AFTER 1 WEEK LANCE POV Ngayong araw ay sinadya kong hindi pumasok sa opisina upang laanan ng oras ang aking mag-iina . Alam kong matagal tagal na din ang huling pagkakataon na nabigyan ko sila ng oras. Habang kami ay masayang nagkakasiyahan nila Amara sa aming pool at kalaro namin ang aming mga anak ay bigla namang Lumapit sa amin si Inday para sabihing panay ang pagtawag ng aking mga pinsan. “Sir kanina pa daw po tumatawag si Mam Elissa sa inyo hindi naman daw po kayo makontak kaya sa telepono na lang po sila tumawag , mag call back daw po kayo sa kaniya importante lang" sabi ni Inday sa akin. Nagpaalam na muna ako kay Amara at mga bata dahil hindi naman mangungulit ang mga ito kung hindi talaga importante lalo at alam nilang nasa bahay lang ako. Dinial ko ang number ni Elissa , agad agad naman itong sumagot sa aking tawag . “Hello Elissa what so urgent at bakit ang dami mo na palang miscall sa aking cellphone?!” Nagtataka kong tanong kay Elissa. “Pasensya ka na sa istorbo Lanc
Dahil sa safety protocol ng ospital. Nagtungo muna kami sa isang bahagi ng kwarto sa ICU at nagsuot na ako ng lab gown kasama kong pumasok si Amara, Mommy at Daddy. Bago pa man kami makapasok talaga sa loob ay nagbigay na ng short briefing sa amin ang Doctor. Pinaliwanag niya ang kondisyon ni Founder."Hi Im Doctor Greynan to be honest sa inyo like what i've said sa ibang member ng family ninyo, Mr. Eduardo is dead physically, ang mga aparatos na lang ang dahilan kung bakit siya humihinga pa. Dahil iyon sa ang kaniyang utak ay buhay pa rin hanggang ngayon. Maari niyo pang sabihin ang lahat ng gusto niyong sabihin sa kanya. Maririnig niya pa ang lahat ng sasabihin niyo. Kaya ko kayo kinausap sa malayo para masabi ko itong lahat sa inyo, ayokong sumama ang loob ng pasyente dahil ang alam pa ng pasyente hanggang ngayon ay buhay na buhay pa siya at malakas pa.Kani-kanina ay tinanong ko ang member ng inyong pamilya to decide dahil nahihirapan na ang katawan ng pasyente pero nakiusap silang
Ilang minuto din kaming naiwan sa loob ng silid na iyon. Hinihimas himas ni Amara ang aking likod habang titig na titig ako kay Founder. Ngayon ay wala na talaga akong ama at ina. Pabulong akong nagdasal na sana sa kabila ng lahat ng kasamaan niya ay mapatawad siya ng Panginoon ng sa gayun ay magkita sila nila Mamita at ng aking tunay na ina. Inaya ko ng lumabas si Amara tapos nun. Pagkalabas namin ay siya namang dating ni Doctor Greynan. Pinaliwanag na niya samin ang gagawin at pinapirmahan nito ang isang papel para sa lahat ng anak, waiver ito na katibayan na pumapayag silang tanggalin na ang mga aparato na nagiging dahilan ng kaniyang paghinga. Nang makapirma na silang lahat ay pumasok na dok si Doc at sinimulan na ang proseso ng kanilang ginawa. Nakasilip sa lang kaming lahat sa bintana. Narinig pa namin ang huling tunog ng tibok ng kaniyang puso bago ito tuluyang nag flat line. Naghagulgulan na ang lahat dahilan para maluha din ako. AFTER 24 HOURS Nilagak ang mga labi ni Found
