Olivia's POV
Mabilis!
Daig pa ang fast and furious sa sobrang bilis. Hindi ko alam kung ano ang dapat na sabihin ko sa kanya nang mga oras na iyon. Biruin mo, ako pa ang nahiya saming dalawa. Bakit? Ako ba ang nag confess? Pero kasi nakakatawa, wala pang isang buwan. Wala pa. Ang bilis naman yata.
Ito ba yung sinasabi nila na kapag sobrang bilis ng isang tao'ng dumating sa buhay mo ay ganon rin sya kabilis na mawawala sayo?
OA naman, Olivia.
"Aray.." malakas na d***g ko ng batukan ako ni Yaena.
"Kanina ka pa kasi tulala." Masungit na sabi nya.
"Deserve." Ani naman ni avery. Mga punyawa. Tapos na pala yung klase namin pero wala man lang pumasok sa utak ko.
Paulit ulit kasing nagre-replay yung nangyari kagabi. Bakit ang bilis kasi? Inaasahan ko naman yun no, malamang. Kahit hindi nya sabihin, sa mga ipinadadala nya para na syang manliligaw ko.
Manliligaw? Babae? Babae ang manliligaw ko?
Hindi naman ako homophobic, hindi rin ako bisexual lalo na ang lesbian pero may mga girl crush ako.
Pero.....
Pero kasi...
Pero p*****a naiiyak ako. Alam kong maganda ako, pero bakit ako? Bakit ako?? Bakit???
"Pwede ko bang itanong yun sa kanya?"
"Ha? Alin? Anong itatanong? Sinong tatanungin?" Hindi ko alam na napalakas pala yung pagkakasabi ko. Bumuntong hininga ako bago naunang lumabas ng classroom.
May dalawang subject pa bago matapos ang schedule ko. Dalawa pa, kaya ko ito.
Ang bagal ng oras sa totoo lang. Gusto ko ng pumasok ng café, gustong gusto ko na.
Why?
Natigilan ako at napatulala sa whiteboard. Bakit nga ba? Bakit ako excited na pumasok sa café? Ano bang meron dun? Kape? Cakes? Si Ms. Arigato?
Si dela Vega.
"Hala.." malakas na saad ko. Lahat ng mata ay napunta sa'kin. Pati na ang professor namin natigil sa pagdi-discuss.
"H-hala akala ko may daga..." Pahina ng pahina ang boses ko dahil sa kahihiyan. Nang matapos kami ay tawang tawa sina Avery, ipina recite ba naman sakin ni prof yung rules nya during her discussion. Jusko ka, buti na lang kahit papaano ay may utak rin naman ako.
"Ayan, day dream pa teh. Kakahiya ka."
"Sino ba kasing iniisip mo?"
"In love ka na ba?"
"Baka inlove sa pera." Sininghalan ko si Ave
"Hoy grabe ka naman, ganon na ba ako kamukhang pera?"
"Oo."
"Tse.." kinuha ko na lang ang gamit ko at walang paalam na tinakbo mula sa building namin palabas ng L.I.S.
Pinagtitinginan pa nga ako ng mga student na nadadaanan ko.
Paki nila, nag mamadali ako. Ayokong ma late ng pasok sa café kasi baka bungangaan na naman ako ni Ms. Arigato.
Sure ka yun lang?
Ay hala weh? Kinakausap ko na rin ba sarili ko ngayon?
Hingal na hingal ako ng makalabas at agad na pinara ang unang jeep na dumaan. Mabilis lang naman akong nakarating sa café.
"Ang aga." Si kuya Andoy. Nginisihan ko lang sya, hindi sapat ang oras na iginugol ko sa jeep para mabawi ang lakas ko mula sa pag takbo.
Ang layo kaya nun.
"Uy himala andito ka na. Wala si Manager, pero nandito yung may ari." Bihira lang pumunta ang may ari ng café dito, kadalasan ay talagang ipinagkakatiwala nya kay Ms. Arigato ang lahat lahat.
Sabi naman kasi ni Ms. Arigato eh marami raw na business ang may ari ng café kaya hindi na nya napagtutuunan ng pansin.
Nakabihis na ako ng biglang bumukas ang kwartong ni minsan ay hindi ko nakitang pinasukan ng kung sino man sa'min.
