“143? Tatlo lang yan eh, I hate you, I miss you, o kaya I love you.”
Napangiti ako nang maalala ko ang sinabing yan ni Kyla. Ang totoo niyan, hindi ko talaga na-gets yung 143, tinanong ko pa kay Kyla yo'n.
Ang totoo niyan, hindi talaga ako sure kung I love you ang ibig sabihin do'n ni Ice pero gusto ko pa ring sabihin na mahal ko siya.
Matapos kong magbihis ay naghanda na ko para pumunta sa restau, gustong makipagkita nina Kyla eh.
Paglabas ko sa unit, napalingon ako sa gilid ko. Nagulat ako nang kalalabas lang din ni Ice. Napatikhim naman siya at nag-iwas ng tingin sakin. Dire diretso siyang naglakad papuntang elevator, agad naman akong tumakbo at sumunod sa kanya, medyo nahirapan pa ko kasi naka heels ako. Para naman tumangkad ako kahit konti.
Todo iwas ng tingin sakin si Ice habang nasa elevator kami. Nagpigil ako ng tawa nang makita kong namumulaang tainga niya. Hindi pa rin siya nagbabago, pulahin pa rin ang tainga niya. Ang cute cute talaga niya, nakakagigil!
“143.” pagtawag ko sa kanya. Saglit siyang napalingon sakin at napatikhim.
“Babe 143. 143~” sabi ko habang pahuni huni pa. Ang cute kasi ng reaction ni Ice, talagang hiyang hiya siya.
Nang magbukas ang elevator ay dali daling umalis si Ice. Natatawang napailing na lang ako.
Kailan pa naging shy type si Ice?
***
“So ano Shenna? Sasama ka ba?” tanong ni Kyla. Nagyayaya siya sa Batangas dahil magb-birthday na siya. Sinama niya rin si Bullet para daw makasama namin siya. Buti nga daw napapayag nila si Bullet eh, sinabi kasi ni Bullet na sasama lang siya kung sasama rin si Sarah. Eh sakto namang pumayag si Sarah. Napasimangot nga ako dahil do'n eh.
“S-Si Ice? Sasama ba si Ice?” nahihiyang tanong ko.
“Hindi daw, busy daw siya eh, siya nga gumastos do'n eh tapos di siya sasama.” sabi ni Kyla at napairap.
“Ang daya ni Prince. Ipinagpaliban namin ang mga trabaho namin sa loob ng dalawang araw tapos siya. Tss. Ang arte talaga ng yelong yo'n.” nag-e-emote na sabi ni Lion.
Napangiti naman ako dahil bigla akong may naisip.
“Akong bahala kay Ice, sigurado akong papayag siya pag pinilit ko siya.” sabi ko at binigyan sila ng matamis na ngiti.
“Kung ako si Prince, bibigay agad ako kapag nginitian mo ko ng ganyan.” natahimik kaming lahat sa sinabi ni Dragon.
“Huy Dragon, akala ko ba naka move on kana kay Shenna.” sabi pa ni Kyla. Hindi tuloy ako makatingin ng ayos kay Dragon. Natawa naman si Dragon, ang gwapo niya talaga.
“Nilagyan niyo agad ng malisya eh.” napapailing pang sabi ni Dragon. Para naman kaming nakahinga ng maluwag.
“Sir Dragon!” napalingon kami sa babaeng tumatakbo papalapit sa pwesto namin.
Medyo haggard ng tingnan ang babae pero isa lang ang masasabi ko. Maganda siya, sobra. Maganda at matangkad.
Nang makalapit na ang babae sa pwesto namin ay hinihingal na umupo siya sa tabi ko. Medyo nagulat ako pero hinayaan ko na lang siya, magaan yung loob ko sa kanya eh. Hindi ko alam kung bakit.
Kinuha ng babae ang tali niya sa buhok mula sa bulsa niya at sinimulang itali ang mahaba at medyo curly na buhok niya.
