Hindi ako mapakali sa sinabing iyon ni Joylin. Hindi ako makakapayag na maagaw ni Zaira si Motamed sa akin. Pag nangyari yun mawawalan na ako ng magiging sandalan dito sa trabaho. Kailangan makaisip ako ng paraan para matanggal si Zaira sa lalong madaling panahon.
Nang magsimula ng mag operate ang aming restaurant at dumagsa na ang mga tao ay panandaliang nawala na sa isip ko kung pano ko gagawan ng issue si Zaira. Kung kailan nananahimik na ang utak ko saka naman lumapit na naman sa akin si Joylin. Muli na naman niyang kinuliglig ang utak ko. “Ano na girl wala ka pang naisip?! (Umiling ako sa kaniya , muli na naman nagsimula ang pagka high blood ko.) sige bibigyan kita ng ideya girl. Pero hindi ko magagawa kaya ikaw ang gagawa. Busy na ko madami ng customer sa area ko. (Nakinig akong mabuti sa sinabi sa akin ni Joylin, napangiti ako sa kaniyang ideya.) okay gets mo na?!” Pagmamadali niyang sabi habang naghihintay siya ng kaniyang order. “Ang brainyMARINETH POVDahil pakiramdam ko ay pinagtatawanan ako ng lahat ng ikwento sa kanila ang ngyaring kaguluhan sa loob ng kusina ay nagtungo ako sa opisina ni Motamed. Hindi ko palalampasin ang kahihiyang ginawa sa akin ni Zaira.Padabog akong nagtungo sa opisina ni Mr.Ahmed kung saan paboritong hang out ni Motamed sa tuwing day off ang aming Manager. Pangalawa sa pinakamataas sa Restaurant si Motamed. Pabalibag kong sinarado ang pinto at naupo ako sa kaniyang harapan.“Darling, please listen to me. You need to find a way to kick out Zaira in this company immediately, if you can today or tomorrow much better. She’s a big headache in the kitchen. You know what happen just now?!” Galit na galit kong sabi. Para akong puputukan ng ugat sa aking ulo dahil sa sobrang pagka high blood ko kay Zaira.“Yes?! What happen?!” Tumigil siya sa ginagawa niya sa laptop tinanggal niya ang kaniyang salamin at humarap siya sa akin.&
Nang alam kong tapos na sila sa kanilang pagpupulong ay sadya kong tinawag ang kanilang Supervisor. Sinadya kong kuhain ang kaniyang atensyon . Nais ko siyang kausapin. Magpapakilala na sana ako pero biglang nagbago ang aking isip dahil sa naging flow ng aming pag-uusap. “Excuse me! Im waiting here for about 15minutes and until now no one is coming to assist me?!” Pagsusumbong ko sa supervisor inaasahan kong bibigyan ako nito ng kahit na isang tao na mag assist sa akin pero taliwas ang kaniyang naging sagot sa aking inaasahan. “Ok Sir, You see we have lots of customer , just wait for your turn!? Okay!” Maangas nitong sabi sa akin. Walang respeto at bastos niyang sabi. Mabuti na lamang at sinimulan kong buksan ang akingg audio recorder sa aking laptop. “ im sorry!? pardon me? (hindi ko makapaniwalang sabi sa kaniya. Hindi ako makapaniwala sa kaniyang naging tugon. Bilang Supervisor dapat siya ang maging mabuting ehemplo para sa
Magka chat kami ni Matthew ng mga sandaling naghihintay ako. Halos patapos na si Matthew sa kaniyang kinakain kahit na nauna pa akong pumasok sa kaniya. Dahil sa walang nag-iintindi sa akin matagal akong naghihintay. Sinabi ko sa kaniya ang mga ilalagay niya sa kaniyang report. Kasama kong sinend sa kaniya ang attitude ng mga taong ito at ine-specify ko ang dapat gawin sa mga attitude nito.Ngayon nagkaka idea na ako sa mga kino-complain ng mga staff na nagsipag alisan sa mga naging rason. Habang ako ay nag-ta-type sa aking email ay dumating ang babaeng ito at naka ngiti niyang inabot ang complimentary na kaniyang sinasabi. Doon ko na nakita ang kaniyang pangalan, Celine.“Oh thank you! You’re so sweet.” Anas ko sa kanya habang inaabot ang starter menu habang naghihintay ng aking order. Nang umalis ito tinuloy ko ang aking email para kay Matthew. Nilagay ko din sa note ang tungkol sa pagiging excellent staff ni Celine at kung paano niya hinandle ang kaniyang custom
