Share

Once Loved by the Cold Prince (MTCPS Book 2)
Once Loved by the Cold Prince (MTCPS Book 2)
Author: elyjindria

Chapter 1

Author: elyjindria
last update Last Updated: 2021-02-23 14:24:11

"Lagi kang pinupuri ng head chef sakin, I'm so proud of you Shenna." napangiti ako sa sinabi niya.

"Of course Lololo. Magaling yata 'to." kausap ko ngayon sa phone si Lolo, Lolo Ice Lord Farthon. Sanay na kong kausap siya, at tuwing nag-uusap kami, wala talaga akong galang sa kanya. Hindi ako nag p-'po' at 'opo'. Para lang kaming tropa.

It's been three years, three long years at masasabi kong mas nag-improve ang cooking skills ko. Naging close din kami ni Lololo, hindi ko inaasahan yun nung una pero mabait pala talaga ang matandang 'to.

"Kailan ka uuwi dito sa Pilipinas?" natigilan ako sa tanong niya.

I don't know, para kasing ayoko pang umuwi kahit nakapagtapos na ko ng culinary arts dito sa America. Pinapadala ko rin sa Pilipinas kay Lololo ang perang iniipon ko para makapagpatayo ng restau sa Pilipinas. Si Lololo kasi ang nag-aasikaso ng restaurant na pinapatayo ko.

"I-I don't know Lololo, I t-think I'm not yet ready." I sighed.

"It's because of Prince, am I right?" hindi ako nakasagot sa sinabi niya.

"Again, I'm sorry. I ruined everything."

"Ano ka ba Lololo? Ginawa mo lang ang makakabuti para saming dalawa. Tingnan mo kami ni Ice ngayon. Ako, I'm a successful chef now at magpapatayo na ko ng restau diyan sa bansa, and Ice, he surpassed you and Tito King in terms of business. We're now both successful because of you." pagpapanatag ko sa loob ni Lololo.

Aminado ako, nung una sinisi ko talaga si Lololo kung bakit wala na kami ni Ice ngayon pero ginawa lang niyo 'yon para din samin ni Ice. Kahit na mahal na mahal namin ang isa't isa, immature pa kami noon.

Pagkatapos ng kwentuhan namin ni Lololo. Kinamusta ko naman sina nanay.

Linggo linggo kong kinakamusta sina nanay. Natutuwa nga ako tuwing nagk-kwento sila tungkol kay Ochoy. Fifteen years old na siya ngayon at masasabi kong matalino ang kapatid ko. Sabi ni nanay ay wala na daw silang paglagyan ng mga trophies at medals ni Ochoy. Hindi na rin mataba si Ochoy tulad ng dati, mas lalo siyang gumwapo. Sabi nga ni nanay ay may napuntang mga babae sa bahay namin araw araw at hinahanap si Ochoy. Sabi ko nga eh wag palapitin si Ochoy kay Lion dahil baka mahawahan ng kung ano ano ang kapatid ko. Sabi naman nila, si Tiger daw ang laging ka-jamming ni Ochoy, magkasundo daw kasi sila, sabagay, parehas matalino eh.

"Hello Nay!" masayang bati ko nang sagutin na ni Nanay ang tawag.

"Oh! Hello anak! Kamusta ka na diyan?"

"Ayos lang naman po. Nay kamusta na po yung bahay natin?" ipinaayos ko kasi ang bahay namin, pinalakihan ko na rin.

"Aba't eto, napakaganda na ng bahay natin! Mas lumaki na rin at tatlo na ang kwarto, umuwi kana kasi dito sa Pilipinas para makita mo na sa personal!"

Mahigit isang buwan na rin akong pinipilit nina nanay na umuwi ng Pinas, kailangan ko munang pag-isipan kung kaya ko na.

"Hay nako nay. Nga pala, yung restaurant po na pinapagawa ko, nasilip niyo na po?" pag-iiba ko ng usapan.

"Ah oo! Sinamahan kami nina Lion. Ang laki at ang ganda nga eh. Konting ayos na lang." napangiti naman ako. Unti unti ng nagbubunga ang mga pinaghirapan ko.

"Nga pala anak, bakit ka pa nagpadala ng mga gadgets at tv. Hindi naman namin magagamit ang mga 'to."