Napangiti ako dahil kitang kita ko kung paano natulala si Dragon habang nakatitig sa babae.
“Sir Dragon! Huy!” pumitik pa ang babae sa harap niya. Tila natauhan naman si Dragon. Inayos niya ang neck tie niya at napatikhim.
“Grabe ka naman Sir! Saglit na lang magsisimula na ang meeting mo with the shareholders. Hirap na hirap na kong magpaliwanag tuwing na-l-late ka!” oo, sinigawan niya talaga si Dragon. Pinigil ko ang tawa ko, para siyang hindi secretary kung umasta. Nakakatuwa.
“I like her already. ” bulong ni Kyla sakin. Napangiti ako at tumango.
“Oo na, oo na. By the way guys, this is Nisha, my secretary. ” napalingon samin si Nisha at ngumiti. Mas lalo tuloy siyang gumanda.
Isa isa kaming nagpakilala sa kanya. Mukha siyang mabait, kay Dragon lang talaga siguro siya masungit.
“Sir, hindi niyo naman nasabing puro gwapo pala ang mga kaibigan mo.” sabi ni Nisha at napahagikhik.
“Tss. Tigilan mo nga. Halika na nga!” naiinis na sabi ni Dragon at hinila si Nisha. Nanlaki ang mga mata ni Nisha.
“Grabe Sir, halikan talaga! Sa private place natin yo'n gawin.” natawa ako sa sinabi niya. Ang kulit niya.
Napairap naman si Dragon at hinila na lang si Nisha palabas ng restau.
“In love ang gago.” napapailing na sabi ni Shark.
***
“Hindi po pwedeng papasukin kayo basta basta sa office ni Mr. Farthon.” halatang nagtitimpi na ang babaeng 'to.
“Psh! Bakit si Sarah pwedeng pumasok basta basta?” naiinis na tanong ko. Pero hindi naman pasigaw, hindi naman ako eskandalosa.
Nabalitaan ko kasi kay Kyla na basta basta na lang napasok si Sarah sa office ni Ice. Hindi naman ako makakapayag no'n. Ako ang girlfriend ni Ice eh, wala pa kaya kaming formal break up!
“Iyon po ang sabi ni Mr. Farthon. Pwede po dito si Ma'am Sarah anytime. ” napairap pa ito sakin.
Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Ice. Hiningi ko kay Kyla ang number ni Ice eh.
Agad niya rin namang sinagot ang tawag ko.
“Who the hell are you?” malamig na tanong nito. Wow lang! Napakagandang bungad!
“Ice, puntahan mo ko dito sa lobby ng IPF. Inaaway ako ng babaeng 'to.” sabi ko at tiningnan ng masama yung babae na di hamak naman na mas matangkad sakin kahit naka-heels pa ko.
“I'm busy. Stop acting like a child. Asikasuhin mo na lang ang restaurant mo.”
“Eh, 143 naman. Please na, bumaba ka na dito. 143~” narinig ko ang pagbuntong hininga ni Ice sa kabilang linya.
“Just leave. I'm fvcking tired Shenna. I have a lot of things to do, wag ka ng dumagdag.” malamig na sabi nito.
Natahimik naman ako at napahikbi. Wala namang masama kung mag-iinarte ako eh.
“S-Sorry. Si Henry na lang---” napakunot ang noo ko at napatingin sa phone ko nang bigla ako nitong babaan ng tawag.
“Please Ma'am, umalis na lang po kayo.” napatungo na lang ako at walang ganang naglakad. Bwisit 'tong babaeng 'to! Isumbong ko siya sa Danger Zone eh!
“Shenna!” nagliwanag ang mukha ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon.
Napalingon ako at napangiti ako nang makita ko si Ice na natakbo papalapit sakin. Napapatingin na sa kanya yung mga empleyado.
Nang nasa tapat ko na si Ice ay saglit aiyang natigilan. Malamig na tumingin siya sa mga empleyadong nakatingin samin. Nataranta naman sila saka nag-iwas ng tingin at nagbusy-busy-han.
