“Hindi ko alam. Hindi ko sasagutin ang tanong mo sa akin.” “Okey.” Kibit-balikat si Diane. “Bakit hindi mo na ako kayang mahalin?” “Natatakot ako. Baka mawala ka rin lang naman sa akin. Iniisip ko pa rin na maaring mangyari sa atin ang nangyari sa amin ni Sofia. Nawala na yung pagmamahal ko kay Sofia ngunit alam mo ba kung ano ang naiwan? Alam mo ba kung ano ang tumatagal? Iyon ay yung sakit at galit nararamdaman ko. Ang alaala ng mga masasakit na nakaraan yung nandito sa puso ko at hindi yung letcheng pagmamahal na sinasabi mo." Bumunot siya ng malalim na hininga. Tumingin siya sa paligid saka niya muling hinarap si Diane. “Hindi kita mamahalin sa ngayon. Hindi ko kayang isakripisyo ang ngayon para sa naghihintay na magandang kinabukasan mo.” Huminga siya nang malalim. Inilibot ang mata sa paligid. "Tingnan mo kung ilan ang nandito ngayong nagpapakasaya, paniguradong ang ilan dito ay may mga karelasyon sa labas ngunit nandito sila dahil naghahanap ng bagong makikilala, ng bagong k
CHAPTER THIRTY-EIGHT"Huwag kang matukso Diane. Sex lang ang habol niya sa'yo. Sex lang ang dahilan kung bakit kayo nandito." bulong niya sa sarili habang nakayuko."Okey ka lang?" tanong ni Gerald.Tinabihan siyang umupo sa bangketa.Ginagap niya ang palad ni Diane na halatang malalim ang iniisip."Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung kailangan kong sumama sa'yo kahit alam kong sex lang naman ang habol mo sa akin." diretsuhang sinabi iyon ni Diane.Ramdam niya ang mainit na braso ni Gerald na lumapat sa kanyang balikat. Kitang-kita niya sa malapitan ang mapupungay nitong mga mata, may katangusang ilong at ang napakasarap siilin ng halik na mga labi."Sex lang? Sa tingin mo sex lang ang..." natigilan si GeraldMay kung anong dating kasi kay Gerald ang narinig niyang sinabi ni Diane sa kanya. Gusto niyang ipagtanggol ang sarili ngunit bakit pa? Bibigyan lang niya ng pag-asa si Diane kahit alam niyang malabo niya iyon maibigay sa ngayon."Sige, desisyon mo 'yan. Ingat ka sa pag-uwi." tin
CHAPTER THIRTY-NINEHinalikan niya sa labi ang noon ay nakapikit na si Gerald. Hinawakan niya ang palad nito. hinagkan din niya iyon saka niya ibinalik sa kung saan ito nakapatong sa katawan niya. Kaysarap umidlip sa piling ng lalaking mahal na mahal mo at alam mong tumanggi man ng paulit-ulit pero nadulas din minsan sa tunay nitong nararamdaman.Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay wala na si Gerald sa tabi niya. Mabilis siyang bumangon. Hindi puwedeng maulit muli ang nangyari noon na basta na lang siya iniwan na walang paalam. Ngunit kahit sa Comfort Room wala na si Gerald. Nakita niya ang 15,000 sa dresser. Pakiramdam niya muli siyang binabayaran nito. Doon siya naiinsulto. Doon sumasakit ang kanyang kalooban. Ginagawa siyang bayaran. Iniiwan siya kinabukasan na walang paalam.Nagulantang siya nang makita niyang mahuhuli na siya ng pasok sa klase niya. Mabilis siyang naligo at nagdamit. Kailangan niyang daanan ang kanyang mga gamit sa school na naiwan niya sa opisina. Kinuha niya a