"Ano ka ba nay? Magagamit yan ni Ochoy sa pag-aaral niya. Nga pala, nasaan po si Ochoy?"

"Nandoon sa kwarto niya at nag-aaral. Napakasipag na bata talaga."

"Hayaan niyo lang po siya. Pagbalik ko po diyan sa Pilipinas at bukas na ang restaurant, tuparin niyo po ang pangako niyo sakin na sa bahay na lang kayo ni Tatay at hindi na kayo magt-trabaho. Hindi na po kayo mga bata." natatawang sabi ko.

"Oo na. Hindi pa naman kami uugod-ugod ng tatay mo para patigilin mo sa trabaho eh."

"Nay, para saan ba ang pagsisikap at pagtitiis ko dito? Gusto kong nasa bahay na lang kayo lagi ni tatay at nagpapahinga."

"O siya, sige na. Wala naman kaming magagawa eh. Nga pala, hinihintay ni Kyla ang tawag mo. Video call daw kayo."

Pagkatapos kong makipag-kwentuhan kay nanay ay agad na kong nagpunta sa banyo para maligo, pagkatapos kong magbihis kinuha ko na ang laptop ko at umupo sa kama para makipag video call kay Kyla.

"Hello Shenna!" nakangiting sabi ng loka.

"Hello! Kamusta ka naman baliw na babae?"

"Hay nako, eto maganda pa rin. Nagsasawa na nga ako sa pagiging maganda eh. Kahit bakla naakit ko." napakunot ang noo ko.

"Sinong bakla?"

"W-Wala! Teka nga, wala ka bang napapansin sa lugar kung nasaan ako ngayon." umurong siya ng kaunti at pinakita kung nasaan siya.

Nanlambot ang tuhod ko nang mapansin ang pamilyar na kukay ng pader at design ng kama.

"Korek! Nandito ako sa kwarto ni Prince!" sabi nito at bahagya pang luundag sa kama. Napalunok ako.

"Get off my bed." mas lalong nanuyo ang lalamunan ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon.

"Prince, tingnan mo si Shenna oh." hinarap ni Kyla kay Ice ang laptop.

Nanlaki ang mga mata ko. Kahit sa screen ko lang siya nakikita ngayon parang hinihigop pa rin ng asul niyang mga mata ang pagkatao ko.

Malamig na nakatingin lang siya sakin, wala siyang reaksyon. Mas lalo akong napalunok.

"I'm busy Kyla, stop pestering me." sabi ni Ice at iniharap ulit kay Kyla ang laptop.

"Sungit talaga." bulong nito.

"Ano ka ba Kyla? H-He's busy." mahinang sabi ko.

"See Kyla? She doesn't even want to talk to me." sabi pa ni Ice.

"Kyla, sabihin mo sa kanya, hindi naman sa hindi ko siya gustong makausap, alam kong busy lang talaga siya."

"Lame excuses." narinig kong sabi ni Ice.

"Excuse me?! I'm not making excus---"

"Stop denying." pabaling baling na ang ulo ni Kyla. Hindi niya na alam kung saan siya titingin.

"Punyeta! Oh sayo na 'to Prince! Kayo ang mag-usap, ang gulo niyo!" naiiritang sabi ni Kyka at binigay kay Ice ang laptop.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ng malapitan ang mukha ni Ice.

Sa pagkabigla ko ay dali dali kong sinara ang laptop.

Gano'n pa rin ang epekto ni Ice sakin. Mahal na mahal ko pa rin siya.

Sa nakalipas na tatlong taon, ito ang unang pag-uusap namin ni Ice. Ni hindi ko nga masabing pag-uusap talaga ang ginawa namin.

Galit pa kaya siya sakin? Mahal niya pa rin kaya ako?

***

Tahimik na nakatitig ako sa kisame. Medyo napagod ako sa trabaho dahil madaming costumers ngayon.

Dapat na ba akong umuwi ng Pilipinas? Hay! Paano ko siya haharapin kapag nandoon na ako? Paano kung galit pa siya sakin?

"Shenna!" napabalikwas ako ng bangon dahik sa gulat.