“143.” nakangiting sabi ko. Bagong endearment ko na yata yo'n sa kanya.
“M-Mr. Farthon, ang kulit po niya. Sinabi ko na pong busy kayo at hindi kayo natanggap ng bisita pero---” agad na pinutol ni Ice ang sasabihin niya.
“She can go to my office whenever she wants from now on.” natulala naman yung babae at napalunok pero napatango na lang siya.
Nang mapatingin sakin yung babae, binelatan ko siya. Huh! Pahiya ka ngayon girl!
“Sabi ko naman sayo eh, asawa nga ako ni Ice. Kaya wag mong papapasukin basta basta yung Sarah na yo'n okay? Diba asawa kong 143?” lumapit ako kay Ice at niyakap siya sa baywang. Hinawakan ko ang braso niya at inilagay yo'n sa balikat ko para akbayan niya ko.
“Tandaan mo yan ah? No Sarah allowed. Kay Bullet na lang siya.” nakita ko ang pag-irap ni Ice pero hindi naman siya nagsasalita.
Hinila ko na si Ice papasok sa elevator. Nakayakap pa rin ako sa baywang niya at nakaakbay pa rin siya sakin.
“143, nararamdaman ko yung abs mo.” sabi ko at napahagikhik. Agad na tinanggal ni Ice ang pagkakaakbay sakin. Kitang kita ko ang pamumula ng tainga niya. Hay nako Ice!
Nang nasa pinakamataas na floor na kami ay agad kong hinila si Ice palabas ng elevator. Napansin kong iisa lang ang pinto sa floor na 'to.
“Ice, wag mong sabihin sakin na office mo 'tong isang buong floor na 'to?” napatingin ako sa kanya. Napakibit balikat lang siya.
Agad kong binuksan ag pinto at halos mapanganga ako sa laki at ganda ng office niya. Medyo dark lang ang kulay pero maganda naman. Parang kasing laki na ng unit namin itong office niya. Take note, may kusina, library, gym, cr at kung ano ano pa. Kaloka!
Nilagpasan ako ni Ice pumunta na siya sa desk niya. Ako naman ay tulala pa din at umupo na lang sa sofa.
“What brings you here?” tanong nito habang nakatutok ang mata sa laptop niya at may ginagawang kung ano.
“Wala lang, pipilitin lang kita na sumama sa Batangas.” nakangusong sabi ko.
Lumapit ako sa kanya, umupo ako sa desk niya na medyo malapit sa pwesto ng laptop niya. Buti na lang malaki 'tong desk ni Ice.
“Hindi ako pupunta.” malamig na sabi nito. Napanguso na naman ako at kinuha ang phone niya.
Binuksan ko iyon at buti na lang walang password. Gusto kong mapairap dahil plain black ang wallpaper niya. My ghad Ice!
Wala rin masyadong applications sa phone niya, wala ring laman yung gallery niya. Grabehan ka talaga 143!
Dumiretso na lang ako sa camera at nagselfie. Oo, nagselfie ako gamit ang phone ni Ice.
“What are you doing?” napakunot ang noo niya at napatingin sakin.
“Nags-selfie, para naman may maganda ng laman 'tong phone mo. Ay! Wait lang.” umalis ako sa pagkakaupo sa desk niya.
Inilapit ko ang mukha ko kay Ice at tinapat ko ang cellphone niya sa mukha namin. Mga dalawang shots din ang nakuha ko.
Lumayo na ko kay Ice at tiningnan ang pictures namin. Ang cute! Nakangiti ako habang si Ice naman, sakin nakatingin.
Agad kong ginawang wallpaper sa phone ni Ice ang picture namin. Tapos pinasa ko naman sa phone ko ang picture namin. Ginawa ko rin 'yong wallpaper ko. Pinakita ko kay Ice ang phone naming dalawa pagkatapos.
