"[Paano kung hindi ko matanggap?]" seryosong tanong niya kaya hindi agad ako nakapagsalita. Hindi ko rin matanggap, hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako pero ayaw kong ipakita iyun sa kapatid ko. Gusto kong malaman niyang masaya pa rin ako sa kabila ng nangyari sa pamilya namin."Ang importante masaya ako sa buhay ko ngayon," nakangiting sabi ko kahit hindi niya ako makita."[Okay lang sayo kung wala kami? o kahit ako lang ate? masaya ka kapag wala ako?]" malungkot niyang tanong sa akin.Ito ang namiss ko sa kanya, yung nagpapalambing sa akin. "Hindi sa ganun Miguel," mahinahong sabi ko at dudugtongan ko na sana pero nagsalita siya. Nakangiti na ako habang kausap siya, namiss ko talaga ang batang to."[Kaya ka ba hindi mo ako kinausap ng matagal, kahit sabihin ni mommy na wag akong kausapin kung mahal mo ako, kakausapin mo pa rin ako dahil namiss mo ako,]" nagtatampo na niyang sabi.Nakakalungkot lang dahil ganito ang inisip niya ngayon sa ginawa ko, pero hinayaan ko iyun. Ayaw ko
Maaga akong nakatulog kinagabihan kahit excited na akong umuwi sa amin. Nakangiti pa akong natulog, kahit alam kong disaster talaga pag-uwi ko bukas. Kusa akong nagising habang nakangiti pa rin."Ang sarap pala sa pakiramdam na walang isipin na trabaho sa umaga," nakangising pagka-usap ko sa sarili ko. Mabuhay kaya ako kapag walang trabaho? kapag ang sagot ay oo, tatapusin ko na yung kontrata ko sa modeling agency kung na saan ako.Dumeritso ako sa kusina at tiningnan ang laman ng ref ko pero wala akong nakitang laman dun, ngayon ko lang din naalala na sinadya ko palang ubusin ang laman doon dahil aalis naman ako. Hayst, nasa mood pa naman ako mag luto ngayon, pero mag order nalang ako siguro.Dumeritso ako sa living room para doon maghanap ng makakain. Gusto ko sanang kumain ng Jollibee pero tinamad akong mag drive papunta doon.Ngumuso ako nang wala akong makitang gustong makain doon. Biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa tawag ni Vanessa kaya sinagot ko agad ito."Yes?" "[Pa
Hindi ko alam ano talaga ang meron sa kanilang dalawa pero alam kong may something talaga siya kay Ivan. "[Shut up na Layviel, ipahatid ko nalang diyan ang pagkain mo,]" sabi niya. Ngumisi ako sa narinig ko sa kanya. Ayan kasi na unang nang-asar tapos siya pala ang mapipikon. "Okay," tuwang tuwa kong sabi. "[Natutuwa ka pa talaga ha,]" sabi niya, halatang napipikon na base sa kanyang boses. "Wag kang pikon," pang-aasar ko. Narinig kong may binulong siya pero hindi ko maintindihan kaya tinawanan ko nalang siya. "[Bye na, maghanda na ako,]" seryosong sabi niya. "Okay, bye." "[Sana naman maisipan mong mag update kung humihinga ka paba pagdating mo doon sa inyo,]" sabi niya kaya natawa ako sa pamaraan ng kanyang pagsabi. Hindi iyan ang Vanessa na nakilala ko, style ko iyan pero kuhang kuha niya. "Oo na, tatawag ako kapag nakarating na ako doon," sabi ko. Iyan ang palaging sagot niya sa akin kapag uuwi siya at sasabihin ko iyun sa kanya. Pinatay na niya ang tawag kaya sinandal ko a
