ZAIRA POV Hindi pa rin tumitigil ang aking mga mata sa pagluha , hindi ako makapaniwala sa aking mga nakikita. Buhay ang aking dalawang kapatid. Naririnig ko pa ang mga itong naghahalakhakan batay sa CCTV na pinapanuod sa akin nila Amara. Tumingin ako sa kanila at nagtatanong ang aking mga mata. Lumapit sa akin si Amara at kinapitan niya ang aking mga kamay. Nakangiti siya ng kausapin nila ako. Alam kong wala silang masamang intensyon sa pagtagong ito sa aking kapatid. "Pasensya ka na Zaira kung ngayon lang namin sinabi sayo ang tungkol sa mga kapatid mo. Minabuti kasi ni General na itago muna ang mga bata sa kahit na sinuman hanggang sa mahuli sana si Jarred para sa ikabubuti ng lahat. Malalagay kasi sa alanganin ang buhay ng mga bata kung malalaman ng kampo ni Jarred na nabuhay ang mga ito sa masaker na kanilang isinagawa. Pero ngayon ay maayos na ang lahat. Wala ng gagawa ng hingi maganda sa inyo. Batay sa nag-imbestigasyon, nang mga oras na mangyari ang pamamaril sa inyong ba
AFTER 1 WEEK LANCE POV Ngayong araw ay sinadya kong hindi pumasok sa opisina upang laanan ng oras ang aking mag-iina . Alam kong matagal tagal na din ang huling pagkakataon na nabigyan ko sila ng oras. Habang kami ay masayang nagkakasiyahan nila Amara sa aming pool at kalaro namin ang aming mga anak ay bigla namang Lumapit sa amin si Inday para sabihing panay ang pagtawag ng aking mga pinsan. “Sir kanina pa daw po tumatawag si Mam Elissa sa inyo hindi naman daw po kayo makontak kaya sa telepono na lang po sila tumawag , mag call back daw po kayo sa kaniya importante lang" sabi ni Inday sa akin. Nagpaalam na muna ako kay Amara at mga bata dahil hindi naman mangungulit ang mga ito kung hindi talaga importante lalo at alam nilang nasa bahay lang ako. Dinial ko ang number ni Elissa , agad agad naman itong sumagot sa aking tawag . “Hello Elissa what so urgent at bakit ang dami mo na palang miscall sa aking cellphone?!” Nagtataka kong tanong kay Elissa. “Pasensya ka na sa istorbo Lanc
Dahil sa safety protocol ng ospital. Nagtungo muna kami sa isang bahagi ng kwarto sa ICU at nagsuot na ako ng lab gown kasama kong pumasok si Amara, Mommy at Daddy. Bago pa man kami makapasok talaga sa loob ay nagbigay na ng short briefing sa amin ang Doctor. Pinaliwanag niya ang kondisyon ni Founder."Hi Im Doctor Greynan to be honest sa inyo like what i've said sa ibang member ng family ninyo, Mr. Eduardo is dead physically, ang mga aparatos na lang ang dahilan kung bakit siya humihinga pa. Dahil iyon sa ang kaniyang utak ay buhay pa rin hanggang ngayon. Maari niyo pang sabihin ang lahat ng gusto niyong sabihin sa kanya. Maririnig niya pa ang lahat ng sasabihin niyo. Kaya ko kayo kinausap sa malayo para masabi ko itong lahat sa inyo, ayokong sumama ang loob ng pasyente dahil ang alam pa ng pasyente hanggang ngayon ay buhay na buhay pa siya at malakas pa.Kani-kanina ay tinanong ko ang member ng inyong pamilya to decide dahil nahihirapan na ang katawan ng pasyente pero nakiusap silang
