“Lance madaming kahayupang ginawa si Founder at kaming mga anak niya ay nalaman namin lahat ng iyon ng mamatay ang Mama. Dahil noong nabubuhay pa si Mama hinding hindi ito papayag sa mga ginagawa ni Founder. Aaminin ko, nakikita ko din ang iba sa pag torture na ginagawa ni Founder sa mga suwail niyang runner. May mga babae din siyang kinukulong sa kaniyang secret place at isa nga dito ang ina ni Amara na si Charlotte. Hindi naman kasi magagalit si Founder kay Amara kundi niya nalamang anak ka ni Charlotte at inampon ka ni Kate. May isang lugar siyang pinagdadalhan sa kaniyang mga biktima. Iyon ang kaniyang rest house sa liblib na lugar sa Cebu.” Sabi ko pa kay Lance. Titig na titig lang ito sa aking mga sinasabi , marahil ay hindi nito ma sink ink sa kaniyang utak lahat ng sinasabi ko sa kaniya. “At alam mo ba ang tunay na dahilan kung bakit biglang namatay si Mama 5 years ago?! (Umiling si Lancesa akin) ito ay dahil sa matinding sama ng loob kay Founder. Nalaman n
LANCE Naiwan akong tulala ni Uncle Luke sa harapan ng coffee shop na aming hinintuan. Alam kong lahat ng sinabi nito sa akin ay totoo pero pilit ko itong winawaksi sa aking utak. Hindi ko kayang sikmurain na ang tunay na dugong nananalaytay sa akin ay ang dugo ni Founder. Ang taong mahigpit kong kinamumuhian. Nasusuklam ako sa kaniya. Hindi ako makaramdam ng kahit na kaunting awa sa kaniya. Tumayo ako sa aking pagkakaupo at nag drive ako pabalik sa bahay nila Mommy Rochelle. Nang makarating ako sa bahay ay agad akong sinalubong ng mga ito sa pintuan pa lang halata ang pag iyak sa mga mata ni Mommy. "Anong ngyari sayo Lance?! okay ka lang ba?!" tanong sakin ni Daddy "Daddy totoo ba?! totoo bang hindi niyo ako tunay na anak? totoo bang si Founder ang totoo kong ama?!" nanghihina kong tanong. Napasandal si Daddy sa haligi ng kanilang bahay. Hindi siya kaagad nakasagot sa akin. Nakita kong napapisil si Mommy sa braso ni Daddy at oarang matutumba siya
AMARA PROLONGUE Narinig ko na ang pagparada ng sasakyan ni Lance. Nagmadali na akong lumabas para salubong ito. Kasama ko ang mga batang sumalubong sa kanilang Daddy Lance dahil hinihintay nila ito para sa pasalubong na dala ni Lance para sa kanila. Pare-parehas kaming excited sa pagdating nito. "DADDY!!!! YEHEY nandito na si Daddy." napapatalong sabi ni Anthony. Sabay na humihiyaw at nagtatatalon si Kayline at Anthony. Nang makababa na si Lance ay nakita ko sa mukha niyang hindi okay ang mood ng aking asawa. "Mommy bakit po parang walang dala si Daddy para samin?!" nakasimangot na tanong naman ni Kayline. Nang makalapit sa amin si Lance ay humalik siya sa akin ng may malungkot na mga mata, Pilit siyang ngumiti sa aming mga anak ng kargahin niya ang kambal. "Ay Daddy! bakit po wala yung Jollibee namin ni Kayline?!" nagmamaktol na sabi ni Anthony. Napakagat labi si Lance saka siya bumulong sa hangin sa akin. "Sh*cks nakalimutan ko Love" anas
JARRED POV 1 DAY EARLIER Walang tigil ang kaka ring ng aking cellphone. Wala sana akong balak sagutin ito ng makita kong nagmumula kay Daddy ang tawag. Nagtataka ako dahil halos kakababa lang ng aming pag uusap. "Oh Dad napatawag ka uli?!" nagtataka kong tanong kay Daddy habang nagmamaneho na ako papunta sa mansyon. “Malapit na ako. Around 20minutes makakarating na ako sa mansiyon. (Panay ang salita nito pero hindi ko maintindihan dahil sa lakas ng hangin na nagmumula sa labas) Nagda-drive ako teka lang hindi kita marinig . Give me a minute para maintindihan kita” ang daming sinasabi ni Daddy. Inangat ko ang salamin sa aking bintana para magsara ito upang maintindihan ko ang sinasabi niya sakin. “What are you saying again Dad?! Hindi talaga kita maintindihan” Anas ko sa kaniya. Halos matulilig ang tainga ko sa lakas ng pagkakasigaw ni Daddy sa akin “You B*stard! ano na namang katarantaduh*ng ginawa mo?" galit na tanong sakin ni Daddy. “Anong katarantad*han?! Tungkol saan?!”