Ang table ng babaeng ito ay hindi kalayuan sa aking pwesto, halos napapagitnaan ako ng babaeng ito pati ang lugar ng cashier counter kaya lahat ng kaganapan ay nasasaksihan ko.Tinignan ko ang kahera at ang malditang waitress. Narinig ko pa ang mga itong nagtatawanan at nagkakatsawan, sa inaasta nito inaasahan talaga nilang mangyayari ang kanilang nakikita. Wala silang tigil sa pag-uusap kahit na alam nilang naririnig ko sila marahil akala nila ay isa akong arabo at hindi ko sila naiitindihan. "Ahahaha ayos talaga naisip mo Joylin. Ngayon wala ng ligtas yang si Zaira. " mayabang na sabi ng kahera “Tama nga ganyan ang gawin mo. Sige babagal bagal ka, imbes na ikaw ang mapromote baks ito na ang hi” Sagot naman ng waitress na sarkastikang ngiti. Maya maya ay nakikita ko na ang supervisor ng branch na ito na pulang pula ang mukha sa sobrang galit. Hindi niya kayang i handle ang ganitong sitwasyon paano pa kung malaking problema. Narinig ko mula sa aking pwesto ang
GEORGE POV Natulala ako sa paglabas ng kanilang pastry chef. Kumabog ang aking dibdib. Hindi ko aakalaing magkikita kami ulit ni Zaira. Oo aaminin ko ng makita ko siya sa Pilipinas ay nagustuhan ko talaga siya. Kahit na medyo malaki ang agwat ng aming edad ay nakita ko kay Zaira ang kakaibang katangian ng babae. Parang huminto ang sandali. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaibang tuwa. ALam kong hindi ako nakita nito. Hinayaan ko muna siya sa kaniyang gagawin dahil ayokong mahiya siya sa kaniyang sasabihin at ia-akto kung sakaling makita niya ako. Lumapit siya sa table kung san nagwawala ang customer na ito at may complain sa kaniya. "Are you the chef?" tanong ng babaeng vlogger na to. "Yes Mam! can i know the issue on the dessert i made?" magalang nitong tanong sa customer. Pinakita sa kaniya ng customer na iyon ang pagkain at ang hibla ng buhok. Kitang kita na may pagka blonde ito. "ahhm Mam, im so sorry about that. But i would not take any responsibi
AFTER 2 DAYS ZAIRA POV Pumasok sa loob ng kusina si Marineth na may sarkastikong ngiti. Lumapit siya sa akin at ma awtoridad akong sinabihan. Wala na talagang umaga ang hindi sinira nitong si Marineth. Kung hindi lang ako pinipigilan ng aking mga kasamahan sinisiguro kong may kalalagyan yan sa akin. Pero pinagtitimpian ko na lang ayoko din naman ng gulo. “Zaira! pumunta ka ngayon sa opisina. Naghihintay na mga amo sayo!” Nakangisi niyang sabi. Pinatawag ako ni Mr. Ahmed sa opisina , alam ko na ang sasabihin ng mga ito sa isip isip ko. Sure akong tungkol ito sa nangyaring insidente ng pagkakaruon ng complain tungkol sa dessert na hinanda ni Joylin para sa guest namin noong nakaraang araw. Alam kong may ginawa sila Marineth sa ngyaring ito. Hindi na ako nagtanong sa kaniya kung bakit dahil wala akong balak na makipag chit chat sa kaniya. Ngayon pa nga lang nakikita ko na sa mukha niyang tuwang tuwa siya dahil baka ito na huling araw ko. Tinanggal ko ang aking ap
