CHAPTER THIRTY Huminga nang malalim si Gerald. Pinagmasdan niyang maigi ang kutsara at tinidor at ang kanyang plato na may dalawang kanin. Nauna nang sumubo si Diane. Sarap na sarap ito. Ngunit siya, nag-aalangan sa pagkaing nasa harapan niya. Muli niyang nahuling tumingin si Diane sa guwapong nakasando at naghumbs-up pa ito!"Sarap pa rin talaga ng pagkain dito idol! The best!" May kasunod pang kindat."Huwag nang mambola. Nilibre na kita." Nakatawang sagot ng lalaki."Ba't niya nilibre ang pagkain natin?""Narinig mo naman yung sinabi di ba?" sagot ni Diane habang ngumunguya."Bakit ba panay ang tingin at ngiti ng lalaking 'yan sa'yo?" bulong muli ni Gerald."Napansin mo pati 'yon? E, kung pansinin ko rin kaya ang di mo pagsubo. Kumain ka nga muna. Gusto mo pa yatang subuan kita e. Malinis 'yang tinidor at kutsara. Binababad 'yan sa mainit na tubig. Heto ah, tikman mo ang menudo nila dito. The best!" Napansin na lang ni Gerald na naglalagay si Diane ng ulam sa plato niya. Kumindat
CHAPTER THIRTY-ONE "Etong dessert mo." iniabot niya ang isang cone sa kanya at sinimulan na ni Diane na dilaan ang isang hawak niya.Tinikman ni Gerald ang ice cream. "Chocolate flavor?”“Yes. Why?”“I am not eating chocolate. Ayaw ko ne'to.""Etong akin Cheese kaso nadilaan ko na, gusto mo palit na lang tayo?""Sige na, akin na lang 'yan." Ngunit bago niya ipinalit ang chocolate flavor ice cream niya ay dinilaan muna niya iyon nang dinilaan."Wala namang babuyan. Dinilaan mo na ng dinilaan eh, tapos makipagpalit ka sa akin! Akala ko ba ayaw mo ng chocolate?" Reklamo ni Diane.“Ngayon lang. Gusto kasi kita.”“Ano?”“I mean gusto ko kasi yung sa’yo?”“Gusto mo ako? Gusto mong maging sa’yo ako?”“Gusto ko yung cheese ice cream mo, bingi!”“Ayaw ko na, dinilaan mo saka mo ibibigay sa akin yung ice cream emo.”"Hiyang-hiya naman ako sa ice cream na ipalit mo sa ice cream ko, bilang na bilang ko kaya kung ilang beses mong dinilaan yang ice cream na hawak mo. Di pwedeng pumantay?""Okey la
CHAPTER THIRTY-TWOHanggang saan at hanggang kailan ang kaya niya? May magagawa ba ang kagaya lang niyang babae para mapalambot niya ang pusong-bato ng lalaking tangi niyang minahal?Humugot si Gerald nang malalim na hininga. Ayaw niyang magalit. Gusto niyang isiping likas sa kagaya ni Diane na bata pa ang kapusukan. Dumaan rin siya sa pagiging ganoon. Yung edad na palaging inuuna ang damdamin dahil iyon ang alam nilang laging tama. Mas sinusunod nila ang tulak ng dibdib kaysa sa kabig ng utak. Kailangan niyang umiwas bago niya madagdagan pa ang mga hindi magandang nasabi niya. Tinungo ni Gerald ang isang sementadong upuan at umupo siya doon.Sumunod si Diane. Tahimik siyang tumabi sa noon ay alam niyang naiinis nang si Gerald.Tumingin siya kay Gerald ngunit hindi siya nito pinapansin. Nang binawi niya ang tingin niya saka naman ito lumingon sa kanya. Nang salubungin sana niya ang titig ni Gerald ay maagap nitong muling binawi."I'm sorry." Mapagkumbabang pagsisimula ni Diane."For
