Magka chat kami ni Matthew ng mga sandaling naghihintay ako. Halos patapos na si Matthew sa kaniyang kinakain kahit na nauna pa akong pumasok sa kaniya. Dahil sa walang nag-iintindi sa akin matagal akong naghihintay. Sinabi ko sa kaniya ang mga ilalagay niya sa kaniyang report. Kasama kong sinend sa kaniya ang attitude ng mga taong ito at ine-specify ko ang dapat gawin sa mga attitude nito.
Ngayon nagkaka idea na ako sa mga kino-complain ng mga staff na nagsipag alisan sa mga naging rason. Habang ako ay nag-ta-type sa aking email ay dumating ang babaeng ito at naka ngiti niyang inabot ang complimentary na kaniyang sinasabi. Doon ko na nakita ang kaniyang pangalan, Celine.“Oh thank you! You’re so sweet.” Anas ko sa kanya habang inaabot ang starter menu habang naghihintay ng aking order. Nang umalis ito tinuloy ko ang aking email para kay Matthew. Nilagay ko din sa note ang tungkol sa pagiging excellent staff ni Celine at kung paano niya hinandle ang kaniyang customAng table ng babaeng ito ay hindi kalayuan sa aking pwesto, halos napapagitnaan ako ng babaeng ito pati ang lugar ng cashier counter kaya lahat ng kaganapan ay nasasaksihan ko.Tinignan ko ang kahera at ang malditang waitress. Narinig ko pa ang mga itong nagtatawanan at nagkakatsawan, sa inaasta nito inaasahan talaga nilang mangyayari ang kanilang nakikita. Wala silang tigil sa pag-uusap kahit na alam nilang naririnig ko sila marahil akala nila ay isa akong arabo at hindi ko sila naiitindihan. "Ahahaha ayos talaga naisip mo Joylin. Ngayon wala ng ligtas yang si Zaira. " mayabang na sabi ng kahera “Tama nga ganyan ang gawin mo. Sige babagal bagal ka, imbes na ikaw ang mapromote baks ito na ang hi” Sagot naman ng waitress na sarkastikang ngiti. Maya maya ay nakikita ko na ang supervisor ng branch na ito na pulang pula ang mukha sa sobrang galit. Hindi niya kayang i handle ang ganitong sitwasyon paano pa kung malaking problema. Narinig ko mula sa aking pwesto ang
GEORGE POV Natulala ako sa paglabas ng kanilang pastry chef. Kumabog ang aking dibdib. Hindi ko aakalaing magkikita kami ulit ni Zaira. Oo aaminin ko ng makita ko siya sa Pilipinas ay nagustuhan ko talaga siya. Kahit na medyo malaki ang agwat ng aming edad ay nakita ko kay Zaira ang kakaibang katangian ng babae. Parang huminto ang sandali. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kakaibang tuwa. ALam kong hindi ako nakita nito. Hinayaan ko muna siya sa kaniyang gagawin dahil ayokong mahiya siya sa kaniyang sasabihin at ia-akto kung sakaling makita niya ako. Lumapit siya sa table kung san nagwawala ang customer na ito at may complain sa kaniya. "Are you the chef?" tanong ng babaeng vlogger na to. "Yes Mam! can i know the issue on the dessert i made?" magalang nitong tanong sa customer. Pinakita sa kaniya ng customer na iyon ang pagkain at ang hibla ng buhok. Kitang kita na may pagka blonde ito. "ahhm Mam, im so sorry about that. But i would not take any responsibi
AFTER 2 DAYS ZAIRA POV Pumasok sa loob ng kusina si Marineth na may sarkastikong ngiti. Lumapit siya sa akin at ma awtoridad akong sinabihan. Wala na talagang umaga ang hindi sinira nitong si Marineth. Kung hindi lang ako pinipigilan ng aking mga kasamahan sinisiguro kong may kalalagyan yan sa akin. Pero pinagtitimpian ko na lang ayoko din naman ng gulo. “Zaira! pumunta ka ngayon sa opisina. Naghihintay na mga amo sayo!” Nakangisi niyang sabi. Pinatawag ako ni Mr. Ahmed sa opisina , alam ko na ang sasabihin ng mga ito sa isip isip ko. Sure akong tungkol ito sa nangyaring insidente ng pagkakaruon ng complain tungkol sa dessert na hinanda ni Joylin para sa guest namin noong nakaraang araw. Alam kong may ginawa sila Marineth sa ngyaring ito. Hindi na ako nagtanong sa kaniya kung bakit dahil wala akong balak na makipag chit chat sa kaniya. Ngayon pa nga lang nakikita ko na sa mukha niyang tuwang tuwa siya dahil baka ito na huling araw ko. Tinanggal ko ang aking ap
