Share

Chapter 3

Author: Gayreenn
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Olivia's POV

"Nagmumukha ng flower shop itong kwarto natin, Via." Tama naman siua, inilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto namin, puro bulaklak nga ang makikita. Sa loob ng dalawang linggo, araw araw na nagpapadala ng bulaklak si Miss Dela Vega sa'kin. Walang palya.

Alam kong maganda ako pero hindi ko naman alam kung ano ang trip niya sa buhay? Binabawasan niya ba ang yaman niya sa pamamagitan nang pagbili ng bulaklak at pagbibigay nito sa'kin araw-araw? Isama mo pa ang mga pagkain na kung hindi galing sa fast food ay galing naman sa isang mamahaling restaurant.

Kung sobra na ang yaman niya at gusto niyang bawasan, sana naman pera na lang ang ipadala niya. Jusko ka, baka matuwa pa ako. Hindi yung ganito. Aanhin ko itong mga bulaklak na nagkalat sa loob ng kwarto? Maliit na nga ang kwarto namin mas lalo pang lumiit dahil sa dami ng bulaklak.

Hindi ko naman siya masabihang tumigil dahil hindi na sya sa'kin nagpakita pa sa loob ng dalawang linggo. Ang babaeng iyon. Wala ng ibang ginawa kung hindi ang tumakbo sa utak ko araw-araw. 

"Hayaan mo na lang, chin." Inismiran niya ako at nagpatuloy sa pag-aaral. Napapadalas na yata ang pag aaral niya.

Humiga ako sa kama habang yakap yakap ang malambot na teddy bear nang makatanggap ako ng tawag mula kay mama.

Nakalimutan ko pala siyang tawagan, wala kasi akong load. Tipid ako ngayon. Gusto ko na rin kasing tumigil sa paglalabada si mama dahil medyo may katandaan na ito kaya minsan ipinadadala ko sa kanya ang pera ko. Tinitipid ko na lang ang matitira at kung kukulangin man, bahala si batman ang dumiskarte.

"Ma?" Bungad ko. Linggo naman ngayon at simula na naman ng kalbaryo ko sa buhay.

"Anak... Kamusta?" Unang bungad niya. I miss her. I miss my mama. Gusto ko ng makapag tapos at mabigyan siya ng marangyang buhay na ipinag kait sa kanya simula pa lang. Sa lahat ng naging sakripisyo niya para sa'kin, deserve niyang mamuhay na tila reyna balang araw.

"Ayos lang ma, ikaw?" Humigpit ang pagkakayakap ko sa teddy bear at biglang pumasok sa isip ang mukha ng babaeng dalawang linggo ng hindi nagpapakita.

Teka nga-

Gulat na napabangon ako mula sa pagkakahiga? What the fuck? Why am I thinking about her? Why am I thinking that she's the one I'm hugging? Hala natatanga na rin ba ako gaya niya? Maybe? Jusko, wag naman sana.

"A-ano nga ulit yun ma?" May sinabi kasi siya pero hindi maproseso ng utak ko.

"Kako anong balak mo sa birthday mo?" Ay oo nga pala, next month birthday ko na. Tatanda na naman ako ng isang taon.

"Wala ma, wala naman akong pera." Totoo naman kasi, dati noong high school ako ay ipinagluluto ako ni mama kahit kaunti, pero ng mahiwalay ako sa kanya, tamang simba na lang ako, at wala ng iba.

Tsaka na lang ako babawi kapag mayaman na ako. I mentally laugh, kailan kaya iyon? 

"May naipon ako anak, ibibigay ko sayo." Nagulat naman ako, nag lalabada pa ba sya?

"Ma? Wag na po, itago niyo na lang yan, ma. Hindi ko kailangan ng handa." 

"Eh anak uuwi ka ba sa pasko?" Napaisip naman ako, dalawang pasko na akong hindi nakauuwi at kapag hindi pa ako umuwi ngayon ay siguradong mag tatampo na si mama. Parati na lang siyang nag papaskong mag isa. Tinitipid ko kasi ang pera ko, malayo ang probinsya namin at baka kapusin ako ng pera.

Bumuntong hininga ako.

"Uuwi ako ma, pag iipunan ko po." Dobleng pag titipid na naman ang gagawin ko. Hindi na bale, ang importante ay makauwi ako kay mama ngayong pasko. 

Kinabukasan ay maaga akong umalis, tulog pa ng iwanan ko si chin. Mamaya pa naman ang klase niya. 

Sinalubong ako ni Avery kasama ang mga kaibigan niyang sina Syche, Sacharelle at Yaena.

"Bakit?" Takang tanong ko.

Wala naman silang sinabi, sumabay lang sa'kin papasok sa unang klase namin. Si avery ang classmate ko sa lahat ng subject, habang sina Syche, Sacha at Yaena naman ay sa dalawang major lang at isang minor. Kaya minsan lang din kaming magkausap. 