AFTER 2 DAYS AMARA POV Matapos ang mahabang kumbinsihan sa wakas ay napapayag ko din si Zaira na magpatingin sa doctor. Ilang araw ko na kasing napapansin ang kakaibang ngyayari kay Zaira. Hindi ko alam kung dala ito ng matinding takot sa ngyari sa kaniya kaya nagdesisyon kami ni Lance na kausapin ko na at pilitin si Zaira. Nang makarating kami sa ospital ay natungo kami sa aking kaibigan na si Doctor Christian . Naipalaiwang ko na kay Doc Christian ang lahat ng ngyari para may back ground na siya sa gagawin kay Zaira. Madaming pasa ang nakatago sa katawan ni Zaira na ikinagulat ko. Hindi ko iyon nakikita dahil nasa tagong bahagi iyon ng kaniyang katawan. Nagkatinginan kami ni Doc Christian ng ipataas niya ang kaniyang damit at doon na bumungad samin lahat ng pasang natamo nito dala ng pang maltrato sa kaniya nung nakulong siya sa isang sikretong silid. Naluluha na si Zaira sa hapdi nito sa kada pagkapit ni Doc Christian. Ilang minuto din niyang sinuri si Zaira. "Amara! can i talk t
Matapos ang physical test na ginawa ni Doc Christian ay matiyaga kaming naghintay sa resulta ng laboratory ni Zaira. DUmating na din ang nurse na kumuha ng resulta ng examination na ginawa kay Zaira. Kinumpira ni Doc Christian sa akin ang lahat ng ganyang hinala kani-kanina lamang. Kaya namang minabuti kong kausapin na si Zaira sa hinihiling ni Doc Christian na examination na gawin sa kaniya upang mas makita ang kondisyon ng bata sa kaniyang sinapupunan. Ang hirap isipin na nagbunga ang mga ka-dimoy*hang ginawa sa kaniya. Ang masakit pa doon ay nabuo ito sa labas ng kaniyang matres. Naupo ako sa tabi ni Zaira at kinapitan ko ang kaniyang kamay."Ahmmmm Zaira, hindi ko alam kung pano ko ba sisimulan sabihin sayo." nakatingin sa akin si Zaira ng may pagtataka sa kaniyang mukha."Ako na Amara! (pagbo-boluntaryo ni Doc Christian). Zaira kaya ako nag request na ipa laboratoryo ka ay dahil sa may nakita akong hindi maganda sa iyong kondisyon at lahat ng aking hinala
AFTER 3 DAYS JARRED POV Dahil sa panggigipit na ginawa ni Darylle sa isa sa mga nurse na may may malaking pagkakautang sa aming grupo dahil sa pagka-lulong nito sa dr*ga ay nagawang ipitin ito ni Darylle. Napaaamin niya ito sa lahat ng detalye tungkol sa mga check up at appointment ni Zaira. Nakita ko itong magandang oportunidad para isagawa ang aming plano. Nalaman ko din ang sinagawang pag-opera kay Zaira dahil sa pagbubuntis niya sa pagpapagalaw niya kay Sander. At ngayong araw nga ang pagbabalik niya sa kaniyang Doctor para magpa follow up check up at tignan ang sugat ng operasyon na isinagawa sa kaniya ilang araw ang nakakalipas. Kaya naman matiyaga naming inabangan ito sa paglabas nila sa ospital. Pinagplanuhan namin itong maigi dahil sa pagkakataong ito siguradong may madadamay, ng dahil kay Zaira para akong dagang tago ng tago sa mga pulis. Ilang minuto lang magmula ng lumabas kami sa Natimbrihan na ako ni Darylle na papalabas na ang mga ito ng ospital. "Sino-sino ang kasa
SA BAHAY NILA AMARA Nagtagal din ng isang oras makalipas ang pagtawag ni Amara kay Lance bago sila tuluyang nakabalik sa kanilang bahay. Naabutan niyang madami ng pulis ang nakaantabay sa tapat ng kanilang gate naghihintay sa worst case scenario na maaaring sapitin nila kanina. Pagparadang pagparada ng kaniyang sasakyan ay nagtakbuhan sa kanila papalapit si Lance at ang kaniyang Mommy. Sinalubong ng mahigpit na yakap ni Lance si Amara. Hinalikan niya ang labi nito at halos ayaw bitawan. Iyak ng iyak si Kate ng makita niyang maayos lang ang kundisyon ni Amara. Nag alala ito ng husto sa kaniyang anak. Samantalang nilapitan naman kaagad ni George si Zaira. Kinomfort din ito ni George at bahagyang niyakap. Hindi na nag alinlangan si George na ipakita ang kanyang pagka concern kay Zaira. Hinayaan muna ng mga pulis ang tagpong iyon sa pagitan ng magkakapamilya hanggang umentrada na ang mga kapulisan dahil hindi sila maaring magtagal upang mabigyan na ng back up ang aming mga pinadalang
