Olivia' s POV
"Via, sa table four daw." nag angat ako ng tingin mula sa perang bini-bilang.
"Ha? Ako ba?" tanong ko. Baka kasi nagkakamali lang ako ng dinig. Tapos hindi pala.
"Oo," tugon nito. Tiningnan ko ang harapan na wala ng pila.
"Pero dito ako naka toka ngayon," hindi naman sana ako magtataka kung waitress ako ngayon. Sinong magbabantay dito kung pagsi-silbihan ko ang nasa table four?
"Ako na muna, naka ilang balik na kasi si Dolcie. Ayaw namang ibigay ang order unless it's you." walang nagawang tumango ako saka kinuha ang maliit na notebook na ibinigay nito sa akin.
Hinanap ko kung nasaan ang table four, at nang makita ay madaling pinuntahan ko ito. Weekdays ngayon, tapos hapon na rin kaya marami talagang customers. Mabuti nga naubusan nang pila sa counter kanina. Nakakangalay din kasing tumayo.
"Good afternoon, Ma'am. May I take your order po?" magalang kong bungad. I wasn't able to see her face dahil naka focus ang tingin ko sa notebook na panay naman doddle. Parang bata talaga ang mga kasama ko sa trabaho minsan.
Kapag ito nalaman ni Boss.
"You," isang malamig na boses ang nagpawala sa akin sa focus. Muntik pa akong matumba dahil sa gulat. Jusko namang boses yan.
Dinaig pa ang mga voice actor.
I tried to hide my embarrassment through clearing my throat.
"P—po?" Oh gosh. Bakit naman nauutal, Olivia?
Saka ko lang din tiningnan ang babaeng kaharap. Mahabang buhok, mabango, mahahabang binti; gaano kaya katangkad ito? Wala sa sariling dumako ang tingin ko sa kamay nitong mahinang nagt-tap sa table.
Her nails were pretty. Mahabang mga daliri, maganda ang kulay at mukhang malambot ang kamay.
"I can cut them if only you'll be mine." sabay tingin sa kuko niya.
"H—ha?" disoriented kong tanong. Mas lalo lang yata akong nabuang ng tumawa ito.
"Silly, recommend me something. Gusto ko masarap."
"Ako?" dapat na tanong ko dapat ay bakit ako? Hindi ko alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko.
"You?" her voice is kind of husky and deep, yet it's cold. Ano ba itong mga pinagsasabi ko? Para naman akong tanga.
Alam ko straight ako e.
Straight naman talaga ako, inserting the gender fluid here. Yep, I'm straight.
Sinundan ng mga mata ko ang bawat galaw niya, kung paanong parang dahan-dahan niyang hinubad ang blazer, sa paraan ng pag tupi niya rito para maayos na mailagay sa ibabaw ng table. Left part.
"I mean—ako po ang bahala?" tanong ko, para na kasi akong nagmumukhang tangang nakatulala sa kanya. Bibihira lang kasi talaga ako makakita ng ganyan kagandang babae.
Ina-admire ko lang. But still, I consider myself as a straight woman. Straightest of all the straight.
"Hm, I trust your judgment." I nod. Bumalik akong counter para igawa siya ng kape'ng parating mabenta sa amin.
" 'ba yan," bulong ko nang may matapon ng kaunti dahil bahagyang nanginginig ang mga kamay ko. Hindi naman ako pasmado. Kinabahan lang ako sa huli niyang sinabi.
She trust my judgment daw.
Ilang beses ko ng nagawa ang kape' ng ito, pero ngayon tuloy pakiramdam ko unang beses ko lang ulit. Ano ba namang ginagawa sa akin ng babaeng iyon?
"Ayos ka lang?" tanong ni Rick ng makitang para akong natataranta.
"Oo," nakita niya sigurong hinihilot ko ang palad ko. Kinakabahan lang talaga ako sa hindi ko malamang dahilan.
Hirap na hirap pa ako kung anong klaseng pagkain ang ibibigay ko sa kanya. In the end, iyong chocolate crepe cake na lang dahil alam kong babagay iyon sa kapeng ginawa ko for her.
Ibinigay ko kay Rick ang tray matapos ayusin ang order ng babae.