Makalipas ang mahigit na isang oras na pananatili nila Marineth sa loob ng opisina ni Mr.Ahmed finally ay lumabas na din silang tatlo. Bakas sa mata at ilong ni Marineth at Joylin ang matinding pamumula tanda na umiyak sila loob ng opisina ni Mr. Ahmed samantalang bagsak ang balikat ni Mr. Motamed na huling namataan naming lumabas sa opisina ni Mr. Ahmed. Walang nagtangkang kumausap sa kanila pero imbis na bumalik sila sa kanilang working station ay nagtaka kami at nagtungo ang mga ito sa kanilang locker area at nagpalit ng kanilang unifrom. Pagkatapos nito dala ang kanilang mga gamit ay diretso ng umalis ang mga ito. Lumabas na din si Mr. Ahmed at si Mr. Matthew. Narinig kong pinatawag nito si Celine. May sinabi sa kaniyang nakapagpangiti sa kaniya alam kong goodnews din ito. Mamaya na lang kami mag-uusap usap magkakaibigan. Samantalang si Mary naman ang pumalit sa pwesto ni Marineth bilang Cashier. Hindi namin alam ang ngyayari ng biglang lumapit sa aking pwesto si Mr.Matthe
Hindi ko sinasadya pero pinapakinggan ko ang pakikipag-usap nito sa telepono. Para akong nakakarinig ng mga tagalog na salita. Napapaisip tuloy ako isa din ba siyang Pilipino?!. Kasi ang dami niyang Pinoy staff dito sa opisina. Pero hindi naman ako nag overthink. “You may leave Matthew, i will talk to Ms.Zaira alone.” Pamilyar ng boses nito sa akin. “Okay Sir, just let me know if you need me?!” Tugon ni Mr.Matthew at lumabas na din siya kagad. Pagkasara ng pinto ay siya namang pagtayo ni Mr.CEO sa kaniyang Swivel Chair at pagharap niya sa akin ay sobra sobra talaga ang pagkagulat ko sa taong bumungad sa aking harapan. “Hi Zaira!” Malambing nitong sabi sa akin. Sinasabi ko na nga ba kilala ko ang may ari ng boses na iyon. “Oh my God Sir George ikaw ba yan?!” Napapangiti kong sabi. “Haha para ka namang nakakita ng multo. (Tawang tawa niyang tanong sa akin. Nagulat talaga ako sa aking nakita) at saka naasiwaan ako , pwede ba pag
ETHAN POV Dumating na ang mga bisita isa-isa, at ang saya sa paligid ay hindi maipaliwanag. Ang mga halakhakan at kwentuhan ng mga tao ay nagbigay saya sa buong lugar. Nagsimula na rin ang program, at hindi ko akalain kung gaano ka-organized at ka-saya lahat ng mga planong ito. Lahat ng tao ay abala sa mga palaro at mga jokes ng host na nagpapatawa sa lahat. Tuwang-tuwa sila, at kahit kami din ni Kayline, masaya kaming nakikisali sa kakulitan ng aming host. Habang abala ang mga bisita, sinubukan kong mag-relax at tingnan ang lahat ng nangyayari, ngunit hindi ko maiwasang mapansin si Kayline. Ang saya sa mga mata niya, nakikita ko ang genuine na ngiti mula sa kaniyang mga labi. Nang dumating ang isang intermission number, nagulat ako sa nangyari. “Huh? Si Kayline, anong ginagawa nila?” tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa stage. Halos mapapalakpak ako sa tuwa. Sina Tristan, Lander at ang ilang mga kaibigan ni Kayline ay nagsimulang sumayaw, at biglang nagulat ako nang maki
Pagkatapos ng misa ay oras naman para sa pagkuha ng mga pictures. “Ethan, ito na talaga ‘yon. Magkasama na tayo… habang buhay.” habang nakatingin ako kay Ethan ang puso ko ay punong-puno ng saya. Ngumingiti naman si Ethan habang hawak ang mga kamay ko “Oo, Kayline. Sayo lang umiikot ang buhay ko.” Nagkaroon ng sandaling katahimikan habang nagkatinginan kaming dalawa. Napalapit ako kay Ethan, at sabay namin naramdaman ang hindi maipaliwanag na damdamin. Lumapit si Kayline sa akin at naglapat ang aming mga labi. Pagkatapos ng halik bilang mag-asawa “Parang ang tagal nating inantay ‘to, Ethan. I mean ang buhay na kakaharapin natin bilang mag-asawa” Tumango siya sa akin at punong-puno ng emosyon “Sobra, Kayline. Pero sulit ang lahat. Ngayon, ikaw at ako na talaga. Akalain mong matapos ang pinagdaanan natin sa huli ay humantong din tayo sa kasalan.” Naputol ang paglalambingan namin nang biglang nagsigawan ang mga bisita. “Wooo! Sana all!” “Mabuhay ang bagong kasal!” "congratula
