IN THE CONFERENCE ROOM #5 LANCE POV Mula sa labas ng conference room ay naririnig ko ang boses ng isang babae. Parang pamilyar ang tinig na ito para sa akin. Hindi ko lang maalala kung saan ko ito narinig. Nadismaya naman ako ng marinig ko ang mga panget na salitang sinasabi nito tungkol sa akin dahil sa pagkalate namin ni Eve sa pagdating sa Santiago Building. Marahil ay hindi nito napansing nakaawang ang pintuan ng silid kung saan kami naghihintay sa kaniya.Hindi ko naman kasi akalaing mapapasarap ang tulog ko dahil late na akong nakauwi kagabi. For the record na late akong pumasok sa trabaho hindi dahil sa nag inom ako kundi dahil tinapos ko ang mga pending na trabaho ng sa gayun ay makapag trabaho ako ng maayos sa Santiago Corporation. Mahigpit na pinagbilin sa akin ni Daddy ang seryosohin ko ang trabaho ko dito dahil ayaw niyang mapahiya ang pamilya namin sa pamilya ng mga Santiago dahil sa nalalapit na pag co-combine ng aming mga business dahil sa malalim na pagkakaibigan n
AT AMARA’S OFFICE “SH*T AMARA (malakas na sigaw ni Jeric pagpasok sa loob ng opisina ni Amara, sinigurado muna nitong nailapat niya ng maayos ang pintuan sa opisina ni Amara saka ito nagsalitang muli) Hahahha girl ano yun?! Ang universe na ang nagbibigay daan para pagtagpuin ang mga landas niyong dalawa! Yieeeh kinikilig ako. Grabe bakla halos tunawin ka na ni Lance sa pagtitig niya sayo.” Malanding sabi ni Jeric. Halos mamilipit na ito sa sobrang kilig. “Hindi ko din alam! Para akong sinisilaban kanina ng makita ko siyang nakaupo sa aking harapan. Mabuti na lang at nakapagtimpi ako. Grabe ibang iba siya ngayon sa kaniyang navy blue coat kesa ng gabing nakasama ko siya. Mas lalo siyang naging gwapo. EEEEEH! ano ba yan kinikilig ako. Bakla malandi ba ako?!” Tanong ni Amara sa kaibigang si Jeric “Naku walang masama sa nararamdaman mo pero girl ingat lang. Diba nga sinabi na ni Xyrille na chick magnet yang si Lance baka mamaya imbis na maka move on mas matinding sakit ang maramdam
Weekend na naman pala, hindi ko namalayan ang bilis ng araw. Nawala na din sa akin ang gabi gabing pag iinom. Nagtataka na sa akin si Jeric dahil hindi ko na siya niyayaya. “Hello girl! Party out tonight?!” Pag aayang tanong sakin “Pass ako Jeric! Pupunta ako kila Mommy ngayon, nawala sa isip ko weekends na pala. Masyado akong nabusy sa trabaho.” Pagpapalusot ko sa kaniya. “Hahahha joke lang gaga! I know. In fairness sayo magmula ng pumasok si Lance sa office parang nakakalimot ka na sa ginawa sayo ni Cooper the Cheater” sabi naman nito sakin. “You moved on girl! Kakaiba ang shine mo ngayon. And im happy for you. Alam ko namang lagi mong kausap si Lance after work at wag mong sabihing hindi. Kilala kita Amara, hindi mo ko naging best friend kung hindi ko mababasa ang mga ganap sa buhay mo. Girl kung gusto mo siya bakit hindi mo subukan?! Wag mo lang ibigay ang 100% mo kagaya ng ginawa mo kay Cooper noon. Nakikita ko naman kung gano ka sincere sayo si Lance. At for the record aah
