Wala akong ideya sa nangyayari. Basta pagkagising ko may note na nakalagay ng gagawin ko kaya heto ako ngayon tinitingnan ang repleksiyon ko sa salamin. Nakasuot ako ng white dress at may korona na gawa sa bulaklak ang nakapatong sa ulo ko.Napatingin ako sa pinto ng bumukas iyon. Napangiti ako ng makita si Alle na nakasuot 'din ng white dress at may nakalagay 'din sa ulo niya na katulad ng sa'kin."Come, mommy"yaya niya sa'kin ng lapitan ako. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papalabas ng kwarto.Sinalubong nila ako ng masigabong palakpakan. Naguguluhan ako ng makita ang pamilya ko at ang pamilya ni Well pati ang mga kaibigan namin.Lahat ng babae ay nakasuot ng white dress habang ang mga lalaki naman ay nakasuot ng white longsleeve at gray slacks and gray coat."Anong nangyayari? Wala naman akong naalalang okasyon, ah"naguguluhan kong tanong kay Well ng lapitan niya ako."Relax, honey. Okay?"nakangiting sabi niya. Sinundan ko si Alle ng magpunta siya sa piano. Napatingin a
Naabutan kong nakasandal si Well sa head board ng kama habang nagbabasa ng libro. Mukhang seryuso ito sa pagbabasa kaya hindi nito napansin ang pagpasok ko dito sa kwarto. Llumapit ako sa 'kanya at sumampa sa kama."Good night, honey"sabi ko sabay halik sa pisngi niya.Tiniklop niya ang librong binabasa niya bago ako binalingan. "Tulog na'ba si Alle?"tanong niya.Doon ako galing sa kwarto ni Alle para silipin ito kong tulog na. Katabi niya sa kama ang kambal , napagod siguro kakalaro kanina kaya bagsak ang mga katawan. Hindi na nga sila nakakain dahil antok na antok na ang mga ito."Yes, tulog na siya. Matulog na 'din tayo medyo late na 'din kasi"pahayag ko sabay yakap sa beywang niya."Sure. May pupuntahan tayo bukas na umaga"anito."Saan naman tayo pupunta?"usisa ko."Gusto ko lang mag relax tayo"mabilis na sagot niya. "Okay"buntong hiningang sabi ko at mas lalong hinigpitan ang pagkakayap ko sa beywang niya. Mariin akong napapikit ng halikan niya ang ulo ko at niyakap ako pabali
"What's the result?"kinakabahang tanong sa'kin ni Well ng makalabas ako sa banyo dala ang dalawang pregnancy test na ginamit ko.Bumuga ako ng hangin bago ipinakita sa'kanya ang resulta."Oh my!"bulalas niya.Mabilis siyang tumalikod sa'kin. Hindi ko alam ang gagawin ko ng makita ang pagyugyog ng mga balikat nito."W-Well"nag-aalalang tawag ko sa'kanya.Nagulat na lamang ako ng mabilis ako nitong hinarap at dinambahan ng yakap. Hindi ako makahinga sa paraan ng pagkakayakap niya na parang wala ng bukas.Niyakap ko siya pabalik at hinagod ang likod niya."Thank you, Maxine"bulong niya sa'kin. Hinalikan niya ako sa pisngi at noo ng pakawalan niya ako.Kinuha niya ang dalawang kamay ko at mahigpit 'yong hinawakan."I told you. Magiging daddy ulit ako"nakangiting sabi niya habang naglalandas sa'kanyang pisngi ang luha.Hinawakan ko ang pisngi niya at pinunasan ang basang pisngi niya. Muli ko siyang niyakap, mahigpit iyon ng mahigpit."Yes, honey. Magiging daddy ka ulit. Im so happy"nakangi
"Ano bang niluto mo?"excited na tanong ko kay Well na abalang-abala sa kusina."It's just a soup with lots of veggies. I searched online and it said it's nutritious for pregnant women, so that's what I learned to cook"kibit-balikat na sabi nito. "Hon, pancit ang gusto ko"nakangusong sabi ko. Sinisikmura na ako dahil iyon talaga ang gustong kainin. "Kahapon pa ako naghahanap 'non. Gusto ko 'yung tutong na tutong 'yong bawang"naglalaway na sabi ko.Iwan ko ba. Nahawaan ata ako ni Joyce?"O-Okay. Sandali lang"taranta nitong kinuha ang phone at nagtungo sa garden.Sino kaya ang tatawagan niya? Hindi naman ito nagtagal at bumalik 'din naman kaagad."Pinapunta ko na lang dito sila Mama para ipagluto ka ng pancit na gusto mo. Pasensiya kana sweetheart, I dont know how to cook pancit"Kahit naman ako hindi 'din alam kong paano magluto ng pancit, hindi ko naman kasi siya paborito pero bakit ngayon iyon ang gustong-gusto ko.Mabuti na lang talaga hindi pa naiisipan nila Mama na umuwi ng Lag