"Let's eat together." Bigla yatang nagpanting ang tenga ko sa sinabi ni Sacha. Galante kasi ang isang ito kaya kapag kasama namin siya kahit gaano pa karami ang makain ko ay wala akong binabayaran.

"Oo ba, sige ba." Agad na sagot ko. Nagsitawan naman sila.

"Habol mo lang yung libre ni Sacha eh." Asar ni Yaena. Nginisihan ko naman siya. Ngayong doble ang pag titipid ko, iga-grab ko na lahat ng opportunity 'ni. Por que ang yayaman nila. Afford na afford ang halos kalahating milyong tuition fee sa L.I.S.

"Syempre, libre yun eh. Tatanggi pa ba ako." Sa sunod na klase namin ay kami na lang ni Avery ang magkasama.

"Samahan mo ako mamaya, V." V ang kadalasang tawag nya sakin kapag tinatamad siya.

"Saan? May pasok ako sa café." Sumimangot naman ito, tapos nabulong bulong.

"Kailan ka ba free?" parang batang tanong ni Avery. 

"Sa sunday." Umupo kami sa pinaka likod, ako sa tabi ng bintana.

"Ang tagal pa."

"Bakit ba?" Kinuha ko ang notebook ko sa bag para mag ready sa susunod na subject namin, wala pa naman ang professor at kakaunti pa lang kami rito.

"Papasama sana ako sayo sa salon. Alam mo na.." tiningnan ko naman siya. Salon? Siya? Sasamahan ko?

"Sina Syche na lang, mas afford nila for sure." Nagulat ako ng hampasin niya ang braso ko, hindi naman ganon kalakas.

"Ehh ikaw ang gusto ko."

"Sorry Ave, pero straight ako." Muntik na akong matawa sa naging itsura nito.

"Lalo na ako 'no," pikon niyang saad. 

"Alam ko, kaya mag isa kang pumunta sa salon." Hindi na siya nakaangal pa dahil dumating na rin si ma'am. Gulat na gulat kami ng magpa surprised quiz ito.

Literal, malamang olivia, bobo lang? Kaya nga surprise quiz eh.

Nakakuha ng Zero si Avery kaya naman tawang tawa ako.

"Nga pala V naalala mo si Kohan?" Tanong ni Yaena habang kumakain kami. Nahawaan na sila ni Ave na V ang tawag sa'kin.

"Oo naman." Si kohan, 2nd year kami ng nagbalak siyang ligawan ako pero hindi ako pumayag dahil sabi ko kailangan kong tutukan ang pag aaral ko. Last year ng manalo siyang President ng School council, ni respeto nya ang disisyon ko pero sabi niya na liligawan niya raw ako kapag handa na ako.

"Nagtanong sa'kin.." umangat ang tingin ko sa kanya.

"Ng?"

"Kung may nababanggit ka raw ba sa'min na gusto mo ng mag boyfriend." Umiling ako, ganon rin si Avery at Sacha.

Si syche naman ay walang paki alam na kumakain lang. Ang siba. Hindi naman nadadagdagan ang timbang. Sana all. 

"Wala." Ibinalik ko ang tingin ko sa kinakain.

"Pero gusto ka na raw niyang ligawan." 

"Why did he tell you that?" Tanong ni Sacharelle. Nag kibit balikat din lang si Yaena.

"Speaking of the devil..." Mahinang saad ni Ave. 

Tumingin kami sa labas ng cafeteria. Andun si Kohan. He looks clean. Halatang anak mayaman.

Ngumiti ito sa banda namin, nginitian ko siya. Kung ngiti ba iyon dahil sa pilit lang.

"He's gwapo naman ah, maraming nagkaka crush. You're swerte nga kasi untik now he's still waiting." Tumingin kaming apat kay Syche na ngayon ay ubos na ang kinakain.

Inilagay ni Sacharelle ang pasta niyang hindi pa nagagalaw. Tapos iyon naman ang pinagkaabalahan ni Syche. 

"Don't talk, just eat." That's her way of shutting Syche Oliveros from talking.

Hindi naman lingid sa kaalaman naming gusto ni Sacharelle si Syche at wala namang kaso iyon sa isa. 

Tuluyan nang nakalapit samin si kohan.

"Hi.." bati nito. Tinanguan lang siya ng tatlo kaya napipilitan naman akong mag "hello."

Hindi ko siya ma offer-an na umupo at sumabay na samin dahil saktong pang apatan lang ang mesang napili namin. Kumuha nga lang ng isang upuan sa kabilang lamesa si Yaena para maging lima. Mabuti na lang.

"Uh.." Hinaplos nito ang batok. Halatang nahihiya. "Can we talk, Via?" 

"Naku kohan ano.." kinuha ko ang kamay ni Ave na may suot na mamahaling relo. "Malapit na ang next class namin eh, next time na lang." after kong matingnan ang oras. 

"Mabilis lang naman." May accent pa ang tagalog nito. Halatang hindi sanay.

