaurant ko) para silipin kung kamusta na ito.
Sinalubong ko ng ngiti ang mga trabahador sa restau. Maayos na ang restaurant ko, kulang na lang ng kaunting gamit. Napansin ko din na parang ang laki yata ng restaurant, hindi ito ang inaasahan ko.
"Shenna, is that you?" napalingon ako sa nagsalita. Agad akong napangiti at sinalubong siya ng yakap.
"Lololo! I miss you."
"Sinurpresa mo ko, dapat sinabi mo sakin na uuwi kana para napasundo kita sa airport." sabi nito at ginulo ang buhok ko.
"Ano ka ba Lololo? I just want to surprise you kaya hindi ko sinabi. By the way, bakit parang ang laki yata ng restaurant? Parang hindi ganito ang pinadala saking blueprint ng restau ah." nagtatakang sabi ko.
"Pinalaki ko talaga itong 'Hot and Cold'. I want it to be the best restaurant."
"Hay nako Lololo." napapailing na lang na sabi ko.
"By the way, I think pwede mo ng buksan ang restau next week. Mga gamit na lang ang kulang dito at syempre mga empleyado. Magpatulong ka sa Danger Zone na maghanap ng mga trabahador mo dito, matutulungan ka nila." nakangiting sabi niya.
"Salamat Lololo, the best ka talaga!" sabi ko at nag thumbs up pa sa kanya.
***
"Ang laki laki mo na Ochoy baby." sabi ko at pinisil ang payat na niyang mga pisngi. Namiss ko yung chubby cheeks niya at ang nakakagulat pa diyan, mas matangkad na si Ochoy sakin. Tama kayo ng basa, mas matangkad na nga sakin si Ochoy. Ang hirap lang tanggapin!
"Ano ba ate? Sabi ng Charles na ang itawag mo sakin eh." nakasimangot na sabi nito.
"Oo nga Shenna, binata na yang kapatid mo, akala mo ba." nakangiting sabi ni tatay at ginulo ang buhok ni Ochoy.
"Ah. Binata na si Ochoy, ayaw niya na kay ate. Sige, babalik na lang ako sa US." kunwaring malungkot na sabi ko. Agad naman akong niyakap ni Ochoy, hays! Talagang mas matangkad na siya sakin. Bakit kasi hindi ako tumangkad kahit konti lang?
"Sorry ate, p-pwede mo na kong tawaging Ochoy. Basta wag ka ng umalis ulit." napangiti ako at niyakap din siya. Mas malalim na ang boses ni Ochoy. Bakit ang bilis niya magbinata? Tapos ang gwapo gwapo niya na ngayon. Hindi na siya cute!
"Oh tama na yan, kumain na tayo." sabi ni nanay habang naghahain.
Namiss ko talaga sila ng sobra!
***
Pagod na pagod ako nang maarating sa unit ko. Gumala kasi ako kasama sina nanay dahil
namiss ko sila ng sobra kaya nilubos lubos ko. Baka bukas ko na lag sorpresahin sina Kyla at ang Danger Zone, pagod na kasi talaga ako eh.Nang nasa tapat na ko ng unit ko, hinalughog ko muna ang card sa bag ko. Nasaan na ba yo'n? Baka hindi ako makapasok nito.
Natigilan ako nang mapansin kong medyo nakaawang ang pinto. Naiwan ko ba 'tong nakabukas kanina?
Hindi ko na lang pinansin yo'n at dali daling pumasok at dumiretso sa kwarto ko. Hindi ko na binuksan ang ilaw at agad na humiga sa kama para umidlip, mamaya na lang ako kakain.
***
Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may matipunong braso na pumalibot sa baywang ko. Nanlaki ang mga mata ko at napalingon sa katabi ko.
Dali daling inabot ng kamay ko ang lampshade at binuksan yo'n at mas lalo akong nagulat nang makita kung sino ang katabi ko.
Si Ice?! Si Ice ba talaga 'to?! Marahan kong hinawakan ang pisngi niya. Baka nananaginip na naman ako. Kinurot ko ang pisngi ko at nagulat ako nang makaramdam ako ng sakit. Hindi ako nananaginip! Hindi talaga!