"Wag ka ng malungkot, uuwi na nga ako diba ngayon? I miss you too Miguel.""[Pero alam kong babalik ka rin,]" malungkot na talagang sabi niya. Hindi ako nakasagot, may narinig din akong na doorbell at naalala kong binilhan pala ako ni Vanessa ng pagkain."Mag-usap nalang tayo mamaya pagkarating ko diyan, papatayin ko na. Nandito na ang pagkain ko.""[Okay ate bye.]""Bye."Namatay ang tawag, tumayo na ako at dumeritso sa pinatuan para kunin ang pinabili ni Vanessa. Pagkabukas ko, nakita kong isa sa mga bodyguards niya ang naghatid. Kilala ko na ang mga bodyguards niya, ganun din siya sa akin. Iisa lang kasi ang kompanya ng security naming dalawa."Salamat kuya," pasalamat ko bago tumalikod sa kanya.Bakit nga ba hindi ko naisipan magpabili nalang kanina? naisip ko pa na mag drive at bago maka sakay sa sasakyan ko maraming reporters na haharang sa akin at matatagalan ako kaya tinamad ako kanina talaga pero hindi ko inisip na pwede palang magpabili nalang sa mga tauhan na nandiyan lang
Kung hindi nila ako tanggap pagbalik ko dahil sa tumaba ako, hindi ko naman iyun kawalan. Hindi ko sila pipilitin na tanggapin ako, maraming naghihintay na opportunity para sa akin.Pero yun kung tataba ako. Kahit anong kain ko, hindi talaga ajo tataba. Parang sanay na itong katawan ko sa ganitong shape.Umakyat na ako sa kwarto ko para mag-ayos na at maka-alis na. Sana naman wala ng mga reporters sa labas, baka susundan pa nila ako hanggang doon sa amin. Bago ako pumasok sa shower nakita kong may natanggap akong trxt kaya tiningnan ko muna ito. Nakita kon si Zephyrus pala ito.Boss: anong oras ka uuwi? hatid na kita.Napairap ako sa kanyang text. Hindi ba siya nag-iisip? at kailan ko ba sinabing okay kami? sa pagkaalala ko sinabi ko sa kanya na iwasan na namin ang isa't isa. Kulit din isang to. Hindi ko rin naman mapigilan mag reply sa kanya. Oo na ako na yung marupok.Me: kahit kailan hindi iyan tinanong ng dating boss namin.Nilapag ko na ang cellphone ko at tuluyan ng pumasok sa
Wala na akong masabi kay ate. Puro nalang sila pang-aasar sa akin. Sarap nilang kainin ng buhay. Kinuha ko ang bag na dadalhin ko. Bag lang dahil kunti lang dinala ko. Bibili nalang ako sa mga mall kung kulang itong dala ko. Hindi na ako nakabili ng bagong damit, dahil hindi naman iyun magamit sa shooting.Tumawag muna ako sa baba para magtanong."[Good morning ma'am, how can I help you?]" agad bungad sa akin. Laos na yung 'how can I help you' para sa akin, makaluma."Gusto ko lang tanungin kung may mga reporters ba sa parking lot?" seryosong tanong ko. Alam kong nakilala niya ako kaya alam kong alam niya rin ang issue ko ngayon."[Yes ma'am, may ilalagay kaming guard para hindi sila makalapit sayo paglabas mo.]"Bakit hindi nalang paalisin diba? tsk. Alam kong gusto rin naman nilang ma interview ako dahil mga chismossa rin sila. May guar2 pa silang nalalaman."It's okay, I have bodyguards,]" seryosong sabi ko. Baka lang din reporters lang ibibigay niyang bodyguard. Kunwari pa sila.