Ilang minuto din kaming naiwan sa loob ng silid na iyon. Hinihimas himas ni Amara ang aking likod habang titig na titig ako kay Founder. Ngayon ay wala na talaga akong ama at ina. Pabulong akong nagdasal na sana sa kabila ng lahat ng kasamaan niya ay mapatawad siya ng Panginoon ng sa gayun ay magkita sila nila Mamita at ng aking tunay na ina. Inaya ko ng lumabas si Amara tapos nun. Pagkalabas namin ay siya namang dating ni Doctor Greynan. Pinaliwanag na niya samin ang gagawin at pinapirmahan nito ang isang papel para sa lahat ng anak, waiver ito na katibayan na pumapayag silang tanggalin na ang mga aparato na nagiging dahilan ng kaniyang paghinga. Nang makapirma na silang lahat ay pumasok na dok si Doc at sinimulan na ang proseso ng kanilang ginawa. Nakasilip sa lang kaming lahat sa bintana. Narinig pa namin ang huling tunog ng tibok ng kaniyang puso bago ito tuluyang nag flat line. Naghagulgulan na ang lahat dahilan para maluha din ako. AFTER 24 HOURS Nilagak ang mga labi ni Found
LANCE POV Mabilis na nagdaan ang isang linggo, natapos na din ang libing ni Founder. Dahil sa maagap na pagbibigay ng imporsmasyon sa amin ni Uncle Luke ay naiwasan namin ang masang balak ng aking mga kamag anak para sa aming mag iina. Malaking gulo ang naging eksena sa mala pelikulang eksena ni Auntie Cora sa mismong libing ni Founder. Hinding hindi ko malilimutan ang mga sandaling iyon pati ang masasakit na salitang pinaratang niya sa aking asawa. Si Auntie Cora ang pangalawa sa mga kapatid ni Mommy. Kilala siya bilang bratinela sa pamilya. Kakauwi lang niya galing America dahil doon na ito naninirahan. Sadya talaga siyang umuwi para sa libing na ni Founder pati sa pagbabasa ng last will ni Founder. 1 DAY EARLIER SA LIBING NI FOUNDER Lasing na nagtungo itong si Auntie Cora sa libing ni Founder at walang hiya-hiyang niyang tinirada ang isang babaeng um-attend sa burol ni FOunder. CLAP CLAP CLAP " hahaha look who's here!. ang huling kirida ni FOunder. Hahaha wala na ba tala
1 WEEK BEFOREGALIGN SA LAMAY NI FOUNDERAMARA POV Nagmamadali na akong lumabas ng banyo. Gusto ko na din sanang magpahinga matapos ang mahabang araw dahil sa pagtulong namin sa pag-asikaso ng mga bisitang nakiramay para kay Founder. Nagulat ako sa aking nakita paglabas. Maluha-luha si Lance na nakaupo sa aming kama habang kapit kapit ang isang papel sa kaniyang kamay. Dali dali akong lumapit sa kaniya. “Love bakit?!anong ngyari?!” Nag aalala kong tanong . Inabot niya sakin ang papel na kaniyang kapit. Binasa ko ito at napaluha din ako. Bigla akong naawa kay Founder. Kahit na matindi ang nagawang kasalanan sakin ni Founder nakaramdam ako ng kaunting kirot sa kaniyang mga sinabi. Nang dahil sa selos niya sa kawalang atensyon ni Lance para sa kaniya kaya niya nagawa lahat ng iyon sa amin. Naisip ko din kaya siguro kami pinagtagpo ni Lance dahil iisa lang ang pait na pinagdaanan namin sa aming mga magulang, siguro naisip ng Panginoon na kami talaga ang magkakaintindihan dahil sa mga
AMARA POV Habang abala akong nag-aayos ng mga dapat na gagamitin ni Lance para sa kaniyang quick visit sa aming mga business next week ay siya namang pagtunog ng kaniyang cellphone mula sa tukador sa gilid ng aming kama. Pagsilip ko kung sino ito ay walang pangalan ang rumehistro. Numero lang ito kaya dali dali akong nagtungo sa aming banyo para sana iabot ang aking telepono kay Lance. "Love may tumatawag sayo!" sigaw ko kay Lance para marinig ako dahil sa lagaslas ng tubig mula sa gripo. "sino yun Love?" tanong naman niya sa akin habang patuloy ito sa kaniyang paliligo. "hindi ko din alam, wala kasing pangalan na nakalagay, number lang!?" tugon ko sa kaniya "sagutin mo na Love baka importante" sabi niya sa akin. Ganito talaga kami ni Lance magmula pa nuon . Kada iniiwan lang namin ang mga cellphone naman kahit saan sa kwarto namin dahil wala naman kaming tinatago sa isa’t-isa kaya naman hindi big deal samin pakielaman ang
