SA CACAO FARM SA THAILAND LANCE POV Nakakatuwang pagmasdan si Amara. Habang tumatagal lalo akong nahuhulog sa kaniya. Hindi lang sa taglay niyang kagandahan at kasexyhan kundi dahil na din sa galing niya sa larangan ng pagnenegosyo at pakikisama. Mula sa pagbaba namin ng eroplano sa airport sa Thailand ay sinalubong na kami ng grupo ng mga lokal farmer. Meron silang kasamang translator mula sa kanilang nayon na kasama ng mga ito pero sa aking pagkabigla ay hindi na ito kailangan dahil marunong pala si Chloe ng kanilang lokal na lengwage. Mahigpit na yakap at malalaking ngiti ang sinalubong ng mga ito kay Amara. Nagsasayaw pa sila habang paikot na naglulundagan kasama si Amara. Lumapit siya sa akin at pinakilala ako sa miyembro ng mga tribung ito. “Ito si Lance, isa sa mga kasamahan ko sa trabaho.” Nabilib ako kay Amara dahil marunong na din siyang magsalita ng Thailander language. Sumagot naman ang mga ito at nagtawanan, sinagot din sila ni Amara. Hindi ko nga lang maintindihan ku
AMARA POV Mahimbing ng natutulog si Lance ng lumabas ako mula sa CR. Nalate na din akong matapos maligo dahil sa tinapos ko muna ang pag-aayos ng aking mga gamit. Tinitigan ko siya habang himbing na himbing siyang natutulog. Naupo ako sa sahig at inilapit ko ang aking mukha sa kaniyang mukha. Mas charming pala ito sa malapitan sa isip isip ko. Hindi ko lang gusto si Lance pakiramdam ko ay nagsisimula na akong mahalin ito dahil sa pinapakita niyang consistent na panliligaw sa akin. Nataranta naman ako at napatayo ng bigla itong kumilos at tumalikod sa akin, halos magkanda-dapa dapa pa ako sa pagbalik sa aking kama. Nagsinungaling ako kay Lance kanina sa aking sinabi ng tanungin niya ako kung ano ang sinabi ng mga farmer tungkol sa kaniya noong nasa airport kami. Sa totoo lang inaasar kami ng mga ito na bagay kami. Akala daw nila ay asawa ko ito na sinagot ko na hindi, panong magiging asawa ay napaka-babaero niyan. Kaya kami nagtawanan dahil sa sinabi ng isa sa mga farmer na kung gus
PAGBABALIK SA PINAS AMARA POV Sa ilang araw na pananatili namin sa Thailand ni Lance naramdaman ko ang paglalim ng aming samahan. Na appreciate ko ang pagiging dedikado niya sa kanyang mga ginagawa. Hanga din ako kung paano niya pinakisamahan ang mga lokal farmer na aming supplier . Hindi ko inaasahan na ganun niya yayakapin ang mundong ginagalawan namin. Habang tumatagal ay napagtatanto kong mali ang mga kwento at sabi sabi kung sino nga ba si Lance Eduardo Enriquez . Nakita ko din ang kakaibang determinasyon niya para matutunan ang lahat ng tungkol sa pagnenegosyo. Mabuti na lang pala at sinama ko siya sa lakad kong ito. Mas nakilala ko ang totoong pagkatao ni Lance bilang isang normal na tao at napatunayan kong hindi totoo ang sinasabing spoiled ito at walang direksyon ang “Kamusta ang iyong Thailand trip?!” Malambing na tanong sakin ni Daddy James ng dalawin ko sila sa kanilang bahay para ibigay ang pasalubong ng mga ito. “Si Lance kamusta ang performance niya?! Malapit
