Kinabukasan nagtrabaho ako ng normal hindi ko inisip ang mga ngyari ng nakaraang araw dahil ayokong kakasimula ko pa lang sa aking trabaho ay sira na kaagad ang araw no. Kaya naman ginawa ko lang ang aking daily routine. Nang araw na iyon ay wala ang aking manager dahil sa holiday nito at nasa opisina lang ang aming Supervisor , nakaugalian na nitong doon mamamalagi sa tuwing wala ang aming Manager. Mahirap tawagin si Mr.Motamed kapag may kailangan not unless malalaman niyang may mga VIP na tao.
Sinimulan ko ng gumawa ng mga sweets , cakes at mga items para sa dessert na i-se-serve sa customer kung may oorderin ang mga ito. May mga items kasi kaming sinasadya kong gawin in advance. Alam ko na ang mangyayari dahil dumating si Marineth kasama ang bff niyang si Joylin para lang manira ng araw. Actually hindi lang para sa akin kundi para sa lahat ng tao na naman sa kusina pero sadyang gustong gusto lang niyang nagsisimula sa akin ang gulo. Napapailing na ako kaagad ng makita ko itoHindi ako mapakali sa sinabing iyon ni Joylin. Hindi ako makakapayag na maagaw ni Zaira si Motamed sa akin. Pag nangyari yun mawawalan na ako ng magiging sandalan dito sa trabaho. Kailangan makaisip ako ng paraan para matanggal si Zaira sa lalong madaling panahon. Nang magsimula ng mag operate ang aming restaurant at dumagsa na ang mga tao ay panandaliang nawala na sa isip ko kung pano ko gagawan ng issue si Zaira. Kung kailan nananahimik na ang utak ko saka naman lumapit na naman sa akin si Joylin. Muli na naman niyang kinuliglig ang utak ko. “Ano na girl wala ka pang naisip?! (Umiling ako sa kaniya , muli na naman nagsimula ang pagka high blood ko.) sige bibigyan kita ng ideya girl. Pero hindi ko magagawa kaya ikaw ang gagawa. Busy na ko madami ng customer sa area ko. (Nakinig akong mabuti sa sinabi sa akin ni Joylin, napangiti ako sa kaniyang ideya.) okay gets mo na?!” Pagmamadali niyang sabi habang naghihintay siya ng kaniyang order. “Ang brainy
MARINETH POVDahil pakiramdam ko ay pinagtatawanan ako ng lahat ng ikwento sa kanila ang ngyaring kaguluhan sa loob ng kusina ay nagtungo ako sa opisina ni Motamed. Hindi ko palalampasin ang kahihiyang ginawa sa akin ni Zaira.Padabog akong nagtungo sa opisina ni Mr.Ahmed kung saan paboritong hang out ni Motamed sa tuwing day off ang aming Manager. Pangalawa sa pinakamataas sa Restaurant si Motamed. Pabalibag kong sinarado ang pinto at naupo ako sa kaniyang harapan.“Darling, please listen to me. You need to find a way to kick out Zaira in this company immediately, if you can today or tomorrow much better. She’s a big headache in the kitchen. You know what happen just now?!” Galit na galit kong sabi. Para akong puputukan ng ugat sa aking ulo dahil sa sobrang pagka high blood ko kay Zaira.“Yes?! What happen?!” Tumigil siya sa ginagawa niya sa laptop tinanggal niya ang kaniyang salamin at humarap siya sa akin.&
Nang alam kong tapos na sila sa kanilang pagpupulong ay sadya kong tinawag ang kanilang Supervisor. Sinadya kong kuhain ang kaniyang atensyon . Nais ko siyang kausapin. Magpapakilala na sana ako pero biglang nagbago ang aking isip dahil sa naging flow ng aming pag-uusap. “Excuse me! Im waiting here for about 15minutes and until now no one is coming to assist me?!” Pagsusumbong ko sa supervisor inaasahan kong bibigyan ako nito ng kahit na isang tao na mag assist sa akin pero taliwas ang kaniyang naging sagot sa aking inaasahan. “Ok Sir, You see we have lots of customer , just wait for your turn!? Okay!” Maangas nitong sabi sa akin. Walang respeto at bastos niyang sabi. Mabuti na lamang at sinimulan kong buksan ang akingg audio recorder sa aking laptop. “ im sorry!? pardon me? (hindi ko makapaniwalang sabi sa kaniya. Hindi ako makapaniwala sa kaniyang naging tugon. Bilang Supervisor dapat siya ang maging mabuting ehemplo para sa