Buti nalang pinaalis sila ng mga bodyguards, kung hindi may paglamayan mamaya.Iniinis nila ako.Pinaharurot ko agad ang sasakyan ko kaya yung iba na mismo ang umalis sa dadaanan ko. Takot palang mamatay pero nasa harapan nakaharang.Nang makalabas na ako mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko habang tiningnan ang side mirror para matingnan kung may nakasunod ba sa akin. Wala naman siguro kaya nagpatuloy lang ako sa pag drive.Medyo malayo ang sa amin dito kaya alam kong matatagalan ako pero si Miguel panay tawag na sa akin."[Ate na saan ka na?]" tanong niya sa akin habang nag drive pa ako."Nasa daan pa Miguel, masyado kang excited," simpleng sabi ko."[Nag drive ka na ngayon?]" tanong niya."Yes.""[Btw ate, saan ka uuwi? sabi mo kasi na wag ko munang sabihin kay mommy,]" tanong niya sa akin."May hotel naman diyan malapit lang," simpleng sagot ko."[Pupunta ako doon ate ngayon, ako na mag booked para sayo,]" alok niya."May pera ka ba?" biro kong tanong sa kanya. Tuloy-tuloy lang
Bumugtong hininga ako nang naging pamilyar na sa akin ang lugar. Sobrang dami ng pinagbago pero hindi pa rin mawala ang mga ala-ala ko sa bawat sulok dito noong panahong tinakwil ako ni mommy.Mapait akong ngumiti at dahan dahang dumaan doon. Maraming tumingin sa sasakyan ko, alam kong hindi nila nakilala kung sino ang nasa loob. Mas mabuti na rin iyun.Nakita ko pang may groupo ng matanda na nagbulong bulongan habang nakatingin sa sasakyan ko. Sa lugar na ito, sila mommy ang mayaman sa lahat ng tao dito. Kaya nga tinakwil ako ni mommy kaysa siya ang itakwil sa pamilya niyang mayaman.Si daddy? may kaya rin naman sila pero hindi kagaya ng kay mommy. Pero wala rin naman akong pake kung sino ang mas mayaman dito o sinong mas mayaman sa kanila ni daddy, wala naman akong natanggap noong naghihirap ako. Kahit kay daddy, wala.Nagpasalamat lang ako noong bata ako dahil binuhay nila ako. Actually, close kami no mommy dati bago nangyari lahat. Kaya hindi ko magawang magalit sa kaniya o kahit
"Aalis tayong lahat dito kung aalis si Miguel," seryosong sabi ni lolo. Napangisi ako. Favorite nga ni lolo si Miguel, habang favorite din akong kampihan ni Miguel. Ano kayo diyan?"Lolo!" inis na sigaw ng pinsan ko at tumayo habang masamang tumingin sa akin."Lolo, kung hindi siya aalis, ako nalang aalis!" pananakot niya kay lolo. Kung natakot nga si lolo sa kanya, parang wala lang naman kay lolo."Kung iyun ang gusto mo," seryosong sabi ni lolo. Gusto kong matawa sa reaction ng mga tita ko."Papa!" sigaw ni tita ang mama nang pinsan ko nananakot kay lolo."Fine!" inis na sigaw ng pinsan ko at mag padabog na lumabas sa mansyon."Aalis kaming lahat dito papa!" galit na ring sabi ni tita at lumabas agad para sundan ang anak.Lumabas nga silang lahat, kami nalang ang natira ng parents ko at ang kapatid ko.Ganun sila ka ayaw sa akin kaya nagsi-alisan lahat, kala mo talaga suyuin pa sila ni lolo. Edi umalis sila, alam kong takot lang silang mawalan ng mana."Bakit nandito pa kayo?" ser
"Dito ka lang Miguel, parang miss na miss ka na nila. Hindi ka ata nagpakita ng ilang buwan. Bakit kaya?" nakangiting tanong ko at tiningnan si mommy. "Kapal ng mukha mo," sabi ng isang pinsan ko na inis na inis din sa akin. Actually magkakampi silang lahat, habang ako si Miguel lang ang kumampi sa akin. Wala silang magagawa dahil si Miguel lang naman ang paborito ng lolo namin, kaya ganyan nalang iyan sila kay Miguel."Buti Miguel, dinala mo ang ate mo ngayon dito. Ngayon ko lang ulit siya nakita simula noong umalis siya," singit ng lolo namin kaya tumahimik ang lahat.Lumapit ako kay lolo habang nakangiti, pero pinigilan nila ako."Wag kang lumapit sa kanya!" sigaw ng isang tita ko."Easy, hindi ko sasaktan si lolo. Magmano lang naman ako sa kanya, okay lang ba lolo?" tanong ko kay lolo na ngayon nakangiti sa akin at tumango. Kinindatan ko muna ang tita ko bago nagpatuloy."Kumusta ka lolo?" bulong kong tanong at nagmano sa kanya. Akala ng lahat ayaw talaga ni lolo sa akin, ganun