Makalipas ang mahigit na isang oras na pananatili nila Marineth sa loob ng opisina ni Mr.Ahmed finally ay lumabas na din silang tatlo. Bakas sa mata at ilong ni Marineth at Joylin ang matinding pamumula tanda na umiyak sila loob ng opisina ni Mr. Ahmed samantalang bagsak ang balikat ni Mr. Motamed na huling namataan naming lumabas sa opisina ni Mr. Ahmed. Walang nagtangkang kumausap sa kanila pero imbis na bumalik sila sa kanilang working station ay nagtaka kami at nagtungo ang mga ito sa kanilang locker area at nagpalit ng kanilang unifrom. Pagkatapos nito dala ang kanilang mga gamit ay diretso ng umalis ang mga ito. Lumabas na din si Mr. Ahmed at si Mr. Matthew. Narinig kong pinatawag nito si Celine. May sinabi sa kaniyang nakapagpangiti sa kaniya alam kong goodnews din ito. Mamaya na lang kami mag-uusap usap magkakaibigan. Samantalang si Mary naman ang pumalit sa pwesto ni Marineth bilang Cashier. Hindi namin alam ang ngyayari ng biglang lumapit sa aking pwesto si Mr.Matthe
Hindi ko sinasadya pero pinapakinggan ko ang pakikipag-usap nito sa telepono. Para akong nakakarinig ng mga tagalog na salita. Napapaisip tuloy ako isa din ba siyang Pilipino?!. Kasi ang dami niyang Pinoy staff dito sa opisina. Pero hindi naman ako nag overthink. “You may leave Matthew, i will talk to Ms.Zaira alone.” Pamilyar ng boses nito sa akin. “Okay Sir, just let me know if you need me?!” Tugon ni Mr.Matthew at lumabas na din siya kagad. Pagkasara ng pinto ay siya namang pagtayo ni Mr.CEO sa kaniyang Swivel Chair at pagharap niya sa akin ay sobra sobra talaga ang pagkagulat ko sa taong bumungad sa aking harapan. “Hi Zaira!” Malambing nitong sabi sa akin. Sinasabi ko na nga ba kilala ko ang may ari ng boses na iyon. “Oh my God Sir George ikaw ba yan?!” Napapangiti kong sabi. “Haha para ka namang nakakita ng multo. (Tawang tawa niyang tanong sa akin. Nagulat talaga ako sa aking nakita) at saka naasiwaan ako , pwede ba pag
Pag-akyat ko sa aming accommodation ay naabutan ko ang isang komosyong ngyayari sa loob ng aming silid. Ang daming taong nakiki-osyoso na nasa labas ng pintuan. Kaya naman dali-dali akong nagtungo upang alamin kung ano ang nangyari . Naisip ko kagad si Celine o Mary baka kung anong ngyari sa kanila. Hindi nga ako nagkamali. Dahil hindi matanggap ni Marineth ang pagkaka terminate niya sa trabaho ay nagtungo siya sa aming silid, ang talagang target niya ay ako pero dahil sa wala ako ng mga sandaling iyon ay si Celine ang naabutan niya na nagpapahinga sa aming kwarto dahil day off niya. Malakas kaming napahiyaw sa pag awat kay Marineth dahil para na itong nabaliw. Kapit kapit niya ang isang patalim at nakatutok iyon sa leeg ni Celine. Iyak na ng iyak si Celine at hindi alam ang gagawin. May dugo na din ito sa kaniyang pisngi siguro dahil sa panlalaban niya ay nasugatan siya. "Marineth mag hulos dili ka isipin mo ang pamilya mo sa Pinas. Kung