Nanigas ako nang marahang idilat ni Ice ang mga mata niya, napatitig siya sakin. Napakurap ako ng mga mata ko, ano bang dapat kong gawin o sabihin?! Bakit ba kasi nandito siya sa unit ko?
"What are you doing here?" malamig na tanong nito. Aba! Malamang unit ko 'to eh.
Tatayo na sana ako nang pigilan ako ni Ice sa braso at inihiga ulit ako sa kama, nagulat lalo ako nang dumagan siya sakin.
"I-Ice."
"I'm asking you, what the hell are you doing here?" sabi nito at mas idiniin ang mga kamay niya sa braso ko. Pakiramdam ko ay mas lalo akong lumulubog sa kama.
"I-Ice." sobrang gulat pa din ako. Puro 'Ice' na lang ang nalabas sa bibig ko. Bwisit!
Natigilan kami ni Ice at napalingon sa may pinto nang bumukas iyon. Gulat na gulat sina Kyla at ang Danger Zone na nakatingin samin.
"A-Anong ginagawa niyo?" gulat na tanong ni Kyla.
Sa sobrang pagkataranra ko, naitulak ko si Ice kaya nalaglag ito sa kama.
"Damn it! Shenna!" galit na sabi ni Ice at tiningnan ako ng masama.
"A-Anong ginagawa niyo sa unit ko?!" mukhang nagulat naman sila sa tanong ko.
"Unit mo?!" sabay sabay na tanong nila.
***
Pakiramdam ko ay nag-uusok na ang mga pisngi ko ngayon dahil sa pagkapahiya.
Room number 1413 pala ang napasok ko, 1412 ang room number ko.
"Ano? Naniniwala ka na ngayon?" natatawang tanong ni Lion. Napatango na lang ako.
"S-Sorry sa inyo." nakatungong sabi ko.
"Wag ka samin mag-sorry, kay Prince." makahulugang sabi ni Gun at ngumisi.
Napatingin ako kay Ice na prenteng nakasandal sa pinto ng unit niya habang nakapikit.
"S-Sorry Ice." mahinang bulong ko habang nakatungo.
Hindi ako nito pinansin, pumasok na lang ito sa unit niya at padabog na sinara ang pinto.
"Ikaw na gaga ka! Hindi mo sinabi samin na nandito ka na pala!" agad na lumapit akin si Kyla at hinila ang buhok ko. Brutal talaga 'to!
"Aray! Hindi na surprise yo'n kung sasabihin ko kaagad." nakangusong sabi ko.
"Destiny talaga oh, magkatabi pa kayo ng unit ni Prince." nakangising sabi ni Shark.
"Nakakahiya talaga yung nangyari kanina." sabi ko at pakiramdam ko nag-iinit na naman ang pisngi ko.
"Ang cool nga eh, ang tindi!" sabi pa ni Lion.
"Wait, nasaan si Bullet?" nagtatakang tanong ko. Kaya pala parang may kulang.
"Nasa business trip. Lalong nagpapayaman ang hayop." napapailing na sabi ni Gun.
"Hay! Namiss ko talaga kayo!" sabi ko at niyakap sila.
"Namiss ka din namin pandak." napanguso ako.
Pandak na naman!
***
"Sino pa bang pwede?" tanong ko habang tinatapik tapik ang mesa.
Naglilista ako ng mga iimbitahan ko para sa grand opening ng Hot and Cold. Kahit ayaw ko, sinama ko na rin sa listahan sina Ice at Sarah.
Napatingin ako sa natirang sinigang sa mesa ko. Diba dapat magshare ako ng ulam sa mga kapit-bahay?
Napangiti ako at dali daling kinuha ang mangkok na may lamang sinigang. Sinulyapan ko munaag sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ng malaking plain white t-shirt pero itinali ko yung dulo no'n kaya litaw na litaw ang flat kong tiyan, nakasuot din ako ng maikling maong short. Pambahay na pambahay ang suot ko. Pero sa totoo lang, natuto lang ako magsuot ng mga maayos na damit mula ng pumunta ako sa US.
