Alam kong iyun din ang inisip ni ate Jemma ngayon pero wala siyang sinabi sa akin."Para matapos mo ang gusto mong tapusin ngayon para maka bakasyon ka," mahinahong sabi ni ate.Wow, parang ako yung boss dito. Hindi nalang ako nagsalita.Natapos na ang make up artist ko kaya tiningnan tumayo na ako para mag bihis. Isang sexy dress ito na masyadong revealing pero na sanay na ako kaya wala lang ito sa akin. Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko lumapit na ako kay ate."Ate magsimula na ako," seryosong sabi ko. Tumango siya at lunabas na sa dressing room kasama ang make up artist ko. Sumunod ako sa kanila. Nagulat ako paglabas ko ng makita ko ang daming tao sa loob. Ano bang meron?Nilibot ko ang tingin ko at doon ko napansin si Mr. Yanetta. Siya pala ang pinagkaguluhan. Nagtagpo ang mata namin kaya umiwas ako ng tingin sa kanya. Sht, anong ginawa niya dito?Parang narinig ni ate ang tanong ko dahil sinagot niya ito."Nandito yan para tingnan kong maayos ba ang trabaho at tingnan din kung ano
Nagsimula na kami, at hindi kagaya dati ang daming pang-aasar nitong cameraman at mga staff sa akin pero ngayon sobrang tahimik lang nila.Marami ring napansin si Mr. Yanneta, marami siyang pinuna. Isa na dun ang sobrang revealing ng mga damit ng ibang model habang yung uba naka balot naman. Tangina, parang walang international na agency kung maka pagsalita. Ayaw kong mag assume pero may pakiramdam ako kung bakit niya ito ginawa. Dahil kada bihis ko ng damit na sobrang revealing, may sinasabi siya pero hindi sa akin kundi doon sa ibang model.Pag nag pose naman ako na halos makita na ang dibdib ko, suminghap siya ng malakas na maririnig talaga ng lahat. Tangina, ano bang ginawa niya dito? hindi pa ba maayos kung pag-uusap namin kagabi?Natapos na ako sa pang apat na damit kaya magbihis ako ng ibang damit na alam kung mas lalong revealing pero nagulat ako ng binigyan ako ng damit ni ate na sobrang balot ang katawan ko."Ano yan?" takang tanong ko."Iyan ang susuotin mo, ayaw ata ng ma
Nagpatuloy ang shoot hanggang sa break muna para sa tanghalian. "Pinatawag ka," sabi ni ate pagkarating niya galing sa opisina. Pinatawag siya kanina at ngayon ako naman ang pinatawag. Ano bang problema ng lalaking iyun."I'm sorry ate," paumanhin ko sa kanya."Sa boss ka mag sorry," seryosong sabi niya. Umirap lang ako at humarap sa salamin. "Layviel," seryosong tawag niya sa akin."Siya ba ang nagpatawag sa akin?" taas kilay kong tanong."Oo nga mag sorry ka," seryosong sabi niya.Depende yan sa dahilan niya kung bakit niya ako pinatawag."Okay," sagot ko nalang para matahimik na si ate."Wag mo na ulit iyun gagawin," seryosong sabi niya. Nagkibit balikat lang ako sa kanya. Alam kong kinabahan lang si ate sa pwedeng mangyari sa akin pero wala akong pakialam. Kung gusto niya akong alisin dito dahil sa pagsagot ko kanina, edi alisin niya."Pupuntahan ko na ate para matapos na, gutom na ako."Tumalikod na ako kay ate ang naglakad na palabas. Madami pa ring mga model sa labas at ang ka