AFTER 1 YEAR Mabilis na nagdaan ang araw, hindi pa rin mamatay matay ang issue tungkol sa nangyari kay Marineth. Hindi lamang ito pinag uusapan sa mga branch kundi pati na din sa opisina. Sa tuwing may meeting akong ina-attendan sa head office ay hindi matatapos ang araw ko doon ng walang nagtatanong sa akin kung paano ngyari ang trahedyang pagpapakamatay ni Marineth. Pagkatapos ng aking meeting sa head office ay dumiretso na ako sa store para bisitahin ang bagong pastry chef na pumalit sa aking pwesto. "Girl narinig mo ba yung naging resulta ng imbestigasyon?!" sabi ni Celine sa akin. Na promote si Celine bilang bagong supervisor kapalit ni Mr. Motamed. "hindi pa bakit ano bang latest na?!" na curious kong tanong. "nabuntis pala ni Sir Motamed si Marineth kaya pala ayaw na niyang umuwi. Ngayon nung nalaman yun ni Mr. Motamed iniwan siya. Numalik sa bansa nila kasi nga diba
Biglang nagbukas ang spotlight at tumutok ito sa amin, hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari para akong nananagip. “Please Zaira, marry me and make me as your legal husband. Alam kong hindi madali ang ating pagdadaanan pero pinapangako kong kahit anong mangyari ikaw ang pipiliin ko. Hindi man ako perpekto pero pipilitin kong gawin ang lahat para sa ikabubuti ng ating bubuuing pamilya.” Nakangiti ngunit naluluha niyang sabi sa akin. Sobrang saya ng aking puso. Puno man ng pangamba ang aking isipan sa maari naming kaharapin ay tinaggap ko ang kaniyang proposal nakita ko din kay George ang pagpupursigi niya hindi lang para sa akin kundi saking mga kapatid. Alam kong mabigat ang desisyong ito para saming dalawa lalo na at ang pamilya ni George ay isang devoted muslim at naniniwala sa pakikipag fixed marriage niya pero ilang beses na din itong pinatunayan ni George na kaya niya ang mga mangyayari sa aming buhay. Nagulat ako sa biglang pa
"Hon?!" mahinang bulong ko kay Haime habang pilit kong pinipigilan ang sarili na mapahiya. Halos sumabog ang mukha ko sa hiya sa dami ng mga matang nakatingin sa amin sa loob ng conference room."It's okay, Hon. I will explain everything to you later sa office ko," sagot niya, tila kalmado ngunit ramdam ko ang seryosong tono sa kanyang boses.Halos lahat ng tao sa silid ay ngumiti sa amin, at bumati pa ng magalang. Tumayo pa ang ilan para magbigay-galang.“Nice meeting you, Ms. Natalie!”“Congratulations on your wedding, Mr. and Mrs. Rodriguez!”“Hi, Ms. Natalie, pleasure to meet you.”Sunod-sunod ang pagbati, at halos hindi ko malaman kung saan ilalagay ang sarili ko. Naiilang man, pilit akong ngumiti at nagpasalamat sa bawat isa. "Thank you," paulit-ulit kong sabi habang nararamdaman kong lumalalim ang kaba sa aking dibdib.Isa-isa rin akong ipinakilala ni Haime sa mga naroon. Sa bawat pangalan at titulo ng mga taong binanggit niya mula sa chief marketing officer hanggang sa chief f
"Hon! Wear your comfortable clothes, sa office lang naman tayo pupunta ngayon," sigaw ni Haime mula sa kama habang inaayos ang kwelyo ng polo niya. Nagtataka na siya sa tagal ni Natalie sa dressing area."OK, Hon! Palabas na rin ako!" sagot naman ni Natalie, medyo aligaga sa pagpili ng tamang outfit. Sinabi kasi ni Haime na ipakikilala siya sa mga officemates nito, kaya gusto niyang maging maayos ang itsura pero hindi naman mukhang sobrang formal.Habang naghihintay, naisip ni Haime na paandarin na ang sasakyan para lumamig ang aircon. "Mauna na ako sa baba, Hon! Paandarin ko lang ang kotse.""Sige, Hon! Susunod na ako agad!" sigaw ni Natalie mula sa dressing area, sabay dampot ng kanyang bag.Nang matapos si Natalie, bumaba na siya at naabutan ang kanyang biyenang babae na nagtsa-tsaa sa veranda. "Mom, alis na kami ni Haime," paalam niya nang magalang."Mag-ingat kayo, iha. Enjoy ka sa office ng anak ko!" sagot naman ng biyenan habang kumakaway.Sa sasakyan, abala si Haime sa pakikip