Agad akong lumabas ng unit at tumigil sa tapat ng pinto ni Ice. Huminga muna ako ng malalim bago magdoorbell.
Nagitla ako nang bumukas ag pinto, bumungad sakin ang walang reaksyong mukha ni Ice. Nakasuot siya ng business suit at mukhang papunta na sa trabaho. Alaganing ngumiti ako sa kanya at inabot ang mangkok. Kinuha naman niya iyon.
Tiningnan niya ang laman ng mangkok, pagkatapos ay lumipat sakin ang tingin niya. Naramdaman ko ag pag-iinit ng pisngi ko nang tingnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Kukunin k-ko na lang yung mangkok mamaya." sabi ko at dali daling pumasok sa unit ko.
Napahawak ako sa dibdib ko dahil ang lakas ng tibok nito.
Bakit gano'n makatingin sakin sakin si Ice? Para niya kong hinuhubaran sa tingin niya!
Third Person's POV***
Pagkasara niya ng pinto ay agad niyang nilagay ang mangkok sa mesa. Napalunok siya at naiiritang hinila ang neck tie niya.
Pakiramdam niya ay kailangan niyang magshower ulit, he freakin' need a cold shower.
Pakiramdam niya ay gusto niyang lumabas at dumiretso sa katabi niyang pinto. He wants her. Pairamdam niya ay nag-iinit ang pakiramdam niya nang makita ang suot ng dalaga. She's a fvcking tease he can't resist. Siya lang ang nakapagparamdam ng ganito sa kanya.
Pero kailangan niyang pigilan ang nararamdaman, he will never fall for her traps again. Never.
Shenna's POV***
Nakakagat labing nakatingin ako sa orasan. Dapat ko na bang kunin ang mangkok kay Ice?
Oo! Gagamitin ko kaya yung mangkok! Dapat lang na kunin ko yo'n kasi ako ang may-ari no'n. Diba? Diba?
Tumayo na ko at lumabas ng unit ko. Agad akong tumigil sa pinto ni Ice at nagdoorbell. Nakakagat labing naghintay ako.
Natigilan ako nang hindi si Ice ang nagbukas ng pinto kundi si Sarah.
"S-Shenna?" gulat na tanong nito. Hindi naman ako makatingin sa kanya.
Mas maganda pala talaga siya sa personal. Nakaka-insecure, sobra.
"Sarah! Where's my coat?" narinig kong tanong ni Ice mula sa loob.
"N-Nandyan lang sa sofa." nauutal na sabi ni Sarah habang nasa akin pa rin ang mga mata niya.
"Why are you---" natigilan si Ice nang makita ako.
"What are you doing here?" malamig na tanong nito.
"A-Ah, w-wala lang." mahinang sambit ko a dali daling tumakbo papunta sa unit ko at sinara ang pinto.
Nagsitakasan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Siya na ba ang mahal ni Ice? Hindi niya na ba talaga ako mahal?
Hindi! Hindi pwede!