Halos gabi gabi kaming lumalabas ni Lance para mag date magmula ng magpaalam ito kila Mommy ng panliligaw sa akin. Hindi man opisyal na kami na pero masasabi kong committed na kami sa isa’t isa.. Inaasahan kong magbabago na ito ng pakikitungo sa akin sa pag-alis niya pero lahat ng iyon ay pinatunayan niyang mali ako. Naging mas magalang at malambing sa akin si Lance kahit pa natapos na nito ang kaniyang training sa aming kumpanya. “Hi Lance napatawag ka?! (Kausap ko siya sa phone habang may mga pinapa-pirmahan si Xyrille sa akin.) “ “sige na Xyrille. Ito na yun lahat noh? “ mahina kong sabi na halos pabulong na lang. Yes Mam” sagot ni Xyrille saka siya tuluyang umalis na. “Saan na nga tayo?! “baling kong tanong kay Lance “Susunduin sana kita mamaya sa bahay mo, may family dinner kasi kami gusto kang makilala ng founder ng mga Eduardo’s.” sabi ni Lance natigilan ako sa aking pagkaabala sa mga paper works na niru-rush ko. “Naku naman Lance hindi ba nakakahiya?!” naiilang kon
Lahat ng atensyon ay natuon sa pagbaba ng matandang sinasabi nilang Founder. "Andiyan na si FOUNDER! " sigawan ng mga batang pamangkin ni Lance habang nagtatakbuhan papasok sa entrada ng mansyon."Founder? sinong founder?!" nagtataka kong tanong sa kanila"hahaha! Si Lolo yun, gusto niya kasing tinatawag siyang Founder dahil ang lagi niyang kinukwento sa amin na noong kabataan niya ay isa siya sa pinakamalupit pagdating sa babae at founder siya ng isang negosyo na namayagpag noon early 80's kaya mayroong ganito ang pamilya namin. Kung anong business iyon?! yun ang walang nakakaalam. Hahaha!" pagku-kwento ni Jarred na sinang ayunan naman ng iba pa niyang mga pinsan.bumulong naman sakin si Elissa "prepare yourself Amara!, wag kang matatakot sa lolo namin at sana hindi ka madala matapos kang ipakilala ni Lance mamaya sa kaniya." napatingin naman ako sa kaniya. Nginitian ako nito lalo naman akong kinakabahan at hindi ko alam kung pano ko siya haharapin mamaya. Pagbaba nito ay inangat
AFTER 2 YEARSNgayong araw ay maagang gumising si Lance para sa isang importanteng plano na kanyang gagawin. Magmula ng makilala niya si Amara ay malaki na ang pinagbago nito hindi lang sa larangan ng trabaho kundi pati sa personal niyang buhay. Natutonan niyang pahalagahan ang mga taong nasasakupan niya at ang kahalagahan ng pagsunod sa tamanag oras. Hindi na ito nalalate sa kaniyang mga appointments. Alam na din niya ang ibig sabihin ng commitment. Iniwasan na din niya ang magpunta sa Bar at gumimik ng hindi kasama si Amara. Una niyang ginawa matapos niyang maligo ay tinawagan niya si Amara para tanungin kung nakapasok na ito sa kaniyang opisina. Nang masiguro niyang wala na ito sa bahay ng kaniyang mga magulang ay sya namang hangos ng kaniyang pagmamaneho papunta sa ancestral home nila Amara.A day before“Dad! Hindi muna ako makakapasok ngayon sa opisina may mahalagang lalakarin lang ako. Kayo na lang din pong gumawa ng dahilan kay Founder kung bakit hindi ako makakapunta sa meet
Ilang segundong nanahimik si Tito James ng matapos akong magsalita. "hmmm Lance, una sa lahat masaya ako na ikaw ang naging karelasyon ni Amara, una sa lahat bukod sa nakataya ang pagkakaibigan namin ng magulang mo sa bawat desisyong ginagawa niyo ay mahalaga samin si Amara, kahit na hindi siya nagmula kay Kate. Buong puso namin siyang tinanggap bilang samin kaya kung masasaktan ang aking anak ng dahil sayo, tandaan mo to Lance! Ako ang unang ha-hanting sayo. Nagkakaintindihan ba tayo?!" naninindak na sabi ng kaniyang Daddy"opo wala pong problema! Hindi ako mangangako pero gagawin ko ang lahat para sa ikaliligaya ni Amara." sagot ko naman"THEN in that case our answer is Yes!. binabasbasan namin ang gagawin mo." nakangiting sabi niya. "Naku thank you po talaga Tito/Tita" masayang sabi ko sakanila. Nilatag ko din ang aking plano kung kelan at saan ako mag po-prose, kinutsaba ko na din ang kaibigan ni Amara na si Jeric para sa lahat ng aming gagawin. Kinagabihan pagkatapos ng pagpayag