Ngumiti siya sa akin, at naramdaman ko ang init sa puso ko. Kinuha ko ang singsing mula sa pari at marahang sinuot ito sa daliri niya. Habang ginagawa ko ito, tinignan ko siya at ngumiti. “Mahal kita, Ethan,” bulong ko Hinawakan ko ang singsing sa kamay ko, ramdam ang kabigatan ng bawat pangakong nakapaloob dito. Tumingin ako kay Ethan, at sa mga mata niya nakita ko ang pagmamahal na walang pag-aalinlangan. Huminga ako nang malalim at ngumiti. “ Ethan Anderson,” sabi ko, malumanay ngunit puno ng emosyon. “Kaya naman, Please wear this ring as a sign of my love and loyalty to you. For richer, for poorer, in sickness and in health, till death do us part. I, Kayline Eduardo are asking you to accept me as your lawfully wife?! Sa mata ng Diyos at sa nata ng tao?” Tumango siya, at biglang nagsalita ng malakas at malinaw. “I do!” sagot ni Ethan, punong-puno ng sigla at pagmamahal. Isinuot ko ang singsing sa daliri niya nang marahan, ramdam ang init ng kamay niya habang hinahawakan n
Ngunit paano? Paano ako kakalma kung narito sa harap ko ang babae ng buhay ko, papunta sa akin? Napailing ako, pilit pinipigilan ang namumuong luha, pero huli na. Pumatak ito, at hindi ko na nagawang itago pa. “Ang ganda niya,” bulong ko ulit, halos hindi ko marinig ang sarili ko. Ngumiti si Mommy, halatang naiiyak din. “Oo, anak. Ang ganda niya. At ikaw ang maswerteng lalaki na hinihintay niya sa altar. Masaya akong nakikita kang masaya” Nang magsimulang maglakad si Kayline, tumunog ang unang nota ng piano, at ramdam kong mas bumagal pa ang oras. Ang bawat hakbang niya ay parang sinadya para itatak sa isip ko ang araw na ito. Nakatingin siya sa akin, at sa mga mata niya, alam kong naroon ang parehong pagmamahal na nararamdaman ko. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Sa bawat hakbang niya papalapit sa akin, parang tumitigil ang oras. Ngumiti siya, at sa sandaling iyon, alam kong siya ang tamang desisyon. Hindi ko napigilang mapaluha ulit. Ito na iyon, sabi ko sa sarili ko. Walang
KAYLINE POV Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang kahapon lang, napakaraming pagsubok ang pinagdaanan namin ni Ethan. Pero ngayon, ito na—ang araw na pinapangarap ko. Araw ng kasal namin. Habang nasa loob ng sasakyan, naririnig ko ang tibok ng puso ko, parang kasing lakas ng tunog ng makina. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at nginitian ako. “Congratulations, anak,” sabi niya, puno ng pagmamahal ang boses. “Finally, ito na iyon. Napakaganda mo, at sigurado akong magiging napakaganda rin ng araw na ito para sa inyo ni Ethan. Wag kang kabahan, mag-relax ka lang.” Napangiti ako kay Mommy, kahit nararamdaman kong nangingilid ang luha ko. “Salamat, Mommy. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ko alam kung kakayanin ko ang lahat ng ito.” Pinisil niya ang kamay ko nang mahigpit. “Kayline, karapat-dapat kang maging masaya. Ngayon, huwag mo nang isipin ang iba. Enjoyin mo ang araw na ito.” Tumingin ako sa salamin at inayos ang belo ko. Pinipigilan kong maiyak dahil ayokong masira a