"Ano ka ba Xyrille?! Basta ka na lang talaga pumapasok dito." loka loka talaga 'to.

Natigilan ako nang mapansin kong namamaga ang mga mata niya. Aba! Sinong nagpaiyak sa babaeng 'to at sasapakin ko ngayon din!

"Bakit ka umiiyak?"

"S-Si CL, n-nakipagbreak na siya sakin." nagulat ako sa sinabi niya. Bakit makikipagbreak sa kanya si Clint? Kilala ko si Clint at kitang kita ko kung gaano niya kamahal si Xyrille, bakit naman siya nakipagbreak?!

"A-Ano?! Pupuntahan ko siya ngayon at bubugbugin ko! Hayop pala---" kumapit siya sa braso ko para pigilan ako.

"W-Wag na. Ayokong madamay ka pa sa problema namin, madami ka ng pinoproblema." nanghihinang sabi nito at umupo sa kama ko.

"Ano ka ba?! Problema ko na rin ag problema mo! Sugurin na natin siya ng maturuan ko ng leksyon ang hayop na yo'n."

Natigilan ako sa pagsasalita nang magvibrate ang phone ko na nasa bedside table. Agad kong kinuha iyon at naningkit ang mga mata ko nang makitang nagtext sakin ang walanghiyang si Clint.

Shenna, nandyan si Xyrille diba?

Agad ko namang nireplyan ang mokong. Parang baliw 'to!

Oo! Ikaw na hayop ka! Bakit ka nakipagbreak kay Xyrille?! Ang lakas din naman ng loob mo! Wag na wag kang magpapakita sakin dahil kapag nakita kita papatayin na talaga kita! I hate you!

Agad din naman siyang nag-reply.

Mamaya na ko magpapaliwanag Shenna. Lumabas muna kayo ni Xyrille ng building. Dumiretso kayo diyo sa parking lot, and please wag mong sabihin kay Xyrille 🙏

Agad na kinutuban ako sa plano ni Clint. Sabi na nga ba eh, hinding hindi makikipagbreak ang lokotoy na 'to kay Xyrille. Napangiti na lang ako.

Oo na! Bababa na kami diyan.

"A-Ah Xyrille, samahan mo muna ko sa labas. Pwede ba?" nagpapacute na tanong ko kay Xyrille. Tumayo siya at pinisil ang pisngi ko.

"Pasalamat ka cute at pandak ka pa rin hanggang ngayon." napasimangit ako. Kailangan bang ipagduldulan na hindi ako tumangkad kahit konti?!

***

Nanlaki ang mga mata namin ni Xyrille nang makarating kami sa parking lot. Sunod sunod na umilaw ang headlights ng mga nakahilerang kotse, pati ang pagbukas ng ilaw ay sunod sunod din. May mga tarpaulin ng mga pictures nina Clint at Xyrille sa paligid, may mga kandila din na nagform ng malaking malaking heart, meron ding mga rose petals sa sahig. Napalingon kami sa labas nang makarinig ng fireworks. Grabe! Nag-effort talaga si Clint.

Pasimple akong umurong at pumwesto sa gilid. Napangiti ako nang makita ko si Clint na papalapit kay Xyrille, may hawak siyang malaking puting teddy bear na may pulang ribbon.

Si Xyrille naman ay iyak ng iyak habang nakatingin kay Clint.

"Akala mo ba talagang makikipagbreak ako sayo?" malambing na tanong ni Clint.

Napapaiyak na rin ako habang pinapanood sila. Sobrang mahal na mahal nila ang isa't isa at saksi ako do'n.

"T-Tinakot mo ko! Akala ko h-hindi mo na ko mahal!" naiiyak na sabi ni Xyrille habang hinahampas sa dibdib si Clint.

"Hinding hindi mangyayari yan, alam mo namang mas mahal pa kita sa sarili ko diba?" sabi ni Clint at hinalikan sa labi si Xyrille.

"Happy 3rd anniversary, love." nakangiting sabi ni Clint.

Hindi ko mapigilang hindi mainggit. Sana talaga mahal pa ko ni Ice.

***

"Shenna!" napabalikwas ako ng bangon dahil sa gulat. Bakit ba hindi ako masanay sanay sa biglang pagpasok ni Xyrille sa unit ko?!