"Kung iba pa ang boss mo, kanina ka na naalis sa trabaho," simpleng sabi niya."So dapat akong magpasalamat dahil ikaw ang boss ko?" taas kilay kong tanong sa kanya. "Hmm.."Umirap ako sa kawalan."Anong kailangan mo sa akin?" kunot noong tanong ko."Kain tayo, nag order ako ng pagkain.""No thanks," agad kong sabi at tumayo na."Ngayon lang."Nilingon ko siya at tinaasan siya ng kilay. "Ano ba yung huli nating pinagusapan?" taas kilay kong tanong sa kanya."Pumayag ba ako? dineny mo na nga ako eh," sabi niya. Inismiran ko siya.'Para sayo lang din yun.'"Magpasalamat ka nalang sa akin at ideny mo na rin ako para matigil na yang mga usapan nila," inis kong sabi sa kanya."Ayaw ko."'Edi don't.'"bahala ka," tipid kong sabi at tatalikod na sana pero nagsalita siya."Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin."Paki mo," sabi ko sa kanya."Boss mo pa rin ako dito," seryosong sabi niya."Boss ba yung pinakita mong ugali kanina?" taas kilay kong tanong sa kanya."Ano ba ang pinakita ko?" tak
Nakita kong ngumisi siya kaya inirapan ko siya."Ngayon lang to, sayang ang pagkain," pairap kong sabi."Okay," nakangiting sabi niya, parang tuwang tuwa talaga siya kaya inirapan ko ulit siya. Kainis, bakit ba ako nandito.Nilabas na niya ang mga pagkain at tuwang tuwa na umupo sa malapit sa akin. Parang bata, parang hindi billionaire.'Kung hindi ko lang narinig iyun kay mommy, wala akong pakialam sa mga tao, angkinin ko talaga to.'Tahimik lang ako kumain habang siya naramdaman kong panay tingin niya sa akin."Saan ka mag bakasyon?" "Uuwi ako," tipid kong sabi."Pwedeng sumama?" nakangiting tanong niya."Hindi," agad kong sagot. Kinabahan ako baka sasama talaga siya at makita ni mommy, tangina yung nga ang iniwasan ko."Bakit hindi?""Hindi purket sumabay ako rito ngayon, kakalimutan ko na ang sinabi ko kagabi."Tumahimik siya kaya nagpatuloy ako sa ginawa ko. Nakakainis talaga tong lalaking to, sarap suntukin sa mukha. Sana pagkatapos nito titigilan na niya talaga ako. May pakira
Umalis si ate para ihatid ang pagkain sa isang bodyguard habang ang make up artist ko nagsimula na akong ayusan. Iniba na rin niya ang buhok ko.Tiningnan ko lang ang mukha ko sa salamin habang inayusan niya ako. Inaalala ko rin ang nangyari kahapon hanggang ngayon.Gumaan ang pakiramdam ko ngayon, alam ko kung bakit pero iniwasan kong isipin. Kanina noong papasok ako, sobrang bigat. Parang pasan ko ang buong mundo, pinilit ko lang gumalaw dahil iyun ang kailangan at ayaw ko rin malaman nila ate ang inisip ko."Hay salamat, bumalik din ang alaga ni Jemma," nakangiting sabi ng make up artist pagkatapos ng matagal na katahimikan. Napatingin ako sa kanya sa salamin."Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko."Sobrang bigat ng awra mo kanina, pati si Jemma mas piniling manahimik at hayaan nalang ang mga gusto mo," nakangiting sabi niya."Ganito na ako kanina pa, nag overthink lang kayo."Nag-iwas ako sa kanya ng tingin. Ngumisi lang siya sa aki. kaya hindi ko na siya pinansin. Nahalata
"Sabi niya kasing ihatid ko siya," nakangiting sabi ni Mr. Yanetta. Natigilan ako pero nawala rin agad ng narinig ko ang malakas na tawa ni Ivan. Piste talaga."Ang kapal naman ng babaeng iyun, kaibigan ko pa talaga ang pinahatid," nakangising sabi ni Ivan at sumulyap sa akin. Sarap niyang suntukin sa mukha para hindi na siya makangisi sa akin."Talaga lang, kahit ako sa kaibigan ko kapag may siraulong lalapit sa kanya ilalayo ko talaga siya sa kanya," nakangiting sabi ko. Nawala ang ngisi niya sa labi sa huling sinabi ko. Akala mo ha.Iiwasan ka na ni Ven, humanda ka."Miss Cruz, ikaw na po ang kukunan," singit ng isang staff. Medyo nahiya pa siya dahil sa kausap ko. Palihim kong inirapan silang dalawa bago pumunta sa harap. Hindi man alam ng lahat ang status ni Ivan sa buhay, marami pa rin ang nakakaalam kung gaano siya kayaman kaya hindi na ako nagtaka kung bakit magulo ang mga tao dito sa studio dahil sa dalawa.Ito namang si Ivan, panay kindat sa mga babae at panay ngiti pa ng m