“Sigurado ka ba dyan Shenna?” napatango ako sa tanong ni Kyla.“O-Oo, alam niyo namang m-mahal ko pa rin si Ice hanggang ngayon. Hindi ko kakayaning makita si Ice na masaya kasama ang Sarah na yo'n.” nakatungong sabi ko.“Mas maganda kung sabihin na lang natin kay Prince ang dahilan kung bakit ka umalis three years ago.” suggestion ni Tiger.“Sa tingin ko wala namang magbabago kahit sabihin natin kay Ice yo'n.”“Ganito na lang Shenna. Tutal magkapit-bahay naman kayo, sugurin mo siya sa unit niya. Magsuot ka ng lingerie tapos akitin mo. Hindi makakatanggi yo'n.” sabi ni Lion na para bang iyon ang pinakamagandang ideya sa lahat. Napailing na lang ako.“Gago ka talaga.” sabi ni Dragon at binatukan siya.“Teka, bakit nandito kayong lahat? Wala ba kayong mga trabaho?” nakapamaywang na tanong ko. Napansin ko din na puro naka-tuxedo ang limang 'to (wala si Bullet), nagpunta pa talaga d
“Ano? Selos na selos yung yelo mo ah.” nakangising sabi ni Henry habang sinasayaw ako.“Oo, at selos na selos rin ang Johanna mo. Walangya ka talaga! Baka sampalin na naman ako ng girlfriend mo.” mariing bulong ko sa kanya. Ang sama kasi ng tingin sakin ni Johanna, girlfriend ni Henry.Selosa pa naman si Johanna. Totoo kasi ang kwento ni Henry na sumugod ako sa kanya ng lasing at nakatulog ako sa kwarto niya. Pagkagising ko pa nga no'n, sinalubong ako ng sampal ni Johanna. Lagi ngang masama makatingin ang babaeng 'to eh.“Ayos nga yo'n eh. Pag nagseselos pa naman si Hanna, nagsesexy time kami.” manyak na sabi nito. Nabatukan ko tuloy siya. Sexy time ang term niya kapag nag-aanuhan daw sila ni Johanna. Manyak talaga!“Ewan ko sayo! Uupo na nga ako, lambingin mo na si Johanna at baka masampal na naman ako ng wala sa oras.” sabi ko at marahan siyang tinulak. Umupo naman ako sa table namin.“Ayos a
“Good morning Ma'am Shenna.” nakangiting bungad ng guard sa restau. Ginantihan ko din siya ng ngiti.Mas lalo akong napangiti pagkapasok ko sa restaurant. Marami rami ng costumers kahit maaga pa, busy ang mga chef at waitress eh. Malakas talaga ang impluwensya ni Lololo at ng Danger Zone.Nagtataka lang ako kung bakit lahat ng empleyado ko ay babae. Mga chef, waitress, janitress, dishwasher miski ang guard ay babae. Tinanong ko sina Lololo at ang Danger Zone kung bakit gano'n, hindi naman nila ako sinasagot ng ayos. Sabagay, pabor na rin sakin 'to, mas komportable naman ako sa mga babae eh.“Good morning Ma'am Shenna.” bati sakin ng mga empleyado. Nginitian ko naman sila.Dumiretso ako sa kusina at nagsuot din ng apron at hairnet. Gusto kong tumulong sa pagluluto. Tiningnan ko ang mga kailangang lutuin na nasa screen.Makalipas ang isang oras ay nagpahinga muna ko at lumabas sa kusina. Umup
“Eto si Charles, naghahakot na naman ng mga medalya ang kapatid mo.” napangiti ako sa sinabi ni nanay.“Talagang nagmana si Ochoy sa talino ni tatay.” natatawang sabi ko.“Oo naman. Nga pala, kamusta ka naman? Baka naman masyado mong pinapagod ang sarili mo sa restaurant.” pangangaral ni nanay.“Ayos naman po ako.”“Anak, matanong ko lang kung kamusta na kayo
“143? Tatlo lang yan eh, I hate you, I miss you, o kaya I love you.” Napangiti ako nang maalala ko ang sinabing yan ni Kyla. Ang totoo niyan, hindi ko talaga na-gets yung 143, tinanong ko pa kay Kyla yo'n.Ang totoo niyan, hindi talaga ako sure kung I love you ang ibig sabihin do'n ni Ice pero gusto ko pa ring sabihin na mahal ko siya.Matapos kong magbihis ay naghanda na ko para pumunta sa restau, gustong makipagkita nina Kyla eh.Paglabas ko sa unit, napalingon ako sa gilid ko. Nagulat ako nang kalalabas lang din ni Ice. Napatikhim naman siya at nag-iwas ng tingin sakin. Dire diretso siyang naglakad papuntang elevator, agad naman akong tumakbo at sumunod sa kanya, medyo nahirapan pa ko kasi naka heels ako. Para naman tumangkad ako kahit konti.Todo iwas ng tingin sakin si Ice habang na