ZAIRA POV Hindi pa rin tumitigil ang aking mga mata sa pagluha , hindi ako makapaniwala sa aking mga nakikita. Buhay ang aking dalawang kapatid. Naririnig ko pa ang mga itong naghahalakhakan batay sa CCTV na pinapanuod sa akin nila Amara. Tumingin ako sa kanila at nagtatanong ang aking mga mata. Lumapit sa akin si Amara at kinapitan niya ang aking mga kamay. Nakangiti siya ng kausapin nila ako. Alam kong wala silang masamang intensyon sa pagtagong ito sa aking kapatid. "Pasensya ka na Zaira kung ngayon lang namin sinabi sayo ang tungkol sa mga kapatid mo. Minabuti kasi ni General na itago muna ang mga bata sa kahit na sinuman hanggang sa mahuli sana si Jarred para sa ikabubuti ng lahat. Malalagay kasi sa alanganin ang buhay ng mga bata kung malalaman ng kampo ni Jarred na nabuhay ang mga ito sa masaker na kanilang isinagawa. Pero ngayon ay maayos na ang lahat. Wala ng gagawa ng hingi maganda sa inyo. Batay sa nag-imbestigasyon, nang mga oras na mangyari ang pamamaril sa inyong ba
ETHAN POV Dumating na ang mga bisita isa-isa, at ang saya sa paligid ay hindi maipaliwanag. Ang mga halakhakan at kwentuhan ng mga tao ay nagbigay saya sa buong lugar. Nagsimula na rin ang program, at hindi ko akalain kung gaano ka-organized at ka-saya lahat ng mga planong ito. Lahat ng tao ay abala sa mga palaro at mga jokes ng host na nagpapatawa sa lahat. Tuwang-tuwa sila, at kahit kami din ni Kayline, masaya kaming nakikisali sa kakulitan ng aming host. Habang abala ang mga bisita, sinubukan kong mag-relax at tingnan ang lahat ng nangyayari, ngunit hindi ko maiwasang mapansin si Kayline. Ang saya sa mga mata niya, nakikita ko ang genuine na ngiti mula sa kaniyang mga labi. Nang dumating ang isang intermission number, nagulat ako sa nangyari. “Huh? Si Kayline, anong ginagawa nila?” tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa stage. Halos mapapalakpak ako sa tuwa. Sina Tristan, Lander at ang ilang mga kaibigan ni Kayline ay nagsimulang sumayaw, at biglang nagulat ako nang maki
Pagkatapos ng misa ay oras naman para sa pagkuha ng mga pictures. “Ethan, ito na talaga ‘yon. Magkasama na tayo… habang buhay.” habang nakatingin ako kay Ethan ang puso ko ay punong-puno ng saya. Ngumingiti naman si Ethan habang hawak ang mga kamay ko “Oo, Kayline. Sayo lang umiikot ang buhay ko.” Nagkaroon ng sandaling katahimikan habang nagkatinginan kaming dalawa. Napalapit ako kay Ethan, at sabay namin naramdaman ang hindi maipaliwanag na damdamin. Lumapit si Kayline sa akin at naglapat ang aming mga labi. Pagkatapos ng halik bilang mag-asawa “Parang ang tagal nating inantay ‘to, Ethan. I mean ang buhay na kakaharapin natin bilang mag-asawa” Tumango siya sa akin at punong-puno ng emosyon “Sobra, Kayline. Pero sulit ang lahat. Ngayon, ikaw at ako na talaga. Akalain mong matapos ang pinagdaanan natin sa huli ay humantong din tayo sa kasalan.” Naputol ang paglalambingan namin nang biglang nagsigawan ang mga bisita. “Wooo! Sana all!” “Mabuhay ang bagong kasal!” "congratula