“Oh diba! Ang ganda noh? Hay, nagkabuhay din ang phone mo. Ang ganda ko kasi eh.” napairap na lang si Ice at itinuon ulit ang pansin sa laptop niya.
“Aalis na ko ah. Pag-uwi mo, pupunta ako sa unit mo at pipilitin ulit kitang sumama sa Batangas.” sabi ko habang sinisilid ang phone ko sa bag.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Ice sakin.
“Ano ka ba 143? Miss mo ko agad. Malamang aasikasuhin ko din naman yung restau. Sige bye na yelong 143.” nakangiting sabi ko.
Aalis na sana ako pero agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako paupo sa kandungan niya. Napasinghap naman ako.
“143.” sabi nito habang nakatitig sa mukha ko. Nagulat na lang ako nang lumapat ang malambot na labi ni Ice sa labi ko.
Dampi lang 'yon pero pakiramdam ko ay nakuryente ako ng bonggang bongga. Napatitig ako sa kanya.
“Two timer ka, may Sarah na, may Shenna pa.” nakasimangot na sabi ko.
Napaiwas na lang siya ng tingin at napatikhim.
“Nagbabalikan na ba tayo Ice?” sabi ko habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya.
“J-Just go.” sabi nito at tinulak ako patayo.
“Hoy! Matapos mo kong i-kiss, bigla mo na lang akong itataboy! Grabe ka, hindi ako easy to get noh!” parang gusto ko tuloy bawiin yung sinabi ko. Nagiging easy to get nga pala ako pagdating kay Ice.
“Grabe ka talaga 143.” nakangusong sabi ko.
“J-Just go.” pabulong na sabi nito.
“Oo na! Bye 143.” gusto ko talagang matawa dahil red na red na yung magkabilang tainga niya.
Sus! Kunwari pa 'to, samantalang dati kung halikan ako parang wala ng bukas. Pabebeng 143!
Gabi na pero pumunta pa rin ako sa IPF para puntahan si Ice sa office niya.“143!” natigilan si Ice sa pagsusuot ng coat niya at napatingin sakin.“Ice, sabay na tayo umuwi.” tumango na lang siya sakin.Agad ko siyang hinila palabas ng office niya pagkatapos. Nagpaubaya na lang siya at hindi na pumalag.Nang nasa parking lot na kami, inilahad ko ang kamay ko sa kanya. Napakunot naman ang noo niya.“Give me your car key. Ako ang magd-drive!” masiglang sabi ko habang tumatalon talon pa. Pero tumigil na rin ako, bwisit na heels!“No, I won't let you.” masungit na sabi nito at dire-diretsong naglakad papunta sa kotse niya, agad naman akong sumunod sa kanya.“Ice! Sige na, please!” nagpacute talaga ako sa kanya ng bonggang bongga.“No. You don't even have a license, and your legs are too short.”“Sinong nagsabi sayo na wala akong li
“Alin ba ang mas maganda?” nakakunot ang noong tanong ko.Nag-eempake na ko ng mga damit na dadalhin ko para bukas. Excited na nga ako eh.Napili pa ako ng dalawang bikini for two days, kaso apat ang nandito sa kama ko at lahat magaganda. Nahihirapan tuloy akong pumili ng dalawa.Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Ice.“Hello.” malamig na sabi nito. Napairap na lang ako.“Ice, pumunta ka nga dito sa unit ko. May itatanong lang---” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla bigla niyang pinatay ang tawag.Bastos na 143! I hate you na! Hindi na kita mahal! Kakalimutan na kita at ipagpapalit sa---Natigilan ako nang biglang may magdoorbell. Napangiti naman ako. Joke lang naman yo'n, syempre mahal na mahal ko si Ice at hindi ko siya ipagpapalit.Agad kong binuksan ang pinto at bumungad sakin ang walang