LANCE POV Mabilis na nagdaan ang isang linggo, natapos na din ang libing ni Founder. Dahil sa maagap na pagbibigay ng imporsmasyon sa amin ni Uncle Luke ay naiwasan namin ang masang balak ng aking mga kamag anak para sa aming mag iina. Malaking gulo ang naging eksena sa mala pelikulang eksena ni Auntie Cora sa mismong libing ni Founder. Hinding hindi ko malilimutan ang mga sandaling iyon pati ang masasakit na salitang pinaratang niya sa aking asawa. Si Auntie Cora ang pangalawa sa mga kapatid ni Mommy. Kilala siya bilang bratinela sa pamilya. Kakauwi lang niya galing America dahil doon na ito naninirahan. Sadya talaga siyang umuwi para sa libing na ni Founder pati sa pagbabasa ng last will ni Founder. 1 DAY EARLIER SA LIBING NI FOUNDER Lasing na nagtungo itong si Auntie Cora sa libing ni Founder at walang hiya-hiyang niyang tinirada ang isang babaeng um-attend sa burol ni FOunder. CLAP CLAP CLAP " hahaha look who's here!. ang huling kirida ni FOunder. Hahaha wala na ba tala
1 WEEK BEFOREGALIGN SA LAMAY NI FOUNDERAMARA POV Nagmamadali na akong lumabas ng banyo. Gusto ko na din sanang magpahinga matapos ang mahabang araw dahil sa pagtulong namin sa pag-asikaso ng mga bisitang nakiramay para kay Founder. Nagulat ako sa aking nakita paglabas. Maluha-luha si Lance na nakaupo sa aming kama habang kapit kapit ang isang papel sa kaniyang kamay. Dali dali akong lumapit sa kaniya. “Love bakit?!anong ngyari?!” Nag aalala kong tanong . Inabot niya sakin ang papel na kaniyang kapit. Binasa ko ito at napaluha din ako. Bigla akong naawa kay Founder. Kahit na matindi ang nagawang kasalanan sakin ni Founder nakaramdam ako ng kaunting kirot sa kaniyang mga sinabi. Nang dahil sa selos niya sa kawalang atensyon ni Lance para sa kaniya kaya niya nagawa lahat ng iyon sa amin. Naisip ko din kaya siguro kami pinagtagpo ni Lance dahil iisa lang ang pait na pinagdaanan namin sa aming mga magulang, siguro naisip ng Panginoon na kami talaga ang magkakaintindihan dahil sa mga
AMARA POV Habang abala akong nag-aayos ng mga dapat na gagamitin ni Lance para sa kaniyang quick visit sa aming mga business next week ay siya namang pagtunog ng kaniyang cellphone mula sa tukador sa gilid ng aming kama. Pagsilip ko kung sino ito ay walang pangalan ang rumehistro. Numero lang ito kaya dali dali akong nagtungo sa aming banyo para sana iabot ang aking telepono kay Lance. "Love may tumatawag sayo!" sigaw ko kay Lance para marinig ako dahil sa lagaslas ng tubig mula sa gripo. "sino yun Love?" tanong naman niya sa akin habang patuloy ito sa kaniyang paliligo. "hindi ko din alam, wala kasing pangalan na nakalagay, number lang!?" tugon ko sa kaniya "sagutin mo na Love baka importante" sabi niya sa akin. Ganito talaga kami ni Lance magmula pa nuon . Kada iniiwan lang namin ang mga cellphone naman kahit saan sa kwarto namin dahil wala naman kaming tinatago sa isa’t-isa kaya naman hindi big deal samin pakielaman ang
"ako nga ang dapat humingi ng pasensya. Hindi ko naman talaga intesyon na manggulo sa araw ng libing ni Founder. Gusto ko lang talagang makita ni Jasper ang kaniyang Papa sa huling sandali ng kaniyang buhay." sagot ni Veronica sa amin. "Sorry to ask ah, kung anak ni Founder si Jasper bakit hindi mo siya ipinunta sa mansyon ng Eduardo nung nabubuhay pa si Founder? ang tanong ko alam ba ni FOunder ang tungkol kay Jasper?! at pano mo nalaman ang tungkol sa impormasyon sa libing ni Founder? dahil sa pagkakaalam ko hindi sina-publiko ang tungkol sa kaniyang libing." nagtatakang tanong ni Lance. "oo alam ni Founder ang tungkol kay Jasper, kagustuhan niya din ang hindi namin pagpunta sa mansyon ng Eduardo dahil sa ayaw niyang ma eskandalo ang mga legal niyang anak. Isang beses kaming nagpunta sa mansyon noong bata pa si Jasper at matinding gulo ang nangyari, doon ko din unang nakita ang babaeng iyon na nagwala sa libing ni Founder. At sa tanong mo kung pano ko nalaman