“Wala naman. Gusto ko lang malaman kung anong oras ka makakauwi. Baka pwede kitang sunduin. Para masigurado kong safe kang makakauwi mamaya”Napangiti si Natalie. Mula simula hanggang ngayon ay naging maalalahanin si Haime, bagay na nagpapakilig pa rin sa kanya kahit mag-asawa na sila.“Huwag na, love. Mag-ha-half day na rin ako. May lunch kami sa labas, pero pagkatapos nun, diretso na ako pauwi.”“Okay. Just text me kapag paalis ka na. Ingat ka, love.”“Ikaw din, love. Bye!”Pagkatapos ibaba ang tawag, muling bumalik ang atensyon ni Natalie sa kanyang mga kaibigan.“Ayieee! Ang sweet ni Mister!” pang-aasar ni Ryan, sabay irap na may kasamang tawa.“Alam niyo, nakakainis kayo!” sagot ni Natalie, pero halatang natutuwa rin sa asaran nila.Kinagabihan, habang nag-iisa sa bahay, pinag-isipan ni Jasmin ang offer nila Natalie sa knaiya. Alam niyang malaki ang responsibilidad na maging head ng finance department, ngunit sa kabila nito, alam din niyang kaya niya ang trabaho. Bukod pa rito, i
“Hayst, sinasabi ko na nga ba hindi na naman ako makakapag trabaho ng maayo ng dahil sa inyo. Alam kong , liligaligin ninyo ako ngayong araw. “ tumingin siya ng may tilim ngunit may halong pag ngiti sa kaniyang mga kaibigan “o it na, ramdam ko talagang dadating kayo ngayong araw kaya dinala ko na ang mga pasalubong niyo.” nilabas ni Natalie ang mga paper bag na tinago niya sa gilid ng drawer . Malaki ang opisina ni Natalie unlike sa office ni Maika na may kaliitan din pero hindi naman ito cubicle. Dahil si Natalie ang major stock holder ay siya ang final say ng lahat. “Ayan! gusto ko yang mga ganyan mo Natalie” humirit na sabi ni Jasmin .Isa-isa ng inabot ni Natalie sa kanila ang mga paper bag na dala nito. Kanya-kanyang bukas naman ang mga ito at nagpasalamat sa kanya. Nagustuhan nila ang pasalubong nito mula Maldives. Dahil alam niyang kukulitin lang siya ng mga ito. Nagpasya si Natalie na mag half day na lang, ganoon din si Maika. Niyaya na lang niya ang mga kaibigan mag lunch s
Kinabukasan ay naghanda na sila para sa mga water activities . Medyo tanghali na sila nagising. Ramdam ni Natalie ang pananakit ng kanyang katawan pati ang paghapdi ng kanyang perlas. Pakiramdam niya ay namamaga ito sa paulit-ulit na pag angkin sa kanya ng kaniyang asawa kagabi. Pero dahil ayaw niyang may palampasin ang oras, kahit na anong sama ng kaniyang pakiramdam ay kumilos pa rin siya.Pagkarating sa restaurant, naisip nilang mag-light breakfast na lamang dahil naghahanda sila para sa mabibigat na activities na kanilang napili para sa araw na iyon. Sunod-sunod ang kanilang water adventures: snorkeling sa malinaw na tubig, scuba diving para masilayan ang mga coral reefs at mga isda sa ilalim, underwater walking experience na para bang naglalakad sa ilalim ng dagat, parasailing na nagbigay sa kanila ng aerial view ng malawak na karagatan, at kayaking na nagpalakas sa kanilang teamwork. Sa gabi naman, iba ang kanilang energy – walang gabi na hindi sila nagtalik, hindi alintana ang
