"Pwede naman iyun kung gustuhin mo," mahinahong sagot ko sa kanya."[Pero ayaw ko,]" agad niyang sabi. Tumahimik ako para pakinggan ang kanyang sunod na sasabihin. "[Ayaw kong maging clueless nalang parati,]" dagdag niyang sabi.Alam kong may kinalaman si Ivan sa kanyang inisip niya ngayon. Hindi niya man sabihin sa akin, ramdam ko siya. Kaibigan ko siya ng ilang taon kaya kilalang kilala ko na siya."Btw, kumusta kayo ng kuya mo?" mahinahong tanong ko sa kanya. Hindi ko pa siya nakamusta ng kuya niya. Hindi ko rin ma kausap ang kuya niya dahil naka block na siya sa akin.Actually pwede ko naman siya tanggalin sa blocklist pero importante kasi sa akin ang taong nag lagay doon sa kanya kaya hayaan ko nalang iyun."[Okay lang naman kami,]" simpleng sabi niya. Tatanungin ko pa sana siya pero hindi pa ako nakalabas sa sasakyan kaya kailangan ko ng lumabas sa sasakyan hanggat hindi pa nila ako napansin. "Papatayin ko na ang tawag, mag-aayos lang ako ng gamit," paalam ko sa kanya. Hindi k
"Oo," simpleng sagot ko."[Yesss!]" sigaw niya sa kabilang linya kaya napangiti ako. Kapag pwede na soyang mag desisyon sa kanyang sarili alam kung sa akin agad siya pupunta at hindi iisipin ang pamilya namin.Ramdam ko siya kaya nasasaktan ako kapag nilayuan ko siya. Ayaw kong madamay siya sa kamalasan ko sa buhay."Wag mong sabihin kay mommy," mahinahong sabi ko habang sumandal sa sofa at pumikit. Hindi ko alam kung bakit naisipan kong umuwi ngayon, pero ayaw naman ipaalam sa kanila.Siguro pagkarating ko nalang doon. Hindi ako pwede sa bahay dahil mag-aaway lang kami ni mommy kaya mag check in ako sa hotel sa malapit bukas."[Of course, baka sabihin niya sayo na wag ka munang umuwi at susundin mo naman siya,]" seryosong sabi niya. Natigilan ako sa kanyang sinabi. Bakit pakiramdam ko sinabi niyang sunod sunoran ako sa gusto nila mommy? pero hindi ba?Noong sinabi nilang lumayas ako, lumayas ako. Noong sinabi niyang ayaw na nila sa akin, tinaggap ko. Noong sinabi nilang wag akong umu
"[Paano kung hindi ko matanggap?]" seryosong tanong niya kaya hindi agad ako nakapagsalita. Hindi ko rin matanggap, hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako pero ayaw kong ipakita iyun sa kapatid ko. Gusto kong malaman niyang masaya pa rin ako sa kabila ng nangyari sa pamilya namin."Ang importante masaya ako sa buhay ko ngayon," nakangiting sabi ko kahit hindi niya ako makita."[Okay lang sayo kung wala kami? o kahit ako lang ate? masaya ka kapag wala ako?]" malungkot niyang tanong sa akin.Ito ang namiss ko sa kanya, yung nagpapalambing sa akin. "Hindi sa ganun Miguel," mahinahong sabi ko at dudugtongan ko na sana pero nagsalita siya. Nakangiti na ako habang kausap siya, namiss ko talaga ang batang to."[Kaya ka ba hindi mo ako kinausap ng matagal, kahit sabihin ni mommy na wag akong kausapin kung mahal mo ako, kakausapin mo pa rin ako dahil namiss mo ako,]" nagtatampo na niyang sabi.Nakakalungkot lang dahil ganito ang inisip niya ngayon sa ginawa ko, pero hinayaan ko iyun. Ayaw ko
Maaga akong nakatulog kinagabihan kahit excited na akong umuwi sa amin. Nakangiti pa akong natulog, kahit alam kong disaster talaga pag-uwi ko bukas. Kusa akong nagising habang nakangiti pa rin."Ang sarap pala sa pakiramdam na walang isipin na trabaho sa umaga," nakangising pagka-usap ko sa sarili ko. Mabuhay kaya ako kapag walang trabaho? kapag ang sagot ay oo, tatapusin ko na yung kontrata ko sa modeling agency kung na saan ako.Dumeritso ako sa kusina at tiningnan ang laman ng ref ko pero wala akong nakitang laman dun, ngayon ko lang din naalala na sinadya ko palang ubusin ang laman doon dahil aalis naman ako. Hayst, nasa mood pa naman ako mag luto ngayon, pero mag order nalang ako siguro.Dumeritso ako sa living room para doon maghanap ng makakain. Gusto ko sanang kumain ng Jollibee pero tinamad akong mag drive papunta doon.Ngumuso ako nang wala akong makitang gustong makain doon. Biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa tawag ni Vanessa kaya sinagot ko agad ito."Yes?" "[Pa