Magka chat kami ni Matthew ng mga sandaling naghihintay ako. Halos patapos na si Matthew sa kaniyang kinakain kahit na nauna pa akong pumasok sa kaniya. Dahil sa walang nag-iintindi sa akin matagal akong naghihintay. Sinabi ko sa kaniya ang mga ilalagay niya sa kaniyang report. Kasama kong sinend sa kaniya ang attitude ng mga taong ito at ine-specify ko ang dapat gawin sa mga attitude nito.Ngayon nagkaka idea na ako sa mga kino-complain ng mga staff na nagsipag alisan sa mga naging rason. Habang ako ay nag-ta-type sa aking email ay dumating ang babaeng ito at naka ngiti niyang inabot ang complimentary na kaniyang sinasabi. Doon ko na nakita ang kaniyang pangalan, Celine.“Oh thank you! You’re so sweet.” Anas ko sa kanya habang inaabot ang starter menu habang naghihintay ng aking order. Nang umalis ito tinuloy ko ang aking email para kay Matthew. Nilagay ko din sa note ang tungkol sa pagiging excellent staff ni Celine at kung paano niya hinandle ang kaniyang custom
Ang table ng babaeng ito ay hindi kalayuan sa aking pwesto, halos napapagitnaan ako ng babaeng ito pati ang lugar ng cashier counter kaya lahat ng kaganapan ay nasasaksihan ko.Tinignan ko ang kahera at ang malditang waitress. Narinig ko pa ang mga itong nagtatawanan at nagkakatsawan, sa inaasta nito inaasahan talaga nilang mangyayari ang kanilang nakikita. Wala silang tigil sa pag-uusap kahit na alam nilang naririnig ko sila marahil akala nila ay isa akong arabo at hindi ko sila naiitindihan. "Ahahaha ayos talaga naisip mo Joylin. Ngayon wala ng ligtas yang si Zaira. " mayabang na sabi ng kahera “Tama nga ganyan ang gawin mo. Sige babagal bagal ka, imbes na ikaw ang mapromote baks ito na ang hi” Sagot naman ng waitress na sarkastikang ngiti. Maya maya ay nakikita ko na ang supervisor ng branch na ito na pulang pula ang mukha sa sobrang galit. Hindi niya kayang i handle ang ganitong sitwasyon paano pa kung malaking problema. Narinig ko mula sa aking pwesto ang
GEORGE POV Natulala ako sa paglabas ng kanilang pastry chef. Kumabog ang aking dibdib. Hindi ko aakalaing magkikita kami ulit ni Zaira. Oo aaminin ko ng makita ko siya sa Pilipinas ay nagustuhan ko talaga siya. Kahit na medyo malaki ang agwat ng aming edad ay nakita ko kay Zaira ang kakaibang katangian ng babae. Parang huminto ang sandali. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaibang tuwa. ALam kong hindi ako nakita nito. Hinayaan ko muna siya sa kaniyang gagawin dahil ayokong mahiya siya sa kaniyang sasabihin at ia-akto kung sakaling makita niya ako. Lumapit siya sa table kung san nagwawala ang customer na ito at may complain sa kaniya. "Are you the chef?" tanong ng babaeng vlogger na to. "Yes Mam! can i know the issue on the dessert i made?" magalang nitong tanong sa customer. Pinakita sa kaniya ng customer na iyon ang pagkain at ang hibla ng buhok. Kitang kita na may pagka blonde ito. "ahhm Mam, im so sorry about that. But i would not take any responsibi