CHAPTER THIRTY-THREENapailing si Diane nang makita niyang nagpakita na ng katawan si Gerald. Ibig sabihin, malaki na ang laban nito ngunit konting oras na lang ang nalalabi. Hindi na gano'n kadaling makahabol pa siya. Huli na nang maisip nitong tanggalin ang nakabalot sa kanya. Ngunit hindi siya dapat maging kampante. Kailangan niyang gamitin ang kanyang ngiti para makapang-akit pa.Pagkatapos ng isa pang baklang lumapit kay Gerald ay nakita niya ang padating na tatlong bakla. Mukhang magkakaibigan ang mga ito. Una nilang dadaan si Gerald. Kinabahan siya. Kung sa kanya tutuloy ang mga iyon, sigurado na ang panalo niya ngunit kung hihinto ang mga ito at lalapit kay Gerald, talo na siya. 2 minutes na lang ang naiiwan. May dalawang lalaki ang kasunod ng mga baklang iyon. Bahala na. Kailangan niyang magpapansin sa mga lalaking ito. Nakatitigan na niya ang isa sa dalawang lalaki. Nakuha na niya ang atensiyon nito. Nakalagpas na ang mga bakla kay Gerald at lumuwang na ang pagkakangiti niya
CHAPTER THIRTY-FOURNakita niyang may lumapit na maganda at sosyal na babae kay Gerald. Nagkamay sila at nagkangitian. Tumayo siya. Hindi sa gusto niyang mag-order ng maiinom kundi ang pigilan si Gerald na mapalapit sa kausap niya. Kabastusan na kung kabastusan pero pumuwesto siya sa gitna nilang nag-uusap."Bago ka lang dito? Ngayon lang kasi kita dito nakita" tanong ni Gerald na para bang walang silbi na nasa gitna nila siya. Ni hindi siya nito napansin o sinadyang hindi pansinin."Yes. I'm from Cebu. Bagong salta dito sa Manila. And you?" tanong ng Cebuano."Anong masarap na alak?" sinadya ni Diane na lakasan ang pagtatanong kay Gerald para lang matigil ang pag-uusap ng dalawa."Good, I might be a good company for a while, iyon ay kung okey sa'yo." Dumadaan lang ang tingin ni Gerald sa kanya."Ano ngang alak ang masarap na inumin?" Sinadya ni Diane na ilapat ang braso niya sa dibdib ni Gerald kasabay ng mahinang pagsiko.Paraan lang niya iyon para matigil na ang pakikipag-flirt ni
CHAPTER THIRTY-FIVENatigilan si Gerald nang makita niya si Diane na nakatayo at nakamasid sa kanila ng kanyang kahalikan. Inilayo niya sandali ang kanyang labi ngunit hindi niya binibitiwan ang kayakap. Kitang-kita ang kumikislap na iyon sa pisngi ni Diane. Umiiyak? Bakit niya kailangang umiyak? Ginagawa niya ito para matulungan si Diane na kalimutan kung anuman ang nararamdaman nito sa kanya. Gusto niyang ipakilala ang totoong siya. Na hindi ang katulad niya ang dapat nitong paglaanan ng panahon at pagmamahal. Hindi siya karapat-dapat sa kanya. Pagkatapos niyang senyasan itong lumayo at bumalik sa bar ay muli niyang ipinagpatuloy ang naudlot niyang pakikipaghalikan. Wala siyang balak makipag-sex sa gabing ito. Gusto lang niya ng makipag-flirt, makapaglibang at ipakita kay Diane ang totoong siya sa tuwing hindi sila magkasama. Sana makatulong ang ginagawa niyang ito para kamuhian siya. Para isiping hindi siya ang lalaking karapat-dapat niyang mahalin.Kinuha ni Diane ang alak na orde
CHAPTER THIRTY-SIX"Anong ibig sabihin nito?" naguguluhang bulong ni Diane kay Gerald."May karapatan akong pigilan siya kasi kami ni Diane.""Tayo ba?" bulong ni Diane. Naguguluhan."Oo naman. Girlfriend pa rin kita. We haave misunderstanding, we fight but it doesn’t mean na wala na tayo. Mahal pa rin naman natin ang isa't isa. Hindi ba okey naman tayo baby?" pinisil ni Gerald ang kamay ni Diane. Parang sinasabi nitong kailangan niyang sumagot ngunit dahil naguguluhan ay hindi niya kayang sakyan ang ginagawang iyon ni Gerald." At habang tayo pa, hindi ka puwedeng sumama sa kanya." Diretsuhang sinabi iyon ni Gerald kay Diane. "Hindi kailanman siya sasama sa'yo!" singhal niya kay Ringgo."Anong kalokohan 'to? Kanina ka pa nakikipag-flirt sa akin pero kasama mo pala ang girlfriend mo? Fuck you!" singhal ni Bisaya. Itinaas niya ang baso. Akmang itatapon sa mukha ni Gerald ang laman niyon. Napapikit pa si Gerald ngunit biglang itinungga ni Bisaya ang laman ng baso niya. "Why should I was
