"Wag mong sabihin kay Ven, gusto niyang magpahinga kaya hayaan mo muna siyang hindi papasok bukas.""[Okay.]""Thanks Ate."Nagpaalam na ako kay Ate at ganun din siya sa akin para matawagan na niya ang agency ko. Siguro naman wala ng nag-aabang sa akin sa studio bukas. Kung meron man edi swerte nila dahil makakita sila ng diyosa.Nakita kong nag text si Ven sa akin.Vanessa: are you okay?Me: okay lang ako, wag mo akong intindihin.Vanessa: pupuntahan kita bukas promise.Me: tigilan mo muna ang kakaisip sa akin. Nandiyan ang parents mo, ibigay mo sa kanila ang attention mo.Me: wag kang pumunta sa condo bukas may pupuntahan ako.Vanessa: saan ka pupunta?Me: wag ka ng mag text sa akin, baka pagalitan ka na ng parents mo.Vanessa: mag-usap tayo pag wala na sila mommy.Me: sure.Humiga na ako sa kama at pumikit habang nakahawak sa noo. Sobrang sakit ng ulo ko. Na stress ata ako dahil sa issue na iyun. Dami nilang alam, sila kaya ang bibigyan ko ng issue, tingnan ko kung tatagal pa sila
Kinabukasan maaga akong nagising dahil sa gutom. Hindi ako kumain kagabi kaya ngayon gutom na gutom ako. Hindi muna ako naligo dahil sa gutom gaya ng palagi kong ginawa bago bumaba.Inasahan ko ng may pagkain dito dahil sinabihan ko na si ate sa text kagabi. Dahil sa nangyari, nawalan ako ng lakas para gumalaw, nawalan ako ng gana sa loob ko pero hindi ko dapat ito ipakita sa ibang tao, lalo na sa mga taong galit sa akin, including my family.Naalala ko na naman ang sinabi ni mommy sa text kagabi. Yun ang nakakapanghina. Gusto kong matanggap nila ako pero hondi sa ganung paraan.Kumain na ako at mabilis na umakyat para magbihis na. Kahit wala akong ganang mag-ayos, ginawa ko pa rin ang lahat para ayusin ang mukha ko. Pinagmukha ko pa rin itong natural sa kabila ng mga inisip ko.Ilang minuto pa lang tapos na ako sa ginawa ko sa mukha ko kaya agad akong bumaba sa condo pero nagulat ako ng maraming reporters pa rin ang nandoon, buti nalang mabilis ang bodyguards ko kaya agad nila silang
Naalala kong pagmamay-ari na pala ito ng Mr. Yanetta kaya nasabi ko iyun Wala yun sa plano ko pero kapag hindi sila pumayag sa gusto ko, gagawin ko talaga yun.Bukas uuwi ako at ngayon wala akong magawa isang araw kaya kailangan kong magtrabaho para sa potanginang isip na ito na simula pa kagabi nag-iisip sa lalaking yun na pilit kong hindi isipin."Layviel," nag-alalang tawag ni ate sa akin."Sabihin mo nalang ang sinabi nila sa akin, kung maari ang buong buwan na wala akong ang ishoot ko ngayon," seryosong sabi ko."Maawa ka naman sa sarili mo," nag-alala niyang sabi. Hindi ko siya sinagot kaya bumugtong hininga siya. Alam niyang buo na ang desisyon ko."Okay, pupunta ako ngayon sa opisina para sa ipaalam sa kanila ang gusto mo," walang magawang sabi ni ate."Thanks ate."Umalis si ate sa dressing at pumalit ang make up artist ko na hindi na mapigilang manahimik habang ginawa ang trabaho."Gusto mo bang patayin ang sarili mo?" tanong niya. Narinig niya ang pinagusapan namin ni ate.