“Wow!” pagkatapos ng ilang oras na biyahe, nandito na rin kami.Grabe! Ang linis ng dagat, ang ganda!Tumakbo ako papalapit sa dagat. Dinawdaw ko ang paa ko sa dagat. Wow! Ang lamig!Napatingin ako sa paligid, walang ka-tao tao dito. Wala pa rin ang van ng Danger Zone. Ang tagal naman nila!Tumakbo ulit ako papalapit kay Ice. Pumasan ako sa likod niya.“143. Saan ang kwarto ko?” hindi nito pinansin ang tanong ko at naglakad na lang papunta sa isang rest house habang nakapasan pa rin ako sa likod niya.Binuksan niya ang pinto sa rest house. Iniupo niya ko sa sofa at umupo naman siya sa tabi ko.“Ice, inaantok ako.” humiga ako sa kandungan niya.“Matulog ka lang.” sabi nito at pumikit saka sumandal.***“Shenna! Gising na!” napabalikwas ako ng bangon sa sigaw Kyla. Bwisit na babae 'to!“Bakit ba?!” nap
“S-Shenna, bakit uuwi kana agad?” tanong ni Kyla.Pinilit kong ngumiti at humarap sa kanila. Nandito silang lahat sa kwarto ko, maliban kay Ice, Bullet at Sarah.“M-Medyo nagkaproblema daw sa restau. Kailangan nila ako do'n. Pasensya na ha. Eto nga pala yung regalo ko sayo Kyla, happy birthday.” ngumiti ako at inabot sa kanya yung regalo ko.“Tss. Sige na nga, pero babawi ka sakin pagbalik namin do'n.” nakangusong sabi niya.“Oo naman. Geh, mauna na ko ah.” pilit na ngumiti ako sa Danger Zone. Binitbit ko na ang maleta ko.“Pag-uwi namin, magkwento ka. Alam naming may problema.” natigilan ako at napatingin kay Lion.Tumango na lang ako at pilit na ngumiti.“Ihahatid na kita Shenna.” pagp-prisinta ni Dragon.“Wag na, makakaabala pa ko.”“Ako na lang ang maghahatid sayo.” napalingon kaming lahat kay Trigger. Nahihiyang napangiti
“Fvck Shenna! Anong gagawin ko?!” natatarantang sabi ni Trigger habang nagpapagulong gulong sa kama ko at nakasabunot sa buhok niya.“Nakita mo na ba yung anak niya? Ano? Anak mo ba talaga yun?” nakapamaywang na tanong ko sa kanya.“Damn! Her child is like my replica. Kamukha kamukha ko, walang tapon. Mas kamukha ko pa nga yung bata kaysa sa sarili niyang nanay eh.” napabangon si Trigger at hinampas hampas yung kama ko.“Akala ko ba lagi kang nag-iingat? Eh bakit nakabuntis ka?” natatawang tanong ko.“Nakita mo naman yung babae diba? Sobrang ganda niya, kaya siguro nalimutan kong gumamit ng proteksyon dahil sa sobrang excitement.” napanganga na lang ako.“Ano ng gagawin mo?” tanong ko at umupo sa tabi niya.“I don't know. Damn it! Patay ako kay daddy nito. Mawawalan ako ng mana! Mapupunta lahat kay Bullet. Pucha!” napahiga ulit siya sa kama at nagpagulong gulong na naman.
Nakatitig lang ako sa kanya habang natutulog siya. Ibang iba talaga siya pag tulog, para bang ang bait bait niya.Pinunasan ko ng tuyong bimpo ang noo niya. Medyo nabawasan na ang pamumutla niya. Kaya ayokong nagkakasakit siya eh, talagang nanghihina siya.Natigilan ako sa pagpunas nang biglang niyang idilat amg mga mata niya. Agad kong iniwas ang tingin ko.“A-Ayos ka na ba?” tanong ko. Bumangon siya at sumandal sa headboard ng kama.“I'm fine.” tumango tango na lang ako.“Gusto mo na bang bumalik sa unit mo?” hindi siya sumagot sa tanong ko. Nakatitig lang siya sakin. Napasinghap ako nang hilahin niya ko at niyakap ng mahigpit.“I-Ice.” pinilit ko siyang itulak kaso masyado siyang malakas.Hinayaan ko na lang siya na yakapin ako. Pero natigilan ako nang may maalala ako. Agad ko siyang itinulak.“Mukhang magaling ka na. Bumalik ka na sa unit mo.”