ETHAN POV Ito ang pinakahihintay na araw sa buhay ko, pero sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko maalis ang kabang nararamdaman ko. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko. Kaninang umaga pa lang paulit-ulit kong tinitingnan ang cellphone ko. Tinawagan ko si Mommy ng maraming beses, pero palagi niyang binababa ang tawag ko. Hindi niya sinasagot kahit ang mga text ko. Huminga ako nang malalim at tumitig sa screen ng phone ko. Nabasa ko ang seen sa huling message ko: “Mommy, 4 PM sa St. Michael’s Church. Hihintayin kita, sana dumating ka.” Parang kinurot ang puso ko. Alam kong nasaktan siya sa mga nakaraang pangyayari, pero hindi ko maitatanggi na umaasa pa rin akong dadalo siya sa pinakamahalagang araw ng buhay ko. Pagdating ko sa simbahan, nauna akong bumaba ng kotse. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ang tahimik na paligid. Madami na ding bisita ang nasa loob ng simbahan. "sir within 10 minutes magsisimula na po tayo" sabi sa akin ng
Kailangan kong protektahan si Kayline, lalo na sa mga banta ni Sofia. Pero alam ko rin na kailangan ko munang harapin ang mommy ko. Alam kong hindi magiging madali ang pag-uusap namin, pero hindi ko na rin kayang tiisin ang pananahimik niya tungkol sa mga ginagawa ni Sofia. Kinabukasan, sa bahay ng mommy ko Pagdating ko sa bahay, tahimik akong sinalubong ng kasambahay. “Sir Ethan, nasa veranda po si ma’am.” “Salamat,” sagot ko, saka ako dumiretso. Sa totoo lang, ayoko na talagang makipag-usap kay mommy tungkol sa gulong ito, pero kailangan kong malaman kung bakit tila siya kampi kay Sofia sa kabila ng lahat. Pagdating ko sa veranda, nakita ko siyang nakaupo habang iniinom ang paborito niyang tea. Napansin niya agad ang presensya ko, pero hindi siya nagsalita. “Mommy,” panimula ko, habang naupo sa harap niya. “Kailangan nating mag-usap.” Hindi siya tumingin sa akin. Patuloy lang siyang umiinom ng tea niya, pero halatang naghihintay siya sa susunod kong sasabihin. “Bakit
ETHAN POV Sigurado ako sa sarili ko. Hindi ako ang ama ng pinagbubuntis ni Sofia. Wala akong ginawa sa kanya noong gabing sinasabi niya. Pero syempre, mahirap ipilit ang katotohanan kung puro kasinungalingan ang binibigay niya. Kaya heto ako, dinala siya sa kaibigan kong doktor para matapos na ang lahat ng drama niya. Pagpasok pa lang namin sa clinic, halatang aligaga si Sofia. Panay ang hawak niya sa tiyan niya na parang gusto niyang magpaniwala agad na totoo ang sinasabi niya. Pati ang mommy ko, nasa tabi niya at mukhang nagdududa rin. “Ethan, ano ba to? Bakit mo pa kailangang dalhin dito? Hindi mo ba ako pinapaniwalaan?” ani Sofia, halatang naiinis. “Sinong maniniwala sayo , alam ko at sigurado akong walang ngyayari satin,” sagot ko nang diretso. “Isa pa gusto ko ng kasiguraduhan. Ayokong basta basta magpadaan sa kalokohan niyo.” Nagulat ako sa biglang pagdating ni Mommy “At ano naman ang gusto mong patunayan?” singit ni mommy, halatang kampi na kay Sofia. “Simple lang,
Hindi pa lumilipas ang ilang minuto nang makita ko siyang dumating sa opisina. Agad niyang napansin si Sofia na nakatayo roon. Tuwang tuwa ang mukha ni Sofia ng makita niya si Ethan, ang ngiti niyang nagpapakita ng kayabangan, na parang may laban siyang napanalunan na ako lang ang hindi nakakaalam. “Hi, Ethan,” bati ni Sofia sa kanya, matamis ang tono ng boses niya. Lumapit siya kay Ethan, pero nakikita kong mayroon siyang intensyon sa bawat galaw niya. Akmang yayakapin niya ito, ngunit agad kong nakita ang pagkakaiba sa reaksyon ni Ethan. Para siyang biglang naging yelo, malamig at puno ng galit. "baby anong ngyayari dito?" tanong ni Ethan sa akin na punong puno ng pagtataka. Tinitignan kong mabuti si Ethan pero nakita kong kahit siya ay naguguluhan sa maaring ginagawa ni Sofia sa loob ng opisina ko. Lumapit si Sofia kay Ethan na ngayon nakatayo sa gilid ko. Nilingkis ni Sofia ang balikat ni Ethan "ano ka ba naman, Ethan hindi mo ako dapat ini-stress. Buntis ako. Nung gabing ma