AFTER 1 WEEKLANCE POVNagulat ako sa pagpapatawag sa akin ng mga Elders sa bahay ng Eduardo. Wala akong ideya kung bakit ako pinatawag ng mga ito. Hindi na ako in contact sa kanila kahit pa bago mawala si Founder. Pero dahil sa pakiusap ng aking mga pinsan na si Tristan at Elissa ay pumayag na ako. Pagdating ko sa Mansyon ay naabutan kong kumpleto ang mga elders. Nandun din sila Aunt Cora. Alam kong gulo ang haharapin ko dito sa mansyon. Naupo na kami sa harapan ng dining table. Sa oras na ito ay hindi ko na sinama si Amara uang hindi na siya masali pa at hindi na niya masaksihan ang kadramahang mangyayari sa mga sandaling ito."Lance , gano katotoong tutulungan mo daw ang bastardong anak na iyon ni FOunder?" naka-halukipkip na tanong ni Aunt Cora habang nakataas ang kaniyang kilay. Hindi pa nga ako nakakasagot ay sinundutan na ito kaagad ni Uncle Jude."sobra na ata ang pagiging suwail mo sa mga Eduardo. Hindi mo na binigyan ng karangalan ang pangal
“Wala naman. Gusto ko lang malaman kung anong oras ka makakauwi. Baka pwede kitang sunduin. Para masigurado kong safe kang makakauwi mamaya”Napangiti si Natalie. Mula simula hanggang ngayon ay naging maalalahanin si Haime, bagay na nagpapakilig pa rin sa kanya kahit mag-asawa na sila.“Huwag na, love. Mag-ha-half day na rin ako. May lunch kami sa labas, pero pagkatapos nun, diretso na ako pauwi.”“Okay. Just text me kapag paalis ka na. Ingat ka, love.”“Ikaw din, love. Bye!”Pagkatapos ibaba ang tawag, muling bumalik ang atensyon ni Natalie sa kanyang mga kaibigan.“Ayieee! Ang sweet ni Mister!” pang-aasar ni Ryan, sabay irap na may kasamang tawa.“Alam niyo, nakakainis kayo!” sagot ni Natalie, pero halatang natutuwa rin sa asaran nila.Kinagabihan, habang nag-iisa sa bahay, pinag-isipan ni Jasmin ang offer nila Natalie sa knaiya. Alam niyang malaki ang responsibilidad na maging head ng finance department, ngunit sa kabila nito, alam din niyang kaya niya ang trabaho. Bukod pa rito, i
“Hayst, sinasabi ko na nga ba hindi na naman ako makakapag trabaho ng maayo ng dahil sa inyo. Alam kong , liligaligin ninyo ako ngayong araw. “ tumingin siya ng may tilim ngunit may halong pag ngiti sa kaniyang mga kaibigan “o it na, ramdam ko talagang dadating kayo ngayong araw kaya dinala ko na ang mga pasalubong niyo.” nilabas ni Natalie ang mga paper bag na tinago niya sa gilid ng drawer . Malaki ang opisina ni Natalie unlike sa office ni Maika na may kaliitan din pero hindi naman ito cubicle. Dahil si Natalie ang major stock holder ay siya ang final say ng lahat. “Ayan! gusto ko yang mga ganyan mo Natalie” humirit na sabi ni Jasmin .Isa-isa ng inabot ni Natalie sa kanila ang mga paper bag na dala nito. Kanya-kanyang bukas naman ang mga ito at nagpasalamat sa kanya. Nagustuhan nila ang pasalubong nito mula Maldives. Dahil alam niyang kukulitin lang siya ng mga ito. Nagpasya si Natalie na mag half day na lang, ganoon din si Maika. Niyaya na lang niya ang mga kaibigan mag lunch s