"Ngii." Ngiwi ko. "Talagang need na naming umalis eh. " Binalingan ko ang apat. "Hoy halina kayo, major pa naman ang next subject natin." Nagsitayuan naman sila. Nagpapaumanhin naman akong tumingin kay kohan.

"Sige ha, next time na lang kohan." Tumango ito, kahit na halatang pilit lang.

"Wews." Nasabi ko na lang ng makalabas kami ng cafeteria.

"Why not make him your boyfriend." Sayang, wala akong nadalang pagkain para pasakan ang bunganga ni Syche.

"Ayoko nga."

"Why?" Sacharelle ask.

"Ayaw ko lang."

"May nagugustuhan ka bang iba?" Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok ang babaeng yun sa utak ko, kinginang avery. Nag tanong pa talaga.

"Wala ah."

"Yumaman lang ang gusto niyan." Tumpak ka riyan yaena.

"LATE ka na naman." Unang bungad sakin ni Miss Arigato. Kapag ako yumaman who you ka sa'kin.

"Sorry ma'am. Late lang po kasi kaming pinalabas ng prof." Totoo naman. Nagpahabol pa ng quiz ang last period namin kaya naman na late ako.

Hindi na lang ako nito pinansin. 

"Trip na trip ka talaga ni manager ano.."

"Mas maganda kasi ako sa kanya." Sabay kaming humagikhik ni Kris sa sinabi ko. Well, it's true. I am more beautiful than her. Insecure lang siya kaya siya ganyan sa'kin.

"Thank you ma'am, sir. Come again." Isa isa ko silang nginitian. Nakakapagod. Haist.

Malapit na rin naman ang out ko at paunti-unti na rin ang mga tao sa café.

Pagod na rin akong kakatayo pero wala naman akong magagawa. Trabaho ito, at kailangan ko ng pera. 

Napatingin ako sa table na kadalasan niyang inuupuan kapag nandito sya sa café. Gosh, tatlong linggo pa lang mula ng makita ko siya pero sinakop nya na ang buo kong sistema. Hindi ko alam na may ganyang tao pa pala. 

Bumuntong hininga ako, kahit hindi ko man aminin alam ko sa sarili kong nami-miss ko ang pag taas baba ng kilay nya kapag nagkakasalubong ang mga tingin naming dalawa.

Kung paano syang mag taray, maging cold at maging parang tanga minsan. Isang linggo'ng pangungulit tapos heto ako, hindi na sya maalis sa sistema ko.

God, Dela Vega. Ano bang trip mo sa buhay? 

"Hoy out na." Naitulak ko naman ang mukha ni jhon dahil sa sobrang lapit.

"Gago lumayo ka nga." Inis na sabi ko. 

"Ikaw kasi nakatulala ka lang jan. Sino bang iniisip mo?" Tinarayan ko sya.

"Iniisip ko kung po-pogi ka pa ba." biro ko. 

"Grabe ka naman sa'kin via, gwapo naman ako ah."

"San banda?" Niligpit ko na lang ang mga kalat ko sa counter bago tumungong locker para kunin ang gamit ko. Sa wakas, makakahiga na rin ako.

Hinaplos ko ang mag kabilang braso dahil sa lamig. Ano ba yan, kanina pa ako nakatayo rito pero kahit taxi ay walang dumadaan.

Gustong gusto ko ng matulog. Gustong gusto ko ng magpahinga. Muli kong niyakap ang sarili ng humangin ng malakas. May mga dumadaang mga tao, may mga sasakyan dinf dumadaan pero mga service na. Kailangan ko ng jeep, o hindi kaya ay taxi. Wala na akong paki alam, basta ang gusto ko na lang ay maka uwi.

Napaigtad ako sa gulat ng mag kung anong bagay ang dumantay sa balikat ko. At ng maamoy ko ang pamilyar nitong pabango ay alam ko na agad kung sino.

Oh gosh lord.

Pumikit ako at pasimpleng suminghab ng hangin para mas mamoy pa ang pabangong dalawang linggo ko ng hindi naaamoy.

God, I miss her-what? No. No way. Ha? What the fuck? Ano yun? Anong sinabi ko? No, I don't miss her.

"Let's eat." Natigil ako sa pakikipag talo sa sarili ng marining ang boses nya. Ayan na naman sya, bossy.

"Sino ka??" Mahinang tanong ko sakto lang para marinig niya.

"I'm tired and hungry, Olivia, come on. Let's eat." I mean it, bakit hindi siya nagpakilala. Para naman alam ko kung ano nga ba ang pangalan nya.

Hinawakan nito ang braso ko para alalayan papunta sa sasakyan nyang naka park.

Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. Ayan na naman ang buhok nyang bagsak na bagsak, hinayaan nya lang na nakalugay. Naka itim na long sleeve sya na itinupi hanggang siko. Itim na pants at brown leather shoes.

Ang manly pero ang ganda. S***a. Unfair Lord.