“Hindi ko alam. Hindi ko sasagutin ang tanong mo sa akin.” “Okey.” Kibit-balikat si Diane. “Bakit hindi mo na ako kayang mahalin?” “Natatakot ako. Baka mawala ka rin lang naman sa akin. Iniisip ko pa rin na maaring mangyari sa atin ang nangyari sa amin ni Sofia. Nawala na yung pagmamahal ko kay Sofia ngunit alam mo ba kung ano ang naiwan? Alam mo ba kung ano ang tumatagal? Iyon ay yung sakit at galit nararamdaman ko. Ang alaala ng mga masasakit na nakaraan yung nandito sa puso ko at hindi yung letcheng pagmamahal na sinasabi mo." Bumunot siya ng malalim na hininga. Tumingin siya sa paligid saka niya muling hinarap si Diane. “Hindi kita mamahalin sa ngayon. Hindi ko kayang isakripisyo ang ngayon para sa naghihintay na magandang kinabukasan mo.” Huminga siya nang malalim. Inilibot ang mata sa paligid. "Tingnan mo kung ilan ang nandito ngayong nagpapakasaya, paniguradong ang ilan dito ay may mga karelasyon sa labas ngunit nandito sila dahil naghahanap ng bagong makikilala, ng bagong k
Pagpasok ni Sofia sa bakuran Psychiatrict Hospital ay nakita niya ang isang matipuno, guwapo at masayahing lalaki na noon ay tumutulong sa pagsasaayos ng mga namumulaklak na halaman. Nang magtama ang kanilang mga mata ay nakita niya agad ang kislap sa mga mata ng paghahandugan niya sa kanyang dala. Tumakbo ito at sinalubong siya. Binuhat at pinaikot-ikot siya at ramdam na ramdam niya ang kanyang pagiging babae."I'm so happy. Sobrang saya ko lang honey." maluha-luha at natatawang wika ni Ringgo kasunod ng paghalik-halik niya sa braso ni Sofia."Dahil dinalaw ulikita?""Sort of." sagot ni Ringgo."Sort of? E anong bulls eye na dahilan?""I am hundred percent okey! Puwede ko nang pagbayaran sa kulungan ang mga kasalanan ko kay Gerald at Diane! Then after that, aalis tayo dito. Titira tayo sa ibang bansa, magsasama na tayo hanggang sa pagtanda.""Wait, may nagsampa ba ng kaso? Wala naman hindi ba?""Wala ba?""Sa pagkakaalam ko, wala."Bumuntong hininga si Ringgo. Inakbayan niya s Sofia
Hi Baby!At first, I don't know what to write. Napakarami ko kasing gustong sabihin at sa dami ay di ko alam kung ano ang aking uunahin. Ngunit naisip kong gawing simple lang ang paglalahad at sana maintindihan mo ako. Baby, I am sorry. Here I am again, asking for a favor. I need to sarcrifice for a friend, for us and for everybody. Lalayo muna ako para pagbigyan ang isang kahilingan ng Mommy ni Ringgo.Tumulo ang luha ni Diane. Hindi niya alam kung kaya pa niyang tapusing basahin ang sulat na iyon. Muli na naman siyang iniwan ni Gerald. Matagal niyang itinapat sa dibdib niya ang sulat kasabay ng pagbunot niya ng sunud-sunod na malalalim na hininga. Kailangan niyang lawakan ang pang-unawa.Gusto kong gumaling muna si Ringgo. Gusto ko ring matahimik na muna ang lahat. Nais kong ligtas ang lahat habang naghihilom ang sugat ng kahapon. Hanapin mo muna ang sarili mo at gawin ang mga bagay na hindi mo nagawa nang sinimulan mong mahalin ako. Ganoon din ako. Tatapusin ko sa ibang bansa ang a