CHAPTER FOURTYLumingon siya sa bumukas na pintuan. Nakita niya si Ringgo na nakangiti at kumaway sa mga empleyado. Napatayo siya. Gusto niyang tumutol. Hindi puwede 'to. Hindi puwedeng basta na lang papasok sa company nila si Ringgo at kunin ang isa sa mga pinakamataas na posisyon. Hindi sila magkakasundo. Hindi sila puwedeng magkatrabaho.Tumayo rin ang lahat ng mga empleyado. Nagpalakpakan sila."Take your seat." sumenyas si Ringgo para paupuin ang mga nagsitayuang empleyado. "Just take your seat. Lalapitan ko kayo isa-isa para makilala ko kayo. I might forget your name pero hindi sa mukha." Nakangiting wika ni Ringgo.Kinamayan ni Ringgo isa-isa ang mga naroong empleyado. Nakita niyang huminto ito nang tumapat siya kay Diane na noon ay nagulat din sa mga nangyayari. Alam niyang naaalala pa nila ang isa't isa. Lalo siyang pinagpawisan.Sa katayuan ni Diane, alam niyang hindi siya mapapansin ng katulad ni Ringgo. Kaya nga umatras pa siya nang dumaan si Ringgo sa harap niya ngunit hu
CHAPTER FOURTY-ONEWala siyang balak sabihin ang totoo sa Daddy niya sa personal nilang alitan ni Ringgo.Nasabi na niya sa Daddy niya noon na magretiro na at magpahinga at ipagkatiwala na lang sa kanya ang pamumuno sa kumpanya ngunit alam niyang mauuwi lang sa mainit na diskusyon. Napagkamalan pang masiyado niyang pinag-iinteresan ang posisyon. Hindi alam ng Daddy niya na dahil sa hindi na magandang image nito sa mga investors at clients kaya patuloy ang pagbulusok ng kanilang kumpanya. Nalulong na sa pagsusugal, sa pag-iinom at pambabae ang Daddy niya at kahit anong gawin niyang pagsaway dito ay lumalabas na siya ang mali. Iyon ang kinakasama ng loob niya, naghihintay siya na mapag-uusapan ng board ang pagluluklok ng bagong CEO para mabago na ang sistema sa pagpapatakbo ng Saavedra Real Estate Development Company ngunit mas pinipili ng ilan na magpull-out ng kanilang share kaysa sa makipagtalo nang makipagtalo sa ibang malalapit na kaibigan ng Daddy niya na share-holders din ng kump
CHAPTER FOURTY-TWO"Gerald, this is part of Ringgo's job. Siya ang dapat mag-ayos muna sa lahat ng kailangan prior to construction. Alam mo dapat 'yun. Tender, project conceptualization, design and other development related jobs ay tungkulin ng CDO. Kasama sa job description niya na pag-aralan para maayos kung may mga na-over-look na mga gusot. He needs to review all related drawings, specifications inluding contracts between us and our consultants, contractors at suppliers then, kung maayos na ang lahat and definitely ready for the construction phase, doon ka pa lang papasok, hindi ba?”Paano naman yung naibuhos na nilang trabaho? Mauulit lang uli dahil kailangan niyang maayos na iturn over. Hindi naman iyon parang papel lang sa classroom na basta na lang ipasa. Huminga siya nang malalim. Pinili niyang huwag sumagot."Personally, wala akong nakikitang mali dito. Ibinigay lang namin sa'yo dati yung pagpapalikas sa mga informal settlers sa lugar na pagpapatayuan ng project dahil hindi
CHAPTER FOURTY-THREE"Diane, ano sa tingin mo ang iisipin ng lahat kung papatulan kita at maging tayo. COO pumatol sa isang Janitress? Nakatuwa ba on your part?"Kinagat niya ang labi niya at huminga nang malalim. Parang gusto niyang maglaho sa kinatatayuan."Ano? Bakit hindi ka makasagot? Dahil alam mong masyado kang naging ambisyosa, hindi ba?"Bago bumagsak ang kanyang luha ay mabilis niyang itinaas ang laylayan ng kanyang polo para punasan ang luha."Matanda ka na para maniwala sa mga nababasa mong fairy tale. Hindi para sa'yo ang mga napapanood mong pelikula katulad ng Maid in Manhattan. Totoong buhay ito Diane. Kung gusto mong bumuti ang buhay mo, pilitin mong tapusin ang pag-aaral mo at magtrabaho. Baka sakaling kung hindi ka na Janitress lang, puwede nang patulan kita, ngunit sa ngayon tigilan mo na ang pag-aambisyon mo na papatol ako sa kagaya mo lang. Hindi mangyayari ang pangarap mo. Tigilan mo nang pangarapin pang maging tayo. Mahiya ka naman. Ikaw ang babae. Maghintay kan