Ngumiti siya sa akin, at naramdaman ko ang init sa puso ko. Kinuha ko ang singsing mula sa pari at marahang sinuot ito sa daliri niya. Habang ginagawa ko ito, tinignan ko siya at ngumiti. “Mahal kita, Ethan,” bulong ko Hinawakan ko ang singsing sa kamay ko, ramdam ang kabigatan ng bawat pangakong nakapaloob dito. Tumingin ako kay Ethan, at sa mga mata niya nakita ko ang pagmamahal na walang pag-aalinlangan. Huminga ako nang malalim at ngumiti. “ Ethan Anderson,” sabi ko, malumanay ngunit puno ng emosyon. “Kaya naman, Please wear this ring as a sign of my love and loyalty to you. For richer, for poorer, in sickness and in health, till death do us part. I, Kayline Eduardo are asking you to accept me as your lawfully wife?! Sa mata ng Diyos at sa nata ng tao?” Tumango siya, at biglang nagsalita ng malakas at malinaw. “I do!” sagot ni Ethan, punong-puno ng sigla at pagmamahal. Isinuot ko ang singsing sa daliri niya nang marahan, ramdam ang init ng kamay niya habang hinahawakan n
Ngunit paano? Paano ako kakalma kung narito sa harap ko ang babae ng buhay ko, papunta sa akin? Napailing ako, pilit pinipigilan ang namumuong luha, pero huli na. Pumatak ito, at hindi ko na nagawang itago pa. “Ang ganda niya,” bulong ko ulit, halos hindi ko marinig ang sarili ko. Ngumiti si Mommy, halatang naiiyak din. “Oo, anak. Ang ganda niya. At ikaw ang maswerteng lalaki na hinihintay niya sa altar. Masaya akong nakikita kang masaya” Nang magsimulang maglakad si Kayline, tumunog ang unang nota ng piano, at ramdam kong mas bumagal pa ang oras. Ang bawat hakbang niya ay parang sinadya para itatak sa isip ko ang araw na ito. Nakatingin siya sa akin, at sa mga mata niya, alam kong naroon ang parehong pagmamahal na nararamdaman ko. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Sa bawat hakbang niya papalapit sa akin, parang tumitigil ang oras. Ngumiti siya, at sa sandaling iyon, alam kong siya ang tamang desisyon. Hindi ko napigilang mapaluha ulit. Ito na iyon, sabi ko sa sarili ko. Walang
KAYLINE POV Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang kahapon lang, napakaraming pagsubok ang pinagdaanan namin ni Ethan. Pero ngayon, ito na—ang araw na pinapangarap ko. Araw ng kasal namin. Habang nasa loob ng sasakyan, naririnig ko ang tibok ng puso ko, parang kasing lakas ng tunog ng makina. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at nginitian ako. “Congratulations, anak,” sabi niya, puno ng pagmamahal ang boses. “Finally, ito na iyon. Napakaganda mo, at sigurado akong magiging napakaganda rin ng araw na ito para sa inyo ni Ethan. Wag kang kabahan, mag-relax ka lang.” Napangiti ako kay Mommy, kahit nararamdaman kong nangingilid ang luha ko. “Salamat, Mommy. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ko alam kung kakayanin ko ang lahat ng ito.” Pinisil niya ang kamay ko nang mahigpit. “Kayline, karapat-dapat kang maging masaya. Ngayon, huwag mo nang isipin ang iba. Enjoyin mo ang araw na ito.” Tumingin ako sa salamin at inayos ang belo ko. Pinipigilan kong maiyak dahil ayokong masira a