Nang matapos ang kanilang bakbakan ay sabay na silang naligo. Nagbihis na din muna sila para mag- chill out. Naunang matapos magbihis si Haime, nauna na itong umupo sa sofa sa kanilang living area. Naka loose polo siya na kulay white at tinernunah niya iyon ng white pants na may malambot na tela. Napaka-presko ng hangin doon, pumapalagpag ang kanyang damit sa mahinahon na ihip ng hangin. Nagbalat na din siya ng prutas, hinanda niya iyon para paglabas ni Natalie ay makain na ang mga ito. Sumundo na din naman kaagad si Natalie na lumabas sa kanilang living area, Nag blower muna kasi ito ng kanyang buhok .Sabay silang ng chill out ni Haime, nakaupo silang magkadikit, nakahilig siya sa balikat ni Haime habang kapit niya ang plate of fruits na hinanda nito para sa kanila."hon ang sarap naman dito! napakaganda pa ng dagat."wika ni Natalie"Maldives is one of the best area para mag-honeymoon hon! kaya madaming pumupunta dito.""bakit hon nakapunta ka na ba dito dati?!" tanong nito sa asawa
THIRD PERSON POV Nabighani si Haime sa kagandahan ng kanyang asawa. Suot ni Natalie ang kanyang strapless green two-piece swim suit na Tinernuhan niya ng kanyang pearl necklace at floral green na beach hut!. Hot na hot itong tignan, bumagay ang kanyang suot sa kanyang slim size na katawan, makikita ang abs niya, at ang perfect size ng kanyang sus*. Dumagdag pa sa alindog niya ang kanyang wavy hair na kuly brown na may pagka-greyish sa dulo. Samantalang si Haime ay nakasuot ko lang ng swimming trunk na kulay neon orange. Topless siya kaya kita ang kanyang six pack abs. Moreno din si Haime at matangkad ito. 6'5 ang kanyang height at matipuno , matikas siyang tumayo kaya habulin siya ng mga babae. Kung ito ay makikita mo sa daan, hindi maaring hindi mo ito lingunin . Nang Lumusong na si Natalie sa tubig ng swimming pool, maganda ang temperatura nito. Warm ang tubig, sumunod naman sa kanya si Haime na tumalon at mabilis na lumangoy papunta sa kanyang asawa. Nagkatuwaan sila sa pool,
HONEYMOON SA MALDIVES NATALIE POV Mula sa airport ay may sumundo na sa aming mga representative mula sa hotel na aming tutuluyan. May banner na dala ang mga ito na nakasulat ang Mr. And Mrs. Rodriguez! Kaya’t lumapit na kami sa kanila at nagpakilala. “Hi Im Haime Rodriguez and this is my wife Natalie!” Pagpapakilala ni Haime sa lalaking may kapit ng banner. “Good morning , Mr. And Mrs. Rodriguez! Welcome to Maldives .Hope you had a good flight” masiglang pagbati niya sa amin. Mukhang nasa early thirties palang siya at malamang siya ang magiging driver namin. Tinulungan niya kaming mag-akyat ng aming mga luggage at isinakay na ito sa Van na kaniyang dala. Ng makarating kami sa aming destinasyon ay nanlaki ang mga mata ko! Sino bang hindi manlalaki ang mata sa ganito kagandang paraiso. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko! Para tong isang lugar na ipininta . Doon ko narealize na masyado ko na palang sinubsob ang sarili ko sa pagtatrabaho. Kaya ang dami ko ng namiss na pahanon pa
PEARL“Dam* Pearl Anong arte yung ginawa mo kanina?” malakas na sigaw sa akin ni Jeff. Mahigpit niya akong kinapitan sa braso habang halos pakaladkad na niya akong hinihila papasok ng bahay.“Aray ko! Nasasaktan ako Jeff! Ano na naman bang ginawa ko?!” Maang-maangang kong tanong.“oh come on Pearl! Akala mo hindi ko nakita ang pag-iwas mo ng tingin ng halikan ni Haime si Natalie?! Bakit hanggang ngayon gusto mo pa rin ba ang kapatid ko?!” Nanlilisik mata ni Jeff sa galit sa kanya.“Ano ba naman yang naiisip mo Jeff!? Kung ano-anong pumapasok na naman diyan sa utak mo. Hanggang ngayon ito pa rin ba ang paulit ulit nating magiging topic? Kala ko ba magbabago ka na? paulit-ulit na lang ba nating pagtataluhan to!? Ang tagal na ng issue na yan samin ni Haime. Tigilan mo na ko sa kakaselos mo." mariin kong pagtutol sa kaniya , pilit akong nagpupumiglas sa higpit ng pagkakahawak ni Jeff sa aking braso.Nanlilisik pa rin ang mata ni Jeff sa akin ."Sinong niloloko mo?! nakita mo lang ex mo pa