Gabi na pero pumunta pa rin ako sa IPF para puntahan si Ice sa office niya.“143!” natigilan si Ice sa pagsusuot ng coat niya at napatingin sakin.“Ice, sabay na tayo umuwi.” tumango na lang siya sakin.Agad ko siyang hinila palabas ng office niya pagkatapos. Nagpaubaya na lang siya at hindi na pumalag.Nang nasa parking lot na kami, inilahad ko ang kamay ko sa kanya. Napakunot naman ang noo niya.“Give me your car key. Ako ang magd-drive!” masiglang sabi ko habang tumatalon talon pa. Pero tumigil na rin ako, bwisit na heels!“No, I won't let you.” masungit na sabi nito at dire-diretsong naglakad papunta sa kotse niya, agad naman akong sumunod sa kanya.“Ice! Sige na, please!” nagpacute talaga ako sa kanya ng bonggang bongga.“No. You don't even have a license, and your legs are too short.”“Sinong nagsabi sayo na wala akong li
“Alin ba ang mas maganda?” nakakunot ang noong tanong ko.Nag-eempake na ko ng mga damit na dadalhin ko para bukas. Excited na nga ako eh.Napili pa ako ng dalawang bikini for two days, kaso apat ang nandito sa kama ko at lahat magaganda. Nahihirapan tuloy akong pumili ng dalawa.Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Ice.“Hello.” malamig na sabi nito. Napairap na lang ako.“Ice, pumunta ka nga dito sa unit ko. May itatanong lang---” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla bigla niyang pinatay ang tawag.Bastos na 143! I hate you na! Hindi na kita mahal! Kakalimutan na kita at ipagpapalit sa---Natigilan ako nang biglang may magdoorbell. Napangiti naman ako. Joke lang naman yo'n, syempre mahal na mahal ko si Ice at hindi ko siya ipagpapalit.Agad kong binuksan ang pinto at bumungad sakin ang walang
“Wow!” pagkatapos ng ilang oras na biyahe, nandito na rin kami.Grabe! Ang linis ng dagat, ang ganda!Tumakbo ako papalapit sa dagat. Dinawdaw ko ang paa ko sa dagat. Wow! Ang lamig!Napatingin ako sa paligid, walang ka-tao tao dito. Wala pa rin ang van ng Danger Zone. Ang tagal naman nila!Tumakbo ulit ako papalapit kay Ice. Pumasan ako sa likod niya.“143. Saan ang kwarto ko?” hindi nito pinansin ang tanong ko at naglakad na lang papunta sa isang rest house habang nakapasan pa rin ako sa likod niya.Binuksan niya ang pinto sa rest house. Iniupo niya ko sa sofa at umupo naman siya sa tabi ko.“Ice, inaantok ako.” humiga ako sa kandungan niya.“Matulog ka lang.” sabi nito at pumikit saka sumandal.***“Shenna! Gising na!” napabalikwas ako ng bangon sa sigaw Kyla. Bwisit na babae 'to!“Bakit ba?!” nap
Ramdam na ramdam ko ang sakit ng buong katawan ko pagmulat ng mga mata ko. Napapikit ako ng mariin at napahilot sa sentido ko.Pinilit kong bumangon kahit nahihilo pa ko. Parang gusto kong humiga ulit.“S-Shenna, si Prince... W-Wala na si Prince.”Dali dali akong napatayo nang maalala ko iyon. Si Ice! Nasaan si Ice?!“Anak, a-ayos ka na ba?” napatingin ako kay tatay, kasama niya si nanay na nakapikit at mukhang tulog habang nakayakap kay Ochoy.Napatingin ako sa paligid, mukhang nasa ospital ako.Natigilan ako nang may padabog na pumasok sa pinto. Bumungad sakin si Tita Amy, nasa likod niya si Tito King, si Lololo at ang Danger Zone kasama pa si Kyla.Kitang kita na galing sila sa pag-iyak dahil magang maga ang mga mata nila.“T-Tit
“Saan ba tayo pupunta? Bigla ka na lang nanghihila.” nakangusong sabi ko.Nandito kami ngayon ni Ice sa kotse niya at hindi ko alam kung saan niya ko dadalhin. Busy pa man din ako ngayon dahil madaming costumers sa restau.“Just trust me, okay?” tumango na lang ako.“Malayo ba ang pupuntahan natin?” tanong ko pa sa kanya.“No. Malapit lapit lang.” hinawakan niya ang kamay ko habang nasa kalsada pa rin ang tingin niya.Napangiti ako habang nakatitig sa kanya. Hay! Sana lagi na lang kaming masaya.“Ice.”“Hmm?”“Mahal kita.” kitang kita ko ang pagngiti niya dahil sa sinabi ko.“Shenna.”“Hmm?”“I can't wait for our wedding day. Magiging akin ka na talaga.” sabi niya at hinalikan ang kamay kong hawak niya.“Grabe ka talaga noh? Lakas mo magpakilig.” sabi ko at hinampas siya sa braso.