Sabi kasi ni Ms. Arigato ay sa may ari raw ito at jan sa kwartong yan sya tumatambay kapag andito sya.
Lumabas ang isang magandang babae, matangkad pa yata sakin. Ang amo amo ng mukha nya at halatang palangiti. Mukha syang anghel.
Bukod kay Dela Vega, ito ang masasabi kong isa pang mas maganda sakin. Sya ang may ari nitong café, kilala ko lang sya bilang si Ms. Sena. Yun lang.
At alam ko rin na nag aaral sya sa L.I.S, second year college. O diba, bongga. Ganon talaga siguro kapag anak mayaman ka. Kung anong maisipan ay nakukuha agad. Hindi tulad namin na kailangan pang pag hirapan.
Minsan nga kahit na anong hirap mo na, hindi mo pa nakakamit.
May sumunod dito na isa ring magandang babae, ito masasabi kong magka sing height kami. Hanggang tenga lang sya ni Ms. Sena eh, kilala ko rin sya dahil may ka sikatan rin sya sa L.I.S. katulad ko scholar lang rin sya.
Kilala sya bilang matalino at palakaibigan. Si Fawn.
"Sige na kasi, wala akong kasama.." Inilibot ni Sena ang tingin sa buong café at sa'kin dumapo ang mga mata nyang akala mo kumikinang sa ganda. Nginitian nya ako ng malawak.
Shit.
Na starstruck na yata ako. Natulala na.
"Hello Via." Bati nya ng makalapit. Agad ko namang sinaway ang sarili.
Wag kang matulala self. Maganda ka rin naman pero mas maganda ang kaharap mo.
"H-hello ma'am sena."
"Ano ka ba, Sena na lang. Mas matanda ka sa'kin." Pero boss kita. Gusto kong sabihin.
"Ahh." Mahina akong tumawa kahit wala namang nakakatawa. "Sige, S-sena."
"Hala Oliv ikaw pala yan..." Bungad ni Fawn. Oliv ang tawag nya sa'kin. Wala ng ate ate kasi raw baby face naman raw ako. Nagkakilala kami nito lang ng magpadala ng student ang L.I.S sa Cebu para sa gaganaping debate. Kadalasang mga scholar ang ipinadadala nila, at dahil iilan lang kami ay isa na roon si Fawn kaya nagkakilala kaming dalawa.
"Lalong gumaganda, Fawn ah." Biro ko. Kahit naman kasi mabait kung titingnan si Ms. Sena, hindi mo pa rin maikakaila ang kakaibang aura na nagmumula sa kanya. Kaya hirap maging comfortable kapag sya ang kausap.
"Magkakilala kayo?" Tanong ni sena. Si fawn na ang sumagot dahil may bumibili. Nag excuse naman ako at inasikaso ang costumer.
"Anyway, via. Have you seen my ate?" Takang tiningnan ko sya. Hindi ko alam na may ate pala sya.
Ngumiti naman sya ng makita ang pagkalito sakin.
"Nevermind. Mauuna na kami." Kumakain na kasi ng cupcake si Fawn na naka display sa counter. Tss, iba talaga kapag may kaibigang mayaman.
"Bayaran mo yan, Fawn." Biro ko ulit.
"Utang na lang Oliv. Para ka namang others eh." Kumuha pa ito ng dalawa bago sumunod sa kaibigan nya.
"I date mo na kasi ako.." rinig ko pang sabi nya bago tuluyang makalabas ng café. Alas otso ng palitan ako ni Jiwell sa pagbabantay para naman makakain na ako.
Matamlay na kumain ako, pagod na siguro kakatayo. Pero hindi ko rin maikakaila ang isa pang rason kung bakit ako nagkakaganito.
Alas otso na pero wala pa rin sya.
Ano ba yan? Masyado na ba syang busy? Bakit hindi na lang ulit sya dito gumawa?
Ay shit—
Seriously, Olivia? Parang nung isang araw lang naghihimutok ka kung bakit dito nag o-opisina yung isang yun.
I heaved a deep breath before grabbing the bottled water in from of me. I don't have the energy to continue but I don't have a money to stop either. What? Whatawat.
PIPIKIT-PIKIT akong naga abang ng masasakyan. Inaantok na ako, wala na akong lakas. Gusto ko ng matulog.
"It's cold."