"Table four," kinuha niya naman saka umalis.
Inasikaso ko na rin ang ibang naka pila. Dumarami na naman kasi, dalawang oras na lang ay magsasara na kami. Uuwi pa ako, tapos mag-aaral dahil baka biglang may mang-surprise bukas.
Surprise na hindi gusto ng karamihan.
Quiz.
"Via," bumalik si Rick na dala ang tray at ang pagkain.
"Oh, bakit?" umiling ito.
"Ayaw e." anong ayaw?
"Ayaw saan?"
"Ayaw kunin, ikaw daw mag abot." ang pahirap naman ng babaeng iyon. Hindi por que mukha siyang mayaman ay magd demand na lang siya basta-basta.
Hindi na lang kunin ang pagkain kay Rick.
Inis na ibinaba ko ang receipt na hawak saka kinuha kay Rick ang tray.
"Dahan-dahan naman." saad nito. I just rolled my eyes.
"Ang arte-arte kasi," inis kong turan saka naglakad papunta sa kanya.
Hinanda ko na ang isang peke at pilit na ngiti.
"Here's your order, Ma'am.." magalang kong sambit.
I can't be rude to her. Kailangan ko itong trabahong ito e. Dito ako kumukuha ng budget ko sa pang araw-araw na gastusin. Tiningnan ako nito, sunod ay ang nameplate na nasa parteng dibdib ko.
"Dela Vega, you can call me Dela Vega." I nod. "Thanks for this...Olivia,"
Hindi na lang ako umimik sa sinabi niya. Bitbit ang tray ay tinalikuran ko ito. Wala sa sariling hinaplos ko ang name plate na nasa may kaliwang dibdib ko.
Olivia..
I hate my name kasi it's so common.
Pero noong siya na ang nagbanggit, parang biglang naging sosyal at mamahalin ang pangalan ko. Haist. Kung ano-ano na naman ang naiisip ko.
Kasalanan ito ni Miss Dela Vega
Dela Vega pala...
Ang ganda ng surname niya. Bagay sa kanya, parehong mukhang mayaman.
Natapos ang dalawang oras na shift ko ng hindi man lang umalis or tumayo itong si Miss Dela Vega sa kina-uupuan niya. Napapa-isip nga ako kung hindi ba siya jan nangangalay.
Busy lang siya sa cellphone niya, at mukhang walang paki-alam sa iba. Lalo na sa mga lalaking gusto pa yata siyang pormahan.
"Lapitan mo na," utos ni Dolcie. Siya na kasi ang lumapit sa grupo ng kabataan na nasa table malapit kay Miss Dela Vega.
Sasabihin lang namin na mag-sasara na kami dahil malalim na ang gabi.
I sigh and nod. Tinahak ko ang daan papunta sa kanya. I cleared my throat to get her attention.
"Ma'am—"
"End of your shift? That's great. Let's go." para akong nalula, hindi dahil tumayo na siya at nalaman kong ang liit ko pala kung hindi dahil sa mga sinabi niya.
Anong let's go?
Saan naman kami pupunta?
May saltik ba siya?
Anong trip niya?
Sana ayos lang siya.
Ang lakas naman nang epekto ng chocolate cake at coffee sa kanya. Mukhang nasiraan na e.
I step back a little. Tangkad, teh.
"Uh, gusto ko lang po sanang sabihin na mag-sasara na kami." Miss Dela Vega gracefully nod her head.
"I know that, I was waiting for you actually. So, let's go?" naglahad ito ng kamay matapos itago ang phone niya.
Exaggerated na napailing iling ako.
Naf-frustrate ako sa hindi ko malamang dahilan. Anong akala nito sa akin? Magpapadala sa ganda niya? Malay ko bang leader ng gang ito tapos balak akong ikidnap kasi kukunin mga lamang loob ko.
Damage na nga halos lahat ng internal organs ko tapos nanakawin pa nila.
"Miss, you can go home na po. Bukas naman po kami bukas ng maaga. Balik na lang kayo."
"But you have class tomorrow, wala kang schedule rito bukas." hindi ko alam kung saan ako kikilabutan.