CHAPTER FOURTY-FOURPagpasok ni Diane sa elevator ay nakasalubong niya ang palabas na si Ringgo. Pipindutin na sana niya ang button ng door close nang iniharang ni Ringgo ang kamay niya. Muli itong pumasok habang nakatingin ng diretso sa kanya. Nagtataka."Saang floor kayo Sir?" tanong niya. Hindi niya magawang itago ang garalgal niyang boses."Kung saang floor ka pupunta." Tumitig ito sa magandang dalaga. Kinutuban ng hindi maganda. "Diane, umiyak ka?" Pinindot ni Diane ang button papunta ng Ground Floor."Hindi ho Sir." Pinilit niyang ngumiti."Namumula ang mga mata mo. Hindi pa nga natutuyo ang luha sa paligid ng mga mata mo. Huwag ka nang magsinungaling. Anong nangyari? Okey ka lang kanina ah?" tanong ni Ringgo."Wala Sir." pagsisinungaling niya."Look, hindi puwedeng wala. Hindi kita palalabasin sa Building na ito kung di mo sasabihin sa akin ang problema mo." hinawakan ni Ringgo ang braso niya.Tinanggal niya ang kamay ni Ringgo sa kanyang braso.Bumukas ang elevator. Kabastusan
Pagpasok ni Sofia sa bakuran Psychiatrict Hospital ay nakita niya ang isang matipuno, guwapo at masayahing lalaki na noon ay tumutulong sa pagsasaayos ng mga namumulaklak na halaman. Nang magtama ang kanilang mga mata ay nakita niya agad ang kislap sa mga mata ng paghahandugan niya sa kanyang dala. Tumakbo ito at sinalubong siya. Binuhat at pinaikot-ikot siya at ramdam na ramdam niya ang kanyang pagiging babae."I'm so happy. Sobrang saya ko lang honey." maluha-luha at natatawang wika ni Ringgo kasunod ng paghalik-halik niya sa braso ni Sofia."Dahil dinalaw ulikita?""Sort of." sagot ni Ringgo."Sort of? E anong bulls eye na dahilan?""I am hundred percent okey! Puwede ko nang pagbayaran sa kulungan ang mga kasalanan ko kay Gerald at Diane! Then after that, aalis tayo dito. Titira tayo sa ibang bansa, magsasama na tayo hanggang sa pagtanda.""Wait, may nagsampa ba ng kaso? Wala naman hindi ba?""Wala ba?""Sa pagkakaalam ko, wala."Bumuntong hininga si Ringgo. Inakbayan niya s Sofia
Hi Baby!At first, I don't know what to write. Napakarami ko kasing gustong sabihin at sa dami ay di ko alam kung ano ang aking uunahin. Ngunit naisip kong gawing simple lang ang paglalahad at sana maintindihan mo ako. Baby, I am sorry. Here I am again, asking for a favor. I need to sarcrifice for a friend, for us and for everybody. Lalayo muna ako para pagbigyan ang isang kahilingan ng Mommy ni Ringgo.Tumulo ang luha ni Diane. Hindi niya alam kung kaya pa niyang tapusing basahin ang sulat na iyon. Muli na naman siyang iniwan ni Gerald. Matagal niyang itinapat sa dibdib niya ang sulat kasabay ng pagbunot niya ng sunud-sunod na malalalim na hininga. Kailangan niyang lawakan ang pang-unawa.Gusto kong gumaling muna si Ringgo. Gusto ko ring matahimik na muna ang lahat. Nais kong ligtas ang lahat habang naghihilom ang sugat ng kahapon. Hanapin mo muna ang sarili mo at gawin ang mga bagay na hindi mo nagawa nang sinimulan mong mahalin ako. Ganoon din ako. Tatapusin ko sa ibang bansa ang a