"Ano na naman ba Xy?" ano naman ang kailangan ng babaeng to? Kung kailan gabi na!

"You have to see this!" dali dali siyang sumampa sa kama at may pinakita sakin sa cellphone niya.

Nanlambot ang tuhod ko nang makita ko ang mga pictures na in-upload ni Sarah. Si Sarah, of course I know her. Siya ang kinaiinisan ni Kyla na lagi niyang kinukwento sakin.

Nasa kwarto sila ni Ice sa picture. Nakasandig si Ice sa balikat niya habang nakapikit habang si Sarah naman ay nakangiti.

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Hindi na ba talaga ako mahal ni Ice?

"Umuwi kana sa Pilipinas Shenna." seryosong sabi ni Xyrille.

Malungkot na napatingin ako sa sahig.

"Mukhang alam ko na ang nararamdaman mo nang bumalik ka sa Pilipinas para bawiin si Ice." sabi ko at tumingin kay Xyrille. Umiling iling naman siya.

"Hindi Shenna, magkaiba tayo. Dahil ako, hindi ko na mahal si Ice ng mga panahong yo'n, pinipilit ko lang ang sarili ko na mahal ko pa siya. Ikaw, totong mahal mo siya." sabi niya at tinapik ako sa balikat.

"Shenna, umuwi kana."

Mukhang tama si Xyrille. Dapat na kong umuwi.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Deborah Jameson
I’m disappointed
goodnovel comment avatar
Deborah Jameson
It’s not in English
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Once Loved by the Cold Prince (MTCPS Book 2)   Chapter 2

    Napangiti ako nang maramdaman ko ang hangin na dumampi sa balat ko. Grabe! Namiss ko 'to, namiss ko ang polusyon sa Pilipinas. It feels home!Agad akong sumakay ng taxi pagkalabas ko ng airport. Namiss ko ang traffic dito sa Pilipinas, I know, I'm weird.Nakangiting nakatingin ako sa mga nadadaanan namin. Natigilan ako nang mapatingin ako sa malaking billboard, isa ito sa pinakamalaking billboard na nakita ko. Danger Zone. Ang Danger Zone ang nasa malaking billboard. Napangiti ako nang makita ko iyon. Kumpleto silang pito doon at pare-parehas silag nakasuot ng tuxedo. Napansin kong nasa gitna nila si Ice, siya lang ang hindi nakangiti. Kahit talaga sa picture ang cold niya.Excited na ko sa magiging reaksyon nila sa pagbalik ko. Sigurado akong magugulat silang lahat lalo na sina nanay.Bago ako dumiretso sa bahay namin, doon muna ko sa nirentahan kong unit dumiretso. Masyado kasing malayo ang bahay namin sa re

    Last Updated : 2021-02-23
  • Once Loved by the Cold Prince (MTCPS Book 2)   Chapter 3

    “Sigurado ka ba dyan Shenna?” napatango ako sa tanong ni Kyla.“O-Oo, alam niyo namang m-mahal ko pa rin si Ice hanggang ngayon. Hindi ko kakayaning makita si Ice na masaya kasama ang Sarah na yo'n.” nakatungong sabi ko.“Mas maganda kung sabihin na lang natin kay Prince ang dahilan kung bakit ka umalis three years ago.” suggestion ni Tiger.“Sa tingin ko wala namang magbabago kahit sabihin natin kay Ice yo'n.”“Ganito na lang Shenna. Tutal magkapit-bahay naman kayo, sugurin mo siya sa unit niya. Magsuot ka ng lingerie tapos akitin mo. Hindi makakatanggi yo'n.” sabi ni Lion na para bang iyon ang pinakamagandang ideya sa lahat. Napailing na lang ako.“Gago ka talaga.” sabi ni Dragon at binatukan siya.“Teka, bakit nandito kayong lahat? Wala ba kayong mga trabaho?” nakapamaywang na tanong ko. Napansin ko din na puro naka-tuxedo ang limang 'to (wala si Bullet), nagpunta pa talaga d

    Last Updated : 2021-02-23
  • Once Loved by the Cold Prince (MTCPS Book 2)   Chapter 4