Sa part na alam niyang wala akong pasok bukas dito, or sa paraan ng pagkakasabi niya. She's like, threatening me kasi. Ano ba to?
"Ma'am—" she shook her head.
"C'mon, change your clothes. I'll wait for you."
"Miss hindi nga po kita kilala," tumingin ako sa mga kasama kong mukhang curios na rin sa pinag-uusapan namin.
"At wala po akong balak na sumama sa inyo." I continue. Miss Dela Vega's lips parted a bit. Para itong natauhan saka umiling.
"Right, damn.." may ibinulong pa siyang hindi ko naman narinig.
Maya-maya pa ay nag iwan ito ng ilang libo sa table saka kami iniwan. Nanginginig ng kaunti ang kamay kong kinuha ang perang tig-iisang libo.
Saka binilang.
Ang kapal kasi.
"Tangna, twenty nine thousand para sa kape at cake?" gulantang kong tanong sa sarili?
Nagmamadaling lumabas ako ng coffee shop para habulin siya at ibigay ang sobra-sobrang pera. Pero sa kasamaang palad ay hindi ko na ito makita. Nagpapadyak ako sa inis.
Itinago ko ang twenty-eight thousand saka bumalik sa counter. Ibinawas ko ang kape at cake sa isang libo. Itinago ko na rin ang sukli. Isasauli ko na lang sa kanya ang pera kapag nagkita kaming muli.
"Nakita ko yun, ang kapal na pera. Magkano?" tanong ni Rick.
Umiling ako.
"Ibinalik ko sa kanya." pagsisinungaling ko.
"Ay sayang," inayos na lang namin ang mga table, at sinigurong lahat ay maayos ng nakalagay sa tamang lalagyan ang mga gamit bago kami nagsara ng tuluyan.
Hindi ko nga alam kung ipagpapasalamat ko bang wala si Miss Arigato ngayon. Kasi kung nandito siya, malamang ay walang pagdadalawang isip nitong kukunin ang pera mula sa akin.
Sabay na kaming umuwi ni Rick, iisang daan lang naman kasi. Si Dolcie naman ay sinundo ng ka-live in partner niya. Napatingin ako sa kulay itim na magarang sasakyang naka-park sa gilid.
Kanina pa yan jan nanjaan, napansin ko na rin kasi ang sasakyan na 'yan ng lumabas ako para habulin si Miss Sorandelle.
"Samahan na kita sa dorm niyo, Via." maagap akong umiling sa sinabi ni Rick.
"Mauunang madadaanan ang bahay mo, hindi ba? H' wag na."
"Hindi, ayos lang—" ako ang unang pina pasok nito ng may humintong jeep sa tapat namin. Mabuti na lang hindi na gaanong maraming sakay.
Nakakahinga ako ng maayos. Hindi katulad kapag umaga, lalo na kapag sobrang aga. Siksikan talaga.
"Hindi na, Rick. Saka, safe naman ako kapag nakababa ako ng jeep kasi may guard." nakatira ako sa dorm ng L.I.S, may ka roommate ako na for sure tulog na ngayon. O baka nga nanunuod na naman ng k-drama.
Iyon na lang ang halos inaatupag ni Chin. Bored daw kasi siya sa buhay. Naisipan pa nga nitong sumama sa akin sa trabaho pero may kaya ang pamilya nila. Hindi niya kakayaning mag-trabaho sa coffee shop.
Napatingin ako sa labas ng jeep ng makita ang kotse kanina, mabagal lang din ang takbo nito kagaya ng sa jeep na sinasakyan namin. Pwede na nga siyang mag over-take pero hindi ko alam kung bakit hindi niya ginagawa.
"Swerte nang nakasakay jan 'no?" biglang tanong ni Rick. Tumango ako.
"Ayan daw kasi' yung mga taong mababait sa past life nila." biro ko na tinawanan naman niya.
Di naman nakakatawa ang joke ko. Sira na humor nito. Kainis.
Nagpa-alam si Rick ng makarating na sa bahay nila, sinubukan niya pang I-convince ako na sasamahan niya pero sa hindi mabilang na pagkakataon ay tinanggihan ko siya.
Pero naki-usap naman siyang siya na lang ang magbabayad sa pamasahe ko. Kaya hindi ko na tinanggihan. Ako na lang ang magbabayad sa kanya sa susunod.