"Ay putangina." Nagising yata ako sa sobrang gulat. Parang humiwalay yata ang kaluluwa ko sa katawan.
"Papatayin mo ba ako, Dela Vega?" Inosenteng tumitig lang sya sa'kin.
Oh my ghod!
Pumikit ako ng mariin. Nang maimulat ko ang mga mata ay tsaka ko sya tinitigan.
Naka business suit sya ngayon. Naka ponytail ng sobrang taas ang buhok nya, dahilan ng pag aliwalas ng mukha pero kung titingnang mabuti, nandun pa rin yung pagod sa itsura nya.
Ang ganda nya talaga, at hindi ko akalaing bakla ang isang ito. Mas mukha pa syang feminine sa'ming dalawa.
"Done eye-fucking me?"
"Anong eye-fucking ka jan." Inismiran ko sya. Nawala na yata ang pagod at antok ko.
Ano? Dahil lang nakita mo sya?
Yuck.
"I'll drive you home." Ito na naman kami. Muli ko syang tiningnan.
"Kumain ka na ba?" Kung sya nagulat sa tanong ko, lalo na ako. Shit. Hindi na mapreno tong bibig na to.
She smiled at me, a genuine one. Natuod na yata ako sa kinatatayuan ko dahil sa ginawa nya. Oh gosh, no. No. I don't wanna fall. Please.
"Not yet." Para namang nag init yung ulo ko sa narinig.
"Eh ano pang ginagawa mo rito? Nalipasan ka na oh." She look at me amusingly. Anong nakaka amuse?
She then chuckled and shook her head.
"Are you mad 'cause I didn't eat on time?" Sinamaan ko sya ng tingin.
"Dream on, Dela Vega." Tumawa naman sya bago inilahad ang kamay sa'kin. Tiningnan ko lang ito bago ibalik ang tingin sa mukha nyang nakangiti na ngayon.
"What?" Tanong ko.
"Let's eat." Tatanggi sana ako kaso lang naisip ko na baka gutom na ang isang ito.
Nakalahad pa rin ang kamay nya, wala akong balak na kunin iyon. Malay mo may roong spark akong maramdaman. Ayoko nun.
Spark my ass.
Inilibot ko ang tingin sa buong paligid. Bukod sa café and may Jollibee pang bukas sa hindi kalayuan.
From her looks, mukhang hindi ito basta bastang kumakain ng mga fast food. Kaya imbes na sa café ko sya dalhin para kumain ay sa jollibee na lang.
Kinuha ko ang kamay nya.
Walang balak eh...
at hinila sya. Naramdaman ko naman ang pag higpit ng pagkakahawak nya.
Hinayaan ko na lang.
"What are we going to do here?" Tanong nya ng ipa upo ko sya sa isa sa mga bakanteng upuan dito.
"Matutulog." Sarkastikong sagot ko.
"Where's the bed?" S***a lang. Instead na sagutin sya ay tumingin na lang ako sa counter. May mga mangilan ngilang kumakain, karamihan ay parang malayo pa ang pupuntahan.
"Anong gusto mong kainin?" Ayaw nya pa ring bitawan ang kamay ko, naka patong lang ito sa mesa, hawak hawak nya.
"I want adobo." Adobo with marteng accent.
"Seriously?" Nababanas na tanong ko?
"Yeps. I really like adobo." Hindi ko alam kung saan ako matatawa, sa pagkaka banggit nya ng adobo o sa gusto nyang kainin.
"Alam mo ba kung nasaan tayo?"
"Don't know. Are we in a honeycomb?"
"Ano?"
"Oh my bad. There's a human size bee in there." Napasapo na lang ako sa noo ko. The fuck, Dela vega.
She giggled. "Is she the queen?" Inis na binawi ko ang kamay ko sa kanya bago tumungong counter at nag order.
Pera niya ang ipinambayad ko.
"What's that?" Tanong nya sa obvious.
"Kumot." Sinamaan nya ako ng tingin.
"A fries? A chicken? and a brown rice.." inilapag ko sa harap nya ang in-order ko.
"Adobo rice." Pagtatama ko.
"Adobo?" Tumango naman ako, tinitigan nya ang adobo rice na order ko.
"Where's the meat?" Hindi ko na lang sya pinansin. Inalis ko sa tissue paper ang plastic spoon and fork bago inabot sa kanya.