Hindi ko alam ano talaga ang meron sa kanilang dalawa pero alam kong may something talaga siya kay Ivan. "[Shut up na Layviel, ipahatid ko nalang diyan ang pagkain mo,]" sabi niya. Ngumisi ako sa narinig ko sa kanya. Ayan kasi na unang nang-asar tapos siya pala ang mapipikon. "Okay," tuwang tuwa kong sabi. "[Natutuwa ka pa talaga ha,]" sabi niya, halatang napipikon na base sa kanyang boses. "Wag kang pikon," pang-aasar ko. Narinig kong may binulong siya pero hindi ko maintindihan kaya tinawanan ko nalang siya. "[Bye na, maghanda na ako,]" seryosong sabi niya. "Okay, bye." "[Sana naman maisipan mong mag update kung humihinga ka paba pagdating mo doon sa inyo,]" sabi niya kaya natawa ako sa pamaraan ng kanyang pagsabi. Hindi iyan ang Vanessa na nakilala ko, style ko iyan pero kuhang kuha niya. "Oo na, tatawag ako kapag nakarating na ako doon," sabi ko. Iyan ang palaging sagot niya sa akin kapag uuwi siya at sasabihin ko iyun sa kanya. Pinatay na niya ang tawag kaya sinandal ko a
"Wag ka ng malungkot, uuwi na nga ako diba ngayon? I miss you too Miguel.""[Pero alam kong babalik ka rin,]" malungkot na talagang sabi niya. Hindi ako nakasagot, may narinig din akong na doorbell at naalala kong binilhan pala ako ni Vanessa ng pagkain."Mag-usap nalang tayo mamaya pagkarating ko diyan, papatayin ko na. Nandito na ang pagkain ko.""[Okay ate bye.]""Bye."Namatay ang tawag, tumayo na ako at dumeritso sa pinatuan para kunin ang pinabili ni Vanessa. Pagkabukas ko, nakita kong isa sa mga bodyguards niya ang naghatid. Kilala ko na ang mga bodyguards niya, ganun din siya sa akin. Iisa lang kasi ang kompanya ng security naming dalawa."Salamat kuya," pasalamat ko bago tumalikod sa kanya.Bakit nga ba hindi ko naisipan magpabili nalang kanina? naisip ko pa na mag drive at bago maka sakay sa sasakyan ko maraming reporters na haharang sa akin at matatagalan ako kaya tinamad ako kanina talaga pero hindi ko inisip na pwede palang magpabili nalang sa mga tauhan na nandiyan lang
Kung hindi nila ako tanggap pagbalik ko dahil sa tumaba ako, hindi ko naman iyun kawalan. Hindi ko sila pipilitin na tanggapin ako, maraming naghihintay na opportunity para sa akin.Pero yun kung tataba ako. Kahit anong kain ko, hindi talaga ajo tataba. Parang sanay na itong katawan ko sa ganitong shape.Umakyat na ako sa kwarto ko para mag-ayos na at maka-alis na. Sana naman wala ng mga reporters sa labas, baka susundan pa nila ako hanggang doon sa amin. Bago ako pumasok sa shower nakita kong may natanggap akong trxt kaya tiningnan ko muna ito. Nakita kon si Zephyrus pala ito.Boss: anong oras ka uuwi? hatid na kita.Napairap ako sa kanyang text. Hindi ba siya nag-iisip? at kailan ko ba sinabing okay kami? sa pagkaalala ko sinabi ko sa kanya na iwasan na namin ang isa't isa. Kulit din isang to. Hindi ko rin naman mapigilan mag reply sa kanya. Oo na ako na yung marupok.Me: kahit kailan hindi iyan tinanong ng dating boss namin.Nilapag ko na ang cellphone ko at tuluyan ng pumasok sa
Wala na akong masabi kay ate. Puro nalang sila pang-aasar sa akin. Sarap nilang kainin ng buhay. Kinuha ko ang bag na dadalhin ko. Bag lang dahil kunti lang dinala ko. Bibili nalang ako sa mga mall kung kulang itong dala ko. Hindi na ako nakabili ng bagong damit, dahil hindi naman iyun magamit sa shooting.Tumawag muna ako sa baba para magtanong."[Good morning ma'am, how can I help you?]" agad bungad sa akin. Laos na yung 'how can I help you' para sa akin, makaluma."Gusto ko lang tanungin kung may mga reporters ba sa parking lot?" seryosong tanong ko. Alam kong nakilala niya ako kaya alam kong alam niya rin ang issue ko ngayon."[Yes ma'am, may ilalagay kaming guard para hindi sila makalapit sayo paglabas mo.]"Bakit hindi nalang paalisin diba? tsk. Alam kong gusto rin naman nilang ma interview ako dahil mga chismossa rin sila. May guar2 pa silang nalalaman."It's okay, I have bodyguards,]" seryosong sabi ko. Baka lang din reporters lang ibibigay niyang bodyguard. Kunwari pa sila.