Nag-unat ako ng katawan ng makababa ng jeep, ah! This day is so tiring. Grabe ka na talaga sa akin Lord.
"Good evening, kuya." tumingin si kuyang guard sa relo'ng suot niya.
"Curfew na." sambit nito na tinawanan ko lang. Alam naman nilang nagt-trabaho ako kaya ginagabi ako ng uwi.
Nakangiting umiling ako, nahagip pa ng mga mata ko ang pamilyar na kotseng nakasunod kanina sa jeep na sinasakyan namin.
I just smile and shrugged it off.
Baka nagkataon lang.
Pagdating ko sa dorm room ay tama nga ang hinala ko, nanunuod na naman ng K-drama si Chin.
"Maaga ang pasok bukas ah." I said. Kumuha ako ng baso saka nilagyan ng tubig at ininom.
"Oo," may yakap-yakap pa itong chips. Nakitabi na rin ako dahil hindi pa naman ako inaantok. Dapat kasi mag-aaral ako after kong makapag hilamos.
Pero heto at nakikinuod ako sa laptop ni Chin.
"Pahingi nga," binigyan niya naman ako.
"Ano ba yang pinapanuod mo?" panay halikan naman kasi ang scene.
"Horror,"
"Shit." ibinalik ko sa kanya ang chips saka tumayo. Mag hihilamos na lang ako tapos mag-aaral kaysa naman bangungutin ako niyang pinapanuod niya.
Bahala nga siya kung mal-late na naman siya ng gising. Bubuhusan ko talaga ng malamig na tubig ang babaeng iyon. Parati na lang. Ang ganda nga niya, pero iyong mga mata naman niya ay nagmumukha namang panda.
Olivia's POV "Nandito na naman siya?" tumango si Jhon, isa sa mga kasama ko sa trabaho. Halos isang linggo na itong nagpapa balik-balik dito sa coffee shop namin. Buntong hiningang kinuha ko ang tray saka sinimulang ayusin ang usual na order ni Miss Dela Vega. As usual, ayaw nitong iba ang maghahatid ng order niya. Pasalamat talaga siya at si Kris ang naka toka ngayon sa counter. I sigh. Nahihirapan ako sa sitwasyon ko, lalo na at nandito na naman ang mga mapang husgang tingin ni Miss Arigato. It's not her real name, sadyang nakaka inis lang ang kasingkitan ng mga mata niya.I mean—naiinis ako sa ugali niya, but I couldn't say that. Ibinubuntong ko na lang sa mata niyang halos hindi na naididilat. Naglakad ako papunta kay Miss Dela Vega dala-dala ang order niya. Wala naman siyang sinabi na kung ano. Tiningnan niya lang ako saglit bago ibinalik ang tingin sa phone niya. She look stress. Naka suot pa rin ito ng formal attire, mukhang galing sa trabaho. Tapos parating dito na sa
Olivia's POV"Nagmumukha ng flower shop itong kwarto natin, Via." Tama naman siua, inilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto namin, puro bulaklak nga ang makikita. Sa loob ng dalawang linggo, araw araw na nagpapadala ng bulaklak si Miss Dela Vega sa'kin. Walang palya.Alam kong maganda ako pero hindi ko naman alam kung ano ang trip niya sa buhay? Binabawasan niya ba ang yaman niya sa pamamagitan nang pagbili ng bulaklak at pagbibigay nito sa'kin araw-araw? Isama mo pa ang mga pagkain na kung hindi galing sa fast food ay galing naman sa isang mamahaling restaurant.Kung sobra na ang yaman niya at gusto niyang bawasan, sana naman pera na lang ang ipadala niya. Jusko ka, baka matuwa pa ako. Hindi yung ganito. Aanhin ko itong mga bulaklak na nagkalat sa loob ng kwarto? Maliit na nga ang kwarto namin mas lalo pang lumiit dahil sa dami ng bulaklak.Hindi ko naman siya masabihang tumigil dahil hindi na sya sa'kin nagpakita pa sa loob ng dalawang linggo. Ang babaeng iyon. Wala ng ibang ginawa