LANCE POVAT THAILAND AIRPORTDumating na ang araw na aking pinakahihintay. Kahit itakwil ako ng aking angkan ay itutuloy ko pa rin ang aking plano. Nakareceive din ako ng messages mula kay Mommy at Daddy pagkalabas ko sa pintuan ng mansyon ng Eduardo.“Im proud of you son! For standing for your happiness” Maiksing mensahe ni Daddy pero napakalalim ng kahulugan. Napangiti ako ng makita ko ito kaya lalo akong ginanahan sa aking gagawin.Makalipas ang dalawang taong panunuyo ko kay Amara sa wakas nakuha ko na din ang matamis niyang OO. July 14,2022 at 7pm sa Antonio’s Restaurant sa tagaytay ang petsa, oras at lugar kung saan ako sinagot ni Amara. Hinding hindi ko makakalimutan ang araw na iyon dahil iyon ang araw na nagpabago ng lahat ng pananaw ko sa buhay. Sa loob ng dalawang taon bilang magkasintahan kami ay masasabi kong sapat na ang panahong iyon para hingin ko ang kamay ni Amara sa kaniyang mga magulang. Mahal ko si Amara at handa kong gawin ang lahat para sa kanya. Makalaban ko m
Ngumiti siya sa akin, at naramdaman ko ang init sa puso ko. Kinuha ko ang singsing mula sa pari at marahang sinuot ito sa daliri niya. Habang ginagawa ko ito, tinignan ko siya at ngumiti. “Mahal kita, Ethan,” bulong ko Hinawakan ko ang singsing sa kamay ko, ramdam ang kabigatan ng bawat pangakong nakapaloob dito. Tumingin ako kay Ethan, at sa mga mata niya nakita ko ang pagmamahal na walang pag-aalinlangan. Huminga ako nang malalim at ngumiti. “ Ethan Anderson,” sabi ko, malumanay ngunit puno ng emosyon. “Kaya naman, Please wear this ring as a sign of my love and loyalty to you. For richer, for poorer, in sickness and in health, till death do us part. I, Kayline Eduardo are asking you to accept me as your lawfully wife?! Sa mata ng Diyos at sa nata ng tao?” Tumango siya, at biglang nagsalita ng malakas at malinaw. “I do!” sagot ni Ethan, punong-puno ng sigla at pagmamahal. Isinuot ko ang singsing sa daliri niya nang marahan, ramdam ang init ng kamay niya habang hinahawakan n
Ngunit paano? Paano ako kakalma kung narito sa harap ko ang babae ng buhay ko, papunta sa akin? Napailing ako, pilit pinipigilan ang namumuong luha, pero huli na. Pumatak ito, at hindi ko na nagawang itago pa. “Ang ganda niya,” bulong ko ulit, halos hindi ko marinig ang sarili ko. Ngumiti si Mommy, halatang naiiyak din. “Oo, anak. Ang ganda niya. At ikaw ang maswerteng lalaki na hinihintay niya sa altar. Masaya akong nakikita kang masaya” Nang magsimulang maglakad si Kayline, tumunog ang unang nota ng piano, at ramdam kong mas bumagal pa ang oras. Ang bawat hakbang niya ay parang sinadya para itatak sa isip ko ang araw na ito. Nakatingin siya sa akin, at sa mga mata niya, alam kong naroon ang parehong pagmamahal na nararamdaman ko. Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Sa bawat hakbang niya papalapit sa akin, parang tumitigil ang oras. Ngumiti siya, at sa sandaling iyon, alam kong siya ang tamang desisyon. Hindi ko napigilang mapaluha ulit. Ito na iyon, sabi ko sa sarili ko. Walang