"ako nga ang dapat humingi ng pasensya. Hindi ko naman talaga intesyon na manggulo sa araw ng libing ni Founder. Gusto ko lang talagang makita ni Jasper ang kaniyang Papa sa huling sandali ng kaniyang buhay." sagot ni Veronica sa amin. "Sorry to ask ah, kung anak ni Founder si Jasper bakit hindi mo siya ipinunta sa mansyon ng Eduardo nung nabubuhay pa si Founder? ang tanong ko alam ba ni FOunder ang tungkol kay Jasper?! at pano mo nalaman ang tungkol sa impormasyon sa libing ni Founder? dahil sa pagkakaalam ko hindi sina-publiko ang tungkol sa kaniyang libing." nagtatakang tanong ni Lance. "oo alam ni Founder ang tungkol kay Jasper, kagustuhan niya din ang hindi namin pagpunta sa mansyon ng Eduardo dahil sa ayaw niyang ma eskandalo ang mga legal niyang anak. Isang beses kaming nagpunta sa mansyon noong bata pa si Jasper at matinding gulo ang nangyari, doon ko din unang nakita ang babaeng iyon na nagwala sa libing ni Founder. At sa tanong mo kung pano ko nalaman
ETHAN POV Dumating na ang mga bisita isa-isa, at ang saya sa paligid ay hindi maipaliwanag. Ang mga halakhakan at kwentuhan ng mga tao ay nagbigay saya sa buong lugar. Nagsimula na rin ang program, at hindi ko akalain kung gaano ka-organized at ka-saya lahat ng mga planong ito. Lahat ng tao ay abala sa mga palaro at mga jokes ng host na nagpapatawa sa lahat. Tuwang-tuwa sila, at kahit kami din ni Kayline, masaya kaming nakikisali sa kakulitan ng aming host. Habang abala ang mga bisita, sinubukan kong mag-relax at tingnan ang lahat ng nangyayari, ngunit hindi ko maiwasang mapansin si Kayline. Ang saya sa mga mata niya, nakikita ko ang genuine na ngiti mula sa kaniyang mga labi. Nang dumating ang isang intermission number, nagulat ako sa nangyari. “Huh? Si Kayline, anong ginagawa nila?” tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa stage. Halos mapapalakpak ako sa tuwa. Sina Tristan, Lander at ang ilang mga kaibigan ni Kayline ay nagsimulang sumayaw, at biglang nagulat ako nang maki
Pagkatapos ng misa ay oras naman para sa pagkuha ng mga pictures. “Ethan, ito na talaga ‘yon. Magkasama na tayo… habang buhay.” habang nakatingin ako kay Ethan ang puso ko ay punong-puno ng saya. Ngumingiti naman si Ethan habang hawak ang mga kamay ko “Oo, Kayline. Sayo lang umiikot ang buhay ko.” Nagkaroon ng sandaling katahimikan habang nagkatinginan kaming dalawa. Napalapit ako kay Ethan, at sabay namin naramdaman ang hindi maipaliwanag na damdamin. Lumapit si Kayline sa akin at naglapat ang aming mga labi. Pagkatapos ng halik bilang mag-asawa “Parang ang tagal nating inantay ‘to, Ethan. I mean ang buhay na kakaharapin natin bilang mag-asawa” Tumango siya sa akin at punong-puno ng emosyon “Sobra, Kayline. Pero sulit ang lahat. Ngayon, ikaw at ako na talaga. Akalain mong matapos ang pinagdaanan natin sa huli ay humantong din tayo sa kasalan.” Naputol ang paglalambingan namin nang biglang nagsigawan ang mga bisita. “Wooo! Sana all!” “Mabuhay ang bagong kasal!” "congratula