Olivia's POVMabilis!Daig pa ang fast and furious sa sobrang bilis. Hindi ko alam kung ano ang dapat na sabihin ko sa kanya nang mga oras na iyon. Biruin mo, ako pa ang nahiya saming dalawa. Bakit? Ako ba ang nag confess? Pero kasi nakakatawa, wala pang isang buwan. Wala pa. Ang bilis naman yata.Ito ba yung sinasabi nila na kapag sobrang bilis ng isang tao'ng dumating sa buhay mo ay ganon rin sya kabilis na mawawala sayo?OA naman, Olivia."Aray.." malakas na daing ko ng batukan ako ni Yaena."Kanina ka pa kasi tulala." Masungit na sabi nya."Deserve." Ani naman ni avery. Mga punyawa. Tapos na pala yung klase namin pero wala man lang pumasok sa utak ko.Paulit ulit kasing nagre-replay yung nangyari kagabi. Bakit ang bilis kasi? Inaasahan ko naman yun no, malamang. Kahit hindi nya sabihin, sa mga ipinadadala nya para na syang manliligaw ko.Manliligaw? Babae? Babae ang manliligaw ko?Hindi naman ako homophobic, hindi rin ako bisexual lalo na ang lesbian pero may mga girl crush ako.P
Sora's POV. "The meeting will start fifteen minutes from now, Miss Sora." I heaved a sigh, calming my self. This is just a meeting Sorandelle, don't kill anyone. Especially that Madrigal boy. You still need him.I need to remind myself, baka kasi pagka pasok ko pa lang sa conference room ay masakal ko na ang lalaking iyon.I look at the design I made. How come? How come they copied exactly what I made? And worst, magkakaroon pa sila ng fashion show this week para i-release and mga damit na gawa nila but technically it's my freaking design. It's mine. It took me almost a month to finished it, and now malalaman kong napunta na pala sa iba? The fuck? You'll pay for this Verline apparel. I swear.I composed myself as I gracefully walk my way into that fucking conference room kung nasaan ang taong gusto ko ng patayin.Tahimik lang silang lahat, but the madrigal boy is smiling at me widely. He's flirting again, goosebump."Explain." I didn't manage to sit because of the frustration. They
Olivia's povLinggo ngayon at araw ng pahinga ko pero itong si Avery, nakita ko na lang sa labas ng kwarto namin ni Chin. Naghihintay sa'kin dahil gustong magpasama para magpa gupit. "Ano ba naman yan Ave, pwede namang sina Sacha eh.." buong linggo akong nag aral at nag trabaho tapos ngayong pahinga ko aayain naman nya akong lumabas.Nag suot lang ako ng simpleng damit. Malaking tshirt at pants na pinarisan ko ng puting sapatos. Yung kasama ko naman ay naka dress, gandang ganda sa suot nya. Nakatayo lang ito habang hinihintay akong matapos na mag bihis."Ayoko nga. Ikaw nga ang gusto ko." Nakita kong nabaling ang tingin ni Chin saming dalawa. Inirapan ko sya, ma issue."Lika na nga." Hinawakan ko ang kamay ni Avery. "Chin, una na kami." Pagpapaalam ko na sinagot lang ng tango ng bruha."May dala akong sasakyan..""Himala." Hatid sundo rin kasi sya ng driver nya. Masyadong strict ang parents."Yeps. Pinayagan na ako ni Daddy, wala ng driver." Tumawa ito bago itinaas ang susi ng kotse
Olivia's POV"Hoy bangon, attendance is a must daw." Naramdaman ko pa ang pag-tama ng unan sa bandang pwetan ko. Walang habas na pinaghahampas ni hudas."Chin ang aga aga.." gusto kong mag mura."Bangon na kasi, sabay tayo. I have a date. Pakikilala ko sayo." Open naman ang L.I.S ngayon dahil sa gaganaping foundation day pero tinatamad talaga ako. Bale two days celebration iyon. Ngayon araw ay more on pa contest sila. Pa pageant at kung ano ano pang kaartehan.Wala naman akong mapapala riyan eh. Manunuod para i-cheer yung representative ng block namin? Nah—matutulog na lang ako.Tsaka isa pa, masama ang loob ko sa mga yan. Li-limang daan na nga lang iyong pera ko pinilit pa akong mag bayad para sa contribution para sa booth namin.Speaking of—tanginang booth yan. Kissing and hugging booth amputa. At dahil daw sa wala akong itinulong, partner kami ni Dylan chuba-chuba sa kissing and hugging booth. Walang naitulong pwe! Bawas na bawas yung pera ko ng dahil sa kanila. Pasalamat sila sas