ETHAN POV Ito ang pinakahihintay na araw sa buhay ko, pero sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko maalis ang kabang nararamdaman ko. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko. Kaninang umaga pa lang paulit-ulit kong tinitingnan ang cellphone ko. Tinawagan ko si Mommy ng maraming beses, pero palagi niyang binababa ang tawag ko. Hindi niya sinasagot kahit ang mga text ko. Huminga ako nang malalim at tumitig sa screen ng phone ko. Nabasa ko ang seen sa huling message ko: “Mommy, 4 PM sa St. Michael’s Church. Hihintayin kita, sana dumating ka.” Parang kinurot ang puso ko. Alam kong nasaktan siya sa mga nakaraang pangyayari, pero hindi ko maitatanggi na umaasa pa rin akong dadalo siya sa pinakamahalagang araw ng buhay ko. Pagdating ko sa simbahan, nauna akong bumaba ng kotse. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ang tahimik na paligid. Madami na ding bisita ang nasa loob ng simbahan. "sir within 10 minutes magsisimula na po tayo" sabi sa akin ng
Kailangan kong protektahan si Kayline, lalo na sa mga banta ni Sofia. Pero alam ko rin na kailangan ko munang harapin ang mommy ko. Alam kong hindi magiging madali ang pag-uusap namin, pero hindi ko na rin kayang tiisin ang pananahimik niya tungkol sa mga ginagawa ni Sofia. Kinabukasan, sa bahay ng mommy ko Pagdating ko sa bahay, tahimik akong sinalubong ng kasambahay. “Sir Ethan, nasa veranda po si ma’am.” “Salamat,” sagot ko, saka ako dumiretso. Sa totoo lang, ayoko na talagang makipag-usap kay mommy tungkol sa gulong ito, pero kailangan kong malaman kung bakit tila siya kampi kay Sofia sa kabila ng lahat. Pagdating ko sa veranda, nakita ko siyang nakaupo habang iniinom ang paborito niyang tea. Napansin niya agad ang presensya ko, pero hindi siya nagsalita. “Mommy,” panimula ko, habang naupo sa harap niya. “Kailangan nating mag-usap.” Hindi siya tumingin sa akin. Patuloy lang siyang umiinom ng tea niya, pero halatang naghihintay siya sa susunod kong sasabihin. “Bakit
ETHAN POV Sigurado ako sa sarili ko. Hindi ako ang ama ng pinagbubuntis ni Sofia. Wala akong ginawa sa kanya noong gabing sinasabi niya. Pero syempre, mahirap ipilit ang katotohanan kung puro kasinungalingan ang binibigay niya. Kaya heto ako, dinala siya sa kaibigan kong doktor para matapos na ang lahat ng drama niya. Pagpasok pa lang namin sa clinic, halatang aligaga si Sofia. Panay ang hawak niya sa tiyan niya na parang gusto niyang magpaniwala agad na totoo ang sinasabi niya. Pati ang mommy ko, nasa tabi niya at mukhang nagdududa rin. “Ethan, ano ba to? Bakit mo pa kailangang dalhin dito? Hindi mo ba ako pinapaniwalaan?” ani Sofia, halatang naiinis. “Sinong maniniwala sayo , alam ko at sigurado akong walang ngyayari satin,” sagot ko nang diretso. “Isa pa gusto ko ng kasiguraduhan. Ayokong basta basta magpadaan sa kalokohan niyo.” Nagulat ako sa biglang pagdating ni Mommy “At ano naman ang gusto mong patunayan?” singit ni mommy, halatang kampi na kay Sofia. “Simple lang,
Hindi pa lumilipas ang ilang minuto nang makita ko siyang dumating sa opisina. Agad niyang napansin si Sofia na nakatayo roon. Tuwang tuwa ang mukha ni Sofia ng makita niya si Ethan, ang ngiti niyang nagpapakita ng kayabangan, na parang may laban siyang napanalunan na ako lang ang hindi nakakaalam. “Hi, Ethan,” bati ni Sofia sa kanya, matamis ang tono ng boses niya. Lumapit siya kay Ethan, pero nakikita kong mayroon siyang intensyon sa bawat galaw niya. Akmang yayakapin niya ito, ngunit agad kong nakita ang pagkakaiba sa reaksyon ni Ethan. Para siyang biglang naging yelo, malamig at puno ng galit. "baby anong ngyayari dito?" tanong ni Ethan sa akin na punong puno ng pagtataka. Tinitignan kong mabuti si Ethan pero nakita kong kahit siya ay naguguluhan sa maaring ginagawa ni Sofia sa loob ng opisina ko. Lumapit si Sofia kay Ethan na ngayon nakatayo sa gilid ko. Nilingkis ni Sofia ang balikat ni Ethan "ano ka ba naman, Ethan hindi mo ako dapat ini-stress. Buntis ako. Nung gabing ma