"I don't want this kind of utensils." Maarteng inilayo nya sa kanya ang kutsarang inabot ko.
"Walang stainless, nagtitipid sila sa hugasin."
"It's fragile." Inabot nya ito at binend bigla ang tinidor dahilan para maputol.
"See?" Nag titimpi lang ako sa taong to.
Sa paghahalo ng spaghetti ko na lang itinuon ang pansin ko. Maingat, wala namang imik ang taong nasa harapan ko kaya naman tiningnan ko ito. Nakatanga lang sya sa ginagawa ko.
"Kumain ka na nga." Sumubo ako ng spaghetti, nakasunod naman ang tingin nya sa tinidor na isinubo ko. Kita ko pang napalunok sya.
Kinuha nya ang kutsara bago tinitigan.
"What if I accidentally eat it?" Kunyare naman akong nag isip.
"Dadalhin na lang kita sa hospital."
"Olivia." I giggled seeing her reaction.
"Kumain ka na. Hindi yan, maingat ka naman." Sinimulan naman nyang kainin ang adobo rice, kumuha ako ng isang piraso ng manok at inilagay sa plato nya.
"Thanks."
Ang dami nyang nakain, naubos namin nag ni-order ko. Natatawa na lang ako. Ang siba.
"This is my first time eating here. When I was in high school, Sera and I wanted to explore, but we never had a chance." Hindi ko naman alam kung sino si Sera.
"Buti pa si sera, alam ko na pangalan. Eh ikaw.." bulong ko sa sarili.
"What?"
"Watawat." Tumayo na ako. Sumunod naman rin sya.
Pumayag na rin akong ihatid nya.Kamusta ang lasa ng mga salitang kinain mo lang, Olivia?
Ehe. Masarap naman. Lasang spaghetti ng jollibee.
Nang maipark ng maayos ay agad akong bumaba. Sumunod naman sya.
"Thank you. I had fun." Buti naman.
"Papasok na ako."
"Ok." Tumango sya habang nakangiti pa rin. Haist, Dela Vega.
"Sige. Good night "
"Good night, Olivia." Tatalikod na sana ako ng tawagin nya akong muli.
"Bakit?"
"Don't forget that I like you, okay? I still do." Ito na naman kami. Wala sa sarili akong napatango kaya tumawa sya ng mahina bago hinaplos ang kaliwang pisnge ko.
"It's cold out here, see you tomorrow, my love."
Sora's POV. "The meeting will start fifteen minutes from now, Miss Sora." I heaved a sigh, calming my self. This is just a meeting Sorandelle, don't kill anyone. Especially that Madrigal boy. You still need him.I need to remind myself, baka kasi pagka pasok ko pa lang sa conference room ay masakal ko na ang lalaking iyon.I look at the design I made. How come? How come they copied exactly what I made? And worst, magkakaroon pa sila ng fashion show this week para i-release and mga damit na gawa nila but technically it's my freaking design. It's mine. It took me almost a month to finished it, and now malalaman kong napunta na pala sa iba? The fuck? You'll pay for this Verline apparel. I swear.I composed myself as I gracefully walk my way into that fucking conference room kung nasaan ang taong gusto ko ng patayin.Tahimik lang silang lahat, but the madrigal boy is smiling at me widely. He's flirting again, goosebump."Explain." I didn't manage to sit because of the frustration. They
Olivia's povLinggo ngayon at araw ng pahinga ko pero itong si Avery, nakita ko na lang sa labas ng kwarto namin ni Chin. Naghihintay sa'kin dahil gustong magpasama para magpa gupit. "Ano ba naman yan Ave, pwede namang sina Sacha eh.." buong linggo akong nag aral at nag trabaho tapos ngayong pahinga ko aayain naman nya akong lumabas.Nag suot lang ako ng simpleng damit. Malaking tshirt at pants na pinarisan ko ng puting sapatos. Yung kasama ko naman ay naka dress, gandang ganda sa suot nya. Nakatayo lang ito habang hinihintay akong matapos na mag bihis."Ayoko nga. Ikaw nga ang gusto ko." Nakita kong nabaling ang tingin ni Chin saming dalawa. Inirapan ko sya, ma issue."Lika na nga." Hinawakan ko ang kamay ni Avery. "Chin, una na kami." Pagpapaalam ko na sinagot lang ng tango ng bruha."May dala akong sasakyan..""Himala." Hatid sundo rin kasi sya ng driver nya. Masyadong strict ang parents."Yeps. Pinayagan na ako ni Daddy, wala ng driver." Tumawa ito bago itinaas ang susi ng kotse