    “Ano? Selos na selos yung yelo mo ah.” nakangising sabi ni Henry habang sinasayaw ako.“Oo, at selos na selos rin ang Johanna mo. Walangya ka talaga! Baka sampalin na naman ako ng girlfriend mo.” mariing bulong ko sa kanya. Ang sama kasi ng tingin sakin ni Johanna, girlfriend ni Henry.Selosa pa naman si Johanna. Totoo kasi ang kwento ni Henry na sumugod ako sa kanya ng lasing at nakatulog ako sa kwarto niya. Pagkagising ko pa nga no'n, sinalubong ako ng sampal ni Johanna. Lagi ngang masama makatingin ang babaeng 'to eh.“Ayos nga yo'n eh. Pag nagseselos pa naman si Hanna, nagsesexy time kami.” manyak na sabi nito. Nabatukan ko tuloy siya. Sexy time ang term niya kapag nag-aanuhan daw sila ni Johanna. Manyak talaga!“Ewan ko sayo! Uupo na nga ako, lambingin mo na si Johanna at baka masampal na naman ako ng wala sa oras.” sabi ko at marahan siyang tinulak. Umupo naman ako sa table namin.“Ayos a

    Last Updated : 2021-02-23
  • Once Loved by the Cold Prince (MTCPS Book 2)   Chapter 5

    “Good morning Ma'am Shenna.” nakangiting bungad ng guard sa restau. Ginantihan ko din siya ng ngiti.Mas lalo akong napangiti pagkapasok ko sa restaurant. Marami rami ng costumers kahit maaga pa, busy ang mga chef at waitress eh. Malakas talaga ang impluwensya ni Lololo at ng Danger Zone.Nagtataka lang ako kung bakit lahat ng empleyado ko ay babae. Mga chef, waitress, janitress, dishwasher miski ang guard ay babae. Tinanong ko sina Lololo at ang Danger Zone kung bakit gano'n, hindi naman nila ako sinasagot ng ayos. Sabagay, pabor na rin sakin 'to, mas komportable naman ako sa mga babae eh.“Good morning Ma'am Shenna.” bati sakin ng mga empleyado. Nginitian ko naman sila.Dumiretso ako sa kusina at nagsuot din ng apron at hairnet. Gusto kong tumulong sa pagluluto. Tiningnan ko ang mga kailangang lutuin na nasa screen.Makalipas ang isang oras ay nagpahinga muna ko at lumabas sa kusina. Umup

    Last Updated : 2021-02-23
  • Once Loved by the Cold Prince (MTCPS Book 2)   Chapter 6

    “Eto si Charles, naghahakot na naman ng mga medalya ang kapatid mo.” napangiti ako sa sinabi ni nanay.“Talagang nagmana si Ochoy sa talino ni tatay.” natatawang sabi ko.“Oo naman. Nga pala, kamusta ka naman? Baka naman masyado mong pinapagod ang sarili mo sa restaurant.” pangangaral ni nanay.“Ayos naman po ako.”“Anak, matanong ko lang kung kamusta na kayo

    Last Updated : 2021-02-23
  • Once Loved by the Cold Prince (MTCPS Book 2)   Chapter 7

    “143? Tatlo lang yan eh, I hate you, I miss you, o kaya I love you.” Napangiti ako nang maalala ko ang sinabing yan ni Kyla. Ang totoo niyan, hindi ko talaga na-gets yung 143, tinanong ko pa kay Kyla yo'n.Ang totoo niyan, hindi talaga ako sure kung I love you ang ibig sabihin do'n ni Ice pero gusto ko pa ring sabihin na mahal ko siya.Matapos kong magbihis ay naghanda na ko para pumunta sa restau, gustong makipagkita nina Kyla eh.Paglabas ko sa unit, napalingon ako sa gilid ko. Nagulat ako nang kalalabas lang din ni Ice. Napatikhim naman siya at nag-iwas ng tingin sakin. Dire diretso siyang naglakad papuntang elevator, agad naman akong tumakbo at sumunod sa kanya, medyo nahirapan pa ko kasi naka heels ako. Para naman tumangkad ako kahit konti.Todo iwas ng tingin sakin si Ice habang na

    Last Updated : 2021-02-23
  • Once Loved by the Cold Prince (MTCPS Book 2)   Chapter 8