"Alam mo ba ang tungkol kay Mr. Wilson at kay Vanessa?" tanong agad ni ate sa akin pagkapasok ko sa dressing room ko."Hindi," tipid kong sagot."Kalat na sa studio ang pag hanap ni Mr. Wilson kay Vanessa," natarantang sabi niya."Pagalitan mo nalang ang siraulong lalaking iyun," simpleng sabi ko habang umupo sa harap ng salamin."Ano ka ba Layviel, umayos ka nga."Maayos naman ako ha?"Ganun nga ang gagawin mo, seryoso ako," seryosong sabi ki. Alam kong hindi iyun gagawin ni ate dahil sino ba naman kami diba? isang billionaire iyun at pagalitan lang ng simpleng tao."Tingin mo magagawa ko iyun?" sarcastic niyang tanong. Ngumisi lang ako sa kanya. "Ikaw nalang gumawa kung iyun ang gusto mo," wala sa sariling sabi ni ate at umupo na sa sofa."Sige," sabi ko at tumayo na para sana lalabas ulit at gawin ang sinabi niya. Dali dali namang tumakbo sa akin si ate para pigilan ako."Jusko Layviel, wag mo ng dagdagan ang issue mo," inis niyang sabi at hinila niya ako pa upo ulit."Kaysa magka
Binuksan ko ang pintuan ng makita ang kapatid sa labas. Medyo natagalan pa ako dahil inisip si Zephyrus sa loob pero hindi ko naman kailangan itago siya sa kapatid ko."Bakit ang tagal mo?" masungit niyang tanong sa akin pagkabukas ko at pumasok agad sa loob. Hindi ko pinansin ang tanong niya."Anong ginawa mo rito?" tanong ko sa kanya. Napatigil naman siya at humarap sa akin."Pumunta naman ako madalas dito ate, ngayon ka lang nagtanong ng ganyan?" takang sabi niya. Napakamot nalang ako sa ulo ko. "Tsaka ate, magbihis ka nga ng matinong damit," pailing niyang sabi at dumeritso na sa sala.Hindi pa tapos si Zephyrus sa kusina. Tumakbo ako sa kwarto ko at mabilis nagbihis ng matinong damit gaya ng sinabi ng kapatid ko.Lumabas na ulit ako pero may narinig na akong nagsalita sa sala.Patay."Sino ka?" rinig kong tanong ng kapatid ko. Kilala naman siya ng kapatid ko pero hindi ko alam kong bakit siya nagtanong."Boyfriend ni Layviel, and you are?" malamig na tanong ni Zephyrus. Hindi ni
"Hinanda ko na nga sarili ko kapag nalaman nilang kami ng kapatid ko makatanggap sa mana na galing kay lolo," wala sa sariling sabi ko habang inisip ang magiging reaction ng mga tita ko."Hindi mo na kailangan iyan, meron naman sa akin," seryosong sabi niya kaya taka akong tumingin sa kanya at napailing nalang."Siraulo, hindi nga kita boyfriend," umirap kong sabi.Tapos na akong kumain habang nagkwentuhan parin kami at ganun din siya, walang planong kumilos habang nakikinig."Can you be my girlfriend?" seryosong tanong niya.Lumakas ang tibok ng puso ko at naumulang tumingin sa kanya. Baka inisip niyang gusto kong maging boyfriend siya kaya ko iyun sinabi. Maganda nga pakinggan dahil may nangyari na sa amin at kanina lang may nangyari ulit. Babae rin naman ako kagaya ng ibang babae gusto ko ang lalaking makauna sa akin ay ang boyfriend ko pero hindi naman siya nanligaw kaya hinayaan ko na at hindi nalang inisip lahat."Wag ka ngang magbiro ng ganyan, sinabi ko lang naman iyun para ip