Ngumiti siya sa akin, at naramdaman ko ang init sa puso ko. Kinuha ko ang singsing mula sa pari at marahang sinuot ito sa daliri niya. Habang ginagawa ko ito, tinignan ko siya at ngumiti. “Mahal kita, Ethan,” bulong ko Hinawakan ko ang singsing sa kamay ko, ramdam ang kabigatan ng bawat pangakong nakapaloob dito. Tumingin ako kay Ethan, at sa mga mata niya nakita ko ang pagmamahal na walang pag-aalinlangan. Huminga ako nang malalim at ngumiti. “ Ethan Anderson,” sabi ko, malumanay ngunit puno ng emosyon. “Kaya naman, Please wear this ring as a sign of my love and loyalty to you. For richer, for poorer, in sickness and in health, till death do us part. I, Kayline Eduardo are asking you to accept me as your lawfully wife?! Sa mata ng Diyos at sa nata ng tao?” Tumango siya, at biglang nagsalita ng malakas at malinaw. “I do!” sagot ni Ethan, punong-puno ng sigla at pagmamahal. Isinuot ko ang singsing sa daliri niya nang marahan, ramdam ang init ng kamay niya habang hinahawakan n
Ngunit paano? Paano ako kakalma kung narito sa harap ko ang babae ng buhay ko, papunta sa akin? Napailing ako, pilit pinipigilan ang namumuong luha, pero huli na. Pumatak ito, at hindi ko na nagawang itago pa. “Ang ganda niya,” bulong ko ulit, halos hindi ko marinig ang sarili ko. Ngumiti si Mommy, halatang naiiyak din. “Oo, anak. Ang ganda niya. At ikaw ang maswerteng lalaki na hinihintay niya sa altar. Masaya akong nakikita kang masaya” Nang magsimulang maglakad si Kayline, tumunog ang unang nota ng piano, at ramdam kong mas bumagal pa ang oras. Ang bawat hakbang niya ay parang sinadya para itatak sa isip ko ang araw na ito. Nakatingin siya sa akin, at sa mga mata niya, alam kong naroon ang parehong pagmamahal na nararamdaman ko. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Sa bawat hakbang niya papalapit sa akin, parang tumitigil ang oras. Ngumiti siya, at sa sandaling iyon, alam kong siya ang tamang desisyon. Hindi ko napigilang mapaluha ulit. Ito na iyon, sabi ko sa sarili ko. Walang
KAYLINE POV Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang kahapon lang, napakaraming pagsubok ang pinagdaanan namin ni Ethan. Pero ngayon, ito na—ang araw na pinapangarap ko. Araw ng kasal namin. Habang nasa loob ng sasakyan, naririnig ko ang tibok ng puso ko, parang kasing lakas ng tunog ng makina. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at nginitian ako. “Congratulations, anak,” sabi niya, puno ng pagmamahal ang boses. “Finally, ito na iyon. Napakaganda mo, at sigurado akong magiging napakaganda rin ng araw na ito para sa inyo ni Ethan. Wag kang kabahan, mag-relax ka lang.” Napangiti ako kay Mommy, kahit nararamdaman kong nangingilid ang luha ko. “Salamat, Mommy. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ko alam kung kakayanin ko ang lahat ng ito.” Pinisil niya ang kamay ko nang mahigpit. “Kayline, karapat-dapat kang maging masaya. Ngayon, huwag mo nang isipin ang iba. Enjoyin mo ang araw na ito.” Tumingin ako sa salamin at inayos ang belo ko. Pinipigilan kong maiyak dahil ayokong masira a
ETHAN POV Ito ang pinakahihintay na araw sa buhay ko, pero sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko maalis ang kabang nararamdaman ko. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko. Kaninang umaga pa lang paulit-ulit kong tinitingnan ang cellphone ko. Tinawagan ko si Mommy ng maraming beses, pero palagi niyang binababa ang tawag ko. Hindi niya sinasagot kahit ang mga text ko. Huminga ako nang malalim at tumitig sa screen ng phone ko. Nabasa ko ang seen sa huling message ko: “Mommy, 4 PM sa St. Michael’s Church. Hihintayin kita, sana dumating ka.” Parang kinurot ang puso ko. Alam kong nasaktan siya sa mga nakaraang pangyayari, pero hindi ko maitatanggi na umaasa pa rin akong dadalo siya sa pinakamahalagang araw ng buhay ko. Pagdating ko sa simbahan, nauna akong bumaba ng kotse. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ang tahimik na paligid. Madami na ding bisita ang nasa loob ng simbahan. "sir within 10 minutes magsisimula na po tayo" sabi sa akin ng