"Wala na akong pakialam kung iyun ang tingin ng ibang tao sa akin, iyun ang paraan ko para hindi ako masaktan ng ibang tao," dagdag kong sabi.Ilang sandali pa tahimik na kaming dalawa."Pasok na tayo," uli ko sa sinabi ko kanina. Ngayon tumango na siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya habang siya ngumuso sa akin. He's still a baby for me."Wag ka lang magsalita mamaya, hayaan mo lahat ang sasabihin nila ako na bahala doon," nakangiting paalala ko. "Hindi ko iyan hahayaan ate, kung dati wala akong magawa dahil bata pa ako ngayon may magagawa na ako, ayaw kong pagsisihan iyun sa huli," sabi niya kaya umirap lang ako sa kanya at na una ng lumabas na.Parang hindi ko na siya mapigilan sa gusto niya. Pero sa totoo lang kinabahan ako.Habang naglakad kami papasok biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa isng text kaya tiningnan ko muna ito.Zephyrus: kumusta ka na? I hope okay ka lang baka bibilhin ko yang lugar niyo at ipangalan sayo para maging okay na sila sayo.Napailing ako sa kanyang
Kanina nag-ayos lang ako ng mga gamit ko ngayon papunta na kami sa mansyon. Kinabahan ako ng sobra, hindi pa ako pinakain ng kapatid ko dahil doon nalang daw para sabay kaming apat. Wowers, tingnan natin kung makakain nga talaga ako doon."Kainis yung pinsan mo Miguel, anong pinupunta niya doon sa kwarto ko, hindi kami close."Kanina pa ako nag rant sa babaeng yun, may boyfriend ata siya ngayon at takot na namang magkagusto sa akin. Nagpatunay lang na mas maganda talaga ako sa babaeng iyun, pati siya takot na kaya niya ako pinuntahan.Wag lang niyang ipakita ako sa boyfriend niya baka ma de ja vu siya bigla."Pinsan mo rin iyun ate," sabi niya. Umirap ako sa kawalan at tiningnan lang ang daan papunta sa amin. Sobrang dami talagang nagbago, halatang hindi naka-uwi ng ilang taon. Baka maliligaw pa ako dito kung ako lang mag-isa. Hindi talaga pamilyar sa akin itong mga nakatayo na nadaanan namin ngayon."Sinong nandun?" tanong ko ng ma-isip iyun. Baka nandun din ang mga tita at tito kong
Magaan ang pakiramdam ko nang magising ako at tiningnan ang oras, wow umaga na ang haba tulog ko. Akala ko talaga masisira ang buong bakasyon ko kapag uuwi ako dito sa amin.Pero paano kami pupunta sa bahay ngayon? balak ko naman kamustahin si mommy.Hindi ko muna iyun inisip at inayos ko muna ang mga damit ko. Habang nag-ayos ako, may nag doorbell naman kaya agad akong tumayo para pag buksan ang kapatid ko, wala naman akong ibang bisita dito kundi siya lang.Nang binuksan ko nagulat ako ng hindi kapatid ko ang nakita ko kundi ang pinsan kong may galit sa mundo, I mean sa akin lang pala."Anong ginawa mo dito?" mataray kong tanong sa kanya agad. "Hindi mo ba papasukin ang pinsan mo?" taas kilay niyang tanong sa akin. Ayaw magpapatalo sa katarayan ko."Wala akong pinsan," simpleng sabi ko at isirado ko na sana ang pinto pero hindi natuloy ng magsalita ulit siya bago ko mairasa ito."Oo nga pala, tinakwil ka na pala sa pamilya namin, my bad."Nang-asar ba siya? hindi kasi ako na-asar.