"Do you want more?" nakangising tanong niya habang dahan-dahan niyang tunanggal ang daliri doon. Lumapit ako sa kanya para yakapin nalang siya dahil akong masabi. Narinig kong tumawa siya."Let's eat," sabi niya habang nakayakap sa akin. Halatang nakangisi sa akin habang sinabi iyun.Nang-asar siya pero halatang may gustong gawin din ang gusto ko dahil sa isang bagay na parang galit na galit at gustong lumabas sa kanyang pantalon."Okay," mahinahong sabi ko at lumayo na sa kanya. Tumawa nalang siya at kinuha ang dala niyang pagkain kanina. Ngayon naramdaman ko ulit ang gutom na kanina ko pa naramdaman pero dahil sa ginawa niya, pansamantala ko itong nakalimutan.Pumunta kami sa kusina para doon kumain. Ngayong nandito siya hindi ko alam kung anong sasabihin sa kapatid ko kapag nakita siya rito, lalo na si lolo. Bakit ba kasi sumunod siya, hindi pwedeng hintayin nalang niya ako?Nagsimula na kaming kumain."Bakit nandito sa hotel?" tanong niya. Nagtaka naman akong tumingin sa kanya. An
Warning!!"A-ano ba!?" sigaw ko at tinulak kahit iba ang gusto kong gawin. Kainis bakit parang namiss ko rin siya."I miss you," bulong niya at hinalikan ang leeg ko kaya tinigilan ko na ang pagtulak sa kanya at hinayaan nalang siyang yakapin ako ng mahigpit.Ngayon ko lang naalala ang itsura ko.Omayghad!? kakagising ko at tangina!"B-bumitaw ka muna, pupunta lang ako sa kwarto," sabi ko. Lumayo naman siya pero hindi ako binitawan, tiningnan lang niya ako at ngumiti ng matamis."You're so beautiful especially in the morning," nakangiting sabi niya habang nakatitig sa akin.Tangina talaga."Mag s-suklay lang ako," nahihiyang sabi ko pero ngumisi lang siya at nilapit ang mukha sa akin kaya nilayo ko naman ito sa kanya."Anong ginawa mo!?" takang tanong ko habang nilayo ang mukha."Anong ginawa mo?" tanong niya rin sa akin."Hindi pa ako nag t-toothbrush!" sabi ko. Parang wala siyang narinig at nilapit ang mukha sa akin at hinalikan ako ng mabilis."Sabing—" hindi ko matapos ang sasabi
"Ang tagal mong nalayo ate, anong gusto mo hayaan kang .alayo ulit?" nakasimangot niyang sabi."So ibig sabihin gusto mong single ako habang buhay?" natatawang sabi ko. Hindi siya sumagot kaya pareho namin siyang tinawanan ni lolo."Malayo pang mangyari iyun Miguel, wag kang mag-alala," nakangiting sabi ni lolo sa kanya."Malayo pa talaga, wala pa nga akong boyfriend tapos kasal na pinagusapan natin dito," natatawang sabi ko."Hindi pala boyfriend pero bukang bibig," bulong Miguel pero narinig namin."Anong bukang bibig? kayo nga diyan eh," natatawang sabi ko.Natapos ang araw na iyun na nagtawanan lang kami bago ako bumalik sa condo ko. Naiwan si Miguel doon para magbantay kay lolo. Na guilty din ako dahil ngayon nagalit ang mga tita at tito ko sa kanya.Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ayaw na ayaw nila sa akin, ngayon nadamay pa si lolo sa galit nila dahil sa akin. Lalo na siguro ngayon na sa amin pala ni Miguel pinangalan ni lolo, akala ko kay Miguel lang eh, okay lang nama
"Sana sa mga anak mo nalang lolo, siguradong protektahan nila iyan ng maayos," dagdag kong sabi.Sa hindi nakakaalam, madaming ari-arian si lolo at kami lang dalawa ng kapatid ko ang gagaw ng bagay na iyun? at wala pa kaming alam kung anong gagawin namin sa ari-arian na iyun lalo na sa mga negosyo ni lolo. Baka ma bagsak pa iyun."May tiwala ako sa inyo," nakangiting sabi ni lolo sa amin.Nagkatinginan kami ni Miguel at parehong napailing. Malaki at madaming responsibility."Alam ba nila mommy?" nag-alalang tanong ni Miguel. Isa pa iyan, madami rin palang kaaway. Hayst."Hindi at ipangako niyo sa akin hinding hindi niyo ibibigay kahit kanino ang binigay ko sa inyo kundi sa mga anak niyo lang," seryosong sabi ni lolo."Naku Lo paano kung babagsak?" wala sa sariling sabi ko. Natawa nalang si lolo at hinaplos ang ulo ko."Wag niyo munang isipin iyan, gawin niyo muna ang gusto niyong gawin ngayon at kapag mawawala na ako sa mundo may taong pinagkatiwalaan ko na magtuturo sa inyo sa mga ga