AFTER 2 DAYS ZAIRA POV Pumasok sa loob ng kusina si Marineth na may sarkastikong ngiti. Lumapit siya sa akin at ma awtoridad akong sinabihan. Wala na talagang umaga ang hindi sinira nitong si Marineth. Kung hindi lang ako pinipigilan ng aking mga kasamahan sinisiguro kong may kalalagyan yan sa akin. Pero pinagtitimpian ko na lang ayoko din naman ng gulo. “Zaira! pumunta ka ngayon sa opisina. Naghihintay na mga amo sayo!” Nakangisi niyang sabi. Pinatawag ako ni Mr. Ahmed sa opisina , alam ko na ang sasabihin ng mga ito sa isip isip ko. Sure akong tungkol ito sa nangyaring insidente ng pagkakaruon ng complain tungkol sa dessert na hinanda ni Joylin para sa guest namin noong nakaraang araw. Alam kong may ginawa sila Marineth sa ngyaring ito. Hindi na ako nagtanong sa kaniya kung bakit dahil wala akong balak na makipag chit chat sa kaniya. Ngayon pa nga lang nakikita ko na sa mukha niyang tuwang tuwa siya dahil baka ito na huling araw ko. Tinanggal ko ang aking ap
Makalipas ang mahigit na isang oras na pananatili nila Marineth sa loob ng opisina ni Mr.Ahmed finally ay lumabas na din silang tatlo. Bakas sa mata at ilong ni Marineth at Joylin ang matinding pamumula tanda na umiyak sila loob ng opisina ni Mr. Ahmed samantalang bagsak ang balikat ni Mr. Motamed na huling namataan naming lumabas sa opisina ni Mr. Ahmed. Walang nagtangkang kumausap sa kanila pero imbis na bumalik sila sa kanilang working station ay nagtaka kami at nagtungo ang mga ito sa kanilang locker area at nagpalit ng kanilang unifrom. Pagkatapos nito dala ang kanilang mga gamit ay diretso ng umalis ang mga ito. Lumabas na din si Mr. Ahmed at si Mr. Matthew. Narinig kong pinatawag nito si Celine. May sinabi sa kaniyang nakapagpangiti sa kaniya alam kong goodnews din ito. Mamaya na lang kami mag-uusap usap magkakaibigan. Samantalang si Mary naman ang pumalit sa pwesto ni Marineth bilang Cashier. Hindi namin alam ang ngyayari ng biglang lumapit sa aking pwesto si Mr.Matthe
"Hon, patawarin mo ako. Matinding galit ang naramdaman ko noon kaya nagpadala ako sa mga taong gusto lang sirain tayo, imbes na magtiwala sa’yo bilang asawa ko. Mali ako. Hindi ko ginusto ang mga nangyari. Habang nasa mansion pa ako, ang dami nang nangyari. Ang mommy mo at si Annie, laging kinakampihan si Pearl. Nang masampal ko siya, hindi ko iyon sinadya. Nabigla lang ako. Sinabi nilang umamin ka raw kay Pearl na mas mahal mo siya kaya nananatili siya sa mansion kahit hiwalay na sila ni Jeff.“Dahil sobrang nasasaktan na ako, napagdesisyunan kong pumunta sa US para sundan ka. Miss na miss na kasi kita, kaya binalewala ko ang pride ko. Pero pagdating ko, nakita kita sa kama na may ibang babae. Napakasakit nun, Hon! Pero imbes na kausapin ka, umalis ako at dumiretso kina Mommy. Hindi ko inaasahan na sa pagbisita ko, mas malaking kawalang-hiyaan pa pala ang gagawin nila Jasmin sa akin."Malungkot ang naging reaksyon ni Haime. "Hon, sorry. Hindi ko rin alam kung paano napunta ang babaeng
“Okay. Tungkol ito kay Pearl at Jessie, ‘yung babaeng kasama niya sa restaurant na nakuhaan mo ng picture. Si Jessie ay nakababatang kapatid ni Pearl na lumaki sa Amerika. Isang kaibigan niya ang nagkumpirma na lahat ng nangyari kay Haime at Jessie ay pinagplanuhan. Sinundan ni Jessie ang bawat galaw ni Haime, mula sa disco bar hanggang sa makuha niya ang tiwala nito. Sinadya niya itong akitin dahil sa utos ni Pearl. Pati ang pagkuha ng litrato sa kwarto kasama si Haime ay plano nila para tuluyan mo siyang hiwalayan,” paliwanag ni Detective.“Sabi ko na nga ba, Natalie. Kilala ko si Haime. Hindi niya kayang gumawa ng ganitong kasamang bagay,” sabi ni Nicholai.“Kaya pala may pagkakahawig ang dalawang bruha! Sarap sabunutan,” inis na sabi ni Ryan.Ramdam ko ang galit na unti-unting lumalabas. Puno na ako ng inis at pagkadismaya sa nalaman ko. Ngunit iyon pa lang ang magandang balita. Kailangang maghanda ako sa masamang balita.“Ano naman ang masamang balita, Detective?” tanong ko, kina