Olivia's POV"Let's have lunch." Taka ko siyang tiningnan, hindi pa tapos iyong contest kaya bakit siya nandito?Pasalamat siya anim na lang ang magpe-perform. Pinagtitinginan na nga kami ng ibang contestant na natitira.Issue...Nilibot ko ang tingin sa paligid namin, lima na lang ang natitira sa back stage, ang iba ay mas pinili na lang na manuod sa harapan kaysa ang mag hintay dito.Umiling ako at tinalikuran siya, nagkunyareng hindi kilala. Mamaya niyan ma-issue pa kami. Ang galing ko pa namang kumanta, tapos what if ako ang manalo? Tapos ipagkalat ng limang yan na may kapit ako sa isa sa mga judge?Sorry, advance lang.Buti na nga lang hindi siya sumunod. Baka gusto niyang ako ang maging laman ng chismisan rito sa L.I.S, naku.Namataan ko si Syche kasama si Yaena na kumakain habang naglalakad at nag-uusap. Tinawag ko ang mga ito."How's your performance?" tanong nila."Pang british got talent na." Tinawanan lang nila ako, nakikuha ako sa kinakain ni Yaena kasi alam ko namang hind
Olivia's POV"Bakit ganyan ang suot mo?" bungad ni Pres. Tiningnan ko naman ang suot ko."Finally, akala ko hindi mo na isusuot yan." Si Avery naman"Hindi ka man lang nag ayos." si Sacha."Seriously? Hoodie at pants? Bruh ibabalandra ka namin sa tabi ng booth, baka naman malugi kami niyan." si Pres uli."Wala ka bang dress?" si Jam."I have one, nasa locker. Kasya naman sa kanya iyon eh.""Call faye, laging may dalang make up iyon. And uh... Call someone that can fix her hair." si Syche."Gosh girl seryoso ka riyan? Walang lalaki ang hahalik at yayakap sayo kung ganyan ang pormahan mo." Yeana."Why are you insulting her ootd. It's so cool kaya, can have your hoodie?" SycheLintek."Ano ba?! " Doon lang sila natigil sa kaka-insulto sa suot ko. Nakaka insulto na ha."Ano bang problema niyo sa suot ko?" Hindi pa nga ako nakakapasok sa classroom ng harangan ako nina, Ave, sacha, syche, yaena at nakisama pa si pres at jam para lang laitin ang suot ko."You look like a tomboy." Napaka ster
Sorandelle's POVI did a lot of things way back then, bad things just to keep my love of my life, which is the woman beside me.I was so childish and acted impulsive whenever I got jealous, I ruined a lot of lives just for my own selfish reason. I can't go back to the past to correct my mistakes, all I can do is to change for the better which is I did, I guess.I'm no longer the obsessed Sorandelle Artemis Dela Vega, I know how to love her in a way that we will both feel the love that we're sharing to one another."Bakit ba balot na balot ka?" My Olivia is wearing a turtleneck sweatshirt to cover the marks I gave her last night of our love making. That was a blast.I can't help but to blush whenever I think about it, she really thought that she can dominate me by just her height? I'm way more taller than her, like 1 inch taller. Psh."M-mainit eh." She's blushing, maybe she remembered what happened."Kaya nga, tapos balot na balot ka.""Eh sa ayaw kong mangitim." I chuckled at her reac