Ang Mommy ni Ringgo ang umiikot sa kanilang tatlo naging biktima ng kanyang anak para masiguro ang kanilang kaligtasan. Niyakap siya nang mahigpit ng Mommy ni Ringgo nang pumayag siya sa hinihiling nito. Kung hindi lang niya naisip na sa huling sandali ay pinili pa rin ni Ringgo ang maging isang mabuting tao, kung hindi lang nakiusap ang Mommy ni Ringgo ay paniguradong hindi niya kakayanin ang muling magsakripisyo. Dadalawin niya si Ringgo bago siya aalis.Pagkaalis na pagkaalis ng Mommy ni Ringgo ay humiling siya sa doktor kung puwedeng isakay siya sa wheelchair para silipin niya si Diane. Walang bantay si Diane noon. Maayos na ang kalagayan nito ngunit nakapikit pa rin siya. Ginagap niya ang kamay ni Diane. Pinagmasdan niya ang mapayapa nitong pagkakaidlip. Pinilit niyang tumayo at hinalikan niya sa labi ang kanyang pinakamamahal. Muli niyang pinalaya ang kanyang mga luha. Luha ng kasiyahan. Luha ng pasasalamat sa pagdating nito at iniligtas ang kanyang buhay. Alam niya, siguradong-
“Adammm! Bumalik ka na roon. Kailangan ka ng mga kapatid ko! Gumisinggg kaaa! Adammm please!!!” sigaw iyon ni Diane. Napasinghap si Gerald. Mabilis niyang hinanap si Diane na kanina lang ay ginigising siya. Akala niya totoo ang lahat. Akala niya malakas pa si Diane. Nang makita niya ang babaeng halos wala nang buhay na kayakap niya ay alam niyang panaginip lang ang lahat. Lumuha siyang muli. Alam niyang sandali siyang nawalan ng malay ngunit nakita niya sa balintataw niya si Diane. Ginigising siya. Pinababalik. “Sorry, baby. Sorry na wala akong magawa.” Bulong lang iyon. Pilit niyang nilalakasan ang kanyang katawan para mayakap lang niya ito sa huling sandali ng kanilang buhay. Hangang sa nakita niya na may hawak na baril si Ringgo. Palapit na ito sa kanila. Puno ng luha ang mga mata ni Ringgo. Naroon ang galit sa kanyang mukha. Bigo siyang makahingi ng konting awa. Bigo siyang mapabago ang kanyang kaibigan. Ito na nga marahil ang katapusan ngunit hindi siya papayag na si Diane ang
Alam ni Gerald na sinusundan siya ni Ringgo. Mabuti't mabilis niyang nahubad ang suot niyang long-sleeves at iyon ang kanyang ipinulupot sa kanyang sugat ngunit ngayon muling umagos ang kanyang dugo at di niya mapigilan ang pagpatak nito sa damuhan na maaring masundan ng naka-flashlight na si Ringgo."Sinabi ko na sa'yo, hindi mo ako matatakasan Gerald! Magsama tayong dalawa sa impyerno!" kasunod iyon ng malakas na tawa ni Ringgo.Hinigpitan ni Gerald ang hawak niya sa nakita niyang kahoy kanina. Hinihintay niyang matapat si Ringgo sa tinataguan niya at buong lakas niyang papaluin ito sa ulo. Ramdam na niya ang pagkahilo dahil sa pagod, gutom, pagkauhaw at dami ng dugong nawala sa kanya ngunit hindi ito yung tamang panahon para manghina siya. Lalabanan niya ang lahat ng iyon. Mahal niya ang kanyang buhay. Gusto pa niyang makasama ng mahabang panahon si Diane."Sige pa, lumapit ka pang hayop ka," bulong ni Gerald. Itinaas niya ang hawak niyang pamalo. Sandali siyang pumikit at huminga
Alam ni Gerald na hindi nagbibiro si Ringgo sa sinabi niyang iyon nang tinanggal nito ang pagkakatali sa isa niyang kamay at nang matanggal iyon ay nakatutok na ang baril sa kanya."Bibigyan kita ng isang minuto na tanggalin ang pagkakatali ng isa mo pang kamay at paa. Kung natapos na ang isang minuto at nadiyan ka pa rin sa kama, pasensiyahan na tayo pero hindi na tayo makakalabas pa sa bahay ng buhay. Dito na tayo magkasunod na malalagutan ng hininga. Kaya nga kung ako sa'yo, simulan mo nang tanggalin ang nakatali sa'yo dahil magsisimula na ang oras mo." Salubong ang kilay at nanlilisik ang mga mata ni Ringgo habang sinasabi niya iyon. Pawis at luha ang naghalo sa kanyang namumulang mukha. Ikinasa na ni Ringgo ang hawak niyang baril.Hudyat iyon na kailangan ni Gerald na bilisan ang kilos."60, 59, 58, 57..." pagsisimula ni Ringgo sa pagbibilang.Sobrang kaba at nerbiyos ni Gerald habang tinatanggal niya nakatali sa kanyang kamay. Isang kamay lang ang gamit niya kaya siya nahirapan