“Ma'am Shenna.” nakangiting bungad sakin ni Cath, isa sa mga chef.“Meron pong bagong waiter na pinadala dito ni Mr. Ice Lord Farthon.” napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Waiter?“Lalaki?”“Opo Ma'am, medyo weird nga po ang lalaking yo'n eh.” bulong niya sakin.“Bakit naman?”“Halika po Ma'am. ” itinuro niya sakin ang lalaking naka-itim na nagseserve ng pagkain sa mga costumers.Mukhang weird nga siya. Balot na balot siya eh. Nakasuot siya ng sumbrero at face mask na itim. Naka black long sleeves din siya. Mata lang niya ang makikita, napansin ko na talagang balot na balot siya.Napapatingin nga sa kanya ang ibang costumers eh. Parang gusto ko tuloy tawagan si Lololo at sermunan. Ano na naman bang trip ng matandang yo'n?“Weird nga.” naibulong ko.“Diba po Ma'am? Medyo suplado pa nga po eh, hindi nagsasalita.” sabi p
Tahimik lang kaming dalawa sa kotse. Napapikit ako ng mariin, minsan talaga naiinis na ko sa sarili ko. Ang engot ko kasi.Natigilan si Ice nang iuntog-untog ko ang sarili ko sa bintana ng kotse.“What the hell are you doing?” tiningnan ko siya ng masama.“Nakakainis kasi! Bakit ba kita hinalikan?!” naiinis na sabi ko sa kanya.“Galit ako sayo eh!” dagdag ko pa.Napabuntong hininga naman si Ice at itinigil ang kotse at ipinarada sa gilid.“You kissed me because you love me.” sabi nito habang nakatingin sakin.“Kapal mo! Sino namang nagsabi sayo?” sabi ko at inirapan siya. Ngumisi naman siya sakin.“Ikaw.” sabi nito. Bigla naman akong natigilan.“Mahal na mahal ko si Ice.”“Si Ice lang
Ramdam na ramdam ko ang sakit ng buong katawan ko pagmulat ng mga mata ko. Napapikit ako ng mariin at napahilot sa sentido ko.Pinilit kong bumangon kahit nahihilo pa ko. Parang gusto kong humiga ulit.“S-Shenna, si Prince... W-Wala na si Prince.”Dali dali akong napatayo nang maalala ko iyon. Si Ice! Nasaan si Ice?!“Anak, a-ayos ka na ba?” napatingin ako kay tatay, kasama niya si nanay na nakapikit at mukhang tulog habang nakayakap kay Ochoy.Napatingin ako sa paligid, mukhang nasa ospital ako.Natigilan ako nang may padabog na pumasok sa pinto. Bumungad sakin si Tita Amy, nasa likod niya si Tito King, si Lololo at ang Danger Zone kasama pa si Kyla.Kitang kita na galing sila sa pag-iyak dahil magang maga ang mga mata nila.“T-Tit
“Saan ba tayo pupunta? Bigla ka na lang nanghihila.” nakangusong sabi ko.Nandito kami ngayon ni Ice sa kotse niya at hindi ko alam kung saan niya ko dadalhin. Busy pa man din ako ngayon dahil madaming costumers sa restau.“Just trust me, okay?” tumango na lang ako.“Malayo ba ang pupuntahan natin?” tanong ko pa sa kanya.“No. Malapit lapit lang.” hinawakan niya ang kamay ko habang nasa kalsada pa rin ang tingin niya.Napangiti ako habang nakatitig sa kanya. Hay! Sana lagi na lang kaming masaya.“Ice.”“Hmm?”“Mahal kita.” kitang kita ko ang pagngiti niya dahil sa sinabi ko.“Shenna.”“Hmm?”“I can't wait for our wedding day. Magiging akin ka na talaga.” sabi niya at hinalikan ang kamay kong hawak niya.“Grabe ka talaga noh? Lakas mo magpakilig.” sabi ko at hinampas siya sa braso.