Olivia's POV"Hoy bangon, attendance is a must daw." Naramdaman ko pa ang pag-tama ng unan sa bandang pwetan ko. Walang habas na pinaghahampas ni hudas."Chin ang aga aga.." gusto kong mag mura."Bangon na kasi, sabay tayo. I have a date. Pakikilala ko sayo." Open naman ang L.I.S ngayon dahil sa gaganaping foundation day pero tinatamad talaga ako. Bale two days celebration iyon. Ngayon araw ay more on pa contest sila. Pa pageant at kung ano ano pang kaartehan.Wala naman akong mapapala riyan eh. Manunuod para i-cheer yung representative ng block namin? Nah—matutulog na lang ako.Tsaka isa pa, masama ang loob ko sa mga yan. Li-limang daan na nga lang iyong pera ko pinilit pa akong mag bayad para sa contribution para sa booth namin.Speaking of—tanginang booth yan. Kissing and hugging booth amputa. At dahil daw sa wala akong itinulong, partner kami ni Dylan chuba-chuba sa kissing and hugging booth. Walang naitulong pwe! Bawas na bawas yung pera ko ng dahil sa kanila. Pasalamat sila sas
Olivia's POV"Let's have lunch." Taka ko siyang tiningnan, hindi pa tapos iyong contest kaya bakit siya nandito?Pasalamat siya anim na lang ang magpe-perform. Pinagtitinginan na nga kami ng ibang contestant na natitira.Issue...Nilibot ko ang tingin sa paligid namin, lima na lang ang natitira sa back stage, ang iba ay mas pinili na lang na manuod sa harapan kaysa ang mag hintay dito.Umiling ako at tinalikuran siya, nagkunyareng hindi kilala. Mamaya niyan ma-issue pa kami. Ang galing ko pa namang kumanta, tapos what if ako ang manalo? Tapos ipagkalat ng limang yan na may kapit ako sa isa sa mga judge?Sorry, advance lang.Buti na nga lang hindi siya sumunod. Baka gusto niyang ako ang maging laman ng chismisan rito sa L.I.S, naku.Namataan ko si Syche kasama si Yaena na kumakain habang naglalakad at nag-uusap. Tinawag ko ang mga ito."How's your performance?" tanong nila."Pang british got talent na." Tinawanan lang nila ako, nakikuha ako sa kinakain ni Yaena kasi alam ko namang hind
Olivia's POV"Bakit ganyan ang suot mo?" bungad ni Pres. Tiningnan ko naman ang suot ko."Finally, akala ko hindi mo na isusuot yan." Si Avery naman"Hindi ka man lang nag ayos." si Sacha."Seriously? Hoodie at pants? Bruh ibabalandra ka namin sa tabi ng booth, baka naman malugi kami niyan." si Pres uli."Wala ka bang dress?" si Jam."I have one, nasa locker. Kasya naman sa kanya iyon eh.""Call faye, laging may dalang make up iyon. And uh... Call someone that can fix her hair." si Syche."Gosh girl seryoso ka riyan? Walang lalaki ang hahalik at yayakap sayo kung ganyan ang pormahan mo." Yeana."Why are you insulting her ootd. It's so cool kaya, can have your hoodie?" SycheLintek."Ano ba?! " Doon lang sila natigil sa kaka-insulto sa suot ko. Nakaka insulto na ha."Ano bang problema niyo sa suot ko?" Hindi pa nga ako nakakapasok sa classroom ng harangan ako nina, Ave, sacha, syche, yaena at nakisama pa si pres at jam para lang laitin ang suot ko."You look like a tomboy." Napaka ster
Olivia's POVGusto kong itanong kung saan kami pupunta, tahimik lang siyang nagmamaneho habang ako ay kabadong pinaglalaruan ang mga daliri ko.Kinakabahan ako, idagdag pa na I'm not really comfortable on this dress, dyosko. Parang gusto ko na lang tuloy mag-sisi. Nakakainis naman.Alam kong issue ito. Knowing LIS, kahit halos karamihan ay anak mayaman ang nag-aaral doon hindi pa rin maiiwasan ang chismisan.Sana lang handa ako'ng maging topic buong linggo.Magdadasal na lang talaga ako.Napatingin ako kay Sorandelle na sobrang higpit ng hawak sa steering wheel. Kaya ayokong mag tanong eh, baka sa sobrang asar nya bigla nyang mabunot ang manibela at ihampas sa mukha ko.Ngayon na nga lang ako naayusan at gumanda eh.Tinitigan ko siya ng huminto kami sa kilalang mall. Gusto ko ng mag-tanong, pero gusto ko ring mabuhay kaya itinikom ko na lang ang bibig ko.Padabog siyang lumabas at malakas na isinara ang pintuan ng kanyang sasakyan, habang ako ay ingat na ingat mula sa pag tanggal ng s