Napasulyap ako kay Annie, na tila naintindihan ang tingin ko.“Kuya, wala kaming pinalayas. Kusa siyang umalis! Sinampal pa niya si Pearl bago siya umalis. Narinig ko rin sa mga kaibigan ko na nakatira na raw siya sa condo ni Mark,” sabi ni Annie habang si Pearl ay tahimik na nakatayo sa likod niya.“Annie, tigilan niyo na ang kakagawa ng kwento tungkol kay Natalie,” mariin kong sabi, napapadiin ang mga bagang ko.“Hindi kami gumagawa ng kwento. Tawagan mo si Mark para malaman mo,” sagot niya nang matapang. Hindi siya natatakot kahit galit na galit na ako.“Sige, tawagan mo, Haime. I-loud speaker mo para marinig ng lahat ang katotohanan,” dagdag pa ni Mommy, tila naghahamon.Kahit galit na galit ako, kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Mark. Sinunod ko ang gusto nila at niloud speaker ito.“Hello, Haime? Napatawag ka?” tanong ni Mark sa kabilang linya.“Mark, may gusto akong malaman. Sabihin mo sa akin ang totoo. Nakatira ba sa condo mo ang asawa ko?” tanong ko, puno ng tensyon
HAIME POVSa wakas, natapos din ang back-to-back meetings at branch visits namin dito sa US. Finally, makakauwi na rin ako. Makikita ko na si Natalie. Magkakausap na rin kami tungkol sa mga isyung nagdulot ng gulo sa amin, pati na rin kung bakit halos isang buwan na niyang hindi sinasagot ang mga tawag at mensahe ko.Habang naglalakad ako papunta sa lobby para isauli ang keycard ng hotel, naramdaman ko ang mga tingin at bulungan ng mga receptionist na kapwa Pilipino. Parang may gustong sabihin, pero hindi ko na sila pinansin. Gusto ko na lang talaga makauwi. Nang papaalis na ako, isa sa kanila ang mahina akong tinawag.“Sir, may gusto lang po sana kaming sabihin,” alanganing sabi ng receptionist. Nagtinginan pa sila at nagtuturuan kung sino ang magsasalita.Dahil sa pagkamausisa ko, napahinto ako. Lagi ko silang nakikitang nagbubulungan tuwing dumadaan ako, kaya hindi ko napigilang bumalik sa harapan nila.“Yes? Ano ’yun, Miss?” tanong ko sa babaeng receptionist.“Sir, kasi po, last m
malakas na tumawa si Jeff. "Kapatid ko si Haime, I'm his older brother," sagot niya, sabay tawa. "So you mean yung boss na sinasabi mong naiinis ka ay si Natalie?" tanong pa niya."MY GAWD! I think I'm in trouble!" sabi ko, napayuko sa gulat.Itinaas ni Jeff ang mukha ko para mawala ang pagkahiya ko. "It's ok. Hindi naman ako close sa hipag ko, at yung kapatid ko, dating live-in partner yun ng asawa ko. Ngayon finally na annuled na ako dahil kay Haime. Ayun, nagpapakasaya na naman ang malanding babaeng yun sa mansion." Mahabang paliwanag niya, hindi ko alam kung lasing ba siya o nagsasabi ng totoo.Napatingin ako sa kanya, hindi ko alam kung anong mangyayari. Sa tagal ng pagkakaibigan namin ni Natalie, hindi niya naikwento sa akin ang mga bagay na ito. Kaya siguro siya umalis sa bahay ng mga Rodriguez."Wohhhh! Cheers natin yan! Parehas pala tayong bwisit sa buhay!" nag-toast kami. Tapos may inilabas si Jeff na parang sigarilyo."Ok lang bang mag-smoke ako dito sa loob ng cubicle?" ta