Olivia's POV Hindi ako mapakali habang nagbibihis, tinawagan ko pa si Sacha para mang-hiram ng isang pares nang damit.Sinubukan kong tawagan si Sorandelle pero out of coverage na iyong linya niya, hindi ko alam kung bakit gano'n na lang ang galit niya sa'kin kanina.Nang si South naman ang tinawagan ko para itanong kung nasaan si Sora, hindi niya raw alam dahil nasa Korea pala ang bruha.Kaya naman panay ang baling ko sa paligid habang hinihintay si Zeran. Dala ko ang DSLR ko kaya may napaglilibangan ako habang naghihintay.Saktong pag-dapo ng lens ng camera ko sa dagat ay siya namang pag-dating ni Zeran at sumama pa talaga sa dapat na kukuhanan ko, hindi ko na lang sinita at basta ko na lang na pinindot ang shutter button.Tiningnan ko ang picture na nakuha ko, saka lumapit sa'kin ang babae."Ganda no?" tanong nito matapos makisilip. "Oo.." wala sa sariling sagot ko."Maganda kasi ako." Awkward na tumawa lang ako.Binalingan ko ito ng tingin at pinag-masdan siya. Ang ganda niya sa
Olivia's POV Nakangiting inayos ko ang lanyard ng camerang dala ko. Dadaan muna ako sa flower shop para kunin ang bulaklak na ibibigay ko kay Sora.It's been a week since I've decided to court her. Pinalayas ba naman ako sa office niya ng tanungin ko kung pwedeng manligaw.Gano'n siguro talaga kapag tumatanda na, hindi naman siya masungit noon eh, ngayon grabehan ang kasungitan.Napapansin kong ayaw na ayaw niya sa mga isinusuot ko kaya para mas asarin siya ay sinasadya ko.This isn't actually my usual clothes. Nakasanayan ko lang sa pinsan kong si Cane. Sa side ni mommy.Nagkakilala kami sa France, nandoon kasi silang lahat. They help me recovered at sobrang naging close ko sila. Even Cien na rito sa pilipinas nakatira.Dinalaw ko nga siya last monday."Ang swerte naman ng mama niyo, ma'am." Kumunot ang noo ko matapos makapag bayad."Mama?""Opo?""Why?" Cause she has a daughter like me? Naman, ako na kaya ito. "Araw araw niyo pong binibigyan ng bulaklak." Halos mabitawan ko ang bu
Sorandelle's POVI turned around and ready to leave when she grab my hand. A sudden electricity spread through my body by her mere touch. I clenched my jaw and face the woman who I haven't seen for five years. Now that she's just inch away from me I could tell the difference between our height. How the heck did she became that tall?Judging her boots, I could tell that I am still taller than her.I made a sound using my tongue and look at her from head to foot. What a badass outfit you have there. Saan ang lamay? All black for what? To look cool?"What?" I manage to give her my most intimidating stare-- yet she's not even affected. Ngumiti lang siya sa'kin and was about to pat my fucking head when I slap it.What the heck? She was about to give me a pat in my head. What am I? A fucking dog?"Leave." Malamig kong saad. She frowned and look at Arruzi."Is this how you treat your client here?" Natatarantang tumayo ang babae at hinawakan sa braso ang kaharap ko para ilayo sa'kin.Nadagda
Sorandelle's POVI sneezed when Ollie happily jumped on my working table. Some of my paper works got ruined because of her sharp nails. I arched my eyebrows and was about to remove the poor cat on my table when suddenly Sena came and get her cat first. Agad niya itong inilayo sa akin bago ko pa mahawakan."Sorry, ate." she apologetically smiled at me."Go home, Sena." Walang ganang taboy ko rito. I went back to my swivel chair and arrange my paper. I got sick, and I let my sister manage the company for a meantime; and now I can no longer watch Sena manage my company and the firm. It's not even a week and she's fucking it up.Masyadong palpak ito pag dating sa ganitong bagay.She's just good at buying an establishment nor build a new business in line of food. Pero kapag ang negosyo na namin ay kulang na lang ipalugi nito. I open my laptop to check my email.There's a lot but I open only a few. The important one. The meeting has been move a day ago and I need to meet the boardmembers.