"Uuwi na ako.." gusto ko sanang irugtong ang pangalan nya pero hindi ko nga pala alam kung ano.

"Let's eat first. I'm hungry." Binawi ko ang kamay ko.

"Edi kumain kang mag isa mo." Tumingin naman ito sa'kin. Nagulat pa ako sa itsura niya. Alam kong maganda siya pero ngayon, para siyang pagod na pagod kumpara noong huli naming pagkikita.

"Please, Via." Damn it. Ang unfair lang. Sa kung paanong umikot ang pangalan ko sa kanyang dila habang ako ay apilyedo lang nya ang alam. Miss dela Vega. Pssh. Patawa.

I heaved a sigh. Mukha siyang kaawa-awa ngayon.

Nauna na akong pumasok sa sasakyan niya. Oh diba, kapal ng mukha ko. Ay anak ka ng tinapang hindi nabilad.

Ang sabi ko hinding hindi ako sasakay sa sasakyan ng magandang baliw na ito e.

Ano, Olivia? Masarap bang kainin ang sariling sinabi?

Ayos lang. Ako lang naman ang nakakaalam na sinabi ko iyon.

Ay shit. Mag kasing amoy na yata sila ng kotse niya. 

"Where do you want to eat?" Hindi ko alam kung ako lang ba o talagang may multo ng ngiti sa kanyang mga labi. Luh? Nakangiti siya?

Ipinilig ko ang aking ulo, imposible.

"Kahit saan." Yun lang at pina andar niya na ang sasakyan. Sa isang filipino restaurant kami pumunta. Dahil gabing gabi na ay kakaunti lang ang tao.

Bicol express at kanin lang ang order ko habang siya ay adobo at kanin. Tapos iba't ibang side dish. And drinks. 

Namangha pa ako ng mailapag sa mesa namin ang pagkain. Wow. Bicol express Rich version. 

Nag simula syang kumain, sumunod na rin ako. Busog ako pero dahil ilang oras akong tumayo sa counter ay parang bolang nawala lang iyong kinain ko.

"I went to France. One week. There's this fashion show that I needed to attend." Panimula niya. Bakit niya sa'kin ito sinasabi? Para lang may maging topic kami? Ganon? Kahit wag na. Kaya ko namang kumain ng hindi nag sasalita.

Pero...

1 week? Edi saan siya nag punta ng isa pang linggo?

"And then suddenly my sister called. Nasa hospital si lolo and he wants to see all of us. Kaya I don't have a choice but to stay in our province." Ah, okay. Patuloy lang akong kumakain ng makita kong hindi na siya sumusubo.

Inangat ko ang tingin habang nasa bibig pa rin ang kotsara.

"Bakit?" Tanong ko.

Mahina syang tumawa dahilan ng pagkakatigil yata ng mundo ko.

Taena naman.

"Nothing." May sinabi pa ito pero hindi ko na narinig.

"A day after I arrived. My lolo died." Hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

"Sorry to hear that." Wow, via. Napapa english ka na rin ha.

Ikaw ba naman, parating nagi english itong kausap ko. Akala mo nasa ibang bansa.

"It's okay. People die anyway." Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko sa sinabi niya. Seryoso ba siya ron?

Hinayaan ko na rin syang ihatid ako. Don't worry, first and last na ito. Hindi na masusundan pa. Mukha kasing kailangan nya ng makakausap, kung usap ba ang tawag doon.

Wala kasi akong naging ambag.

"Thank you, Olivia." Ngumiti sa akin si Miss Dela Vega. Lord, fusto ko na lang na himatayin. Mas sanay pa akong tinatarayan niya.

"You're welcome."

Bumaba na ako ng sasakyan nya at sa hindi malamang dahilan ay sumunid siya. 

"Take care of yourself." Tumango ako. 

"Sige. Good night." bigla na lang iyon lumabas ng kusa sa bibig ko. Mabilis akong tumalikod dahil sa hiya. 

"Good night." I heard her says 

"Uh olivia.." muli akong humarap, nagulat pa ako ng sobrang lapit niya na.

She leaned forward, making me gasped in shock.

Jusko Lord.

Binigyan nya ako ng isang marahang halik sa noo bago ibinulong ang mga salitang gusto kong ikumpirma sa kanya dalawang linggo na ang nakakaraan.

"I like you, Olivia." 