KAYLINE POV Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang kahapon lang, napakaraming pagsubok ang pinagdaanan namin ni Ethan. Pero ngayon, ito na—ang araw na pinapangarap ko. Araw ng kasal namin. Habang nasa loob ng sasakyan, naririnig ko ang tibok ng puso ko, parang kasing lakas ng tunog ng makina. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at nginitian ako. “Congratulations, anak,” sabi niya, puno ng pagmamahal ang boses. “Finally, ito na iyon. Napakaganda mo, at sigurado akong magiging napakaganda rin ng araw na ito para sa inyo ni Ethan. Wag kang kabahan, mag-relax ka lang.” Napangiti ako kay Mommy, kahit nararamdaman kong nangingilid ang luha ko. “Salamat, Mommy. Kung hindi dahil sa inyo, hindi ko alam kung kakayanin ko ang lahat ng ito.” Pinisil niya ang kamay ko nang mahigpit. “Kayline, karapat-dapat kang maging masaya. Ngayon, huwag mo nang isipin ang iba. Enjoyin mo ang araw na ito.” Tumingin ako sa salamin at inayos ang belo ko. Pinipigilan kong maiyak dahil ayokong masira a
ETHAN POV Ito ang pinakahihintay na araw sa buhay ko, pero sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko maalis ang kabang nararamdaman ko. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko. Kaninang umaga pa lang paulit-ulit kong tinitingnan ang cellphone ko. Tinawagan ko si Mommy ng maraming beses, pero palagi niyang binababa ang tawag ko. Hindi niya sinasagot kahit ang mga text ko. Huminga ako nang malalim at tumitig sa screen ng phone ko. Nabasa ko ang seen sa huling message ko: “Mommy, 4 PM sa St. Michael’s Church. Hihintayin kita, sana dumating ka.” Parang kinurot ang puso ko. Alam kong nasaktan siya sa mga nakaraang pangyayari, pero hindi ko maitatanggi na umaasa pa rin akong dadalo siya sa pinakamahalagang araw ng buhay ko. Pagdating ko sa simbahan, nauna akong bumaba ng kotse. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang pinagmamasdan ang tahimik na paligid. Madami na ding bisita ang nasa loob ng simbahan. "sir within 10 minutes magsisimula na po tayo" sabi sa akin ng
Kailangan kong protektahan si Kayline, lalo na sa mga banta ni Sofia. Pero alam ko rin na kailangan ko munang harapin ang mommy ko. Alam kong hindi magiging madali ang pag-uusap namin, pero hindi ko na rin kayang tiisin ang pananahimik niya tungkol sa mga ginagawa ni Sofia. Kinabukasan, sa bahay ng mommy ko Pagdating ko sa bahay, tahimik akong sinalubong ng kasambahay. “Sir Ethan, nasa veranda po si ma’am.” “Salamat,” sagot ko, saka ako dumiretso. Sa totoo lang, ayoko na talagang makipag-usap kay mommy tungkol sa gulong ito, pero kailangan kong malaman kung bakit tila siya kampi kay Sofia sa kabila ng lahat. Pagdating ko sa veranda, nakita ko siyang nakaupo habang iniinom ang paborito niyang tea. Napansin niya agad ang presensya ko, pero hindi siya nagsalita. “Mommy,” panimula ko, habang naupo sa harap niya. “Kailangan nating mag-usap.” Hindi siya tumingin sa akin. Patuloy lang siyang umiinom ng tea niya, pero halatang naghihintay siya sa susunod kong sasabihin. “Bakit
ETHAN POV Sigurado ako sa sarili ko. Hindi ako ang ama ng pinagbubuntis ni Sofia. Wala akong ginawa sa kanya noong gabing sinasabi niya. Pero syempre, mahirap ipilit ang katotohanan kung puro kasinungalingan ang binibigay niya. Kaya heto ako, dinala siya sa kaibigan kong doktor para matapos na ang lahat ng drama niya. Pagpasok pa lang namin sa clinic, halatang aligaga si Sofia. Panay ang hawak niya sa tiyan niya na parang gusto niyang magpaniwala agad na totoo ang sinasabi niya. Pati ang mommy ko, nasa tabi niya at mukhang nagdududa rin. “Ethan, ano ba to? Bakit mo pa kailangang dalhin dito? Hindi mo ba ako pinapaniwalaan?” ani Sofia, halatang naiinis. “Sinong maniniwala sayo , alam ko at sigurado akong walang ngyayari satin,” sagot ko nang diretso. “Isa pa gusto ko ng kasiguraduhan. Ayokong basta basta magpadaan sa kalokohan niyo.” Nagulat ako sa biglang pagdating ni Mommy “At ano naman ang gusto mong patunayan?” singit ni mommy, halatang kampi na kay Sofia. “Simple lang,