Olivia POVHindi ko alam kung nagi-ilusyon lang ba ako o talagang pinagtitinginan nila ako?Kung dati parang wala lang ako sa mga anak mayaman na to' ngayon naman ay kulang na lang na pati pag hakbang ko sa pathway ay titigan na nila.Buti na lang nakita kong papasalubong sa'kin sina Ave kaya naman agad agad akong lumapit sa kanila.Nakakapagtaka pa ngang ang tahimik ni Ave habang si Sacha at Yaena ay pangisi-ngisi. May mga saltik yata to eh."Ano sa pakiramdam ang maging main topic ng LIS?" Sabi ko na nga ba. Yun na agad ang una kong naisip ng pagtapak pa lang ng mga paa ko sa loob ng paaralan ay maraming mata na ang tumingin sa'kin.Tusukin ko yang mga yan eh."Grabe, ganun ka na ba kaganda para bilhin at kaladkarin ng isang Dela Vega?" Kumunot ang noo ko. Anong bilhin pinag sasabi nito? Binili ba ako? Mukha bang may nakalagay na for sale sa noo ko?"Pinagsasabi mo?" Naglalakad na kami papunta sa first class namin, katabi ko si Avery na hanggang ngayon ay ang tahimik pa rin."Akala
Olivia POV"Looking for some punishment, my love?"Bakit naman ako natatakot? Iyon ang tanong na namamayagpag sa utak kong lumipad na yata.Hindi ko alam kung bakit ako pinagpapawisan, si Dela Vega lang naman ito.Yeah right, she's just Sorandelle who is now looking so sexy and seductive while leaning on the door frame. Sige lang, Sora.She's looking at me like I did something wrong, iyong galit na nakita ko kanina ng makilala niya kung sino ako ay unti-unting bumabalik.She sigh heavily before motioning me to enter her unit.I shook my head then handed her the box of carrot cake.Tiningnan niya naman ako na para bang tinubuan ko ng isa pang ulo."Get inside.""N-nandito lang ako... para i-deliver...to.." pahina ng pahina ang boses ko dahil sa klase ng tinging ibinibigay niya sa akin. Mas lalo niyang niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan."Do I need to repeat what I've said?"Bakit ba kasi ako nandito?Por que late ako, ako na inutusang mag deliver nito. Nagdadalawang isip man ay pum
Sorandelle's POVI did a lot of things way back then, bad things just to keep my love of my life, which is the woman beside me.I was so childish and acted impulsive whenever I got jealous, I ruined a lot of lives just for my own selfish reason. I can't go back to the past to correct my mistakes, all I can do is to change for the better which is I did, I guess.I'm no longer the obsessed Sorandelle Artemis Dela Vega, I know how to love her in a way that we will both feel the love that we're sharing to one another."Bakit ba balot na balot ka?" My Olivia is wearing a turtleneck sweatshirt to cover the marks I gave her last night of our love making. That was a blast.I can't help but to blush whenever I think about it, she really thought that she can dominate me by just her height? I'm way more taller than her, like 1 inch taller. Psh."M-mainit eh." She's blushing, maybe she remembered what happened."Kaya nga, tapos balot na balot ka.""Eh sa ayaw kong mangitim." I chuckled at her reac