Kaugnay na kabanata

  • Obsessive Love (gxg)    Chapter 4

    Olivia's POVMabilis!Daig pa ang fast and furious sa sobrang bilis. Hindi ko alam kung ano ang dapat na sabihin ko sa kanya nang mga oras na iyon. Biruin mo, ako pa ang nahiya saming dalawa. Bakit? Ako ba ang nag confess? Pero kasi nakakatawa, wala pang isang buwan. Wala pa. Ang bilis naman yata.Ito ba yung sinasabi nila na kapag sobrang bilis ng isang tao'ng dumating sa buhay mo ay ganon rin sya kabilis na mawawala sayo?OA naman, Olivia."Aray.." malakas na daing ko ng batukan ako ni Yaena."Kanina ka pa kasi tulala." Masungit na sabi nya."Deserve." Ani naman ni avery. Mga punyawa. Tapos na pala yung klase namin pero wala man lang pumasok sa utak ko.Paulit ulit kasing nagre-replay yung nangyari kagabi. Bakit ang bilis kasi? Inaasahan ko naman yun no, malamang. Kahit hindi nya sabihin, sa mga ipinadadala nya para na syang manliligaw ko.Manliligaw? Babae? Babae ang manliligaw ko?Hindi naman ako homophobic, hindi rin ako bisexual lalo na ang lesbian pero may mga girl crush ako.P

  • Obsessive Love (gxg)    Chapter 5

    Sora's POV. "The meeting will start fifteen minutes from now, Miss Sora." I heaved a sigh, calming my self. This is just a meeting Sorandelle, don't kill anyone. Especially that Madrigal boy. You still need him.I need to remind myself, baka kasi pagka pasok ko pa lang sa conference room ay masakal ko na ang lalaking iyon.I look at the design I made. How come? How come they copied exactly what I made? And worst, magkakaroon pa sila ng fashion show this week para i-release and mga damit na gawa nila but technically it's my freaking design. It's mine. It took me almost a month to finished it, and now malalaman kong napunta na pala sa iba? The fuck? You'll pay for this Verline apparel. I swear.I composed myself as I gracefully walk my way into that fucking conference room kung nasaan ang taong gusto ko ng patayin.Tahimik lang silang lahat, but the madrigal boy is smiling at me widely. He's flirting again, goosebump."Explain." I didn't manage to sit because of the frustration. They

  • Obsessive Love (gxg)    Chapter 6

    Olivia's povLinggo ngayon at araw ng pahinga ko pero itong si Avery, nakita ko na lang sa labas ng kwarto namin ni Chin. Naghihintay sa'kin dahil gustong magpasama para magpa gupit. "Ano ba naman yan Ave, pwede namang sina Sacha eh.." buong linggo akong nag aral at nag trabaho tapos ngayong pahinga ko aayain naman nya akong lumabas.Nag suot lang ako ng simpleng damit. Malaking tshirt at pants na pinarisan ko ng puting sapatos. Yung kasama ko naman ay naka dress, gandang ganda sa suot nya. Nakatayo lang ito habang hinihintay akong matapos na mag bihis."Ayoko nga. Ikaw nga ang gusto ko." Nakita kong nabaling ang tingin ni Chin saming dalawa. Inirapan ko sya, ma issue."Lika na nga." Hinawakan ko ang kamay ni Avery. "Chin, una na kami." Pagpapaalam ko na sinagot lang ng tango ng bruha."May dala akong sasakyan..""Himala." Hatid sundo rin kasi sya ng driver nya. Masyadong strict ang parents."Yeps. Pinayagan na ako ni Daddy, wala ng driver." Tumawa ito bago itinaas ang susi ng kotse

  • Obsessive Love (gxg)    Chapter 7

    Olivia's POV"Hoy bangon, attendance is a must daw." Naramdaman ko pa ang pag-tama ng unan sa bandang pwetan ko. Walang habas na pinaghahampas ni hudas."Chin ang aga aga.." gusto kong mag mura."Bangon na kasi, sabay tayo. I have a date. Pakikilala ko sayo." Open naman ang L.I.S ngayon dahil sa gaganaping foundation day pero tinatamad talaga ako. Bale two days celebration iyon. Ngayon araw ay more on pa contest sila. Pa pageant at kung ano ano pang kaartehan.Wala naman akong mapapala riyan eh. Manunuod para i-cheer yung representative ng block namin? Nah—matutulog na lang ako.Tsaka isa pa, masama ang loob ko sa mga yan. Li-limang daan na nga lang iyong pera ko pinilit pa akong mag bayad para sa contribution para sa booth namin.Speaking of—tanginang booth yan. Kissing and hugging booth amputa. At dahil daw sa wala akong itinulong, partner kami ni Dylan chuba-chuba sa kissing and hugging booth. Walang naitulong pwe! Bawas na bawas yung pera ko ng dahil sa kanila. Pasalamat sila sas

  • Obsessive Love (gxg)    Chapter 8

    Olivia's POV"Let's have lunch." Taka ko siyang tiningnan, hindi pa tapos iyong contest kaya bakit siya nandito?Pasalamat siya anim na lang ang magpe-perform. Pinagtitinginan na nga kami ng ibang contestant na natitira.Issue...Nilibot ko ang tingin sa paligid namin, lima na lang ang natitira sa back stage, ang iba ay mas pinili na lang na manuod sa harapan kaysa ang mag hintay dito.Umiling ako at tinalikuran siya, nagkunyareng hindi kilala. Mamaya niyan ma-issue pa kami. Ang galing ko pa namang kumanta, tapos what if ako ang manalo? Tapos ipagkalat ng limang yan na may kapit ako sa isa sa mga judge?Sorry, advance lang.Buti na nga lang hindi siya sumunod. Baka gusto niyang ako ang maging laman ng chismisan rito sa L.I.S, naku.Namataan ko si Syche kasama si Yaena na kumakain habang naglalakad at nag-uusap. Tinawag ko ang mga ito."How's your performance?" tanong nila."Pang british got talent na." Tinawanan lang nila ako, nakikuha ako sa kinakain ni Yaena kasi alam ko namang hind