Hindi pa lumilipas ang ilang minuto nang makita ko siyang dumating sa opisina. Agad niyang napansin si Sofia na nakatayo roon. Tuwang tuwa ang mukha ni Sofia ng makita niya si Ethan, ang ngiti niyang nagpapakita ng kayabangan, na parang may laban siyang napanalunan na ako lang ang hindi nakakaalam. “Hi, Ethan,” bati ni Sofia sa kanya, matamis ang tono ng boses niya. Lumapit siya kay Ethan, pero nakikita kong mayroon siyang intensyon sa bawat galaw niya. Akmang yayakapin niya ito, ngunit agad kong nakita ang pagkakaiba sa reaksyon ni Ethan. Para siyang biglang naging yelo, malamig at puno ng galit. "baby anong ngyayari dito?" tanong ni Ethan sa akin na punong puno ng pagtataka. Tinitignan kong mabuti si Ethan pero nakita kong kahit siya ay naguguluhan sa maaring ginagawa ni Sofia sa loob ng opisina ko. Lumapit si Sofia kay Ethan na ngayon nakatayo sa gilid ko. Nilingkis ni Sofia ang balikat ni Ethan "ano ka ba naman, Ethan hindi mo ako dapat ini-stress. Buntis ako. Nung gabing ma
Hindi mapigilan ni Sofia ang pagbagsak ng mga luha niya. “Please, Kayline. Alam kong ikaw ang mahal niya, pero… pero hindi ko kayang palakihin ang anak namin nang mag-isa. Kailangan ko siya. Kailangan ng bata ng ama at wag mo sanang ipagjait yun!” Sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya. Tumingin ako kay Sofia, at sa kabila ng galit na nararamdaman ko, nakita ko ang takot sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, galit ba o awa? “At bakit sakin mo sinasabi lahat ng to?” tanong ko, halos wala na akong boses pero nagpapakita pa rin ako ng katatagan. “Bakit hindi mo sabihin kay Ethan mismo? At siya ang hayaan mong magdesisyon! Hindi ko na kapit anong gagawin niya dito. Napayuko siya, hindi ko alam kung panibagong drama na naman nila to ng Mommy ni Ethan. “Sinubukan kong sabihin sa kanya… pero hindi ko kayang makita siyang nagagalit o tinatanggihan ako. Alam kong nasaktan siya sa paghihiwalay niyo dati, pero hindi ko inasahang mangyayari ito. Oo aaminin ko naging har
CURRENT TIME PAGKATAPOS NG PROPOSAL KAYLINE POV Matapos kumalat ang video ng proposal ni Ethan sa akin, hindi ko inasahan ang dami ng atensyon na natanggap namin. Nakakatuwa na madaming mga kakilala at nagtatrabaho para sa akin ang nagbigay ng kanilang mga congratulatory message. Hindi ako makapaniwalang sa lahat ng pinagdaanan namin ni Ethan ay mauuwi din kami sa totoong kasalan, this time walang pilitang ngyari. Sabik na sabik ako sa buhay na naghihintay sa akin kasama si Ethan. Ngunit sa kalagitnaan ng araw, habang abala ako sa trabaho, biglang bumukas ang pinto ng aking opisina. Nagulat ang sekretarya ko at mabilis siyang sumunod para sana pigilan si Sofia na walang pakundangang pumasok. Hindi ko alam kung paano siya nakalusot sa sekretarya ko. “Mam pasensya na po kanina ko pa po siya pinipigilan pero nagpumilit po talaga siya , hindi ko na po naawat nagwala na po kasi siya sa labas. Hinagis niya ang mga papeles na nasa lamesa ko kaya po pinulot ko muna saka ko siya sinundan.