“Tss. Ang arte mo.” bulong ni Henry sa gilid ko. Tiningnan ko siya ng masama.“Kung makasabi ka ng maarte dyan ah! Ikaw nga todo inom pa nung naghiwalay kayo ni Johanna.” sabi ko habang nagpupunas ng luha.“Iba yo'n, nakipagbalikan rin naman siya sakin eh. Gwapo ko kasi.” sabi pa nito. Napairap na lang ako sa kayabangan niya.“Gwapo ka nga, pero walang wala pa rin kay Ice.” bulong ko pero sinigurado kong maririnig niya.“Eh kung pinapalayas kaya kita dito sa pamamahay ko?” binato niya pa ako ng malaking unan, sapul sa mukha ko.“Heh!”Kumain na lang ako ng ice cream. Pa-epal talaga ang Henry na 'to.“Anong ginagawa mo dito?!” napalingon kami ni Henry kay Johanna. Hay nako! Napakaselosa talaga nito.“Hi babe.” agad na lumapit si Henry kay Johanna at niyakap ito sa baywang.“Bakit nandito ang pandak na yan?” nakataas kilay na tanong ni Johanna. Napairap ako, magkapatid ba sila ni Sarah?! Magkaugali sila eh.“Nagd-
“Simple lang naman talaga dapat. Ayoko ng masyadong magara, napag-usapan na namin ni Tita Amy yan.” sabi ko habang nakasalpak ang earphones sa tainga ko. Kausap ko sa phone si Ms. Tejada. Siya ang wedding planner na pinagkakatiwalaan ni Tita Amy.Tumulong ako sa mga waitress sa pags-serve ng pagkain. Marami rin kasing costumers ngayong araw.“Ah okay po Ma'am. Basta po kung may gusto kayong idagdag or baguhin paki-inform niyo lang po ako.” magalang na sabi niya.“Okay. Salamat.” binaba ko na ang tawag.Pagod na umupo ako sa isang sulok pagkatapos. Kailangan ko pa palang mag-ayos dahil pupuntahan ko si Ice sa IPF.Tumayo na ko at pumasok sa office ko. Nagpahinga muna ko saglit pagkat
Nakaawang ang mga labi ko habang nakatitig sa limang taong gulang na bata na kamukhang kamukha ni Lion.“A-Anak niyo ba talaga ni Lion ang batang 'to?” tanong ko pa kay Kyla.“Oo nga, ang kulit.” sabi nito at hinila ang anak niya at pinakandong sa kanya, yumakap naman ang bata sa leeg niya.“A-Ano ulit yung pangalan niya?” tanong ni Sarah. Gaya ko, gulat na gulat din sila ni Ailee.“Leon Scott, Leo na lang.” sabi niya habang hinahaplos ang buhok ni Leo.“Bakit parang anak lang ni Lion yan? Walang nakuha sayo eh, halos lahat kay Lion.” sabi ko pa habang nakatitig sa bata. Sumimangot naman si Kyla.“Alam ko yo'n. Nakakainis nga eh, naghirap ako sa panganganak tapos ni mata hindi man lang nakuha sakin.” nakasimangot na sabi niya.“Bakit? Wala namang masama kung si Lion ang kamukha niya eh.” sabi ni Ailee.“Oo nga. Mas maganda nga na si Lion
Nakatulala ako ngayon sa glass wall ng restaurant ko. Wala akong gana magtrabaho o kumilos. Hays!“Shenna!” napalingon ako kay na papalapit na sakin. Kasama niya si impakta (Sarah) at si Ailee.Hindi ko sila pinansin, wala akong gana eh. At siguradong magungulit lang ang mga yan.“Anong drama yan?” nakataas kilay na tanong ni Sarah.“Wala kang pake! Panget mo.” maarteng sabi ko at inirapan siya.“Eh kung sipain kaya kita? Arte nito.” hirit pa ng impakta.“Paepal.” bulong ko.“Narinig ko yo'n!” sabi niya at dinuro pa ko.“Kayo bang dalawa magbabangayan na lang lagi?” nakasimangot na tanong ni Kyla.“Ikaw kasi!” sabay na sabi namin ni Sarah sa isa't isa.“Homaygulay! Tama na nga yan! Pag-usapan na lang natin kung anong problema niyo ni Prince, Shenna. Bakit isang linggo ko ng hindi naririnig na nagsalita ang yelong yo