Ang Mommy ni Ringgo ang umiikot sa kanilang tatlo naging biktima ng kanyang anak para masiguro ang kanilang kaligtasan. Niyakap siya nang mahigpit ng Mommy ni Ringgo nang pumayag siya sa hinihiling nito. Kung hindi lang niya naisip na sa huling sandali ay pinili pa rin ni Ringgo ang maging isang mabuting tao, kung hindi lang nakiusap ang Mommy ni Ringgo ay paniguradong hindi niya kakayanin ang muling magsakripisyo. Dadalawin niya si Ringgo bago siya aalis.Pagkaalis na pagkaalis ng Mommy ni Ringgo ay humiling siya sa doktor kung puwedeng isakay siya sa wheelchair para silipin niya si Diane. Walang bantay si Diane noon. Maayos na ang kalagayan nito ngunit nakapikit pa rin siya. Ginagap niya ang kamay ni Diane. Pinagmasdan niya ang mapayapa nitong pagkakaidlip. Pinilit niyang tumayo at hinalikan niya sa labi ang kanyang pinakamamahal. Muli niyang pinalaya ang kanyang mga luha. Luha ng kasiyahan. Luha ng pasasalamat sa pagdating nito at iniligtas ang kanyang buhay. Alam niya, siguradong-
“Adammm! Bumalik ka na roon. Kailangan ka ng mga kapatid ko! Gumisinggg kaaa! Adammm please!!!” sigaw iyon ni Diane. Napasinghap si Gerald. Mabilis niyang hinanap si Diane na kanina lang ay ginigising siya. Akala niya totoo ang lahat. Akala niya malakas pa si Diane. Nang makita niya ang babaeng halos wala nang buhay na kayakap niya ay alam niyang panaginip lang ang lahat. Lumuha siyang muli. Alam niyang sandali siyang nawalan ng malay ngunit nakita niya sa balintataw niya si Diane. Ginigising siya. Pinababalik. “Sorry, baby. Sorry na wala akong magawa.” Bulong lang iyon. Pilit niyang nilalakasan ang kanyang katawan para mayakap lang niya ito sa huling sandali ng kanilang buhay. Hangang sa nakita niya na may hawak na baril si Ringgo. Palapit na ito sa kanila. Puno ng luha ang mga mata ni Ringgo. Naroon ang galit sa kanyang mukha. Bigo siyang makahingi ng konting awa. Bigo siyang mapabago ang kanyang kaibigan. Ito na nga marahil ang katapusan ngunit hindi siya papayag na si Diane ang
Alam ni Gerald na sinusundan siya ni Ringgo. Mabuti't mabilis niyang nahubad ang suot niyang long-sleeves at iyon ang kanyang ipinulupot sa kanyang sugat ngunit ngayon muling umagos ang kanyang dugo at di niya mapigilan ang pagpatak nito sa damuhan na maaring masundan ng naka-flashlight na si Ringgo."Sinabi ko na sa'yo, hindi mo ako matatakasan Gerald! Magsama tayong dalawa sa impyerno!" kasunod iyon ng malakas na tawa ni Ringgo.Hinigpitan ni Gerald ang hawak niya sa nakita niyang kahoy kanina. Hinihintay niyang matapat si Ringgo sa tinataguan niya at buong lakas niyang papaluin ito sa ulo. Ramdam na niya ang pagkahilo dahil sa pagod, gutom, pagkauhaw at dami ng dugong nawala sa kanya ngunit hindi ito yung tamang panahon para manghina siya. Lalabanan niya ang lahat ng iyon. Mahal niya ang kanyang buhay. Gusto pa niyang makasama ng mahabang panahon si Diane."Sige pa, lumapit ka pang hayop ka," bulong ni Gerald. Itinaas niya ang hawak niyang pamalo. Sandali siyang pumikit at huminga
Alam ni Gerald na hindi nagbibiro si Ringgo sa sinabi niyang iyon nang tinanggal nito ang pagkakatali sa isa niyang kamay at nang matanggal iyon ay nakatutok na ang baril sa kanya."Bibigyan kita ng isang minuto na tanggalin ang pagkakatali ng isa mo pang kamay at paa. Kung natapos na ang isang minuto at nadiyan ka pa rin sa kama, pasensiyahan na tayo pero hindi na tayo makakalabas pa sa bahay ng buhay. Dito na tayo magkasunod na malalagutan ng hininga. Kaya nga kung ako sa'yo, simulan mo nang tanggalin ang nakatali sa'yo dahil magsisimula na ang oras mo." Salubong ang kilay at nanlilisik ang mga mata ni Ringgo habang sinasabi niya iyon. Pawis at luha ang naghalo sa kanyang namumulang mukha. Ikinasa na ni Ringgo ang hawak niyang baril.Hudyat iyon na kailangan ni Gerald na bilisan ang kilos."60, 59, 58, 57..." pagsisimula ni Ringgo sa pagbibilang.Sobrang kaba at nerbiyos ni Gerald habang tinatanggal niya nakatali sa kanyang kamay. Isang kamay lang ang gamit niya kaya siya nahirapan