Kinabukasan ay naghanda na sila para sa mga water activities . Medyo tanghali na sila nagising. Ramdam ni Natalie ang pananakit ng kanyang katawan pati ang paghapdi ng kanyang perlas. Pakiramdam niya ay namamaga ito sa paulit-ulit na pag angkin sa kanya ng kaniyang asawa kagabi. Pero dahil ayaw niyang may palampasin ang oras, kahit na anong sama ng kaniyang pakiramdam ay kumilos pa rin siya.Pagkarating sa restaurant, naisip nilang mag-light breakfast na lamang dahil naghahanda sila para sa mabibigat na activities na kanilang napili para sa araw na iyon. Sunod-sunod ang kanilang water adventures: snorkeling sa malinaw na tubig, scuba diving para masilayan ang mga coral reefs at mga isda sa ilalim, underwater walking experience na para bang naglalakad sa ilalim ng dagat, parasailing na nagbigay sa kanila ng aerial view ng malawak na karagatan, at kayaking na nagpalakas sa kanilang teamwork. Sa gabi naman, iba ang kanilang energy – walang gabi na hindi sila nagtalik, hindi alintana ang
Nang matapos ang kanilang bakbakan ay sabay na silang naligo. Nagbihis na din muna sila para mag- chill out. Naunang matapos magbihis si Haime, nauna na itong umupo sa sofa sa kanilang living area. Naka loose polo siya na kulay white at tinernunah niya iyon ng white pants na may malambot na tela. Napaka-presko ng hangin doon, pumapalagpag ang kanyang damit sa mahinahon na ihip ng hangin. Nagbalat na din siya ng prutas, hinanda niya iyon para paglabas ni Natalie ay makain na ang mga ito. Sumundo na din naman kaagad si Natalie na lumabas sa kanilang living area, Nag blower muna kasi ito ng kanyang buhok .Sabay silang ng chill out ni Haime, nakaupo silang magkadikit, nakahilig siya sa balikat ni Haime habang kapit niya ang plate of fruits na hinanda nito para sa kanila."hon ang sarap naman dito! napakaganda pa ng dagat."wika ni Natalie"Maldives is one of the best area para mag-honeymoon hon! kaya madaming pumupunta dito.""bakit hon nakapunta ka na ba dito dati?!" tanong nito sa asawa
THIRD PERSON POV Nabighani si Haime sa kagandahan ng kanyang asawa. Suot ni Natalie ang kanyang strapless green two-piece swim suit na Tinernuhan niya ng kanyang pearl necklace at floral green na beach hut!. Hot na hot itong tignan, bumagay ang kanyang suot sa kanyang slim size na katawan, makikita ang abs niya, at ang perfect size ng kanyang sus*. Dumagdag pa sa alindog niya ang kanyang wavy hair na kuly brown na may pagka-greyish sa dulo. Samantalang si Haime ay nakasuot ko lang ng swimming trunk na kulay neon orange. Topless siya kaya kita ang kanyang six pack abs. Moreno din si Haime at matangkad ito. 6'5 ang kanyang height at matipuno , matikas siyang tumayo kaya habulin siya ng mga babae. Kung ito ay makikita mo sa daan, hindi maaring hindi mo ito lingunin . Nang Lumusong na si Natalie sa tubig ng swimming pool, maganda ang temperatura nito. Warm ang tubig, sumunod naman sa kanya si Haime na tumalon at mabilis na lumangoy papunta sa kanyang asawa. Nagkatuwaan sila sa pool,
HONEYMOON SA MALDIVES NATALIE POV Mula sa airport ay may sumundo na sa aming mga representative mula sa hotel na aming tutuluyan. May banner na dala ang mga ito na nakasulat ang Mr. And Mrs. Rodriguez! Kaya’t lumapit na kami sa kanila at nagpakilala. “Hi Im Haime Rodriguez and this is my wife Natalie!” Pagpapakilala ni Haime sa lalaking may kapit ng banner. “Good morning , Mr. And Mrs. Rodriguez! Welcome to Maldives .Hope you had a good flight” masiglang pagbati niya sa amin. Mukhang nasa early thirties palang siya at malamang siya ang magiging driver namin. Tinulungan niya kaming mag-akyat ng aming mga luggage at isinakay na ito sa Van na kaniyang dala. Ng makarating kami sa aming destinasyon ay nanlaki ang mga mata ko! Sino bang hindi manlalaki ang mata sa ganito kagandang paraiso. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko! Para tong isang lugar na ipininta . Doon ko narealize na masyado ko na palang sinubsob ang sarili ko sa pagtatrabaho. Kaya ang dami ko ng namiss na pahanon pa