JASMIN POVNakakainis talaga si Natalie, ang yabang, akala mo kung sino na. Akala niya kasi dahil nakapang-asawa ng mayaman, may karapatan na siyang magmataas. Kung hindi lang dahil kay Haime, hindi siya makikilala ng mga malalaking tao. Hindi siya dapat nandiyan, lumalago lang ang negosyo dahil sa tulong ng asawa niya. Tapos ngayon, ganyan ang mga ugali. “Bakit, nagagalit siya kasi hindi ko siya pinatira sa bahay nung tumawag siya? Aba, kasalanan ko ba na ang buong pamilya ko nakatira sa amin? Akala ko hindi na siya magche-check ng mga finances, kaya nga nila ako kinuha. Naiirita na talaga ako. Isa pa tong si Brett, puro abala na lang sa buhay ko. Bwisit na buhay!” naiinis kong bulong habang papasok sa office.Pinatawag ko ang isa sa mga tauhan ko at nagpaalam na uuwi muna ako, sila na lang ang bahala sa office. Ayokong dagdagan pa ang stress ko. Pero naiisip ko lang, bakit sila Natalie naging maayos ang buhay? Tapos ako, eto, ang daming problema. Naisipan kong dumiretso sa paborit
POV NATALIEIlang minuto lang ang nakalipas at dumating na ang doktor at ibinigay sa akin ang discharge papers. Mali ang pagkakakilala ko kay Mr. Tan—akala ng lahat, isa siyang babaero. Pero nagulat ako sa naging kilos niya nang maaksidente ako. Mabait pala siya at marunong rumespeto sa isang relasyon. Alam niya kung saan siya lulugar. Simula nang pumayag akong mangupahan sa isa niyang condo unit, ni minsan ay hindi siya pumunta rito. Malaya akong nakakagalaw at walang nararamdamang pressure mula sa kanya.Iniwasan ko ang pamilya ni Haime, pati na rin siya mismo. Kahit si Mayet na paulit-ulit na nangangamusta, hindi ko pa rin sinasagot ang mga tawag at emails ni Haime. Tuwing binabasa ko ang mga mensahe niya, wala man lang akong nakikitang paghingi niya ng tawad. Siguro, hindi niya alam na nahuli ko siya noong araw na iyon—o baka naman, nalason na ng pamilya niya ang isip niya.Ayos lang naman ako, lalo na ngayon na nalaman kong magkaka-baby na ako. Kaya ko namang buhayin mag-isa ang
Pagdating namin sa ospital, agad na sinuri ng doktor si Natalie."Doc, kumusta na siya?" tanong ko habang pinupunasan ang sarili kong basang damit dahil sa ulan. Ramdam ko ang pag init ng katawan ko, tila sinamaan ako dahil naulanan ako pero hinayaan ko na lang."Mabuti naman siya, Mr. Tan," sagot ng doktor. "Buti na lang at nakasuot siya ng seatbelt nang mangyari ang aksidente. Bibigyan na rin kita ng gamot para sa sipon mo, baka lumala pa."Habang nag-uusap kami ng doktor, unti-unting dumilat si Natalie. Napatingin siya sa suwero na nakakabit sa kanya, tapos nilinga-linga ang paligid na tila naguguluhan. Halata sa mukha niya ang pagkalito kaya nilapitan ko siya para pakalmahin."Natalie, nasa ospital ka. Nakita ka namin sa kalsada kanina at naaksidente ka," mahinahon kong paliwanag."Ahhh... salamat," sagot niya nang may halong pagkalito.Nagpatuloy naman ang doktor sa pagsasalita. "At isa pa, Mr. Tan, mabuti na lang at hindi naapektuhan ang sanggol sa sinapupunan niya. Malakas ang
Kaagad kong ini-start ang makina ng kotse at pinaharurot ito sa kalsada. Sa totoo lang, wala akong ideya kung saan ako pupunta. Naibenta ko na ang townhouse ko, at ang condo ni Haime na dati naming tinirhan ay okupado na ng mga estudyante. Wala akong ibang matakbuhan kaya naisipan kong tawagan si Jasmin."Jasmin, pwede ba akong humingi ng pabor?" Pilit kong pinipigilan ang aking luha, ayokong malaman niya agad ang pinagdadaanan ko."Ano yun, Natalie?" tanong niya, may bahid ng pag-aalala sa boses niya."Pwede bang makituloy muna ako sa inyo?" mahina kong tanong."Bakit? May problema ba? Okay lang naman, kaya lang nandito rin ang pamilya ni Ate ngayon. Di ba nasunugan sila? Siksikan kami dito sa bahay. Okay lang ba sa'yo?" paliwanag niya."Aah, ganun ba? Sige, wag na lang, magho-hotel na lang ako para hindi ako makadagdag sa abala, nakakahiya din sa Ate mo. Nandiyan pala sila ngayon." sagot ko, pilit na pinapatawa ang sarili."Sigurado ka, sis? Ayos ka lang ba?" tanong niyang muli, ram