    Gabi na pero pumunta pa rin ako sa IPF para puntahan si Ice sa office niya.“143!” natigilan si Ice sa pagsusuot ng coat niya at napatingin sakin.“Ice, sabay na tayo umuwi.” tumango na lang siya sakin.Agad ko siyang hinila palabas ng office niya pagkatapos. Nagpaubaya na lang siya at hindi na pumalag.Nang nasa parking lot na kami, inilahad ko ang kamay ko sa kanya. Napakunot naman ang noo niya.“Give me your car key. Ako ang magd-drive!” masiglang sabi ko habang tumatalon talon pa. Pero tumigil na rin ako, bwisit na heels!“No, I won't let you.” masungit na sabi nito at dire-diretsong naglakad papunta sa kotse niya, agad naman akong sumunod sa kanya.“Ice! Sige na, please!” nagpacute talaga ako sa kanya ng bonggang bongga.“No. You don't even have a license, and your legs are too short.”“Sinong nagsabi sayo na wala akong li

    Last Updated : 2021-02-23
  • Once Loved by the Cold Prince (MTCPS Book 2)   Chapter 9

    “Alin ba ang mas maganda?” nakakunot ang noong tanong ko.Nag-eempake na ko ng mga damit na dadalhin ko para bukas. Excited na nga ako eh.Napili pa ako ng dalawang bikini for two days, kaso apat ang nandito sa kama ko at lahat magaganda. Nahihirapan tuloy akong pumili ng dalawa.Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Ice.“Hello.” malamig na sabi nito. Napairap na lang ako.“Ice, pumunta ka nga dito sa unit ko. May itatanong lang---” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla bigla niyang pinatay ang tawag.Bastos na 143! I hate you na! Hindi na kita mahal! Kakalimutan na kita at ipagpapalit sa---Natigilan ako nang biglang may magdoorbell. Napangiti naman ako. Joke lang naman yo'n, syempre mahal na mahal ko si Ice at hindi ko siya ipagpapalit.Agad kong binuksan ang pinto at bumungad sakin ang walang

    Last Updated : 2021-02-23

Latest chapter

  • Once Loved by the Cold Prince (MTCPS Book 2)   LAST

    Ramdam na ramdam ko ang sakit ng buong katawan ko pagmulat ng mga mata ko. Napapikit ako ng mariin at napahilot sa sentido ko.Pinilit kong bumangon kahit nahihilo pa ko. Parang gusto kong humiga ulit.“S-Shenna, si Prince... W-Wala na si Prince.”Dali dali akong napatayo nang maalala ko iyon. Si Ice! Nasaan si Ice?!“Anak, a-ayos ka na ba?” napatingin ako kay tatay, kasama niya si nanay na nakapikit at mukhang tulog habang nakayakap kay Ochoy.Napatingin ako sa paligid, mukhang nasa ospital ako.Natigilan ako nang may padabog na pumasok sa pinto. Bumungad sakin si Tita Amy, nasa likod niya si Tito King, si Lololo at ang Danger Zone kasama pa si Kyla.Kitang kita na galing sila sa pag-iyak dahil magang maga ang mga mata nila.“T-Tit

  • Once Loved by the Cold Prince (MTCPS Book 2)   Chapter 30

    “Saan ba tayo pupunta? Bigla ka na lang nanghihila.” nakangusong sabi ko.Nandito kami ngayon ni Ice sa kotse niya at hindi ko alam kung saan niya ko dadalhin. Busy pa man din ako ngayon dahil madaming costumers sa restau.“Just trust me, okay?” tumango na lang ako.“Malayo ba ang pupuntahan natin?” tanong ko pa sa kanya.“No. Malapit lapit lang.” hinawakan niya ang kamay ko habang nasa kalsada pa rin ang tingin niya.Napangiti ako habang nakatitig sa kanya. Hay! Sana lagi na lang kaming masaya.“Ice.”“Hmm?”“Mahal kita.” kitang kita ko ang pagngiti niya dahil sa sinabi ko.“Shenna.”“Hmm?”“I can't wait for our wedding day. Magiging akin ka na talaga.” sabi niya at hinalikan ang kamay kong hawak niya.“Grabe ka talaga noh? Lakas mo magpakilig.” sabi ko at hinampas siya sa braso.