Kailangan kong protektahan si Kayline, lalo na sa mga banta ni Sofia. Pero alam ko rin na kailangan ko munang harapin ang mommy ko. Alam kong hindi magiging madali ang pag-uusap namin, pero hindi ko na rin kayang tiisin ang pananahimik niya tungkol sa mga ginagawa ni Sofia. Kinabukasan, sa bahay ng mommy ko Pagdating ko sa bahay, tahimik akong sinalubong ng kasambahay. “Sir Ethan, nasa veranda po si ma’am.” “Salamat,” sagot ko, saka ako dumiretso. Sa totoo lang, ayoko na talagang makipag-usap kay mommy tungkol sa gulong ito, pero kailangan kong malaman kung bakit tila siya kampi kay Sofia sa kabila ng lahat. Pagdating ko sa veranda, nakita ko siyang nakaupo habang iniinom ang paborito niyang tea. Napansin niya agad ang presensya ko, pero hindi siya nagsalita. “Mommy,” panimula ko, habang naupo sa harap niya. “Kailangan nating mag-usap.” Hindi siya tumingin sa akin. Patuloy lang siyang umiinom ng tea niya, pero halatang naghihintay siya sa susunod kong sasabihin. “Bakit
ETHAN POV Sigurado ako sa sarili ko. Hindi ako ang ama ng pinagbubuntis ni Sofia. Wala akong ginawa sa kanya noong gabing sinasabi niya. Pero syempre, mahirap ipilit ang katotohanan kung puro kasinungalingan ang binibigay niya. Kaya heto ako, dinala siya sa kaibigan kong doktor para matapos na ang lahat ng drama niya. Pagpasok pa lang namin sa clinic, halatang aligaga si Sofia. Panay ang hawak niya sa tiyan niya na parang gusto niyang magpaniwala agad na totoo ang sinasabi niya. Pati ang mommy ko, nasa tabi niya at mukhang nagdududa rin. “Ethan, ano ba to? Bakit mo pa kailangang dalhin dito? Hindi mo ba ako pinapaniwalaan?” ani Sofia, halatang naiinis. “Sinong maniniwala sayo , alam ko at sigurado akong walang ngyayari satin,” sagot ko nang diretso. “Isa pa gusto ko ng kasiguraduhan. Ayokong basta basta magpadaan sa kalokohan niyo.” Nagulat ako sa biglang pagdating ni Mommy “At ano naman ang gusto mong patunayan?” singit ni mommy, halatang kampi na kay Sofia. “Simple lang,
Hindi pa lumilipas ang ilang minuto nang makita ko siyang dumating sa opisina. Agad niyang napansin si Sofia na nakatayo roon. Tuwang tuwa ang mukha ni Sofia ng makita niya si Ethan, ang ngiti niyang nagpapakita ng kayabangan, na parang may laban siyang napanalunan na ako lang ang hindi nakakaalam. “Hi, Ethan,” bati ni Sofia sa kanya, matamis ang tono ng boses niya. Lumapit siya kay Ethan, pero nakikita kong mayroon siyang intensyon sa bawat galaw niya. Akmang yayakapin niya ito, ngunit agad kong nakita ang pagkakaiba sa reaksyon ni Ethan. Para siyang biglang naging yelo, malamig at puno ng galit. "baby anong ngyayari dito?" tanong ni Ethan sa akin na punong puno ng pagtataka. Tinitignan kong mabuti si Ethan pero nakita kong kahit siya ay naguguluhan sa maaring ginagawa ni Sofia sa loob ng opisina ko. Lumapit si Sofia kay Ethan na ngayon nakatayo sa gilid ko. Nilingkis ni Sofia ang balikat ni Ethan "ano ka ba naman, Ethan hindi mo ako dapat ini-stress. Buntis ako. Nung gabing ma