Hindi ko alam ano talaga ang meron sa kanilang dalawa pero alam kong may something talaga siya kay Ivan. "[Shut up na Layviel, ipahatid ko nalang diyan ang pagkain mo,]" sabi niya. Ngumisi ako sa narinig ko sa kanya. Ayan kasi na unang nang-asar tapos siya pala ang mapipikon. "Okay," tuwang tuwa kong sabi. "[Natutuwa ka pa talaga ha,]" sabi niya, halatang napipikon na base sa kanyang boses. "Wag kang pikon," pang-aasar ko. Narinig kong may binulong siya pero hindi ko maintindihan kaya tinawanan ko nalang siya. "[Bye na, maghanda na ako,]" seryosong sabi niya. "Okay, bye." "[Sana naman maisipan mong mag update kung humihinga ka paba pagdating mo doon sa inyo,]" sabi niya kaya natawa ako sa pamaraan ng kanyang pagsabi. Hindi iyan ang Vanessa na nakilala ko, style ko iyan pero kuhang kuha niya. "Oo na, tatawag ako kapag nakarating na ako doon," sabi ko. Iyan ang palaging sagot niya sa akin kapag uuwi siya at sasabihin ko iyun sa kanya. Pinatay na niya ang tawag kaya sinandal ko a
"Wag ka ng malungkot, uuwi na nga ako diba ngayon? I miss you too Miguel.""[Pero alam kong babalik ka rin,]" malungkot na talagang sabi niya. Hindi ako nakasagot, may narinig din akong na doorbell at naalala kong binilhan pala ako ni Vanessa ng pagkain."Mag-usap nalang tayo mamaya pagkarating ko diyan, papatayin ko na. Nandito na ang pagkain ko.""[Okay ate bye.]""Bye."Namatay ang tawag, tumayo na ako at dumeritso sa pinatuan para kunin ang pinabili ni Vanessa. Pagkabukas ko, nakita kong isa sa mga bodyguards niya ang naghatid. Kilala ko na ang mga bodyguards niya, ganun din siya sa akin. Iisa lang kasi ang kompanya ng security naming dalawa."Salamat kuya," pasalamat ko bago tumalikod sa kanya.Bakit nga ba hindi ko naisipan magpabili nalang kanina? naisip ko pa na mag drive at bago maka sakay sa sasakyan ko maraming reporters na haharang sa akin at matatagalan ako kaya tinamad ako kanina talaga pero hindi ko inisip na pwede palang magpabili nalang sa mga tauhan na nandiyan lang
Kung hindi nila ako tanggap pagbalik ko dahil sa tumaba ako, hindi ko naman iyun kawalan. Hindi ko sila pipilitin na tanggapin ako, maraming naghihintay na opportunity para sa akin.Pero yun kung tataba ako. Kahit anong kain ko, hindi talaga ajo tataba. Parang sanay na itong katawan ko sa ganitong shape.Umakyat na ako sa kwarto ko para mag-ayos na at maka-alis na. Sana naman wala ng mga reporters sa labas, baka susundan pa nila ako hanggang doon sa amin. Bago ako pumasok sa shower nakita kong may natanggap akong trxt kaya tiningnan ko muna ito. Nakita kon si Zephyrus pala ito.Boss: anong oras ka uuwi? hatid na kita.Napairap ako sa kanyang text. Hindi ba siya nag-iisip? at kailan ko ba sinabing okay kami? sa pagkaalala ko sinabi ko sa kanya na iwasan na namin ang isa't isa. Kulit din isang to. Hindi ko rin naman mapigilan mag reply sa kanya. Oo na ako na yung marupok.Me: kahit kailan hindi iyan tinanong ng dating boss namin.Nilapag ko na ang cellphone ko at tuluyan ng pumasok sa
Wala na akong masabi kay ate. Puro nalang sila pang-aasar sa akin. Sarap nilang kainin ng buhay. Kinuha ko ang bag na dadalhin ko. Bag lang dahil kunti lang dinala ko. Bibili nalang ako sa mga mall kung kulang itong dala ko. Hindi na ako nakabili ng bagong damit, dahil hindi naman iyun magamit sa shooting.Tumawag muna ako sa baba para magtanong."[Good morning ma'am, how can I help you?]" agad bungad sa akin. Laos na yung 'how can I help you' para sa akin, makaluma."Gusto ko lang tanungin kung may mga reporters ba sa parking lot?" seryosong tanong ko. Alam kong nakilala niya ako kaya alam kong alam niya rin ang issue ko ngayon."[Yes ma'am, may ilalagay kaming guard para hindi sila makalapit sayo paglabas mo.]"Bakit hindi nalang paalisin diba? tsk. Alam kong gusto rin naman nilang ma interview ako dahil mga chismossa rin sila. May guar2 pa silang nalalaman."It's okay, I have bodyguards,]" seryosong sabi ko. Baka lang din reporters lang ibibigay niyang bodyguard. Kunwari pa sila.