“Tss. Ang arte mo.” bulong ni Henry sa gilid ko. Tiningnan ko siya ng masama.“Kung makasabi ka ng maarte dyan ah! Ikaw nga todo inom pa nung naghiwalay kayo ni Johanna.” sabi ko habang nagpupunas ng luha.“Iba yo'n, nakipagbalikan rin naman siya sakin eh. Gwapo ko kasi.” sabi pa nito. Napairap na lang ako sa kayabangan niya.“Gwapo ka nga, pero walang wala pa rin kay Ice.” bulong ko pero sinigurado kong maririnig niya.“Eh kung pinapalayas kaya kita dito sa pamamahay ko?” binato niya pa ako ng malaking unan, sapul sa mukha ko.“Heh!”Kumain na lang ako ng ice cream. Pa-epal talaga ang Henry na 'to.“Anong ginagawa mo dito?!” napalingon kami ni Henry kay Johanna. Hay nako! Napakaselosa talaga nito.“Hi babe.” agad na lumapit si Henry kay Johanna at niyakap ito sa baywang.“Bakit nandito ang pandak na yan?” nakataas kilay na tanong ni Johanna. Napairap ako, magkapatid ba sila ni Sarah?! Magkaugali sila eh.“Nagd-
“Simple lang naman talaga dapat. Ayoko ng masyadong magara, napag-usapan na namin ni Tita Amy yan.” sabi ko habang nakasalpak ang earphones sa tainga ko. Kausap ko sa phone si Ms. Tejada. Siya ang wedding planner na pinagkakatiwalaan ni Tita Amy.Tumulong ako sa mga waitress sa pags-serve ng pagkain. Marami rin kasing costumers ngayong araw.“Ah okay po Ma'am. Basta po kung may gusto kayong idagdag or baguhin paki-inform niyo lang po ako.” magalang na sabi niya.“Okay. Salamat.” binaba ko na ang tawag.Pagod na umupo ako sa isang sulok pagkatapos. Kailangan ko pa palang mag-ayos dahil pupuntahan ko si Ice sa IPF.Tumayo na ko at pumasok sa office ko. Nagpahinga muna ko saglit pagkat
Nakaawang ang mga labi ko habang nakatitig sa limang taong gulang na bata na kamukhang kamukha ni Lion.“A-Anak niyo ba talaga ni Lion ang batang 'to?” tanong ko pa kay Kyla.“Oo nga, ang kulit.” sabi nito at hinila ang anak niya at pinakandong sa kanya, yumakap naman ang bata sa leeg niya.“A-Ano ulit yung pangalan niya?” tanong ni Sarah. Gaya ko, gulat na gulat din sila ni Ailee.“Leon Scott, Leo na lang.” sabi niya habang hinahaplos ang buhok ni Leo.“Bakit parang anak lang ni Lion yan? Walang nakuha sayo eh, halos lahat kay Lion.” sabi ko pa habang nakatitig sa bata. Sumimangot naman si Kyla.“Alam ko yo'n. Nakakainis nga eh, naghirap ako sa panganganak tapos ni mata hindi man lang nakuha sakin.” nakasimangot na sabi niya.“Bakit? Wala namang masama kung si Lion ang kamukha niya eh.” sabi ni Ailee.“Oo nga. Mas maganda nga na si Lion
Nakatulala ako ngayon sa glass wall ng restaurant ko. Wala akong gana magtrabaho o kumilos. Hays!“Shenna!” napalingon ako kay na papalapit na sakin. Kasama niya si impakta (Sarah) at si Ailee.Hindi ko sila pinansin, wala akong gana eh. At siguradong magungulit lang ang mga yan.“Anong drama yan?” nakataas kilay na tanong ni Sarah.“Wala kang pake! Panget mo.” maarteng sabi ko at inirapan siya.“Eh kung sipain kaya kita? Arte nito.” hirit pa ng impakta.“Paepal.” bulong ko.“Narinig ko yo'n!” sabi niya at dinuro pa ko.“Kayo bang dalawa magbabangayan na lang lagi?” nakasimangot na tanong ni Kyla.“Ikaw kasi!” sabay na sabi namin ni Sarah sa isa't isa.“Homaygulay! Tama na nga yan! Pag-usapan na lang natin kung anong problema niyo ni Prince, Shenna. Bakit isang linggo ko ng hindi naririnig na nagsalita ang yelong yo