PEARL“Dam* Pearl Anong arte yung ginawa mo kanina?” malakas na sigaw sa akin ni Jeff. Mahigpit niya akong kinapitan sa braso habang halos pakaladkad na niya akong hinihila papasok ng bahay.“Aray ko! Nasasaktan ako Jeff! Ano na naman bang ginawa ko?!” Maang-maangang kong tanong.“oh come on Pearl! Akala mo hindi ko nakita ang pag-iwas mo ng tingin ng halikan ni Haime si Natalie?! Bakit hanggang ngayon gusto mo pa rin ba ang kapatid ko?!” Nanlilisik mata ni Jeff sa galit sa kanya.“Ano ba naman yang naiisip mo Jeff!? Kung ano-anong pumapasok na naman diyan sa utak mo. Hanggang ngayon ito pa rin ba ang paulit ulit nating magiging topic? Kala ko ba magbabago ka na? paulit-ulit na lang ba nating pagtataluhan to!? Ang tagal na ng issue na yan samin ni Haime. Tigilan mo na ko sa kakaselos mo." mariin kong pagtutol sa kaniya , pilit akong nagpupumiglas sa higpit ng pagkakahawak ni Jeff sa aking braso.Nanlilisik pa rin ang mata ni Jeff sa akin ."Sinong niloloko mo?! nakita mo lang ex mo pa
THIRD PERSON POV Nagpatuloy pa ang kasiyahang iyon . Matapos magsayaw ng mag-asawa ay binigay na ng host ang dance floor para sa mga bisita. May gimik din ang organizer ng mga wedding games. Lahat ay nakiki-pag-participate ultimo sila Kim ay palaging gustong kasali sila sa mga palaro. Tuwang tuwa ang mga bata. Ang lahat ng pamangkin ko sa pinsan ay masayang nakikigulo . Nakakatuwa din si Kim dahil kung hindi alam na ito ay anak ni Jerald ay siguradong mapapagkamalan mong si Natalie ang nanay ng mga ito. Kamukha kasi niya ang bata. Nagtapos na nga ang kasiyahan sa reception hall. Ay diretso ng hinatid ni Natalie ang mga parents nila sa kanilang kwarto. Samantalang hindi pa doon nagtatapos ang gabi para sa kanila. Sa isang room sa hotel na arkilado din nila ay nagpatuloy ang party. This time sila -sila na lang magkakaibigan. Sinama din ng mga ito ang kapatid ni Haime pati na rin ang Kuya ni Natalie. Nagpalit muna sila ng mga komportableng damit para makakilos sila ng maayos
Nakita kong nilapitan kaagad ni Annie ang babaeng kasama ng lalaking pumasok. Nakita ko ang malaking pag ngiti ng babaeng kasama nito kay Haime. Hinila din ito ni Julia at excited na tumabi sa kaniya. Nagtataka ang utak ko kung sino nga ba talaga ang tila mag couple na ito. Napatingin pa si Tito Joseph kay Tita Carmi. Pilit akong ngumingiti kahit na ang totoo ay nagtataka ang isip ko , nacu-curious ako kung sino ang mga ito. Kakaiba ang pag-uusap ng kanilang mga mata. Hindi man nagsasalita si Tito pero tinuro ng kaniyang mata at kilay sa mga ito na animo'y inuutusan niya ang mga itong lumapit sa amin. Pinaghila muna niya ng upuan ang babaeng kasama bago siya lumapit sa amin. “Congratulations Bro!” nakangiti niyang bati sa amin kinamayan din siya ni Haime, at ako naman ay nagpasalamat din sa kaniya. “Thank you !" Ngumiti lang ito sa amin. Hindi din siya nagtagal sa pakikipagkamustahan sa amin at agad na din siyang bumalik sa kaniyang assigned seat. Bagama't may ideya na ako kung