  • Once Loved by the Cold Prince (MTCPS Book 2)   Chapter 29

    “Tss. Ang arte mo.” bulong ni Henry sa gilid ko. Tiningnan ko siya ng masama.“Kung makasabi ka ng maarte dyan ah! Ikaw nga todo inom pa nung naghiwalay kayo ni Johanna.” sabi ko habang nagpupunas ng luha.“Iba yo'n, nakipagbalikan rin naman siya sakin eh. Gwapo ko kasi.” sabi pa nito. Napairap na lang ako sa kayabangan niya.“Gwapo ka nga, pero walang wala pa rin kay Ice.” bulong ko pero sinigurado kong maririnig niya.“Eh kung pinapalayas kaya kita dito sa pamamahay ko?” binato niya pa ako ng malaking unan, sapul sa mukha ko.“Heh!”Kumain na lang ako ng ice cream. Pa-epal talaga ang Henry na 'to.“Anong ginagawa mo dito?!” napalingon kami ni Henry kay Johanna. Hay nako! Napakaselosa talaga nito.“Hi babe.” agad na lumapit si Henry kay Johanna at niyakap ito sa baywang.“Bakit nandito ang pandak na yan?” nakataas kilay na tanong ni Johanna. Napairap ako, magkapatid ba sila ni Sarah?! Magkaugali sila eh.“Nagd-

  • Once Loved by the Cold Prince (MTCPS Book 2)   Chapter 28

    “Simple lang naman talaga dapat. Ayoko ng masyadong magara, napag-usapan na namin ni Tita Amy yan.” sabi ko habang nakasalpak ang earphones sa tainga ko. Kausap ko sa phone si Ms. Tejada. Siya ang wedding planner na pinagkakatiwalaan ni Tita Amy.Tumulong ako sa mga waitress sa pags-serve ng pagkain. Marami rin kasing costumers ngayong araw.“Ah okay po Ma'am. Basta po kung may gusto kayong idagdag or baguhin paki-inform niyo lang po ako.” magalang na sabi niya.“Okay. Salamat.” binaba ko na ang tawag.Pagod na umupo ako sa isang sulok pagkatapos. Kailangan ko pa palang mag-ayos dahil pupuntahan ko si Ice sa IPF.Tumayo na ko at pumasok sa office ko. Nagpahinga muna ko saglit pagkat

  • Once Loved by the Cold Prince (MTCPS Book 2)   Chapter 27

    Nakaawang ang mga labi ko habang nakatitig sa limang taong gulang na bata na kamukhang kamukha ni Lion.“A-Anak niyo ba talaga ni Lion ang batang 'to?” tanong ko pa kay Kyla.“Oo nga, ang kulit.” sabi nito at hinila ang anak niya at pinakandong sa kanya, yumakap naman ang bata sa leeg niya.“A-Ano ulit yung pangalan niya?” tanong ni Sarah. Gaya ko, gulat na gulat din sila ni Ailee.“Leon Scott, Leo na lang.” sabi niya habang hinahaplos ang buhok ni Leo.“Bakit parang anak lang ni Lion yan? Walang nakuha sayo eh, halos lahat kay Lion.” sabi ko pa habang nakatitig sa bata. Sumimangot naman si Kyla.“Alam ko yo'n. Nakakainis nga eh, naghirap ako sa panganganak tapos ni mata hindi man lang nakuha sakin.” nakasimangot na sabi niya.“Bakit? Wala namang masama kung si Lion ang kamukha niya eh.” sabi ni Ailee.“Oo nga. Mas maganda nga na si Lion