Eh? marites spotted.Tiningnan ako ni Miguel kaya tinaasan ko siya ng kilay kaya natawa siya at umiling sa babae."Don't worry ate kung gusto mo siya, gora," sabi ko. Nakitanoong namula siya sa sinabi ko kaya tumaas ang kilay ko. Wow, famous ba tong kapatid ko sa mga babae? hindi ko alam.Pero hindi na rin ako nagtaka, nasa lahi talaga namin ang magaganda ang gwapo."Ngayon ko po kaso nakitang may sinama si sir na babae, kaya inisip kong girlfriend ka niya, sorry po sa pagtatanong," nahihiyang sabi miya habang namula pa ang mukha niya."Kung gusto mo akong ligawan, ligawan mo muna kapatid ko," sabi ni Miguel at tinuro ako. Mas lalong nahiya si ate kaya natawa ako at napailing."Wag kang bakla, kung gusto mo si ate ikaw ang manligaw!" pang-aasar ko sa kapatid ko. Sumimangot naman siya at iniwan na ako doon ng makuha na ang card na hinintay namin para sa kwarto ko."Bye," nakangiting paalam ko at tumalikod na rin. Sa ganung scenario, mas lalo kong namiss ang samahan namin magkapatid da
Tinuro ako ng ibang tao ng makilala nila ako at kumaway yung iba."Layviel!" tawag ng ali na hindi ko matandaan ang pangalan nang makita niya ako habang lalagpasan na sana ako.Ngumiti lang ako sa kanya at tumingin sa paligid para hanapin ang kapatid ko. Itong mga tao dito, sure akong pinagusapan nila ako dati, pero bakit ngayon nag-iba na ang ngiti nila sa akin."Miguel, iyan ba ang ate mo na tinakwil ng mama mo dati?" rinig kong sabi ng kung sino kaya napalingon ako kung na saan galing ang boses na iyun.Akala ko may-iba, hindi pala. Hindi ko na narinig ang sagot ng kapatid ko, nakita ko na rin siyang papalapit sa akin."Na saan ang sasakyan mo?" tanong ko sa kanya pero wala siya sa mood, dumeritso lang siya sa sasakyan ko kaya pinatunog ko naman ito agad para makapasok siya.Pumasok ako sa front seat at tala siyang tiningnan."Anong nangyari sayo? paano ang sasakyan mo?" tanong ko nang makitang may balak siyang mag drive sa sasakyan ko."Ipakuha ko nalang sa driver," malamig niyan
Bumugtong hininga ako nang naging pamilyar na sa akin ang lugar. Sobrang dami ng pinagbago pero hindi pa rin mawala ang mga ala-ala ko sa bawat sulok dito noong panahong tinakwil ako ni mommy.Mapait akong ngumiti at dahan dahang dumaan doon. Maraming tumingin sa sasakyan ko, alam kong hindi nila nakilala kung sino ang nasa loob. Mas mabuti na rin iyun.Nakita ko pang may groupo ng matanda na nagbulong bulongan habang nakatingin sa sasakyan ko. Sa lugar na ito, sila mommy ang mayaman sa lahat ng tao dito. Kaya nga tinakwil ako ni mommy kaysa siya ang itakwil sa pamilya niyang mayaman.Si daddy? may kaya rin naman sila pero hindi kagaya ng kay mommy. Pero wala rin naman akong pake kung sino ang mas mayaman dito o sinong mas mayaman sa kanila ni daddy, wala naman akong natanggap noong naghihirap ako. Kahit kay daddy, wala.Nagpasalamat lang ako noong bata ako dahil binuhay nila ako. Actually, close kami no mommy dati bago nangyari lahat. Kaya hindi ko magawang magalit sa kaniya o kahit
Buti nalang pinaalis sila ng mga bodyguards, kung hindi may paglamayan mamaya.Iniinis nila ako.Pinaharurot ko agad ang sasakyan ko kaya yung iba na mismo ang umalis sa dadaanan ko. Takot palang mamatay pero nasa harapan nakaharang.Nang makalabas na ako mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko habang tiningnan ang side mirror para matingnan kung may nakasunod ba sa akin. Wala naman siguro kaya nagpatuloy lang ako sa pag drive.Medyo malayo ang sa amin dito kaya alam kong matatagalan ako pero si Miguel panay tawag na sa akin."[Ate na saan ka na?]" tanong niya sa akin habang nag drive pa ako."Nasa daan pa Miguel, masyado kang excited," simpleng sabi ko."[Nag drive ka na ngayon?]" tanong niya."Yes.""[Btw ate, saan ka uuwi? sabi mo kasi na wag ko munang sabihin kay mommy,]" tanong niya sa akin."May hotel naman diyan malapit lang," simpleng sagot ko."[Pupunta ako doon ate ngayon, ako na mag booked para sayo,]" alok niya."May pera ka ba?" biro kong tanong sa kanya. Tuloy-tuloy lang