  • Obsessive Love (gxg)    Chapter 9

    Olivia's POV"Bakit ganyan ang suot mo?" bungad ni Pres. Tiningnan ko naman ang suot ko."Finally, akala ko hindi mo na isusuot yan." Si Avery naman"Hindi ka man lang nag ayos." si Sacha."Seriously? Hoodie at pants? Bruh ibabalandra ka namin sa tabi ng booth, baka naman malugi kami niyan." si Pres uli."Wala ka bang dress?" si Jam."I have one, nasa locker. Kasya naman sa kanya iyon eh.""Call faye, laging may dalang make up iyon. And uh... Call someone that can fix her hair." si Syche."Gosh girl seryoso ka riyan? Walang lalaki ang hahalik at yayakap sayo kung ganyan ang pormahan mo." Yeana."Why are you insulting her ootd. It's so cool kaya, can have your hoodie?" SycheLintek."Ano ba?! " Doon lang sila natigil sa kaka-insulto sa suot ko. Nakaka insulto na ha."Ano bang problema niyo sa suot ko?" Hindi pa nga ako nakakapasok sa classroom ng harangan ako nina, Ave, sacha, syche, yaena at nakisama pa si pres at jam para lang laitin ang suot ko."You look like a tomboy." Napaka ster

  • Obsessive Love (gxg)    Chapter 10

    Olivia's POVGusto kong itanong kung saan kami pupunta, tahimik lang siyang nagmamaneho habang ako ay kabadong pinaglalaruan ang mga daliri ko.Kinakabahan ako, idagdag pa na I'm not really comfortable on this dress, dyosko. Parang gusto ko na lang tuloy mag-sisi. Nakakainis naman.Alam kong issue ito. Knowing LIS, kahit halos karamihan ay anak mayaman ang nag-aaral doon hindi pa rin maiiwasan ang chismisan.Sana lang handa ako'ng maging topic buong linggo.Magdadasal na lang talaga ako.Napatingin ako kay Sorandelle na sobrang higpit ng hawak sa steering wheel. Kaya ayokong mag tanong eh, baka sa sobrang asar nya bigla nyang mabunot ang manibela at ihampas sa mukha ko.Ngayon na nga lang ako naayusan at gumanda eh.Tinitigan ko siya ng huminto kami sa kilalang mall. Gusto ko ng mag-tanong, pero gusto ko ring mabuhay kaya itinikom ko na lang ang bibig ko.Padabog siyang lumabas at malakas na isinara ang pintuan ng kanyang sasakyan, habang ako ay ingat na ingat mula sa pag tanggal ng s

  • Obsessive Love (gxg)    Chapter 11

    Olivia POVHindi ko alam kung nagi-ilusyon lang ba ako o talagang pinagtitinginan nila ako?Kung dati parang wala lang ako sa mga anak mayaman na to' ngayon naman ay kulang na lang na pati pag hakbang ko sa pathway ay titigan na nila.Buti na lang nakita kong papasalubong sa'kin sina Ave kaya naman agad agad akong lumapit sa kanila.Nakakapagtaka pa ngang ang tahimik ni Ave habang si Sacha at Yaena ay pangisi-ngisi. May mga saltik yata to eh."Ano sa pakiramdam ang maging main topic ng LIS?" Sabi ko na nga ba. Yun na agad ang una kong naisip ng pagtapak pa lang ng mga paa ko sa loob ng paaralan ay maraming mata na ang tumingin sa'kin.Tusukin ko yang mga yan eh."Grabe, ganun ka na ba kaganda para bilhin at kaladkarin ng isang Dela Vega?" Kumunot ang noo ko. Anong bilhin pinag sasabi nito? Binili ba ako? Mukha bang may nakalagay na for sale sa noo ko?"Pinagsasabi mo?" Naglalakad na kami papunta sa first class namin, katabi ko si Avery na hanggang ngayon ay ang tahimik pa rin."Akala