Buti nalang pinaalis sila ng mga bodyguards, kung hindi may paglamayan mamaya.Iniinis nila ako.Pinaharurot ko agad ang sasakyan ko kaya yung iba na mismo ang umalis sa dadaanan ko. Takot palang mamatay pero nasa harapan nakaharang.Nang makalabas na ako mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko habang tiningnan ang side mirror para matingnan kung may nakasunod ba sa akin. Wala naman siguro kaya nagpatuloy lang ako sa pag drive.Medyo malayo ang sa amin dito kaya alam kong matatagalan ako pero si Miguel panay tawag na sa akin."[Ate na saan ka na?]" tanong niya sa akin habang nag drive pa ako."Nasa daan pa Miguel, masyado kang excited," simpleng sabi ko."[Nag drive ka na ngayon?]" tanong niya."Yes.""[Btw ate, saan ka uuwi? sabi mo kasi na wag ko munang sabihin kay mommy,]" tanong niya sa akin."May hotel naman diyan malapit lang," simpleng sagot ko."[Pupunta ako doon ate ngayon, ako na mag booked para sayo,]" alok niya."May pera ka ba?" biro kong tanong sa kanya. Tuloy-tuloy lang
Bumugtong hininga ako nang naging pamilyar na sa akin ang lugar. Sobrang dami ng pinagbago pero hindi pa rin mawala ang mga ala-ala ko sa bawat sulok dito noong panahong tinakwil ako ni mommy.Mapait akong ngumiti at dahan dahang dumaan doon. Maraming tumingin sa sasakyan ko, alam kong hindi nila nakilala kung sino ang nasa loob. Mas mabuti na rin iyun.Nakita ko pang may groupo ng matanda na nagbulong bulongan habang nakatingin sa sasakyan ko. Sa lugar na ito, sila mommy ang mayaman sa lahat ng tao dito. Kaya nga tinakwil ako ni mommy kaysa siya ang itakwil sa pamilya niyang mayaman.Si daddy? may kaya rin naman sila pero hindi kagaya ng kay mommy. Pero wala rin naman akong pake kung sino ang mas mayaman dito o sinong mas mayaman sa kanila ni daddy, wala naman akong natanggap noong naghihirap ako. Kahit kay daddy, wala.Nagpasalamat lang ako noong bata ako dahil binuhay nila ako. Actually, close kami no mommy dati bago nangyari lahat. Kaya hindi ko magawang magalit sa kaniya o kahit
Tanginang lalaking iyun pinagpalit ako sa babaeng malaki ang dibdib? napatingin ako sa sarili ko. Kahit maliit to kaya kong paligayahin ang lalaki. Inis kong kinuha ang susi sa sasakyan ko para pumunta sa bar. Hindi ako nasasaktan, naiinis lang ako dahil kaya niya akong ipaglit sa babaeng dibdib lang ang panglaban. Ayaw niya sa akin? kagandahan ang dala. Tsk! Maraming nag chat sa akin noong naghihiwalay kami, puro mukhang babaero. Okay na rin iyun, pinagtitiisan ko lang naman ang mukha ng gagong iyun. Nakarating ako sa bar, tumawag ang kaibigan kong daig pa ang angel sa kabaitan. Magkaiba kami ng ugali kaya hindi ko madala ito sa ganitong lugar. Ayaw ko rin siyang dalhin, makapatay ako ng lalaki pag may lalapit sa kanya o mahawakan man lang ang kamay niya.Hindi muna ako lumabas sa sasakyan at sinagot muna ang tawag niya. Maingay na sa loob kong doon ko pa siya sasagutin."Oh?" "[Hinanap ka ng boyfriend mo,]" mahinhin nitong balita sa akin. Napairap ako sa kawalan. "Ex boyfriend
Warning.Nahihilo na ako pero nasa katinuan parin ako. Pag ganito na, tatayo na ako para mag sayaw gaya lang din dati.Sarap ng dj—este yung tinugtog niya! whoo! Tumalon talon ako at masayang nakipagsabayan sa mga tao sa dance floor. Whooo!Naramdaman kong may humawak sa baywang ko galing sa likod kaya agad kong hinarap ito. Tinaasan ko muna siya ng kilay bago nakipagsayawan sa kanya. Dati pag may lalaking lumapit sa akon mapupunta kami sa gilid para mag make out lang pero ngayon, wala akong gana. May maganda rin palang nangyari ang pilit kong pagseryoso sa pangit kong ex, hindi na ako uhaw sa halik ng lalaki.Sumayaw lang ako pero umalis lang ako sa kanyang harap at iniwan ang lalaki. Not you boy! Nakisabayan ulit ako sa mga sumasayaw. Naramdaman kong may mainit na kamay ang umawak sa baywang ko na nagpatayo sa balabahibo ko sa buong katawan. Sht.Humarap ako sa kanya, agad niya akong hinila at diniin sa kanyang sarili. Nagpakit ako ng maradaman ang mainit niyang katawan. Hindi k