Sorandelle's POV"Where are you?" Why the heck is the world spinning? My headache is too much. Hindi naman ganito noong mga nakaraang araw. "Condo.." inaantok pa akong tumayo at tumungo sa banyo, my phone is between my shoulder and ear."Nag walwal ka na naman?" I reach for my toothbrush and put just enough toothpaste on it."What a word, Vento." I heard him gasped."It's Venzo, Sorandelle." he hysterically corrected me. "Whatever." Natahimik ito sa kabilang linya, I started brushing my teeth even if my head were still aching. Gosh, I won't get drunk ever again. Can't figure out if this is a hangover or a migraine. maybe both. I just wanted a break from everything, especially from my family."Come here immediately, we have an emergency.""Oh—k..." it means okay, the toothbrush is still on my mouth; I can't speak clearly. I took a quick shower and dressed perfectly. I hate dresses, I have never been fan of it. Mas gusto ko pa ang mag-suot ng trousers and pared it with anything. Jus
[FLASH BACK]Pinag-mamasdan ng babae ang isang lalaking nakangiting nakatitig kay Olivia. Ilang araw niya na itong napapansin na parating nakatambay sa labas ng L.I.S at sinusundan ang kaklase niya.Nangunot ang kanyang noo nang akmang lalapitan ng lalaki si Olivia pero agad niya itong hinarangan."Anong ginagawa mo?" Kumunot ang noo ng binata. Mahahalata mo agad na may dugo itong banyaga. "Pardon?" mukhang hindi rin nakaka-intindi ng tagalog ang lalaki. "You can't speak tagalog?" Umiling ito. Ngumisi naman siya, mukhang dugong banyaga ang stalker ng kaklase niya. "I always saw you looking at my classmate." Mariing saad niya sa kaharap."Classmate?""Yes." Tila ito nag isip."Are you two friends?" Napaisip naman siya, ilang buwan pa lang ng mag simula ang klase sa L.I.S at hindi pa sila nagkakaroon ng matagal na pag uusap ni Olivia. Kung hindi about sa group project at activity ay wala na. "No, but I can befriend her.""Really?" Tila lumiwanag ang mukha nito sa sinabi ng babae."Ye
Olivia's POVMalakas ko itong itinulak.Tumalikod ako para iwan siya pero agad niya ring nahawakan ang braso ko at marahas na hinarap sa kanya."Where the hell are you going?" Dumapo sa'kin ang nag-aalab na mga titig ni Sorandelle. Pero hindi na ako magpapadala.I had enough.Sinong pamilya ang tinutukoy niya? Ganoon ba siya na apektuhan sa ginawang pag sampa ng kaso ng mga magulang ko sa kanya para sabihin sa'kin iyon?"Uuwi ako sa'min. Kung ayaw niyong ipaalam sa'kin— pwes mag-isa kong aalamin." Iwinaksi ko ang kamay ni Sorandelle na mahigpit na nakakapit sa braso ko."You can't leave this place, Olivia." I sarcastically smiled at her. Ayan na naman siya sa pangmamaliit sa kung anong kaya kong gawin. "Yes, of course I can." matabang kong sambit. "You fucking can't, baby. C'mon. M" Nasa magkabilang balikat ko na ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa'kin. Napapangiwi na lang ako sa sakit. "B-bitawan mo ako Sorandelle, nasasaktan ako..." ayokong maiyak sa ganitong pagkakataon. A
Olivia's POVNatapos ko na iyong isang librong pinabili pa ni Sorandelle sa kapatid niya pero wala pa rin siya. Ang sabi niya mabilis lang at babalik agad pero manananghalian na ay wala pa rin.Nakaalis na rin si Sena dahil may pasok pa raw ito. She's currently taking Culinary arts, second year college, hindi kagaya ni Fawn na PolSci ang kinuha at balak yatang maging lawyer.Pumunta ako sa refrigerator para kumuha nang makakain, puro prutas, gulay at meat ang nandito. Fresh milk at wala man lang choco drink.Nababagot na ako, ang tagal ni Sorandelle. Kanina pa ako bihis para pagdating niya ay aalis na lang kami.Balak kong sa bahay na lang managhalian, pero lampas lunch time na eh wala pa rin siya. Pagbalik ko sa sala ay sakto namang kakapasok lang ng tatlo. Sina Sena, Sima at Fawn. Parang kanina lang na umaga ay nandito itong si Sena e. "Anong ginagawa niyo rito?" Don't get me wrong ah, may pasok kasi sila kaya bakit sila nandito?"Break time." Tahimik na umupo si Sena at Sima sa c