Share

KABANATA 41

Namatay ang tawag na hindi man lang siya nagsalita kaya binaba ko ang cellphone ko habang durog na durog ang puso.

Bakit ba ako nasasaktan? wala lang ito sa akin, madami akong naging boyfriend at ni isa sa kanila hindi man lang ako tinamaan ng kunting sakit. Nasasaktan siguro ako dahil siya ang lalaking naka una sa akin at kailangan kong layuan dahil ganitong issue.

Kahit marami akong naging boyfriend, iniingatan ko pa rin ang sarili ko gaya ng ginawa ng ibang babae sa kanilang sarili. Babae pa rin ako at malaking bagay iyun sa akin. Kaya siguro nasasaktan ako ngayon.

Wala akong ganang tumayo para magluto ng makakain. Dahil kailangan ko pa ring kumain, nag order nalang ako sa online. Malapit lang naman yun dito sa condo ko kaya alm kong darating din agad ang inorder ko.

Nang tumunog ang doorbell, tamad akong tumayo para kunin ang pagkain ma inorder ko. Medyo mabilis ito sa inasahan ko. Inisip ko kasing magluluto pa sila o ano. Binuksan ko ang pintuan at nagulat ako ng makitang nandoon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status