"Aalis tayong lahat dito kung aalis si Miguel," seryosong sabi ni lolo. Napangisi ako. Favorite nga ni lolo si Miguel, habang favorite din akong kampihan ni Miguel. Ano kayo diyan?"Lolo!" inis na sigaw ng pinsan ko at tumayo habang masamang tumingin sa akin."Lolo, kung hindi siya aalis, ako nalang aalis!" pananakot niya kay lolo. Kung natakot nga si lolo sa kanya, parang wala lang naman kay lolo."Kung iyun ang gusto mo," seryosong sabi ni lolo. Gusto kong matawa sa reaction ng mga tita ko."Papa!" sigaw ni tita ang mama nang pinsan ko nananakot kay lolo."Fine!" inis na sigaw ng pinsan ko at mag padabog na lumabas sa mansyon."Aalis kaming lahat dito papa!" galit na ring sabi ni tita at lumabas agad para sundan ang anak.Lumabas nga silang lahat, kami nalang ang natira ng parents ko at ang kapatid ko.Ganun sila ka ayaw sa akin kaya nagsi-alisan lahat, kala mo talaga suyuin pa sila ni lolo. Edi umalis sila, alam kong takot lang silang mawalan ng mana."Bakit nandito pa kayo?" ser
"Dito ka lang Miguel, parang miss na miss ka na nila. Hindi ka ata nagpakita ng ilang buwan. Bakit kaya?" nakangiting tanong ko at tiningnan si mommy. "Kapal ng mukha mo," sabi ng isang pinsan ko na inis na inis din sa akin. Actually magkakampi silang lahat, habang ako si Miguel lang ang kumampi sa akin. Wala silang magagawa dahil si Miguel lang naman ang paborito ng lolo namin, kaya ganyan nalang iyan sila kay Miguel."Buti Miguel, dinala mo ang ate mo ngayon dito. Ngayon ko lang ulit siya nakita simula noong umalis siya," singit ng lolo namin kaya tumahimik ang lahat.Lumapit ako kay lolo habang nakangiti, pero pinigilan nila ako."Wag kang lumapit sa kanya!" sigaw ng isang tita ko."Easy, hindi ko sasaktan si lolo. Magmano lang naman ako sa kanya, okay lang ba lolo?" tanong ko kay lolo na ngayon nakangiti sa akin at tumango. Kinindatan ko muna ang tita ko bago nagpatuloy."Kumusta ka lolo?" bulong kong tanong at nagmano sa kanya. Akala ng lahat ayaw talaga ni lolo sa akin, ganun
"Wala na akong pakialam kung iyun ang tingin ng ibang tao sa akin, iyun ang paraan ko para hindi ako masaktan ng ibang tao," dagdag kong sabi.Ilang sandali pa tahimik na kaming dalawa."Pasok na tayo," uli ko sa sinabi ko kanina. Ngayon tumango na siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya habang siya ngumuso sa akin. He's still a baby for me."Wag ka lang magsalita mamaya, hayaan mo lahat ang sasabihin nila ako na bahala doon," nakangiting paalala ko. "Hindi ko iyan hahayaan ate, kung dati wala akong magawa dahil bata pa ako ngayon may magagawa na ako, ayaw kong pagsisihan iyun sa huli," sabi niya kaya umirap lang ako sa kanya at na una ng lumabas na.Parang hindi ko na siya mapigilan sa gusto niya. Pero sa totoo lang kinabahan ako.Habang naglakad kami papasok biglang tumunog ang cellphone ko dahil sa isng text kaya tiningnan ko muna ito.Zephyrus: kumusta ka na? I hope okay ka lang baka bibilhin ko yang lugar niyo at ipangalan sayo para maging okay na sila sayo.Napailing ako sa kanyang