SA CACAO FARM SA THAILAND LANCE POV Nakakatuwang pagmasdan si Amara. Habang tumatagal lalo akong nahuhulog sa kaniya. Hindi lang sa taglay niyang kagandahan at kasexyhan kundi dahil na din sa galing niya sa larangan ng pagnenegosyo at pakikisama. Mula sa pagbaba namin ng eroplano sa airport sa Thailand ay sinalubong na kami ng grupo ng mga lokal farmer. Meron silang kasamang translator mula sa kanilang nayon na kasama ng mga ito pero sa aking pagkabigla ay hindi na ito kailangan dahil marunong pala si Chloe ng kanilang lokal na lengwage. Mahigpit na yakap at malalaking ngiti ang sinalubong ng mga ito kay Amara. Nagsasayaw pa sila habang paikot na naglulundagan kasama si Amara. Lumapit siya sa akin at pinakilala ako sa miyembro ng mga tribung ito. “Ito si Lance, isa sa mga kasamahan ko sa trabaho.” Nabilib ako kay Amara dahil marunong na din siyang magsalita ng Thailander language. Sumagot naman ang mga ito at nagtawanan, sinagot din sila ni Amara. Hindi ko nga lang maintindihan ku
AMARA POV Mahimbing ng natutulog si Lance ng lumabas ako mula sa CR. Nalate na din akong matapos maligo dahil sa tinapos ko muna ang pag-aayos ng aking mga gamit. Tinitigan ko siya habang himbing na himbing siyang natutulog. Naupo ako sa sahig at inilapit ko ang aking mukha sa kaniyang mukha. Mas charming pala ito sa malapitan sa isip isip ko. Hindi ko lang gusto si Lance pakiramdam ko ay nagsisimula na akong mahalin ito dahil sa pinapakita niyang consistent na panliligaw sa akin. Nataranta naman ako at napatayo ng bigla itong kumilos at tumalikod sa akin, halos magkanda-dapa dapa pa ako sa pagbalik sa aking kama. Nagsinungaling ako kay Lance kanina sa aking sinabi ng tanungin niya ako kung ano ang sinabi ng mga farmer tungkol sa kaniya noong nasa airport kami. Sa totoo lang inaasar kami ng mga ito na bagay kami. Akala daw nila ay asawa ko ito na sinagot ko na hindi, panong magiging asawa ay napaka-babaero niyan. Kaya kami nagtawanan dahil sa sinabi ng isa sa mga farmer na kung gus
PAGBABALIK SA PINAS AMARA POV Sa ilang araw na pananatili namin sa Thailand ni Lance naramdaman ko ang paglalim ng aming samahan. Na appreciate ko ang pagiging dedikado niya sa kanyang mga ginagawa. Hanga din ako kung paano niya pinakisamahan ang mga lokal farmer na aming supplier . Hindi ko inaasahan na ganun niya yayakapin ang mundong ginagalawan namin. Habang tumatagal ay napagtatanto kong mali ang mga kwento at sabi sabi kung sino nga ba si Lance Eduardo Enriquez . Nakita ko din ang kakaibang determinasyon niya para matutunan ang lahat ng tungkol sa pagnenegosyo. Mabuti na lang pala at sinama ko siya sa lakad kong ito. Mas nakilala ko ang totoong pagkatao ni Lance bilang isang normal na tao at napatunayan kong hindi totoo ang sinasabing spoiled ito at walang direksyon ang “Kamusta ang iyong Thailand trip?!” Malambing na tanong sakin ni Daddy James ng dalawin ko sila sa kanilang bahay para ibigay ang pasalubong ng mga ito. “Si Lance kamusta ang performance niya?! Malapit
Halos gabi gabi kaming lumalabas ni Lance para mag date magmula ng magpaalam ito kila Mommy ng panliligaw sa akin. Hindi man opisyal na kami na pero masasabi kong committed na kami sa isa’t isa.. Inaasahan kong magbabago na ito ng pakikitungo sa akin sa pag-alis niya pero lahat ng iyon ay pinatunayan niyang mali ako. Naging mas magalang at malambing sa akin si Lance kahit pa natapos na nito ang kaniyang training sa aming kumpanya. “Hi Lance napatawag ka?! (Kausap ko siya sa phone habang may mga pinapa-pirmahan si Xyrille sa akin.) “ “sige na Xyrille. Ito na yun lahat noh? “ mahina kong sabi na halos pabulong na lang. Yes Mam” sagot ni Xyrille saka siya tuluyang umalis na. “Saan na nga tayo?! “baling kong tanong kay Lance “Susunduin sana kita mamaya sa bahay mo, may family dinner kasi kami gusto kang makilala ng founder ng mga Eduardo’s.” sabi ni Lance natigilan ako sa aking pagkaabala sa mga paper works na niru-rush ko. “Naku naman Lance hindi ba nakakahiya?!” naiilang kon