“Wife.”Natigilan ako nang maramdaman ko na naman ang pagyakap sakin ni Ice mula sa likod. Hindi tuloy ako makapagluto ng ayos.“Ice naman. Ang harot mo.”Nandito ako sa unit niya at ipinagluluto siya ng almusal.“I can't wait to be your husband.” bulong nito sa tainga ko at mas hinigpitan ang pagyakap sakin.Inilagay ko na sa mesa ang pagkain. Tinanggal ko ang mga braso ni Ice na nakapulupot sa baywang ko at hinarap siya.“Grabe ka, hindi pa nga tayo kasal eh. Paano pa kaya pag kinasal tayo? Baka mas excited ka pa sakin.” nakangiting sabi ko. Hay nako! Ang lalaking 'to talaga. Nakakakilig.“I'm so excited Shenna.” niyakap ako nito at sinubsob ang mukha niya sa leeg ko. Hirap na hirap nga siya tuwing niyayakap ako eh. Yukong yuko siya.“Ako din naman eh. Hindi na ko makapaghintay na maging asawa mo.” napakagat ako sa ibabang labi ko habang nak
“Good morning.” dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko. Bumungad sakin ang gwapong mukha ni Ice. Napangiti ako at niyakap siya sa baywang.“Wag mong idikit ng sobra ang katawan mo sakin. I might forgot that you're still sore.” nag-init ang mga pisngi ko sa sinabi niya. Hinampas ko siya ng malakas sa balikat.Mas binalot ko pa ang sarili ko sa makapal na kumot.“Kailangan kong pumasok ng maaga sa trabaho.” sabi ni Ice at dinampian ako ng halik sa noo.“Oo nga. Sabi ni Kyla ipapamana na daw sayo ni Lololo ang buong IPFC empire.” natahimik naman siya sa sinabi ko.“Hindi ka pa handa noh?” tanong ko at niyakap siya.“Hindi naman sa gano'n. But I think I'm too young to handle a fvcking whole empire. Even the board directors are against it. Nangunguna ang IPFC empire sa buong Asya at pangalawa sa buong mundo. Mas magiging busy ako, ayokong mawalan ng time sayo.” napasimangot ako sa
“Galit ka?”“Hindi nga.”Kanina pa tanong ng tanong sakin si Ice. Hindi na nga siya nagpunta sa office niya at tumambay na lang dito sa restau ko para kulitin ako eh.“Sorry na.” hinawakan niya ang kamay ko at pinaharap ako sa kanya.“Okay lang ako Ice. Okay lang sakin na may malanding higad na nakaupo sa kandungan mo. Okay lang talaga. Hindi ako galit.” sabi ko at padabog na binawi ang kamay ko mula sa kanya.“I'm sorry, she's nothing to me now. Well, she's pretty good in be---” tiningnan ko siya ng masama.“Magbreak na lang kaya tayo? Tutal magaling naman pala sa kama yung higad na yo'n. Siya na lang ang utuin mo.” nakapamaywang na sabi ko. Hinawakan naman niya ulit ang kamay ko at pinaharap sa kanya.“Shenna, yung mga babaeng yo'n, sa kama lang sila maganda. Ikaw, binabaliw mo ko kahit wala tayo sa kama.” agad ko siyang sinapok.“Kapal mo