Inilagay ni Ringgo ang baril sa drawer na may susi. Lumapit siya kay Gerald. Hinawakan niya ang mukha nito. Hindi niya naramdamang pumalag si Gerald. Ni hindi ito nagmura. Iyon nga lang hindi ito tumingin sa kanya. Namimimiss na niya si Gerald. Nakapatagal na nang huli niya itong mahalikan sa labi, ang maidantay niya ang hubad at mainit nitong katawan sa kanya, ang maramdaman ang matitigas nitong dibdib at abs na nakadikit din sa kanya. May kung anong nabuhay sa kanyang pagnanasa. Puwede na niyang gawin lahat ngayon kay Gerald ang gusto niya. Puwede siyang magpakasawa, tigilan lang ito kung kailan pagod na. Dahan-dahan niyang idinampi ang labi niya sa labi ni Gerald. Siniil niya iyon ng halik. Hindi inilayo ni Gerald ang kanyang labi ngunit hindi iyon kumilos. Humihinga naman ito, naamoy nga niya ang mabango nitong hininga ngunit mistula itong patay. Walang kahit anong paggalaw, mistulang humahalik siya sa malamig nang bangkay.Hanggang sa naisip niyang tanggalin ang butones ng longsl
Tagaktak na ang pawis si Gerald sa loob ng trunk ng sasakyan ni Ringgo. Nakagapos ang kamay niya patalikod at kahit ang mga paa niya. Napapaluha siya dahil sa sobrang nahihirapan na. Wala siyang makita dahil piniringan din ang kanyang mga mata. Hindi niya alam kung gaano na iyon katagal. Sumasakit na ang buo niyang katawan. Hirap pa siyang kumilos at huminga dahil sa tindi ng init sa loob ng trunk ng kotse. Ang tanging lakas na lang niya sa mga sandaling iyon ay ang isipin si Diane. Doon siya huhugot ng lakas. Iisipin niya ang masasaya nilang alaala. Pupunuin niya ng matatamis nilang sandali ang kanyang isip nang di niya maramdaman ang hirap niya ngayon. Sana naisip ni Diane na unahin ang mga kapatid niyang iligtas at ilayo. Kaya niyang magtiis, kaya pa niyang magsakripisyo. Masaya siyang ligtas na si Marcus. Maaring kasama na ngayon ni Diane ang bata. Okey lang sa kanya ang lahat nang ito. Ang mahalaga ay hindi na muli pang iiyak si Diane sa pagkawala ng mahal nito sa buhay. Kayang n
Pinalibutan na siya nina Sackey, Diane at Marvie.Humahagulgol lang si Marcus. Hindi ito makapagsalita dahil pa rin sa tindi ng trauma na pinagdaanan niya. Marami siyang gustong sabihin ngunit hindi niya alam kung paano niya sisimulan. Iniwan na lang siya bigla sa hindi niya alam kung saang lugar. Kinalagan lang siya sa kamay at siya na ang nagtanggal sa ipiniring sa kanya at sa nakatali sa kanyang mga paa. Tinanggal din niya ang packing tape sa kanyang bibig at tainga. Lakad-takbo siyang lumayo doon hanggang sa naapuhap niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa. Ang ate Marian niya ang tinawagan niya dahil natatakot siya sa Ate Diane niya."Ate, hindi siya sumasagot. Umiiyak lang siya." si Marian.Kinuha ni Diane ang cellphone sa kamay ng kapatid niya at siya ang kumausap sa kanilang bunso."Marcus, ang Ate Diane mo ito. Huminga ka nang malalim. Relax lang okey? Sabayan mo ako, hinga...buga...hinga...buga... Nandito ang ate, sabihin mo kung nasaan ka para sunduin ka namin.""Ate...