Lahat ng atensyon ay natuon sa pagbaba ng matandang sinasabi nilang Founder. "Andiyan na si FOUNDER! " sigawan ng mga batang pamangkin ni Lance habang nagtatakbuhan papasok sa entrada ng mansyon."Founder? sinong founder?!" nagtataka kong tanong sa kanila"hahaha! Si Lolo yun, gusto niya kasing tinatawag siyang Founder dahil ang lagi niyang kinukwento sa amin na noong kabataan niya ay isa siya sa pinakamalupit pagdating sa babae at founder siya ng isang negosyo na namayagpag noon early 80's kaya mayroong ganito ang pamilya namin. Kung anong business iyon?! yun ang walang nakakaalam. Hahaha!" pagku-kwento ni Jarred na sinang ayunan naman ng iba pa niyang mga pinsan.bumulong naman sakin si Elissa "prepare yourself Amara!, wag kang matatakot sa lolo namin at sana hindi ka madala matapos kang ipakilala ni Lance mamaya sa kaniya." napatingin naman ako sa kaniya. Nginitian ako nito lalo naman akong kinakabahan at hindi ko alam kung pano ko siya haharapin mamaya. Pagbaba nito ay inangat
PROLONGUEOne after another….Bawat date na isinasaayos ng mga kaibigan ni Natalie ay nagiging isang sunod-sunod na pagkakataon na tila walang epekto sa kaniyang puso. Lahat ng kanilang kaibigan, pati na ang mga mutual friends na alam nilang matagal nang may pagkagusto kay Natalie, ay nagsisilbing mga "prospective" date para sa kanya. Ngunit tila hindi rin nagiging epektibo ang lahat."Ano na, friend? Maloloka na kami sayo!" simula ni Jasmin, na may pagka-bored na tono."Sis! Lahat ng mga pato namin, pinameet na namin sa’yo, pero wala eh, wa epek!" asar na tawang sambit ni Mark."Kaya nga, friend! Lahat ng pinapa-date namin sa'yo, puro yummy pa! Actually, mas yummy pa sila kaysa kay ex. Hmmm... Don't tell me, hindi ka pa rin ba naka-move on hanggang ngayon?" curious na tanong ni Ryan."Hindi naman sa ganoon, girls! Alam niyo naman na abala na kami ni Maika sa pag-aasikaso ng building na i-coconstruct, lalo't paalis na naman siya pagbalik ng Canada. Wala na akong makakasama, aside sa i
AFTER 10 YEARS NATALIE ANDERSON POV Malungkot ang buong angkan dahil sa sabay na pagkawala ni Lola Kate at Lolo James. Dala ng katandaan at naghalo halong sakit ay pumanaw si Lola Kate pero dahil hindi niya kinaya ni Lolo James ang balitang pumanaw na ang kaniyang asawa ay inatake siya sa puso. Ang lahat ay nagluluksa gayun din ako pero lingid sa kaalaman ng lahat ay may hindi din magandang ngyari sa akin na tanging mga kaibigan ko lang ang nakakaalam. Mabilis na nagdaan ang panahon. 2 buwan na kaagad ang nakalipas parang kailan lang ng una akong walanghiyain ng aking live in partner. Ang gabi ay puno ng malalakas na tunog ng musika, ang mga ilaw ng disco bar ay kumikislap sa makulay na ritmo. Isang linggong walang sawa ang pag gimik ko kasama ang mga kaibigan ko pero pakiramdam ko ay may karapatan na akong sumabog ngayong gabi. Niyaya ko ang mga kaibigan kong mag chill out sa resto bar na paborito naming pag hang out-an sa tuwing gusto naming magpagpag sa mga ngyayari sa bu