Olivia's POV Hindi ako mapakali habang nagbibihis, tinawagan ko pa si Sacha para mang-hiram ng isang pares nang damit.Sinubukan kong tawagan si Sorandelle pero out of coverage na iyong linya niya, hindi ko alam kung bakit gano'n na lang ang galit niya sa'kin kanina.Nang si South naman ang tinawagan ko para itanong kung nasaan si Sora, hindi niya raw alam dahil nasa Korea pala ang bruha.Kaya naman panay ang baling ko sa paligid habang hinihintay si Zeran. Dala ko ang DSLR ko kaya may napaglilibangan ako habang naghihintay.Saktong pag-dapo ng lens ng camera ko sa dagat ay siya namang pag-dating ni Zeran at sumama pa talaga sa dapat na kukuhanan ko, hindi ko na lang sinita at basta ko na lang na pinindot ang shutter button.Tiningnan ko ang picture na nakuha ko, saka lumapit sa'kin ang babae."Ganda no?" tanong nito matapos makisilip. "Oo.." wala sa sariling sagot ko."Maganda kasi ako." Awkward na tumawa lang ako.Binalingan ko ito ng tingin at pinag-masdan siya. Ang ganda niya sa
Olivia's POV Nakangiting inayos ko ang lanyard ng camerang dala ko. Dadaan muna ako sa flower shop para kunin ang bulaklak na ibibigay ko kay Sora.It's been a week since I've decided to court her. Pinalayas ba naman ako sa office niya ng tanungin ko kung pwedeng manligaw.Gano'n siguro talaga kapag tumatanda na, hindi naman siya masungit noon eh, ngayon grabehan ang kasungitan.Napapansin kong ayaw na ayaw niya sa mga isinusuot ko kaya para mas asarin siya ay sinasadya ko.This isn't actually my usual clothes. Nakasanayan ko lang sa pinsan kong si Cane. Sa side ni mommy.Nagkakilala kami sa France, nandoon kasi silang lahat. They help me recovered at sobrang naging close ko sila. Even Cien na rito sa pilipinas nakatira.Dinalaw ko nga siya last monday."Ang swerte naman ng mama niyo, ma'am." Kumunot ang noo ko matapos makapag bayad."Mama?""Opo?""Why?" Cause she has a daughter like me? Naman, ako na kaya ito. "Araw araw niyo pong binibigyan ng bulaklak." Halos mabitawan ko ang bu
Sorandelle's POVI turned around and ready to leave when she grab my hand. A sudden electricity spread through my body by her mere touch. I clenched my jaw and face the woman who I haven't seen for five years. Now that she's just inch away from me I could tell the difference between our height. How the heck did she became that tall?Judging her boots, I could tell that I am still taller than her.I made a sound using my tongue and look at her from head to foot. What a badass outfit you have there. Saan ang lamay? All black for what? To look cool?"What?" I manage to give her my most intimidating stare-- yet she's not even affected. Ngumiti lang siya sa'kin and was about to pat my fucking head when I slap it.What the heck? She was about to give me a pat in my head. What am I? A fucking dog?"Leave." Malamig kong saad. She frowned and look at Arruzi."Is this how you treat your client here?" Natatarantang tumayo ang babae at hinawakan sa braso ang kaharap ko para ilayo sa'kin.Nadagda
Sorandelle's POVI sneezed when Ollie happily jumped on my working table. Some of my paper works got ruined because of her sharp nails. I arched my eyebrows and was about to remove the poor cat on my table when suddenly Sena came and get her cat first. Agad niya itong inilayo sa akin bago ko pa mahawakan."Sorry, ate." she apologetically smiled at me."Go home, Sena." Walang ganang taboy ko rito. I went back to my swivel chair and arrange my paper. I got sick, and I let my sister manage the company for a meantime; and now I can no longer watch Sena manage my company and the firm. It's not even a week and she's fucking it up.Masyadong palpak ito pag dating sa ganitong bagay.She's just good at buying an establishment nor build a new business in line of food. Pero kapag ang negosyo na namin ay kulang na lang ipalugi nito. I open my laptop to check my email.There's a lot but I open only a few. The important one. The meeting has been move a day ago and I need to meet the boardmembers.