  • Once Loved by the Cold Prince (MTCPS Book 2)   Chapter 26

    Nakatulala ako ngayon sa glass wall ng restaurant ko. Wala akong gana magtrabaho o kumilos. Hays!“Shenna!” napalingon ako kay na papalapit na sakin. Kasama niya si impakta (Sarah) at si Ailee.Hindi ko sila pinansin, wala akong gana eh. At siguradong magungulit lang ang mga yan.“Anong drama yan?” nakataas kilay na tanong ni Sarah.“Wala kang pake! Panget mo.” maarteng sabi ko at inirapan siya.“Eh kung sipain kaya kita? Arte nito.” hirit pa ng impakta.“Paepal.” bulong ko.“Narinig ko yo'n!” sabi niya at dinuro pa ko.“Kayo bang dalawa magbabangayan na lang lagi?” nakasimangot na tanong ni Kyla.“Ikaw kasi!” sabay na sabi namin ni Sarah sa isa't isa.“Homaygulay! Tama na nga yan! Pag-usapan na lang natin kung anong problema niyo ni Prince, Shenna. Bakit isang linggo ko ng hindi naririnig na nagsalita ang yelong yo

  • Once Loved by the Cold Prince (MTCPS Book 2)   Chapter 25

    “Wife.”Natigilan ako nang maramdaman ko na naman ang pagyakap sakin ni Ice mula sa likod. Hindi tuloy ako makapagluto ng ayos.“Ice naman. Ang harot mo.”Nandito ako sa unit niya at ipinagluluto siya ng almusal.“I can't wait to be your husband.” bulong nito sa tainga ko at mas hinigpitan ang pagyakap sakin.Inilagay ko na sa mesa ang pagkain. Tinanggal ko ang mga braso ni Ice na nakapulupot sa baywang ko at hinarap siya.“Grabe ka, hindi pa nga tayo kasal eh. Paano pa kaya pag kinasal tayo? Baka mas excited ka pa sakin.” nakangiting sabi ko. Hay nako! Ang lalaking 'to talaga. Nakakakilig.“I'm so excited Shenna.” niyakap ako nito at sinubsob ang mukha niya sa leeg ko. Hirap na hirap nga siya tuwing niyayakap ako eh. Yukong yuko siya.“Ako din naman eh. Hindi na ko makapaghintay na maging asawa mo.” napakagat ako sa ibabang labi ko habang nak

  • Once Loved by the Cold Prince (MTCPS Book 2)   Chapter 24

    “Good morning.” dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko. Bumungad sakin ang gwapong mukha ni Ice. Napangiti ako at niyakap siya sa baywang.“Wag mong idikit ng sobra ang katawan mo sakin. I might forgot that you're still sore.” nag-init ang mga pisngi ko sa sinabi niya. Hinampas ko siya ng malakas sa balikat.Mas binalot ko pa ang sarili ko sa makapal na kumot.“Kailangan kong pumasok ng maaga sa trabaho.” sabi ni Ice at dinampian ako ng halik sa noo.“Oo nga. Sabi ni Kyla ipapamana na daw sayo ni Lololo ang buong IPFC empire.” natahimik naman siya sa sinabi ko.“Hindi ka pa handa noh?” tanong ko at niyakap siya.“Hindi naman sa gano'n. But I think I'm too young to handle a fvcking whole empire. Even the board directors are against it. Nangunguna ang IPFC empire sa buong Asya at pangalawa sa buong mundo. Mas magiging busy ako, ayokong mawalan ng time sayo.” napasimangot ako sa

  • Once Loved by the Cold Prince (MTCPS Book 2)   Chapter 23

    “Galit ka?”“Hindi nga.”Kanina pa tanong ng tanong sakin si Ice. Hindi na nga siya nagpunta sa office niya at tumambay na lang dito sa restau ko para kulitin ako eh.“Sorry na.” hinawakan niya ang kamay ko at pinaharap ako sa kanya.“Okay lang ako Ice. Okay lang sakin na may malanding higad na nakaupo sa kandungan mo. Okay lang talaga. Hindi ako galit.” sabi ko at padabog na binawi ang kamay ko mula sa kanya.“I'm sorry, she's nothing to me now. Well, she's pretty good in be---” tiningnan ko siya ng masama.“Magbreak na lang kaya tayo? Tutal magaling naman pala sa kama yung higad na yo'n. Siya na lang ang utuin mo.” nakapamaywang na sabi ko. Hinawakan naman niya ulit ang kamay ko at pinaharap sa kanya.“Shenna, yung mga babaeng yo'n, sa kama lang sila maganda. Ikaw, binabaliw mo ko kahit wala tayo sa kama.” agad ko siyang sinapok.“Kapal mo

DMCA.com Protection Status