JOYCE's POVNaka-ilang gising na ako kay Ivan pero hindi pa 'din ito magising-gising kaya buong lakas ko itong sinipa.Tulog mantika talaga ang lalaking 'to!"Arayyy!"rinig kong daing nito ng mahulog siya sa sahig dahil sa lakas ng pagkakasipa ko sa'kanya."Bakit mo naman ako sinipa?"nagkakamot sa ulo nitong tanong ng tumayo.Hindi nito halos maimulat ang mata sa sobrang antok. Bakit naman ako maawa sa'kanya? Siya ang may kasalanan kong bakit ako nabuntis.Hindi kasi nag-iingat. Tsk!"Tulog mantika ka kasi"bulyaw ko sa'kaniya.Pinigilan ko ito ng muling hihiga sa kama. Sinamaan ko siya ng tingin, 'yong tipong ikakamatay niya."Humanap ka ng manggang hilaw. Ngayon 'din!"utos ko.Hindi ko talaga kayang pigilan ang sarili ko sa kong anong gusto kong kainin. Alam ko naman kong anong oras palang. Wala siyang mahahanap na manggang hilaw sa ganitong oras. Pero anong magagagawa ko? Iyon talaga ang gusto ko, eh.Napamulat ng tuluyan ang mga mata nit Ivan at kunot noo akong tiningnan. Nakokons
"My name is Allera Mnemosyne De Lara Montefalco. I'm 3 years old. I loved to sing and dance. And I loved to play a piano"Nagpalakpakan kami ng matapos si Alle sa pagpapakilala sa kanyang sarili.Malapit na ang pagpasok niya sa school kaya nag pa-practice na siyang magpakilala ng sarili niya."Ang galing-galing naman ng apo ko"masayang komento ni Mama kay Alle na umupo sa kandungan ng Lola niya."Matalino ang batang ito, eh"dagdag ni Papa sa sinabi ni Mama.Niyakap at hinalikan niya sa ulo si Alle. Napangiti naman ako. Napakasaya kong makita silang ganito.Kontento na ako na makita silang malusog at walang sakit. 'Yun lang talaga ang palagi kong pinapanalangin sa puong may kapal."Halika muna, Maxine sa kusina. Kumain muna kayo ni Alle bago umalis"alok sa'kin Mama.Inalok kuna 'din si Papa at Alle para kumain.Talagang gutom na gutom ako, this past few weeks nagiging lantaran na ang paglilihi ko.Hindi katulad noong mga nakaraang ligggo na palagi lang ako inaantok at natutulog. Ngayon
Ibinaba ko ang bintana ng katakin iyon ni Well."Kaya mo ba talagang mag drive?"tanong niya. Actually pang ilang beses niya ng itinanong 'yan sa'kin.Magkaiba kasi ang way na dadaanan namin kaya hindi niya kami pwedeng ihatid sa school ni Alle dahil baka ma late siya sa trabaho.First day pa naman ni Alle sa school kaya kailangan ko talaga siyang ihatid.May meeting siya with Mr. Chan kaya hindi niya kami masasamahan ni Alle sa school pero okay lang naman sa'min 'yon.Alam ko naman na napaka-importante namin sa'kanya at ang negosyo niya. Bilang asawa niya kailangan ko siyang supportahan."Well, please huwag kanang mag-alala. Malapit lang naman ang school ni Alle. Promise mag-iingat ako sa pagmamaneho"nakangiting sabi ko.Nawala ang gatla sa noo niya pagkuway marahas na bumuga ng hangin."Im really sorry, wife---""Please don't. I understand"buntong hiningang sabi ko.Alam kong hirap na hirap siya ngayon sa desisyon niya, pero wala naman siyang choice. Naiintindihan ko naman na kailan
Im 20 weeks pregnant now. Kaya malaki na ang umbok ng tiyan ko lalo na't kambal ang dinadala ko."They are already here"bulong sa'kin ni Well.Napangiti ako. Ngayon na lang ulit kami magkikita ni Joyce, maselan kasi ang naging paglilihi nito.Naghanda kaming mag-asawa ng salo-salo para sa pagbisita nila ni Ivan.Napahawak ako sa tiyan ko at napangiwi ng biglang sumipa ang kambal. Mabilis naman akong inalalayan ni Well."What happened?"nag-aalalang tanong niya sa'kin.Inalalayan niya akong maaupo sa upuan."Sumipa na naman sila"nakangiwi sagot ko.Nag squat si Well sa harapan ko. Hinaplos niya ang malaking tiyan ko kaya napangiti ako."Boys please huwag niyong pahirapan ang mommy niyo"aniya. Natawa ako ng halikan niya ang tiyan ko."Maxine!"tili ni Joyce.Patakbo siyang lumapit sa'kin. Napangiti ako ng makita ang malaki na 'din nitong tiyan gusto kong maiyak sa sobrang saya.Masaya ako para sa'kanya, sa wakas magkakaroon na siya ng sarili niyang pamilya.Maingat akong tumayo at inilaha