Hindi ko alam kung bakit tila napakabigat ng hangin sa paligid ko habang nagmamadaling nagbibihis. May biglaang meeting na pinatawag si Lola Kate, at sinabi nilang may malaking problema raw na kailangang talakayin. Hindi ko alam kung ano ang eksaktong mangyayari, pero hindi ko rin maipaliwanag ang kaba sa dibdib ko.Tinawagan ko si Liam habang nagbibihis ako. Alam kong malamang ay hindi pa siya nakakaalis ng bahay nila. Saglit lang siyang sumagot, at narinig kong nasa labas siya kasama ang mga magulang niya. “Busy pa ako ngayon, love. Hindi ko pa sigurado kung makakahabol ako,” sabi niya. Bahagya akong nadismaya, pero naiintindihan ko naman. Kaya’t nagpasya akong magpunta na lang mag-isa.Habang nasa daan, tumawag si Mommy. “Anak, na-move ang meeting. Sa Antonio’s Restaurant sa Tagaytay na tayo magkikita-kita. Dun ka na lang dumiretso, ha?” Agad kong iniba ang ruta. Kahit papaano, naisip kong maganda ang lugar na iyon para sa isang meeting. Pero wala namang taste si Lola Kate na hindi
MADELINE POVPagkalipas ng ilang araw, nagsimula na ang paglilitis. Halos mapuno ang courtroom sa dami ng taong nais masaksihan ang kaso. Ang bawat kilos ng mga nasasakdal—sina Jasper, Bridget, at Nicole—ay nakatuon sa lahat ng mata. Sa gitna ng mahigpit na seguridad, tahimik akong nakaupo sa likuran, hawak ang kamay ni Liam. Ramdam ko ang tensyon sa paligid, lalo na nang magsimula ang mahabang balitaktakan ng mga abogado.Hukom: "Tayo'y magsimula. Atty. De Guzman, pakipresenta ang inyong mga unang tanong."Atty. De Guzman (Prosekusyon): "Maraming salamat,your honor. Unang tanong ko sa saksi, si Aaron. Aaron maaari mo bang ilarawan ang iyong relasyon sa mga akusado, sina Bridget at Nicole?"Aaron: "Oo, ako ay matagal nang nakatrabaho sina Bridget at Nicole. Kami ay magkaibigan, at sa simula, nagkakasundo kami sa mga desisyon. Ngunit, nang magtagal, napansin ko na may mga bagay silang ginagawa nang lihim na hindi ko alam. Hindi lang sila kundi ang boss kong si Jasper"Atty. De Guzman: "
MADELINE POV Tahimik akong nakamasid sa gilid habang binibitbit ng mga pulis sina Bridget at Nicole. Nakaposas ang kanilang mga kamay, at kahit pilit nilang itinatago ang kaba, bakas sa kanilang mga mukha ang galit at takot. Lahat ng ito ay nag-ugat sa ginawa ni Jasper, hindi nagtagal ang pag-interrogate kay Jasper ay tinuro niya at sinabi niya ang lahat ng kaniyang ginawa. "it's okay Love, ito na yun oh!, matatapos na ang lahat, pagkatapos nito i think you deserve a big vacation." malambing na sabi ni Liam sa akin "oo Love, salamat. " bumaling ako sa kaniyang balikat.Sa hindi kalayuan, nandoon si Jasper. Tahimik siyang nakamasid, pero kitang-kita sa kanyang mga mata ang kawalang-awa. Walang bahid ng pagsisisi ang kanyang mukha ni isang pag-alala sa pagkakaibigan nila nina Bridget at Nicole. Para sa kanya, tapos na ang lahat. Tatawa-tawa siyang nakangiti habang pinagmamasdang ipasok ang dalawang kasabwat niya, binanggit din niya ang tungkol sa pakikipagsabwatan ng mga
ILANG LINGGO ANG NAKALIPAS MADELINE POV "love, sorry fro bringing your family into our family's mess." malungkot kong sabi kay Liam. "hey!" malambing niyang sabi habang hawak ang aking pisngi "Don't be like that, hindi lang inaasahan na ang pamilya nating ay may mga nakaraang hindi pa rin naghilom, mabuti nga at satin na iyon sumabog dahil alam kong kaya nating malutas ang kasong ito! magtutulungan tayo Love, kaya natin to. I love you Madeline and i like how your family handle this problem." nakangiti niyang sabi sa akin. "thank you for understanding. Siguro kung ibang lalaki lang yan, dahil sa gulong ngyayari sa pamilya namin, sigurado akong iniwan na ako" sagot ko sa kaniya Bigla niya akong hinila papalapit sa kaniya sabay bulong sakin "ahhh... ahhhh... at yun naman ang hindi ko gagawin kahit kailan." sabay kindat niya sa akin. Natawa ako at malambing ko siyang hinalikan sa kaniyang mga labi. Sa piling ni Liam pakiramdam ko ay ligtas na ligtas ako. Alam kong hindi ako mapapano