Pinakabagong kabanata

  • Obsessive Love (gxg)    —END—

    Sorandelle's POVI did a lot of things way back then, bad things just to keep my love of my life, which is the woman beside me.I was so childish and acted impulsive whenever I got jealous, I ruined a lot of lives just for my own selfish reason. I can't go back to the past to correct my mistakes, all I can do is to change for the better which is I did, I guess.I'm no longer the obsessed Sorandelle Artemis Dela Vega, I know how to love her in a way that we will both feel the love that we're sharing to one another."Bakit ba balot na balot ka?" My Olivia is wearing a turtleneck sweatshirt to cover the marks I gave her last night of our love making. That was a blast.I can't help but to blush whenever I think about it, she really thought that she can dominate me by just her height? I'm way more taller than her, like 1 inch taller. Psh."M-mainit eh." She's blushing, maybe she remembered what happened."Kaya nga, tapos balot na balot ka.""Eh sa ayaw kong mangitim." I chuckled at her reac

  • Obsessive Love (gxg)    Chapter 44

    Olivia's POV Hindi ako mapakali habang nagbibihis, tinawagan ko pa si Sacha para mang-hiram ng isang pares nang damit.Sinubukan kong tawagan si Sorandelle pero out of coverage na iyong linya niya, hindi ko alam kung bakit gano'n na lang ang galit niya sa'kin kanina.Nang si South naman ang tinawagan ko para itanong kung nasaan si Sora, hindi niya raw alam dahil nasa Korea pala ang bruha.Kaya naman panay ang baling ko sa paligid habang hinihintay si Zeran. Dala ko ang DSLR ko kaya may napaglilibangan ako habang naghihintay.Saktong pag-dapo ng lens ng camera ko sa dagat ay siya namang pag-dating ni Zeran at sumama pa talaga sa dapat na kukuhanan ko, hindi ko na lang sinita at basta ko na lang na pinindot ang shutter button.Tiningnan ko ang picture na nakuha ko, saka lumapit sa'kin ang babae."Ganda no?" tanong nito matapos makisilip. "Oo.." wala sa sariling sagot ko."Maganda kasi ako." Awkward na tumawa lang ako.Binalingan ko ito ng tingin at pinag-masdan siya. Ang ganda niya sa

  • Obsessive Love (gxg)    Chapter 43

    Olivia's POV Nakangiting inayos ko ang lanyard ng camerang dala ko. Dadaan muna ako sa flower shop para kunin ang bulaklak na ibibigay ko kay Sora.It's been a week since I've decided to court her. Pinalayas ba naman ako sa office niya ng tanungin ko kung pwedeng manligaw.Gano'n siguro talaga kapag tumatanda na, hindi naman siya masungit noon eh, ngayon grabehan ang kasungitan.Napapansin kong ayaw na ayaw niya sa mga isinusuot ko kaya para mas asarin siya ay sinasadya ko.This isn't actually my usual clothes. Nakasanayan ko lang sa pinsan kong si Cane. Sa side ni mommy.Nagkakilala kami sa France, nandoon kasi silang lahat. They help me recovered at sobrang naging close ko sila. Even Cien na rito sa pilipinas nakatira.Dinalaw ko nga siya last monday."Ang swerte naman ng mama niyo, ma'am." Kumunot ang noo ko matapos makapag bayad."Mama?""Opo?""Why?" Cause she has a daughter like me? Naman, ako na kaya ito. "Araw araw niyo pong binibigyan ng bulaklak." Halos mabitawan ko ang bu

  • Obsessive Love (gxg)    Chapter 42

    Sorandelle's POVI turned around and ready to leave when she grab my hand. A sudden electricity spread through my body by her mere touch. I clenched my jaw and face the woman who I haven't seen for five years. Now that she's just inch away from me I could tell the difference between our height. How the heck did she became that tall?Judging her boots, I could tell that I am still taller than her.I made a sound using my tongue and look at her from head to foot. What a badass outfit you have there. Saan ang lamay? All black for what? To look cool?"What?" I manage to give her my most intimidating stare-- yet she's not even affected. Ngumiti lang siya sa'kin and was about to pat my fucking head when I slap it.What the heck? She was about to give me a pat in my head. What am I? A fucking dog?"Leave." Malamig kong saad. She frowned and look at Arruzi."Is this how you treat your client here?" Natatarantang tumayo ang babae at hinawakan sa braso ang kaharap ko para ilayo sa'kin.Nadagda

  • Obsessive Love (gxg)    Chapter 41

    Sorandelle's POVI sneezed when Ollie happily jumped on my working table. Some of my paper works got ruined because of her sharp nails. I arched my eyebrows and was about to remove the poor cat on my table when suddenly Sena came and get her cat first. Agad niya itong inilayo sa akin bago ko pa mahawakan."Sorry, ate." she apologetically smiled at me."Go home, Sena." Walang ganang taboy ko rito. I went back to my swivel chair and arrange my paper. I got sick, and I let my sister manage the company for a meantime; and now I can no longer watch Sena manage my company and the firm. It's not even a week and she's fucking it up.Masyadong palpak ito pag dating sa ganitong bagay.She's just good at buying an establishment nor build a new business in line of food. Pero kapag ang negosyo na namin ay kulang na lang ipalugi nito. I open my laptop to check my email.There's a lot but I open only a few. The important one. The meeting has been move a day ago and I need to meet the boardmembers.