Sorandelle's POV"Where are you?" Why the heck is the world spinning? My headache is too much. Hindi naman ganito noong mga nakaraang araw. "Condo.." inaantok pa akong tumayo at tumungo sa banyo, my phone is between my shoulder and ear."Nag walwal ka na naman?" I reach for my toothbrush and put just enough toothpaste on it."What a word, Vento." I heard him gasped."It's Venzo, Sorandelle." he hysterically corrected me. "Whatever." Natahimik ito sa kabilang linya, I started brushing my teeth even if my head were still aching. Gosh, I won't get drunk ever again. Can't figure out if this is a hangover or a migraine. maybe both. I just wanted a break from everything, especially from my family."Come here immediately, we have an emergency.""Oh—k..." it means okay, the toothbrush is still on my mouth; I can't speak clearly. I took a quick shower and dressed perfectly. I hate dresses, I have never been fan of it. Mas gusto ko pa ang mag-suot ng trousers and pared it with anything. Jus
[FLASH BACK]Pinag-mamasdan ng babae ang isang lalaking nakangiting nakatitig kay Olivia. Ilang araw niya na itong napapansin na parating nakatambay sa labas ng L.I.S at sinusundan ang kaklase niya.Nangunot ang kanyang noo nang akmang lalapitan ng lalaki si Olivia pero agad niya itong hinarangan."Anong ginagawa mo?" Kumunot ang noo ng binata. Mahahalata mo agad na may dugo itong banyaga. "Pardon?" mukhang hindi rin nakaka-intindi ng tagalog ang lalaki. "You can't speak tagalog?" Umiling ito. Ngumisi naman siya, mukhang dugong banyaga ang stalker ng kaklase niya. "I always saw you looking at my classmate." Mariing saad niya sa kaharap."Classmate?""Yes." Tila ito nag isip."Are you two friends?" Napaisip naman siya, ilang buwan pa lang ng mag simula ang klase sa L.I.S at hindi pa sila nagkakaroon ng matagal na pag uusap ni Olivia. Kung hindi about sa group project at activity ay wala na. "No, but I can befriend her.""Really?" Tila lumiwanag ang mukha nito sa sinabi ng babae."Ye
Olivia's POVMalakas ko itong itinulak.Tumalikod ako para iwan siya pero agad niya ring nahawakan ang braso ko at marahas na hinarap sa kanya."Where the hell are you going?" Dumapo sa'kin ang nag-aalab na mga titig ni Sorandelle. Pero hindi na ako magpapadala.I had enough.Sinong pamilya ang tinutukoy niya? Ganoon ba siya na apektuhan sa ginawang pag sampa ng kaso ng mga magulang ko sa kanya para sabihin sa'kin iyon?"Uuwi ako sa'min. Kung ayaw niyong ipaalam sa'kin— pwes mag-isa kong aalamin." Iwinaksi ko ang kamay ni Sorandelle na mahigpit na nakakapit sa braso ko."You can't leave this place, Olivia." I sarcastically smiled at her. Ayan na naman siya sa pangmamaliit sa kung anong kaya kong gawin. "Yes, of course I can." matabang kong sambit. "You fucking can't, baby. C'mon. M" Nasa magkabilang balikat ko na ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa'kin. Napapangiwi na lang ako sa sakit. "B-bitawan mo ako Sorandelle, nasasaktan ako..." ayokong maiyak sa ganitong pagkakataon. A
Olivia's POVNatapos ko na iyong isang librong pinabili pa ni Sorandelle sa kapatid niya pero wala pa rin siya. Ang sabi niya mabilis lang at babalik agad pero manananghalian na ay wala pa rin.Nakaalis na rin si Sena dahil may pasok pa raw ito. She's currently taking Culinary arts, second year college, hindi kagaya ni Fawn na PolSci ang kinuha at balak yatang maging lawyer.Pumunta ako sa refrigerator para kumuha nang makakain, puro prutas, gulay at meat ang nandito. Fresh milk at wala man lang choco drink.Nababagot na ako, ang tagal ni Sorandelle. Kanina pa ako bihis para pagdating niya ay aalis na lang kami.Balak kong sa bahay na lang managhalian, pero lampas lunch time na eh wala pa rin siya. Pagbalik ko sa sala ay sakto namang kakapasok lang ng tatlo. Sina Sena, Sima at Fawn. Parang kanina lang na umaga ay nandito itong si Sena e. "Anong ginagawa niyo rito?" Don't get me wrong ah, may pasok kasi sila kaya bakit sila nandito?"Break time." Tahimik na umupo si Sena at Sima sa c