Hindi makapaniwala si Tita Amara nang malaman niya ang patuloy na galit at plano nina Jasper, Nicole, at Bridget laban sa aming pamilya. Hindi niya maitanggi ang kaba at galit na bumalot sa kanya. Agad niyang kinuha ang telepono at tumawag kay Lola Kate, ang pinakamatanda at pinakamataas na kinikilala sa aming pamilya. “Hi Mommy, nangyayari na ang kinakataukan ko. Sila Madeline na ang inabutan nito. Kailangan nating mag meeting, ngayon din,” madiing sabi niya sa linya. “Hindi na ito pwedeng palampasin.” Sa kabilang linya, alam ni Lola Kate na hindi na ito simpleng problema lamang. “Sige, Amara. Ipagbibigay-alam ko sa lahat. Maghanda ka.” Kinabukasan, nagtipon ang buong pamilya sa ancestral house ng pamilya. Ang mansyon, na karaniwang puno ng tawanan at masayang kwentuhan, ay tila may bigat ngayon na hindi maitatanggi. Ito’y parang isang reunion, ngunit sa pagkakataong ito, hindi para magdiwang kundi para pag-usapan ang masalimuot na sitwasyon na hinaharap namin. Unang dumating si L
Madeline POV Tahimik akong nakaupo sa gilid ng sala habang pinagmamasdan si Tita Amara. Ang bawat salita niya ay bumabasag sa katahimikan, hinuhubaran ang mga nakatagong lihim na tila napakatagal nang iniingatan. Sa bawat kwento niya ay parang may bumabalik na pait mula sa nakaraan na hindi ko akalaing may kinalaman sa buhay ko ngayon. “Si Don Eduardo,” panimula ni Tita Amara, mahigpit ang hawak sa isang lumang photo album na may bakas ng panahon. “Siya ang puno’t dulo ng lahat ng ito. Sigurado ako, hindi niya kailanman mapapatawad ang pamilya natin. Lalong lalo na ako.” Napakunot ang noo ko, ramdam ang bigat ng kanyang boses. “Galit? Bakit siya galit sa’yo, Tita?” Napabuntong-hininga si Tita Amara, halatang mabigat ang alaala niya sa nakaraan, kahit na nabanggit sakin ni Mommy ang tungkol dito ay hindi ganuon ka detalyado ang nasabi niya sa amin. “Galit siya dahil mas pinili ko si Mommy Kate kaysa sa tunay kong ina na si Mommy Charlotte. Hindi niya matanggap na mas minahal ko
MADELINE POV Isang araw habang nasa ospital si Doc Liam at ako naman ay nasa bahay lang . Naupo ako sa harap ng laptop ko at pinilit alalahanin ang bawat detalye ng mga nakita ko sa email ko bago tuluyang nawala ito. Paulit-ulit na nag-replay sa isip ko ang mga pangalan - Eduardo, Bridget, at Nicole. Hindi ko maintindihan kung bakit tila pamilyar ang mga ito para sa akin, pero alam kong may kahalagahan sila sa kung anuman ang gusto naming malaman. Kasama si Doc Liam, sinubukan naming ibalik ang mga na-delete na file gamit ang iba’t ibang recovery tools, pero mukhang sobrang bihasa ang hacker. Kahit ang mga screenshot na inisip naming ligtas na, tuluyan na ring nawala. Habang tahimik akong nag-iisip, bumabalik sa akin ang mga alaala ng ilang pagkakataon kung saan narinig ko ang mga pangalang iyon. Hindi ko matiyak kung saan o kailan, pero alam narinig ko na yun walang duda. Hanggang sa naalala kong nagkuwento sa akin noon si Mommy tungkol sa paghihirap nila Tita Amara sa relasyon n