Alam kong iyun din ang inisip ni ate Jemma ngayon pero wala siyang sinabi sa akin."Para matapos mo ang gusto mong tapusin ngayon para maka bakasyon ka," mahinahong sabi ni ate.Wow, parang ako yung boss dito. Hindi nalang ako nagsalita.Natapos na ang make up artist ko kaya tiningnan tumayo na ako para mag bihis. Isang sexy dress ito na masyadong revealing pero na sanay na ako kaya wala lang ito sa akin. Pagkatapos ng lahat ng ginawa ko lumapit na ako kay ate."Ate magsimula na ako," seryosong sabi ko. Tumango siya at lunabas na sa dressing room kasama ang make up artist ko. Sumunod ako sa kanila. Nagulat ako paglabas ko ng makita ko ang daming tao sa loob. Ano bang meron?Nilibot ko ang tingin ko at doon ko napansin si Mr. Yanetta. Siya pala ang pinagkaguluhan. Nagtagpo ang mata namin kaya umiwas ako ng tingin sa kanya. Sht, anong ginawa niya dito?Parang narinig ni ate ang tanong ko dahil sinagot niya ito."Nandito yan para tingnan kong maayos ba ang trabaho at tingnan din kung ano
Nagsimula na kami, at hindi kagaya dati ang daming pang-aasar nitong cameraman at mga staff sa akin pero ngayon sobrang tahimik lang nila.Marami ring napansin si Mr. Yanneta, marami siyang pinuna. Isa na dun ang sobrang revealing ng mga damit ng ibang model habang yung uba naka balot naman. Tangina, parang walang international na agency kung maka pagsalita. Ayaw kong mag assume pero may pakiramdam ako kung bakit niya ito ginawa. Dahil kada bihis ko ng damit na sobrang revealing, may sinasabi siya pero hindi sa akin kundi doon sa ibang model.Pag nag pose naman ako na halos makita na ang dibdib ko, suminghap siya ng malakas na maririnig talaga ng lahat. Tangina, ano bang ginawa niya dito? hindi pa ba maayos kung pag-uusap namin kagabi?Natapos na ako sa pang apat na damit kaya magbihis ako ng ibang damit na alam kung mas lalong revealing pero nagulat ako ng binigyan ako ng damit ni ate na sobrang balot ang katawan ko."Ano yan?" takang tanong ko."Iyan ang susuotin mo, ayaw ata ng ma
Nagpatuloy ang shoot hanggang sa break muna para sa tanghalian. "Pinatawag ka," sabi ni ate pagkarating niya galing sa opisina. Pinatawag siya kanina at ngayon ako naman ang pinatawag. Ano bang problema ng lalaking iyun."I'm sorry ate," paumanhin ko sa kanya."Sa boss ka mag sorry," seryosong sabi niya. Umirap lang ako at humarap sa salamin. "Layviel," seryosong tawag niya sa akin."Siya ba ang nagpatawag sa akin?" taas kilay kong tanong."Oo nga mag sorry ka," seryosong sabi niya.Depende yan sa dahilan niya kung bakit niya ako pinatawag."Okay," sagot ko nalang para matahimik na si ate."Wag mo na ulit iyun gagawin," seryosong sabi niya. Nagkibit balikat lang ako sa kanya. Alam kong kinabahan lang si ate sa pwedeng mangyari sa akin pero wala akong pakialam. Kung gusto niya akong alisin dito dahil sa pagsagot ko kanina, edi alisin niya."Pupuntahan ko na ate para matapos na, gutom na ako."Tumalikod na ako kay ate ang naglakad na palabas. Madami pa ring mga model sa labas at ang ka
"Kung iba pa ang boss mo, kanina ka na naalis sa trabaho," simpleng sabi niya."So dapat akong magpasalamat dahil ikaw ang boss ko?" taas kilay kong tanong sa kanya. "Hmm.."Umirap ako sa kawalan."Anong kailangan mo sa akin?" kunot noong tanong ko."Kain tayo, nag order ako ng pagkain.""No thanks," agad kong sabi at tumayo na."Ngayon lang."Nilingon ko siya at tinaasan siya ng kilay. "Ano ba yung huli nating pinagusapan?" taas kilay kong tanong sa kanya."Pumayag ba ako? dineny mo na nga ako eh," sabi niya. Inismiran ko siya.'Para sayo lang din yun.'"Magpasalamat ka nalang sa akin at ideny mo na rin ako para matigil na yang mga usapan nila," inis kong sabi sa kanya."Ayaw ko."'Edi don't.'"bahala ka," tipid kong sabi at tatalikod na sana pero nagsalita siya."Saan ka pupunta?" tanong niya sa akin."Paki mo," sabi ko sa kanya."Boss mo pa rin ako dito," seryosong sabi niya."Boss ba yung pinakita mong ugali kanina?" taas kilay kong tanong sa kanya."Ano ba ang pinakita ko?" tak
Nakita kong ngumisi siya kaya inirapan ko siya."Ngayon lang to, sayang ang pagkain," pairap kong sabi."Okay," nakangiting sabi niya, parang tuwang tuwa talaga siya kaya inirapan ko ulit siya. Kainis, bakit ba ako nandito.Nilabas na niya ang mga pagkain at tuwang tuwa na umupo sa malapit sa akin. Parang bata, parang hindi billionaire.'Kung hindi ko lang narinig iyun kay mommy, wala akong pakialam sa mga tao, angkinin ko talaga to.'Tahimik lang ako kumain habang siya naramdaman kong panay tingin niya sa akin."Saan ka mag bakasyon?" "Uuwi ako," tipid kong sabi."Pwedeng sumama?" nakangiting tanong niya."Hindi," agad kong sagot. Kinabahan ako baka sasama talaga siya at makita ni mommy, tangina yung nga ang iniwasan ko."Bakit hindi?""Hindi purket sumabay ako rito ngayon, kakalimutan ko na ang sinabi ko kagabi."Tumahimik siya kaya nagpatuloy ako sa ginawa ko. Nakakainis talaga tong lalaking to, sarap suntukin sa mukha. Sana pagkatapos nito titigilan na niya talaga ako. May pakira