  • Obsessive Love (gxg)    Chapter 40

    Sorandelle's POV"Where are you?" Why the heck is the world spinning? My headache is too much. Hindi naman ganito noong mga nakaraang araw. "Condo.." inaantok pa akong tumayo at tumungo sa banyo, my phone is between my shoulder and ear."Nag walwal ka na naman?" I reach for my toothbrush and put just enough toothpaste on it."What a word, Vento." I heard him gasped."It's Venzo, Sorandelle." he hysterically corrected me. "Whatever." Natahimik ito sa kabilang linya, I started brushing my teeth even if my head were still aching. Gosh, I won't get drunk ever again. Can't figure out if this is a hangover or a migraine. maybe both. I just wanted a break from everything, especially from my family."Come here immediately, we have an emergency.""Oh—k..." it means okay, the toothbrush is still on my mouth; I can't speak clearly. I took a quick shower and dressed perfectly. I hate dresses, I have never been fan of it. Mas gusto ko pa ang mag-suot ng trousers and pared it with anything. Jus

  • Obsessive Love (gxg)    Chapter 39

    [FLASH BACK]Pinag-mamasdan ng babae ang isang lalaking nakangiting nakatitig kay Olivia. Ilang araw niya na itong napapansin na parating nakatambay sa labas ng L.I.S at sinusundan ang kaklase niya.Nangunot ang kanyang noo nang akmang lalapitan ng lalaki si Olivia pero agad niya itong hinarangan."Anong ginagawa mo?" Kumunot ang noo ng binata. Mahahalata mo agad na may dugo itong banyaga. "Pardon?" mukhang hindi rin nakaka-intindi ng tagalog ang lalaki. "You can't speak tagalog?" Umiling ito. Ngumisi naman siya, mukhang dugong banyaga ang stalker ng kaklase niya. "I always saw you looking at my classmate." Mariing saad niya sa kaharap."Classmate?""Yes." Tila ito nag isip."Are you two friends?" Napaisip naman siya, ilang buwan pa lang ng mag simula ang klase sa L.I.S at hindi pa sila nagkakaroon ng matagal na pag uusap ni Olivia. Kung hindi about sa group project at activity ay wala na. "No, but I can befriend her.""Really?" Tila lumiwanag ang mukha nito sa sinabi ng babae."Ye

  • Obsessive Love (gxg)    Chapter 38

    Olivia's POVMalakas ko itong itinulak.Tumalikod ako para iwan siya pero agad niya ring nahawakan ang braso ko at marahas na hinarap sa kanya."Where the hell are you going?" Dumapo sa'kin ang nag-aalab na mga titig ni Sorandelle. Pero hindi na ako magpapadala.I had enough.Sinong pamilya ang tinutukoy niya? Ganoon ba siya na apektuhan sa ginawang pag sampa ng kaso ng mga magulang ko sa kanya para sabihin sa'kin iyon?"Uuwi ako sa'min. Kung ayaw niyong ipaalam sa'kin— pwes mag-isa kong aalamin." Iwinaksi ko ang kamay ni Sorandelle na mahigpit na nakakapit sa braso ko."You can't leave this place, Olivia." I sarcastically smiled at her. Ayan na naman siya sa pangmamaliit sa kung anong kaya kong gawin. "Yes, of course I can." matabang kong sambit. "You fucking can't, baby. C'mon. M" Nasa magkabilang balikat ko na ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa'kin. Napapangiwi na lang ako sa sakit. "B-bitawan mo ako Sorandelle, nasasaktan ako..." ayokong maiyak sa ganitong pagkakataon. A

  • Obsessive Love (gxg)    Chapter 37

    Olivia's POVNatapos ko na iyong isang librong pinabili pa ni Sorandelle sa kapatid niya pero wala pa rin siya. Ang sabi niya mabilis lang at babalik agad pero manananghalian na ay wala pa rin.Nakaalis na rin si Sena dahil may pasok pa raw ito. She's currently taking Culinary arts, second year college, hindi kagaya ni Fawn na PolSci ang kinuha at balak yatang maging lawyer.Pumunta ako sa refrigerator para kumuha nang makakain, puro prutas, gulay at meat ang nandito. Fresh milk at wala man lang choco drink.Nababagot na ako, ang tagal ni Sorandelle. Kanina pa ako bihis para pagdating niya ay aalis na lang kami.Balak kong sa bahay na lang managhalian, pero lampas lunch time na eh wala pa rin siya. Pagbalik ko sa sala ay sakto namang kakapasok lang ng tatlo. Sina Sena, Sima at Fawn. Parang kanina lang na umaga ay nandito itong si Sena e. "Anong ginagawa niyo rito?" Don't get me wrong ah, may pasok kasi sila kaya bakit sila nandito?"Break time." Tahimik na umupo si Sena at Sima sa c

DMCA.com Protection Status