Inilagay ni Ringgo ang baril sa drawer na may susi. Lumapit siya kay Gerald. Hinawakan niya ang mukha nito. Hindi niya naramdamang pumalag si Gerald. Ni hindi ito nagmura. Iyon nga lang hindi ito tumingin sa kanya. Namimimiss na niya si Gerald. Nakapatagal na nang huli niya itong mahalikan sa labi, ang maidantay niya ang hubad at mainit nitong katawan sa kanya, ang maramdaman ang matitigas nitong dibdib at abs na nakadikit din sa kanya. May kung anong nabuhay sa kanyang pagnanasa. Puwede na niyang gawin lahat ngayon kay Gerald ang gusto niya. Puwede siyang magpakasawa, tigilan lang ito kung kailan pagod na. Dahan-dahan niyang idinampi ang labi niya sa labi ni Gerald. Siniil niya iyon ng halik. Hindi inilayo ni Gerald ang kanyang labi ngunit hindi iyon kumilos. Humihinga naman ito, naamoy nga niya ang mabango nitong hininga ngunit mistula itong patay. Walang kahit anong paggalaw, mistulang humahalik siya sa malamig nang bangkay.Hanggang sa naisip niyang tanggalin ang butones ng longsl
Tagaktak na ang pawis si Gerald sa loob ng trunk ng sasakyan ni Ringgo. Nakagapos ang kamay niya patalikod at kahit ang mga paa niya. Napapaluha siya dahil sa sobrang nahihirapan na. Wala siyang makita dahil piniringan din ang kanyang mga mata. Hindi niya alam kung gaano na iyon katagal. Sumasakit na ang buo niyang katawan. Hirap pa siyang kumilos at huminga dahil sa tindi ng init sa loob ng trunk ng kotse. Ang tanging lakas na lang niya sa mga sandaling iyon ay ang isipin si Diane. Doon siya huhugot ng lakas. Iisipin niya ang masasaya nilang alaala. Pupunuin niya ng matatamis nilang sandali ang kanyang isip nang di niya maramdaman ang hirap niya ngayon. Sana naisip ni Diane na unahin ang mga kapatid niyang iligtas at ilayo. Kaya niyang magtiis, kaya pa niyang magsakripisyo. Masaya siyang ligtas na si Marcus. Maaring kasama na ngayon ni Diane ang bata. Okey lang sa kanya ang lahat nang ito. Ang mahalaga ay hindi na muli pang iiyak si Diane sa pagkawala ng mahal nito sa buhay. Kayang n
Pinalibutan na siya nina Sackey, Diane at Marvie.Humahagulgol lang si Marcus. Hindi ito makapagsalita dahil pa rin sa tindi ng trauma na pinagdaanan niya. Marami siyang gustong sabihin ngunit hindi niya alam kung paano niya sisimulan. Iniwan na lang siya bigla sa hindi niya alam kung saang lugar. Kinalagan lang siya sa kamay at siya na ang nagtanggal sa ipiniring sa kanya at sa nakatali sa kanyang mga paa. Tinanggal din niya ang packing tape sa kanyang bibig at tainga. Lakad-takbo siyang lumayo doon hanggang sa naapuhap niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Ang ate Marian niya ang tinawagan niya dahil natatakot siya sa Ate Diane niya."Ate, hindi siya sumasagot. Umiiyak lang siya." si Marian.Kinuha ni Diane ang cellphone sa kamay ng kapatid niya at siya ang kumausap sa kanilang bunso."Marcus, ang Ate Diane mo ito. Huminga ka nang malalim. Relax lang okey? Sabayan mo ako, hinga...buga...hinga...buga... Nandito ang ate, sabihin mo kung nasaan ka para sunduin ka namin.""Ate...