“Wife.”Natigilan ako nang maramdaman ko na naman ang pagyakap sakin ni Ice mula sa likod. Hindi tuloy ako makapagluto ng ayos.“Ice naman. Ang harot mo.”Nandito ako sa unit niya at ipinagluluto siya ng almusal.“I can't wait to be your husband.” bulong nito sa tainga ko at mas hinigpitan ang pagyakap sakin.Inilagay ko na sa mesa ang pagkain. Tinanggal ko ang mga braso ni Ice na nakapulupot sa baywang ko at hinarap siya.“Grabe ka, hindi pa nga tayo kasal eh. Paano pa kaya pag kinasal tayo? Baka mas excited ka pa sakin.” nakangiting sabi ko. Hay nako! Ang lalaking 'to talaga. Nakakakilig.“I'm so excited Shenna.” niyakap ako nito at sinubsob ang mukha niya sa leeg ko. Hirap na hirap nga siya tuwing niyayakap ako eh. Yukong yuko siya.“Ako din naman eh. Hindi na ko makapaghintay na maging asawa mo.” napakagat ako sa ibabang labi ko habang nak
“Good morning.” dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko. Bumungad sakin ang gwapong mukha ni Ice. Napangiti ako at niyakap siya sa baywang.“Wag mong idikit ng sobra ang katawan mo sakin. I might forgot that you're still sore.” nag-init ang mga pisngi ko sa sinabi niya. Hinampas ko siya ng malakas sa balikat.Mas binalot ko pa ang sarili ko sa makapal na kumot.“Kailangan kong pumasok ng maaga sa trabaho.” sabi ni Ice at dinampian ako ng halik sa noo.“Oo nga. Sabi ni Kyla ipapamana na daw sayo ni Lololo ang buong IPFC empire.” natahimik naman siya sa sinabi ko.“Hindi ka pa handa noh?” tanong ko at niyakap siya.“Hindi naman sa gano'n. But I think I'm too young to handle a fvcking whole empire. Even the board directors are against it. Nangunguna ang IPFC empire sa buong Asya at pangalawa sa buong mundo. Mas magiging busy ako, ayokong mawalan ng time sayo.” napasimangot ako sa
“Galit ka?”“Hindi nga.”Kanina pa tanong ng tanong sakin si Ice. Hindi na nga siya nagpunta sa office niya at tumambay na lang dito sa restau ko para kulitin ako eh.“Sorry na.” hinawakan niya ang kamay ko at pinaharap ako sa kanya.“Okay lang ako Ice. Okay lang sakin na may malanding higad na nakaupo sa kandungan mo. Okay lang talaga. Hindi ako galit.” sabi ko at padabog na binawi ang kamay ko mula sa kanya.“I'm sorry, she's nothing to me now. Well, she's pretty good in be---” tiningnan ko siya ng masama.“Magbreak na lang kaya tayo? Tutal magaling naman pala sa kama yung higad na yo'n. Siya na lang ang utuin mo.” nakapamaywang na sabi ko. Hinawakan naman niya ulit ang kamay ko at pinaharap sa kanya.“Shenna, yung mga babaeng yo'n, sa kama lang sila maganda. Ikaw, binabaliw mo ko kahit wala tayo sa kama.” agad ko siyang sinapok.“Kapal mo